Sei sulla pagina 1di 1

Cago: Boses ng katotohanan

Dovenie: Sandigan ng bayan, ito ang

GCCRB 107. 5

Dovenie & Cago: RADYO AKTIBO!

Dovenie: Magandang gabi Pilipinas, ngayon ay araw ng Meyerkules May 10, 2023. Ako si Dovenie Zaballero.

Cago: At ako naman si Dara Cago inyong tagapaghatid ng balita sa GCCRB 107.5

Dovenie & Cago: RADYO AKTIBO!

Dovenie: Una sa balita...... Para saan nga ba ang Vitamin k at ano ang mga benepisyo nito sa ating katawan? Dara
Cago, ibalita mo!

Cago: Ayon sa eksperto, ang Vitamin k ay tumutulong sa ating immune system at nagpapalakas din ng ating buto.

Dagdag pa riyan, ang vitamin k ay mahalaga din sa pag proseso ng dugo sa katawan. Ito ay nakukuha natin sa iba't
ibang pagkain tulad ng gulay, prutas at karne.

Ayon naman sa ilang pag-aaral, ang Vitamin K din ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng posibilidad ng sakit
sa puso sa pamamagitan ng pagpigil sa pagbuo ng mga deposits ng calcium sa mga blood vessels.

Sa kasalukyan, patuloy parin ang pag aaral ng mga eksperto sa medisina sa iba't ibang benepisyo ng vitamin k.

Dara Cago, nagbabalita

Dovenie: Salamat Dara, nagbabaga parin ang mga balita sa pag babalik ng RADYO AKTIBO.

Insert: (Adloyy team)

Dovenie: At nagbabalik po ang, RADYO AKTIBO!

Sa ibang balita, Naging usapan ngayon kung ano nga ba talaga ang meron sa Vitamin D?

Andito si Juvy Babate para sa mga detalye. Juvy?

Juvy: Yes Dovenie, Ang Vitamin D ay isang mahalagang bitamina na kailangan ng ating katawan upang mapanatili
ang kalusugan. Isa sa mga pangunahing papel nito ay tumutulong sa ating katawan na mag-absorb ng calcium at
phosphorus upang mapanatili ang kalusugan ng mga buto.

Bukod dito, ang Vitamin D ay nakakatulong din sa pagpapalakas ng immune system ng katawan. Ito ay
nakapagpapataas ng antas ng antibodies sa dugo na tumutulong sa paglaban ng katawan sa mga sakit at
impeksyon.

Mayroon ding mga pagkain tulad ng gatas, itlog, isda, at iba pang mga pagkain na mayaman sa Vitamin D na maaari
nating kainin. Mahalaga rin na kumonsulta sa doktor at mga espesyalista sa nutrisyon upang malaman kung anong
mga supplement at dosis ang dapat na inumin upang maiwasan ang mga posibleng epek

Juvy Babate, nagbabalita

Dovenie: Salamat Juvy, muli ako si Dovenie Zaballero mula sa GCCRB 107.5

All: Radyo aktibo!

Potrebbero piacerti anche