Sei sulla pagina 1di 23

Government Property

NOT FOR SALE


6
Araling Panlipunan
Quarter 1-Module 8:
Week 8, (Ang mga Kontribusyon ng
mga Natatanging Pilipinong
Nakikipaglaban Para sa Kalayaan)

COVER ARTS/
ILLUSTRATIONS/
PHOTO

Department of Education ● Republic of the Philippine


Aral.Pan. - Grade 6
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 - Module 8: (Ang mga Kontribusyon ng mga Natatanging
Pilipinong Nakikipaglaban Para sa Kalayaan; Emilio Aguinaldo)
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Lanao del Norte
Schools Division Superintendent: Edilberto L. Oplenaria, CESO V

Development Team of the Module


Writer/s:
Illustrator and Layout Artist:
Proofreader, In-House Content and Language Editors:
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director
Edilberto L. Oplenaria, CESO V
Schools Division Superintendent
Mary Ann M. Allera
AssistantSchools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Mary Arlene C. Carbonera, Ed.D. OIC-CID Chief
Belen T. Bastillada,Ed.D.,EPS-Science
Connie A. Emborong, Ph.D., LRMS Manager
Jocelyn R. Camiguing, Librarian II
Myles M. Sayre, PDO II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Lanao del Norte
Office Address:Gov. A. QuibranzaProv’l. Gov’t. Comp, Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address: lanao.norte@deped.gov.ph
6
Araling Panlipunan
Quarter 1-Module 8:
(Ang mga Kontribusyon ng mga
Natatanging Pilipinong
Nakikipaglaban Para sa Kalayaan:)

This instructional material was collaboratively developed and


reviewed by educators from public schools. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education at _______________.
We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


TALAAN NG MGA NILALAMAN
Pahin
a

COVER PAGE
COPYRIGHT PAGE
TITLE PAGE
TABLE OF CONTENTS

Aralin 1 – (Ang mga Kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong 1


Nakikipaglaban Para sa Kalayaan)

Alamin 1
Subukin 2
Balikan 6
Tuklasin 7
Suriin 11
Pagyamanin 13
Isaisip 17
Isagawa 18
Puna para sa Guro 19
Tayahin 20
Karagdagang Gawain

Sanggunian 21
Lesson
1 (Ang mga Kontribusyon ng mga Natatanging
Pilipinong Nakikipaglaban Para sa Kalayaan:)

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman:
Nalalaman ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sabahagi ng Pilipinas sa
globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino

Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo

Pamantayan sa Pagkatuto:
Nabibigyang halaga ang mga kontribosyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa Kalayaan, Hal: Emilio Aguinaldo, Gregorio del Pilar, Miguel
Malvar, iba pang bayaning Pilipino

Layunin: Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na;


 Nabibigyang halaga ang mga kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sakalayaan.
 Naisaisaang mga kontribusyon ng mga Natatanging Pilipinong nakipaglaban para
sa kalayaan.
 Naipamalas ang kahalagahan ng mga kontribusyon ng Natatanging Pilipino para
sa Kalayaa
SUBUKIN

Kilala mo ba si Dr. Jose Rizal? Narinig mo na ba ang pangalang Gregorio del


Pilar? Ilan lamang sila sa mga bayaning nag-iwan ng mga
aral at halimbawa sa pagmamahal at pakikipaglaban upang maangkin natin ang
Kalayaan. Ano ang kanilang mga natatanging kontribusyon para sa ating
kasarinlan? Paano nakaapekto ang kanilang ambag sa ating mga buhay bilang
Filipino?
Sa aralin na ito, tatalakayin natin ang kanilang natatanging kontribusyon sa
pakikipaglaban para sa ating kasarinlan .
Sagutin paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa mga paksang tatalakayin. Kinakatawan ng mga salita sa ibaba ang mga
mahalagang kontribusyon ng ilang bayani at pangalan ng mga bayani. Pansinin na
bali-baligtad ang mga titik. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan
ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

Panuto: Ayusin ang mga titik para makuha ang tumpak na salita. Isulat ang iyong
mga sagot sa mga patlang na nasadulo ng bawat item.

1. SASP RTIAD ____________________________________

2. IIEMLO ODGUIANAL ____________________________________

3. AKIB AN TAOB ____________________________________

4. LGIMUE AAVRML ____________________________________

5. NNAAKPITU _____________________________________

6. OLIN EM GERENTA ____________________________________

7. LE EMTOILIFIUSBRS ____________________________________

8. EJOS LIRAZ ___________________________________

9.LGIMUE AAVRML ___________________________________

10. LAPUNANA ____________________________________


Balikan

Bago mo simulan ang talakayan sa araw na ito, subukan mo


munang sagutin ang gawaing ito.
Panuto: Pumili ng tamang salita sa loob ng eroplano na may kaugnayan sa
bawat kahon.

kasunduang bates
Hen. Emilio Aguinaldo

 Mayo 1, 1898
War trophy

William Walter Grayson


Kampana ng Balangiga
1.

Ang
sundalongamerikanonanakaba
rilsasundalong Pilipino satulay
2. ng San Juan.

Pangulo ng
Pilipinasnangsumiklab ang
3. digmaan Pilipino-America

Karapatang
nangangahulugan ng
pagpapatupad ng pagsulong
ng karapatan nila sa Sulu
4.

5.

Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang mahahalagang pangyayari sa


pakikibaka ng mga Pilipino sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikan at natukoy
mo ang mga pangyayaring nagbigay daan sa digmaan ng mga Pilipino laban sa
Estados Unidos.
Tuklasin

Basahin at unawain mong mabuti ang kaalaman tungkol sa Mga Kontribusyon


ng Natatanging Pilipino Para sa Kalayaan.

Si Marcelo H. del Pilar ay tumuligsa sa mga prayleng espanyol sa kanyang


kauna-unahang pahayag ang tagalog, ang “Diyaryong Tagalog “. Noong 1885,
hinimok ni del Pilar ang mga cabeza de barangay (kapitan ng barangay) ng Malolos
na tutulan ang kautusan ng pamahalaan na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga
prayle na baguhin ang talaan ng mga nagbabayad ng buwis. Tinuligsa ni del Pilar
noong taong din yon ang kura paroko ng Binondo dahil sa paglalaan ng piling upuan
sa loob ng simbahan. Ang prayle ay naglaan ng pangit na upuan sa mga Pilipino at
magandang upuan sa mga mestisong Kastila . Naging patnugot siya ng “La
Solidaridad “, ang pahayagang itinatag ng mga propagandista. Noong 12 Enero
1889, pinanguluhan ni del Pilar ang pangkat pampolitika ng Asociación Hispano-
Filipina (Ang Samahang Kastila-Pilipino), isang samahang pambayan na binubuo ng
mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid upang
manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas

Si Jose Rizal ay hindi gumamit ng lakas para makipaglaban, ngunit ginamit


lamang niya ng kanyang pag-iisip, sulat at ang kanyang mga salita para ipakita sa
mga Pilipino na tumayo para sa kanilang sarili at lumaban sa mga kastila. Ginamit
niya ang kanyang panulat para mabukas ang mga mata ng mga Pilipino sa
pangangabuso ng mga kastila. Isa sa mga halimbawa ay ang librong sinulat niya na
“Noli Me Tangere” kung saan ang mensahe dito ay tulad sa iba niyang akda na ang
mga Pilipino ay dapat lumaban para sa kanilang kalayaan, pang-aabuso ng mga
Kastila at ang paggamit pangangangbuso ng mga Pilipino. Ipinapakita niya at
binubukas ang mga mata ng Pilipino na lumaban para sa kanilang karapatan. Ang
“Mga Kababaihang taga Malolos” ay nagsasaad na dapat lumaban sila para sa
karapatan nila na mag-aral at dapat apat malakas ang kanilang loob para lumaban
para sa sarili.
Ang La Liga Filipina ay isa ring samahan itinatag ng mga Pilipino.
Nanguna sa pagtatag nito si Jose Rizal. Layunin ng samahan na humiling ng mga
pagbabago, matamo ang pagkakaisa ng buong bansa, proteksyon, mapaunlad ang
edukasyon, agrikultura at kalakalan, at pag-aaral. Ito ay nabuwag dahil sa
pagkadakip ni Rizal. Siya ay ipinatapon sa Dapitan, Zamboanga. Maraming kasapi
nito ang naghangad na pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa mga Espanyol.

Si Andres Bonifacio, kasama ang ilang makabayan ay nagtatag ng


Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan noong Hulyo
7, 1892. Tinawag na katipunero ang mga kasapi ng katipunan. Mapanganib ang
pagsapi dito dahil itoy lihim na samahan ng mga manghihimagsik. Siya ay
binansagang ” Ama ng Katipunan”. Layunin ng Katipunan na maghimagsik laban sa
Espanya at palayain ang Pilipinas. Si Bonifacio ang naging Supremo ng samahan.
Natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan, kaya tumakas sina Bonifacio at ibang
kasamahan. Nagtipon-tipon sila sa Pugadlawin at doon ay ipinasiya nilang simulan
na ang himagsikan. Sa labanan sa San Juan, umurong sina Bonifacio dahil sa lakas
ng kalaban. Pero kahit nabigo ang kanilang unang pagsalakay, mabilis namang
kumalat ang rebolusyon.

Si Emilio Jacinto, ang “Utak ng Katipunan“, ay pinagkakatiwalaang kaibigan ni


Bonifacio. Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto
ang pinakabata sa lihim na samahan na tinawag na Katipunan. Naging tagapayo
siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrés Bonifacio. Lumaon ay nakilala
siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna.
Siya ay nakasulat ng mga akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan.
Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan na tinatawag na
Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na
"Pingkian" sa Katipunan.

Isa din Emilio Aguinaldo sa mga nagpamalas ng lakas upang ipaglaban ang
ating kalayaan. Naitatag at patuloy ang pagkilos ng Rebolusyonaryong pamahalaan
sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Si Emilio Aguinaldo ang pangulo ng Rebolusyonaryo
makaraang buuin ang Kongreso sa Malolos at ratipikahin ang kasarinlan at
konstitusyon noong Enero 21,1899 at ipinahayag ang Kalayaan ng Pilipinas noong
Hunyo 12,1898 at iwinagayway ang bandila ng Pilipinas sa Kawit,Cavite .
Sa pakikipagkasundo ni Aguinaldo sa mga mananakop, nakasaad na
ipatatapon ang mga rebolusyonaryo sa Hong Kong. Isusuko nila ang kanilang mga
armas para sa salapi at sa pangakong pagpapawalang-sala sa kanilang pag-aalsa.
Ito ang tinawag na Kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan noong Disyembre 15,
1897. Sa pagputok ng Digmaang Español-Amerikano, bumalik ang grupo ni
Aguinaldo (ang Hong Kong Junta) sa Pilipinas. Kalagitnaan ng 1898 nang pinili
nilang ipagpatuloy ang rebolusyon. Mayo 28, 1898 nang unang iwagayway ang
bandila ng Pilipinas sa labanan sa Alapan. Pormal na inihayag ang kasarinlan ng
bansa noong Hunyo 12, 1898 nang iwagayway ni Aguinaldo ang bandila sa Kawit,
Cavite. Doon din unang pinatugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas.

Ngunit nadakip sya sa Palana,Isabela noong Marso 23,1901 at dinala sa


Maynila. Nanumpa ng katapatan sa Estados Unidos at nag utos na sumuko ang
kanyang mga kasama na naging hudyat sa katapusan ng digmaang Pilipino

Mahalaga din ang ginagampanan ni Apolinario pagkakatatag ng Republika sa


Malolos. Bilang mason, naging instrumental ang papel na ginampanan ni Mabini
simula nang maging kasapi siya ng Lohiya Balagtas sa ilalim ng pangalang Katabay.
Isa ang Lohiya Balagtas na nanguna sa pagrereporma sa kilusang Masonerya sa
Pilipinas. Naging aktibong kasapi si Mabini sa itinatag ni Rizal na La Liga Filipina.
Kasama sina Bonifacio at iba pang mason at mga aktibong kasangkot sa
kampanyang baguhin ang lipunan, naging malalim ang pakikilahok ni Mabini sa La
Liga. Ang pagdakip, pagpapatapon at sa huli’y ang pagpatay kay Rizal at iba pang
mga rebolusyonaryo ang nagpabago sa paninindigan ni Mabini. Nakumbinsi siyang
kailangan na nga ng isang armadong paghihimagsik na tatapos sa kolonyal na
pananakop ng mga Espanyol.

Hindi na lamang siya naging tagapayo, kinilala ni Aguinaldo ang kakanyahan


niyang isulat ang ilan sa pinakamahahalagang dokumento ng rebolusyong Pilipino.
Ang mga kasulatang ito ang gagabay sa bagong tatag na republika sa kanyang
unang hakbang sa kalayaan. Ilan sa mga sinulat niya ang El Verdadero Decálogo
at Ordenanzas de la Revolución. Ang una ang naglinaw sa moral at etikal na tindig
ng himagsikan, samantalang ang ikalawa naman ang nagbigay ng balangkas sa
pagsasakatuparan ng administrasyon ng rebolusyon. Isinama ni Aguinaldo si Mabini
sa Malolos sa binuong Kongreso sa Barasoain. Doon naging hayag ang tindig ni
Mabini sa iba’t ibang usaping konstitusyonal at rebolusyonaryo. Sinulat niya ang
borador ng konstitusyon sa pamamagitan ng Programang Konstitusyonal ng
Rebolusyonaryong Pamahalaan.

Si Miguel Carpio Malvar na isang Pilipinong Heneral ay nagsilbi noong


Rebolusyong Pilipino at noong Digmaang Pilipino-Amerikano. Bilang kumander ng
militar, siya ay nag-coordinate ng mga opensiba kay Heneral Emilio Aguinaldo,
pinuno ng mga rebolusyonaryo sa Cavite at Heneral Paciano Rizal, pinuno ng mga
rebolusyonaryo sa Laguna.
. Naging gobernadorsilyo siyá sa Santo Tomas at agad nakilaban nang
sumiklab ang Rebolusyong Filipino. Noong 31 Marso 1897 ay hinirang siyáng
tinyente-heneral ni Heneral Emilio Aguinaldo. Pagkatapos, naging komandante
heneral siyá para sa lalawigan ng Batangas. Siyá ang hulíng nagsuko ng armas
pagkatapos ng Kasunduang Biyak-na-Bato. Sumunod siyá kay Aguinaldo sa Hong
Kong pagkaraan ng isang taon. Nang bumalik siyá sa Filipinas noong 15 Hunyo
1898 ay may dala siyáng dalawang libong riple. Nagtayô muli siyá ng hukbo sa
Batangas, Mindoro, at Tayabas (Quezon ngayon) at naging komandante heneral
para sa Katimugang Luzon.

Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Amerikano ay nahirang siyáng brigadyer


heneral at nangasiwa sa mga pagtatanggol sa Katimugang Luzon. Magiting na
ipinagtanggol ng kaniyang pangkat ang mga bayan ng Pagsanjan, Pila, at Santa
Cruz sa Laguna. Nang manghinà ang buong hukbong Filipino, naglunsad ng
kilusang gerilya si Malvar sa paligid ng Bundok Makiling. Nang madakip si
Aguinaldo, ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa mga Amerikano hanggang
noong 16 Abril 1902. Pagkaraang sumuko, namuhay siya nang tahimik at nagbalik
sa pagsasaka at pagnenegosyo.

Si Macario de Leon Sakay ay lider- Katipunero at pangulo ng Republikang


Tagalog, isang pamahalaang rebolusyonaryo na itinatag niyá upang ipagpatuloy ang
pakikibáka laban sa mga Americano.
Sumapi siyá sa Katipunan at naging matalik na kaibigan ni Andres Bonifacio.
Naging pangulo siyá ng Dapitan, isa sa pinakamalakas na konseho sa kilusang
mapanghimagsik. Noong 1896, pagkaraan ng labanan sa Pinaglabanan, isa siyá sa
mga pinunò ng Katipunerong naglagi sa kabundukan ng Marikina at Montalban.

Sa Digmaang Filipino-Americano, naglingkod siyáng lihim na muling


tagapagbuo ng Katipunan sa Maynila. Nadakip siyá at nakalaya lámang nang
magpahayag ng amnestiya ang pamahalaang Americano noong Hulyo1902.
Nagtatag siyá ng mga pangkating gerilya sa Timog Katagalugan, lalo na sa mga
lalawigan ng Rizal, Cavite, Laguna, at Batangas. Lumakas ang kaniyang pangkat at
noon niyá ipinahayag ang Republikang Tagalog na siyá ang pangulo at si Francisco
Carreon ang pangalawang pangulo. Ang Republikang Tagalog ay may sariling
saligang-batas, bandila, sistema ng pagkolekta ng buwis, at regular na hukbo.

Noong 1905, sa tulong ni Dominador Gomez, isang pinagtitiwalaan niyáng


lider manggagawa noon, ay nakumbinsi siyáng sumuko. Nangako ang mga
Americano, sa pamamagitan ni Gomez, na bibigyan ng amnestiya ang lahat ng
tauhan ni Sakay. May pangako rin noon ang mga Americano na bubuuin ang
Pambansang Asamblea kung magkakaroon ng ganap na katahimikan. Kasáma ang
kaniyang mga heneral ay bumabâ si Sakay mula sa himpilan sa Tanay, Rizal.
Gayunman, sa isang piging sa Cavite ay bigla at pataksil siyáng hinuli, ikinulong, at
madaliang nilitis. Noong Setyembre 13, 1907, binitay siyá at ang isang matapat
niyáng heneral na si Lucio de Vega.

Si Cayetano Arellano ay kilala sa kanyang katalinuhan sa batas. Noong 1886


ay nahirang siyang "Mahistrado Suplente". Naging kagawad naman siya sa
"Asemblea Provincial" noong 1893, hanggang siya sa siya'y maging "Mahistrado
Suplente dela Audiencia Territorial de Manila".

Naatasan siyang Punong Mahistrado ni Gobernador Heneral William Taft


noong Hunyo 15, 1901. Siya ang nahirang ni Pangulong Theodore Roosevelt upang
kumatawan sa Estados Unido at sa Pilipinas nang magdaos ng pulong ang mga
huriskonsulto buhat sa iba't ibang panig ng daigdig noong 1904. Pinagkalooban soya
ng karangalan "Doctor en Leyes" ng Unibersidad ng Yale. Sa kabila ng mga
katangian at karangalang ito ay may isang kaugaliang maitatatangi sa kanya. Ito ay
pagiging isang mabuting Katoliko, Anga araw ng Linggo ay inilaan niya sa
pananalangin at pagbabasa ng banal na aklat.
Si Don Cayetano ay namatay noong Disyembre 23, 1920 at may habiling
huwag tatangap ng mga alay na bulaklas at ilibing siyang isang pangkaraniwang tao
lamang. Itinatag ang Kolehiyong Pangbatas ng Arellano (ngayon ay Unibersidad ng
Arellano) noong 1938, 18 taon mula ng siya ay namatay.

Si Teodoro Manguiat Kalaw ay isang manunulat, ilan sa mga kinatha ni Kalaw


ang Mi Pagina Diaria, La Campaña de Kuomintang, Reformas en La Enseñanza del
Derecho, La Constitucion de Malolos, Teorias Constitucionales (1912), The
Constitutional Plan of the Philippine Revolution (1914), at La Revolucion Filipina.
Noong 1903, nagsimula siyá ng magsulat para sa El Renacimiento, isang
nangungunang pahayagan na kritikal sa mga abusadong opisyal sa pamahalaang
Americano. Noong 1907, siyá ang naging pinakabatàng patnugot nitó. Noong 1908,
sinakdal siyá sa kasong libelo ng Kalihim Panloob na si Dean Worcester para sa
pagpapalimbag ng editorial na “Aves de Rapiña.” Nagsilbi lámang itong dagdag sa
katanyagan ni Kalaw, lalo sa hanay ng mga nasyonalistang Filipino. Sa dami at
husay ng kaniyang mga isinulat mula 1900 hanggang 1940, binansagan ang mga
taóng ito ng historyador na si Teodoro Agoncillo bilang “Panahon ni Kalaw.”
Pagsusuri sa Larawan: Suriing Mabuti ang Larawan, sagutin ang mga
katanungan basi sa mga natuklasan mo sa larawan.

1. Anong mga bansa ang


kinakatawan ng nasa
larawan?
_______________________
_______________________

2. Ano ang hinihingi ng isang


Bansa?
_______________________
_______________________

3. Ano ang magiging resulta sa


kanilang usapan?
_______________________
_______________________
https://polandball.fandom.com/wiki/Philippine-American_War

Binabati Kita

Pagkatapos masuri ang iyong mga kaalaman tungkol sa mga kontribusyon ng


mga Natatanging Pilipinong, gamitin ang mga kaalamang ito para sa
talakayang gagawin sa susunod na bahagi ng aralin, ang PAGYAMANIN.
Pagyamanin

Ang pagkilala at pagmamalaki sa kanilang mga nagawa ay masasabing sapat


na upang magpasalamat sa kalayaang tinatamasa nating mga Pilipino. Ano-ano
nga ba ang mga naging kontribusyon ng mga natatanging Pilipino para sa kalayaan
ng ating bansa? Sino-sino ang mga tinatawag nating mga natatanging Pilipino na
may kinalaman sa pagkamit natin ng kasarinlan? Magbigay ng tigtatlong
Kontribusyon ng Natatanging Pilipino Para sa Kalayaan. Isulat ito sa patlang.

Andres Bonifacio
Hen. Emilio Aguinaldo Dr. Jose Rizal

https://www.google.com/search?q=andres+bonifacio

q=jose+rizal=
https://www.google.com/search?
q=emilio+aguinaldo

Mga Kontribusyon
Apolinario ng
Mabini
Natatanging
Pilipino Para sa
Kalayaan

Apolinario Mabini Marcelo H. Del Pilar

Emilio Jacinto

q=marcelo+h+
Isaisip

Panuto: Sagutin ang tanong na: Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng mga
natatanging Pilipinong nakipaglaban para sakalayaan? Punan ang graphic organizer
sa ibaba.

Mahalaga ang mga kontribusyon ng mga


natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa
kalayaan dahil______________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________
___.

_____, ______at_____.
Isagawa

Ngayon ay alam muna kung bakit karapat- dapat nating tularan ang ating mga
bayani.Tunay nga silang kahanga-hanga dahil sa kanilang mga nagawa. Sa
panahon natin ngayon, simple lang ang ibig sabihin ng bayani. Ang bayani ay ang
mga kababayan nating tumutulong sa kapwa para sa kapakanan ng ating Inang
Bayan, para sa ikauunlad ng lahat at para makamit natin ang tunay na kalayaan.

https://www.google.com/search?
q=makabagong+bayani+sa+modernong+panahon&tbm=isch&hl=en&chips=q:makabagong+bayani+sa+modernong+panahon,o
nline_chips:bayaning+pilipino&rlz=1C1CHBD_enPH834PH834&hl=en&ved=2ahUKEwi3ptD31tbpAhVER5QKHVGJDbIQ4lYoC
HoECAEQHQ&biw=1349&bih=657#imgrc=ZUW1-CMcKdDbcM

Sa tulong nga mga larawan kilalanin ang bawat bayani ng Pilipinas. Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:

1. Ano nga ba ang batayan ng pagiging bayani?


2. Ano maaari mong gawin upang masasabi mo na ikaw ay isang bayani?
3. Bilang isang mag-aaral sa Grade 6, ano ang mahalagang sangkap para ikaw
ay tawaging bayani sa makabagong panahon?

Tayahin

Matapos mong isakatuparan ang mga gawain sa bahagi ng pagyamanin, isaisip at


isagawa, may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa mga kontribusyon
ng mga natatanging Pilipino para makamit ang kalayaan. Sagutin ang pagtataya
upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksangtinalakay.

1. . Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:


Tagapayo ni Emilio Aguinaldo , Utak ng Rebolusyon, Dakilang Lumpo/Paralitiko
A. Apolinario Mabini
B. Gregorio del Pilar
C. Emilio Jacinto
D. Jose Rizal

2.Siya ang naging unang pangulo ng Republika ng Pilipinas?


A. Andes Bonifacio
B. Jose P. Rizal
C. Emilio Aguinaldo
D. Marcelo H. Del Pilar

3. Itinayo ni Macario Sakay ang Republika ng Katagalugan bilang paglaban sa


pamahalaang Kolonyal na Amerikano.
A. Tama B. Mali
Addi Karagdagang Gawain

Panuto: Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng iyong pagpupugay sa mga


mahahalagang nagawa o kontribusyon ng mga natatanging Pilipinong nakipaglaban
para sa kalayaan. Gamitin ang graphic organizer na may
#bayaningPilipino,mahalaga ka.

#bayaningPilipino,mahalagaka.
Answer Key/ Talaan ng kasagutan

References

 https://prezi.com/p/ltpd 9jaj4cju/kontribusyon-ng-nga-natataging-pilipinong-
nakipaglaban-para-sa-kalayaan Retrieved May 18, 2020.
 Ferdinan S, Gregorio, L. B. (2013, June 12). Isang Pagpupugay sa ating mga Bayani
at sa Pamana nilang Kalayaan.Retrieved May 18, 2020, from National Historical
Commission of the Philippines: nhcp.gov.ph/%EF%BB%isang- Pagpupugay- sa -ating
-mga –Bayani- at -sa –Pamana- nilang Kalayaan/.

For your guide,

https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/chicago_manual_17th_edition/cmos_formattin
g_and_style_guide/chicago_manual_of_style_17th_edition.html

you can also use citation machine generators: citethisforme.com and citefast.com
(OUTSIDE BACK COVER)
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Lanao del Norte


Office Address:Gov. A. QuibranzaProv’l. Gov’t. Compound,
Pigcarangan, Tubod, Lanao del Norte
Telephone Nos.: (063)227 – 6633, (063)341 – 5109
E-mail Address : lanao.norte@deped.gov.ph

Potrebbero piacerti anche