Sei sulla pagina 1di 76

Talambuhay

Mabuti nalang at ipinanganak si Jorge Bocobo noong Oktubre 19, 1886. Siya lang naman ang nagsalin sa
wikang ingles ng mga nilikha ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo at Dekalogo ni
Andres Bonifacio.

Si Bocobo rin ang nagsalin wika ng isang sinaunang batas ng mga Pilipino na sinasabing naisulat noon
1433 ni Datu Kalantiaw, kilala ito sa tawag na Kodigo ni Kalantiaw. Ngunit, kalauna’y napatunayan na
ang dokumento na patungkol sa Kodigo ni Kalantiaw ay peke at gawa lamang ng nagngangalang si Jose
Marco.

Naging malaking impluwensiya rin si Bocobo sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Pilipinas. Nagturo siya sa
U.P. College of Law mula 1914 hanggang 1917 at naging hukom sa Supreme Court noong 1942 hanggang
1944.

Isa rin si Bocobo sa principal author ng Civil Code of the Philippines at dahil dito ay nabigyan siya ng
Presidential Award of Merit ni President Elpidio Quirino noong 1949.

Pumanaw si Jorge Bocobo noong Hulyo 23, 1965.

A VISION OF BEAUTY

By: Jorge Bocobo

A sad paradox in our country is that while our flora is rank and lush, we have practically no parks where
trees grow luxuriantly, and our streets and roads are bleak when they should be lined with shade and
flowering trees. For many years , I have conjured up in my mind a beautiful Philippines . with rows of fire
trees, kakawatis, banabas, floridads, dapdaps, golden showers, and other flowering trees, and also
mangoes, bamboos, sampaloks, santols, narras, acacias, and other shades on both sides of our streets
and roads.

This dream of beauty for our country is intensified to the point of poignant longing whenever I travel in
Europe, America and Australia where I behold such a riot of colors in public parks and home gardens,
soothing, uninterrupted green foliage everywhere.
All this vision of beauty can come to a fascinating reality all over our country if we Filipinos will but take
up this matter more seriously and assiduously. Let us not emphasize tree-planting but instead caring for
trees. Our people, especially the school children, have planted countless trees on so many past arbor
days, but the trees have died, for they were abandoned after the first few weeks.

A tree is not just an intimate and meaningless thing. To the man with a fine sensibility, a tree has a
personality, as it were, which grows into his life as the years go by. For example. There is on my lot on
Villaruel Street, Pasay City, a tall dita tree, as high as a six-storey building ; perhaps it is the tallest tree in
this town. It is so high that during the last war the Japanese garrison nearby ordered me to have it cut by
at least 5 meters because it might be used by guerillas. I have looked up at it practically everyday of the
last thirty-two years. It is a forest tree and this fact alone gives me the sensation of being in a forest,
which lends me a serenity of soul and a meditative mood. How refreshing this tree is to me, after the
day’s toil and tension, as I look up to it etched against a star-strewn sky! When I see some birds (gray
and colorless) nest on its highest branches, unafraid because they know they are safe from human
cruelty, I feel that a man’s life should be like that of this tree, shielding the poor and helpless and
helping them enjoy freedom.

There are other trees in my lot: sampalok, chico, macopa, caimito, - that give us fruits in abundance. But
I wish especially to mention one tree: IT IS AN AURICARIA OF THE PINE FAMILY. Its branches are so
symmetrical that people commonly call it the Christmas tree. Indeed every Christmas we cut the top,
two meters high, which we use for our Christmas tree. On the very top of this tree, there is always a
star-shaped formation of branches and leaves, and the mellow charm of the new day casts upon my soul
and indescribable inward peace.

On my neighbor’s lot grows a santol tree near the boundary, so near that some of its branches hang
over my lot and almost reach the window of my room. Nearly every morning I greet the dawn through
the foliage of this santol tree. On a clear morning the dazzling brilliance or sunrise is subdued by the
branches and leaves, and the mellow charm of the new day casts upon my soul and indescribable
inward peace.
Some of the leaves of this tree remind me of autumn in America and Europe because they are deep red
or golden. When they fall to the ground, they form a sort of Persian carpet.

Throughout my life I have remembered the trees in our homelot when I was a boy in Gerona, province
of Tarlac. Most of them are dead and their withered trunks and branches have long been burned in the
typical earthen kalang. But they have always been fresh and luxuriant in the garden of my recollections.
They loomed before me the ageless sampalok; there was deep gloom among the branches even at
noon.

TALAMBUHAY

Ipinanganak si Zoilo Galang noong 27 Hunyo 1895 sa Bacolor, Pampanga. Lumaki


siya sa tangkilik ng kulturang Kastila at nagkamalay sa ilalim ng impluwensiya ng
kulturang Amerikano. Nagtapos siya sa Pampanga High School. Nagtrabaho siya
bilang takigrapo sa Kastila at Ingles. Nag-aral siya ng abogasya na tila hindi niya
tinapos. Sa sariling pananaliksik at pag-aaral nagmula ang marami at malawak
niyang kaalaman na nakikita sa kanyang mga akda.
Kilala si Galang sa kasaysayan ng panitikan sa Pilipinas bilang isang
tagapagpaunang manunulat sa wikang Ingles. Siya ang sumulat ng unang nobela na
pinamagatang A Child of Sorrow (1921), unang kalipunan ng alamat at kuwentong
bayan sa Tales of the Philippines (1921), unang kalipunan ng mga sanaysay sa Life
and Success(1921) at unang kalipunan ng maiikling katha sa The Box of Ashes and
Other Stories (1924). Matatagpuan ang kanyang ilang sanaysay sa The Best Thing
in the World (1924) at Master of Destiny (1924).
Narito pa ang ilan sa kanyang mga isinulat:
1. Casaquitan at Ligaya, nobelang Kapampangan (Kahirapan at Ligaya, 1919)
2. Ing Capalaran – Ing Galal Ning Bie, nobelang Kapampangan (Ang Kapalaran –Ang
Gantimpala ng Buhay, 1923)
3. Visions of the Sower, nobela (1924)
4. Capatac a Lua, nobelang Kapampangan (Isang Patak ng Luha, 1925)
5. Nadia, nobela (1929)
6. Springtime, nobela (1929)
7. Flower of Civilization, nobela (1950)
8. PPI Versus John Doe, nobela (1950)
9. For Dreams Must Die, nobela (1950)
10. Inspiration and Other Stories, maiikling katha (1957)
11. From Darkness to Light, maiikling katha (1957)
Isa rin siya sa mga nagsikap na maipalimbag ang 20 tomo ng encyclopedia tungkol
sa Pilipinas noong 1957 na muntik nang hindi mangyari dahil sa pagkasunog ng
manuskrito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naging abala rin si Galang sa
pagsulat ng kasaysayan at mga babasahin para sa mag-aaral ng mababang
paaralan, gaya ng Leaders of the Philippines (1932), Important Characters in
Philippine History (1939), Mario and Minda (1940), Hero of Tirad Pass and
Others(1949), Mr. Perez, Teacher (1950) at Home, School and Community (1950).
Mula sa “Introduksiyon” ni Lourdes H. Vidal sa Ang Kapalaran ni Zoilo Galang, isang
nobelang Kapampangan na isinalin ni LH Vidal (ADMU Press, 1991).

SUMMARY

              "A Child's Sorrow" is the very first Filipino novel written in English. It was published in 1921 by
Zoilo Galang, a Filipino Novelist. 

                The story was set one summer when Lucio Soliman decided to accompany his friend Camillo
in the beautiful town of Merry Town, Camillo's hometown. Lucio was a very poetic man who'd prefer
sitting all day just to read. But because his friend was to eager to show his friend reality, he insisted
that Lucio must take a vacation in their town.

                 Their she met a young, innocent, and delicate maiden that made Lucio's heart beat by the
name of Rosa Garcia.  He felt in love with her. And as Lucio describe the love he felt towards this girl,
he said it will make Apollo's lyre play. He was madly in love. Rosa felt the same towards Lucio.

                Until the end of summer vacation drew near and they knew they have to be temporarily
apart. Lucio has to pursue his dreams, he studied. Known for his intelligence, he became a popular
person. He became very busy, but still he misses the company of his dearest loved. He became
sorrowful. Not until Rosa wrote a letter to make him bliss. Then he regained his strength. They have
not forgotten the love that empowers both of them.  Until a celebration in merry Town paved way for
the lovers to reunite. Lucio was invited to speak in the public. But the Governor ( Rosa's Father) was
not please and her has this ill feeling towards Lucio. He instantly asked Oscar ( His most trusted man
and Rosa's persistent suitor) who is the man speaking. When he found out that it was her child's
fiancee, he was not happy. 

                 
                  Days, week, and months had passed they were surprise of the news that Rosa will be
married not to his fiancee, but to Oscar. But because Lucio was to obedient to his parent, he permitted
Rosa to marry Oscar which made both of them sorrowful .It was hard for him though. But he just
wanted Rosa to follow her mother.  Though Rosa  does  not want to marry Oscar, she was forced to
because he was raped. For the sake of her " delicadesa"  she was betrothed to Oscar. 

                 Later had passed Lucio's father died, and after several weeks his love, Rosa died. This made
Lucio felt a lot more of sorrow.
Si Nestor Vicente Madali Gonzales o mas kilalang N.V.M Gonzáles ay isa sa mga pinagpipitaganang
prolipikong awtor ng panitikan sa wikang Ingles, propesor, at peryodista. Igi- nawad sa kaniya ang
Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 1993. Ang kaniyang mga akdang nobela, maikling
kuwento, at sanaysay ay naghayag, sumalamin, at nag-ambag sa paghubog ng kultura at sensibilidad ng
ating bansa sa paraang hindi madali dahil sa hiniram na dayuhang wika ang kaniyang naging
kasangkapan at sa dekalibreng estilo ng prosa na bihira at kaniya lámang.

Ang kaniyang mga nailimbag na pamana sa bayan ay ang mga nobela: The Winds of April (1941); The
Bamboo Dancers (1957); A Season of Grace (1974); mga kalipunan ng maikling kuwento: Seven Hills
Away (1947); Children of the Ash-Covered Loam and Other Stories (1954); Look, Stranger, on this Island
Now (1963);Selected Stories (1964); Mindoro and Beyond: Twenty-One Stories(1989);Bread of Saltand
Other Stories (1993); at mga sanaysay: Work on the Mountain (1991); at The Novel of Justice: Selected
Essays (1996). Itinanghal niya ang saysay at salaysay ng kaniyang Mindoro, ang migrante sa kaniyang
pakikipagsapalaran at sakripisyo, at ang pangarap-pagpupunyagi at pag-asa sa kalikasan ng ikid ng
pagsilang at pagpanaw.

Kinilala ang kaniyang galíng sa maraming parangal gaya ng Commonwealth Literary Award (1941); Re-
public Award of Merit para sa Literatura (1954); Republic Cultural Heritage Award (1960); Jose Rizal Pro
Patria Award (1961); Gawad Sentrong Pangkultura ng Pilipinas para sa Sining sa Literatura (1990);
Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng UMPIL (1991); at Gawad Diwa ng Lahi ng Lungsod Maynila
(1996).

Isinilang siyá sa Romblon, Romblon noong 8 Setyembre 1915. Ang kaniyang amang si Vicente Gonzales
ay superbisor ng paaralan at ang ina niyang si Pastora Madali ay guro. Napangasawa niya si Narita
Manuel at mayapat siláng supling, sina Nestor Ibarra, Selma, Michael at Lakshmi. Nag-aral siya sa
Mindoro mula 1927 hanggang 1930, at sa National University noong 1933, ngunit hindi siyá nagkaroon
ng digri sa kolehiyo. Gayunman, nagawa niyang makapagturo sa Unibersidad ngSantoTomas,Philippine
Women’s University,at sa loob ng 18 taon sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagturo din siya sa Estados
Unidos at nagkamit ng mga writing at travel grants .(RVR)

My Islands
N.V.M. Gonzales

Even as the bough breaks

from the sheer weight of song

so does my heart break with love,

soo will my rivers flow

to kiss the sea's warm eternal breast,


so will my islands poise their hills

against the sun.

My heart is proud 

of this dream and prouder yet my rivers

of the fate that keeps the pace

of tides and moons, and prouder

still my islands of their hills.

April Morning

By Angela Manalang Gloria

I ran to the garden this morning

To scatter my thoughts of you

And empty my heart of yearning

And fill my arms with the blue.

I reached for the sky, but its glistened

In the whitening unconcern,

And when I stood still and listened,

Morning hid under a fern.

A water hyacinth lifted

Its blue eyes in ridicule

As the shining sun-pollen drifted

Away over the grass and pool.

And the spider lilies grew charry

And heart grew in me;


How could I gather a starry

Beauty that would not be?

Or fill my arms with the bluer

Skies of an April day/

You are my April – and you were

A thousand miles away!

talambuhay

Si Estrella Alfon ay ipinanganak sa Cebu noong 1917. Siya ay kilala bilang


manunulat ng maikling kwento, mamahayag, at playwright. Kahit siya ay
Cebuana, halos lahat ng kanyang sulat ay nasa wikang Ingles. Hindi tulad sa
kapwa niyang manunulat sa panahon niya, hindi siya isang intelligentsia. Siya ay
nag-aral ng kolehiyo sa kursong medicine, ngunit noong siya ay inakalang may
tuberculosis dahil sa maling pagsusuri sa kanya, siya ay huminto sa pag-aaral
noong nasa pre-medical education na siya at nag-aral ng sining.

Siya ang kaisa-isahang babae na miyembro ng Veronicans, isang grupo ng mga


manunulat noong 1930s na pinanguhan nina Francisco Arcellana at H.R Ocampo.
Noong 1974 at 1979, nakakuha siya ng gawad galing sa Palanca Awards.

Summary of Magnificence by ESTRELLA ALFON

There is couple with a son and a daughter. Their parents have a good job. They go to school. Their
mother is a president in their village. In a meeting the man volunteered to be their tutor because he
doesn’t do anything in the evening also for an extra job. His name is Vicente. He is a bus conductor. So
he went to the house every night to teach the kids.

He promised the kids to give them 2 pencils each. One night he gives the pencil to the kids. That time
it was the "it". The children in this time want pencils. Vincent is nice to the children. He knows their
wants. But when he gave the pencil, he gives 3 pencils for the girl and 2 for the boy. Their mother said to
say thank you. The boy kissed Vicente but Vicente told him that boys don't kiss boys. Then the girl goes
to Vicente to say thank you. He hugs her so tight and the girl started to get out of his too tight hug. The
girl looks at Vicente with a little wonder on his face. The next day they were so proud and happy with
their new pencils. They showed it to their friends in class. They also thought of asking Vicente for new
pencils.

In dinner they talked a little about Vicente but the father is busy reading something. He did not listen
to what the mother said. The mother thinks that Vicente is fond of the children with the way he is
treating them. That evening Vicente arrived earlier. The children are proud of the pencil. Their
classmates are jealous with their new pencils given by Vicente. He asked the little boy to get him a glass
of water. Then he put the girl on his lap. Then he let the girl write her homework. The little girl told him
not to carry her because she is heavy. Vicente is perspiring, and his eyes are strange. Then the girl
jumped out of his lap because she became afraid. Then their mom arrived. She rubs the girls back and
told them to go upstairs. The mother slapped the man repeatedly. Vicente just accepts the entire slap
that the mother gave him. Then he went out of the house. The mother closed the door. She gives a bath
to the girl. Then she asked them to throw the pencil. Then she put her to sleep.

Si Lópe K. Sántos ay pangunahing manunulat at makata, lingguwista, at lider manggagawa.

Noong 1900, nagsimula si Santos bilang peryodista sa iba’t ibang diyaryo hanggang maging editor ng
Muling Pagsilang, Lipang Kalabaw, at iba pa. Nakapagsulat si Santos ng sampung tomo ng mga tula.
Kasáma sa mga itinuturing na mahahalagang koleksiyon niyá ang Puso at Diwa(1908), Mga Hamak na
Dakila(1945), Ang Diwa ng mga Salawikain (1953), at ang tulang pasalaysay na Ang Pangginggera (1912).
Sa anim na nobela niyá, tampok ang Banaag at Sikat (1906), na may diwaing sosyalista.

Isa rin siyáng kritiko ng panitikan. Kabílang sa pinakamahahalaga niyáng kritisismo ang “Peculiaridades
de la poesia Tagala” (1929), “Tinging Pahapyaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog,” “Ang Apat na
Himagsik ni Balagtas” (1955). Malaki rin ang naging ambag ni Santos sa pagtataguyod ng wikang
pambansa. Naging direktor siyá ng Surian ng Wikang Pambansa at awtor ng Balarila ng Wikang
Pambansa na naging opisyal na teksbuk sa pagtuturo ng wikang Tagalog.

Naging aktibo rin si Santos sa politika. Naging gobernador siyá ng Rizal, unang gobernador ng Nueva
Vizcaya, at senador ng ika-12 distrito. Bilang senador, inakda niyá ang Araw ni Bonifacio at mga batas
para mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa. Kasáma rin siyá ni Isabelo de los Reyes na nagtatag
ng Union Obrera Democratica(1902). Naging pangulo rin siyá ng Union del Trabajo de Filipinas,
tagapagtatag at pangulo ng Congreso Obrero.
Ipinanganak siyá noong 25 Setyembre 1879 sa Pasig, Rizal. Anak siyá nina Ladislao Santos at Victoria
Canseco (nang lumaon, babaybayin ni Santos ang Canseco gamit ang titik K). Napangasawa niyá si
Simeona Salazar. Maagang natuto si Santos ng pag-iimprenta sa kaniyang amang nagtatrabaho sa isang
imprenta. Nag-aral siyá sa Escuela Normal Superior de Maestros at Escuela de Derecho sa Maynila at
natamo ang kaniyang batsilyer sa sining mula sa Colegio Filipino. Namatay siyá noong 1 Mayo 1963.

Buod ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos

Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at


paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak
ng isang mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang
pagkamuhi sa mga paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan
nito sa mga maralitang kasama sa bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan
niya ang kanilang kayamanan, pumasok na manggagawa sa isang palimbagan, at
nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si Tentay. Samantala,
siya’y nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa Maynila.
Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang
pagtingin sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay
nakapagpalubha sa pagkamuhi ni Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay
sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng
batas, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na
kalayuan at patas na ginhawa sa buhay.
Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siya’y sumunod. Subalit itinuro
niya sa mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang
karapatan. Sa galit ng ama, siya’y pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik
siya sa datingpinapasukan sa Maynila at hinikayat si Tentay na pumisan sa
kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas at lubos na
naniniwala sa malayang pag-ibig.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan
sa ilang taong nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom,
nagtitiis at namamatay sa karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak
sa kayamanan ng mga magulang. Siya’y isang mahirap na ulilang pinalaki sa
isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay naglilingkod siya bilang
manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe, bagamat
hindi kasing radikal nito.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang ito’y daanin
sa marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-
akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng
iilang mayayaman, sa pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng
mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may
asawa na. Ang mga dalaga’y sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang
abogado, si Madlanglayon. Ang kasal nila’y napakarangal at napakagastos, isang
bagay na para kina Felipe at Delfin ay halimbawa ng kabukulan ng sistema ng
lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang kapararakan kung lumustay
ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat sa pagkain at
sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay.
Sa tulong ni Felipe noong ito’y nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at
naibigan ni Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa
kanyang anak; dahil ito’y maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito
ang kanyang pagkasosyalista sa isang pag-uusap nilang dalawa sa isang
paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa. Nakapangyari ang
pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan.
Nang mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila
ito naipaglihim kay Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at
halos patayin, Sa a-uki ni Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si
Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng isang testamento na nag-iiwan ng lahat
ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin.
Paminsan-minsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga
damit o nagsasangla ng kanyang mga alahas noong dalaga pa. Ito’y labis na
dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng kanyang ate, subalit wala naman silang
maitakip sa pangangailangan.
Sa simula, si Meni ay dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at
pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang pagdalaw ay dumalang nang
dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang ipinadadalang tulong.
Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil sa
kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon,
Estados Unidos at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang
balak bumalik sa Pilipinas. Nakalimutan niya ang pagwasak na nagawa niya sa
karangalan ng maraming babae na kanyang kinasama; ang tanging nagtanim sa
kanyang isip ay ang pagkalugso ng sariling karangalan sa mata ng lipunan dahil
sa kagagawan ni Meni.
Samantala, nagluwal ng isang sanggol na lalaki si Meni. Sa pagnanais na
makapaghanda ng isang salu-salo sa binyag ng kanyang anak, susog sa mga
kaugalian, si Meni ay nagsangla ng kanyang hikaw, sa kabila ng pagtutol ni
Delfin na tutol sa lahat ng karangyaan. Ang ninong sa binyag ay si Felipe na hindi
lamang makatanggi sa kaibigan, subalit kontra rin sa seremonyas ng
pagbibinyag. Bilang anarkista ay laban siya sa lahat ng pormalismo ng lipunan.
Sa karamihan ng mga pangunahing dumalo, kumbidado’t hindi, ay kamuntik nang
kulangin ang handa nila Delfin, salamat na lamang at ang kusinero ay marunong
ng mga taktikang nakasasagip sa gayong pangyayari.
Ang kasiyahan ng binyagan ay biglang naputol sa pagdating ng isang kablegrama
na nagbabalitang si Don Ramon ay napatay ng kanyang kasamang utusan sa
isang hotel sa New York. Nang idating sa daungan ang bangkay, sumalubong ang
lahat ng manggagawa sa pagawaan ng tabako sa atas ni Don Felimon, kasosyo
ni Don Ramon, na nagbabalang hindi pasasahurin sa susunod na Sabado ang
lahat ng hindi sasalubong.
Kasama sa naghatid ng bangkay sa Pilipinas si Ruperto, ang kapatid ni Tentay na
malaon nang nawawala. Pagkatapos makapaglibot sa Pilipinas, kasama ng isang
Kastilang kinansalaan niya sa maliit na halaga, siya’y ipinagbili o ipinahingi sa
isang kaibigang naglilingkod sa isang tripulante. Dahil dito, nakapagpalibot siya
sa iba’t ibang bansa sa Aprika at Europa, at pagkatapos ay nanirahan sa Cuba at
California, at sa wakas ay namalagi sa New York. Doon siya nakilala at naging
kaibigan ng utusang kasama ni Don Ramon na naninirahan sa isang hotel na
malapit sa bar na kanyang pinaglilingkuran. Si Ruperto ang nagsabi kay Felipe na
kaya pinatay si Don Ramon ay dahil sa kalupitan nito sa kanyang kasamang
utusan.
Ang libing ni Don Ramon ay naging marangya, kagaya ng kasal ni Talia.
Hanggang sa libingan ay dala-dala pa ng mayamang pamilya ni Don Ramon ang
ugali ng karangyaan ng pananalat at paghihirap ng maraming mamamayan. Sa
libingan ay Naiwan sina Delfin at Felipe na inabot ng talipsilim sa pagpapalitan
ng kuro-kuro at paniniwala.
Naalaala ni Felipe ang kaawa-awang kalagayan ng mga kasama’t utusan ng
kanyang ama. Nasambit ni Delfin ang kawalang pag-asa para sa maralitang mga
mamamayan habang namamalagi sa batas ang karapatan ng mga magulang na
magpamana ng yaman at kapangyarihan sa mga anak. Nagunita nila ang laganap
na kamangmangan at mga pamahiin, ang bulag na pananampalataya.
Kakailanganin ang mahaba at walang hanggang paghihimagsik laban sa mga
kasamang umiiral. Marami pang bayani ang hinihingi ang panahon. Kailangang
lumaganap ang mga kaisipang sosyalista, hindi lamang sa iisang bansa kundi sa
buong daigdig bago matamo ang tunay at lubos na tagumpay. Napag-usapan nina
Felipe at Delfin ang kasaysayan ng anarkismo at sosyalismo – ang paglaganap
nito sa Europa, sa Aprika, at sa Estados Unidos. Sinabi ni Felipe na ang ilang
buhay na napuputi sa pagpapalago ng mga ideyang makamaralita ay kakaunti
kung ipaparis sa napakamaraming tao na araw araw ay pinahihirapan. Subalit
matigas ang paninindigan ni Delfin laban sa ano mang paraang magiging daan ng
pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng pagkakaibang ito ng kanilang paninindigan ay nagkaisa sila sa
pagsasabi, sa kanilang pag-alis sa libingan, noong gumagabi na, “Tayo na: iwan
nati’t palipasin ang diin ng gabi."
TALAMBUHAY

Si Valeriano Hernandez Peña (ang Peña ay apelyido ng kanyang ina) ay isinilang sa nayon ng San Jose,
Bulakan, Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga
dela Peña. Ang kanyang ama ay isang platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang
maitawid ang kanyang pamilya sa pang-araw-araw na pangangailangan.

Nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga kasamahang
manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang kanilang kapit-bahay na si
G. Marcelino Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig sa pagbabasa at
pagsusulat.

Sa nayon ng Matungao, Bulakan, Bulakan ginugol ni Tandang Anong ang malaking bahagi ng
kanyang kamusmusan sa piling ng mga kababatang sina Gregorio Santillan (ama ng mga manunulat na
sina Dr. Jose Santillan at Dr. Pura Santillan-Castrence), Benito dela Peña, at Mariano Cristobal.

Nagsimula siyang mamasukan bilang kawani ng isang Kapitan Alvarez sa gulang na labindalawa
matapos pumanaw ang kaniyang ama. Nagsilbi rin siyang kawani ng husgado. Nakasal siya kay Victoria
Laktaw, isang taga-Matungao sa gulang na 45, subalit ang mag-asawa ay hindi pinalad na mabiyayaan ng
anak.

Nagsimula siyang sumulat sa pahayagang El Renacimiento Filipino (Muling Pagsilang) na


pinamatnugutan ni Jose Palma at sa pahayagang Taliba kung saan inilathala ang kanyang pitak na Buhay
Maynila na nasalin kay Huseng Batute matapos na siya ay pumanaw. Sa mga pahayagang ito nakilala ang
kanyang angking husay sa pagsulat. Maliban sa mga tula, sumulat din siya ng mga nobelang inilabas ng
serye sa Seccion Tagala ng Muling Pagsilang. Dito iniluwal ang kanyang mga unang nobela na sa
kalaunan ay naging panulukang bato ng mga akdang prosa ng mga sumunod na panahon.

Inihambing si Tandang Anong ni Bb. Mona P. Highley, propesora ng Kagawaran ng Ingles sa


Pamantasan ng Pilipinas sa mandudulang Ingles na si Shakespeare. Sila ay kapwa tagahawan ng kani-
kanilang panitikang kinabibilangan. Na mula sa Edad Media ay ipinakilala ni Shakespeare ang isang
bagong anyo ng panitikan, gayon din naman ginamit ni Tandang Anong ang isa bagong anyo sa
panahong ang Tagalog ay hindi gaanong ginagamit dahil sa malawakang paggamit ng Kastila at ang
pagdating ng wikang Ingles.

Sa Muling Pagsilang, nakasama ni Tandang Anong ang mga kilalang manunulat na gaya nina
Lope K. Santos, Faustino Aguilar, Andres Rivero, Carlos Ronquillo, at iba pa. Kilala sa taguring Ama ng
Nobelang Tagalog, itinuturing na obra maestra niya ang Kasaysayan ng Magkaibigang si Nena at si
Neneng (1905), bagamat iniluwal din ng kanyang panitik ang iba pang mga nobela tulad ng: Pagluha ng
Matuid (1899), Mag-inang Mahirap (dalawang bahagi – 1905 at 1906), Hatol ng Panahon (1909),
Pahimakas ng Isang Ina (1914), Unang Pag-ibig (1915), Dangal ng Magulang (1920), at iba pa, gayundin
ang mga maiikling kuwento at mga tula.

Pumanaw ang dakilang alagad ng sining noong Setyembre 7, 1922 at inilibing sa kanyang
pinagmulang bayan ng Bulakan, Bulakan.

Sa kasalukuyan, ang ilang mga kagamitan ng manunulat (pluma, orihinal na kopya ng patente ng
nobelang Si Nena at Si Neneng, at iba pa) at dalawang sipi ng El Renacimiento Filipino (1910 at 1911) ay
nasa pag-iingat ni G. Jaime Villafuerte Jr. ng Matungao, Bulakan, Bulakan, na apo niya sa talampakan sa
kanyang pamangkin na si Maria.

Buod:

Sina Nena at Neneng ay dalawang magkaibigan na higit pa sa tunay na magkapatid ang turingan
sa isa’t-isa. Kapwa sila ulila ng lubos sa kanilang mga magulang. Si Nena ay kinalinga ng kanyang ale na si
Aling Anday samantalang si Neneng ay ang kanyang kuya Pepe na nag-asawa bago pa man siya
magdalaga. Pananahi ang kanilang hanapbuhay at tuwing umaga ay dinaraanan ni Nena si Neneng at
magkasabay silang pumapasok sa patahian at kung hapon naman ay sabay silang lumalakad pauwi.

Isang araw ay maagang nagising si Nena at idinahilan sa kanyang ale na siya’y magsisimba. Si
Nena ay niligawan ng lilong si Miguel at nagpasya silang magkita sa tapat ng simbahan. Nagtaka si
Neneng sapagkat iyon ang unang beses na di siya dinaanan ng kaibigan kaya pumunta siya sa bahay ni
Nena upang malaman ang sanhi nito. Sinabi ng kanyang ale na nagsimba kayat pumasok siyang mag-isa
sa patahian na punung-puno ng paghihinanakit. Ilang sandali ay nagkaayos din ang dalawa subalit di
napigilan ni Neneng na magsumbong sa ale ni Nena. Ang nasa niya ay maputol ang nalululong na loob ng
kaibigan kaya’t hinintay niya ang pagkakataon na makausap ang ale nito at ipinahayag ang
pagkakasundo nina Nena at Miguel. Nagalit ang kanyang ale at nawikang mabuti pa ang siya’y mamatay
kaysa makitang mag-asawa kay Miguel sapagkat siya ay isang lalaking mayabang at may palalong puso.
Dahil sa pahirap sa kanya ng kanyang ale ay sumulat siya kay Miguel subalit hanggang sa lumubog ang
araw ay di man lang niya nakita si Miguel. Kinabukasan ay nakita nina Nena at Neneng na magkasama
sina Miguel at Chayong na na nagtatalik sa lansangan at kapwa naghahatiran ng sulyap ng mga matang
nag-iibigan. Magdamag palang magkasama ang dalawa sa isang piging.

Labis na naninibugho ang puso ni Nena sa kanyang nakita. Dinamayan ni Neneng ang kanyang
kaibigan at pinayuhan na di siya dapat malungkot at sa halip ay magalak sapagkat maaga niyang nakilala
ang tunay na katauhan ni Miguel at ipagpasalamat na di pa sila nakakasal ay natanto na ang karungisan
ng kanyang puso. Napagpasyahan ni Nena na magpakalayo kay Miguel kaya naman nagalak ang kanyang
ale.

Samantala, labis na namighati si Narciso nang malamang may relasyon ang kanyang pinsang si
Miguel at si Chayong. Nais niya sanang maghiganti subalit dahil sa tunay niyang mahal si Chayong ay
ipinaubaya na lamang ito sa kanyang pinsan. Isang araw, nagkita si Tiya Belang at Narciso at inanyayahan
siya nito na pumunta sa kanila. Nagkita sila ni Chayong, nagkausap at nagkapatawaran. Sa daan pauwi,
naglalakad si Narciso na lito ang isip sa paggunita ng mga araw na nakalipas nila ni Chayong nang nagipit
siya ng isang karumatang matulin ang takbo at sa pag-ilag ay nabangga niya si Neneng. Namangha siya
sa kanyang nakitang binibini at agad itong nakaagaw sa kanyang pansin. Agad siyang humingi ng tawad
dito at sinuklian naman ito ni Neneng ng isang ngiti ng pagpapatawad.

Isang araw, isang sulat buhat sa lalawigan ang natanggap ni Aling Anday. Nalaman niya buhat
kay Gregorio Magpayo na namatay ang kanyang asawa na si Andoy at pamangking si Beatriz dahil sa
sakit. Napagpasyahan nila ni Nena na umuwi kaagad at inihabilin kay Neneng ang kanilang bahay.

Isang gabing nalulumbay si Nena sa pagkakalayo sa kaibigang si Neneng ay nagkausap sila ni


Deogracias at nagtapat ito ng kanyang pag-ibig. Si Deogracias ay pamangkin ni Andoy na buhat pa sa
kamusmusan ay inarugang kasama ni Nena.

Sa pagdalaw ni Narciso sa bahay ni Neneng ay nagkita at nagkausap sila ni Pepe at naitanong


nito ang sanhi ng pakikipagkilala sa kanila. Ipinagtapat ni Narciso ang layunin niyang umakyat ng ligaw
kay Neneng. Sinang-ayunan naman ito ni Pepe at pinayuhan na kilalanin muna ang isa’t-isa upang di
magsisi sa huli.

Isang hatinggabi, ay nagtanan sina Miguel at Chayong. Ganoon na lamang ang paghihinagpis ng
mga magulang ni Chayong dahil sa ginawang pagtataksil ng kanilang anak. Tatlong araw din ang
nakalipas bago nila nadatnan ang pinagdalhan ni Miguel kay Chayong. Nagsakdal ang mag-asawa sa may
kapangyarihan at lumakad ang mga kawani ng puno ng pag-usig at hinanap sila sa lahat ng sulok ng
nayon. Nang matagpuan ang dalawa ay niyakap si Chayong ng kanyang ina samantalang si Miguel ay
ipinadala sa pangulong lalawigan at pinatawan ng salang “pag-agaw sa babae”.

Sinagot ni Nena si Deogracias. Di naglaon kumalat ang balitang si Isiang na isang binibining
kababayan ni Deogracias at ni Nena ay ninanais ng kamag-anakan ni Deogracias na kanyang maging
asawa kaya naman si Nena ay tumangis nang husto subalit ang dalawang ito ay walang pagtingin sa isa’t-
isa at gawa ng mga kamag-anakan ni Deogracias na ang adhika ay masira ang umaalingawngaw na
pagkakasundo ng dalawa. Ang matamis na paggigiliwan ni Nena at Deogracias ay nahantad sa kanilang
ale kaya ipinagtapat nila ang kanilang niloloob sa isa’t-isa at itinakda ang kanilang kasal.

Sa malungkot na bilangguang pinagpiitan kay Miguel ay unti-unting nangayayat, nanghina at di


nakalaban sa dagsa ng mga sakit sa mga dahilang kulang siya sa pagtulog, salat siya sa pagkain at
pagkakaroon niya ng tanod na animo’y mga halimaw. Nagtiis siya at idinadalanging makatagal at
magkita sila ni Chayong sa kanyang paglabas. Sa isang sulat na tinanggap niya mula kay Narciso ay
ibinalita nitong nanganak si Chayong ng isang magandang sanggol na lalaki at sa linggo ito pabibinyagan.
Kasalukuyang pinagduduklay-duklay ni Miguel sa loob ng bilangguan ang binyag ng kanyang anak
kinabukasan nang tinawag siya ng isang tinyente ng hukom at iniharap sa pasulatan ng eskribano upang
ibabala ang hatol. Buhat dito ay napag-alaman niyang anim na buwan pa siyang ipipiit at siyam na
buwan na ang kanyang inilagi sa bilangguan bago siya nahatulan.

Ikawalong oras at kalahati ng umaga ng Disyembre ay dumating sina Nena at Deogracias sa


Maynila at pumunta sakay ng isang karumata sa bahay ni Neneng. Agad na sinalubong ni Neneng ang
kaibigang si Nena. Ipinakilala nito ang makakaisang dibdib na si Deogracias. Maya-maya’y pumunta ang
tatlo sa Rosario at namili ng kanilang kailangan sa kasal at sa di hinihintay na pagkakataon ay nasalubong
nila sa daan si Narciso at doo’y nagkakilala ang dalawang binata sa pamamagitan ng magkaibigang Nena
at Neneng. Kinabukasan ay nagsimba sila sa unang araw ng “Misa de Gallo”.

Dahil sa dagan-dagang mga hirap ng loob ay nangayayat at nagkasakit si Miguel. Si Chayong


naman ay laging umiiyak at di makadalaw sa hospital ng San Juan de Dios kung saan nakalagak si Miguel
dahil bantay sarado siya ng kanyang mga magulang. Namatay si Miguel na di man lamang nakikita ang
kanilang anak ni Chayong. Kinabukasan ay dumating ang balita kay Narciso na pumanaw na si Miguel
kaya dagli-dagli niyang sinabihan si Chayong at pumunta sila sa Hospital ng San Juan de Dios. Nakiusap si
Narciso sa namamahala upang ipagkaloob sa kanila ang bangkay ni Miguel at sila na ang magpapalibing
subalit hindi sila pinahintulutan sapagkat may pinunong dapat magpasiya sa gayong namamatay na di pa
natatapos ang panahon sa pagkakabilanggo. Makalipas ang ilang araw ay inilibing si Miguel sa isa sa mga
libingan sa Maynila kung saan nakatunghay na naghihinagpis si Chayong at ang anak na si Narciso.

Sa simbahan ng Bayang B sa Bulacan ay idinaos ang kasal nina Deogracias at Nena kung saan
dumalo sina Neneng, Pepe, kanyang asawa at mga anak nito.

Samantala, isang liham ang natanggap ni Neneng buhat kay Isko na nagpapahayag ng kanyang
pag-ibig sa dalaga. Pinabasa niya ito kay Narciso at tinanong siya kung ano ang kanyang loob dito.
Lumiham si Neneng kay Isko at dito ipinagtapat niya na wala itong maaasahan sa kanya.

Sa kalapit bahay ni Chayong ay may idinaos na piging. Isang sanggol ang bininyagan at ang mga
kilala niya na nagsidalo sa nasabing handaan ay nagsipag-usisa ng makitang may iniiwi siyang sanggol.
Tinanong nila ang ama ni Chayong kung sino ang ama ng sanggol. Hindi ito nakasagot at isang maasim na
ngiti ang ipinamalas sa mga panauhing nagsisipag-usisa. Di naglaon ay nalaman din ng mga panauhin ang
tunay na dahilan at pagkaalis ng mga ito ay nagngingitngit na dinaluhong si Chayong ng kanyang ama ng
isang suntok dahil sa matinding pagkapahiya. Pinigilan ito ng kanyang ina subalit wala itong nagawa.
Lumuluha si Chayong na nagbalot ng ilang pirasong damit at mga lampin ng kanyang sanggol at pumunta
sa bahay ni Neneng. Doon ay malugod siyang pinatuloy ng mga ito at kinalinga.

Pagkalipas ng isang buwan mula nang matanggap ni Isko ang liham ni Neneng ay idinaos ang
kasal nila ni Narciso. Dumalo sina Deogracias at Nena at Chayong na nakikipisan sa kanila. Araw ng
Linggo ay sumama sina Neneng, Narciso, Chayong at sanggol nito kina Nena at Deogracias sa pag-uwi sa
probinsiya. Dahil dito, ay muling nakita ni Isko si Neneng.

Bumalik ang mag-asawa sa Maynila at pagkaraan ng ilang araw ay muling nakatanggap si


Neneng ng sulat galing kay Isko na patuloy pa ring nangingibig sa kanya sa kabila ng pagkakaroon niya ng
asawa. Ipinahayag niya sa sulat na dadalaw ito sa kanila. Natilihan si Neneng at di niya malaman kung
ano ang gagawin. Napagpasyahan niya na ipapabasa niya ito kay Narciso subalit dinatnan ng mabigat na
sakit si Pepe kaya nalimutan na niya ang tungkol dito. Namatay si Pepe at naiwang nagdadalamhati si
Neneng at asawa nito.

Isang araw ng naghuhusay ang mag-asawa ng kanilang mga damit sa sisidlan ay nahulog ang
isang sulat at nadampot ito ni Narciso. Tinanong ni Narciso si Neneng kung kanino galing iyon at tinugon
niya na sulat iyon ni Isko. Ipinaliwanag niya na natanggap niya ang sulat noong magkasakit ang kanyang
kuya at nakaligtaan niyang sabihin ito sa kanya. Subalit hindi naniwala si Narciso at naghinalang
naglilihim sa kanya si Neneng. Muling lumiham si Neneng kay Isko at sinabing kung magpipilit ito sa
kanyang gusto ay handa siyang magsakdal sa maykapangyarihan sapagkat nakasisira ito sa relasyon
nilang mag-asawa. Mula noon ay nagkaroon na ng lamat ang kanilang pagsasama.

Si Isko ay nagpasyang lumuwas ng Maynila upang makita si Neneng kaya naman ang ipinadalang
sulat ay hindi niya nabasa, sa halip ay ang alila nitong si Andres ang nakatanggap. Sapagkat di alam ng
alila kung nasaan si Isko ay nagpasya itong itago na lamang ang sulat. Tanghali noon ng dumating si Isko
sa Maynila at pumunta kaagad sa bahay ni Neneng. Pagkakita ni Neneng kay Isko ay nabigla ito at
nagdalawang isip kung patutuluyin ang bisita subalit dahil sa kagandahang asal ay pinatuloy niya ito.
Datapwat nang anyong nananhik si Isko ay waring nagulumihanan ng maalalang parating na ang kanyang
asawa. Subalit naroon na si Isko at dito sinimulan ng masamang budhi ang linuhug-luhog kay Neneng.
Panay ang luha ng pakiusap ni Neneng na siyay limutin na subalit mas lalo itong sumigla sa pagsamo.
Nang walang pamatasan ang abang si Neneng ay biglang pumasok sa silid at kumuha ng sandatang
pantanggol. Dumating si Narciso at dahil sa malaking kahihiyan at pagkatakot ay tumalon si Isko.
Lumuluhang sumalubong si Neneng sa asawa ngunit ang mga luhang ito’y naging katibayan ni Narciso ng
isang pagtataksil.

Makapaghihinala si Narciso at ayon sa nakita niya’y walang mathid na maitututol, ngunit ang
hinalang ito’y isang sukat naman maging kahulugan kay Neneng ng isang paghamak sa kanyang
pagkababae. Ang dating tamis ng pag-asang iniibig siya ni Narciso ay naging masaklap na sakit noon.
Walang anumang binanggit si Narciso ng anuman tungkol sa kanyang nakita. Nagbihis na dali-dali,
lumuluhang hinagkan sa noo ang asawa at umalis. Tinanong ni Neneng kung saan ito patungo ngunit
hindi man lamang siya pinansin at patuloy sa patuling paglakad. Sa masungit na dilim ay tinahak ni
Narciso ang kabukiran, samantalang si Neneng ay napatutungo naman sa bahay ng kanyang hipag.
Napansin ng hipag ni Neneng na malungkot siya nang dumating kaya’t tinanong niya ito. Hanggang
nalalaon ang pag-uusap ay unti-unting nabubuo ang panghihinuha ng hipag sa palagay na pinagbuhatan
siya ng kamay ni Narciso. Gayun pa man, nakiusap pa rin si Neneng na samahan siyang hanapin si
Narciso at hindi naman siya tinanggihan ng kanyang hipag. Nagmamasakaling makita ni Neneng ang
kanyang asawa ngunit bumalik silang bigo. Nanaog at parang ulol na lumakad ng mag-isa si Neneng
upang bumalik sa kanilang bahay. Sinamahan naman siya ng kanyang hipag. Ngunit mas lalo pang
bumibigat ang kanyang pagpipighati nang hindi pa rin pumaparoon sa kanilang bahay si Narciso.

Tatlong araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumalik ang kanyang asawa. Dapatwat nang
mabuo ang sapantahang silang mag-asawa’y di na magkikitang muli, ay sa hipag na lamang iniwan ang
bahay, mga damit at ari-ariang sarili nilang mag-asawa. Hinabilin niya sa kanyang hipag na kay Nena lang
siya pumaroon kung hahanapin man siya nito. Hindi na siya napigilan pa at siya’y umalis. Samantalang
sukat ang malaking pamamangha ni Nena nang siya’y makarating doon. Nalaman ni Neneng na
nakapunta si Narciso sa bahay ni Nena at hinabilin pa nitong doon muna manuluyan si Neneng sa
kaibigan sapagkat matatagalan pa raw ang kanyang pagbabalik. Namangha si Nena sa pag-alis ni Narciso
at tinanong niya si Neneng kung ano ang dahilan. Ipinagtapat naman ni Neneng kay Nena ang buong
nangyari at nang maawas-awasan sa bigat ng mga hirap na dala-dala ng loob. Ngunit ang lihim na ito’y
inuring kanya ni Nena at kanino ma’y di ipinamalay. Lubos ang pagdadalamhati ni Neneng hanggang
siya’y magkasakit. Walang ibang sinisi si Nena sa nangyari sa kaibigan kundi si Narciso at kung bakit ito
pa ang pinakasalan.

Samantalang walang ibang sinisi si Neneng kundi ang kanyang sarili sa paglilihim kay Narciso sa
sulat na galing kay Isko at pagpapanhik nito sa bahay nang wala ang asawa. Ngunit sinabi naman ni Nena
na walang kasalanan si Neneng sa nangyari sapagkat walang katuturan ang panibughong iyon sa kanya
ng asawa. Sa pag-iingat ni Nena na baka mas lalong lumala ang pagdadalamhati ni Neneng sa matagal
nilang pag-uusap tungkol kay Narciso ay nagdahilang sandali at siya’y iiwan, ngunit di pumayag si
Neneng at muling pinaupo sa kanyang piling at tinanong sa kaibigan kung naniniwala ba ito sa isang
panaginip. Sinabi naman ni Nena na kata-kata niya lamang iyon. Napahinto sa pagtatawanan ang
magkaibigan nang dumating si Isko kasama ang isang manggagamot. Akmang ang lahat ng dugo ni Nena
ay umakyat sa mukha at ang katuwaa’y nahalinhan ng malaking galit. Nakita naman sila ni Deogracias
kaya pinaalis agad sila nito. Nanaog si Isko at ang kanyang kasama, taglay ang nakauumid na nangyari sa
pagkaparoon, na parang bunga ng marumi niyang adhika sa ngayo’y napahamak na pag-aasawa ng
kulang-palad na si Neneng.

Sa di paghahantong ni Narciso ng nilakad-lakad na itinataguyod ng nakalulumbay niyang


napagsapit, ay sa malayong lalawigan umabot at doon na tinangka ang makipamayan. Marami siyang
nakasalamuha dahil sa kaamuan ng kanyang pag-uugali. Madalas niyang nagugunita ang asawa at may
sandaling pinupukaw ang kanyang loob na magbalik. Ngunit naisip niya ang nakauumid niyang palad.
Dumating ang araw ng malaking pagkawili na kaipala’y pagsisisihan din.

Wala nang magiging kagamutan ang sakit ni Neneng kundi ang muling humilig sa sinapupunan ni
Narciso. Hindi naman niya pinapahalata sa kaibigan na malapit na siyang mamatay kaya’t nagkaroon ng
pag-asa si Nena na malunasan pa ang kanyang karamdaman. Ngunit dumating na ang takdang panahong
mamamatay na siya ay may habilin siya kay Nena na isang sulat para kay Narciso. Hinabilin din niya na
huwag gumugol ng anuman sa kanyang libing at iyon ang kahuli-hulihang bilin na ibig masunod.
Hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Nena at pawang nakatulog lamang ng mahimbing. Noon din ay
ibinalita sa hipag ng kaibigan ang kamatayan niya. Kinabukasa’y idinaos ang libing at kay Nena’y ito ang
katapus-tapusang araw ng di kakaunting panahong ipinagsama nilang dalawa.

Samantalang si Isko naman ay hindi tumigil sa mga masasama niyang hilig sa pagsusugal
hanggang sa naubos ding lahat ng mga aring minana niya. Hindi naglao’t natutop siya ng mga kawal ng
punong nagsisiusig at isang punlo ang sa kanya’y lumagot. Tinapos ang kamatayan ni Isko na walang
dangal, kalait-lait, at kahiya-hiya sa kapwa.

Tila iniaakma ng pagkakataon ang nangyayari kay Narciso sa bayang kinalalagyan niya upang
mapilitan ding umuwi. May ilang Linggo na sa kanya’y laging matamlay madalas na tila nanghihina,
tuwina’y malungkot, at di nalaot nagkasakit. Di naglaon ay napag-isipan din niyang umuwi sa kanilang
bayan. Pagdating niya sa bahay ng kaibigang si Nena ay inabutan agad siya nito ng sulat. Doon, nabasa ni
Narciso ang kinahantungan ng kanyang asawa. Hindi siya makapaniwala at gusto niyang makita ang
libingan ng asawa ngunit nahulog siya sa hagdanan at namatay. Ginanap ni Nena at Deogracias ang
kahuli-hulihang paglilingkod sa asawa ng kaibigan,at sa libing din ni Neneng siya isinama. Di sila nagsama
sa buhay na ito ngunit nagsama sila sa hukay, diyan sa mapanglaw na libing, diyan sa malumbay na
hangganan ng lahat.
Biography of Iñigo Ed. Regalado
Iñigo Ed. Regalado (1 June 1888 - 24 July 1974) was a Filipino poet, journalist, and novelist. He was the son of Iñigo
Corcuera Regalado, the renowned Tagalog printer and journalist. His mother was Saturnina Reyes. As an editor,
Iñigo Ed Regalado was one of the "powerful voices" in the newspapers and magazines during the first part of the
1900s. It was during his time when the Golden Age of the Tagalog Novel (1905 - 1921) started. The whole period of
the Golden Age of the Tagalog Novel was from 1905 to 1935.

Early life

He was born in Sampaloc, Manila. He received his Bachelor of Arts degree from the Liceo de Manila in 1907. He
finished studying Law from the Academia dela Jurisprudencia on 1913. He became a writer in the newspapers Taliba,
Ang Mithi (The Goal), Ang Watawat (The Flag), Pagkakaisa (Unity), the weekly newspaper Ilang-ilang, and
Liwayway.

Career

He was one of the initiators of the Surianng Wikang Pambansa. He became a language professor in different
universities in Manila. He was the dean of the Department of the Pilipino Language of the Centro Escolar University.
He was a former councilor of the City of Manila.

Literary achievements
Among his awarded works were the 1964 poem Tilamsik (literally splash [of water] or spark [of fire]), the 1941
compilation entitled Damdamin (feelings, emotion). Damdamin won the first prize during the first poetry competition
during the time of the Commonwealth of the Philippines in 1941. He wrote more than 26 novels. His works belonged
in "The Golden Age of the Tagalog Novel". Among his well-known works was Prinsesa Urduja (Princess Urduja), a
play that was presented in the Cultural Center of the Philippines.

Literary style

Regalado was careful in choosing descriptive words for his writing. He used clear characterization, natural dialogues
and settings for his novels and short stories.

DeathDeath
He died on 24 July 1974 because of lung cancer in Lourdes Hospital in Manila at the age of 86.

Madaling Araw
Kilala bilang Odalager, si Iñigo Ed. Regalado ay isa sa mga kinikilalang mahusay noong kapanuhan niya.
Isinilang noong Marso 16, 1888. Ang kanyang unang nobela ay ang Madaling Araw na nalahala noong
1909.

Tungkol sa "Madaling Araw"

Ang Madaling Araw ay isang romantiko at sosyo-politikal na akda. Bilang romantikong nobela,
isinalaysay nito ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan, sina Mauro at Luisa, ng iba pang
mahahalagang tauhan tulad nina Daniel at Nieves na anak ng isang mayaman. Katulad ng karaniwang
romantikong kuwento, ang pag-iibigan ay masalimuot at puno ng balakid. Tutol ang mga magulang ni
Luisa, sina Mang Marcos at Aling Minang, kay Mauro sapagkat nakikita siya bilang isang taong walang
ambisyon at patutunguhan dahil sa kanyang pagiging isang artista ng sining. Tutol naman ang
tumatayong magulang ni Mauro, si Kabisang Leon, kay Luisa sapagkat balak niyang ipakasal ang binata
kay Ines, isang kolehiyala. Kahirapan naman ang dahilan ng pagtutol ng magualang ni Nieves kay Daniel
subalit nakasal naman ang dalawa nang mahuli ng ama ng babae na nagtatalik ang dalawa. Isa ring
hadlang sa pag-iibigan ng mga magsing-irog ay si Pendong. Parehong umibig ang lalaki kina Luisa at
Nieves subalit lubos na nasaktan nang piliin ng mga dalaga ang lalaking kanilang minamahal. Dahil dito,
gumawa siya ng paraan upang sila’y magkahiwalay. Ipinamalita ni Pendong na magpapakasal sa kanya si
Luisa bilang kabayaran sa pagkakautang. Nagpadala naman ng sulat si Pendong kay Daniel na
nagsasabing hindi si Daniel ang ama ng dinadala ni Luisa. Parehong naniwala ang lalaki sa panlilinlang ni
Pendong at kapwa lumisan. Pagkatapos nang mahabang panahon, bumalik ang dalawa sa kanilang bayan.
Sina Mauro at Luisa ay nagkatuluyan subalit hindi na inabutang buhay ni Daniel si Nieves dahil sa
matinding karamdaman.
Bilang sosyo-politikal na nobela, kasabay nitong inilalarawan ang panlipunan, pang-ekonomiya at
pampulitikal na sitwasyon sa Katagalugan noong panahong iyon. Isinasalaysay nito ang mga usapin at
pangyayari tungkol sa paggawa, pagbabago ng lipunan, kawalang katarungan, karahasan at
pamamahalang Amerikano sa bansa. Ang ganitong tunggalian ay maaaring katawanin ng dalawa pang
mahalagang tauhan sa nobela. Si Kabisang Leon ay kumakatawan sa kasamaan ng mga Pilipinong
tumutulong sa mga Amerikano samantalang si Juan Galit naman ay kumakatawan sa mga Pilipinong sa
una ay tahimik lamang sa mga nagaganap ngunit sa huli ay naging aktibo sa paglaban. Ang ganitong
tunggalian ay umabot ng kasukdulan nang mapatay ni Galit si Kabisang Leon samantalang pinarusahan
niya si Pendong na kumakatawan din sa iba pang mapansamantalang Pilipino. Tumatayo rin bilang tinig
ng lipunan si Galit. Sa maraming bahagi ng nobela, naririnig siyang tila isang guro at propeta na
nagbabahagi ng mga nararapat gawin at isipin ng kuwento. Sa katapusan, nagpaliwanag si Galit na ang
kamatayan ni Kabisang Leon ay hudyat ng pagtatapos ng kadilimang dinadanas ng bansa ngunit hindi
nangangahulugang lubusan na itong lumaya. Para sa kanya, nasa “madaling araw” o maagang yugto pa
lamang ang tinatamasang kahirapan at maaari pang kailangang gawin upang masigurong magtutuloy-
tuloy ito.
PANGKALAHATANG BUOD: Isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong disiotso anyos siya, ang Madaling
Araw ay masalimuot at malawak na nobelang tinalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang
panlipunan at pampulitikang usapin. Isang malaking hibla, na sinusuhayan ng ilang salaysay ang nag-
uugnay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Si Mauro, isang makatang pintor ay napamahal kay Luisa,
na ang magulang ay yamot sa nasabing binata. Napaibig naman si Daniel kay Nieves na anak ng isang
mayaman. Ang hadlang sa kanilang pag-iibigan ay hindi lamang mula sa mga magulang, bagkus maging
kay Pendoy, na nabalani sa dalawang dalaga. Noong una, naniwala ang dalawang binata sa mga maling
pinagsasabi ni Pendoy laban sa dalawang dalaga. Tinalakay din ng nobela ang kondisyong panlipunan at
pampulitika, lalo na ang mga dukhang pinagsamantalahan ng gaya nina Kapitan Leon, ang tiyo ni Mauro
na gahamang dayuhang kapitalista. Isinakataga naman ni Juan Galit ang pangunahing tema ng nobela.
Nagbabala si Juan Galit na dadanak ang dugo para sa pakikibaka, dahil tanging iyon lamang ang paraan
upang maintindig nito muli ang sarili mula sa karukhaan at kaalipustaan.

PAMBUNGAD NA TALA: Ang Madaling Araw ay may tekstura ng mga naunang akda, gaya ng sinulat
nina Roman Reyes at Valeriano Hernandez Peña, na gumamit ng matitingkad na imahen ng pamumuhay
at gawi ng maraming bayan sa rehiyong Tagalog. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang
mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga
paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-
Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado
ng Amerika ang Pilipinas.

Isinilang si Faustino S. Aguilar sa Malate, Maynila, noong 15 Pebrero 1882.


Sumapi siya sa Katipunan sa gulang na labing-apat at nakisangkot sa
madugong paghahamok ng mga Pilipino at Kastila. Sa panahon ng
Amerikano unang nakilala si Aguilar bilang mamamahayag at patnugot ng
pahayagang Taliba. Naglingkod si Aguilar sa iba’t ibang sangay ng
Pamahalaan katulad ng Kawanihan ng Paggawa. Yumao siya noong 1955.
Isang batikang nobelista, tinahak ni Aguilar ang landasin ng realismong
sosyal. Kabilang sa kanyang mga akda ang Busabos ng
Palad (1909), Nangalunod sa Katihan at Sa Ngalan ng Dios (1911), Ang
Lihim ng Isang Pulo (1926), Ang Patawad ng Patay at Ang Kaligtasan (1951)
at Pinaglahuan. Makikita sa nasabing mga nobela ang malawakang pagsusuri
sa mga pangyayaring nagaganap sa lipunang batbat ng karahasan at
kawalang-katarungan.

Pinaglahuan
(Kabanata III)
Ni Faustino Aguilar

GABI AT UMUULAN. GABING DAPAT SUMPAIN NG mga may sakit na rayuma dahil sa
kalamigan ng hanging himihihip. Gabing dapat ipinalangin ng mga matatakutin sa dahil
sa mahuhugong na kulog at nagniningasang kidlat. An g patak ng ulan ay ga-mais halo
at siyang ipinaglulusak ng mga lansangan ng Maynila na kaya lamang maganda ay
kung tag-araw, tulad din naman sa isang babayi na kung bihis lamang saka nakikitaan
ng gara.

Ang mga ilaw-eletriko ay waring nangag-aantukan sa inandap-andap at sa mg daang


dating matao ay ilan-ilan lamang ang nagsisipaglakad, matangi ang mga pulis na may
katungkulang magbantay ay nangagyayao’t ditong matalas ang tainga sa ano mang
kilatis o yabag kaya na di karaniwan. Ito ang biyayang napapala sa kanilang ibinubuwis
ng mga naninirahan sa Maynila na nang gabing iyong pinasungitan ng ulan ay maagang
nagsipaglapat ng pinto. Tulog ang bayan at hindi naririnig ang dagundong ng mga
kalesa at ang pinatatagintingan ng salapi sa mga bahay-kalakal. Nagpapahinga ang
lahat, naghapuna’t hindi, bundat at gutom, mula sa mga ulo ng yaman hanggang sa
kadukha-dukhaang anak ng pawis, at parang-parang nagsisihanap sa pagtulog ng lakas
na kinabukasa’y gagamitin ng iba sa pagsasaya, at nang karamihan sa pagkita ng
ikabubuhay. Ang pagtulog ay sintulad din ng kamatayan, walang itinatangi, lahat ay
pinaghaharian, lahat ay nasasaklaw; pagdating ng gabi ay siya ang panginoon. Mapalad
na panginoong walang kawal at malalaking hukbo ni laksa-laksang salapi ay
makapangyarihan naman at tinatalima.

Nguni’t isa lamang masuyain, ang sa gayong kalakas na ulan ay sumasagasa at sugod
nang nakikipag-unahan sa bilis ng kidla na maminsan-minsang nakalilito sa kaniyang
mga paningin. Pagliko sa isang daan at sa tapat ng isang tila nag-aantok na ilaw, ay
nakikilalang siya pala ang binatang nakatalo ng pulis sa Opera.

Lalo pang lumalakas ang ulan, nguni’t lalo namang nagdudumali ang masuwayin na
pagkapat sa isang bahay sa daang A. ay tumigil at nagmasid. Lapat na ang mga pinto’t
bintana ng kinatatapatang bahay na di naman lubhang mataas. Ang bahay na iyong
salat sa karingalan ng mga bagong tayo, ay napagkikilalang matanda na at marahil ay
di lamang lilimampung taong pinamamhayan. Malaki nga kung sa malaki, dapwa’t di
sasalang yari noon pang walang mga kawani ang municipio na nag-uutos paris ngayong
ang tataas ng mga bahay at pagpantay-pantayin , sapagkat mababa, at sa katunaya’y
pantay-ulo lamang ang mga palababahan ng bintana. Ang bahay na iyon marahil ay labi
ng isang marahas na sakuna, pagka’t sa biglang tingin ay napagkikilalang dating
mataas at nagsasabi ng ganito’y ang ayos ng kabahayan na alangang-alangan sa
kababaan ng silong. Ito’y bahagya nang umaangat sa lupa. Sa gayong kadilim na gabi
ay pagkakamalan ang bahay na ito at wiwikain ng kahit sino na marahil isang
simbahang matanda, at kabilang na ng mga bagay na kakahapunin ng
pananampalatayang Kristiyano. Siyang-siya ng sa isang simbahan ang tabas-kamalig
niyang bubong na tisa na sa may gitna at sa pinakatuktok ay may isa pang maliit na
gola na natatapos sa isang kurus na kahoy. Ang kurus na iyo’y di sasalang nakasaksi ng
panahon sa malalaking bagay na nagyari; gaano karaming lihim ang nalalaman niyang
pipi naman at hindi makapagsalita.

Kung ang bahay na ito’y nagkataong napagitna sa matataas na pader ay maipalalagay


sanang isang monasterio o tahanan ng mga babaying walang puso kung sa mga
lalaking tagalupa, maliban kay Kristong hindi na pinagsawaang pag-ukulan ng kani-
kanilang pag-ibig ng libu-libong dalaga.

Nguni’t hindi , at ang bahay na iyong alangang simbahan, alangang monasterio ay


tahanan ng isang mayamang kilala sa buong Maynila sa pangalang Nicanor Gutierrez.
Iyon ang bahay ni Don Nicanor na kinatatapatan ng masuyain kay Pagtulog.

Sa mga kilos at anyo ng taong natatapat sa bahay ay napagkikilalang hirati siya sa


gayong tinayu-tayo. Ang kalaliman ng gabi, ang malakas na ulang bahagya pa lamang
nagbabawa, ang putik sa lansangang abot sa may bukung-bukung, ang mangisa-ngisa
dapwa’t maririing kulog, ay hindi man niya pansin, at waring natatalagang
makipagtagalan sa noo’y tila matatalo na niyang bubo ng tubig mula sa itaas. Isa pang
bugsong malakas kaysa mga nauna, at ang ula’y tumugil, nguni’t hindi ang mga kidlat
at kulog na patuloy rin at waring nagtatawag pa ng unos.

Isa, dalawa, tatlo, hanggang limang ubo ang narinig sa gitna ng dilim at hindi na umulit.
Iba namang tunog ang narinig: marahan nguni’t hugong ng isang bintanang kapis na
binubuksan.

“Luis, Luis?” ang salitang gumambala sa kadiliman ng gabi.

“Oo, Danding, ako nga.”

“Matagal ka na bang naghihintay?”

“Ngayun-ngayon lamang ako naiinip.”

“Oo nga at inakala ko nang baka hindi tayo magkausap.”

“At bakit?”

“Sapagka’t baka napahimbing ka na naman.”

“Ah, hindi na mangyayari uli ang gayon, lubha pa’t ganitong ang puso ko’y ginigiyagis
ng mararahas na damdamin.”

“Danding, binibigla mo ako. Ngayon lamang kita nakausap nang ganyan. Ako kaya’y
malilimot mo na?”

“Hindi hangga ngayo’y iyung-iyo ang aking pananalig, hindi pa sumasagi sa aking
gunita ang paglililo. Nguni’t, oh, manhik ka, at tila babagsak na naman ang ulan.”
At siyanga naman, ang inambun-ambon ay unti-unting lumalakas at ang dating maitim
na langit ay nagpanibagong-sapot at bumanta na namang magbuhos sa lupa ng
katakut-takot na tubig. Dapwa’t malayo na sa pagkabasa si Luis, sa isang imbay ay
nakapanhik sa itaas ng silid na tutulugan ni Danding at ang bintanang dinaanan niya’y
muling napalapat ng pagkakalapat na nagsasabing: “dito’y walang nangyayaring ano
man.

Wala nga nguni’t sa loob ng dalawang pusong kapwa bata ang nagsusuob ng
mababangong kamanyang, dalawang pag-ibig na pinapagtali ng kapalaran ang
nagsusumpaan, dalawang pag-asa ang nagtatago sa mata ng marami, hindi sapagka’t
masama ang sila’y magmahalan kundi sa “sukat masabi.” Sa gaano kalalaking
paglilihim naitutulak ang tao niyang pag-ilag sa “sukat masabi!” – iyang mabigat na
pasaning ipinadadalang pilit sa balana ng mga kabulaanan sa pamumuhay.

Si Danding at si Luis ay hindi nakailag na pabuwis na ito, at hindi miminsang nag-uusap


sila nang palihim at malayo sa “sukat masabi,” samantalang ang mga magulang ng
dalaga ay nangagpapahinga sa kabilang silid naman ng bahay.

Ang pag-uusap nila ng gabing ito ay napaiba sa lahat: waring nakikibagay sa


panahon,malungkot at walang katamisang gaya ng dati, lubha pa nang makaraan na
ang mga unang sandali.

“Oo, Danding,” ang sabi ng binata, “sasamantalahin ko ang pag-uusap nating ito upang
sabihin sa iyong ako’y napakasawing-palad. Tuwina’y ganito, para akong magnanakaw
na di makalantad sa marami, patago kung makasilay sa maligaya mong mukha, paumit
kung iyong makaharap, ano pa’t sa dilim lamang ng gabi naipagtatapat ang aking pag-
ibig at sa liwanag ng araw ay hindi na. Mapalad daw ako, ang sabi ng ilan. Mapalad nga,
pagka’t may isa akong minamahal na nagmamahal naman sa akin, mayisa akong iniibig
na hindi maipahayag kangino man sa takot na baka ngayon pa’y mawala na.”

“Luis, Luis!”

“Danding, bayaan mong sa gabing itong maulan ay mailalantad ko sa iyo ang mga
sugat ng aking puso, nitong pusong sapagka’t iyo’y hindi dapat maglingid ng anung-ano
man. Matagal ko nang napupuna na ikaw ay may ipinaglilihim sa akin, mula noong
sumulat ka nang kayo’y pasa Tayuman. Ang matatalinghaga mong sinabi sa liham ay
natatala pa sa aking isip: “may sasabihin ako sa iyo,” nguni’t hangga ngayo’y hindi mo
pa nasasabi. Aywan kung nawalang-tiwala ka sa akin o talagang ang pag-ibig ko sa
iyong di na malilimot kailan man ay ipinalalagay mong kabang walang susi, kaya ang
sasabihing iyon ay ipinakakalihim-lihim. Lason mang nakamamatay sa aking pananalig
at pag-asa ang iyong sasabihin ay ipagtapat mo nang hindi ko mawikang wala kang
pagmamahal. Nguni’t huwag at baka wala akong matwid na humingi sa iyo ng ganito
kalaking bagay.”

“Sukat na,” ang pagkaraka’y naisagot ng dalaga sa gayong paghihinampo. “Bawa’t


salita mo’y patalim na umiiwa sa aking laman, bawa’t bigkas mo’y aking ikamamatay.
Ako nga’y nagkasala sa iyo, nguni’t pagkakasalang di ko naman dapat ipagsisi. Kinusa
ko ang paglilihim, at nalaman mo kung bakit?”

Ang binata’y hindi nakakibo, hindi malaman kung ano ang isasagot sa kaniyang kausap
na sa sandaling iyo’y nagtila anyo ng Kasawian dahil sa kalumbayang napalarawan sa
mukha at sa unti-unting pangingilid ng luha sa magaganda niyang mata.
“Nalaman mo kung bakit?” ang ulit pagkasandali. “Sapagka’t hindi ko ibig mamatay,
sapagka’t hinahangad kong ang puso ko na lamang ang madurog. Luis, kulang-palad
tayo!” Ang ilang luhang nag-unahan sa pagpatak ang nagsabi binata ng
kadalamhatiang kinakabaka ni Danding.

Lalo pang napatigagal si Luis at ang malalam na ilaw ng isang maliit na globong kulay
luntian ang sumaksi sa kaniyang pagkahabag sa pinakaiirog nang higit sa buhay.

“Luis, huwag kang matakot sa pighati. Ikaw ang sumalang ng sugat,” ang patuloy nang
buong kalungkutan ng nagsasalita. “Tapos na sa atin ang lahat. Ito ang wakas ng ating
pag-iibigan. Oh! Kaydaling natapos. Ngayon ay sasabihin ko sa iyo ang bagay kong
ipinaglilihim. Wala akong ipagkakaila anung-ano man, lahat ay aking sasabihin yamang
ibig mo. Ang dalagang umiibig sa iyo at kung palayawan mo’y aking Danding ay hindi
na iyo ngayon. Siya’y wala nang sariling puso, siya’y isang kasangkapan lamang na
ipinagbibiling di magluluwat. Ipagbibili, Luis, at sa halagang di mo maaabot. Alam kong
sa pag-ibig mo sa akin, sampung buhay man ay iyong ipapalit, dapwa’t di sukat ang
buhay, kailangan ang salapi, kailangan ang pilak na mataginting, na panira sa lalo mang
mahal na mga tipanan, at makaaalipin sa napakataas mang hari, kaya ngayo’y hindi na
ikaw ang may karapatan sa aking pag-ibig, iniirog man kita, kundi si Rojalde na mula
ngayo’y kinapopootan ko.”

“Kung gayon, si Rojalde…” ang bahagyang nasnaw sa bibig ng binata.

“Oo, Luis, siyang bibili sa akin at ang magbibili nama’y ang aking mga magulang.” At
marahil sa pagkalunos, ang dalaga’y napatigil. Hindi na nakapagpatuloy, at walang
naisaksi ang kaniyang puso sa sakbibing dalamhati kundi ang saganang luha at ang
pinipigilang paghikbi.

Sabay sa pagluha, sabay sa paghikbing isinalaysay ng dalaga ang buong nangyayari.


Siya’y pingsabihan na ng kaniyang ama at nang sumagot na may kapaitang lunukin ang
maagap na pagkakapaoo kay Rojalde nang hindi naman sumangguni sa kaniya, ay
nagalit, napoot, at siya’y tinawag na masamang anak. Di-umano’y kaligtasan nilang
mag-anak ang gayong pag-aasawa at alang-alang sa pagkaligtas na ito sa isang
napakalaking panganib at kahihiyang kapapasukan kung sakali ay dapat siyang
sumunod. Nasabi pa rin ng kaniyang amang kung hindi siya sasang-ayon ay
mapipilitang magpatiwakal na muna bago masamsaman ng lahat na pag-aari at
lumabas na kahiya-hiya sa karamihan. Ang kanila palang dangal at kapurihang mag-
anak ay maaaring siklut-siklutin ni Rojalde. Napakalaki ang sagutin ng kaniyang ama
rito na di na makauurong pa kahit ibigin.

“At ako, sa harap ng ganyang sigalot ay nalilito. Iniibig ko ang aking magulang at iniibig
din naman kita,” ang mga huling salitang sakdal kapaitan ng dalaga.

Ang gayong dagok ng kasawiang-palad ay hindi inasahan ni Luis. Hanggang nang mga
sandaling yao’y hindi pa nagkakasugat ang kaniyang puso. Naniniwala ng paniniwalang
bulag sa kaligayahan ng pag-ibig na sa palagay niya’y isang bulaklak na napakabango
at di na mauubusan ng samyo. Hanggang sa gabing iyon ay pawang paglasap ng
katamisan sa sinapupunan ng kaniyang pinakamamahal na Danding ang natatamo,
minsan ma’y di nakadama ng isang tinik na sukat ikapagsabing nagsapot sa kaniya ang
kalangitan, minsan ma’y di nakalagok ng kapaitang ikapagtuturing na siya’y nasawi.
Lahat ay ligaya, lahay ay aliw at katamisan, walang lungkot ni pighati ni luha at
pagdaramdam.

Alam niyang may mga pag-ibig na taksil at nakamamatay, dapwa’t kailan ma’y di nag-
akalang ang ganito sa kaniyang Danding na makalilibong sumumpa sa pagmamahalan
nila. Hindi akalain ni Luis na sa isang sandali lamang ay mapapawing parang aso ang
lahat niyang pag-asa sa isang babaying hindi naman masasabing sa iba pa kundi kaniya
nang lubos.

Nang mga sandaling iyo’y nagunita ni Luis ang pagkakapagkilala nila ni Danding, isang
hapon sa Luneta, nang ito’y kagagaling pa lamang sa isang colegio rito sa Maynila at
inilabas ng ama dahil sa nalalapit na pagdiriwang ng Del Pilar sa Sta. Cruz. Biglang
sumagi sa kaniyang gunita ang ikalawang pagtatagpo nila, makasanlinggo lamang sa
isang sayawan, at nagunita tuloy ang kaniyang pagkakapahayag sa sayawang iyon, na
ipinagtamo kay Danding ng kung hindi man isang oo ay isa namang pagpapaasang
sukat nang makaaliw sa isang nangingibig.

Oh! Hindi maaari, na ang gayong pag-iibigang pinapagtibay na mahigit ng isang pag-
irog na dalisay at wagas ay magbunga ng kapait-paitang pagkadusta. Hindi, kailangang
mamatay na muna siya upang makapanalig sa ganito. Gayunma’y kaharap si Danding,
nadinig sa mga labi nito ang buong katotohanan, ang pagbibili ng isang pusong may
dinadalanginan man ay pilit na ipinasasaklaw sa iba, at siya ay naroong walang namang
magaw at di makapagsalita ng anung-ano man palibhasa’y pinipi ng gayong kasawiang
ikawawala ng kaniyang mutya at tunay na ligaya. Ibig na ayaw paniwalaan ni Luis na
may mga magulang ngang nangangalakal ng anak. Pinag-aalinlangan niyang ang
pangangalakal na ito, kung totoo man, ay iukol ni Don Nicanor sa kaniyang kaisa-isang
anak na babayi, pagka’t si Don Nicanor ay mayaman at di mangangailangan ng
salaping ipananakip sa tainga upang huwag marinig ang sigaw ng isang pusong
tumututol.

Ang pangingibig ni Rojalde ay kaniyang talastas. Nalalaman niyang ito’y


nagpapakamatay halos kay Danding, at sa katunaya’y di miminsang nakapagdahilanan
pa ng kaniyang mga pagtatampong lambing lamang naman sa nagmamahal na si
Danding, dapwa’t di niya sinapantaha kailan mang gayon ang magiging wakas.

Si Din Nicanor, sa kaniyang palagay, ay isang amang may katuwiran at hindi kabilang
ng mga magulang na sa supot tumitingin at hindi sa kaligayahan ng kanilang anak,
dapwa’t naroroon si Danding na nagpapabulaan sa ganitong palagay. Oo, ang Danding
na iyong kinaniya-kaniya at pinaglalaanan ng buong pagkatao at pagmamahal ay
ipinabili ng magulang, at siya sapagka’t dukha’y di man lamang makasali sa
pamamakyaw.

Ang kaniyang maliit na sahod sa pinapasukang isang bahay-kalakal na dayo ay hindi


maipangangahas sa gayong pagbibilihan: sukat na lamang ang magtiis, at ang
pagmumuni-muning ito’y siyang nagsurot sa kaniyang mga mata ng napakaruhaging
palad ng dukha, na pinanaligan niyang nauuwi sa ganito: ngayo’y malakas, bukas ay
mahina at sa makalawa’y matanda nang pinatatapun-tapon hanggang sa mamatay na
dayukdok.

“Ipagbibili ako sa halagang hindi mo maaabot!” ito ang sabi ni Danding at may
katotohanan nga naman, pagka’t siya ay dukha, isang maralitang salamat sa kaunting
nalalaman kaya nakagigitaw-gitaw nang kaunti. Dapwa’t ganito man ay nag-uulik-ulik
ang kalooban ng binata. Hindi makapani-paniwala sa lahat ng narinig, at ipinalalagay na
ang mga ipinaturing ng kaniyang minamahal ay isang panaginip lamang kung hindi man
isang pagbiro.

Nang mga sandaling iyon si Luis ay napatulad sa isang ayaw mamatay na tinutulan pati
ng paghihingalo. Si Danding ay kaniya, at laban dito’y wala nang katuwiran pang
maibabali. Kapagkaraka’y walang lunas na minagaling kundi ang pagtatanan. Sa lilim
ng malayang pamamalakd tungkol sa bagay na ito ay makisisilong sila ni Danding:
doo’y di na makaaabot ang lakas atmasagwang pagkaama ni Don Nicanor, kaya ang
sabi pagkatapos ng matagal na di pag-imik.

“Laban sa ganyang paggahasa ng iyong ama ay kagahasaan din ang panlaban.


Magtanan tayo, lumayo rito at salirinin ang ating palad.”

Ang ganitong mga salita’y binigkas ni Luis nang biglang-bigla at natatatakan ng


katigasang-loob. Hindi minasama ni Danding ang gayong hikayat. Siya ma’y nakapag-
akala na ring di miminsan ng gayon, dapwa’t kinahahabagan ang kaniyang ama at ang
kaniyang ina. Dito niya utang ang pagkatao, ang nalalaman, ang lahat. Ang kaniyang
pagsunod ay talagang sa mga magulang, nguni’t ang kaniyang puso?

Isang pakikipagtunggali sa mga udyok ng puso ang nangyayari kay Danding ng mga
sandaling iyo. Isang matamis na damdamin ang nagtutulak sa kaniyang sumama kay
Luis, lumayo, at sa gitna ng kalayaan lasapin ang katamisan ng paggiliw, nguni’t
magpikit man ng mata’y isinusurot naman sa kaniyang mga balintataw ng pagsunod sa
magulang ang larawan ng amang nagpatiwakal dahil lamang sa kaniyang di pagsunod.
Matay mang pakakuruin ang sinasapit niya ay di mapanibulos kung saang dako kikiling:
saa’t saan man ay may kamatayan, may lasong makamandag, may sundang na pang-
iwa.

Napaiyak, at di kinukusa’y sa balikat ng binata napahilig. Isang halik na pasiil ang


inilunas ni Luis sa gayong kapighatian, at ang sabing sabay ng paghaplos sa noo ni
Danding:

“Alam kong iniibig mo ako kaya wala akong katiga-tigatig. Ikaw ay akin at di kay
Rojalde.”

“Napakahirap kang papaniwalain,” ang pahikbi-hikbing sagot ng dalaga, “at ngayong


makilala ko ang kadakilaan ng iyong puso at ang karangalan ng iyong pag-ibig ay lalo
kitang minamahal. Nguni’t maniwala ka sa akin, Luis. Limutin mo na ako, huwag kang
umasa ng ano man at ang pagbibili sa akin ay hindi na mauurong. Luis! Luis! Bakit di ka
naging mayaman?”

“Danding!”

“Oh, hindi ko sinusugatan ang iyong pagkatao. Nasabi ko ang gayon pagka’’t kung may
salapi ka ay hindi ako kay Rojalde, kundi’y iyo na lamang.”

“Siya na. Ako’y hindi mo na iniibig kaya ka nagsasalita nang ganyan. Pusong babayi ka
nga mayroon. Ipinagpapauna mo sa pag-ibig, diyan sa dalisay na dumadaming bibihis
sa katauhan, ang kahinaang-loob. Dinaya mo ang aking pag-asa. Hindi mo na ako
minamahal. May katuwiran ka, ako’y dukha at di dapat mangarap ng pag-akyat diyan sa
kalangitn handa lamang sa mga mapalad na manggagaga. Oo, lilimutin kita sapagka’t
ikaw ay mayaman, hindi sapagka’t hinihingi mo. Aalis ako ritong gahak ang puso at
walang paniwala.” At pagkasabi ng ganito’y tumindig ang binata at humandang aalis.

“Wala kang awa, Luis. Ikaw pa ang maghihinanakit sa akin. Ibig kong sa pag-alis mo
rito’y magtaglay ng paniniwalang hindi kita nililimot. Iniibig kita nang higit pa kaysa rati
dapwa’t ang aking mga magulang, ang pagpapahalaga sa kanilang naipangako, ang
kabaitang dapat taglayin ng isang anak… Luis,kaawaan mo ako!”

“Nauunawaan kita, nguni’t ano ang magulang, ang pangako, ang kabaitan sa harap ng
isang oag-ibig? Ikaw ay akin at hindi sa iba, bakit nmgayo’y ikaw na rin ang magkukusa
ng pagwawalat sa ating ligaya?”

“Lahat nang iya’y totoo, maaaring ako’y iyong pag-itingan ng sisi at pagdusta, dapwa’t
huwag mong hinalain kailan man na kita’y hindi iniibig, pagka’t ito ang lasong
makamamatay sa akin. Iniibig kita nguni’t…”

“Kung gayon ay di mo makakayang suwayin ang mga magulang?”

“Sila ang aking pangalawang Diyos dito sa lupa, at bago ko sirain ang ganitong tadhana
ng aking pananampalatayang kinagisnan ay ibig ko munang mamatay.”

“Sukat na, Danding. Maituturing mong ikaw ay nagwagi. Iiwan ko rito ang aking puso.
Aalis akong wala nang pag-asa ni pananalig. Isang buhay ang inalisan mo ng halaga,
dapwa’t hindi kita sinisisi sa pagkakaganito, nalalaman kong ikaw ay walang sala, ang
aking pinakasusumpa ay ang mga kamaliang bunga ng dalawang gawa ng tao: salapi at
ang pananampalataya.”

Pagkaraan ng may isang oras, si Luis ay malungkot na nanasok sa pinto ng kaniyang


bahay na sa isang nayon ng Maynila ay kaumpok ng ilang bahay na pawid na paris din
ng kaniyang tinatahana’y naghihiwatig ng di totoong mariwasang buhay ng nagsisitira.

Hanggang sa makakubli sa mga patak ng ulan ng gayong kasungit na gabi ay walang


nauulit-ulit ang binata kundi ang mga salitang:

“Ang salapi, ang pananampalataya, napakalakas ang mga kaaway kong ito.”

Ang mga Anak Dalita


Ito ay isang nobelang patula na isinulat ni Patricio Mariano, tungkol sa buhay ng
isang babae at ang kanyang mga pinagdaanan sa kawalang hustisya ng isang
kapitalistang lipunan. Ipinapakita rin dito ang pang-aabuso ng Kastila at
Amerikano sa Pilipinas, sa pamamagitan ng istoryang isinalaysay ni Ata, isang
trabahador sa pabrika, sa kanyang anak na si Teta. Ang kuwento ay tungkol
kay Mutya, na nabiktima ng dalawang lalaking nagngangalang Dulong
(Espanya) at Limatik (Amerika). 

Patricio Mariano
UNANG PAGKALIMBAG

=MAYNILA: 1911=

=Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales Liwasang Miranda, 11 13, Kiyapo.=

=Sa mañga binibining manggagawa.=

Sa inyóng may mura at mahinang bisig na maghapong araw, sa sipag, ay gamit, sa


inyó ko handóg yaríng aking awit, bilang paghan~ga ko sa pagmamasákit na inyóng
itanggól, sa tulong n~g pawis, ang sariling búhay at tagláy na linis.

Pat. MARIANO.

=Sa bábasa.=

Kaibigan ka man ó di kapanalig, kasuyo ó hindi, kaaway ó kabig, di ko hiníhin~ging


huwag mong isulit, sa akin, ang pula na ibig ikapit.

Di ko mawiwikang ipagpaumanhín ang mali ó lisya na iyong mápansín, sabihin mong


lahát ang ibig bangitín; may kalayaan ka, di ko sinisiíl.

Di akó gagaya sa ibáng katulad na hihin~ging awa ó ipahahayag na kutád ang isip at
bubót ang hagap; kapós palá'y ¿bakit nan~gahás sumulat?

Kaya n~ga't antáy ko ang iyong pasiya yamang ikáw'y siyang susuri't lalasa; n~guni't
ang hilíng ko'y pintás pantás sana ang iyong gamitin sa m~ga mábasa.

Di ikasásama nitóng kalooban, pintasán man itó, n~guni't tama lamang; ang
dáramdamín ko'y ikáw ang wikaang: mangmáng palá'y ibig magdunóng dunun~gan.

Kaya n~ga't bago ka magsabi n~g hatol ay magnilay muna, gamitin ang dunong (kung
matalino ka) at saká ipatong ang wíwikain mong di na mahahabol.

Dapwa't, kung sakali, namáng, ang mangyari'y dúdulutan akó n~g iyóng papuri,......
¡Maraming salamat! (maraming marami) n~guni't nilayin din na lubhang mabuti.

Pagka't ang tawa man, kapág nábulalás ay hindi na tawa kung hindi halakhák; labis na
puri'y, karaniwang banság, kung minsan ay tuya't kung minsan ay libák.

ANG KUMATHA.
=Ang mañga anák dálita.=

I.

SI TETA.

Sa isáng tahanang lubhang marálita na áalan~gán pa sa pan~galang dampa'y may


isáng babaing yayát at matandá na wari'y may sakít, kaya't nakahiga.

Sa kaniyang siping, na abót n~g kamáy, ay may isáng mangkók na lugaw ang lamán at
sa dakong paa'y mayroong uupán na wari'y gawa pa n~g amáng si Adán.

Ang tan~ging kasama n~g sangkáp na itó ay isáng tampipi't isáng baul mundo, isáng
panahian, kaputol na kayo at ilang balumbón n~g sutlang naguló.

Ang lahát n~g iyo'y siyáng kayamanan niyóng maralita't babaing may damdám kung di
mápupuná ang isáng larawan n~g himalang gandá na nasa batalán.

Isáng binibining ang tindíg at anyo, ay nakaáakay sa gawang sumuyo at ang kanyáng
titig na lubhang maamo ay makabibihag sa alín mang puso.

Yaóng m~ga pisn~gí, na nagnakaw mandín n~g kulay sa rosa't sa magandáng jazmin,
ay natítimban~gán n~g matáng maitím na wari'y hahalay sa m~ga bituín.

Ang isáng makapál at mahabang buhók na nábabalumbón sa malakíng pusód ay


inalong dagat ang nákakaayos dahilán sa inam n~g pagkakakulót.

Itó ang himalang hindi nábibilang sa m~ga nákita na hiyas sa bahay, kahit masasabing
sa kahalagahan ay siya ang lalong palamuting mahál.

Lalo't kung mabatíd na siya ang anák n~g babaing iyong sa sakít ay lagmák, at siya ang
isáng tan~ging naghahanap at nagmamasakit sa buhay na salát.

Siya ang paroon, siya ang parito, gawa niya yaón, gawá niya itó, sa maghapong araw,
ang mahinang butó, ay di natitigil n~g kahit gaano.

At sa dinádaláng sadyáng kaliksiha'y kasangkáp na tagláy iyóng kabaitan, kaya't kahit


sinong magíng kapanayám, ay nan~gawiwili na siya'y pakingán.

Sa unang sandaling ating pagkákita ay damít ang pigil at siya'y naglabá at nang
makatapos, tinignán ang iná kung sa pagkáhiga ay nakaban~gon na...
=MAYNILA: 1911=

=Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales


Liwasang Miranda, 11-13, Kiyapo.=

=Sa mañga binibining manggagawa.=

_Sa inyóng may mura at mahinang bisig


na maghapong araw, sa sipag, ay gamit,
sa inyó ko handóg yaríng aking awit,
bilang paghan~ga ko sa pagmamasákit
na inyóng itanggól, sa tulong n~g pawis,
ang sariling búhay at tagláy na linis._

Pat. MARIANO.

=Sa bábasa.=

Kaibigan ka man ó di kapanalig,


kasuyo ó hindi, kaaway ó kabig,
di ko hiníhin~ging huwag mong isulit,
sa akin, ang pula na ibig ikapit.

Di ko mawiwikang ipagpaumanhín
ang mali ó lisya na iyong mápansín,
sabihin mong lahát ang ibig bangitín;
may kalayaan ka, di ko sinisiíl.

Di akó gagaya sa ibáng katulad


na hihin~ging awa ó ipahahayag
na kutád ang isip at bubót ang hagap;
kapós palá'y ¿bakit nan~gahás sumulat?

Kaya n~ga't antáy ko ang iyong pasiya


yamang ikáw'y siyang susuri't lalasa;
n~guni't ang hilíng ko'y _pintás pantás_ sana
ang iyong gamitin sa m~ga mábasa.

Di ikasásama nitóng kalooban,


pintasán man itó, n~guni't tama lamang;
ang dáramdamín ko'y ikáw ang wikaang:
_mangmáng palá'y ibig magdunóng-dunun~gan._

Kaya n~ga't bago ka magsabi n~g hatol


ay magnilay muna, gamitin ang dunong
(kung matalino ka) at saká ipatong
ang wíwikain mong di na mahahabol.

Dapwa't, kung sakali, namáng, ang mangyari'y


dúdulutan akó n~g iyóng papuri,......
¡Maraming salamat! (maraming marami)
n~guni't nilayin din na lubhang mabuti.

Pagka't ang _tawa_ man, kapág nábulalás


ay hindi na _tawa_ kung hindi halakhák;
labis na puri'y, karaniwang banság,
kung minsan ay _tuya't_ kung minsan ay _libák._

_ANG KUMATHA._

=Ang mañga anák dálita.=

I.

SI TETA.

Sa isáng tahanang lubhang marálita


na áalan~gán pa sa pan~galang dampa'y
may isáng babaing yayát at matandá
na wari'y may sakít, kaya't nakahiga.

Sa kaniyang siping, na abót n~g kamáy,


ay may isáng mangkók na lugaw ang lamán
at sa dakong paa'y mayroong uupán
na wari'y gawa pa n~g amáng si Adán.

Ang tan~ging kasama n~g sangkáp na itó


ay isáng tampipi't isáng _baul mundo,_
isáng panahian, kaputol na kayo
at ilang balumbón n~g sutlang naguló.

Ang lahát n~g iyo'y siyáng kayamanan


niyóng maralita't babaing may damdám
kung di mápupuná ang isáng larawan
n~g himalang gandá na nasa batalán.

Isáng binibining ang tindíg at anyo,


ay nakaáakay sa gawang sumuyo
at ang kanyáng titig na lubhang maamo
ay makabibihag sa alín mang puso.

Yaóng m~ga pisn~gí, na nagnakaw mandín


n~g kulay sa _rosa't_ sa magandáng _jazmin,_
ay natítimban~gán n~g matáng maitím
na wari'y hahalay sa m~ga bituín.

Ang isáng makapál at mahabang buhók


na nábabalumbón sa malakíng pusód
ay inalong dagat ang nákakaayos
dahilán sa inam n~g pagkakakulót.

Itó ang himalang hindi nábibilang


sa m~ga nákita na hiyas sa bahay,
kahit masasabing sa kahalagahan
ay siya ang lalong palamuting mahál.

Lalo't kung mabatíd na siya ang anák


n~g babaing iyong sa sakít ay lagmák,
at siya ang isáng tan~ging naghahanap
at nagmamasakit sa buhay na salát.

Siya ang paroon, siya ang parito,


gawa niya yaón, gawá niya itó,
sa maghapong araw, ang mahinang butó,
ay di natitigil n~g kahit gaano.

At sa dinádaláng sadyáng kaliksiha'y


kasangkáp na tagláy iyóng kabaitan,
kaya't kahit sinong magíng kapanayám,
ay nan~gawiwili na siya'y pakingán.

Sa unang sandaling ating pagkákita


ay damít ang pigil at siya'y naglabá
at nang makatapos, tinignán ang iná
kung sa pagkáhiga ay nakaban~gon na.

N~guni't nang inabot ang ináng may sakít


ay di kumikilos sa hihigáng baníg,
kaya't tinulun~gan, sa gawang pagtindíg,
upang ang pagkain ay huwag lumamíg.

Kanyáng iniupo ang ináng may damdám,


at saká kinuha ang laang linugaw;
--Kumain ka iná--ang wikang tinuran--
n~g upáng lumakás ang iyong katawán.

--Ay giliw kong bunso--ang sa ináng turing--


kung tayo'y mayaman, di mo sasapitin
ang hirap na itóng wari'y sapínsapín
na nagpapasasang sa ati'y umiríng.

Kundi bagá gayó'y akóng isáng iná


na dapat tumulong ay nakadagdág pa
sa m~ga gáwaing iyong dinádalá,
sa paghahagiláp niyong kakanin ta?

Ang tao n~ga palá, sa mundóng ibabaw,


ay dapat mag-impók n~g ukol sa buhay,
pagka't kung humina'y walang pagkukunan ...
"ang hindi nagbaló'y walang tatan~garan".

At pag sumapit na sa panahóng salát


ay walang sulin~gang dapat maapuhap
at ang nálalabíng kaya niyong palad
ay ang maghinagpís, tuman~gis, umiyak.

Gaya na n~ga nitóng sa ati'y sumapit,


salát na salát na, akó pa'y may sakít,
at ang kahinaan niyang iyong bisig
na murang mura pa'y siyang kinakatig.

Ikáw, sa maghapo'y walang hintong gawa


at di dumadaíng kahit ka na pata
¿sinong pusong iná ang di maáawa
sa isáng gaya mong labis mag-aruga?

--Aanhín mo iná, sa tayo'y mahirap,


--ang maamong sabi n~g giliw na anák--
n~guni kahit tayo madalás magsalát
ay wala sa atin namáng isusumbát.

Ang tan~gi ko lamang ikinalulumbáy


ay ang di paggalíng n~g sakít mo ináng;
kung sa ganáng akin salát ó mayaman
pag nasa piling mo'y ligaya n~g tunay.

¿Aanhín ang buhay na lubhang pasasa


kundi mákikita ang iná kong mutya?
¿aanhín ang laging walang ginagawa
kung ikáw iná ko'y dí kinákalin~ga?

Mahan~ga'y ganitóng laging nasasalát


at sa bawa't kilos kitá'y nayayakap;
ang yaman, sa akin, ay hindi ang pilak
kundi ang matamís na iyong pagliyag.

Mawika ang gayón, sa noo'y hinagkán


at saka niyakap ang ináng magulang;
--Itó ang yaman ko--ang muling tinuran--
at itó ang tan~ging aking kasayahan.

Matapos masunód ang nasang paghalík,


isinakandun~gan ang ináng may sakít.
¡Oh! gayón na lamang ang bukong pag-ibig
at gayón na lamang ang likás na baít.

[Larawan: Dalawang babae]

II.

ANG MAG-INÁ.

¡Giliw n~g pag-giliw! Kung ang pagmamahál


ay ipagagawa n~g sadyang larawan,
ang anyo at umpók at ayos na lagáy
n~g ating mag-iná, ang dapat huwarán.

Mapalad ang dukha na sa kasalatá'y


may kumakalin~ga't dibdíb na hiligán,
sapagka't ang gayóng laging kalayawa'y
hindi mábibilí n~g gano mang yaman.

¡Ilán ang may pilak na sa karamdaman


ay wala mang sukat tumin~gí't dumamay!
sakaling mayroon, iyón ay upahán,
¡upaháng pagsuyo'y walang kabuluhán!

Sandali'y lumipas sa pagayóng anyo't


nang nasiyahan na ang sabík na puso,
iná'y pinakain, n~g irog na bunso,
sa tulong n~g iláng maliit na subo.

Datapwa't sa bagsík niyong kasawiá'y


kumilos ang iná't tasa'y tinamaán
at ang nálalabíng kaunting linugaw
ay tumapong lahát sa silong n~g bahay:

Sa gayóng nangyari, kapuwa nagitlá


ang dalagang hirang at salantang iná,
itó'y sa dahiláng nababatid niya
na sa kinásidlá'y walang nátitira.

At walang kakanin ang anák na mahál


pagka't walang bigás ó kusíng man lamang
na sukat ibilí n~g ikabubuhay
na mailuluto hanggáng sa hapunan.

Si Tetay, gayon dín, pinasukang hapís,


dahil sa nátapon ang lugaw sa sahíg,
gayóng wala siyang ibibilí, kahit,
n~g sapát man lamang sa ináng may sakít.

Datapwa't gayón ma'y di nagpahalata,


sa kanyáng kandun~gan, iná'y ibinaba,
dinampót ang mangkók, pinahid ang basa,
at waring lálabas, tun~go'y sa kusina.

--Mag antáy ka muna at aking kukunin


ang nátirang lugaw--ang wikang mahinhín--
--¿At kukunin mo pa?--ang sa ináng turing--
¿Kung gayón ay anó ang iyong kakanin?

Alám kong kagabí'y di ka naghapunan


at hangáng sa n~gayó'y di nag-aagahan,
kundí pa kakain n~g pananghalian
¿anó ang daratnín n~g iyong katawán?

Hapo sa paggawa, kulang sa pagtulog,


ang sa sarili mo'y hindi inaayos,
kung ikáw'y mapata, ilayó n~g Dios,
¿sino ang sa akí'y titin~gín n~g lubós?

Ang sagót n~g anák--Ay giliw kong iná,


kung sa ganang aki'y huwag mag-alala.
sapagka't sa kalá'y lubhang marami pa
na makakain ko kung matapos ka na.
--Anóng pagkagandáng kasinun~galin~gan!--
ang wika n~g iná sa anák na mahal--
oo't mayroon pa, sakaling balun~gan
ang palyók na tuyó na nasa sa kalán.

Sa gayóng nádin~gíg, si Teta'y nán~giti


pagka't batíd niyang ang iná'y di mali,
n~guni't ang hinala ni Ata'y pinawi
sa magandáng sabing nakabibighani.

--Maniwala iná't tunay na mayroón


at di kailan~gan ang siya'y bumalong,
kung sa ganáng aki'y di pa nagugutom
kanya't kukunin ko ang nátira doón.

Upáng sa sakít mo'y hindi makadagdág


iyang kakulan~gán sa kakaning sapát
at kung may malabí, iyon na ay sukat
na itatagál ko sa maghapong singkád.

Masabi ang gayón, kalán ay tinun~go't


walang itinirá kahit isáng mumo,
n~guni't n~g makitang kaunting totoó
ang nakuha niya, ang puso'y nanglomó.

Pagka't magtipíd man ang kanyang maysakít,


ang gayóng karami'y kulang at di labis;
dito namighati ang masuyong dibdíb
at luha'y tumulo sa lakí n~g sákit.

Papanong di siya lubhang magdáramdam


sa wala n~g sukat dapat na asahang
makapagbibigay ó mauutan~gan
n~g ipamimilí sa kinabukasan.

Kaya't n~g pumasok na dalá ang tasa


ay hindi napigil ang luha sa matá,
datapwa'y sa nasang ilihim sa iná
ay nagpakunwaring siya'y tumatawa.

Ang ina'y namangha sa nakitang anyo


n~g bugtóng na anák at giliw na bunso:
waring nakan~giti, luha'y tumutulo,
bibig nakatawa't matá'y namumugto.

--¿Anó ka mayroon?--ang tanóng ni Ata--


¿anó't namumugto iyang m~ga mata?
¿anó ang hapis mo, bakit di ibadyá?
--ang kay Tetang tugo'y--Walang bagay iná.

Naalala lamang na kungdi ihatid


yaríng aking tahing panyong maliliit
ay wala na tayong sukat ipangtawid
sa loob n~g araw n~g lingong sasapit.

Kaya't kung ibig mo, ináng ginigiliw,


ay maghinahon na't ikaw ay kumain,
n~g upáng matapos ang aking tahii't
aking maihatíd sa n~gayón n~gayón din.

--Ikáw na anák ko ang siyang humigop


niyang nátitirang nakuha sa palyók
--ang wika n~g ináng halos nalulunod
sa lakí n~g dusang sa puso'y nagdoop.

Dito na nangyari ang pagpipilitán,


n~g bugtóng na anák at sintáng magulang;
aayaw ang isá't ang isá ay ayaw,
na wari'y kapuwa busóg na n~gang tunay.

Kahit mapag-aba't matigás na dibdíb


ang sa anyong iyo'y minsang makásilip
ay mahahabág di't pápasukang pilit
niyong pagkaawa sa mag-ináng ibig.

Pagka't ang kaniláng pagpapasunuran


ay buko n~g isáng boong pagmamahál,
ang ibig ni Ata'y mabusóg si Tetay
at si Tetay namá'y ang kanyáng magulang.

¿Sino n~ga bang iná ang makababatá


na hindi kumain ang anák na sintá?
n~guni't sinong anák ang makakakaya
na makitang gutóm ang giliw na iná?

Kaya't ang nangyari, silá'y nagkásundo


na ang bawa't isá'y tig-iisang subo
doon sa nálabí na pagkaing luto
na kaunting lugaw ina may luhang halo!

III.

¡GUMIGILIW!

At n~g makatapos, iná'y pinagyama't


saka iniupo sa sadyang luklukan
na kahit sira na'y mayroong hiligán
na nakasasaló sa dakong likurán.

At siya'y lumuklók sa dakong ibaba


upáng bigyang hanggá ang náhintong gawa,
n~guni't anóng lakí n~g tinamóng mangha
nang ang panahia'y kanyáng mausisa.

Sapagka't sa loob n~g kanyáng tahiin


ay may nakatagong kaputol na _papel_
na hindi mabatíd kung saan nangaling,
kaya't itinanóng sa inang kapiling.

--¿Sino ang may dalá n~g sulat na itó?


¿naparito bagá kanina si Pedro?--
--Oo--aní Ata--siyang nakita ko
na tan~ging gumaláw n~g panahian mo.

At saka umalís na tila may lumbáy


sapagka't malungkót niyong magpaalam
at ang idinugtóng sa huling tinura'y
ang bábalík siya sa katanghalian.

Ang puso ni Tetay ay halos tumahíp


sa sabi ni Ata na kanyáng nadin~gíg,
pagka't hindi niya lubós na maisip
ang pinanggalin~gan n~g gayóng ligalig.

¿Anó't ginawa pa ang siya'y sulatan?


¿anó ang sa _papel_ ay nápapalamán?
yaó'y talinghaga, kaya n~ga't binuksán,
upang mapagtanto ang lamán n~g liham.

Dátapwa ... ¡Oh lan~git! Di pa natatapos


sa kanyáng pagbasa, ang luha'y umagos,
at sabáy sa isáng matinding himutók,
mukha'y nápatun~gó't kamáy pinagduóp.

Si Ata'y nágulat sa gayong nákita


at biglang tinanóng ang anák na sintá.
--Ay iná kong giliw! Anáng pagkapaklá
nitóng kapalarang aking dinadalá!

Akó, inang irog, ay lubhang mapalad


sa gitna n~g ating madlang paghihirap
at yaring dibdíb ko'y lubós na panatag
at walang ligalig akóng mátatawag.

Datapwa't aywán ko, aywán ko kung bakit


at di ko mapigil ang paghihinagpís
dahil sa paglayong sa sulat sinambít
n~g kapuwa bata't kalaro kong ibig.

Yaríng abáng puso'y nalulunod mandín


sa bayóng malakas nitóng paninimdim,
na sakasakali na tayo'y lisanin
ay baka hindi na muling mákapiling.

Aywán ko kung bakit, n~guni't yaríng luha


ay di ko mapigil sa kanyáng pagbaha
at kung gunitaín ang bawa't salita
n~g sulat na itó, akó'y nanglálata.

At diwang ang aking boong kaluluwa


ay nababalutan n~g matinding dusa ...
¿anó kaya itó?--Iyan ay pagsintá--
ang pan~giting sagót n~g giliw na iná.

--¡Oh! pagsintá itó?--Ang tanóng ni Tetay


na tutóp ang dibdíb n~g dalawang kamáy,
--Oo, aking anák; iyang pagmamahál
na tinátagláy mo ay pagsintáng tunay.

Iyan ang larawan n~g isáng paggiliw


na anák n~g iyóng pagirog na lihim;
di mo natatanto pagka't nahihimbing,
sa kapayapaan, ang iyong panimdím.

N~guni't n~g magdamdám n~g munting gambala,


gaya n~g paglayong hindi inakala'y
sumilakbóng agád ang pamamayapa,
at nagpakilala sa sabík na nasa.

Iyan ang nangyari sa bata mong puso


na di nakabatíd n~g iba pang suyo
liban sa malambíng at tapát na samo
nitóng iyong ináng matanda na't hapo.

Malaon nang lubhang aking naramdamán


ang inyóng matapát na pagsusuyuan,
n~guni't di pinigil, bagkús binayaan
ang binhi n~g inyóng sintáng tinatagláy.

Sapagka't alám kong totoong malinis


ang pagsusuyuang inyóng ginagamit ...
--Kung gayón, iná ko--ang kay Tetang sulit--
¿ang unang silakbó n~g sintá'y pasakit?

Diyata't hindi na mangyaring mabatyág


ang lasáp n~g sintá kungdi sa pahirap?
--Hindi namán gayón--ang sa ináng saad--
kung minsa'y ganyán n~ga't kung minsa'y malunas:

Kung minsan, sa piling n~g kapayapaa'y


núnukál ang binhi n~g pagmamahalan
at sa pagtatama n~g dalawáng simpán,
ang muntíng sandali, ay nagiging tuláy.

Upang ang pagsuyong sabik sa pahayag


ay magpakilala sa irog at liyag
at ang puso namáng nagtimping maluwat
ay magpahalata n~g kanyáng paglin~gap.

Sapagka't ang sintá ay hawig sa puno


na ang binhi niya'y ang n~galang pagsuyo
at pinakadilig, nang upáng lumago,
ay ang katamisan n~g m~ga pagsamo.

Kahit na maunlád ang kanyáng paglakí


ay di mahalata nang may daláng kasi,
kungdi matatangki't mapagmunimuni
na may ibáng nasa ang pusong sakbibi.

Nasáng náhahawig sa isáng gunita,


nasa na animo'y uhaw ang kamukha,
n~guni't kung suriin ay mahahalata
na ibá ang ayos, at iba n~gang sadya.
Sapagka't ang dating iyong pagmamahál
sa ibáng kilalá't m~ga kaibigan
ay hindi rin iyon ang suyong bubukál
sa isáng pagsintá na bagong dinamdám.

Yaón ay taganás na pagmamasakit,


pagpapaumanhí't pakikikapatíd,
n~guni't itóng isá'y damdaming matamís
na may panibugho't madlang pagtitiís.

Ang bawa't salita nitóng nan~gun~gusap,


sa dibdib ni Teta ay nagpapahirap,
pagka't unti unting kanyáng námamalas
na pawa n~gang tunay ang sa ináng saad.

Kaya't, ang kaniyáng kamáy, pinagduop,


sa haráp n~g iná'y biglang nápaluhód,
at sabáy sa luhang sa matá'y nanagos,
náwikang:--¡Iná ko, akó'y umiirog!

Kung yaring hinagpís nitóng kaluluwa


at pagkabagabag n~g damdaming dalá
ay tanda n~g aking paggiliw sa kanyá....
¡patawad, iná ko!... akó'y sumisintá!...

--Patawad! ¿at bakit?--ang kay Atang turing,


na lubhang masuyo, sa anák na giliw.
--Pagka't nagawa kong sa iyo'y maglihim
n~g damdaming dalá n~g puso't panimdím.

IV.

SI PEDRO.

Isáng manggagawa, ginoo n~g sipag,


mabikas ang tindíg, noo'y aliwalas,
di mayamang suot ay nagpapahayag,
na siya'y matalik na kawal ni "Hirap".

Ang magandáng tin~gi'y nagpapahalata


n~g ugaling mahál, kahit marálita,
at ang kanyáng labi'y hindi nagbabala
n~g asal na ganid n~g m~ga kuhila.

Itó ang binatang bigláng nakiluhód,


sa harap ni Atang nápagitlá halos,
na sabáy ang sabing:--Salamat, sa loob
na ipinatanaw sa aking pag-irog.

Ang ating dalaga'y nagulumihanan,


pagka't nákilalang silá'y nápakingán
ninyong kapwa-batang kanyáng minámahál
at iniirog pa nang higít sa buhay.
Mukha'y itinun~go n~g ating dalaga
at ayaw isilay ang magandáng matá;
waring nahihiya nang _ang lihim niya
ay hindi na lihim_ sa tunay na sintá.

Ang ináng may sakít, na siyang matanda


na nakatataho n~g damdaming bata,
ay siyang sumagót n~g tugóng payapa
sa pamamagitan n~g ganitóng wika:

--Oo, tunay Pedro; ang iyong pag-ibig


ay malaon na n~gang may sadyang kapalít
at kahit nangyaring malabis kong batíd
ay hindi humadláng, bagkus nanahimik.

Sapagka't alám kong ang iyong paggiliw


sa sintá kong Teta'y lubhang taimtím
at walang gabahid na ikadudusing
n~g tagláy na puring kanyáng inaangkín.

Batíd ko rin namáng sa isáng gaya mo


ay lubhang malayo ang ugaling lilo,
kaya't pinayagang ikáw ang magtamó
sa pusong malinis n~g sintáng anák ko.

Datapwa't ang tan~ging aking dináramdám


ay ang lagáy naming lipos kasalatán
at wala na mandíng mábangít na yaman
liban na sa dagsa nitóng kahirapan.

--Iná ko, sukat na ¿yaman pa'y aanhín


kung isáng biyaya ang magiging akin?
at saka sa kulay n~g aking paggiliw
ay di náhahalo ang sa yamang ningníng.

Akó'y inianák sa pagdadalita


at kámpón ni _Hirap_ sapol pagkabata.
musmós pa man halos bísig ko'y pinata
at nagíng kawal na n~g haring _Paggawa._

Ang tan~gi ko lamang pinakahahanap


ay ang isáng pusong mayaman sa lin~gap
at ang pusong itó'y aking natatatap
na si Tetay lamang ang siyáng may in~gat.

Datapwa'y gayón man, kahit aking batíd,


na, sa sarili ko, siya'y iniibig
ay hindi ginawang aking ipagsulit,
sa tunay na irog, ang lamán n~g dibdíb.

At talagá sanang aking itatago


nang lubhang malalim sa loob n~g puso,
at baka sakaling ang kanyáng pagsuyo
ay naidulot na sa ibáng sumamo.

At kungdi nangyaring akíng nápakingán


ang m~ga salita n~g irog kong Tetay,
salitang nagbukás niyong kalan~gitán
sa palad kong aba, di sana nagsaysáy.

--Irog!... Sinun~galing!--ang wikang banayad


n~g ating dalaga--kung akó ay liyag,
¿bakit mo nagawa ang lálayo't sukat,
gaya nang tinuran sa iyong sinulat?

--Iná naming irog; ikáw ang humilíng


sa anák mong sintáng akó'y patawarin.
--Pinatatawad ka, n~guni't sásabihin
kung bakit náisip ang kamí'y lisanin.

Kayó'y man~gagtindíg--ang wika ni Ata


sa ating binata't sa ating dalaga--
kayo'y magsiupo at saka ibadyá
ni Pedro ang sanhi n~g pag-alís niya.

V.

PAGHABÁG N~G PUHUNAN.

Matapos na silá'y makapag-upuan


sa papag na siráng ang paá ay kulang,
binuksán ni Pedro't agad sinimulán
ang sanhing nag-udyók n~g kanyáng pagpanaw:

--Akó'y isáng bugtóng ni amá't ni iná


at batíd na ninyóng malaong ulila,
kaya n~ga't nangyaring kahit hindi kaya
nitóng katawán ko, akó'y nagpaupá.

Gayón na n~ga lamang ang isáng mahirap,


na walang mag-ampó't sukat na lumin~gap,
dapat ugaliin, ang butó, sa batak
kung ibig mabuhay at huwag masalát.

Bukód pa sa roon, ang taong may dan~gal


ay dapat batakin ang butó't magpagal,
at huwag mabuhay n~g hambáhambalang
ó kaya'y umasa sa m~ga sugalan.

Kahit may salapi't nakaririwasa


kung ang pamumuhay ay pagalagala
at di ginagamit ang butó sa gawa,
ay tinatawag din namáng: _hampáslupa._

Akó ay naglingkód, na bilang nag-aráw,


sa isáng gawaan n~g di kababayan,
n~guni't sa pagpasok ay may kasunduang
kung maraming gawa'y may upang katimbang.
Inihalál akóng magíng katiwala
sa isáng pulutóng niyóng manggagawa.
na kagaya ko ring pawang maralita
n~guni't lalong salát sa kaya at haka.

¡M~ga abang tao! ¿anong sasapitin?


súsunód na lamang sa bawa't sabihin,
kung busabusaang animo alipin
ay wala n~g kibó't mababa ang tin~gín.

Paano'y, ang mangmáng, kahi't may matuwid,


ay umíd ang dila at pipi ang bibig;
laging nananan~gan sa tuntuning lihís
na _kabaitan_, daw, _ang hindi pag-imík._

Sa gayón n~g gayó'y nákaugalian


n~g nan~gan~gasiwa ang paglapastan~gan ...
waláng bigong kilos na hindi may tampál,
suntók, sikad, batok, sa munting magkulang.

¡O, gayón na lamang ang pag-alipusta


sa inuupahang m~ga maralita!
ibayo't ibayo ang dagdág sa gawa
at sa upa namán ay baba n~g baba.

Datapwa't ang tao'y hindi makadaíng


pagka't natatakot na silá'y alisín,
dahil sa maraming kahit na gayonín
ay nakikiagáw, dahil sa kakanin.

Sa bawa't umalís na isáng pinasláng


ay sampu ang palít na nag-uunahán,
kahit na mababa ang upang ibigáy
ay tatangapín ding walang agam-agam.

Nakikita itó n~g lilong mayama't


ikinatutuwa ang pagayóng asal
n~g nagpapaupá, kaya't kadalasa'y
malaon mang lingkód ay di tinitingnán.

Sa munting magkulang ang kahi't na sino,


magíng matanda man ó kaya ay bago,
daglíng áalisin at tamád dikono
kahit na ang sanhi'y may sakít ang tao.

Ang ibig mangyari n~g namumuhunan


ay ibaibayo ang tubong mákamtán,
dapwa't ang katulong na _puhunang pagál_
ay huwag magtamó n~g milmá man lamang.

¿Paanong di gayón, ay hindi kabalát?


¡ang puhunang dayo ay walang paglin~gap..!
¿anó kung mamatáy tayo ritong lahát
yumaman lang silá't magbalón n~g pilak?

¿Sa kanilá'y anó kung tayo'y masawi,


masasawi bagá ang kanilang lahi?
silá ay dayuha't dayo ang salapi,
kahit makaapí'y walang n~gimin~gimi.

VI.

HIRÁP ANG MAHIRAP.

Ang bagay na itó'y mapaglalabanan


kung ang mangagawa'y man~gagtútulun~gán,
n~guni't hindi gayó't bagkús ang irin~ga'y
siyang naghahari sa m~ga upahán.

Madalás, na, silá ang nan~gaguudyók


n~g upáng ang ibá'y magtamóng pag-ayop;
silá, sa kasama, ang nan~gaglúlubóg
sa nasang maagaw ang sa ibáng sahod.

Ang pusong masakím (n~g sahól sa kaya)


ay walang dalahin kungdi ang mamansá
n~g madlang pagdusta sa galáw n~g ibá
yamang di mangyaring mapantayán niya.

Si Inggit, si Lihim, si Dimapagtapát


ay siyang sambahing laging náuunlák,
samantala namáng sa luha'y násadlák
si Damay, si Tulong, si Ampó't si Lin~gap.

Walang bigong kilos na hindi kaaway


niyong mangagawa ang kapwa upahán,
na mapagmapurí't dila ang tangulang
ipinangtutulong sa namumuhunan.

Sa madaling sabi: di lamang ang lupít


n~g lilong salapi ang nakaiinís,
kung hindi sampu pa n~g ugaling ganid
n~g kaisang uring taksíl sa kapatíd.

Kaya't matatawag na silá ang uway


na laging panggapos sa m~ga kawayan;
silá ang kapatíd, silá ang kakulay
at siláng silá rin ang nakamamatáy.

Mahalagá't tunay iyong sáwikaíng:


"hiráp ang mahirap sa anomang gawín;
hiráp sa harapán n~g umaalipin
at hiráp sa asal n~g kasamang taksíl".

Ang bagay na itó'y siyang nangyayari


sa pinapasuka't gawaan kong dati,
kaya't náisip kong makapagsarilí
ó masok sa ibáng hindi mapang-apí.

Sapagka't sa aking m~ga kasamahán


ay wala ang budhing marunong dumamay,
silá silá na rin ang nag-iinisan
gayóng ang marapat ay ang magtulun~gán.

Sa gayóng pahayag, si Ata'y sumagót


n~g payong maraha't salitang malambót,
na anyá'y:--Anák ko, huwag panibulos
sa bigláng sigabó n~g bata mong loob.

Kahit anóng gandá sa bigla mong tin~gí'y


huwag na mabulag ang iyong damdamin,
hindi pawang ginto ang nan~gagniningníng,
maná pa'y marami ang magíng kalaín.

«Maging anóng buti n~g hindi kilala'y


mahirap timban~gán kay sa kilala na»
iyong pag-usiging huwag kang mapara
sa isáng nangyari. Ikaw'y manain~ga:

VII.

ISANG ALAMAT NI ATA.

«Sa isáng lupaíng lubhang maligaya


na tapát n~g lan~git na laging masayá'y
may Mutyang sumibol na tan~gi sa gandá
at nakawiwili sa tumin~gíng matá.

Kaya't ang sino mang sa kanyá'y lumapit


ay nabibighaning sumuyo't umibig
at walang matigás, ni bakal na dibdib,
na hindi naakay n~g tagláy na dikít.

Siya'y mapayapa at walang ligamgám,


puso'y náhihimbíng at laging tiwasáy,
walang ninanasa kungdi ang mabuhay
na lubhang malaya, sa katahimikan.

Maná isáng araw, na di iniisip,


siya'y linapitan n~g Dulóng na ganid,
na tagláy ang nasa at tangkang magahís
ang yaman at gandá n~g Mutyang marikít.

Datapwa't ang budhing hindi nan~gan~galay


mag-iwi sa isáng boong kalayaan
ay hindi umayon, at sa kalakasan
n~g Dulóng ay lakás ang ipinatanáw.

Ang mahinhíng asal ay bigláng pinawi,


sa n~gipin ay n~gipin ang itinungalí,
hanggáng sa mangyaring ang palalong budhi
n~g manggagahasa'y nagbago n~g uri.
Agad ikinanlóng ang n~giping matalas
at n~giting magiliw ang ipinamalas,
dinaan sa himok ang hindi pumayag
sa gahasang iwa't pakikipaglamas.

Giliw, suyo, luhog at madlang paraya


ang ipinatanáw sa mahinhíng Mutya
at itó namán ay agad namayapa,
nanalig na lubós, nagboong tiwala.

Tinangáp ang haing m~ga panunuyo


at hindi nápuna ang handang panghibo,
agád nápalulong ang mahinhíng puso
at di inakalang yaó'y isáng silo.

Ipinaubaya sa madayang giliw


ang lamáng malinis n~g boong panimdím;
sinunód na lahát ang bawa't máhilíng
niyong may tagláy na kataksilang lihim.

Sa gayó'y nagdaan ang isáng panahón


na lubhang panatag at walang lingatong,
hanggáng sa nákitang ang hayop na Dulóng
ay nagdating asál; nanila na tulóy.

Dito na nangyari ang kasakitsakit,


na ang dating laya ay siyang tuman~gis
at iyong nan~gako n~g boong pag-ibig
ay siyang halimaw na nagpakaganid.

Daya, lupig, dahás ang namaibabaw


na siyang nápalít sa panuyong asal,
walang bigong-kilos na hindi paghalay,
kutya at pahirap na karumaldumal.

Hanggáng sa nagban~gon ang magandáng Mutya


at nagpan~garap na n~g ikalalaya,
iniwan ang laging pagwawalangdiwa
at ang puting kamáy, sa dugo'y pinigta.

N~gunit nagkátaóng noó'y nagkagalít


ang masibang Dulóng at yaóng Limatik
at ang ating Mutya'y sa hulí humilig
dahil sa pag-asang hindi manglulupig.

Nakitulong siya, sa Limatik, noon,


dahil sa pan~gako nitóng pag-aampón,
dapwa'y nang magahís ang palalong Dulóng
ay lalo pang sákit ang kanyáng kinandong.

Sa madlang pag-asa'y pawang pag-hihirap


ang siyang nápalit: nagipít, nasalát,
ang impók na yama'y nasipsíp na lahát
niyong magdarayáng may taksíl na han~gád.

Hanggáng dito yaóng buhay na malungkót


n~g Mutyang magandáng di naghunos loob;
humanap n~g ibá at ang nákadulóg
ay lalo pang ganid, lalo pang balakyót.»

VIII.

¡¡PAN~GARAP!!

Masabi ang gayón n~g nagsasalaysay,


naghintong sandali,
at saka nagwikang lubhang malumanay:
--Huwag ding mangyaring iyong máparahan
ang buhay n~g Mutya na aking tinuran.

--Hindi po marahil;--sagót n~g binatá--


pagka't hahanapin
ang ikatatagpo n~g m~ga kapuwa
na hindi marunong mag-asal kuhila
at sa kasamahá'y magpapan~ganyaya.

Aking aakiting alisín ang asal


niláng mapagbukód,
at upang sa gayón ay aming makamtáng
m~ga mangagawa iyong katubusang
sa dating ugali'y hindi mahihintáy.

At hahanapin din ang mámumuhunán


na sa taong dukha
ay hindi marunong umapí't humalay;
aking hahanapin na mabigyáng dan~gál
ang _puhunang pawis n~g puhunang yaman._

Dahil sa di dapat na pamalagiin


ang ugaling itó
na walang halagá sa _salaping_ sakím
ang pagod na gugol n~g matitiising
pusong manggagawa na inaalipin.

Salapi't Paggawa'y dapat na magtimbáng sa


tamuhíng tubo ...
--¿At ikáw, anák ko,--ang tanóng ni Atang--
ang magpupumilit sa dakilang bagay
ang hindi nagawa n~g lalong maalam?....

--Aking pipiliti't kung hindi mákamit--


anang bagongtao--
ay di magsisisi, sa gugol na pawis;
ang panúnuntuná'y ang bugtóng na sulit
na: "akó'y tumupád sa n~galang maghasík".

N~guní't kung mabatíd n~g kahanapbuhay


ang sadyang halagá
n~g m~ga katulong n~g isang puhuna'y
di na mangyayari itóng kalagayan
naming m~ga dukhang wari'y kasangkapan;

Na kukunin lamang kapag gagamitin


at kung masira na'y
itatapontapo't titisúdtisurin,
kaya'y babayaan na iwan at datnín
n~g madlang sakuna't akbáy na hilahil.

At ang m~ga pagod, isip, pawis, puyat


na pawang ginugol
sa ikalalago n~g puhunang pilak
ay di magkaroon n~g timbáng na bayad
liban sa pag-apí at m~ga pahirap.

Aking hahanapin ang ikahahan~go


n~g bayang masipag,
niyang manggagawang lagi nang siphayo
n~g m~ga may yaman, upáng mapalago
ang ugaling banál n~g di mapaglugso.

--Magandáng adhika!--ang putol ni Teta--


--Datapwa't pan~garap!--
ang saglít ni Atang walang paniwala--
iyá'y mangyayari kung dito'y mawala
ang pag-aagawán, inggita't pagpula.

Matapos ang gayóng m~ga salitaan


ang ating matanda'y
lumapit sa dating baníg na hihigan,
dalá palibhasa niyong kahinaan,
sa gawang maupo'y hindi makatagál.

IX.

DALAWANG PUSO.

Binata't dalaga'y kapuwa naiwan


na magkaagapay sa kináuupán;
kapuwa tahimik, kapuwa alan~gán
at kapuwa mandín nagkakahiyaan,
gayóng magkalapit sa isáng luklukan.

Marahil, sa budhi'y kapuwa may tago


na ibig sabihin, n~guni't di mátagpo
kung saan simulán ang usapang wasto
na ikatutun~go at ikabubunggo.
sa ibig ihayag n~g kaniláng puso.

Ang isá at isá'y diwa nag-aantáy


sa pagpapáuná niyong kaagapay;
ang isá at isá'y ibig na magsaysay,
datapwa'y pagsapit n~g nasang máturan
sa kaniláng labi'y n~gin~giti na lamang.
Hangáng sa nangyaring ang n~giting palihím
n~g ating binata'y kay Tetang nápansín ...
--N~gumin~giti ka pa--ang wikang mahinhín
na may magkahalong hinampó at giliw
at diwang ang sintá'y ibig pang sisihin.

--¿Bawal ba ang n~giti?


--Oo, aking bawal
sa masamang tao.
--Kay dali ba namán
n~g aking pagsama!! Kakahapon lamang
ay mabuti akó ... at n~gayóng málaman
na minámahál mo'y ... saka pa humalay?

--¿Bakit ka naglihim?
--Pagka't di ko batíd
kung may maáantay ang aking pag-ibig,
at hindi ko nasang abutin ang sákit
na pagkamitín mo n~g tugóng mapaít
na mayroon ka nang katipán sa dibdíb.

--Kung nagtapát ka ba'y di sana natanto


kung anó ang lamán nitóng aking puso ...
--¿At kung ang tamuhín ay ang pagkataho
na walang pag-asa ang aking pagsuyo ...
¿hindi lalo ko pang ikasisiphayo?

Hindi mo lang alám ang lakí n~g sintá't


ang iniaalay sa isáng kalulwá ...
--¿Hindi ko alám? Bah!...
--N~guni't di kagaya
n~g dináramdám ko, niyong di ko taya
na títimban~gán mo ang giliw kong dalá.

Ang dibdíb ko niyó'y wari isáng dagat


na laging maalo't lubhang mabagabag,
nan~gan~gamba akóng sa iyo'y naagtapát
at ang tinátamó'y libolibong hirap
kung hindi mangyari ang pagpapahayag.

Sa tuwituwi nang akó'y paparito


ay handang handa nang magtapát sa iyo,
datapwa'y pagsapit, at mákausap mo,
ay walang wala na ang madlang simpán ko't
walang nalalabí kung di pagkalitó.

Kung nasa haráp mo ay piping mistula


ang nákakabagay n~g labi ko't diwa,
n~guní't kung wala ka'y sa lahát kong gawa'y
ang iyong larawan ang kasalamuha,
kasanggusangguni at laging gunita.

Kung gabíng malalim at di mákatulog,


magbaban~gon akó't maglílibotlibót ...
ang akala mo ba kitá'y nalilimot?...
sa bawa't sulin~gang lan~git, daán, sulok,
ang iyong larawan ang nápapanood.

Kung máhimbing namán, sa sandalíng idlíp,


agád agád kitáng mápapanaginip
sa wari'y kausap: kung minsán ay galít
at kung minsán namá'y iyong iniibig ...
at ang boong suyo'y aking kinákamit.

Pag ang una'y siyang sa aki'y sumagi,


kung akó'y magisíng ... ¡kay laking pighati!
n~guni't kung ang hulí'y lalong dalamhati
pagka't mákikitang sa isáng sandali....
ang aking ligaya ay biglang napawi.

Kaya't kung nangyaring di ko námalayan


ang tamís n~g iyong bukong pagmamahál,
dinalá sana hanggáng sa libin~gan
ang lihim na sintáng aking tinatagláy....
--Kay sama mong tao!

--Inulit na namán!...
--Huwag kang magtangól! Kung iyong dinalá
han~gang sa libin~gan ang lihim mong sintá,
¿di pinagtagláy mo n~g dálita't dusa
itóng sumusuyó't abang kaluluwa
na, kahit di tanto'y, umiirog palá?...

Ikáw ay lalaki't iyong nababatíd


ang maraming anyo n~g isáng pag-ibig,
n~guni't ang gaya kong pusong matahimik
¿anó ang malay kong ang lamán n~g dibdíb
ay isáng paggiliw na abót sa lang~it?

¿Anó ang malay kong iyong agam-agam


sa maminsanminsáng hindi mo pagdalaw
ay kakulay palá niyong pagmamahál,
at ang pagnanasang mákita ko ikáw
ay isáng pagsintá't pag-irog na tunay?...

Kung takíp-silim na't di ka dumádatíng


ang matá ko'y litó at pasulingsuling;
itinátanóng ko sa sariling akin
kung nasa saan ka, datapwa'y malalim
na buntónghinin~ga ang madalás kamtín.

Kung nápupuná kong ikáw ay may sákit


dahil sa mukha mong may larawang hapis,
diwa, ay nasa kong sa iyo'y iibís
ang gayóng pighati, na lason sa dibdíb,
dan~ga't di mahilíng na iyong isulit.

Akó'y kasama mo sa iyong pan~garap


ó kung nágigisíng akó ang kaharáp,
akó namáng itó, sa lahát n~g oras,
ay walang adhika kung di ang matatap
kung may sayá ka ó kaya'y may hirap.
Sa gabíng pagtulog ay nágugulantáng
pagka't, sa wari ko, kitá'y kaagapay;
kung may ginágawa, ay gayón din namán,
sa bawa't lagitlít akala ko'y ikáw
ang siyang lalapit sa aking likurán.

Ibig kong mangyaring ang lahát mong lihim


ay aking matanto, tuguná't damdamín;
n~guni't kung sumagi sa aking panimdím
na baka sakaling ikáw ay may giliw ...
akó'y nagdurusa't puso'y nalalagím.

Ang lubhang madalás, kung akó'y magdasál


at sa Poong Dios ay nanánawagan,
aking nápupunáng hindi dumadatál
ang dalan~ging handóg sa ating Maykapál
pagka't ikáw'y siyang dinádalan~ginan.

Ang lahát n~g iyon ay hindi ko batíd


na larawan palá n~g isáng pag-ibig,
kung di ka sumulat at ipinagsulit
sa akin, ni iná, ang lamán n~g dibdíb....
¿di akó'y nátirá sa gawang magtipíd?

¿Di sa pagtan~gis ko sa iyong paglayo


ay di mababatíd na iyó'y pagsuyo?
¿di nangyari sanang ang aba kong puso
ay pinagdusa mo't ipinasiphayo
gayóng walang sala namáng natatanto?

--Patawad Tetay ko! Akin n~ga ang sala


kaya't inaantáy ang iyong parusa....
--Kay buti-buti mo; ¡parusahan kitá!
¿di pinasakitan ang akin ding sintá,
sákit mo't sákit ko'y hindi ba iisá--

Ang lan~git ma'y hindi magandáng pan~garap


at yaó'y sadlakan n~g lahát n~g lunas
ay hindi titimbáng sa tinamóng galák
n~g puso ni Pedro, dahil sa pahayag
n~g kaniyang sintáng pinakaliliyag.

X.

ANG LIHIM NI ATA.

Malaonlaón pa bago nahanganán


ang gayóng kasaráp na pag-uusapan,
hangáng sa natapos ang tahi ni Tetay
at siya'y nagbihis
nang upang madalá sa paghahatirán
at kanyáng masin~gíl
ang ipamimili n~g ikabubuhay.
Kanyáng pinagyaman ang gawang tahii't
kay Pedro'y hinin~gi ang siya'y hintaín
upang may magbantáy sa ináng náhimbíng
sa pagkakatulog;
at nang may lumin~gap at sukat tumin~gín
(samantalang wala)
sa kanyáng may sakít, sakaling mágisáng.

Si Pedro'y naiwa't (Si Tetay sumaglít,


na, sa isáng kamáy, ang baluta'y kipkíp)
n~guni't di naglao't si Ata'y nagtindíg
sa kinahihigán,
pagka't hindi tulóg, gaya n~g sinambít
n~g anák na giliw,
at inantáy lamang na itó'y umalís.

[Larawan: Binata't dalaga'y kapuwa naiwan


na magkaagapay sa kinauupan;
kapuwa tahimik, kapuwa alan~gán
at kapuwa mandin nagkakahiyaan,
gayóng magkalapít sa isáng luklukan.--(Pág. 35)]

Kaniyang tinikís na silá'y lisanin


upáng mákausap ang binata natin,
dahil sa mula pa nang kanyáng malining
ang pagsisintahan
n~g dalawáng pusong pinakagigiliw
ay ibig na niyang
ihayág ang isáng mahalagáng lihim.

Nagbalík sa dating kaniyang luklukan


at ang bagongtao'y pinakiusapang
dumin~gíg sandali sa madlang tuturan
na ukol sa lihim
niyong maralita't dukhang kabuhayan
niláng mag-iiná;
bagay na di taho n~g taong sino man.

--«Ang bálong si Ata, ang ulilang Teta,


ang babaing hapo, ang magandáng bata,
dalawáng mag-ináng mananahi kapwa;
itó lang ang laging
tan~ging kasagutang kakamtín sa bala
mong mapagtanun~gáng
kapit-bahay namin.--ang kay Atang wika.--

Datapwa't sino ma'y di nakababatíd


kung saan nangaling nang dito'y sumapit,
at kung anóng bagay ang siyang pumilít
na dito'y tumahán,
at kung anóng buhay na kasakitsakit
ang aming dinaán
kung kaya nangyaring sa dusa'y nagtiís.
Ikáw na kapwa ri't ulilang hinabág
n~g palalong yamang _sukál sa mahirap,_
ikáw na malapit mákaisáng palad
ni Teta kong sintá'y
dapat makabatíd kung saan nagbuhat
ang ginigiliw mo;
kung siya ay anó't kung kanino anák:

Akó'y isáng bukong kinandóng n~g san~gá


sa gitna n~g madlang ulayaw at sintá;
walang agam-agam, ang puso'y masayá,
walang munting kilos
na hindi kaulóng ang madlang ligaya,
ang madlang paglin~gap
n~g amáng masuyo't m~ga kakilala.

Datapwa'y sumapit sa giliw kong bayan


ang isáng binatang anák n~g mayaman
at doo'y tumirá upang magparaan
n~g iláng panahón
sa gawang man~gaso't m~ga paglilibáng,
dalá palibhasa
na di kailan~gan ang maghanap buhay.

Siya ay bihasá't ugaling Maynila,


makiyas ang tindíg, mabikas magwika,
walang isáng bangít n~g pananalita
na malulusután
nang isáng tukuyi't handugán n~g nasa
sa n~galang pagsintáng
animo'y larawan n~g boong adhika.

¿Anó ang dadatnín n~g bata kong puso


sa gayóng katamís na m~ga pagsamo?...
akó'y nápalulong sa gawang sumuyo
at sa bisig niya'y
linagók ang tamís n~g madlang pan~gako
na di maglililo....
at di babayaang akó'y masiphayo.

Hangáng sa sumapit ang isáng panahóng


ang punlang pagsintá namí'y nagkausbóng
at akó'y iniwang sakbibi at kalong
n~g m~ga pan~gambá:
lipós agam agam, kipkíp n~g lingatong,
balót kahihiyán
sa madlang kilalá't sa amáng may ampón.

Nápalaot akó sa maraming hirap,


sa bawa't sandali puso'y alapaap,
wari sa sarili'y batíd na n~g lahát
ang kalagayan ko,
at ang aking lihim ay bantóg at kalát
sa boong bayanáng
handa sa pagkutya't diladilang libák.

Ang pakikisama't pakikipanayám


sa kasuyosuyong m~ga kaibigan
ay napawing lahát, aking iniwasan
sampung makiulóng
sa m~ga kaanak at madlang pininsan,
dahil sa takot ko,
na baka matanto yaóng kalagayan.

Sa gayón n~g gayón, araw ay dumatíng


na di na magawang itago ang lihim,
at sa pagkatakot sa amá kong giliw,
akó ay nagtanan;
dinalá ang munting hiyas at dámitin
upang mahanap ko
ang pinagsanglaán n~g puri't panimdím.

Aking pinagsadya nang upáng isamo


na kanyáng lin~gapin ang sariling dugo,
ang bun~gang malusog n~g aming pagsuyo,
n~guni't ... ¡ay n~g palad!
nang mátagpuán ko ang giliw n~g puso
ay walang tinamó
kung di ang pagdusta't madlang pagsiphayo:

Akó'y itinabóy sa kanyáng tahanan


at pinagkamít pa n~g wikang mahalay.
na, umanó'y, iyong bun~gang tinátagláy,
ay hindi kaniya,
at akó'y babaing walang karan~galan,
pagka't sa bala na
ay nakilaguyo't nakipagsintahan.

Kahit isáng mundó ang biglang bumagsák


ay di nakatulíg, sa akin, ang lagpák
nang kagaya niyong salitang masakláp
sa karan~galan ko;
akó'y bumulagta't ang diwa'y tumakas;
n~guni't nang magbalík
yaong pagkatao'y wala na ang sukáb.

Tinulun~gan akó sa gawang magtindíg


n~g isáng utusáng may tagláy na tubig,
at saka nang akó ... ¡sa laki n~g hapis!
ay namimighati,
sinabi sa aking dapat nang umalís
at doon ay walang
magpapahalagá sa pinag-uusig.

At sabáy sa gayóng wikang walang tuós,


pitong lilimahing pawang gintóng pulós
ang ibiníbigay at iniáabót
sa akin ... Bathala!...
yaón ang halagáng sa akin ay limós
niyong walang budhing
nag-abóy sa palad na kalunoslunos.

Matá ko'y nagdilím; hindi napaghaka


na ang kaharáp ko ay isáng alila,
aking sinungabán ang salaping handa't
saka inihagis
sa harapan niyóng taong alibugha,
na sabáy ang sabing:
akó'y di babaing walang puri't hiya.

Magmula na noon, akó ay naghanap.


upang ipaglaban ang buhay na salát;
akó ay nanahi hangáng sa nan~ganák
at ang sintáng bunso,
na n~gayó'y tangulan sa madla kong hirap,
ay nagíng tao na
at siya'y nagtanáw n~g unang liwanag.

Kaya't iyang bukong iyong linalan~git


ay anák n~g isáng mayamang malupít
at itóng kaharáp ay isáng nagkamít
n~g n~galang buhaghág,
pagka't di nagawang ang puri'y iligpít
at naipaglaban
sa gahasang udyók n~g isáng pag-ibig.

N~gayóng talós mo na ang lihim n~g buhay


nitóng pinara mong tunay na magulang
at n~gayóng talós din ang pinanggalin~gan
ni Teta mong sintá,
ikáw ang magsabi, kung ang pagmamahál
na tinátagláy mo'y
marapat ó hindi magbago n~g kulay.»

Sa gayóng tinuran, si Pedro'y nagwika,


na tutóp ang dibdíb--Dan~ga't magagawa
na pagibayuhin ang sintáng alaga,
dapat pong alamíng,
dinagdagán sana, pagka't naunawa
ang inyóng tiniís
sa laláng n~g isáng lalaking kuhila.

¿Sino ang may sala: ang pusong naghandóg


n~g isáng matapát at boong pag-irog
ó ang nagkuhila, dumaya't umayop
sa nagkatiwala?
Kung sa ganáng akin, ang dapat mahulog
sa lusak n~g kutya'y
ang sa kanyáng dugo'y natutong lumimot.

--Salamat, anák ko,--ang putol ni Atang--


at di ka kagaya n~g ibang isipan;
magíng awa, kahit, ang iyong tinuran
ay nagpapahayag
na sa iyong piling ay di sisilayan
ang giliw kong bunso
n~g isáng pagdusta sa pinanggalin~gan.
XI.

ANG YAMAN AT ANG PURI.

Isang bagong Creso kung sa kayamanan


at isang Atila sa kaugalian,
isang Carlo-Magno sa nauutusan
at Cingong alipin sa pinápasukan.

Walang karan~galang di nasa kaniya,


ang lahát ay daíg, sa m~ga pamansá,
walang linilin~gap na katwirang ibá
liban sa katwiran n~g kanyáng bituka.

Wikang kababayan, ay isang salita


na ang kahulugán, sa kanyá, ay bula;
¿kalahi, ay anó? ¿anó kung madusta
may salapi lamang na sukat mápala?

Sa loob n~g bahay na pinápasukang


gawaang tabako'y walang pakundan~gan
sa m~ga mahirap na nan~gag-aaráw
na kung pagmurahín ay gayón na lamang.

N~guni't kung sa haráp n~g namumuhunan


ay piping mistula at mababang asal,
sumagót pa'y waring binibining banál
na hindi marunong magtaás n~g tanáw.

Itó ang ginoong sa dukha ay hari


datapwa'y alipin niyóng may salapi,
at siya rin namán ang taong mayari
n~g m~ga gawaing kay Teta'y patahi.

Siya'y, nagpagawa sa ating dalaga


n~guni't hindi dahil kailan~gan niya,
kung hindi sapagka't ang tagláy na gandá
niyong binibini'y kanyáng pinipita.

Yao'y isáng silo, laláng at pakana


upang maihayag ang tagláy na nasa,
ang nasang mahalay na palaging gawa
sa m~ga dalagang kanyáng manggagawa.

Kaya't nang mákitang si Teta'y dumating


na dalá sa kamáy ang m~ga tahiin
ay agad iniwan ang m~ga kapiling
na m~ga upaháng sa kanyá'y nádaíng.

At biglang tinapos ang kaniláng usap


sa wikang gahasa na lubhang matigás:
--Kung hindi sang-ayon--aniya--sa awás
sa upa, ay dapat na kayó'y lumayas.

At ang kakulan~gán ninyóng inuusig


ay di mangyayaring bayaran pa, kahit
magsakdál. Sulong na, at baka mag init
pa ang aking ulo, kayó'y máhagupít.

Masabi ang gayón, ay agád iniwan


ang m~ga kapulong na kanyáng upahán,
at saka tinun~go ang kinalalagyán
n~g ating dalagang di lubhang nag-antáy.

Datapwa'y hindi man nakuhang minasíd


ang pagkakayari n~g pagawang damít,
agád inialók ang kanyáng pag-ibig
na wari ay batang matakaw at sabík.

Sa wikang malambót ay inisáisá


ang maraming yamang ihahandóg niya
--Tangapín mo lamang inéng yaríng sintá'y
di na kailan~gan ang maghanap ka pa,

--Mahál na ginoo--anáng binibini--


nagkámali ka po sa hain mong kasi,
akó'y maralita't walang yamang iwi,
n~guni't di marunong magbilí n~g puri.

Ang pag-ibig ko po'y di siyang dahilán


kung kaya nárito sa iyong harapán,
akó'y náparito n~g upang mákamtán,
ang sapát na upa sa gawa kong tagláy.

Ipagpatawad po kung di ko matanggáp


ang inihahain na iyong pagliyag,
may kapantáy ka po, ikáw ay humanap,
at huwag habagín ang gaya kong hamak.

--Oo't mangyayari ang iyong tinuran


na akó'y humanap n~g aking kapantáy
kung hindi n~ga sana, ang nálalarawan,
dini sa puso ko'y larawan mo Tetay.

Iyong pag-isipin: ikáw ay magandá,


sa iyo'y di bagay ang maghirap ka pa;
n~guni't kung tanggapín ang aking pagsintá
ay masusunód mo ang lahát n~g pita.

Ikáw magíng akin, at bukas na bukas,


may bahay kang bató't sarisaring hiyas,
may sasakyán ka pa't hindi maglalakád,
at salaping labis sa gugol mong lahát.

Mádin~gíg ang gayón n~g ating dalaga'y


nagtindíg sa upo, ang mukha'y namulá,
at biglang naparam sa noong magandá
iyong kaamuang laging dinádalá.

--Di ko akalain--ang wikang matigás--


na ikáw'y mámali sa iyong pangmalas;
akala mo yata'y sapagka't mahirap
ay nárarapa na sa ningníng n~g pilak?
Akó'y marálita, at kung di gamitin
ang munti kong lakás ay hindi kakain,
datapwa'y libo mang hirap ang danasin,
ang handóg mong sintá'y hindi maaamin.

Di ko kailan~gan ang magandáng hiyas,


ni ang titiraháng bahay na mataás ...
ang buntón n~g yama'y pisanin mang lahát ...
walang kabuluhán sa aking paglin~gap.

¿Ang kataasan ba nitóng batóng bahay


ay tataas kaya sa pulang kakamtán?
¿at ang m~ga ningníng n~g hiyas at yama'y
makatakíp kaya sa puring hahapay?

Kung ang karan~gala'y hindi mo kilalá't


ang pilak, sa iyo, siyang mahalagá;
unawain mo pong sa aking pangtaya'y
sa salapi't hiyas ang puri ay una.

Sapagka't ang tao, kahit na mayaman,


kapag walang puri'y walang kabuluhán,
¿aanhín ang hiyas, ang pilak, ang bahay
kung akó'y yagít na't yúyurakyurakan?

Mahan~ga'y ganitóng dukha't nasasalát,


may kapuwa tao, kahit m~ga hamak,
at hindi pasasang baluti n~g hiyas
at wala n~g linis ang dan~gál na hawak.

--Mataas mag-wika--
--Talagáng mataas
kapag dinudusta ang isang mahirap
na may pagmamahál sa puring inin~gat;
nariyan ang tahi, antáy ko ang bayad.

--¿Ang bayad? kung ikáw sa aki'y iibig


hindi lamang tumbás ang ipakakamít,
datapwa kung hindi, ay ipagkakaít
ang sampu n~g upa sa m~ga náhatíd.

Mádin~gíg ang gayón n~g ating dalaga


ay halos nanglumó, ang puso, sa dusa,
sapagka't sumagi sa kanyáng alala
na hindi kakain ang salantang iná.

Kaya't namalisbís sa matá ang luha,


at sumabudhi na ang magmakaawa,
n~guni,t ang kausap na ma'y maling nasa
ay hindi dumin~gig sa anó mang wika.

Subali't nag-ulól sa pakikiusap


na siya'y lin~gapin sa haing pagliyag,
at sinamahan pa ang balang marahás
n~g kapan~gahasang gahasai't sukat.
Dapwa'y nang dulugín, sa kinátayuán,
ang ating dalagang nag-íisá lamang,
itó'y ay lumayo't ang lilong mayaman
ay pinapagkamít n~g mariíng tampál.

--Iyan ang marapat sa isáng kuhila


na di gumagalang sa bawa't mahina
upang matuto kang huwag gumahasa
sa hindi pumayag sa buhóng mong nasa.

Nang masabi iyon ay biglang iniwan


ang nahilóhilóng taksíl na mayaman,
saka nang sumapit sa pinto n~g daan
ay muling linin~gón ang pinangalin~gan.

--Walang budhi--anyá--Taong walang damdám!


Ikaw, kung tawagi'y: mayaman! maran~gal!
n~guni't walang kayang gipití't tamban~gán
kung hindi ang dukhang walang kakayahán.

Iwan natin siya sa kanyáng pag-uwi


na ang nagíng bao'y isáng dalamhati,
at ang unawain ay ang m~ga sawi
na _anák paggawa_ na namimighati.

XII.

ANG M~GA MANGGAGAWA.

Isáng lingóng singkád na pigta sa pawis


at kinakabaka ang madlang pan~ganib,
kahit nanglalata ang n~galáy na bisig
ay di makahinto, at nagsusumakit
na ang pitóng araw'y kanyáng maisulit.

Pagka't alaala ang giliw na anák,


ang sintáng asawa, ang ináng naghirap
ó kaya'y ang madlang kandiling kaanak
na walang timbulan kung di iyóng hanap
na sa pagkain lang ay di pa sasapát.

Di namán mangyari, sa dukhang may dan~gál,


ang gawang mang-umít sa pinápasukan,
kay n~ga't ang tan~ging pinanánan~gana'y
yaong pinan~ganláng _bayad kapagalan_
na di halos upa kundi limos lamang.

Sapagka't ang bagay na pan~ganláng _bayad,_


ay yaóng katimbáng n~g puhunang _hirap,_
datapwa'y ang labí n~g sakím na _pilak_
na hindi marunong humati n~g sapát,
ay di nababagay sa _upang_ pag tawag.
Iyán ang matimping kampón ni Minerva,
iyán ang may tagláy n~g igiginhawa
nitong Sangsinukob; silá, silang silá
ang nagpapayaman, n~guni't alimura
nang m~ga puhunang may gútom buwaya.

Silá ang kaulóng n~g Nan~gan~gasiwa


n~g itó'y abutin n~g ating si Teta,
silá ang katun~gong nagmamakaawa
na huwag nang gawín iyong pagbababa
sa dating upahá't kabayaráng takda.

Datapwa, ang ganid, sa wikang matigás,


(labis pa sa bagsík n~g sadyang may pilak)
ay inalimura iyong mahihirap,
at saka matapos pan~galán n~g tamád
ay di ibinigáy ang ukol na bayad.

--Kayó'y m~ga hungháng, m~ga waláng isip,


ibig pang lumampás sa puhunang kabig;
kung ayaw tumangáp n~g upa kong nais,
kayó ang bahala; n~gayón di'y umalís
at baka abutin ang akó'y magalit.

At biglang iniwan ang m~ga kausap,


matapos masambít ang ilán pang sumbát,
(na ating natalós sa dakong itaas);
doon na nangyaring si Teta'y hinaráp
na ang katapusá'y tampál na malakás.

Siya ay iniwan na hilóhiló pa


niyong namumuhing mahinhíng dalaga,
dapwa'y nang magbalík ang diwang nágitlá'y
nag-alab ang poot at ang pinagmurá'y
ang m~ga upaháng kapulong na una.

At saka nagbihis n~g lubhang madali,


sinunda't hinabol iyong mananahi,
hindi na ininó ang pamimighati
n~g m~ga upaháng nan~gaglulungatíng
ibigáy ang upang ukol sa nayari.

¿Iláng m~ga lunó't matandang magulang,


iláng m~ga anák at asawang hirang
ang hindi kakain sa gayóng inasal
niyong walang lin~gap!? Kaya 't pinasukan
din n~g pagn~gin~gitn~git ang m~ga upahán.

Sumadilidili, na bago makitang


dayukdók ang madlang anák at asawa
ay dapat utan~gin ang buhay na dalá
niyong walang awa't walang kaluluwang
pinalalamon na ay nanínila pa.

Yayamang wala ring m~ga kahatulán


sukat tuntunín sa pagayóng bagay,
lubós nang tinangkang silá ang humirang
n~g bagay at kapit na kaparusahán
doon sa tao n~ga'y may~asal halimaw.

Ang mahinbíng batis na binabalun~gan


n~g lináw na tubig na pang-patíd uhaw'y
nag-aanyong baha kapag hinalan~gan ...
¿ang puso pa kayang marunong magdamdám
ang hindi sumubó kapag hinahalay?

Kaya't sabaysabáy na wari'y iisá


nang sinundán iyong budhing palamara;
nagsabáy na lahát, na poot ang dalá ...
iiay ... n~g sa alab ay man~gahás sumugbá!!
iiay ... n~g madaanan n~g along masiglá!!

XIII.

SA HARÁP AT SA LIKÓD.

Silá'y iwan nati't muling pagbalikán


ang tahanang dampa n~g mag-ináng hirang,
doo'y nag-iisá ang maysakít lamang
pagka't ang binata'y sandaling lumisan.

Samantala namáng siya'y nag-iisá


at nag-aantabáy sa anák na sintá,
libong panalan~gin ang sumaalala
upang magkapalad ang bunsong dalaga.

Aniya'y mangyaring ang hatíd na tahi


ay magíng mainam, doon sa may ari,
upang bayaran na, nang siya'y mádali
at huwag gabihín sa kanyáng pag-uwi.

Kaya't n~g mátanáw ang giliw na bunso'y


sumaligaya na ang sumikdóng puso,
n~guni't anóng lakí n~g dusang bumugso
nang makita niyang luha'y tumutulo.

Halos nápahiyaw at halos nátindíg


sa kinahihigáng sirasirang baníg,
na, sabay ang wikang--¿Anó, Teta? ¿Bakit?
¿anó ang nangyari't ikaw'y tumatan~gis?

--Iná ko! Iná ko! Tayo'y walang palad!--


ang sagót ni Teta't sabáy napayakap
sa giliw na iná--
--¿Anó't umiiyak
ka?--
--Akó'y sinuba niyong taong sukáb;

Pagka't di inamin ang haing pagsintá,


niyong walang budhí't taong palamara,
na kung kaya lamang nagpagawa palá
ay upang masunód ang masamang pita.

N~guni't nang tumangí akó't di umamin


ay pinagtangkaáng akó'y gahasain,
salamat na lamang at aking napigil
sa bilís n~g isang tampál na maríin.

Dito inihayag niyong binibini


ang lahát n~g bagay na m~ga nangyari,
dapwa'y sa gitna pa niyong pagsasabi
ay siyang pagdatíng n~g lilong lalaki.

Na tagláy sa loob ang paghigantihán


iyong binibining sa kanyá'y tumampál
ó kung dili kaya'y sa tulong n~g yaman
ay nasang bulagin ang m~ga magulang.

Pagka't di bihira ang amá ó iná


na pagkakatanáw sa munting halagá
ay silá pang agád ang nag-áabóy na
sa puri n~g isáng anák na dalaga.

Dapwa'y hindi pa man halos nakapasok


sa munting pintuan ang buhóng na loob
ay biglang náhinto, nan~giníg ang tuhod,
at munti na sanang siya'y nápaluhód.

Sapagka't nákitang sa kanyá ang titig


niyong nápatayong babaing maysakít ...
yaón ang babai na kanyáng inamís!...
yaón ang babaing sa kanyá'y nanalig!...

Ang pan~galan niya na may _dong_ kaugnáy


kung bukhín sa labi n~g m~ga upahán,
doon ay nádin~gíg sa bibíg ni Atang
na may halong n~gitn~git at dustang paghalay.

--Ang lalaking iyan--ang sabi ni Teta--


ang sa akin iná'y ibig gumahasa,
--Taong walang budhi!--aní n~g matanda--
¿at nan~gahás ka pa na dito'y magsadya?...

Di ka na nan~giming dito'y makaratíng


na akay n~g iyong pagnanasang halíng?
¿di ka na pinasok niyong salagimsím
kung sino ang iyóng tinangkang gahisín?

Nang dahil sa iyo: ang bukó'y bumuká't


nang magíng bulaklák ay agád nalantá,
at saka sa n~gayó'y pagnanasaan pa
na iyong halayin ang nipót na bun~ga?

Ang lalong masiba't may taksíl na loob


ay hihigtán mo pa kung sa pagkabuktót;
marahil námali, sa iyo, ang Diyos, ...
ginawa kang tao'y bagay magíng hayop!...
Marami pa sanang bubukhín sa bibíg
yaong bumabakás n~g matindíng sulít;
n~guni't nápahinto sapagka't nádin~gíg
ang guló sa daan; sigawa't paglait.

Sangdaang katao, humigít kumulang,


ang nagsisidatíng at naghihiyawan;
at ang bawa't isá'y may hawak na urang
na ipangbubugbóg sa kinagalitan.

¿Nasaan--anilá--iyang walang lin~gap,


taong mapang-apí sa m~ga mahirap?
Nádin~gíg ang gayón n~g mayamang oslák;
pinasók ang budhi n~g malakíng sindák.

Lumin~gaslin~gas na at sumulingsuling,
waring humahanap n~g dapat tun~guhin,
litó na ang isip, puso'y nalalagím,
pagka't nákilalang siya'y pápatayín.

Hindi na mangyaring siya'y makatanan


pagka't nalilibíd n~g tao ang bahay
at bawa't sandaling ipag-alinlan~gan
ay isáng lundág pa n~g kasakunaan.

Kaya't nang matantong wala nang pag-asa't


saan man tumun~go'y kamatayan niya,
nanikluhód agád sa haráp ni Ata't
humin~ging saklolo na iligtás siya.

¡Iyon ang mayamang sa tulong n~g pilak


ay laging umapí sa m~ga mahirap!
¡Iyon ang mayaman!... N~gayó'y nasisindák
sa haráp n~g m~ga palaging hinabág!...

Mákita ang gayón n~g babaing galít


na lunónglunó na ang dating maban~gis,
panasukang awa't ang dating inibig
ay pinapagkanlóng sa sulok n~g silíd.

Kisápmatá lamang, at, kung di'y nag-abot


ang kinagalita't ang m~ga may poot;
sandali na lamang at disi'y natapos
ang buhay n~g tao na mapangbusabos.

XIV.

ANG PUSO N~G DUKHA.

Lubhang mapagbatá, pipi't mapagtipíd


sa lalong mabigát na m~ga pasakit,
sadyáng masúnuri't hindi mapaglaít,
walang hinahalay, hindi mapag-usig:
sa lalong mababa'y nakikipaniig
at tungkól dálita ay kanyáng kapatíd.

Iyan ang mahirap: pusong mahabagin,


may mayamang dibdíb sa m~ga damdamin;
hindi humahamon, n~guni't pag-iniríng....
sa kanyáng hayakís ay walang patalím,
walang kalakasang sukat makasupil
ni lalong matibay na di hahamakin.

Silá'y nagsipanhík sa dukhang tahanan,


sa nasang máhuli ang lilong mayaman;
tangka nilá mandíng doon na mápatay
yaong walang pusong hindi na nagtagláy
n~g munti mang lin~gap sa m~ga dain~gan
at pakikisamo n~g m~ga upahán.

Datapwa'y napigil ang sulák ng n~gitn~git


at ang kapoota'y nagwaring lumamíg
nang mápaharáp na't kaniláng mámasid
ang mukhang maamo n~g ating may sakít,
na sa gitna niyóng malakíng pan~ganib
ay nag-anyóng kuta na hindi mayaníg.

--¿Anó ang layunín at dito ay hanap--


ang tanóng ni Ata sa m~ga kaharáp.
--Aming inuusig iyang taong sukáb
nang upang patayín ...
--M~ga walang palad!
¿Anó't tutungkulín ang gawang umutás
niyang m~ga kamáy na ukol sa sipag?

¿Kay lakí ba kaya n~g pagkakasala


at buhay kaagád ang inyóng pinita?
Kayó'y man~gagmuni at huwag padalá
pa pusók n~g loob
--Magmuni'y sukat na,
at higít sa labis ang aming binatá
diyan sa kuhila't walang kaluluwa.

Nang dahil sa amin, siya'y tumatangáp


n~g malakíng tubo at úpang mataás,
kamí ang sa kanyá'y nagbigáy n~g pilak
datapwa't ang gantíng sa amin ay gawad
ay ang kulan~gan pa ang datihang usap
at sa kahulihan ay ayaw magbayad.

Ang pinagpagaláng isáng lingóng araw


ay ipinatigás na ayaw bayaran
dahil sa náhin~ging huwag nang bawasan
ang dating palakad na pag-uupahán,
at kung mangyayari'y kaniyang dagdagán
yamang námamalas itóng kahirapan.

Samantalang gayón iyong pag-uusap


sa ibaba namán ay lubhang masulák;
walang hintóng lait ang nanánambulat:
hin~ging ipanaog yaong máninibad
upáng papagkamtín n~g parusang tapát
sa kanyáng inasal sa m~ga mahirap.

--Ipanaog dito nang agadagaran!--


ang sigáw n~g taong nan~gasa lansan~gan;
may nan~gaghahanda na ibaóng buhay,
may nagpanukalang ibitin na lamang
at may humihin~ging bugbugín ang hungháng
bago kaladkarín hanggáng sa mamatáy.

Sa gayóng paghin~gi na lubhang marahás


ay muling nag-init ang nasa itaas,
kaya at sa tulong n~g salitang tahás,
nilimot na sampung pitagang inin~gat
at dadaluhong nang dudumugi't sukat
iyong nagtatagong hindi makalabás.

Datapwa'y humadláng sa kaniláng nasa


ang dating may sakít at lunóng matanda:
--Man~gagmuni kayó--ang maamong wika--
huwag na palulong sa biglang akala
pagka't kung masunód ang inyóng adhika
ay kayo ring tunay ang kaawaawa.

¿Hindi bagá kayó'y may m~ga magulang,


anák at asawang pinakahihirang,
na liban sa inyó'y walang aasahang
sukat na katigin at ikabubuhay,
sa balát n~g lupà? ¿Anó't ititimbáng
ang gayóng karami sa isáng halimaw?

Kung inyóng masunód ang pakay at nasa


at kayó'y usigin dahil sa ginawa
¿ilán ang sa inyó'y man~gagsisiluha?
¿ilán ang dudumog sa pagdadálitá?
¿iláng anák ninyó ang mápapan~gangyaya
at man~gun~gulila n~g lubhang mahaba?

Kayó'y pinipigil, hindi pagka't ibig


na aking itangól ang taong bulisik;
mahigít sa inyó ang aking tinipíd
nang dahil sa kanyá; kayá'y di nagtiis
n~g sumpa't tun~gayaw, n~g pula at lait
at pag-alipustang di dapat mákamít.

Ang aba kong puso ay kanyáng dinaya,


ang aking pag-asa'y nilantá nang kusa,
ang madla kong luhog ay inalipusta,
ang linis ko't puri ay pinakadusta
at sa kabulagán n~g budhing kuhila'y,
sa anák ding tunay, siyang gagahasa.

¿Higít pa ba riyan ang inyóng tinangáp


na m~ga pasakit? Ang upang katumbás
n~g sanglinggóng araw ¿magin kayang sukat
sa pagkakalun~gi n~g puring inin~gat
at pagkáhiwalay sa madlang kaanak
at pamamalagi sa dálita't hirap?...

Akó ang babaing kanyáng pinugayan


n~g puring malinis na minahálmahál,
at n~gayó'y' akó rin ang nagsasangaláng ...
bakít akó gayón? sapagka't alan~gán
sa sapát kong gantí, ang íisang buhay;
ang nasa ko'y iyóng walang katapusán.

Isáng guniguníng hindi lumilipas


kahit na magbalot sa buntón n~g pilak,
isáng pagkakutya sa sariling hagap,
magíng akbáy niya sa lahát n~g oras,
isáng wari'y hukóm na magpapahirap
saan man tumun~go at siya'y lumagak.

Ang nasa kong kamtán ay isáng higantí


na higít na lubha sa lalong malakí,
gantíng tataglayín niyong dilidili
at sa isá niya ay man~ganín~ganí,
at hindi na ibá ang siyang mangdiri
kung di siya na rin sa kanyáng sarili.

Ibig kong mabuhay iyang alibugha,


datapwa't sa kanyá'y ipauunawa
na itóng dalaga na kanyáng ninasa
ay anák din niya at anák kong mutya,
n~guni't kailan ma'y hindi mápapala
na tawaging amá ang isang kuhila.

Sa sinabing itó'y nágitlá ang lahát


at ang kalooban ay pawang naglubág,
at lalo pa mandíng silá'y nan~gagulat
nang sa kinanglun~gán ay biglang lumabás
iyong inuusig at pinaghahanap,
na luhaluhaa't paluhód ang lakad.

XV.

PATAWAD.

Yaóng nahirati sa pagpapatanghál


n~g kaniyang poot sa m~ga upahán,
n~gayó'y lunóng lunó, at walang masaysáy
yaong m~ga labing laging nakasigáw,
liban sa pasamo't salitang marahang:
--¡Patawad anák ko! ¡Patawad na Atang!

--Ang aking patawád--tugón n~g may sakít--


magpakailan ma'y hindi makakamít,
sa aki'y hindi ka nagtaksíl n~g labis
kundi sa dugo mong itinakwil, kahit
walang kasalanan kundi magíng bihis
sa dusa n~g aking nádayang pag-ibig.

Mákita ang gayón, n~g magkakasama,


na ang hinahanap ay kaharáp nilá'y
dinaluhong agád; disi'y nasawi na,
kung hindi humadláng ang ating dalaga
at nagpumagitna sa amáng may sala
at m~ga kawaníng may masamang pita.

--Man~gag-antáy kayó, huwag pagtulun~gán


ang isá kataong hindi lumalaban:
ang inyóng gágawí'y hindi nábabagay
sa tungkól lalaking may kaunting dan~gál
at lalo pa mandíng tiwali't alan~gán
sa kagaya ninyóng anák kasipagan.

Oo't may katwirang kayó'y maghigantí


sapagka't ginipít ó kaya'y inapí;
n~guni't kayo'y pawang may pusong lalaki,
sa bawa't ulila'y marunong kumasi,
hindi humahabág sa tungkól babai
kundi bagkús pa n~gang mapagbigay puri.

Sapól pagkabata ay aking dinalá


yaong sapantaha na akó'y ulila,
wala akóng tuwa liban na kay iná
at n~gayóng nabatíd na akó'y may amá
¿di yata't bigla ring aagawin siya
sa sabík kong puso sa kanyáng pagsintá?

Kayó'y gaya ko rin na _anák-dálita,_


at kauri ninyó akóng namagitna;
magíng balato man, sa aki'y maawa:
patawarin ninyó ang amá kong mutya,
¡alang alang kahit doon sa Lumikha!
¡kahit alang alang sa aking pagluha!

Siya'y magtitika't hindi na aasal


n~g ugaling lihís na karumaldumal;
ang bahala'y akóng sa kanyá'y aakay
sa tuwid na landás na dapat daanan
n~g m~ga may puso't paglin~gap na tunay
sa kagaya ninyóng m~ga mang-aaráw.

Sa salitang iyon ay muling nagbalík


sa datihang anyo ang maamong tubig,
naglubág ang poot, napawi ang ban~gís
niyong maawaing m~ga _anák pawis_ ...
paano'y kay gandá n~g humin~ging bibíg
at napakaamo ang kaniyang hibík!?

Kaya't yaóng dating nagtumuling baha


na ibig tumabon sa daanang lupa'y
muling nagíng batis, nukál ang payapa;
at saka nan~gako ang Nan~gan~gasiwa
na daragdagán pa sa upaháng takda
at pagbabayaran ang m~ga nagawa.

XVI.

¡¡¡PAALAM!!!

Matapos ang gayóng m~ga sálitaa't


matapos pumayag ang m~ga upahán,
ang wikang nápalit sa dating sigawa'y
¡Mabuhay ang sipag! ¡Si Teta'y mabuhay!

Katuwaang lahát, sa lahát n~g bibíg


pawang kagalakán ang nan~gasasambít,
dapwa'y nápatan~ging may pataw sa dibdíb
ang ating si Pedro na di makaimík.

Malaon nang lubhang siya'y nároroon


at minamatyagán kung saan hahantóng
iyong salitaan, n~guni't n~g manuynóy
ang lahát n~g bagay ...nagtagláy lingatong.

Kaya't n~g mapuná, ang gayón, ni Tetay


ang hirang na sintá'y agád linapitan,
pinakáusisa, hanggáng sa tinuran,
n~g ating binata, yaong dináramdam.

Siya'y maralitá't ang kaniyang hirang


ay hindi na dukha, anák n~g mayaman,
¿di kaya masabing iyong pagmamahál
ay may halong lin~gap sa pilak na kináng?

[Larawan: Yakap na magiliw at masuyong halík,


sa salitang iyon, ang siyang nápalit.....

¡Kay saráp n~g buhay kapag umiibig!...

............................--(Pág. 72)]

Anyá'y samantalang hindi magkapalad


na kanyáng pantayán ang maraming pilak
n~g ama ni Tetay ay di man~gan~gahás
na mulíng bangitín ang kanyáng pagliyag.

At siya'y tutun~go sa malayong bayan,


kung saan kikita n~g maraming yaman,
puhunanin kahit ang sariling buhay
ay di lilin~gunín, sa laki n~g pakay.

Ang bawa't kaputók na pananalita,


sa dibdib ni Teta, ay nagiging iwa,
kaya't nang matapos ay di naapula
sa kaniyáng matá ang agos n~g luha.

--Nang akó'y hikahós--anyá--ay mapalad,


walang kalungkuta't ang puso'y panatag,
akó'y maligaya, kahit naghihirap,
at walang damdaming ikinaiiyák.

Datapwa't sa n~gayóng íisáng sandali


pa halos na akó'y wari may salapi,
¿agád agád na bang isáng dalamhati
ang tataglayín ko sa ubod n~g budhi?

Kung gayón din lamang at dahil sa aking


bagong kalagayan ikáw'y maninimdím,
ang lahát n~g iyo'y aking lilisanin
kung magigíng tumbás n~g iyong paggiliw.

--Huwag na Tetay ko, huwag ipagdamdám


kung sakasakaling akó'y lumayo man,
¿anó kung maghirap n~g mahabang araw
kung sa dakong hulí'y ikáw ang katimbáng?

--Kung sa dakong hulí!... at sa hulí akó!


n~guni't una muna ang kataasan mo!
Huwag lang maturang humigít sa iyo'y
lalasunin mo na ang boong buhay ko!

--Huwag mong damdamín; sa ngayó'y mapait


na akó'y málayo sa iyong pag-ibig,
n~guni't sa kabila'y libolibong tamís
ang siyáng katumbás nitóng pagtitiís.

Akó ay may puso, na kagaya mo rin,


na minámapaít ang kitá'y lisanin ...
datapwa'y hindi mo dapat na limutin
na ang marálita'y lubhang maramdamin.

Marahil, sa bawa't gamunting salita'y


ipagdurusa ko't lubós ikaaba,
¡paano'y katulong sa bawa't paghula
ang pagkakilalang ako'y marálita!?

Kaya't bayaan na ang aking pagpánaw,


paglayong marahil di maluluwatán ...
--¡¡Hindi n~ga maluwát, n~guni't kaigihan
na yaríng puso ko'y magkawaraywaray!!

XVII.

KATAPUSÁN.

Ang usapan palá namá'y nábabatyág


n~g lunóng babaing nahan~go sa hirap;
sila'y linapita't saka siniyasat
kung anó't malungkót iyong pag-uusap.

Hindi ikinaít n~g ating binata


ang sanhi n~g kanyáng paglayong akala;
inayunan namán n~g ating matanda
sapagka't nataya ang tuwíd na nasa.

Sa gayóng nangyari, si Teta'y nagsulit;


--Pumapayag akó na ikáw'y umalís,
datapwa'y yayamang kitá'y iniibig
akó ay sasama, saan man sumapit,

--Iiwan mo akó!?--ang pabiglang turing


n~g ináng nágitlá.
--¿Kami'y lilisanin?--
ang tanóng n~g amá.
--Kung di ibabaling
ni Pedro ang nasa. Siya ang himukin.

Alám kong ang sanhi n~g kaniyang pakay


ay dahil sa akin; kaya't akó namá'y
nasang makihati sa anó mang bagay
na kanyáng sapitin: mamatáy, mabuhay.

--Sukat na, sukát na, aking m~ga anák--


ang sabi n~g amá sa magkasinliyag--
magmula sa n~gayón si Pedro'y gáganap
sa aking tungkulin.
--Amá ko, salamat.

--Sa gayóng paraa'y hindi kailan~gan


ang siya'y dumayo sa ibá pang bayan;
at kaming dalawá'y ...
--Hahati na lamang
sa ligaya ninyó--ang putol ni Atang.

...................................
...................................

Yakap na magiliw at masuyong halík,


sa salitang iyon, ang siyang nápalit....
¡Kay saráp n~g buhay kapag umiibig!...
¡Pag yáon n~g sigwá'y kay ganda n~g lan~git!...

WAKAS.

Maynila, Enero, 1907.

Ginawang aklat n~g Disiembre n~g 1911

"Bulalakaw ng Pag-asa": Novela Social


Mga Tala ng “Bulalakaw ng Pag-asa” ni Ismael A. Amado
Unang inilathala noong 1918. Muling inilathala noong 1991
Quezon City: University of the Philippines Press

Nakapanghihinayang at nagpahinog nang matagal sa bodega ng kasaysayan


ang nobelang Bulalakaw ng Pag-asa (1909) ni Ismael A. Amado, at
may pambungad ni Iñigo Ed. Regaldo. Noong 1918, pagkalipas ng
sampung taon, saka pa lamang ilalantad sa madla ang aklat. Ito ay batay na
rin sa pagsunod ni Amado sa payo ng matatandang manunulat na labis na
subersibo ang aklat, at maaaring ikapahamak ng awtor dahil mahigpit noon
ang batas laban sa sedisyon na pinaiiral ng pamahalaang kolonyal ng
Amerikano. Katumbas ng pagsunod ni Amado sa payo ng matatandang tinali
ang pagkawala ng kaniyang oportunidad na maging dakila nang panahong
iyon.
Binuksan ang nobela sa tagpong nangutang ang isang Amerikanong
nagngangalang John Stag sa tindahan ni Julio. Ngunit walang pera ang
Amerikano, kaya hindi pinautang. Nanggalaiti ito kay Julio hanggang
magpambuno ang dalawa at masira at magkabasag-basag ang mga paninda
ng kawawang tindero. Nabalitaan ito ng mga pulis, subalit imbes na umawat
ay nasindak sa Amerikanong de-baril at nangagsitakbo. Sumaklolo si
Gerardo, at bagaman tinamaan ng bala sa bisig ay nagapi pa rin niya ang
tarantadong Amerikano. Sa tulong ng ilang kababayan ay inireklamo sa
hukumang munisipal ang salarin, makaraang usisain ng sarhento at dalawang
kasamang kawal.

Idinulog kay Kapitang Memo, alyas ni Maximo San Jorge de los Santos, ang
problema ngunit imbes na parusahan si Stag ay pumanig pa ito sa
Amerikano. Iyon pala’y dating magkakutsaba sina Memo at Stag sa
pagnanakaw, pagpatay, at panggagahasa doon sa Tarlak, hanggang itakas
mag-isa ni Memo ang nakulimbat na salapi at iwanan ang kaibigan.
Nagbabala si Stag na papatayin nito si Kapitang Memo kapag nabigong iligtas
siya sa kaso.

Nagtalo sa pagdinig sina Gerardo at Kapitang Memo, at dahil sa paglalahad


ng mga karapatan at katwiran ni Gerardo, napapayag na rin si Kapitang
Memo na patawan ng parusa si Stag. Ngunit ang multa’y nagmula sa bulsa ni
Kapitang Memo, at nang kinagabihan ng pagkakakulong sa Amerikano ay
pinalaya ito sa kung anong paraan.

Ibinulgar sa nobela ang Libis na bayang pinaghaharian ni Kapitang Memo na


pugad ng sugalan, gaya ng sabong, monte, tupada, at huweteng. Ibinulgar din
ang bulok na pamamalakad sa hukuman, pulisya, at kabuhayan ng mga tao.
Nagdulot ito ng ligalig sa mga tao, kaya napilitang itatag ang kapisanang
“Dakilang Mithi” bilang tugon sa panlipunang problema, hanggang ibulgar ng
isang babaeng limahid ang pandurustang sinapit niya kay Kapitang Memo na
gumahasa, umalipin at nagbugaw sa kaniya, bukod sa pumatay sa kaniyang
ama at tumangay ng salaping nagkakahalaga ng sampung libong piso—na
napakalaking halaga noon.

Nagalit si Kapitang Memo dahil nabulgar ang kaniyang masamang nakaraan.


Ipinatawag niya si Gerardo sa kaniyang tanggapan, ngunit imbes na kausapin
ay pinagtangkaan pa niya itong patayin. Dumating naman ang gobernador at
huli sa akto si Kapitang Memo. Natiwalag si Memo sa kaniyang tungkulin, at
nagbalak maghiganti.

Ang paghihiganti ni Kapitang Memo ay magbubukas para ipakilala sa nobela


ang gaya nina Faure, Eling, Pacing, at Juancho. Si Faure ang matalik na
kaibigan ni Gerardo na siyang pangulo ng Dakilang Mithi, bukod sa mahusay
na abogado. Si Eling ang kasintahan ni Gerardo, at pinagtangkaang gahasain
ni Juancho bilang ganti sa ginawang pagpapatiwalag kay Kapitang Memo. Si
Pacing ang kaibigan ni Eling, at inilahad ang kanilang kalagayan sa
pamamagitan ng mga maling paniniwala kung bakit ipinagbabawal ang
pagpapaaral sa babae. Si Juancho naman ang bigong manliligaw ni Eling, at
siyang kasapakat ni Memo sa paghihiganti. At si Stag ay Amerikanong
pusakal na mandarambong at kriminal, bukod sa mapang-aglahi at
barumbado, na handang makipagkutsaba sa sinumang Filipino upang
maisulong ang pansariling interes.

Ang tunggalian ng mga paniniwala ay sisiklab nang magtalo sina Faure at


Juancho hinggil sa layon sa Dakilang Mithi. Nagkaisa lamang ang pangkat
nang magtalumpati si Gerardo, at nag-ambagan para maipagpatuloy ang
magandang simulain nito hinggil sa mabuting pamamahala. Dapat ding
banggitin na ang tunggalian ay hindi lamang nagmumula sa mga uring
panlipunan at batayang ekonomiko ng mga tauhan. Ang tunggalian ay may
kaugnayan sa nagsasalungatang kultura at paniniwala, mula man iyon sa
pagtatanghal ng karapatang pantao hanggang pagtatanggol ng kapurihan ng
bansa. Ang tunggalian ay maghihimagsik na Filipino kontra imperyalismong
Amerikano, na maglalaro mulang pisikal na antas, gaya ng madudugong
bakbakan o pagpatay hanggang antas na sikolohiko at pangkaisipan, gaya ng
pagtatanggol sa dangal na ibig ilugso ng dayuhan o kakutsaba nitong Filipino.
Sa lahat ng tunggalian, magwawagi ang Filipinong radikal kahit sa unang
salpok ay mapapailalim siya sa kapangyarihan ng Amerikano.

Hindi magtatagal ang ganitong tagumpay dahil dadakpin ng nakabalatkayong


demonyo si Gerardo, at dadalhin sa gubat upang patayin. Ngunit sumaklolo si
Florante, at napatay si Memo—na siya palang nakamaskarang demonyo—
nang magpambuno sila sa lupa. Gumanti pagkaraan at sinaksak ni Juancho si
Florante. Ngunit sumaklolo si Gerardo at nang magpambuno’y kapuwa sila
nahulog sa tulay. Nalunod si Juancho dahil hindi marunong lumangoy,
samantalang nakaligtas si Gerardo.

Naratay bago namatay si Florante. Bago ito mamatay ay hiniling nito sa


kaniyang inang si Aling Tinay na balutin ng bandila ang kaniyang kabaong.
Ipinagbabawal ang paglalantad ng bandila dahil labag iyon sa kautusan ng
rehimeng Amerikano. Nang araw ng libing ay dumating ang limang kawal na
kayumanggi at isang puti. Nilapastangan ng Amerikano ang libing, niyurakan
ang bandilang Filipino, at naging sanhi ito upang sampalin ni Faure ang
Amerikano. Sumaklolo ang limang kawal, binugbog si Faure, at tinangay
upang ikulong. Walang pumalag sa mga kababayan niyang saksi, na pawang
nangasindak.

Hindi nagpapigil si Gerardo na saklolohan ang kaniyang katoto. Isang gabi’y


palihim siyang dumako sa bilangguan, pinatay sa saksak ang bantay, at
pinalaya si Faure. Matutuklasan din kinabukasan na tinarakan ng talibong sa
dibdib ang Amerikanong yumurak sa watawat at sa dangal ng mga Filipino.
Tumakas at nagtungo kung saan malaya si Faure, samantalang nagsama
sina Gerardo at Eling upang harapin ang bagong yugto ng buhay.

Paglingon sa nobela
Nakapangingilabot ang nobela dahil marami itong ibinubunyag sa publiko at
hangga ngayon ay waring bangungot na bumabangon para gulantangin ang
madla. Ang korupsiyon ng mga politiko sa halalan para magwagi; ang
pandarambong, pagpatay, at panggagahasa; ang pagpapairal ng mga
pasugalan at iba pang uri ng bisyo; ang baluktot na paniniwala hinggil sa
papel ng babae sa lipunan; ang kahinaan ng pulisya at kawalan ng hustisya
mula sa hukuman; ang malayaw na hatid na Amerikanisasyon sa kulturang
Filipino; at ang mapang-aglahing patakaran at pamamalakad ng mga
Amerikano dito sa Filipinas.
Sa unang malas ay madaling basahin ang nobela, ngunit ang totoo’y hitik iyon
ng mga pahiwatig mula man sa pagsisintahan nina Gerardo at Eling, o kaya’y
sa paggamit ng simbolo ng watawat na niyuyurakan ng kawal ng Estados
Unidos o sa kabulukan ng sistema ng pamahalaang sinasagisag ni Kapitang
Memo. Ang tunggalian ng mga katwiran ay mamumutawi sa bibig ng mga
pangunahing tauhan, at bagaman mapupuwing sa ngayon na animo’y
patalumpati ang pagdulog, ang naturang taktika ay humuhugot ng halina sa
tradisyong pabigkas ng mga Filipino sa kabuuan, na ang talastasan ay
itinuturing ang kausap na kabahagi ng pagkatao ng nakikipag-usap. Ang
naturang taktika ay mahahalata kahit sa pagpasok ng tinig ng awtor doon sa
nobela, at gaano man kapayak ito ay maipangangatwirang ang nobelista ay
kabahagi sa paglalahad ng mga pangyayari, upang lalong mailapit sa puso at
isip ng mga mambabasa ang realidad ng kaligiran sa loob ng nobela.

Bagaman inilalantad ng nobela ni Amado ang kabulukan ng lipunan, ang


realidad sa loob ng nobela bilang panitikan ay masasabing kayang tumayo
nang mag-isa. At ang naturang realidad na pampanitikan ay naglalantad ng
salamangka ng pagkatha, at walang maaasahang direktang tumbasan ng
mga pangyayari, dahil ang realidad na pampanitikan ay kayang humuwad sa
nagaganap noon. Halimbawa, ang kapisanang Dakilang Mithi ay maaaring
kumatawan sa anumang makabansang organisasyong may layuning kontra-
imperyalista, ngunit ang pagiging radikal ay hindi lamang nagwawakas sa
pagiging reaksiyonaryo at burges bagkus sa pagiging proaktibo, progresibo,
maláy, at maka-Filipino. Ang pagpatay nina Gerardo at Faure sa Amerikanong
opisyal na yumurak sa watawat ng Filipinas ay hindi simpleng paghihiganti,
bagkus pagbabangon na tinutumbasan ng armadong pag-aaklas kung
hinihingi ng pagkakataon. Maihahalimbawa rin ang konsepto ng
panggagahasa sa babae, at ang babaeng ito sa nobela ay maaaring
kumatawan sa Inang Bayan na nilalapastangan ng Estados Unidos.

Sabihin nang marami ang maipupuwing sa estilo ng pagkakasulat. Ngunit


dapat isaalang-alang ng mga mambabasa ngayon na nang sulatin ni Amado
ang kaniyang nobela ay wala pang panuntunan sa gramatika, ispeling, at
palaugnayan sa wikang Tagalog, na pagkaraan ng tatlong dekada makalipas
mailathala ang kaniyang nobela ay saka pa lamang mabubuo ng gaya ni Lope
K. Santos at mga kapanalig na manunulat sa Aklatang Bayan. (Nagsisimula
pa lamang ang paglilinang ng nobelang Tagalog sa bungad ng siglo 20, at
ang mga modelo na pagkatha ay hinihiram sa Ewropa kung hindi man sa
Amerika. ) Kahit sabihin pang magaspang ang wika ni Amado, at kulang sa
estilistang pagdulog, at maipupuwing na rito ang ilang ispeling ng mga salita o
ang paraan ng pagbuo ng usapan at tauhan, ang gayong gaspang ay lalong
nagpapakinang ng kaniyang akda dahil handa nitong ibulalas ang ubod ng
lunggati ng mga Filipino alinsunod sa diskurso ng mga Filipino noong sakop
ng imperyalistang Estados Unidos ang Filipinas.

Wala nang dahilan ang makabagong henerasyon para hindi basahin at


balikan ang nobelang Bulalakaw ng Pag-asa ni Ismael Amado. Kayang
basahin ito nang isang upuan lamang. Hitik sa pag-asa ang nobela, kahit
sabihin pang tigmak sa dugo at lubog sa lagim. Dapat muling tuklasin ang
nobela, lalo’t nagsisikap muli ang Estados Unidos na palakasin ang puwersa
nito hindi lamang sa Filipinas kundi sa Timog-Silangang Asya. At dapat
ipabasa ito sa mga kabataan, para mabatid nila kung paano ginagago ng mga
banyaga ang dangal ng ating bansa.

Panimula (tala mula sa introduksiyon ni Delfin Tolentino, Jr.)


Isinulat ang nobela noong 18 taon pa lamang ang may-akda; ito ang kaisa-isa niyang akda pero maituturing
ng mga kritiko at historyador pampanitikan bilang isang obra maestra. Ayon kay Virgilio Almario, ito’y
”huwarang nobelang makabansa.” Sang-ayon naman kay Soledad Reyes, malaki ang kontribusyon nito sa
tradisyon ng protesta sa panitikang Filipino. Nag-aapoy ito sa kaisipang sedisyonista; radikal at anti-
imperyalista ang tono. Taong 1909 nang matapos isulat ang nobela ni Amado pero hindi agad nailathala
dahil “masama ang panahon.” Marahil, nahintakutan ang may-akda, ayon na rin sa payo ng mga kaibigan,
dahil sa laganap noong panahong iyon ang pagdakip sa mga manunulat na tahasang tumutuligsa sa
kolonyal na pamahalaang Amerikano, tulad ng karanasan ng mga mandudulang sina Juan Abad, Juan
Matapang Cruz, at Aurelio Tolentino. Ipinatupad ng bagong mananakop ang Sedition Law (bawal
magmungkahi ng pagsasarili at paghiwalay ng Pilipinas sa U.S.) at ang Flag Law (bawal ilahad ang bandila
ng Pilipinas). Nalathala lamang ang nobela noong 1918 nang hindi na uso ang sedisyosong akda at nauso
ang “akomodasyon” sa politika at panitikan, na mababakas sa sarsuwelang tumatalakay sa pag-ibig at
usaping domestiko at sa mga nobelang romantiko. Gayunpaman, mahalagang mabasa ang nobela dahil sa
ipinapakita nito ang istruktura ng lipunang kolonyal at ang pakikibaka (ng mga kabataan) sa kasarinlan ng
bansa. Kababakasan ang teksto ng impluwensiya ng mga sumusunod, ayon sa tinukoy ni Tolentino: “El
Filibusterismo” ni Rizal, Kartilya ng Katipunan, “Liwanag at Dilim” ni Emilio Jacinto, at ang “Florante at
Laura.” Dagdag pa ni Tolentino, maituturing na novela social ang akda dahil sa realistikong pagsasalaysay,
idinidiin na ang lipunan ay larangan ng tunggalian, ginagamit ang dialogo upang ilahad ang usaping
polemikal, may dramatikong pamamaraan sa paglalarawan ng tauhan, gumagamit ng satirikong himig o
pang-uuyam.

Buod:
Isinuplong ni Gerardo si Stag sa hukuman dahil sa panggugulo nito sa tindahan ni Julio sa bayan ng Libis.
Sa hukuman, nakilala ni Gerardo si Kapitan Memo, na katuwang noon ni Stag sa pagnanakaw at pagpatay
sa Tarlac. Hindi hinatian ni Kapitan Memo si Stag kaya gumawa ito ng paraan para iligtas ang Amerikano.
Pero nanaig pa rin ang hustisya. Lamang, nakatakas ang Amerikano sa bilangguan.

Nagkataong naglahad ang asawa ni Kapitan Memo na siya’y ginahasa nito at pinaslang pa ang ama.
Umaksiyon sina Gerardo at hiniling sa hukuman na tanggalin sa puwesto ang Kapitan, na kilala sa pagpanig
sa mga sugal at korupsiyon sa konseho. Natanggal naman ang tiwaling politiko pero isinumpa niyang
maghihiganti siya kay Gerardo sa pagtanggal sa kaniya ng puwesto, kapangyarihan, at pangalan.

Ipapakilala sa nobela si Elena (Eling). Siya ang huwaran ng Pilipina: edukada, hindi Amerikanisado, may
puri, at hindi katulad ng ibang dalaga na nagiging prostituta para sa mga banyaga. Nagtapat si Gerardo at
Elena ng pag-ibig sa isa’t isa. Pagkuwa’y napansin ni Gerardo na naging ningas-kugon lamang ang samahan
ng kabataan (Dakilang Mithi) sa pagtatatag ng panggabing paaralan, pagtatayo ng biblioteca, paglalabas ng
pahayagan, at kampanya laban sa sugal. Naghanda sila ng sayawan para akiting muli ang kabataang
nawalan ng sigla. Nagsermon si Gerardo: Bakit kapag sayawan ay kaygilas ng kabataan? Natigil ang pulong
na iyon nang dumating ang demonyo (naka-costume ito mula sa karnabal). Inaya niya si Gerardo para
makausap nang sarilinan. Iyon pala’y si Kapitan Memo ito. Nang nasa puntong maghihiganti na ang kapitan,
dumating si Florante para iligtas ang kaibigan. Tumakas sa dilim si Memo. Makaraan noon, nakita nila ang
kalesang humaharurot sa kalsada. Laman nito si Elena at si Juancho na kapatid ng kapitan. Mabuti na
lamang ang nahinto sa may tulay ang kalesa. Nailigtas nina Gerardo si Elena. Nagsagupa naman sina
Florante at Juancho. Nasaksak ni Juancho si Florante; gumanti si Gerardo para sa kaibigan at dinaluhong si
Juancho; nahulog itong binatang di marunong lumangoy. Iniwan naman sa mambabasa kung ano ang
magiging kapalaran ni Kapitan Memo na nilambungan ng dilim.

Sugatan si Florante at hindi kayang lunasan ng doktor sa Libis. Bago ito mamatay, hiniling niya sa inang si
Aling Tinay na ilagak siya sa kabaong na kinumutan ng bandila ng Pilipinas. Nanghilakbot ang mga
mamamayan dahil labag ito sa Flag Law. Pero, matibay ang loob ng ina. Sa libing, tulad ng inaasahan,
sinugod ng konstabularya ang kabaong. Nilapastangan at niyurakan ng Amerikanong tinyente ang bandila at
ang libing. Nangahas na ipagtanggol ni Faure ang bandila pero ito’y nakulong. Sinugod ni Gerardo ang
bilangguan at pinalaya si Faure. Pinatay din niya ang tinyenteng inalipusta sa simbolo ng bansa.

Mga Puna:
Kung gagamitin ko lamang ang dulog formalismo, lalabas na mahinang uri ng nobela ang “Bulalakaw.” Pero
higit pa sa kasiningan dapat binabasa at sinusuri ang akda. Mas angkop na basahin ito sa panahon ng
pagkakaakda—ipinagpatuloy nito ang tradisyong sinimulan ni Jose Rizal sa paglalarawan at panunuligsa sa
kolonyal na pamahalaan at lipunan. Litaw ang tono nito ng pagbalikwas sa di-matwid na pamamalakad sa
pamahalaan: tiwaling politiko, pag-abuso sa yamang kalikasan ng bansa dulot ng Batas Payne, pagsagka sa
bandila ng Pilipinas, ugaling busabos ng mga Pilipino. Ang mga tauhan sa nobela ay mahahanapan ng ugat
sa tauhan ni Rizal: Gerardo bilang Ibarra; Florante bilang Elias; Eling o Elena bilang Maria Clara. Mangyari
pa, tulad ng giit ni Rizal, malaki ang gampanin ng kabataan sa paglaya ng bansa. Kung may tinatawag na
drama simbolico at sedisyosong dula sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano, ang aklat ay
maituturing na sedisyosong nobela, bagamat huli na nang ito’y ilathala dahil sa takot ng nobelista na
mabilibid. Sa halip, itinago niya muna ito at nagtungo sa Estados Unidos (diumano para maging pensionado
o scholar). Nasabi ko ring nasa tradisyon ito ng simbolico dahil sa pagkakagamit ni Amado ng pangalang
Masasakim, Mapagbalatkayo, at Kukong-Lawin para sa mga Amerikano. Ganito rin ang pagpapangalan ni
Aurelio Tolentino sa kaniyang dula.

Kapansin-pansin na tila nananalumpati ang mga dialogo. Para nga itong sanaysay. Kung kasalukuyang mag-
aaral ang bumasa, tiyak akong kikilabutan sila sa uri ng pagkakasulat ng akda. Nahihinto ang kuwento dahil
sa mahabang pangangatwiran ng mga tauhan sa isa’t isa ukol halimbawa sa panghihumasok ng kabataan
(Dakilang Mithi) sa mga usaping pampolitika. Laganap ang deux ex machina (“A resolution to a plot problem
that is too convenient for the writer and unbelievable to the audience.”) Kaugnay sa pagbubuo ng karakter,
wari itong editoryal na katha na maihahanay sa “Miss Phathupats” ng kuwentistang Kapampangan na si
Juan Crisostomo Soto. Mangyari pa, makikita ang nobelista o maririnig mo ang puna niya sa nobela. Ito’y
pinaghalong komentaryo, pagmumuni (ukol sa kalayaan, bandila, halaga ng babae at pagtitimbang ng
kaalaman, at lahing kayumanggi), pagsusuri, at pagkukuwento, bagay na laganap sa panitikan ng protesta.

Potrebbero piacerti anche