Sei sulla pagina 1di 197

---------------BOOK DETAILS----------------

[BOOK NAME] The random right one


[TOTALPARTS] 29
-------------------------------------------
[ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------
Marcela Guanzon had one thing in mind; she wanted to complete her to do list. But
that thing changed when a conceited Brain Surgeon named Nathaniel Varres entered
her life. Things got out of hand and she just found herself in a very compromising
situation with Nathaniel Varres. What would happen if the clever girl with a smart
mouth finds herself falling for the brain surgeon that had an emotional excess
baggage? A story of hoping and believing that happily ever after did exist and it
comes into many forms.
-------------------------------------------

*******************************************
[1] The random right one
*******************************************
Random - not expected, unpredictable.

A random event in our life that we didn't expect to happen and yet it did happen
and it slapped us right in the face.

Right - antonym of the word wrong.

One - a single entity, a unit, an object, or a living being...

Random...

Right...

One...

*******************************************
[2] Prologue: Random Kiss
*******************************************
Seize the day.

You only live once.

Ella smiles every time she hears or reads those phrases. It only means that people
should live life happy. People should take risks and do something spontaneous. And
maybe those things alone were the reasons why she was here tonight. It was because
she wanted to seize the moment.

Alam niyang labag sa batas ang gagawin niya ngunit hindi na niya iniisip iyon. Ang
gusto niya lang sa ngayon ay ang mabuhay. She wanted to seze ever opportunity she
could get. Life is too short to live in the dark and she was done living in the
dark. She wanted to finally come out and see the light.

"Kinakabahan ako." bulong niya sa kanyang sarili. Napansin niyang nakatingin sa


kanya ang kaibigan. She smiled at Jenny. Jenny was her best friend. They have been
partners in crime since college. She was her confidant. They knew everything about
each other. They have done crazy things together and she knew that this thing that
they will do tonight was supposed to be fun and yet she couldn't help but to be
nervous about it.
"Huwag kang kabahan. Bongganess lang itey!" Jenny said to her, smiling. She even
raised her left hand for a high five. Natawa naman siya at saka inapiran ito.

"Okay. I'mma do this. But if we get caught ---" hindi na niya natapos ang
sasabihin. Bigla ay naisip niya na kung sakaling mahuli sila ay maaari silang
makulong and spending a night in jail would be something spontaneous. Gusto niyang
maranasan iyon.

"Hindi tayo makukulong! Planado ko ito eh!" kinindatan pa siya ng kanyang kaibigan.
Napailing siya. Inakbayan siya ni Jenny. "Ako ang aakyat sa harap. Ikaw sa likod.
Tandaan mo, fourth window from the left side of the building. Fourth floor. Magkita
na lang tayo sa loob ng bahay ng Diegong Bading na iyon." Tinapik ni Jenny ang
kanyang balikat. She gave her the rope that she would use to connect to the rope
that Jenny have placed in that building earlier. Hindi niya alam kung paano naisip
ni Jenny ang mga bagay na it. Bigla tuloy niyang naisip na baka ambisyon talaga
nito ang maging kriminal. She remembered back when they were still in college, she
and Jenny wanted to be a con artist -- just like Matt Bomer on White Collar, pero
biruan lang naman nila iyon but now, here they are, trying to break inside the
house of the most agitating showbiz reporter she had ever met.

Lumakad na siya patungo sa likod ng building. She immediately saw the rope which
was tied somewhere up there. Itinali niya ang lubid sa kanyang baywang at saka
pilit na inabot ang nakalalay na taling nasa kanyang harapan. She connected that to
the rope tied on her waist. Nang masiguro niyang matibay ang pagkakabuhol ay saka
niya sinimulan ang pag-akyat. She placed her feet against the wall of the building.
Alam niyang hindi magiging madali ang bagay na iyon. Years of mountain climbing
experience taught her that climbing a wall was really hard. But because she wanted
to sieze the moment, gagawin niya ito.

"One..." bilang pa niya habang paakyat. Jenny said that she should enter the window
from the left side of the building. Fourth window from the left side which was...
She grinned when she finally reached that window. It was slightly open. Naging
madali para sa kanya ang abutin iyon ay buksan.

"Two.. three..." she pushed herself in. She took a deep breath when she realized
that she was finally inside that unit. The room was dark and quiet. Walang tao sa
palagid. Kumunot naman ang kanyang noo. Bakit walang tao? Jenny was supposed to be
here at this time. Wala pa rin ang kaibigan ni Jenny na si Robi at mukhang wala
talagang tao sa lugar na iyom.

Something wasn't right.

"Blag..."

Her eyes widened when she heard something. Agad siyang lumuhod at nagkubli sa gilid
ng malaking cabinet.

Nakadama siya ng kaba. Something wasn't right. She took out her phone and dialled
Jenny's number. Nag-ring naman iyon, pero hindi sinagot ng kanyang kaibigan. She
adjusted her eyesight towards this darkness. She could see a huge cabinet made of a
fine wood and inside that cabinet were trophies and medals. Gumapang siya upang
lapitan ang cabinet na iyon. It was dark so she had a hard time seeing things.
Right in the middle of the living room was a coffee table, adjacent to that was a
great view of the metro.

May mali talaga. Hindi lang talaga niya ma-figure out kung ano but she knew
something was wrong. But no matter how wrong it looked like, she had to do what she
was asked to do. Mabilis siyang tumayo at nagtungo sa silid kung saan ay sigurado
siyang makikita niya ang hinahanap niya. Nang marating niya ang pintuan ng silid na
iyon ay natigilan siya. She could hear groans and moans of two people. They sound
like they were in a very compromising situation. Ella bit her lower lip and she
peeped through that little opening of the door.

Her mouth fell open when she realized what was happening inside that bedroom.
Inside were two human beings -- a couple perhaps - sharing a passionate act of love
The woman, she doesn't know what she looks like, but she was on top of a very
handsome man. The man's eyes were closed as the woman moved up and down his body.
She knew that she had to look away but she couldn't and she doesn't know why. She
found herself looking at the man's face. He looked so familiar to her. She felt
like he had seen him somewhere. He had rugged features, his upturned nose, his full
lips, those deep set of almond brown eyes that were looking at her as if trying to
see through her soul -- wait! The man's eyes were open and he was actually looking
at her!

"Oh god!" agad siyang umalis mula sa pagkakatayo niya sa may pinto. Hindi siya
mapakali. Everything was clear now. Mali siya nang pinasok na bintana! And now
she's dead because the owner of that unit caught her.

Why was there a man having sex inside that room? Hindi iyon si Diego! Bakla si
Diego at kahit kailan hindi iyon papatol sa babae and yet the man inside that room
was doing it with a woman! It means na mali siya ng bintanang pinasukan!

She felt scared. What if the man runs after her? She'll get caught and there's a
big possibility that he will put her to jail!

"Jail... Damn it, Ella! What happened to YOLO?" she whispered as she struggled to
find that fucking rope she used to get up here.

"Shit! Shit! Shit!" bulong niya. Pilit niyang hinahagilap ang tali na ginamit niya
paakyat sa unit na iyon. She found the rope hanging near the window. Mabilis niyang
kinuha iyon, she was about to make a move when she felt an arm caught her waist.

"Where do you think you're going?" a husky but very manly voice spoke. Nakadama
siya ng pagkagulat at iyon ang naging dahilan ng pagkabitiw niya sa tali.

"Nooo!" she yelled. Naramdaman niyang binuhat siya ng estranghero. She knew that
the man holding her was the same man she saw having sex inside that room.

Naglakad ito habang buhat-buhat siya. Ibinaba niya nito sa sofa. May pinindot ito
matapos iyon ay bumukas bigla ang ilaw. It was now very bright and she could see
clearly.

"Who are you and what are you doing inside my unit? Magnanakaw ka no?" tanong ng
lalaki. Nanlaki ang mga mata niya. Tiningala niya ito upang sigawan ngunit
napanganga siya. She finally realized who was standing in front of her. It was none
other than Nathaniel Varres, one of the most popular brain surgeons in the country
and the youngest doctor who was featured on Time Magazine.

"Hindi ka makasagot. I'll call the police." muling wika nito. Lalong nanlaki ang
kanyang mga mata. Walang sabi-sabi na lumuhod siya sa harapan nito.

"Parang awa mo na, huwag mo akong papakulong!" madamdaming pahayag niya. Wala
siyang pakialam kung magmukha siyang tanga pero magmamakaaawa siya dito. Niyakap pa
niya ang binti nito na dapat ay hindi niya ginawa dahil matapos niyang ipalupot sa
binto nito ang kanyang mga braso ay nalaglag ang tuwalyang nakapalupot sa bewang
nito.

"What the---"

Halos lumuwa ang mga mata niya nang makita niya ang isang bagay na hindi niya dapat
makita. Mabilis pa sa alas kwatro na napatayo siya.

"Ahhhhhh! Angry bird!" sigaw niya habang pilit tinatakpan ang mga mata.

"What? What angry bird?" tila nagtatakang tanong ng lalaking hubad na nasa kanyang
harapan.

"Ahhhhhh!" patuloy lamang siya sa pagsigaw.

"Shut up!" he said to her. She didn't shut up. She just kept on yelling for she was
really surprised. In the twenty eight years of her existence ay ngayon lang siya
nakakita ng ganoon sa personal.

"You'll wake the whole building!" the man hissed at her. Hindi pa rin siya
natahimik. The next thing she knew, the man -- Nathaniel Varres -- put his arms
around her waist and oulled her closer. He shut her up by giving her a full kiss on
her lips.

It was her first kiss.

Tulala siya nang tapusin nito ang halik. Tumitig ito sa kanya at saka ngumisi.

"Something that could make you shut up..."

Napatitig siya dito. Wala sa loob na pinadapo niya ang kamay sa kaliwang pisngi
nito.

"Magnanakaw ka ng kiss!" singhal niya. Inilagay niya ang dalawang kamay sa braso at
pinuntirya ang precious treasures nito.

"Aw!" halos mapaupo sa sakit ang lalaking nagnakaw ng kanyang unang halik!
Napaluhod ito. She saw that opportunity to escape that place and she did. She ran
through the door, opened and and escaped. She ran fast. Narating niya ang parking
lot and she saw Jenny -- her best friend, and Trey -- Jenny's boyfriend standing
near the car, kissing.

"Hoy! Bukas na iyan! Umuwi na tayo!" pahayag niya pagakatapos ay binuksan ang pinto
ng sasakyan. Maya-maya ay lumulan na ang mga ito. Binalingan siya ni Jenny.

"Saan ka nagpunta?" nagtatakang tanong nito. "At bakit ka namumutla?" Tiningnan


niya ang kaibigan.

"Ayokong pag-usapan!"

Halos mapugto ang kanyang hininga. She was biting her lower lip. Paulit-ulit niyang
nakikita sa kanyang isipan ang nangyaring paghalik ni Nathan Varres sa kanya. It
was her first kiss. She could still feel his lips against her, brushing softly,
making her feel the things she never thought she could ever feel...

It was her first kiss.

A kiss that was taken from her without permission.

A kiss from a random man...

*******************************************
[3] 1. The break up
*******************************************
"Para kanino ka bumabangon?"

Napangiti si Ella habang nakatingin sa billboard na iyon. She was in the middle of
the foot bridge looking up at that coffee advertisment. Noon ay hindi naman niya
iniisip ang bagay na iyon. Alam niyang bumabangon at nabubuhay lamang siya dahil
buhay siya at normal sa isang tao ang bumangin sa umaga. But right now, she knew
that she had to find the answer to that question.

Para kanino nga ba siya bumabangon? She sighed. Wala pa sa ngayon. Pero alam
niyang darating ang araw na masasagot niya ang tanong niya.

"Miss lakad na nag-ta-traffic dahil sa'yo." napatingin siya sa kanyang likuran at


nakita niya ang isang malaking babaeng nakasimangot sa kanya. She just smiled at
her at saka siya nagsimulang lumakad. She didn't know what she should do today so
she took out her list.

She has a list of the things she wanted to do because she believed in that
internet saying that YOU ONLY LIVE ONCE. She wanted to sieze the day para naman
kung sakaling mamatay siya, masasabi niya na nagawa niya ang mga bagay na gusto
niyang gawin sa buhay. No regrets kumbaga.

"What should I do today?" she was biting her lip habang binabasa ang nakasulat sa
listahan niya. Napangiti siya nang mapili niya kung ano ang dapat niyang gawin. She
wanted to ride all the rides in Star City pero wala naman siyang kasama. Naisip
niyang tawagan ang best friend niya. She took out her phone and dialled her number.

"Hello?" sabi sa kabilang line.

"Jenny!" she greeted her. Jenny is her best friend. Matagal na silang magkasama.
Since college ay ito na ang partner in crime niya. They've been through so much
together. Jenny was there when she entered the lowest and the darkest moment of her
life. Jenny was also there when she was shattered, rejected and she was also there
for her whenever she was feeling so alone.

"Oh, nasaan ka?" tanong nito.

"Dito sa ilalim ng foot bridge. Punta tayo ng star city." aya niya dito.

"Saang foot bridge at bakit ka pupunta ng star city?"

"Gusto kong mag-rides. Punta tayo!"

"Ano? Hindi ako pwede. Lunes ngayon may pasok kaya ako." sagot nito. Napalabi naman
siya. Nakalimutan niya na may trabaho nga pala ang kaibigan niya, hindi tulad niya
na nakabakasyon na -- habambuhay.

"Ah... s-sige next time na lang..." tinapos niya ang tawag. Nakadama siya ng
lungkot. So, to do number 14 is cancelled. Naghanap na lamang siya ng ibang
gagawin. She chose to do number 17, to visit the national museum and look at the
claasic paintings.

Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa national museum. Nang makarating siya
doon ay wala namang gaanong tao. She wondered kung nagkakaroon ng tao doon. People
now a days, chooses to go to the mall rather than visit meaningful places like
this.

Nakita niya ang isang babaeng nakatayo sa may reception area. Binati siya nito.

"Good morning." she greeted her back. The woman asked her to sign in the guest
list. Dalawang tao lang ang nakapirma doon. Nakakailang tao kaya ang museum sa
isang araw? Matapos niyang mag-sign ay agad siyang pumasok. She was greeted by an
early age atmosphere -- iyong tipo ng hangin na alam mong kapag naamoy mo ay puro
luma ang nasa loob. Ganoon ang hangin na naamoy niya. She walked around the museum.
Magaan ang pakiramdam niya nang araw na iyon. She saw a couple of Amorsolos,
Libertads and one of the most beautiful and yet intriguing painting --- the
painting she came to see - The girl underneath the moonlight.

She took out her camera ang took a picture of it.

Hindi niya alam kung anong meron sa painting na iyon but everytime she looks at it
she felt like she wasn't really alone.

"We're the same..." she whispered. Matagal na siyang mag-isa. She's been feeling
that way ever since her mother went for a long term trip. She feels alone
everytime. The only moment when she doesn't feel like that was when she's asleep.
She was in a deep thought when she heard voices. Kunot noong hinanap niya ang mga
tinig na iyon.

Nagtago siya sa isa sa mga malalapad na poste sa loob ng museum. She knew that
whoever those voices were, they were having an argument.

"Why are you doing this to me?" iyon ang tanong ng unang boses. Alam niyang lalaki
ang nagmamay-ari ng tinig na iyon.

"I'm so sorry. But I have to be his wife now." sagot ng ikalawang boses na sigurado
siyang pag-aari ng isang babae. Dahan-dahang inilawit niya ang kanyang ulo upang
sinuhin ang dalawang taong iyon.

Namilog ang kanyang mata nang makita niya kung sino ang babae. The woman in front
of her, wearing a green casual dress, was no other than Alcina Mendez Dela Rosa --
she was a well-known socialite. She was the wife of a renowned doctor. Nakalimutan
niya ang pangalan pero dati kilala niya iyon. Hindi niya masyadong makita ang mukha
ng kausap nito. She again hid behind the post.

"You're sorry?" the man hissed. "You're hurting me, killing me. Alcina, please
don't leave me. I love you.

"I'm sorry, Nate..." Ella could sense the finality on the woman's voice. Kagat labi
na muli niyang sinilip ang dalawa. Nakita niyang tinalikuran na ng tuluyan ni
Alcina Mendez Dela Rosa ang lalaking kausap nito. She wanted to see the man's face.
The man was still standing there, nakatalikod ito sa kanya kaya nahihirapan siyang
sinuhin ito. Ngunit ilang saglit lamang ay humarap na ito sa kanyang direksyon at
hindi niya napigilan ang mapasinghap ng malakas.

The man was no other than Nathan Varress. Ang lalaking nagnakaw ng fist kiss niya!
Her heart beat faster. Did he saw her? Sana hindi! Ayaw niyang makita siya nito
dahil sa maliban sa ito ang una niyang halik ay may atraso rin siya dito. Muli ay
itinago niya ang kanyang sarili sa likod ng malaking poste na iyon. Paano siya
lalabas roon na hindi siya nakikita ni Nathan Varress? Napapikit siya ng mariin!
Grabe! Bakit sa dami ng lugar ay dito pa niya ito makikita?

Dahan-dahan niya muling inilabas ang kanyang ulo upang silipin ito. Nakahinga siya
ng maluwag nang makita niyang wala na ito sa kinatatayuan nito. She sighed with
relief. Naisip niyang umalis na at baka malasin na naman siya at baka makita na
naman siya nito. Pumihit siya paharap ngunit nadama niya na bumangga siya sa isang
matigas na bagay.

"Ay kabayo!" napahawak siya sa kanyang noo. Saan na naman ba siya nabangga? She
looked up and her eyes widened when she saw who was standing in front of him.

"You were the one who broke in my unit!" he hissed at her. Agad na hinawakan siya
nito sa kanyang braso.

"Huu! Teka, hindi ako iyon! oy!" Hinatak siya nito palabas ng museum. They went
straight to the parking lot at nang marahil ay marating nila ang sasakyan nito at
huminto na sila sa kakalakad.

"Ipapulis kita!" singhal nito. Kumunot ang noo niya. Ito ba talaga iyong lalaking
halos magmakaawa na doon sa babae kanina sa loob ng museum

"Bakit mo gagawin iyon eh wala naman akong kinuha sa bahay mo!" ganting sigaw niya
dito.

"You trespass my house. That is illegal."

"Trespass? Eh isa lang naman ako! Hindi kaya counted pag isa! Dapat tatlo para
TRESpass!" she was trying to lighten up the moment by throwing that joke but Nathan
Varress didn't bought it.

"Ipapapulis pa rin kita!"

"Kapag pinapulis mo ako, irereklamo namna kita ng rape!" sigaw niya. Mukhang
natigilan ito.

"Rape? Are you kidding me?" he asked a bit confused. "I didn't even touch you. You
just saw my thing!"

"You kissed me! Then you showed me your thing!"

"You pulled down my towel!"

"Ah basta! Kapag pinapulis mo ako idedemanda kita ng rape!" bigla ay niyakap niya
ang kanyang sarili. "Sasabihin ko sa lahat na sinubukan mong kunin ang aking puri!"
Nathan eyed her. She knew that she looked so stupid trying to pull that thing up.
Pero kailangan niyang gawin. Ang lagay ba ay siya lang ang makukulong?

"You're weird." he said. After that he opened the car door. "Get in."

"Huh? Bakit?" Saan siya dadalhin nito.

"Just get in!" Pinanlakihann siya nito ng mata. Wala siyang nagawa kundi ang
sumakay sa kotse nito. Maya-maya ay pumasok na rin ito sa loob at saka pinasibad
ang sasakyan. Tahimik lamang siya dahil hindi niya alam kung saan ba siya nito
dadalhin, pero bahala na. Muli niyang tiningnan si Nathan Varress, mukhang hindi na
siya nito sasaktan.

----------------

Nathan brought the strange girl into a coffee shop. Hindi niya alam kung anong
pumasok sa isip niya at ginawa niya ito pero nandito na sila ngayon. He eyed her as
she smells the coffee she ordered. Sigurado siya na ito ang babaeng pumasok sa
bahay niya noong gabing magkasama sila ni Alcina. She saw the two of them.
Palalagpasin na sana niya iyon kundi lang niya ito nakita kanina. Alcina broke
things off between them. She had finally chose her husband over him. At habang
nagaganap iyon ay naroon ang babaeng ito. Bigla tuloy ay napaisip siya, hindi kaya
espiya ni Condrad -- Alcina's husband -- ang babaeng ito?

She stared at the girl -- yes, in his eyes, she was still a girl -- in front of
him. She has a chin length wavy hair, her face was a little bit heart shaped, she
had dark brown eyes, her nose was a bit tiny and her lips --- he remembered kissing
those pale pink lips that night when she broke in his house.

Ano nga kaya ang kailangan ng babaeng ito sa kanya?

"Do you know Condrad Dela Rosa?" diretsahang tanong niya. Tumingin ito sa kanya.

"Oo. Doctor siya diba... sa puso. He's one of the best."

"Besides that fact, do you know him, personally?" he was determine to get something
out of this girl. Pero umiling ito.

"Nabasa ko lang sa dyaryo ang pangalan niya kaya kilala ko siya. But other than
that, wala na akong alam."

Kumunot ang noo niya.

"What do you do for a living?" he asked again. Muli ay tumingin sa kanya ang babae.

"I'm a teacher." she shrugged. "We'll I used to be... Now I'm unemployed.

"Why did you quit your job?" muling tanong niya. Kumunot ang noo ng babae.

"Teka, ang dami mo namang tanong pero hindi mo naman tinatanong ang pangalan ko."

Saglit siyang natigilan. He breathed out sharply. He forget to ask her name...

"What's your name?"

"Hindi ko sasabihin kasi hindi ka nama interesadong malaman." walang-ano-ano ay


tumayo ito. Napangangang sinundan niya ito ng tingin. Agad na tumayo siya at
sumunod dito.

"Hey!" he yelled. "Hey!"

Huminto naman ito at humarap sa kanya.

"Hindi Hey ang pangalan ko kaya wag mo akong tawagin ng ganoon."

"You don't wanna tell me your name so what am I supposed to call you?"

"Ewan ko sa'yo. Hindi ka naman interesado sa pangalan ko. Mas gusto mong malaman
kung may kinalaman ba ako sa Condrad Dela Rosa na iyon kasa iniisip mo na baka ako
ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa'yo iyong asawa niya."
Muli ay natigilan siya. The girl knew that Alcina was infact Condrad's wife and
yet they have -- they had an affair.

"You said you don't know Condrad. So ano yan? Nahulaan mo lang na karelasyon ko ang
asawa niya?

"Hindi ko kilala iyong Condrad na iyon. Ang alam ko lang magaling siyang doctor sa
puso pero kahit ganoon, hindi naman ako tanga." malumanay na wika ng babae sa
kanya. "Diba doctor ka din? Ibig sabihin matalino ka, sana alam mo na ang
pakikipagrelasyon sa may asawa na ay masama. Nakakasakit ka ng ibang tao,
nakakasira ka pa ng pamilya."

"Hey! You don't know my story so shut up!" nakadama siya ng inis. Sino ba ang
babaeng ito para pagsalitaan siya ng ganoon.

"Hindi nga, pero dapat alam mong mali ang ginagawa mo."

Walang kaabog-abog na tinalikuran siya nito. The girl left him there in the middle
of the sidewalk motionless. Ni hindi niya kilala ang babaeng iyon, hindi niya alam
ang pangalan pero nakuha siya nitong pamukhaan ng ganoon. What kind of person does
that?

*******************************************
[4] 2. What's in a name?
*******************************************
Memories.

Ella wrote that on her little pink notebook. She smiled as she stared at the that.
Mahalaga para sa kanya ang mga alaala. She had always believed that memories are
the heart and the soul of one's brain at kung walang alaala ang isang tao, daig
niya pa ang namatay o namatayan. She had always thought of making her memories last
forever. Hindi man sa lahat ng nakakakilala sa kanya kundi sa mga taong
nagpapahalaga sa kanya. Gusto niyang maaalala siya ng mga ito sa paraang alam
niyang hinding-hindi siya makakalimutan.

"Coffee pa?" nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang boses ng barista. She
smiled at her and shook her head. Matapos iyon ay tumalikod ang babae. Kilala na
yata siya sa coffee shop na iyon. Palagi kasi siyang nagpupunta roon kung sakaling
gusto niyang mapag-isa. Hindi naman siya pumupunta roon para uminom ng kape. She
orders coffee everyday but she never drinks it. She just like smelling the coffee.
Just like today. She stared at her cup, ni hindi nabawasan iyon. Gusto lang talaga
niya ang amoy.

She again looked at her notebook and read her things to do. Ano nga kaya sa mga
iyon ang gusto niyang gawin? She had done the eat all the the vegetables she hates,
she had done the ride the train all day, nagawa na rin niya ang number 56, do an
illegal act -- she did that with Jenny -- at iyon ang gabing hindi niya
makakalimutan dahil ang gabing iyon ang nagdala sa kanya sa lalaking nagnakaw ng
kanyang unang halik.

She sighed. Wala sa listahan niya ang magpahalik sa isang estranghero pero nagawa
na niya. Idadagdag niya ba iyon o ano? Sabagay hindi naman bilang ang halik na iyon
ni Nathaniel Varress dahil hindi naman sila magkakilala at wala siyang nararamdaman
para dito. She sighed. Bigla ay naalala niya ang araw kung kailan nagpunta siya sa
museum at nakita niya roon si Nathaniel Varress.

He saw how broken he was. Nakita niya sa mga mata nito ang sakit na tila unti-unti
nang papatay sa puso nito. Marahil ay talagang mahal nito ang babaeng iyon pero
hindi man lang ba naisip nito na mali ang ginagawa nito at ng babaeng iyon? Alcina
Mendez Dela Rosa is married to Condrad Mendez. Kilala sa society ang pamilyang iyon
kaya alam niya at hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang ginagawa ng mga taong
iyon.

"Ang mayayaman talaga. Walang contentment." she whispered. Muli niyang kinuha ang
ballpen na kanyang dala at isinulat sa notebook niya ang salitang "contentment."

"Sabi ko na nga ba nandito ka." agad na itinago niya ang kanyang notebook at muling
nag-angat ng tingin. She saw Jenny -- her best friend -- took the seat at the other
table and sat beside her. Mukhang galing ito sa trabaho dahil hanggang ngayon ay
suot pa nito ang uniform sa school na pinagtatrabahuhan nito.

"Give me some love." she smiled and initiated their secret shakehands, Jenny gave
in. Matapos iyon ay tiningnan siya nito.

"May hiring sa school namin, mag-apply ka." pahayag nito. She made a face.

"Ayokong magtrabaho."

"Bakit tumama ka na sa lotto?" nanlalaki ang mga matang wika ng kanyang kaibigan.

"Hindi. Gusto kong makumpleto iyong ----"

"Iyong list mo?" pumalatak si Jenny at saka umiling. "Ano bang meron sa list na
iyan? Mamatay ka na ba?"

"Heh! Ang panget mo, Bebang." huminga siya ng malalim. "Gusto ko lang. Sabi nga
nila Bling dati, ang buhay ko daw parang General Patronage. Walang thrill. Walang
color. Walang excitement. Gusto ko lang na magkaroon ng ganoon ang buhay ko. Gusto
kong maging Rated SPG ang buhay ko."

"Rated SPG pala, eh di gumawa ka ng PORN." nakangising wika ni Jenny sa kanya. She
looked at her.

"So nakagawa ka na ba ng PORN kasama si Trey?" dinuro siya nito.

"Ikaw ang bastos mo!" natawa siya. Kung si Jenny ang kausap niya, wala talaga
siyang napapala. "Tara na nga." Yakag pa nito sa kanya.

"Saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong niya.

"Basta!" hinatak nito ang kamay niya patayo at saka tinungo nila ang pinto ng
coffee shop. Agad na pumara ng jeep si Jenny at sumakay sila doon. She had no idea
where they will go pero ayaw naman niyang tanungin ang kaibigan dahil alam niyang
walang matinong isasagot ito sa kanya. Habang magkatabi sa jeep ay nagkekwentuhan
pa sila. She wanted to tell Jenny about what happened with her at the museum but
Jenny was so talkative she ended up just listening to her. Maya-maya ay pumara na
ito. Bumababa sila ng jeep, she saw that they were standing in front of a bar. Mag-
a-alas siyete na ng gabi noon at marami na ang tao. She looked at her friend to ask
what they were doing there.

"Nandito si Papa Trey eh..." napangiti siya nang makita ang twinkle sa mga mata
nito. It was very obvious na mahal na mahal nito si Trey. Muli ay hinawakan nito
ang kamay niya at pumasok na sila sa loob.

"Iyong bang helmet ni Trey eh naka-mighty bond? Baka matanggal iyon, mhen."

Jenny looked at her and smirked.

"Kapag ikaw nagka-boyfriend, lait din iyon sa akin!" nilakihan nito ang singkit
niyang mata. Binitiwan nito ang kamay niya at saka nagpalinga-linga. Nakita niyang
itinaas nito ang kamay at saka kumaway kung saan. Maya-maya ay nakita niyang
papalapit na si Trey sa kanila. Nginitian siya nito. She couldn't help but smile
back. Mabait si Trey, at kitang-kita niya kung gaano nito kamahal ang kaibigan
niya.

"Pare, kamusta?!" bati ni Jenny dito. Natawa siya.

"Okay lang, pare." nakipag-high five ito kay Jenny at saka binalingan siya. "Hello,
Ella" She waved at him.

"Anong meron?" tanong niya rito.

"Wala naman..." kumunot ang noo niya at saka binalingan ng tingin ang dalawa.

"Ang waley ng sagot mo, pare!"

"Last ko na iyon." wika pa ni Trey. "Tara doon tayo sa table."

Sumunod siya sa dalawa. They went to a table on the other end of the bar. She saw
Bling there with Aguinaldo -- Trey's brother and the owner of the bar.

"Bling!" she almost jumped when she saw her old friend.

"Ella!" bati naman nito sa kanya. She sat beside her. Nagkwentuhan sila ngunit
maya-maya ay nakadama siya ng pagkahiya. She remained quiet for a while as she
looked at the two couples on that table. Minsan ay hindi pa rin siya makapaniwala
na ang dalawa sa mga kaibigan niya ay taken na. Sometimes, she couldn't help but
feel envious about it. Masaya sila, may nagpapasaya sa kanila samantalang ang buhay
niya ay General Patronage.

"Okay ka lang?" Jenny asked her.

"Oo. Sa ladies room lang ako ha..." agad siyang nagpaalam at tumayo. She went
straight to the ladies room just to look herself in the mirror. Muli siyang huminga
ng malalim. General Patronage... Kailangan nga kaya magiging Rated SPG ang buhay
niya? After fixing herself, lumabas na siya sa ladies room. Balak niyang bumalik sa
table nila but then she saw how the couples interact with each other at naisip
niyang suicide kung babalik siya doon. Ayaw niyang ma-out of place. So she decided
to stay at the bar.

"Beer? Tequila?" baling sa kanya ng bar tender.

"Water.. on the rocks." nginitian niya ang lalaki. The bartender smirked. Mukhang
hindi nito nagustuhan ang sagot niya pero binigyan din siya nito ng tubig.

She looked around and wondered how many of these people have lonely souls just
like her?

Naudlot ang pag-iisip niya ng biglang magpalakpalakan ang mga tao. Tumingin siya
sa entablado at nakita roon ang mga lalaking pamilyar ang mukha sa kanya. She
thought of their names... Banda sila. Ang tawag ni Jenny sa isa ay Kokey. Napailing
siya. All she knew was that their band was called The Pastels.

Maraming babae ang nagsigawan when the front man took on the mic and started
singing. Maganda ang boses nito. They did a cover of the song With or without you
by U2. The sing brought back so many memories in her that she almost cried.

But then, why would she cry? What happened back then was finished. It didn't kill
her, it only made her who she was today.

Natapos ang kanta. Nagpalakpakan muli ang mga tao. She took her glass of water to
drink it.

"Thank you for coming out tonight!" the front man said, "Did you know that back in
high school, we were five in the band? Yup, me, my twin Calen, Kerky and of course,
Lex, tapos may isang member pa, si Nathan. Nathan had to leave us to pursue his
dreams of being a doctor. But now, Nathan --- the doctor will grace us, he will
sing tonight! Ain't that right brother?"

Napanguso siya. Nakakatuwa naman, ang daming Nathan sa mundo. Sa sandaling panahon
na narito siya sa Maynila ay dalawang Nathan na agad ang kilala niya. Si Nathan
Varress at iyong Nathan ng The Pastels. She looked at the makeshift stage.
Naningkit ang mga mata niya nang makita niyang umaakyat roon ang isang pamlyar na
pigura. When the man stood in front of the mic, ay halos lumuwa naman ang mata
niya.

"Ohhhhh." She realized that Nathan Varress, was the Nathan of The Pastels. He took
the mic and smiled at the crowd. She guessed that by just that, he captured the
heart of the ladies inside that bar.

Sinenyasan nito ang drummer. Hindi nagtagal ay tumutugtog na namang muli ang mga
ito.

"Now as the summer slips, I'll let you slip away.


You say I'm not your type but I can make you sway..."

Literal na napanganga siya. The first kiss stealer had the right to be on that
stage. Maganda ang boses nito!

"Cause you keep me coming back for more, and feel a little better than I did
before, If I never see your face again I don't mind...."

Napangiti siya. She found herself enjoying Nathaniel Varress' -- the first kiss
stealer--- performance. She was slightly banging her head. Natigil lamang iyon nang
panandaliang tumingin ito sa kanyang direksyon at saka kumindat. Kumunot ang noo
niya. Tumingin nga ba ito sa kanya o baka namalikmata lamang siya? She just
shrugged. Maraming tao sa bar na iyon, bakit naman ito kikindat sa kanya at isa pa
ay imposible siyang makita nito.

Bago matapos ang kanta ng mga ito ay tumalikod na siya. Iti-next na lamang niya si
Jenny na uuwi na siya. Bago siya tuluyang lumabas ay tinapunan niya ng tingin si
Nathan, kaiba na ito sa Nathan na nakita niya sa museum, nakakangiti na ito at tila
hindi na niya naaaninag sa mga mata nito ang sakit na minsan niyang nakita rito.

She found herself walking alone in the middle of the bar's parking lot. Muli na
naman siyang napabuntong hininga. She felt so alone again.

"Hey you!" natigilan siya nang marinig niyang may sumigaw. Agad siyang lumingon.
Her lips parted when she saw Nathaniel Varres walking towards her, smiling.
"Sabi ko na nga ba ikaw iyong nakita ko kanina." mukhang masaya ito. Nang makalapit
ito sa kanya ay naamoy niya ang alak sa hininga nito. She made a face.

"No wonder you look so happy." komento niya. Kumunot ang noo nito.

"Saan ka pupunta? Why are you leaving? The night is young! Let's go and have fun!"
hinawakan nito ang braso niya at pilit na pinapapasok siya sa loob.

"Hoy! Bitiwan mo nga ako. Lasing ka na. Umuwi ka na." binitiwan naman nito ang
kamay niya. Huminga ito ng malalim.

"Hindi mo ba sasabihin sa akin ang pangalan mo? I've asked you that at the coffee
shop, you didn't tell me."

"Hindi ka naman interesado sa pangalan ko, diba?" paalala niya dito. Nathan shook
his head. "Uuwi na ako. Umuwi ka na rin, doc."

Tinalikuran niya ito. Sa lagay ni Nathaniel Varres, alam niyang malungkot ito. Ang
kaso, in denial naman ito. Hindi nito matanggap na malungkot ito at idinadaan na
lang nito ang kalungkutan sa pag-inom ng alak at kung anu-ano pa.

Bakit ba may mga taong in denial? If they are sad, then they are sad. What's the
use of denying that fact? No matter how you try to stay happy, if you are really
sad, then there's nothing you can do about it. You can fool other people, but you
can never fool yourself. Sa huli kapag mag-isa ka na, ikaw lang din ang iiyak...

"Hey..." he called her again. Hindi na siya huminto. "Hey."

"Umuwi ka na." sigaw niya dito. Hindi ito kumibo. Nagpatuloy siya sa paglalakad.
Hindi niya alintana ang paligid. Nang marating niya ang bus stop ay huminto siya
roon upang maghintay. Nakatayo na siya sa may waiting shed nang ma-realize niya na
may tao sa tabi niya. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya si Nathaniel
Varres. Hindi niya alam na sumunod ito sa kanya.

"Hey." bati nito.

"Umaano ka diyan?" nagtatakang tanong niya.

"Give me your name." sabi nito.

"Ayoko." sagot niya. Nagkibit-balikat ito.

"I won't leave you alone, hanggang hindi mo ibinibigay sa akin ang pangalan mo."

Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis, pero hindi talaga umalis si
Nathan doon hanggang sa dumating ang bus na hinihitay niya. Ang buong akala niya ay
aalis na ito pero nang sumakay siya sa bus ay sumunod rin ito. Tumabi pa ito sa
kanya.

"What's your name?" tanong nito.

"Hey." nalukot ang mukha nito sa sagot niya. Sa totoo lang ay hindi siya
komportable sa presensiya nito. Naaalala niya kasi ang gabing hinagkan siya nito at
matapos iyon ay nakita niya ang hindi niya dapat makita. She wanted to make him go
away but he satyed with her. The bus stopped. Bumaba siya at muling nilakad ang
daan patungo sa street kung nasaan ang tinutuluyan niya. Nililingon niya ito at
napapailing sa tuwing makikita niyang hindi pa ito umaalis.

She reached her house. Nathan was still with her. Iniisip niya kung papasukin niya
ito o hindi. She looked at him.

"Gusto mong magkape?" tanong niya. Tumango naman ito. Binuksan niya ang gate at
pinapasok ito. Tinungo nila ang loob ng bahay. Patay na ang mga ilaw at tahimik na
ang paligid. Marahil ay tulog na ang mga pamangkin niya at ang isa nilang kasama sa
bahay. Kinapa niya ang switch ng ilaw at sak pinindot iyon. Matapos noon ay
nagtungo siya sa kusina habang kasunod pa rin si Nathan.

"So what's your name?" tanong pa nito sa kanya. Huminga lamang siya ng malalim at
sinalinan ng kape ang tasa nito. Umupo siya sa harap nito at nangalumbaba.

"Bakit mo ako sinundan? Pangalan ko lang ba o nagagandahan ka sa akin?" she joked.


Nathan sipped the coffee she gave him.

"I just want to know your name."

"Bakit?"

"Para kapag ini-report kita sa pulis, alam ko iyong full name mo."

Napanganga siya.

"Grabe ka naman! Hanggang ngayon ba ipapapulis mo ako?!"

"You broke in my house. That's a crime." kalmadong wika nito.

"Wala naman akong kinuha." ngali-ngaling wika niya.

"Still you broke in my house."

"You kissed me and showed me your thingy!"

"That was an accident!" nanlalaki ang mga matang sigaw nito.

"Accident lang din naman ang pagpasok ko sa bahay mo ah!" balik sigaw niya dito.

"Paanong accident iyon?!" mataas pa rin ang boses nito.

"Ano ba?!" Natigil siya nang biglang may sumigaw na ibang tao. Agad silang
napalingon ni Nathan. Nakita niya ang pamangkin niyang nakatayo sa may pinto ng
kusina.

"Bakit gising ka pa?" she aksed him.

"Nagre-review ako, Tita Ella, tapos sigaw kayo nang sigaw."

"Sorry..." nagyuko siya ng ulo. Umalis ang pamangkin niya at naiwan na naman sila
ng Nathan na iyon sa kusina. Nang tuluyang mawala ang pamangkin ay saka niya muling
tiningnan si Nathan.

"Why are you smiling like that?" nagtatakang tanong niya.

"Ella. Your name is Ella. I now know."

=============

Nathan smiled as he stared at his new acquaintance, si Ella. Nakatayo ito sa may
lababo at hinuhugasan ang tasang pinag-inuman niya ng kape. He didn't know what
came over him at naisipan niyang sundan ito. Ang alam lamang niya kanina ay gusto
nga talaga niyang malaman ang pangalan nito. By the way he treated him at the
coffee shop, alam na alam niyang iba si Ella sa lahat. Hindi ito na-intimidate sa
kanya. Sinabi nito kung anong nasa isipan nito and in his world, madalang ang
ganitong klase ng babae.

"Do you have a boyfriend?" tahasang tanong niya. Nilingon siya nito.

"Bakit? Mag-a-apply ka? Nag-kiss lang tayo noh! Hindi ibig sabihin noon pwede ka ng
manligaw!"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita liligawan." kunot-noong sabi niya.

"Ahh, nagsa-suggest lang naman. Malay mo..."

"What?!" he asked in confusion. Did she just tell him na nag-sa-suggest itong
ligawan niya?

"Wala, ang gwapo mo, slow ka naman." she made a face. "Joke iyon ha? Baka isipin mo
may gusto na agad ako sa'yo. Hindi kaya ako pumapatol sa masamang nilalang."

"Ano bang sinasabi mo?" wala talaga siyang maintindihan sa mga sinasabi ni Ella sa
kanya. Sinong masamang nilalang? Siya ba?

"Hindi ka pa ba uuwi? Alas dos na ng madaling araw." maya-maya ay sabi nito.

"Nandito na lang din ako, bakit hindi pa ako dito matulog?" pahayag niya.
Sumimangot si Ella.

"Sabi ko na nga ba. Balak mo akong pagsamantalahan! Rapist ka!" she hissed.

"Suggestion din ba iyan?" nakakalokong sinagot niya ito.

"Huh! Virgin ako! Hindi mo ako mahahawakan!" bigla ay niyakap nito ang sarili at
saka lumayo sa kanya. He supressed his laughter. Anong klaseng babae ba itong
kaharap niya? Puro kalokohan.

"Seryoso ako. Virgin ako! Huwag kang lalapit sa akin!" she said again. He dared
her. Tumayo siya at saka nilapitan ito. Urong ito ng urong hanggang sa napasandal
na ito sa pader. He walked towards her at nang malapit na malapit na siya ay
ikinulong niya ito sa pagitan niya at ng pader.

"You're a virgin?" he asked huskily. "We can fix that..."

"A--are you going to rob my virtue?" she asked in a small voice. He bit his lower
lip to contain his laughter.

"Yes... if you say so..." unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa mukha ni
Ella. He could clearly see her face. Ella does't have a beauty queen's beauty, pero
maganda siya. Her features were soft and angelic. Ito iyong tipo ng ganda na habang
tumatagal na tinitigan mo ay lalong tumitingkad. But what caught his attention was
her pale lips. Suddenly he felt the urge of knowing how those lips would look like
if he kissed her.

"Rapist!!!!!"

Bago pa man niya mailapat ang kanyang labi sa labi niya ay itinulak siya ni Ella
at nagsisigaw. A little while later, may lumitaw na tatlong lalaki sa kusina. All
of them were looking at Ella like she was same kind of a lunatic.
"Tita!" they all said in chorus.

"Gagahasain daw niya ako!" frantic na sigaw ni Ella. Nagtago pa ito sa likod ng
isa sa mga lalaking iyon. Sa tingin niya ay mga pamangkin ni Ella ang mga ito.

"Tita, midterm namin mamaya. Pwede bang huwag kang maingay?" wika ng isa.

"Pare, sino ka ba?" tanong ng isa pa. He smiled.

"Nathan, pare. Ikaw?"

"Allen." sagot nito. Itinuro nito ang katabing lalaki. "Si Ron, saka si Lj."
pakilala nito sa mga katabi. "Unfortunately, pamangkin kami ni Tita Ella."

"You make it sound like it's a bad thing." komento pa niya. Napailing na lamang ang
tatlo at saka muling nagsi-alisan.

"Mga pamangkin kayong naturingan, tapos iiwan ninyo ako dito sa kamay ng rapist?!"

"Hoy, hindi ako rapist. Ang O.A. mo." natatawang wika niya. Inirapan siya nito.

"Kung dito ka matutulog doon ka sa sala. Kainis ito!"

Pinasunod siya nito sa sala. Inabutan siya ng unan at isang blanket. Matapos iyon
ay iniwan na rin siya ni Ella roon. He stood there watching her as she goes
upstairs.

Hindi talaga niya alam kung bakit siya nandito sa ngayon o kung bakit niya
sinundan ang babaeng iyon, isa lang ang alam niya. Habang kasama niya si Ella
kanina at kausap, hindi niya nararamdaman ang sakit na iniwan ni Alcina sa puso
niya...

*******************************************
[5] 3. Past. Present. Past
*******************************************
"Talagang dito natulog iyan, Tita?"

Iyon ang tanong ni Allen kay Ella habang titig na titig kay Nathaniel Varres.
Nathaniel Varres was still on the couch, sleeping soundly while she and her nephew
stood there looking at Nathaniel Varres like he was some kind of a ghost.

"Boyfriend mo ba iyan, Tita?" muling tanong ni Alled sa kanya. She looked at him
tapos ay binatukan niya ito ng malakas. Napakamot pa ito ng ulo sabay tingin sa
kanya.

"Kung boyfriend ko iyan, sana sa room ko siya pinatulog." nakangusong sagot niya.
Allen shook his head. Hindi naman na sumagot ang pamangkin niya, bigla na lang
itong tumalikod at nagtungo sa kusina. Naiwan siya doon na nakatingin pa rin kay
Nathaniel Varres.

Bakit kaya ganoon? He looked so peaceful while he was sleeping. Ang gwapo nito. At
kung itong hitsura na ito ang pagbabasihan niya, parang walang problema ang taong
ito. He was a doctor and he helped people with their medical problem. He's rich,
he's popular and yet she knew that deep inside him, he was a very lonely man.

"Tita, papasok na ako." narinig niyang sigaw ni Ron. Tumalikod siya upang
asikasuhin saglit ang mga pamangkin niya. She sighed. Tatlo ang pamangkin niya at
lahat iyon ay puro lalaki. All of them were College students and this week was
actually their midterm week. Ron was a sophomore, so was Allen, while Lj was a
junior.

"Galingan ninyo sa midterm ninyo ha!" nakangiting sigaw niya sa mga ito habang
papalakad palayo. She waved them goodbye. She sighed again, sa oras na umalis siya
-- kung sakali man, sigurado siyang mami-miss niya ang tatlong iyon.

Muli siyang bumalik sa bahay. Muli ay pinagmasdan niya si Nathaniel Varres.


Nalaglag ang kumot na nakabalot dito. Napapailing naman na pinulot niya iyon at
muling inilagay dito. She felt the urge of touching his face, and so she did just
that. Nanlaki pa ang kanyang mga mata nang bigla nitong hawakan ang kamay niya at
hatakin siya papalapit dito. Napasubsob siya sa dibdib nito.

"Uh!" pasimpleng sinilip niya ito. He's eyes were still closed but his arms were so
tigthly closed around her.

"Babe...." wika nito. "Don't leave me. I need you."

Halatang nananaginip ang mokong. At alam na alam niya kung sino ang napapaniginipan
nito.

"Bakit ba ginagawa mo ito sa sarili mo?" bulong niya. She tried getting out of his
embrace but it was so tight. Huminga siya ng malalim. Isa lang ang alam niyang
paraan para makakawala dito at iyon ay ang pagsampal sa gwapo nitong mukha.

Sinampal niya ito ng ubod ng lakas dahilan upang ito'y magising.

"Ano ba?!" sigaw nito. He looed disoriented. "Why did you do that?!"

"Para magising ka na sa katotohanan." matipid na sagot niya. "Saka isa pa, kung
-hindi kita sinampal malamang ni-rape mo na ako."

"Hindi ako baliw, so why would I rape you!?"

"Eh you're hugging me so tight, I couldn't even breathe!"

"I was?" tila natigilan ito. "We'll... whatever."

Tumayo ito at saka tinalikuran siya. Nagpunta ito sa kusina. Napanguso niya. Ang
gwapo nga, ang sungit naman. Naku!

"Hoy!" sigaw niya dito nang maabutan niya sa kusina. Pinapapak na nito ang almusal
na niluto niya kanina. "Hindi ka man lang nagpaalam!"

"Nagugutom na ako and I have to be in the hospital in half an hour. Bakit ba hindi
mo ako ginising!" he hissed.

"Ano ako, personal maid mo? Ginawa mo na ngang hotel itong bahay namin, gusto mo pa
may wakeup call! Ano ito, PBB house?!"

"Whatever. I have to go."

Iyon lang at tinalukuran na siya nito. Sinundan na naman niya ang lalaking
nakakaasar.

"Hoy! Wala man lang pa-thank you?!"


Huminto ito. Nakapamaywang siya. Hinarap siya ni Nathan at saka lumapit.

"Thank you." he said grinning.

"You're wel---" her sentence hang in the middle because Nathaniel Varres bent down
and gave her a smack on her lips. Nanlaki ang mga mata niya.

"That made you shut up, didn't it?" bulong pa nito sa tapat ng mga labi niya. Hindi
siya makakilos. How could a stranger make her feel that way? How? Nathaniel Varres
winked at her and just like that, he left her.

===============

"Doctor Dela Rosa wants to see you, Doctor Varres."

Nathan eyed his secretary as she stood in front of him. Alam niya ang sinasabi nito
pero hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot dito. Condrad Dela Rosa
wanted to talk to him. Bakit? Ano ang kailangan nito sa kanya? Tinanguan niya ang
secretary niya. Lumabas ito at maya-maya pa ay pumasok na si Condrad sa clinic
niya.

"Nathan." bati nito sa kanya. He smiled. His was overthinking things again. Anong
kailangan ni Condrad sa kanya? Does he know? DId Alcina told him about their
affair? Why the hell did Alcina saw in Condrad at bakit ito ang pinili ng huli?

"How's the wife?" hindi mapigilang tanong niya. Condrad smiled widely. He wanted to
punch his face.

"Good. We're good. Actually she's in my clinic waiting for me. Maglo-long weekend
kami sa Davao." nagkibit balikat ito. His palm twitched. By just merely thinking
about Alcina and Condrad together made him see red. He hated the thought.

"So what do you want?" hindi niya alam kung naitago niya ang inis sa kanyang tinig.
He just sat there as he looked at Condrad. He wanted to hurt him. Bigla niyang
naisip, kung hindi ito dumating sa buhay nila noon ni Alcina, marahil ay magkasama
pa silang dalawa ngayon. Sila sana ang masaya, sila sana ang magkasama.

Sa kanya naman talaga si Alcina. He was the one dating Alcina back in his college
days. Masaya sila noon. Naging magkasintahan sila. They were together for three
years but then Condrad came at inagaw nito ang lahat sa kanya. Ang buong akala niya
ay magkaibigan lang ang dalawa, pero isang araw, bigla na lang nakipaghiwalay sa
kanya si Alcina dahil na-in love na ito kay Condrad. He wanted to fight for Alcina
that time. She was his life, she was his everything tapos ay bigla na lang itong
nawala sa kanya. Kahit na anong gawin niyang pagmamakaawa rito ay hindi siya
binalikan ng babae. Tapos isang araw ay nabalitaan na lamang niya na ikakasal na
pala ang mga ito.

Noong panahon na iyon ay naisip niya na wala na talagang pag-asa so he stpped back
and let Condrad and Alcina be happy. He even became friends with the couple. Years
have passed and one night changed everything. Alam niya sa kanyang sarili na hindi
kumupas ang pagmamahal niya para kay Alcina so that night after the hospital's
christmas party, he told Alcina what he feels about her and the next thing he knew,
they were together again -- secretly.

Alam niyang mali ang ganoong sitwasyon pero hindi naman niya mapigil ang kanyang
sarili. Mahal niya si Alcina and he wanted to have her in any way that he could.
Kaya tinanggap niya ang ganoong sitwasyon. Ang buong akala niya ay maayos ang lahat
but then, Alcina made a sudden desicion of just letting him go. She chose Condrad
at talagang hindi niya iyon matanggap.

"I want to talk to you about my research." panimula ni Condrad. Tumaas ang kilay
niya. The dude wants his help. Ano naman kaya ang naisip nito at lumapit ito sa
kanya. Ang akala ba nito ay tutulong siya dito? Matapos ang lahat?

"Can we talk about this some other time?" biglang sabi niya. Mukhang natigilan
naman si Condrad. "May appointment pa kasi ako."

"I see." tumayo na ito. "Salamat sa time Nathan." nakangiting wika nito sa kanya.
Tinanguan lamang niya ito.

"Have a happy weekend." labas sa ilong na wika niya rito. Halos magkasabay nilang
tinungo ang pinto palabas ng clinic niya. Pangiti-ngiti pa si Condrad sa kanya.
Siya naman ay hindi ito pinapansin. Bigla ay natigilan siya nang makita niya si
Alcina na papalapit sa kanila. She smiled at him, tapos ay binalingan nito si
Condrad.

"Ready to go?" she asked her husband. Tumiim ang kanyang mga bagang.

"Yeah." Condrad held Alcina's hand and waved at him. Tumalikod ang mga ito. He
watched them as they leave. Hinihintay niya na magbalik tingin si Alcina sa kanyang
direksyon ngunit hindi nito iyon ginawa. She continued walking with her husband. He
shook his head. Wala na ba talaga itong nararamdaman para sa kanya? Ganoon na lang
ba kadali para kay Alcina na bitiwan ang pinagsamahan nila? Mahal na mahal niya ito
pero kung kumilos ito ay parang wala siyang naging pagpapahalaga sa kung anong
meron sila noon.

Tinahak niya ang daan na tinungo ng mga ito. He was silently watching the couple as
they both walked towards the exit, still holding hands, still together. He would
give everything para makuha ang mga bagay na tinatamasa ni Condrad ngayon.

"Bye Doc," paalam sa kanya ng guard habang papalabas rin siya ng ospital. He wanted
to be alone. He wanted to drown the pain he feels pero hindi naman niya alam kung
saan siya pupunta. Gusto niyang mapag-isa pero ayaw naman niya sa tahimik na lugar.

He stood at the hospital's parking lot thinking where would he go when he suddenly
caught a glimpse of a familiar figure of a girl. He watched her silently as the
girl walked obliviously in the middle of the parking lot. She was eating KitKat
habang naglalakad. Palinga-linga pa ito sa daan. May naka-ipit ring brown envelope
sa kili-kili nito.

Bigla ay naisip niyang harangin ito.

"Ay! Vice Ganda!" she exclaimed. Tulad nang nangyari sa museum ay nabangga na naman
ito sa dibdib niya. "Argg! Bakit may pader sa gitna ng daan?" bulong nito.

"Hi, Ella." bati niya rito. Agad itong nag-angat ng tingin upang sinuhin siya.
Napanganga ito nang makita siya. "Are you always everywhere?"

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

Hindi niya sinagot ang tanong nito. Instead, he took her by the hand and drag her.
Hindi niya alam kung saan niya ito dadalhin, pero hindi niya bibitiwan ang kamay
nito. Hindi muna.

=========
"Kakaiba rin iyong trip mo ano?"

Iyon ang mga katagang lumabas sa bibig ni Ella habang nakatingin siya kay Nathan.
Hindi niya mahulaan kung anong tumatakbo sa utak nito. Hindi rin niya maintindihan
kung bakit siya dinala nito sa isawan malapit sa may UP. Basta na lang siya nito
hinatak na parang tau-tauhan.

"May malapit na police station, pwede na kitang ireklamo." sabi nito habang
nilalantakan ang isaw na binili nila kanina.

"EH." tanging nasabi niya. "Pwede bang quits na lang tayo doon?"

"What were you doing at the hospital?" he asked her. Napalunok siya saka nagkibit-
balikat.

"May dinalaw lang akong kaibigan." simpleng sagot niya. Nathan looked at her.

"Is she sick?" tanong nito.

"Yeah."

"Malala?" tanong muli nito. Tumango siya. "Is she dying?"

"Dying?" inulit niya ang huling sinabi nito. Paano ba niya sasagutin ang tanong na
iyon. "Only time can tell when."

"Cancer?" muling nagsalita si Nathan.

"Hindi." mabilis na sagot niya. "Buti hindi cancer."

"Eh ano?" tila naiinip na tanong muli nito. Napapailing na tiningnan niya si
Nathan.

"Bakit interesado ka?"

"Doctor ako, siyempre interesado ako sa kaso ng kaibigan mo. Mamaya baka matulungan
ko siya. May taning na ba ang buhay niya?"

"Hindi ko alam." huminga siya ng malalim. "Basta ang sabi ng doctor, walang
nakakaalam. Oras lang."

"Kakaiba iyong doctor na iyon. Sino ba iyon?"

"Bakit mo ba ako dinala dito?"

Iyon ang mga tanong na kanina pa niya gustong itanong kay Nathan pero hindi niya
masabi dahil sa dami ng ibinabato nito sa kanya. Natigilan ito at saka tiningnan
siya. Again, she saw how wretched he was, she recognize the pain she saw in his
eyes that day in the musuem.

"She chose him over me." biglang nasabi nito. Alam niyang si Alcina Mendez ang
tinutukoy nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ito nakikipagrelasyon sa may
asawa. Kung tutuusin ay hindi naman talaga dapat. Gwapo si Nathan, may pinag-aralan
at isa siya sa pinakasikat na doktor sa bansa. Kaya hindi niya maintindihan kung
bakit nito ginagawa ang bagay na iyon.

"Dapat naman diba? Iyon iyong asawa niya."

"Pero mahal ko siya." sagot nito.


"Mahal ka ba niya?" balik niya dito. Hindi agad ito nakasagot. "Hindi ka makasagot.
Ibig sabihin hindi mo alam. Isipin mo, kung mahal ka niya, dapat ipinaglaban niya
ang nararamdaman niya para sa'yo. Kung mahal ka niya, noon pa lang ay iniwan na
dapat niya ang lalaking iyon para sumama sa'yo. Kung mahal ka niya, she's willing
to beat all the odd just so she could be happy with you, pero ginawa ba niya?"

Nanatiling tahimik si Nathan habang nakatitig lang sa kanya. She smiled at him.
Naaawa siya rito. Tama nga yata iyong kasabihan na "You couldn't have it all." At
si Nathan ang ihemplo ng kasabihang iyon.

Here was a famous man, wealthy enough to buy all the luxuries in te world, popular
enough to have all the woman in his feet, but he couldn't possibly be truly happy
because the woman he loved with all his heart couldn't be with him -- not even if
he tried --- Alcina Mendez Dela Rosa will never be his.

"Alam kong alam mo ang sagot sa tanong ko."

"Minahal niya ako."

"Iba iyong mahal sa minahal. Minahal, past tense. Kung minahal ka niya, ibig
sabihin tapos na ang lahat sa inyo at naka-move on na siya. So gumising ka na,
Doc."

Nathan stared at her. She tried figuring out what he was thinking. Pero huli na,
bigla-bigla ay tumayo ito at iniwan siya. Walk out king talaga. Marahil ay hindi
nito kinaya ang mga bagay na nasabi niya rito. She watched Nathan as he walked
away. She sighed. If she could only help him. If only she could...

*******************************************
[6] 4. I'm looking for something dumb to do
*******************************************
Nathan knew how stupid he looked while sitting inside that bus surrounded by his
colleagues and their wives. He was the only bachelor doctor to join the medical
mission. What's worst was the fact that Alcina and Condrad were adjacent him and he
couldn't help but stare at them. Alcina was holding Condrad's hand while Condrad
talk about something. Mukhang engrossed na engrossed si Alcina sa sinasabi nito.
She was smiling at him tapos ay panaka-naka ay tumatawa ito.

The sight killed him. How could she do that to him? He knew how Alcina looked at
Condrad. Sigurado siya doon. She doesn't look at her husband the way she used to
look at him.

Pero bakit siya iniwan nito? Mahal nga ba ni Alcina ang asawa nito o gusto lang
siyang saktan nito? Hindi niya alam, basta ang malinaw lang sa ngayon ay ang
nasasaktan siya sapagkat nakikita niya ang babaeng mahal niya na minamahal ng iba.

"Are you okay, Nathan?" bigla ay tinanong niya ni Alcina. Hindi niya napansin na
nakatingin na pala ito sa kanya. He caught her eyes, there was nothing in there
anymore. Palihim na naikuyom niya ang kanyang mga palad.

"Never been better." pagkasabi noon ay nag-iwas siya ng tingin. Gusto niyang
magwala. Gusto niyang sigawan si Alcina at itanong kung mahal pa ba siya nito o
kung bakit nga ba ito umalis. Paano siya nakayang iwan nito?
"Yeah."

The bus stopped. Nakarating na sila sa pupuntahan. Nagpatiuna siyang bumaba. Hindi
talaga niya maintindihan kung bakit siya nasama sa medical mission na ito, but his
father insisted that he should join the mission. May matututuhan raw siya doon. His
father was a doctor too. His father was friends with Lex' father ever since they
were in Medical School. Hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin ang dalawa. He grew
up with Lex, Lex introduced him to his other friends and history was made.

Nasa isang bahay ampunan sila. He heard that the orphanage was known for sheltering
children with heart disease, kaya hindi niya alam kung paano siya matututo sa araw
na ito. He was freakin brain surgeon!

"Good morning, Doctors." bati ng isang babae. Tinanguan niya lang ito at saka
nilagpasa. Gusto niyang matapos na ang araw na ito. Gusto niyang lumayo at
magpakalunod. Hindi niya kaya ang sakit.

"Hon," narinig niya ang malamyos na tinig ni Alcina. Hindi siya ang tinatawag nito
pero huminto siya upang makinig. Maybe he was a masochist. "Make me proud okay? I
love you."

His world crushed. How could she do that? Wala ba itong respeto para sa kanya?
Inilapag niya ang bag na dala sa ibabaw ng table at saka tumayo roon. He took out
his coat and put it on. He saw Condrad walking towards him.

"Nathan." nakangiting bati nito. Tahimik na tumango lamang siya. He wanted to smash
the guy's face pero alam niyang wala siyang karapatan. "Good day, today huh?"

"Let's get this over." wika niya dito. Isinuot niya ang stetoscope niya at saka
tinalikuran ito. Pumwesto siya sa post niya at doon ay inayos ang mga gamit niya.
Katabi niya si Condrad. Paminsan-minsan ay kinakausap siya nito. Tango lang naman
siya ng tango. Anong sasabihin niya? Tahimik lang siya dahil baka kung anong masabi
niya rito.

Maya-maya ay nakarinig na siya ng ingay mula sa labas ng hall. Alam niyang parating
na ang mga batang pasyente nila. And he was right, a little while later, a bunch of
children entered the hall. He smiled. He put his charms on. His patients like it
everytime he smiles at them, he was sure the children would like it too.

Salitan sila ni Condrad sa pag-check up ng mga bata. They were all young, sa tingin
niya ang pinakabata ay five years old at ang pinakamatanda naman ay ten years old.
Some of them have asthma or cold, iyon ang nabasa niya sa history ng mga ito.

"Doc, anong pangalan mo?" tanong sa kanya ng isang batang babae.

"I am Doc Nathan. Ikaw?"

"Ella." mabilis na sagot ng bata. He smiled at her. Upon hearing her name, isang
image ang nag-flash sa utak niya. A girl on her jeans ans shirt with her chin
lenght hair, wide brown eyes and her smart mouth.

"You have a nice name.I hope you're not madaldal" komento niya habang tinitingnan
ang mata nito.
"May kapangalan ako." wika ng bata.

"Yeah? Sino?"

"Si Ate Ella. Nandoon siya sa dulo."

After hearing that, his gaze automatically flew towards the direction the liitle
girl told him. And she was right, Ella was standing at the end of the line, looking
at the kids while holding a little pink notebook on her hand. She wasn't aware that
he was looking at her. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa isang batang lalaki.
Ginulo pa nito ang buhok ng bata at saka muling tumawa.

He smiled widely as he stared at her.

"Doc Nathan, tapos na ako?"

Ibinalik niya ang tingin niya sa bata. He kneeled in front of her.

"Oo, may ipapagawa ako sa'yo." nakangiting sabi niya. "Okay lang ba?" Tumango ang
batang babae. He took out a bar of KitKat from his pocket and put it in the little
girl's hand.

"You see that girl..." itinuro niya si Ella.

"Si Ate Ella?" tila naninigurong tanong ng bata.

"Oo. Give that to her."

Tumalikod ang bata. He went on his next patient. Maya-maya ay muli niyang tiningnan
si Ella. Kausap na nito ang batang babae. He guessed that Ella was asking the kid
where the chocolate bar came from. Itinuro siya ng bata. Ella looked at his
direction, he waved at her pagkatapos ay sinenyasan niya itong lumabas.

Binalingan niya si Condrad.

"Doc, ikaw munang bahala dito."

Hindi na niya hinintay sumagot ang kasama, he just turned away and headed for the
exit.

================

KitKat.

Ella was staring at her chocolate bar while walking around the field looking for
the person who gave it to her -- si Nathaniel Varres. Ang liit talaga ng mundo,
hindi niya naisip na pwedeng ang ospital nila Nathaniel Varres ang pupunta sa
medical mission na ito. Nakaramdam siya ng tuwa dahil nakita niya ito.

"Nasaan na kaya iyon?"

Habang naglalakad ay inilabas niya ang little pink notebook niya. She opened that
and took her pen and tried writing while she walks. Isinulat niya ang mga
katagang...

Day 42, The first kiss stealer gave me a bar of chocolate. As for my heart, I think
it's beating NORMALLY fast today.
"Ang tagal mo naman."

Ibinaba niya ang notebook nang marinig niya ang boses nito. Nakatayo ito sa may
ilalaim ng puno, tila naiinip na kakahintay sa kanya.

"Ang liit ng mundo, ano?" she said smiling. Nilapitan niya ito. "MAGBAYAD ka ng
utang mo!"

"Anong utang?" nagtatakang tanong nito. Pinamaywangan niya ang mokong.

"May utang kang forty five pesos sa akin! Hindi mo pala binayaran iyong isaw na
kinain mo noong isang linggo!"

"Forty-five pesos?" he smirked. "Papulis kaya kita dahil pinasok mo ang bahay ko?"

"Ay, forty-five pesos lang naman iyong utang mo sa akin. Lista ko na lang sa tubig.
Bongga na iyon!"

"You make me smile." natatawang sabi nito sa kanya. She looked at him. Umaalog ang
mga balikat nito habang nakatingin sa kanya.

"I made you smile?" Nakadama siya ng kaba. She made him laugh, isa lang ang ibig
sabihin noon, she had to smile because of him too. Pero hindi naman siya
napapangiti nito. Paano na ngayon? Siguro ay hindi malinaw pero dahil napangiti
niya si Nathaniel Varres, kailangan mapangiti rin siya nito.

Ibig sabihin, hindi siya pwedeng humiwalay dito nang hindi siya nito napapangiti.

"Naman eh!" napapadyak siya.

"Anong problema mo?" nagtatakang tanong nito.

"Wala na, every moment with you should count na. Kainis, bakit mo sinabi iyon?"

Alam niyang nawi-wirduhan si Nathaniel Varres sa kanya, pero wala siyang panahon
para makapagpaliwanag dito. Hindi niya rin kayang ipaliwanag ang bagay na iyon,
basta hindi siya makakaalis sa tabi nito hangga't hindi sniya nito napapangiti.

"Every moment with me counts? Should count?" ulit nito sa sinabi niya. "Are you in
love with me, Ella?"

Nanlaki ang mga mata niya.

"Utot mong green!" sigaw niya dito. "Hindi ako in love sa'yo, kainis ka!"
nilagpasan niya ito. Naiinis talaga siya dito. Bago siya makalayo ng tuluyan ay
hinuli nito ang baywang niya, iyon ang dahilan para mapalapit siya ng husto sa
katawan nito.

"Wait." he said. "Where are you going?"

"Let me go..." she tried getting out but Nathan won't budge, he wrapped his hands
around her wait ene more and pulled her closer. "Nathaniel Varres."

"Iyan talaga ang tawag mo sa akin? Call me Nathan." he said, pero hindi pa rin siya
nito binibitiwan.

"Oo na, Nathan na, bitiwan mo na ako!"

"Ayoko, not until you said you're in love with me."


"I'm not in love with you!"

"Then why are you always around? Kung nasaan ako, nandoon ka din? Are you a
stalker? My friend is a shrink, maybe he could help you."

"Ungas, hindi ako -stalker! Bakit kita susundan eh hindi ka naman gwapo?"

"Hindi ako gwapo, but everytime I kiss you linger..."

Nadama niya ang pamumula ng kanyang mukha. Hindi siya kahit kailan nag-linger sa
halik nito, Isa pa, dalawang beses lang naman siya nitong hinalika, paano nito
malalaman na nag-linger siya?

"That's not true!"

"It is!"

Ayaw pa rin siya nitong pakawalan kahit pinagtitinginan na sila ng mga tao sa
paligid. She knew how they look like, but Nathan doesn't seem to care.

"Nathan..."

Natigil lang ito sa pangungulit sa kanya nang may isang tinig silang narinig.
Nanggaling iyon sa mismong harap nila. She gazed up to see who the owner of the
voice was and her eyes widened when she saw Alcina Mendez -- Nathan's former lover
or was it the other way around? She wasn't sure. Muli ay sinubukan niyang umalis sa
pagkakayakap ni Nathan sa baywang niya ngunit ayaw talaga siyang nitong bitiwan.

"Alcina." he greeted her.

She knew that Alcina was looking at her. Hiyang-hiya siya rito. Ano kayang iniisip
nito? Iniisip siguro nitong malandi siya. Maramki sigurong bagay na tumatakbo sa
isip nito na kapag nalaman niya ay ikaiiyak niya.

"Sino siya?" malamig ang tinig na tanong nito. Walang bahid ng kasiyahan ang
reaksyon ng mukha nito.

Nathan finally released her. He put his arms around her and pulled her closer.

"Si Ella, girlfriend ko."

Agad na lumipad ang tingin niya kay Nathan. Girlfriend? Kailan pa? Bakit siya pa?
Bigla ay naalala niya ang nangyari sa kanila noon ni Robin Santos -- iyong drummer
ng Neon. Ipinakilala rin siya nitong girlfriend sa babaeng pinakahihintay nito.

Bakit yata palagi na lang siyang make believe girlfriend? Those strange men, just
randomly picked her and introduced her as their make believe girlfriend. Lagi na
lang ganoon?

"K-kailan pa?"

"Matagal na, two months, diba?" binalingan siya nito kasabay noon ay hinawakan nito
ang kanyang kamay. She glared at him. What was happening?

"Ha.. Oo.. Two months na..."

"But.. how? We just ---"


Hindi na naituloy ni Alcina ang sasabihin nito. Bigla kasing dumating ang asawa
nito.

"Nathan nandito ka pala." inakbayan nito si Alcina at saka ngumiti. "Lunch na daw."

"Susunod na kami ng girlfriend ko." binigyang diin nito ang salitang girlfriend.
Tumingin sa direksyon niya ang asawa ni Alcina.

"Ella Guanzon." nakangiting bati nito sa kanya. Tumango siya.

"Hi, Doc." nagyuko siya ng ulo.

"Kamusta? Nagkakaroon pa ba ng ---"

"Nagugutom na ako!" biglang sigaw niya. Mukhang nagulat si Nathan gayundin si


Doctor Mendez. "Oo, nagugutom na ako."

"Okay, let's grab something to eat."

Hinatak niya ang kamay ni Nathan papalayo sa lugar na iyon. She looked back at
Alcina and Doctor Mendez, halata sa mukha ng huli ang pagtataka. She sighed. That
was close. Too close.

===============

"Akala ko ba hindi mo kilala si Condrad?"

Hindi nakatiis na tanong ni Nathan kay Ella. Tumingin si Ella sa kanya tapos ay
umiling.

"Doctor sya ng kaibigan ko." matipid na sagot nito. Naalala niya ang kaibigang
sinasabi ni Ella. Was that the same friend she visited at the hospital days ago?

"Iyong may sakit?" paniniguro niya. Tumango ito. Mukhang namang pag-usapan ni Ella
ang kaibigan nito kaya hindi na rin siya nagtanong pa. Ibinalik niya ang tingin
niya sa kabilang lamesa kung nasaan sina Alcina at Condrad. Mukhang maayos ang
dalawa. Inaasikaso ni Alcina si Condrad. Kung umasta sila ay parang bagong kasal.

"Hindi ka ba naiilang?" narinig niyang tanong ni Ella. "Tinitingnan mo ang babaeng


mahal mo na kasama ang lalaking dapat ikaw sana."

"Why do you talk like that? Nakakainis."

"Ikaw nga ipinakilala mo akong girlfriend mo kahit hindi naman."

"Did you see her reaction when I did that?" binalingan niya muli ng tingin si Ella.
"It was as if her world fell apart." huminga siya ng malalim. "Mahal niya pa ako."

"Bakit mo ba iyan ginagawa sa sarili mo?" tila gulat na gulat na tanong ni Ella sa
kanya. "Pinapaasa mo ang sarili mo sa wala. Tingnan mo nga siya, masaya na siya.
She chose him, why don't you just move on?"

"What do you care so much?" he hissed.

"Because I want to help you, in every possible way that I could. I want to help
you."
Saglit siyang natigilan. Ella wanted to help him? Ni hindi sila magkakilala ng
personal. Ni hindi sila magkaibigan and yet she wanted to help him?

"You want to help me in every possible way? Then, marry me, Ella."

*******************************************
[7] 5. Her TO DO number 3
*******************************************
"Marry me, Ella."

Ella's eyes widened with disbelief. Anong sinasabi ni Nathan? Ang bilis namang
nagbago ng usapan nila nito. One moment they were talking about Alcina and now he
was asking him to marry her. That escalated quickly!

"Teka, kanina girlfriend mo lang ako, ngayon inaalok mo na ako ng kasal! What the
hell?"

Tumayo siya at saka iniwan ito. Naglakad siya palayo kay Nathan. Hindi siya
makapaniwala sa tinatakbo ng usapan nila. Nathan wanted to marry her, for what?
Gusto nitong makita ng babaeng iyon na hindi ito apektado sa nangyari sa kanila. He
wanted Alcina to see that he had moved on. Hindi man nito sabihin iyon ay alam
naman niyang iyon ang motibo nito sa pag-aaya sa kanya. Hindi naman siya tanga.

Suddenly, she stopped walking. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Her heart was
beating fast again. And it was all because of Nathan. Was that a good thing?

"Ella." Tinawag siya nito. Hindi siya kumibo. "Akala ko ba gusto mo akong
tulungan?"

"Oo. Pero hindi sa ganitong paraan! Ano, papakasalan mo ako para makita niya na
okay ka? Isn't that plasticity? Kung hindi ka okay, hindi ka okay. Kung nakakaiyak
ang sitwasyon, umiyak ka, hindi iyong para kang tuod diyan na nagpapanggap na
malakas!"

"I'm tired pretending to be strong. I need this."

"For what?" Naguluhan siya. Para saan ang mga sinasabi nito?

"This is me fighting for what we have----"

"What you HAD." Pagtatama niya. "Tapos na kayo!"

"We're not over yet. Not for me. I'm going to fight for her."

"Tanga ka!" iyon lang ang nasabi niya rito. "Stupid son of a bitch!" Gusto sana
niya itong sampalin pero pinigilan niya ang kanyang sarili. Bakit ba may mga taong
ganito? Hindi marunong magpahalaga sa kung anong meron sila. Mas napapansin pa nila
ang mga bagay na kahit kailan ay alam nilang hindi nila makukuha. She would kill to
be in Nathan's place -- a famous person who could buy any luxuries in the world--
makukuntento na sita doon, pero mukhang ito ay hindi.

"I'm only stupid because I'm in love."

"Kung magpapakatanga ka, ikaw na lang. Dadamay mo pa ako!"

Muli siyang tumalikod. Inis na inis siya dito. How could he do that to himself?
Magpakatanga para sa isang taong walang pakilam. Sa tingin talaga niya ay walang
pakialam ang Alcina na iyon kay Nathan. Tanga lang talaga si Nathan. Kung mahal
siya ni Alcina, noon pa lang ay siya na ang pinili nito. Hindi niya alam kung anong
istorya ng dalawa at wala na siyang balak alamin pa iyon kaya lang hindi naman niya
maiwasang mainis kay Nathan. Ang tanga-tanga kasi nito!

"Where are you going?" Nathan asked her.

"Uuwi na ako!" sigaw niya dito.

"Ella, think about what I asked you."

Hinarap niya ito. Mataman niya itong tinitigan. Inis na inis siya rito.

"Hindi ako magpapakasal sa'yo. Tanga!"

She had the satisfaction she was looking for when she saw the look on Nathan's
face. Dammit! That look was priceless. And being the dramatic Ella as she was that
day -- and every other day of her life, she turned her back on him and she never
looked back.

=======================

Ella was staring out the window. It was a rainy Saturday. Wala siyang gaanong
magawa. Maaga kasi siyang nagising nang araw na iyon at nagawa na niya halos lahat
ng trabago sa bahay. Hindi naman gaanong marami iyon, kinailangan niya lang
magluto, maglinis ng bahay at mamalantsa ng mga uniporme ng kanyang mga pamangkin.
She sighed. Sa tinagal ng paglagi niya sa Maynila ay nagawa na niya ang halos
kalahati ng TO DO LIST niya, iilan na lang ang natitira.

Sakto ba siya sa oras?

Mas maganda sana kung matatapos niya ang lahat ng iyon nang mas maaga. Pero parang
hirap siya gawin ang mga natitira.

Muli siyang napabuntong hininga. Nakaupo lamang siya sa sahig habang nakatingin sa
bintana at pinapanood ang ulan. It was waonderful to see how the rain drops chase
each other.

Bakit ba ganoon ang buhay? Kung kailan ka masaya, saka ka naman nauubusan ng oras.

Muli ay napabuntong hininga siya.

"Pre, pangatlo na iyon. Kakausapin na ba natin?"

Kumunot ang noo niya nang marinig niya ang boses ni LJ. Bahagyang sinilip niya ang
pinanggalingan ng tinig. Nakita niyang nakasilip ang tatlong mokong sa baradilya ng
hagdan.

"Ayoko! Baka broken hearted. Text na lang natin si Tita Jenny." suhestiyon pa ni
Ron. Kahit paano ay napangiti siya. Nag-aalala yata sa kanya ang tatlo.

"Tinext ko na kaya, di pa nagre-reply." wika pa ni Allen.

"Tsk, baka walang load. Pasa load mo ng five!'' muling sabi ni Ron.

"Hoy, ano bang problema ninyo?" saway niya sa mga ito. Tumingin sa kanya ang tatlo
at halos sabay-sabay nagsibaba. Napailing na lang siya. Muli ay ibinalik niya ang
tingin sa bintana.

"Kamusta na kaya si Nathan?"

Matagl na rin mula nang huli niya itong makita. Halos dalawang linggo na rin ang
nakalipas matapos niyang sigawan ito at sabihang tanga. Tanga naman kasi talaga
ito. Nakakainis pa.

Tumigil na ang ulan. Muli ay bumuntong hininga siya at saka naisipan nang tumayo.
Maghahanap siya ng gagawin, ayaw niyang maisip ang Nathan na iyon. Ayaw niya sa
taong nagpapakatanga lang.

Bumaba siya ng hagdan. Nakita niya si Allen at si Ron na naglalaro ng WII


samantalang si LJ ay kumakain habang nanonood sa mga pinsan nito. Marahil ay
naramdaman ng mga ito ang presensiya niya, napatingin ang mga ito sa kanya.

"Ta, okay ka lang ba?" tanong ni LJ.

"Gusto mo ng KitKat?" alok naman ni Allen.

"Gusto mo ng boyfriend, Ta?" tanong ni Ron.

"Ampapanget ninyo!" singhal niya sa mga ito. Napapailing na tumalikod siya. Anong
klaseng pamangkin ang magtatanong kung gusto ng boyfriend? Anong klaseng mga bata
iyon. Kunsabagay, naunahan na siya ng mga ito, lahat sila ay mg mga girlriend na,
samantalang siya, may first kiss nga, wala namang boyfriend. Buti pa si Jenny,
nakabulag na.

She went to the kitchen and walked towards the refrigirator. Binuksan niya iyon at
tiningnan kung ano ang mailuluto niya. Naiinip siya, kailangan niyang magluto.

Kinuha niya ang mga gulay sa loob at isa-isang hinugasan iyon. Magluluto siya, to
take her mind off things.

"Gulay ang ulam natin?" tanong ni Allen. Hindi niya namalayan na sinundan pala siya
nito sa kusina.

"Hindi, bato. Bato ang ipapakain ko sa'yo."

"Ta, naman eh... Di naman ako kumakain ng gulay." napapalatak ito. "Iyan na nga ba
ang sinasabi ko. Kapag may galit ka sa mundo, pati kami, idinadamay mo."

Napaharap siya dito. Anong pinagsasabi nito.

"Wala akong galit sa mundo." mabilis na sagot niya.

"Eh bakit magluluto ka ng gulay?" balik tanong nito.

"Hay nako, pustahan na lang tayo. Hulaan natin ang iniisip ni Tita." suhestyon ni
Ron.

"O sige nga, aber? Anong iniisip ko?" she crossed her arms as she looked at her
three nephews. Itinaas ni Ron ang Ipod niya.

"Kung anong kanta ang magpe-play, iyon ang iniisip mo, Tita. At kapag tama kami,
ililibre mo kami sa Gerry's grill ngayong dinner."

Napangisi siya. Huhulaan ng mga mokong ang iniisip niya sa pamamagitan ng Ipod?
Anong klase iyon?

"Game?" tanong ng mga ito.

"Game!"

"Okay, let's see. Each of us has one turn. Shuffle natin para walang daya. Si Kuya
LJ ang una."

Iniabot ni Ron ang Ipod kay LJ.

"Gerry's grill, here we go..."

LJ pushed the play button. Maya-maya ay tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"Now as the summer fades


I let you slip away
You say I'm not your type
But I can make you sway"

It was Maroon 5's If I never see your face. She swallowed hard because she suddenly
remembered that song. Nathan was singing that song the night he followed her here.

"Mali!" sigaw niya. Inis na kinuha ni Allen ang IPOD sa pinsan.

"Ako naman..." Allen pushed the play button again. The next song gave her
goosebumps.

"If I die young, bury me in satin


Lay me down on a, bed of roses
Sink me in the river, at dawn
Send me away with the words of a love song..."

Natigilan siya. Napatingin siya sa mga pamangkin niya. Parang gustong tumulo ng mga
luha niya.

"Tama ba ako, Ta?" nakangiting tanong ni Allen. Tama nga ba siya? Pati sarili niya
ay tinanong niya. Was Allen right? Was she thinking about dying young?

"N-nope..." tumikhim siya. "Mali ka... One life left na lang!" Dinilaan pa niya ang
mga ito.

"Akina! Nakasalalay dito ang hapunan natin." Ron took the IPOD and did what he have
to do. He played another song again and this time, her cheeks blushed.

"'Sang saglit ng ubod-tagal


Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik"

She remembered exactly how she felt that night when Nathan kissed her. He kissed
her. That was her first kiss. And until now, whenever she thinks about it, she
couldn't hepl but blush.

"Nagka-first kiss na si Tita!" naulinigan niya ang sigaw ng mga pamangkin niya.
Hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha. Why did it happen? She wasn't
even thinking about their kiss. She was thinking about Nathan pero hindi ang halik
nito.
"WHOOO! Gerry's Grill!" sigaw ni Ron.

"After 27 years, nagka-first kiss na si Tita Ella!" sigaw pa ni LJ. Lalong namula
ang kanyang mukha.

"Magbihis na kayo dahil baka magbago ang isip ko!" naiinis na tinalikuran niya ang
mga ito. Sa bandang huli, sagot pa niya ang hapunan nila. Gerry's Grill, palibhasa
ay walang alam kainan ang mga ito kundi iyon. Manong Jollibee na lang, mas mura pa!

Nauna siyang matapos magbihis. Hinihintay niya ang tatlo nang biglang nagring ang
doorbell nila. Agad niyang binuksan ang pinto. Isang lalaking naka-coat and tie ang
sumalubong sa kanya.

"Ms. Guanzon? Ms. Ella Guanzon?"

"Ako po iyon." nagtatakang tiningnan niya ang lalaki. He smiled at him.

"I am Atty. Leo Gracias. Lawyer ako ni Doctor Varres. He asked me to come here to
give this to you."

Napatingin siya sa puting sobre na iniaabot nito sa kanya. Ano kaya ang laman noon?
Anthrax?

"Ano ito?" tanong niya.

"You better open it." kalmadong wika nito.

She did what he said. He opened the envelope, may sulat doon. Tahimik na binasa
niya ang sulat, habang binabasa niya iyon ay unti-unting kumukunot ang noo niya.

"Subpoena..." nanlalaki ang mga mata niya. "He actually sued me?" hindi
makapaniwalang tanong niya sa abogado ni Nathan.

"Yes. Grave threath, physical injury and he also told me that you are stalking him
at dumating pa sa punto na pinasok mo ang bahay niya."

Napanganga siya. Hindi siya makapaniwalang idinemanda siya ni Nathaniel Varres.

"Nasaan ang gunggong na ito?" tanong niya sa abogado.

"Hindi mo siya pwede makita. Ms. Guanzon."

"Bakit may restraining order ba ako!?! Wala naman diba! Ang kapal ng mukha ng
gunggong na iyon!" sa inis niya ay kinuwelyuhan niya ang lalaking nasa harapan
niya.

"Kapag hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan si Nathaniel Varres, makikipagpalit ka


ng mukha sa aso! Nasaan siya!" pinanlakihan niya ito ng mata.

"Sa unit niya, sa Empire Towers! Huwag mo akong saktan!"

Binitiwan niya ang kwelyo nito at saka umalis. Mabilis na tinahak niya ang daan
palabas ng subdivision nila at sumakay ng taxi. Naikuyom niya ang palad niya. Kapag
nakita niya ang Nathan na iyon, sasapakin niya talaga ito! She will shove this
fucking subpoena on his ass!

===============
Fourth Floor, Unit 38.

Malakas na kinatok ni Ella ang pintuan na iyon. Gigil na gigil siya. She swore on
every Greek gods in Mt. Olympus, sa oras na buksan ni Nathan ang pintuan ay
tatamaan ito sa kanya.

"What is it?" pumainlanlang ang tinig nito mula sa likod ng pinto. Maya-maya ay
binuksan nito iyon. She was about to hit him when she realized that Nathan was half
naked. Natatakpan lamang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan nito. Napanganga
siya. Literal na napanganga siya. Talk about demigods.

It was her first time to ever see a half naked man face to face. Masyadong
emphasized ang abs nito. Six pack abs. Chiseled chest. Broad shoulders. Add of of
those and what do you have, PERFECTION.

"Oh, nandito ka pala. STALKER." tudyo nito. "Like what you see?" Itinaas pa nito
ang kaliwang kamay nito upang idantay sa hamba ng pintuan. And because of that
movement, gumalaw ang mga muscles nito.

"Fuck, Ella? Where is your logic?!" sigaw ng utak niya sa kanya. She has to contain
her eye contact. Sa mata titingin, hindi sa abs! Hindi sa may towel sa ibaba!

She remembered the first time she ever saw Nathan. He was with Alcina and they were
making love.. and now her brain was polluted by that scene.

"AHHH!" she shouted. Mukhang nagulat si Nathan.

"Idinemanda mo ako? Ginawan mo ako ng usap sa abogado mo na ini-stalk kita?


Kailan?!"

"Wala akong sinabi sa lawyer ko na hindi totoo. You broke in my house."

"I told you, it was an accident! I didn't mean too! At isa pa, bakit may grave
threath? Tinakot ba kita? Sinabi ko ba sa'yo na kapag hindi mo ito tinigolan ay
bubunutin ko lahat ng ngipin mo at kuko tapos ituturok ko sa mata mo? O kaya man
kapag hindi mo binawi ang demanda mo eh ako mismo ang mag-a-assinate sa'yo? Wala
naman akong sinabing ganoon ah!"

"I told you, idedemanda kita. Hawak mo na ang subpoena."

"Hoy!" dinuro niya ito. "Bak----"

She cut her sentence. Bigla ay napahawak siya sa dibdib niya. She was running out
of breath.

"Wooo" she made a little sound. Unti-unti ay nanghihina siya. It's happening again.

"Ella?" she felt Nathan's arms around her. "God you're flushed!" Binuhat siya nito
at saka ipinasok sa loob ng unit nito. He took her to his bed. She was trying to
catch her breath.

"You're hyperventilating." Nathan said in a matter of fact tone. He left the room.
Hindi niya alam kung saan ito pupunta pero kailangan niyang makahinga. Maybe her
heart was beating fast again or maybe it was slower this time, she wasn't sure. She
tried to open her bag to get her inhaler bit the effort was wasted because her
hands were trembling.

Nathan went back inside the bedroom with a brown bag on his hand. He gave that to
her.

"Breathe in there. May gamot ka ba?" tanong nito. Itinuro niya ang bag niya. Nathan
took her bag pagkatapos ay itinaktak nitp ang laman noon. Mukhang nakita naman nito
ang inhaler niya. Ibinigay nito iyon sa kanya. She took that thing like her life --
actually -- her life was really depending on it.

Itinapat niya sa kanyang bibig ang kulay asul na inhaler at saka pinindot iyon.
Kahit paano ay nakadama siya ng ginhawa. She again took the bronw bag and breathed
in there.

Napansin niya muling umalis si Nathan. She was concetrating on her breathing. Maya-
maya ay naroon na naman si Nathan. Umupo ito sa tabi niya.

"Here, drink this." he gave her a glass of water. Kinuha niya iyon at saka ininom.
Napaubo ba siya. "Are you alright? Can you breathe now?"

"T-thanks..." ibinalik niya dito ang baso. "O-okay na ako." she said. Nathan eyed
her.

"Lagi ka bang kinakapos ng hininga?" tanong nito.

"Hindi. F-first time ito..."

"First time? Pero bakit may inhaler ka na?" muling tanong nito.

"May asthma ako eh." sabi niya. "Hindi naman ganoon ka-severe. Nawala na nung seven
years old ako, pero bumalik noong after kong mag-high school. Pero hindi naman lagi
ang atake. Pero lagi akong merong gamot para sure."

"Kailan iyong last episode mo?" he asked her. She shrugged.

"Uhm. matagal na.. Three months ago?"

"Anong ginagawa mo noon?" Napatingin siya kay Nathan. This was Doctor Varres
talking to her, not Nathan the one who sued her.

"Sumali ako sa Run for Ilog Pasig." mahinang sagot niya.

"Tumakbo ka? Talagang hihikain ka noon." he took a deep breathe. "Stay here.
Magdadamit lang ako, then I'm going to check you're heart beat and you're pulse."

Heart beat and pulse? Nag-angat siya ng tingin. Seryoso?

Hindi naman nagtagal si Nathan, maya-maya ay lumabas na ito na may dalang


stetoscope. He looked fresh. He was wearing a plain white shit and a pair of khaki
shorts. Umupo muli ito sa tabi niya. Isinuot nito ang stetoscope at saka itinapat
sa dibdib niya.

"Inhale..." she did that. "Exhale."

Ilang beses pinaulit ni Nathan ang paghinga niya. Matapos iyon ay hinawakan nito
ang wrist niya at hinanap ang pulso niya. Napalunok siya. He was looking at
Nathan's face. Bakit ba ngayon pa nangyari ito?

"That's odd." wika nito.

"Ba-bakit?" tanong niya. Binitiwan ni Nathan ang kamay niya.


"Ang bagal yata ng pulse mo. Dapat nasa 70 - 80 plus in one minute. Nasa fifty
three lang iyong bilang ko. Let me check again.."

"Huwag na!" inilayo niya ang sarili niya. "Okay naman na ako."

"But that's odd Ella. Mabagal iyong pulse mo, ibig sabihin mabagal iyong heartbeat
mo."

"Diba, normal lang iyon kapag kakatapos hikain."

"Yeah but ---"

"Iyon naman pala. Uuwi na ako. Bukas na loang kita aawayin dahil dinemanda mo ako.
Salamat Nathan."

Mabilis pa sa alas kwatro na sinapwat niya ang gamit niya na nagkalat sa kama ni
Nathan pagkatapos ay lumabas siya ng silid nito.

"Ella!" tawag nito bago niya mabuksan ang pinto. Huminto siya.

"Iuurong ko naman iyong demanda mo."

"Talaga?!" namilog ang mga mata niya sa sinabi nito.

"Pero kailangan mong pumayag na magpakasal sa akin."

Again, Nathan managed to surprise her. She sighed and stared at Nathan. Ganoon ba
ka-twisted ang utak nito that he thinks that the only way for him to be happy was
to fight for Alcina? Napailing siya. Nathan was just wasting his time. He couldn't
see the fact that Alcina have moved on.

Wala siyang balak magpakasal dito kahit anong mangyari, but then she remembered her
TO DO number 3.

To change someone else's life.

Maybe Nathan could be her TO DO number 3.

Maybe she could change Nathan's life by helping him.

"Pag-iisipan ko."

Sagot niya. She left Nathan's unit. And as she closed Nathan's door, she knew that
she already have an answer for his question.

*******************************************
[8] 6. Lie number one
*******************************************
Nathan just got out of a four hour operation. Pagod siya, he wanted nothing to do
but rest. Pagal ang buong katawan niya, gusto niyang umuwi upang makabawi ng tulog
pero hindi pa siya pwedeng umalis ng ospital

"Good afternoon, Doc." nakangiting bati ng mga nurses na nasasalubong niya. Tango
lamang ang ibinibigay niya sa mga ito. He was too tired to speak, pero one thing
that amazes him was the fact that even when his this tired, he couldn't stop
thinking about Ella.

Yes, he was thinking about Ella -- that girl who broke in his house that night and
saw him making love with Alcina. Ella, the girl who has a smart mouth which he
likes but he chooses to hate most of the time. Ella the girl he asked to marry
because he wasted to make Alcina see how much of a bitch she was for leaving her
just hanging like that.

Iniisip niya ito at hindi niya alam kung bakit. Maybe it was because of that
incident that happened in his unit. He realized that he actually felt scared after
seeing her out of breath. Doktor siya pero bigla siyang nakadama ng takot. Takot na
hindi niyta alam kung para saan.

"Doc!" Napahinto siya nang marinig ang isang nurse na tinatawa siya. He looked
back.

"What?" he snapped. Mukhang natakot naman ang babae.

"Si Mrs. Dela Rosa po, nasa clinic ninyo. Naghihintay."

Saglit siyang natigilan. Alcina was in his clinic waiting for him? What for? Hindi
siya nagsalita. Tinalikuran niya ang nurse at saka tinungo ang kanyang clinic.
Binuksan niya ang pinto at tulad nga ng sinabi ng nurse ay naroon si Alcina at
naghihintay sa kanya. She was smiling.

Alcina could still take his breathe away. She was wearing a tight red dress with
the matching red pumps, and her lips as red as her shoes and dress. She was smiling
at him. Kilala niya ang ngiting iyon. Maraming beses na niyang nakita ang ngiting
iyon.

"Baby..."

Gustong tumaas ng sulok ng kanyang bibig nang marinig niya ang tinuran nito. She
called him baby.

"What do you want?" pagsusungit niya dito.

"Baby..." Dahan-dahan itong lumakad papunta sa kanya. When he reached his spot, she
raised her amrs and put it around his neck. Alcina kissed the side of his lip. He
could smell her scent. She was wearing his favorite perfume.

"Alcina, what the hell?" hinawakan niya ang mga braso nito at saka pilit itong
inilayo.

"Baby, didn't you missed me? I missed you. I want you..."

"You broke up with me. We're over." pinal na sabi niya.

"Is that it, Nathaniel?" bahagyang nalungkot ang ekspresyon ng mukha nito. "I knew
I was wrong for breaking up with you, but ---"

"You made it clear, Alcina. You chose Condrad. Tapos na ang usapan."

Napaawang ang mga labi nito. Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil sa naging
reaksyon ng babae sa kanyang harapan. He knew why she was acting like this, she was
threatened by Ella's presence. Tama ang hinala niya, tama ang namuong plano sa utak
niya.

He will never let her have it the easy way. Ipaparamdam niya muna kay Alcina kung
gaano kasakit bago niya muling aminin dito ang nararamdaman niya. He wanted to see
her crawling back to him -- iyong tipong iiwan na nito si Condrad at siya na ang
pipiliin nito.

"Nathan, sinasabi mo lang iyan dahil nasaktan ka. Baby, I'm here now, let's start a
----"

Halos sabay silang natigilan nang biglang may kumatok sa pinto ng kanyang klinika.
Dahan-dahang bumukas iyon, iniluwa ng pinto si Ella. Talk about right timing.

"Ay, may tao pala." mahinang wika nito. Tumingin siya kay Alcina na sa pagkakataong
iyon ay titig na titig kay Ella. He was sure that she was already asking herself
kung anong meron si Ella at nagustuhan niya ito. Ganoon naman si Alcina, lahat ng
babaeng lumalapit sa kanya ay kini-criticize nito.

"What a nice surprise." He said while he was smiling at Ella. Tinungo niya ito at
hinawakan sa kamay upang hatakin papasok sa loob.

"M-may kausap ka pala. B-babalik na lang ako mamaya." muling wika nito. Umiling
siya.

"Mrs. Dela Rosa was just leaving, honey. You could stay. I missed you."

Pigil na pigil ang tawa niya habang nakatingin sa reaksyon ni Ella. Mukhang gulat
na gulat ito nang sabihin niyang nami-miss niya ito.

"We're not yet done, Nathaniel." mariing wika nito. Hindi niya pinansin si Alcina.
He stood there staring at Ella's eyes while waiting for Alcina to leave. Unti-
unting napalis ang ngiti niya habang nakatingin kay Ella. There was something about
her face... habang tumatagal ay gumaganda ito.

She wore her hair different today. Nakapusod ito, suot nito ang salamin sa mata at
wala itong make up but still, he found her pretty.

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan. Parang nakakalalaki ka naman eh." nakangusong
wika nito.

He shook his head. The moment was ruined again and it was all because of her smart
mouth. Agad na binitiwan niya ang kamay nito.

"Akala ko, nakalimutan mo na ang usapan natin." sabi niya.

"Muntik na nga. Pasenya ka na, medyo busy ako noong last two days."

"Hindi mo man lang sinagot iyong mga text ko." naiinis na naman siya. Sa tuwing
naaalala niya na pinaghihintay siya nito ay nakakadama siya ng pagka-irita.

"Oo na.. sorry na nga eh."

"So, have you thought about it?" hindi na niya pinansin ang huling sinabi nito. He
just went right straight to his business. Umupo si Ella.

"Oo." mahina ang pagkakasabi nito. He smiled.

"You're gonna marry me?" tanong niya, naninigurado.

"Oo nga." napakamot ito ng ulo. "Ang kulit naman. Baka magbago pa iyong isip ko."

"Idedemanda kita kapag nagbago ang isip mo."


"Nakademanda na nga diba?" muli itong ngumuso. Natawa siya. Kung alam lang ni Ella
na hindi naman talagang nai-file ng abogado niya ang mga kasong iyon, malamang ay
mainis ito sa kanya.

"P-pero, N-nathan..." nagyuko ito ng ulo. Kumunot ang noo niya. "If.. if we're
gonna do this, we have to have bounderies."

"Like what?" he asked. She shrugged.

"Like a paper or something..."

"You mean a contract?"

Nangingiming napatango ito. He nodded. Agad na kinuha niya ang telepono at


tinawagan ang abogado niya. He asked him to draft a contract. Matapos iyon ay
tumayo siya. Hinubad niya ang coat niya at saka kinuha ang susi ng kotse.

"Tara."

"Saan tayo pupunta?" tiningala siya nito ng hawakan niya ang kamay nito at hatakin
patayo.

"Pagluto mo ako. Gusto ko ng sinigang."

=====================

"Napaka-unpredictable mo."

Iyon ang komento ni Ella kay Nathan habang nakatayo ito sa harap ng stove sa loob
ng bahay ni Ella. Matapos nilang manggaling sa ospitl ay nagpunta sila sa
Supermarket upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Matapos iyon ay umuwi
sila sa bahay nito. Ipinagluto siya ni Ella ng sinigang na baboy.

"Hindi ako unpredictable." wika niya habang nakatanaw sa niluluto nito. Tiningnan
siya ni Ella at saka umiling.

"Pwede namang bumili ka na lang ng luto. Gusto mo pa, ipagluluto ka."

"Iba naman kasi iyong lutong bahay sa luto sa labas. At isa pa, magiging asawa kita
kaya dapat alamin mo ang mga gusto kong kainin."

He knew he sounded selfish, pero ayaw naman kasi niyang basta matapos na lang sa
isang usapan ang araw na iyon. Gusto niyang makasama si Ella. Bigla kasing nawala
ang pagod niya dahil dito.

"Ayan, luto na." wika nitong muli. Agad siyang pumwesto sa hapag. Naroon na ang
kanina at mga plato. Siningang na lang ang hinihintay at kakainin na siya. Inilapag
ni Ella ang mangkok sa harap niya. Napangiti siya sa bango ng ulam.

"Kainin na natin!" he said. Maliban sa pagod siya ay gutom na rin siya. Nilantakan
niya ang luto ni Ella. Hindi niya mapigilan ang ngiti dahil sa luto nito. Masarap.
He was right about her cooking skills.

"Masarap?" tanong nito.

"Hindi." wika niya sabay subo. "Kanin pa."

"Hindi daw masarap pero nanghihingi ng kanin. Kalabaw ito."


"Hey, I could hear you!" sigaw niya. Maya-maya ay bumalik na ito na may dala ng
kanin at tubig. Inilapag nito iyon sa harapan niya.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung anong pinag-usapan namin ni Alcina?" tanong niya
rito.

"Hindi naman ako kasali doon kaya bakit ako magtatanong?" nakapangalumbaba ito sa
kanya. He shook his head.

"Right. Hey wait, anong sabi ng boyfriend mo sa set up? Do you even have a
boyfriend?"

"Anong boyfriend? Nakakain ba iyon?" inosenteng tanong nito. He smiled. Kung ganoon
ang sagot ni Ella, ang ibig sabihin ay wala itong nobyo.

"So wala kang boyfriend." he said outloud. Tatawa na sana siya nang bigla ay may
maalala siya. He looked at Ella then smiled evily. "Ibig sabihin ako ang first kiss
mo!"

Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha ni Ella. Bigla ay hinampas siya nito.

"Ako ang first kiss mo!" inulit niya.

"Proud ka pa. Kiss stealer!" sigaw nito sabay hampas sa balikat niya. Natawa siya
ng malakas. He couldn't believe that he was having fun teasing Ella.

"Seryoso na nga..." halos maiyak na pakiusap nito. Tumihim siya.

"Seriously, bakit wala kang boyfriend?" tanong niya. Ella just shrugged.

"Ewan. Kasi madalas na hindi ako crush ng crush ko."

"Siguro, hinihintay mo si Mr. Right." he concluded. Ella shook her head.

"Hindi naman ako naniniwala sa soul mate, love at first sight, o kaya man sa
existence ni Mr. Right. Para sa akin random ang mga pangyayari sa buhay, kung mai-
inlove ka sa taong iyon dahil sa gwapo siya o maganda siya o kaya man dahil sa
tingin mo siya ang Mr. Right, hindi love iyon. Kapag mahal mo. Wala dapat dahilan.
Love is undefinable, Nathan."

Again, Ella was able to make him speechles. Saan ba nito nakukuha ang mga lumalabas
sa bibig nito?

"Ella, you know ---"

"Ta! Ta!" isang humahangos na Ron ang pumasok sa dining area. "Ay, nandito pala si
Kuya Nathan. Kamusta kuya?" tanong pa nito sa kanya.

"Okay naman. Kain.." yakag niya dito. Isinenyas nito ang sikmura.

"Busog ako." binalingan nito si Ella. "Ta! nagtext si Daddy. Kung sasabay ka daw ba
na umuwi sa amin."

"Hindi nga, diba sinabi ko na sa'yo."

"Teka, saan kayo uuwi?" he asked curiously. Ron looked at him.

"Sa Bataan, Kuya Nathan. Pinapauwi kami ni Lola eh, pero ayaw sumama ni Tita."
"You're going home to your family? No worries. I'll drive you."

"Ha?!" napasigaw ito. "Huwag na! Magba-bus lang naman iyong mga iyan. Mga tuli na
iyan hindi na sila maliligaw."

"Okay lang. Gusto ko rin namang ma-meet iyong parents mo." binalingan niya si Ron.
"Text your dad, pakisabi uuwi kamo si Ella. Sasama ako sa inyo."

Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya, but he was sure about this, he wanted
to know Ella's family whether Ella likes it or not.

-----------------

"Seriously?"

Nag-aalalang tiningnan ni Ella si Nathan habang inaayos nito ang mga gamit na
ilalagay sa kotse nito. Mukhang desidido ang mokong na ito sa pagsama sa kanya pag-
uwi. Hindi na nga siya uuwi sana kahit na gusto niya dahil alam niya na sa oras na
sagutin niya ang tanong nito ay marami silang mga dapat gawin. But now, he wanted
to go with them. Why would he do that? Nakakainis! It's not that she didn't want
Nathan to meet her family but she wanted to avoid that. Ayaw sana niyang maging
parte si Nathan ng buhay pamilya niya. Tama na iyong sasama siya sa kalokohan nito
pero ayaw na sana niyang madamay pa ang pamilya niya.

"Tinawagan ko na si Leo," marahil ang tinutukoy nito ay ang abogadong muntik na


niyang sapakin. "He'll be drafting the contract and you can edit once we get back."
sabi nito sa kanya.

"Nathan, hindi mo na kailangang sumama sa amin. Babalik naman kami after three
days, at hindi naman kita tatakasan."

"I wanna meet your family." pinal na sabi nito. Napanguso siya.

"B-bakit?"

Humarap si Nathan sa kanya.

"If we're going to make other people believe in something -- like we're a couple
--- we should start at your circle."

"You want me to lie to my family?" nanlalaki ang mga matang wika niya.

"We're going to lie to other people next week so dapat magpractice na tayo."

"I will never lie to my family!" sigaw niya dito. Napabuntong hininga si Nathan.

"Ella ----"

"Ready na kami!" natigilan ito nang marinig ang boses ng mga pamangkin niya.

Sinenyasan ni Nathan ang mga ito na pumasok na sa loob ng sasakyan. Sumunod naman
siya. A little while later, they were driving in silence. Hindi niya gusto ang
iniisip nito na kailangan nilang pag-pratice-an ang pamilya niya. She loved her
family so much that the thought of lying to them would be a crime.

"Ella..." tawag nito.


"Ayokong magsinungaling sa pamilya ko." nakangusong sabi niya. Buti na lang at
tulog ang tatlong mokong sa likod nila.

"Okay, let's have a review." wika nito. "You came home from the metro with a
strange man, tapos paano mo siya ipapakilala sa pamilya mo? A. This is Nathan, the
brain surgeon, he's a doctor, b. This is Nathan, my friend or c. This is Nathan, my
Boyfriend?"

"B." mabilis na sagot niya.

"Fine. Another question. Do you think, even if you told them that I am just your
friend, anong paniniwalaan nila. A. B . or C?"

Natahimik siya. Matagal siyang nag-isip. Kilala niya ang mga pinsan niya at
sigurado siya na kahit sabihin niyang kaibigan niya si Nathan ay iisipin ng mga ito
na boyfriend niya si Nathan at may malisya sila. Napakagat labi siya. Naiisip niya
pa lang ay nanlalaki na ang butas ng ilong niya.

"Mga nuno kasi ng green minded ang mga iyon." gigil na sabi niya.

"See... so might as well tell them that I am your boyfriend. Ganoon din naman ang
iisipin nila eh."

"Pero..." Pero ano nga ba? Papayag na lang ba siya sa gusto nito.

"What?" he asked. Oh, she could see the victorious smile on his face.

"Walang kiss ha!"

Nathan laughed loudly. Namula naman ang mukha niya.

"Are you freaking kidding me? Boyfriend mo na ako ngayong araw na ito tapos
sasabihin mo sa akin na walang kiss?"

Nanlaki lalo ang mga mata niya. Ang ibig sabihin may posibilidad na i-kiss siya ni
Nathan! Naiisip niya pa lang ay para na siyang nakukuryente at isa pa, parang tukso
na binuksan nito ang stereo at ang tugtog ay ang;

"'Sang saglit ng ubod-tagal


Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik"

Lalong namula ang kanyang mukha. Tinakpan niya pa ang kanyang labi at saka
pasimpleng umiwas ng tingin kay Nathan. Dinig na dinig niya ang tawa nito, at
talagang nang-iinis pa, sinabyan pa nito ang kanta.

"Iyong unang halik


Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan...."

"Oh just shut the fuck up!" hiyang-hiyang wika niya dito. Nauwi na naman sa tawa si
Nathan.

Ganoon lang ang naging set up ng byahe nila, aasarin siya nito maiinis siya tapos
bigla itong tatawa. Hanggang sa makarating sila sa lugar nila.

"Hinto mo na lang diyan..." mahinang sabi niya. Inihinto nga ni Nathan ang sasakyan
sa tapat ng tindahan na pag-aari ng Auntie niya na Lola naman ni Ron.

"Mga panget, nandito na tayo." ginising niya ang tatlo. Isa-isa itong bumaba.
Sumunod na siya, pinauna niya ang mga ito tapos ay inirapan niya si Nathaniel.

"Shut up okay?" she said.

Pumasok na siya sa loob. Agad na ngumiti siya ng makita ang mga pamilyar na mukha
sa paligid niya.

"Mommy.." tawag niya sa kanyang Auntie. Ngumiti agad ito sa kanya.

"Ellang Panget, lalo ka yatang pumapayat?" buska agad ng Kuya niya -- Ron's dad.
She just made a face.

"Lola, Daddy, may kasama kami eh. Kaibigan ni Tita."

Tumingin sa kanya ang dalawa. Sinenyasan niya si Nathan na pumasok.

"Mommy, Kuya... si Nathan po... ano... ano..." biglang naumid ang dila niya. "Ano
ko.. ano.."

"Boyfriend niya po ako..."

Magalang na wika ni Nathan. She looked at him then she looked around. Halos lahat
ng tao, pati ang mga tambay, ang yaya nila at iyong isa pa nilang kasama sa bahay
ay nakatingin kay Nathan na para bang hindi sila makapaniwala na boyfriend niya nga
si Nathan.

"BOYFRIEND MO?!"

Sabay-sabay na sigaw ng mga ito..

"O-oo... "

Kahit siya ay hindi sigurado sa lumabas sa bibig.

*******************************************
[9] 7. The make believe boyfriend
*******************************************
Ella was eyeing Nathan while he was talking to her Aunt. Hindi siya makapaniwala
kung gaano kabilis nakuha ni Nathan ang tiwala ng Mommy niya. They had known each
other just for hours tapos ay kung makaakto na ito ay parang parte na ito ng
kanyang pamilya. She made a face when she saw Nathan tapped her Mommy's shoulder.

"Feeling close..." Nakangusong bulong niya. Nabigla siya nang may kumurot sa
kanyang singit. "Aray!"

"Maharot ka! Nag-uwi ka talaga ng lalaki dito?!" Pinanlakihan siya ng mga mata ng
kanyang Yaya Belen. Siguro ay masyado niyang iniirapan si Nathan kung kaya't hindi
niya napansin na papalapit na pala sa kanya ang Yaya Belen niya.
"Yaya naman eh, masakit kaya!" Daing niya. PInamaywangan siya ng kanyang Yaya at
saka muling kinurot.

"Boyfriend mo iyan?" Muling tanong nito. Napapadyak siya.

"Bakit ba ang hirap paniwalaan na boyfriend ko siya?" Padaskol na tanong niya.


Hinarap nito ang direksyon ni Nathan na animo ay kinakaliskisan ang huli.

"Ang gwapo eh.."

"So kapag gwapo hindi na pwedeng maging boyfriend ko?"

"Eh kung si Albert ang pagbabasehan, mas gwapo nga itong Nathan.."

Her lips parted when she heard that name. She breathed out sharply. Hanggang ngayon
ay may kung anong epekto pa rin sa kanya ang pagbanggit sa pangalang iyon.
Napalunok siya at saka tumingin sa kanyang Yaya Belen.

"Yaya talaga..." she smiled at her. Alam niyang alam nito kung ano at para saan ang
sinabi niya. Tahimik na tinalikuran na lamang niya ito at saka naglakad palabas ng
tindahan nila. She went to the main house upang pumasok sa kanyang silid. She sat
on her bed and sighed deeply.

Albert.

Automatically her memory went to that time when she was still with Albert. Ayaw na
sana niyang maalala ito pero sa tuwing maririnig niya ito ay parang gusto na naman
niyang maiyak ngunit alam niya sa kanyang sarili na sa oras na pumatak ang kanyang
mga luha ay hindi na naman titigil iyon. Matagal na siyang hindi umiiyak. Ni hindi
na nga niya matandaan ang huling beses na pumatak ang kanyang mga luha. She cried
when her mother took that long time trip, that was the first, the second one was
when she decided that it was time to let Albert go. Ni hindi siya umiyak nang
malalaman niya na ---

Bumalik sa reyalidad ang pag-iisip niya nang marinig niya ang marahang pagkatok sa
kanyang pintuan. She immediately stood up and opened the door. Nakita niya si
Nathan na nakatayo roon. Bigla ay hinatak niya ito papasok ng kanyang silid.

"Did you see how my family reacted with your lie?!!" she hissed at him. To her
surprise, Nathan smiled at her. He had the guts to smile at her! Ang kapal naman ng
mukha ng lalaking ito.

"I like your mom." nakangiting sabi nito. "Such a sweet lady."

"If you like her then dapat hindi ka nagsinungaling sa kanya!" Pinanlakihan niya
ito ng mga mata. Nathan shook his head.

"It's just a little lie, Ella. Hindi naman nakakamatay."

"Pero nakakasira ng pagtitiwala." agaw niya sa sasabihin nito. Nathan eyed her.

"Why are you acting this way? What do you have against lying?"

"Lying is bad, Nathan!"

"Pero ginagawa iyon ng lahat ng tao."

"Hindi ko alam iyon, basta ang alam ko lang kung mahal mo ang tao, hindi ka
magsisinungaling sa kanila. Lying ruins relationships, Nathan. Friendship could be
the foundation of every relationship, but a relationship that started out with
lying will soon become messy. Iyon ang nangyayari sa relasyon mo kay Alcina kasi
nagsisinungaling na kayo, nakakasakit pa kayo ng ibang tao."

"Mahal ko si Alcina." Malamig ang tinig na wika nito. Pinakatitigan siya nito.
Nakadama naman siya ng kaba. Sa tinging iyon ni Nathan ay parang gusto nitong
buksan ang ulo niya at hatakin ang lahat ng nerves sa utak niya na nagpapagana sa
lahat ng body systems niya.

"B-but it's wrong..." nagyuko siya ng ulo. She knew that Nathan was eyeing her. She
knew how high the intensity of his stare, damang-dama niya iyon sa kanyang
pagkatao.

Ganoon na lamang ang pasasalamat niya nang bigla siyang may marinig na katok sa
kanyang pintuan. Mabilis pa sa alas kwatro na binuksan niya ang pinto. Napangiti
siya nang makita niya ang Yaya Belen niya. May dala itong unan at kumot.

"Oh, nandito na pala kayo." komento nito. "Sabi ng Mommy mo, dito mo na daw
patulugin si Nathan sa kwarto mo tutal mag-boyfriend na naman na kayo."

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mnga mata sa narinig. Si Nathan dito
matutulog sa kwarto niya? Saan? Wala siyang sofabed. Wala siyang extra matress at
lalong wala siyang comforter. Ang ibig sabihin, Nathan will sleep on her bed!

Hindi niya napigilan ang kabahan at mainis. Naipadyak niya ang kanya mga paa habang
nabuburyong na kinakamot niya ang kanyang ulo.

"Yaya naman eh!" reklamo niya.

"Iyon ang sabi ng Mommy mo." iniabot nito ang unan kay Nathan. Lalo siyang
naburyong nang makita niya si Nathan na nakangiti. Ang bilis talagang magbago ng
mood nito. Kanina lang ay nakasimangot na ito agt halos isumpa siya sa galit ngayon
naman ay ngiting-ngiti ito.

"Ayoko!" nakangusong wika niya.

"Iyon ang sabi ng Mommy mo. Saka diba ayaw mong matulog mag-isa? Ayan katabi mo na
si Nathan."

"Sa'yo na lang ako tatabi. Dati naman ikaw ang katabi ko." Hinawakan pa niya ang
braso nito.

"Ay naku, Ella. Manahimik ka nga. Wala namang malisya iyang pagtatabi ninyo.
Magkarelasyon naman kayo."

"Paano mawawalan ng malisya iyon eh noong sinabi niya boyfriend ko siya halos iluwa
mo iyong laway mo!"

"Bahala ka diyan." Pinanlakihan siya ng mata nito at saka umalis. Hindi siya
makapaniwala na iniwan siya nito sa isang kwarto kasama si Nathan at ang Mommy
naman niya, naturingang tiyahin niya at ikalawang ina ay hinayaan siyang matulog
kasama ang ugok na ito! Ni hindi niya nga gaanong kilala ang lalaking ito!

"Did you see? Now I have to sleep with you!"

"You have to what?" Nakangising tanong nito. She made a face.

"Sleep with you literally!" Napapadyak na naman siya.


"Ella, after spending time with your family, babalik tayo sa Manila and I'm going
to make sure we're going to marry immediately. So sleeping on the same bed isn't
really a big deal."

"Kahit na!" napanguso siya. Nakadama siya ng kaba. Ano bang klaseng sakit ng ulo
ang pinasok niya? Hindi naman kasama sa usapan nila na patutulugin niya si Nathan
sa kwarto niya. Paano siya makakalusot dito.

"Ella, please? Wala naman akong gagawin sa'yo na hindi mo gusto."

Alam niyang inaasar na naman siya ni Nathan. Sa inis niya ay hinampas niya ang
balikat nito.

"Una, you lied to my family, now you're going to sleep in my bed, what's next?
You're going to start telling me what to do? Nakakainis!"

Padabog na tinalikuran niya ito at saka umalis ng silid. Hindi niya talaga ma-take!

===========

"I'm out of town."

Matipid na sagot ni Nathan habang kausap niya ang kanyang ama sa kabilang linya.
Hindi niya ipinaalam rito ang kanyang pag-alis. Alam niyang hindi siya papayagan
nito. His father wanted him at the hospital 24 hours 7 days a week. Minsan ay hindi
na niya ito maintindihan.

He gave up everything for his father's approval kaya lang minsan ay parang hindi pa
rin ito natutuwa sa kanya.

"I'll be back after two days. I'll contact you." Muling sagot niya dito. Hindi na
niya hinintay na matapos ang sasabihin nito. Tinapos niya ang tawag at saka pinatay
ang kanyang cellphone. Kahit kailan talaga ay hindi siya naintidihan ng kanyang
ama. He could bear the way he treats him, even the way he talks to him pero
paminsan-minsan ay kailangan rin niyang lumayo.

It was getting late pero hanggang ngayon ay bukas pa rin ang tindahan sa kabila.
Ella said that the store was started by her sister in law -- Ron's mon pero noong
magkahiwalay ang pinsan nito at ang babae ay ang mommy na niya ang nagpatuloy nito.

He likes Ella's family. Masaya ang mga ito, they look very close and that amazes
him. How could a family like this be that close? Malaki ang pamilya ni Ella, ayon
sa mommy nito ay walong magkakapatid ang mga ito at marami angmga pinsan ni Ella,
pero kahit gaano sila karami at kahit gaano sila kalayo ay malapit ang mga ito sa
isa't-isa.

Napansin nga niya ang closeness na iyon kanina habang naghahapunan. Ella and Ron's
father -- Cyrus were talking and he sensed na ease Ella had while talking with her
cousin, isang bagay na noon niya lamang nakita.

"Nathaniel, nandito ka pala. Akala ko nagpapahinga ka na."

Nilingon niya ang Yaya ni Ella. Nakatayo ito sa may gate ng tindahan habang
nakatingin sa kanya. He was standing at the terrace, looking over the store.

"Si Ella po?" tanong niya dito. Lumingon ito sa likod.

"Ellang pangit! Tinatawag ka ng boyfriend mo!" sigaw pa nito. Hindi niya mapigilan
ang matawa. One thing he learned today was, everyone in this house calls Ella,
Ellang Pangit. He found the endearment amusing and Elle seems to not mind people
calling her that.

"Yaya naman eh!"

Maya-maya ay narinig na niya ang tinig nito. He looked at her. She had that cute
ponytail again tapos ay suot na naman nito ang salamin nito sa mata. Natutuwa siya
rito kapag ganoon ang hitsura nito, mukha kasi itong istriktong teacher.

"Ayun, lumipat ka na kasi sa kabila at kanina ka pa yata nami-miss niyan."

"Yaya kasi!" Inis na inis na ito. Tinanaw niya nito mula sa kinatatayuan at saka
nagtanong. "Bakit ba?"

"Sabi nga ng yaya mo, nami-miss na kita. Tara dito."

Ella made a face tapos ay padabog na tumalikod ito. Maya-maya ay natanaw na niya
itong papunta sa bahay. He smiled at her. Pumasok ito sa gate at hinarap siya.

"Ano bang gusto mo?" Nakanguso na naman ito. "Pwedeba bawasan naman natin iyong
kasinungalingan. Kotang-kota na ako ngayong araw eh."

"Fine... i-tour mo naman ako dito sa village ninyo."

"Itu-tour? Eh anong makikita mo dito?"

"Sige na..." ungot niya. Napabuntong hininga ito.

"Oo na. Teka may kukunin lang ako."

Tumalikod ito at pumasok ng bahay. Sinundan naman niya ito ng tingin. Ella looked
so cute with that pair of gray leggings she had on and that black and white shirt.
Domesticated ang dating nito. Maya-maya ay bumalik na ito suot ang isang itim na
cardigan.

"Tara na." Nagpatiuna itong maglakad. "Ya! Lalakad lang kami!"

"Yeee! Makikipag-date ka lang eh!"

"Yaya naman kasi!" Muli na namang nalukot ang mukha nito. He laughed. "Wag ka ngang
tumawa!"

Naging tahimik ang paglalakad nila. Ella was just beside her occasionally looking
at the sky. Tila may hinahanap ito.

"Iyan iyong court." maya-maya ay nagsalita ito. "Ron and Lj, spent half of their
childhood playing ball in there." may ngiti sa labi na kwento nito. Tapos ay may
itinuro ito sa tapat. "Iyon naman iyong park, Allen, spent his days playing
football there."

"Ikaw anong ginagawa mo noon?" He asked her. Ella shrugged.

"I spent my days cheering for them whenever they have events. Stage Tita kasi ako.
Kapag may event ako ang sumusugod kasi nga busy lagi iyong mga parents nila."

Naglakad ito patungo sa park. Tahimik na sumunod lamang siya. Ella settled at left
swing, sinenyasan siya nitong umupo sa kabila.

"Do you see that?" maya-maya ay tanong nito. She was pointing at the brightest star
in the sky, iyon yata iyong Polaris.

"What about that?" wala sa loob na tanong niya.

"Sabi mo, you wanna meet my family." malumanay na wika nito. "That's my mom -- or
what I think my mom is right now."

Kumunot ang noo niya. Her mom? What about the woman she was calling mommy back at
the house?

"Iyong mommy ko sa bahay, tita ko siya. Kapatid siya ng mommy ko talaga. Iyong
mommy kong totoo, star na siya ngayon."

"She died..." He realized that when he saw the sadness on Ella's eyes.

"Nag-abroad... Long term trip." mahinang wika nito. "A-ayokong isipin na namatay
siya..."

"I'm sorry."

"O-okay lang, ano ka ba..." she sighed. "Ikaw, anong kwento mo?"

Nagkibit-balikat siya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya kay Ella. Paano
niya ba sisimulan ang kwento? Hindi naman siya katulad nito na may pinagdaanang
mabigat. Buhay ang mga magulang niya, buo ang pamilya niya, magkasama ang parents
niya, pero, pero hindi siya masaya.

"Ayokong maging doctor."

"Pero bakit ka doctor ngayon?"

"Iyon ang gusto ni Dad. Sumunod lang ako."

"Eh anong gusto mo talaga?"

"I wanna make people's lives better by making music."

Iyon ang pangarap niya. Kahit na gaano pa karami ang karangyaang natatamasa niya
ngayon dahil isa siya sa pinakasikat na doctor sa Pilipinas ay hindi pa rin siya
masaya dahil hindi naman iyon ang pangarap niya. Gusto niyang maging isang sikat na
musician. That was the drea, he made with his friends. The dream that ignited the
fire inside his heart, the dream that made him believe in everything that was
possible. But he had to let that dream go when his father told him that he wanted
him to be a doctor.

Hindi siya nakatanggi. Wala naman kasi siyang karapatang tumanggi. Even his mother
wanted that for him and because of the love he feels for his parents ay tinalikuran
niya ang The Pastels, he let that dream fade on the back of his mind, he made his
father's dream, his dream.

"You know, Nathan life is short and you ought to live it to the fullest. Bakit
hindi mo abutin ang pangarap mo?"

Huli na, Ella. Marami na akong resposibilities sa ospital."

"Following your dreams has no time limit, Nathan. Hangga't buhay ka, may
pagkakataon ka para gawin ang gusto mo. Maging tao ka. Magkamali ka, umiyak,
tumawa, magmukhang tanga, ma-in love. Huwag mong sayangin ang pagkakaton kasi baka
bukas, huminto na lang bigla ang pagtibok ng puso mo. At least kapag nangyari iyon,
wala kang regret sa buhay."

Matagal siyang nakatitiga kay Ella. She was smiling at him but that smile bothered
him. There was something in her eyes that tells him na parang may mali. With the
way she talks, it seemed like she wanted to tell him something, something that
could be drawn from the words she just said. But what was it?

"Why do you talk that way? You talk like you're going to die soon." What he said
was supposed to be a joke. He expected Ella's reaction to be something else, pero
nagulat siya nang bigla itong ngumiti.

"Diba lahat naman tayo sa ganoon pupunta? So kung mamatay ako, wala namang problema
doon."

His lips parted with awe. He felt something different. Parang, parang kinilabutan
siya sa mga sinabi nito. Was she trying to tell him that she was dying? Imposible,
mukha namang malusog si Ella. But then,

"Are you dying, Ella?"

Kapagkuwan ay tumawa ito at saka hinampas ang balikat niya.

"Hi-hindi no! W-w-wala na-naman ak-akong s-s-sa-sakit eh!"

Halos magkandabulol-bulol na wika nito. Bigla itong tumayo at saka niyakag na siya.

"Halika na nga at gumagabi na. Baka hinahanap na tayo ni Mommy."

Tulad kanina ay ito ang nauna sa paglalakad. Tahimik lamang siyang sumusunod dito.
In his mind he was thinking of Ella and the things that she said, then in the end,
he concluded, Ella was weird. Really weird.

*******************************************
[10] 8. Ella and Nathan
*******************************************
"Good morning, Nathan! Gusto mo ng kape?"

Nathan smiled when he saw Ate Belen -- Ella's yaya at the kitchen cooking some
breakfast. Maaga siyang nagising at hindi niya alam kung bakit. Siguro ay sadyang
hindi na sanay ang katawan niya na nagpapatangahali sa kama. He woke up on the bed
alone. Unlike what he had in mind, Ella didn't sleep on the bed last night. Mas
pinili pa nitong matulog sa kwarto ng Mommy niya kaysa sa sarili nitong silid. She
said that she misses her mommy and that she wanted to spend time with her pero sa
totoo, alam na alam niyang iniiwasan lamang siya nito.

"Morning po. Si Ella?" Magalang na tanong niya dito. Ngumiti ito sa kanya.

"Kay aga-aga si Ella ang gustong kainin."

"Ano po?" naguguluhang tanong niya.

"Sabi ko nasa tindahan na si Ellang Pangit. Puntahan mo na lang." Nakangiting wika


sa kanya nito. Nagpasalamat siya at saka tinungo ang daan patungo sa kabilang bahay
kung nasaan ang tindahan ng mga ito. He saw many people hanging around the store.
Mukhang may pinagkakaguluhan ang mga ito. Kunot-noong pumasok siya sa loob. He was
trying to look for what the 'tambays' were looking at. Ganoon na lamang ang
panlalaki ng kanyang mga mata nang makita niya si Ella na may kinukwelyuhang
lalaking mas matangkad pa kaysa dito.
"Huwag kang choosy kasi ang pangit mo naman!"

"Go maam! Upakan na iyan o!" Sigaw pa ng mga tambay sa tindahan.

"Anong nangyayari?" Naguguluhang tanong niya. Agad na binalingan siya ni Ella ng


tingin. Lalong kumunot ang noo niya nang makita niyang namumutla ang labi nito. He
looked at the man in front of Ella. "What happened?"

Before he knew it, Ella had punched the man right on his face. Nagpalakpakan ang
mga tambay sa paligid nilya.

"Anong nangyari?! Jeez, Ella!"

"Eh iyan eh! Hinipuan ako!" Mangiyak-ngiyak na wika ni Ella habang nakatingin sa
kanya.

"Hindi kita hinipuan! Ikaw iyong nagbigay ng motibo!" ganting sigaw ng lalaking
nagdurugo na ang ilong. Nagpantig ang kanyang mga tainga. He glared at the man who
was still standing in front of them. Dinuro nito si Ella. "Hindi naman kita
hihipuan kung hindi ka nagpapa-cute sa akin!"

"Hoy mamang sorbeterong mukhang akyat bahay! Chura mo lang ha!" Sigaw ni Ella sa
mama. He stood beside her. Kitang-kita niya ang panginginig nito. Halos namumula na
rin ang ilong nito, tanda na malapit na itong maiyak.

"Pakipot ka pa kasi, Miss! Akala mo maganda ka pasalamat ka nga hinipo ko iyang


b---"

Hindi na nakapagsalit ang lalaki. Hindi na niya hinayaan pang tapusin nito ang
sasabihin. He punched the man right on the nose. He made sure that his nose will be
broken. Hindi pa siya natuwa. Tumayo muli ang lalaki, muli niya itong sinuntok.
Matapos iyon ay kinuwelyuhan niya ito at saka sinipa sa pagitan ng hita nito.
Namalipit sa sakit ang lalaki. Hindi pa rin siya natuwa, he kicked the man. He also
made sure that the ribs will be broken. Muli niyang pinatikim ng suntok ito sa
mukha. Hindi pa sana siya titigil but then, Ella embraced him from the back.

"Nathan! Tama na, please!" Nanginginig ang tinig na pakiusap nito. He was
dumbfounded.

"Get the fuck out of this place!" He hissed at the man. Hirap man itong tumayo ay
agad naman itong nagmadali sa pagbangon. Natahimik naman ang lahat sa napanood.
Isa-isang nagsi-alisan ang mga tambay sa tindahan. Finally Ella and him were alone.
Hindi pa rin siya binibitiwan nito. He could hear her soft sobs. She was crying. He
could feel her body trembling with fear. Hinawakan niya ang mga kamay nito na
nakapalupot sa katawan niya.

"Hush, Ella..."

Dahan-dahan siyang humarap dito. He cupped her face and made her looki at him. He
swallowed hard when he saw the fear inside her eyes. He then, wiped her tears away
and tried to comfort her.

"Were you scared?" tanong niya dito. Ella nodded. He smiled. "You were? Eh sinapak
mo iyong lalaki."

"Front lang i-yon!" humihikbing wika nito. P-pero k-abado ako k-kasi b-baka sak-
ktan nya ako..."

"Hindi ko naman hahayaang mangyari iyon." Naikuyom na naman niya ang kanyang mga
palad.

"S-salamat, Nathan ha..."

This time, si Ella na ang nagpunas ng mga luha nito. Matapos iyon ay nginitian na
siya nito.

"Buti nandyan ka... ikaw yata iyong naka-assign sa akin na knight in shining armor
eh.."

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa ganoon?" tudyo niya dito. Nagkibit balikat ito.

"Hindi nga, but know there's an exception." she smiled at him. "Naniniwala na ako,
dahil sa'yo..."

Hindi niya alam kung saan nanggaling but something warmed his heart. Looking at
Ella's smile, her face, and the way she looked at him, he felt nice...He felt
extraordinary.

==========

"Ano bang nangyari dito kanina?"

Napanguso si Ella nang tanungin iyon ng mommy niya. They were having lunch, Nathan
was sitting beside her. Napapitlag siya ng hawakan nito ang kamay niya na nasa
ilalim ng lamesa.

"May bumastos po kasi kay Ella."

"Ano?!" Halos mapasigaw ang mommy niya. Napalunok siya. "Anong ginawa mo? Umiyak
ka?"

"Binugbog ni Kuya Nathan, Lola!" si Ron ang sumagot.

"At paano mo nalaman? Nandoon ka?" tanong pa niya.

"Kinuwento noong mga tambay diyan! Dumugo nga po iyong ilong noong mama, Lola, at
malamang di na babalik iyon dito!"

"If ever he comes back, I swear, I'm going to kick his a--ray!" Napangiwi si Nathan
dahil sinipa nita ang binti nito. Agad itong lumingon sa kanya, pinanlalakihan siya
ng mata. She just made a face. She sighed. She was really grateful for what Nathan
did for her. Hindi naman niya inaasahan na ipagtatanggol siya nito. Takot na takot
siya kanina noong kinukwelyuhan niya ang bastos na mamang iyon. Unang-una ay mas
matangkad ito sa kanya at mas malaki. Alam niyang hindi niya kayang patumbahin ang
lalaking iyon pero hindi naman siya magpapatalo. She was about to hit that guy when
Nathan came in and handled the situation.

Ang naging problema naman niya ay natakot siya rito. Noon lamang siya nakakita ng
lalaking naging bayolente nang ganoon. Hindi niya inaasahan ang mga ginagawa nito
and somehow, she knew that if she didn't asked Nathan to stop ay baka napatay nito
ang lalaking iyon.

"Dapat ipa-banranggay iyon, Ella." Suhestiyon ng kanyang mommy. Umiling siya.


Hangga't maaari ay ayaw na sana niya ng gulo. Husto na iyong nangyaring sapakan
kanina. Ayaw na niya.
"O-okay na po, my..." she said. "Ayoko po ng gulo saka, buhay pa naman ako at hindi
nawala ang puri ko!" proud na sabi niya. Bigla ay naubo si Nathan. Sa inis niya ay
binatukan niya ito. "Maka-ubo ka ha..."

"O siya, sige... Matanong ko, kailan ang balik ninyo ng Manila?"

"Oo nga po pala, mommy.." wika ni Nathan. Inirapan niya ito. Mommy talaga? "I need
to go back tomorrow, and if you don't mind, I'm going to take Ella with me."

Ella bit her lower lip. She was wishing and hoping that her aunt won't let her go
with Nathan but the her wish failed.

"Okay lang. Kumakain ka ba ng tinapa, Nathan? Ipagdadala kita."

"Tinapa? As in dried fish? My mom loved those."

"Ipagdadala kita." nakangiting wika ng mommy niya. "Dahil aalis na pala kayo bukas,
bakit hindi mo igala si Nathan sa bayan, Ella nang makita naman niya na maganda
dito."

"That would be great!"

Napangiwi siya. Mukhang kakampi ni Nathan ang mommy niya at kahit tumanggi siya ay
parang wala naman siyang magagawa. Sa huli ay tumango na lamang siya at
ipinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos mananghali ay si Nathan pa mismo ang nag-
aya sa kanya.

"Oo, pero magbibihis muna ako." Paalam niya dito. She went to the main house and
changed her clothes. She chose a yellow plain shirt and a pair of khaki shorts. She
pulled her hair back and put on a light pink lipstick. Habang tinitingnan niya ang
sarili niya sa salamin ay lalo niyang nakikita kung gaano na siya kaputla. Mas
maputla siya ngayon kaysa noong nakaraang araw at noong mga nakalipas pa ngunit
isinantabi muna niya iyon. Kailangan niyang magmadali dahil baka mainip na si
Nathan.

Muli siyang bumalik sa tindahan. Mukhang bihis na rin si Nathan. She was eyeing him
habang nakikipag-usap ito sa mommy niya. Nathan was wearing a white shirt and a
pair of blue jeans tapos ay tinernuhan nito ng chucks. He looked very casual. Para
siyang hindi doktor.

Bigla ay lumingon ito sa kanya. Kasabay ng paglingon nito sa kanya ay ang pagkaubos
ng kanyang hininga.

"Huuuuuuuuuuuuu..."

Napahawak siya sa kanyang dibdib. It was happening again. Agad na dinaluhan siya ni
Nathan. Hinawakan siya sa balikat at pilit pinadidiretso.

"Ella, Ella what's wrong?" kalmado pa rin ang tinig nito.

"Ay ina ng awa!" narinig niyang sigaw ng Yaya Belen niya. "Ate, hinihika na naman
si Ella!"

Nathan carried her inside the house. Inupo siya nito sa sofa. Nakita niyang kasunod
nito ang Yaya Belen niya pati na rin ang kanyang mommy. Dala ng mga ito ang
nebulizer niya. Agad na ikinabit iyon at saka pinatakan ng gamot at saka inabot sa
kanya. Nathan put the instrument near her nose. Nakaupo ito sa tabi niya. Ang isang
kamay nito ay nakahawak sa kanyang baywang.

"Breathe, Ella..." he whispered on her ear.

Ilang minuto siyang ganoon ang ayos. Ilang minuto na ring nakatabi sa kanya si
Nathan. Ang mommy naman niya, palibhasa ay sanay na sa nakikita ay tahimik lang na
nagmamasid sa kanya.

Lumipas pa ang ilang minuto, kahit paano ay naibalik na ang normal niyang paghinga.
Umayos siya ng upo at saka tumingin sa mga tao sa paligid niya.

"Tumakbo ka na naman ba kaninang umaga?" tanong ng mommy niya.

"Hindi po. Hi-hindi ko ng-nga po alam kung b-bakit ako hinika..."

"Hindi naman hika iyon." komento ni Nathan. "You hyperventilated again, Ella. Just
like what happened two weeks ago in my apartment."

Napalunok siya. Sino bang lolokohin niya? Her mommy was a retired nurse, habang si
Nathan naman ay doktor.

"Magkaiba iyong asthma sa hyperventilation. Unang - una walang ---"

"O-okay naman na ako. Mainit lang siguro."

"I'm going to check your hearbeat again." muling sabi ni Nathan.

"Huwag! Este... huwag na... okay naman na ako... Hinihingal pa ako pero keri na..
Gumala na lang tayo..." niyakag niya ito. Nathan eyed her. Hindi ito tumitinag sa
kinauupuan. Nakatingin lamang ito sa kanya na para bang pinag-aaralan siya nito.

"Bahala muna kayong dalawa diyan at ako'y nanerbyos sa'yo, Marcela." Tumayo ang
mommy niya at muli bumalik sa tindahan.

"Nathan.. hoy... Tara na.."

Tahimik pa rin ito. Hindi ito nagsasalita. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang
hatakin nito pabalik sa sofa.

"Tell me, Ella. Ano talaga ang sakit mo?" malamig na wika nito. Napangiwi lalo
siya. Ano bang sasabihin niya dito? Sa tingin nkiya ay hindi na bebenta ang sagot
na "ano ka ba, wala naman akong sakit..."

Gasgas na ang linya at isa pa, doktor ang kaharap niya.

"I.. I.. have.. sleep apnea." Nagyuko siya ng ulo.

"Sleep apnea?"

"Oo, kapag natutulog ako, nakakalimutan kong huminga mga ten seconds lang naman..."

"That's a lot. You're heart could styop beating if that happnes a lot. Is that it?
So you hyperventilated because you lack of sleep?"

Tanong nito...

"O-Oo..." muli na naman siyang nagyuko ng ulo.

"Iyon din iyong reason kung bakit ayaw mong matulog mag-isa?"
Tumango siya.

"Iyon lang pala. Akala ko hardcore ang sakit mo. I really thought you're dying."

Dying... hearing those sad words, made her tremble. Pilit na nginitian niya si
Nathan at saka muling niyaya ito.

"Hinihingal ka pa eh..."

"O-okay na ako..." Hinawakan niya ito sa braso. "Halika na."

"Okay, I'm just gonna get the car keys.."

"Huwag na, mahirap mag-park sa bayan. Mag-tricycle na lang tayo."

Nathan stood up habang siya ay nakatitig lamang dito. She tried ignoring that
nagging feeling she had inside her chest. Wala dapat ganoon. She couldn't possibly
feel that. Hindi pwede. Masasaktan at makasasakit lang siya.

=============

"Ang bilis mo namang maglakad eh. Akala mo ikaw iyong taga-dito."

Nakanguso na naman si Ella habang sinusundan ng tingin si Nathan. Nauuna ito kaysa
sa kanya. He seemed to be enjoying himself a lot and he was oblivious by the fact
that she was with him.

"If I took a picture of this scenery and showed it to my mom, I'm sure she'll think
I'm in Spain." nakangiting wika nito. Natawa naman siya. Spain? Ang layo ng lugar
nila sa hitsura ng Spain. Hindi siya nagsalita ngunit napapangiti siya. Masarap
palang kasama si Nathan sa lakaran. He appriciate everything around him.

"Malayo kaya iyong hitsura nito sa Spain." wika niya. Kasama niya si Nathan na
nakatayo si gitna ng Plaza Mayor -- iyon ang tawag sa lugar na iyon. He seemed to
be enjoying the ambience. Napapaligiran kasi ng building na hango sa Spain ang
lugar na iyon. Even the mall in front of the plaze was modeled after a Spanish
building. Iyong simbahan naman sa may kaliwa ay ganoon din ang disenyo, pati na rin
ang city hall at ang public library.

"Have you been to Spain?" tanong nito. Umiling siya. "We'll I have and this is
pretty much what I saw in there."

"Oo na, ikaw na ang nagtravel." she smiled. Wala sa loob na hinawakan niya ang
kamay ni Nathan at niyakag sa isa sa mga benches doon. Umupo siya at tinabihan
naman siya nito.

"Hey, do you wanna watch a movie?" tanong nito sa kanya. Kumunot ang noo niya.
Niyaya ba talaga siya ni Nathan manood ng sine?

"Ano bang labas?" balik-tanong niya dito. He shrugged.

"Tell me what you want to watch..."

"Wala."

"Hindi ka mahilig sa movies?" mukhang nabigla ito.


"It's not that I hate movies, it's just that they give people false hope. Ang
problema kasi sa tao, gusto nila lahat happy ending. Hindi nila naiisip na hindi
naman iyon ang reality ng buhay. We watch movies to make us feel good, we read
romance novels to feel the magic of love, pero kasabay noon, nawawala iyong
reality."

"Ano bang reality, Ella?" Nathan asked her. She faced him.

"Na hindi lahat ng bagay nagtatapos sa happy ending. Lalo na iyong love. True love
doesn't end with just a happy ending, because a love so true has no happy endings,
true love has no limits. True love simply doesn't end."

"Was that a positive or a negative remark?" Tila nanunudyong tanong nito. Marahang
hinampas niya ang balikat ni Nathan. Hindi siya makapaniwala na nakikipag-usapa
siya dito ukol sa personal opinion niya sa buhay. And the fact that Nathan was
actually listening to him even made it weirder.

"Ewan. Siguro sa mga naniniwala sa happy ending, negative, pero iyon ang totoo."

"So hindi ka naniniwala sa love cliches so therefore, hindi ka rin naniniwala sa


forever?"

"Alam mo ba iyong kaibahan ng forever saka eternity?" muling tanong niya kay
Nathan.

"Meron ba? Aren't they synonymous?"

"Hindi no.. Ang forever, habambuhay, ang eternity, walang hanggan, walang time
concept, walang katapusan. Ang forever ay applicable sa mga taong naniniwala na
hanggang happy ending lang ang katapusan ng isang bagay, ang eternity ay para sa
mga taong naniniwala na pwedeng magpatuloy ang isang bagay hanggang sa kabilang
buhay."

She smiled at Nathan. Hindi niya alam kung para saan ang tingin nito sa kanya o
kung anong ibig sabihin noon. Bago rin sa kanya ang ease na nararamdaman niya
habang kasama niya ito. All she knew was she was comfortable talking to Nathan and
maybe it was because he was such a good listener.

"Nathan, tingnan mo, may rainbow."

Itinuro niya ang kalangitan. Agad siyang napangiti nang mapansin niyang nakangiti
rin si Nathan sa rainbow. May kinuha siya sa kanyang bag.

"Picture..." nakangiting sabi niya. Ipinalupot niya ang braso niya sa balikat ni
Nathan.

"What is that thing?" Tila nandidiring sabi nito.

"One 600 polaroid camera."

"And you have that because..."

"Oo na, alam kong luma ang camera ko, pero it still works. Picture na tayo!" Muli
niyang inakbayan si Nathan. She wanted to capture this moment. Alam naman niyang sa
oras na bumalik na siya sa reyalidad ng buhay, ay hindi na mauulit ang oras na ito.
She wanted to remember this moment till eternity. The moment when Nathan listened
to her like he was her best friend.

"Smile!"
*******************************************
[11] 9. Her To Do's
*******************************************
Ella recived the contract Nathan's lawyer drafted the moment they got back to the
metro. She spent two day reading that thing at hindi niya alam kung ipagpapasalamat
niya ba ang mga consedarations na nakalagay sa kontrata nila. She was biting her
lip was she scan the contract.

The parties should agree as follows:

1. The following are the terms and conditions between Mr. Varres and Ms. Guanzon.

2. The purpose of this contract is to bind Mr. Varres and Ms. Guanzon in their
agreement of marriage.

3. The moment any of the conditions were bridged, the contract will become invalid.

--

1.1 The moment Ms. Guanzon marries Mr. Varres, she'll be provided by everything Mr.
Varres has.

1.2. Ms. Guanzon shall be known as Mrs. Varres as long as she is with Mr. Varres.

1.3 Ms. Guanzon will act as Mr. Varres wife in public: Holding hands, embracing,
kissing and the likes will be included; if in public.

1.4 The two shall share a bedroom together; given the condition of Ms. Guanzon.

1.5. Mr. Varres agrees and promised that he will never do anything Ms. Guanzon
isn't ready for.

-------

"Anong gusto niyang palabasin sa article 1.5 na ito?" bulong niya matapos niyang
mabasa iyon. Napalunok siya. Dapat ba siyang matuwa? Was Nathan being a gentleman?
Ibig bang sabihin nito ay hindi siya dapat matakot dahil hindi siya nito aaying
mag-ano?

"Hiiii!" Kinilabutan siya sa nagiging takbo ng kanyang isip. Kahit talaga kailan ay
salaula siya at kahit yata kailan ay hindi na maalis sa utak niya ang nakita niyang
eksena noong unang beses niyang maka-engkwentro si Nathaniel Varres.

"Nakakadiri ako! Yuck!" Impit na sigaw niya. Nasa kusina siya noon at nagluluto.
Ang buong akala niya ay siya lang ang nasa bahay kaya't ganoon na lamang ang gulat
niya nang makita niya si Lj na nakatayo sa may ref at nakatingin sa kanya.

"Ta, okay ka lang?" pigil ang tawang tanong nito. She made a face./

"Oo. May langgam." Pasimpleng sagot niya at saka muling naupo. Ibinalik niya sa
envelope ang kontrata at saka binalingan si Lj.

"Wala ka ng pasok?" tanong niya.

"Wala na, Ta. Nauna na ako kina Ron, magre-review pa kasi ako. Oo nga pala..." wika
nito matapos uminom ng tubig. Hinarap siya nito at saka ngumiti. "nakita ko si Kuya
Nathan sa may campus."
Hearing Nathan's name made her tremble. Hindi niya alam kung bakit pero nakaramdam
talaga siya ng panginginig, lalong lumalakas ang pangnginig na iyon sa tuwing
maiisip niya ang ngiti nito.

"Eh ano naman?" maaskad na sabi niya. Lj shrugged.

"Baka lang gusto mong malaman kasi diba, boyfriend mo siya tapos may kasama siyang
babae."

Napatingin siya kay Lj. Seryoso ba ito? May kasamang babae si Nathan? Hindi pa nga
ito kasal sa kanya ay nagloloko na ito? Anong karapatan nito? Seriously, he was
already cheating on him.

Bigla ay natigilan siya sa pag-iisip. Why would she think that way? Kung tutuusin
ay wala naman silang relasyon ni Nathan kaya bakit niya iisipin na niloloko siya
nito? Bakit nakakaramdam siya ng nakakainis na feeling? Hindi dapat, kunwari lang
naman ang lahat ng meron sila.

"Ahh, baka ate niya," kalmadong wika niya kay Lj. Nagulat siya nang biglang
hampasin ni Lj ang mesa.

"Ate? May ate bang kinikiss sa lips, Ta?" Tila inis na inis na sabi nito. Nanlaki
ang mga mata niya. Ngayon niya lamang nakitang nagalit nang ganoon ang pamangkin
niya. "Uupakan na nga sana namin ng mga barkada ko eh, pasalamat siya at iniisip
kita."

"I-I'm sure misunderstanding l-lang iyon... B-baka kamukha lang ni N-nathan


iyon..."

"Ewan, Tita, pero sana makinig ka... Mag-ingat ka sa Nathan na iyon. Baka saktan ka
lang niya."

Matapos sabihin iyon ay lumabas na si Lj ng kusina. Tahimik na sinundan niya ito ng


tingin. Napakagat labi na naman siya. Siguro ay namamaga na ang labi niya kakakagat
dito pero hanggang doon lang naman ang magagawa niya. Hindi niya pwede kumprontahin
si Nathan dahil wala naman siyang karapatan. Hindi siya pwedeng magalit dahil wala
naman silang relasyon. Kung kaya pipiliin na lamang niyang tumahimik. Kung sinuman
ang kasama nito, sigurado siyang si Alcina iyon. Malamang nagka-ayos na ang dalawa.
Malamang ay hindi na kailangan ni Nathan ang tulong niya.

Muli ay inilabas niya ang kontrata. Siguro nga ay hindi na kailangan ni Nathan ang
tulong niya. Baka nagkabalikan na ito at si Alcina. Baka hindi na sila
magpapanggap. Pero bakit ganoon? Bakit parang nakakaramdam siya ng panghihinayang?

======

To plant a tree.

Iyon ang nasa TO DO list ni Ella. Naisip niyang gawin ang To Do list niya ngayon
araw dahil halos napabayaan na niya iyon noong nakaraan. Masyado siyang na-caught
up kay Nathan na pati iyong sarili niyang buhay ay nakalimutan na niya.

Maaga siyang gumising noon. She planned on going to the Green Movement alone. Green
Movement was a program organized by the Saint Catherine Sienna Academy -- iyong
school kung saan nagtatrabaho ang pinakamatalik niyang kaibigan na si Jenny.

"Mga panget!" sigaw niya sa tatlo niyang pamangkin na nakahiga pa sa mga kama nito.
Sumilip siya sa kwarto ng mga ito. Si Ron ay nakatalukbong pa ng kumot, habang si
Lj ay nakaharap na sa laptop nito at si Allen naman ay nanonood na ng TV.

"Aalis ka?" sabay na tanong ng dalawa.

"Oo. Init-init na lang ng pagkain ah.. May event kami ni Tita Jenny. BAka gabihin
ako."

"Okay.. Ingat!"

"Oo. Ingat! Bawal ang babae sa kwarto, mga ungas!"

Napahagikgik siya nang marinig ang mgg reklamo ng mga ito. Alam naman niya na sa
oras na umalis siya ay papupuntahin ng mga ito ang mga girlfriend sa bahay.
Napailing siya, buti pa ang mga pamangkin niya, may love life, siya nganga.

Wala siyang balita kay Nathan. Halos apat na araw na ang nakalipas mula nang
sabihin sa kanya ni Lj ang nakita nito. Hindi naman siya nagtatampo dito o kung
anuman, ang sa kanya ay kung masaya na ito sa buhay at nagkaayos na sila ni Alcina
ay wala naman na siyang magagawa. Saka isa pa, ayaw niyang siya ang unang tumawag
dito, baka isipin nitong nami-miss siya nito.

Paglabas niya ng bahay ay mabilis siyang naglakad upang agad na makarating sa


paradahan ng jeep. Kanina pa text ng text sa kanya ang kaibigan, sinasabi na
bilisan niya raw. Habang naglalakad ay nag-ring ang cellphone niya. Thinking that
it was Jenny, she immediately answered her phone.

"Pasakay na ako ng Jeep, fifteen minutes nandyan na ako." agad na sabi niya.

"Dapat lang, aba naman, Ellang Panget. Kanina pa kita hinihintay." Naiinis na sagot
nito.

"Oo na nga, Bebang. Oy," ngumisi siya. "Iyong helmet ni Trey, baka matanggal sa
pagtakbo... i-mighty bond mo!"

"Kapag nagka-boyfriend ka, lalaitin ko din siya!" Iyon lang at tinapos nito ang
tawag. Tatawa-tawang naupo siya sa mahabang upuan sa paradahan. Wala pang susunod
na byahe at ayaw naman niyang sumakay sa jeep na paalis dahil halos puno na ito.
Habang naghihintay ay inilabas niya ang pink notebook niya. Binuksan niya iyon at
tiningnan ang mga bagay na kailangan niyang gawin. She was scanning through the
pages when she stumbled on a picture -- a picture of her and Nathan at the Plaza
Mayor, noong last day nila sa Bataan.

She smiled at the picture. Kahit ayaw niyang aminin ay nami-miss niya si Nathan.
She missed him, hindi niya alam kung ano ang nami-miss niya dito, basta nami-miss
niya ito.

"Miss, boyfriend mo?" Tanong sa kanya ng barker ng jeep. Binalingan niya ito at
saka inirapan.

"Boss ko ito. Tatawagan ko sana para itanong kung itutumba na kita ngayon o mamaya
na lang." maangas na sagot niya. Napakamot ang barker.

"Nagtatanong lang naman." wika nito. "Kamukha kasi niya iyong lalaki sa may poste."

Kumunot ang noo niya. Lalaki sa may poste? Anong poste? Saang poste? Atubiling
hinanap niya ang posteng sinasabi nito. Napaawang ang labi niya nang makita si
Nathan na nakatayo sa may tapat ng kotse nito, na naka-park malapit sa isang poste
sa main gate ng village nila. Ngumiti siya dito, pagkatapos noon ay nakita niya
naglalakad na ito palapit sa kanya.
Four days. She haven't seen him for four days and yet the longing she feels inside
her heart was so big she felt like she was going to cry.

"Aano ka?" tanong niya nang makalapit ito.

"Sa'yo." naupo ito sa tabi niya. Hindi siya nagsalita. Hindi rin naman nito sinubok
magsalita. He just stayed beside her, quietly looking at the vehicles in front of
them.

"Na-miss kita..." Maya-maya ay wika nito. She looked at him, she was still smiling.

"Hmmn..." iyon lang ang kanyang nasabi.

"I said, I missed you." muling wika nito.

"I know, I heard you."

She heard Nathan sighed.

"You wanna go someplace else? Mainit dito. Baka hikain ka."

Bago pa siya makasagot ay hawak na nito ang kanyang kamay at tinatahak na nila ang
daan papunta sa kotse nito. She was biting her lower lip. Anong ginagawa ni Nathan
dito? Was he here to tell her that the agreement is off? Gusto sana niya itong
tanungin pero wala siyang lakas ng loob upang ibuka ang kanyang bibig.

"Uhm, Nathan..." panimula niya. Paano si Jenny? Nangako siya dito. Tiningnan niya
si Nathan na sa pagkakataong iyon ay nakatingin sa daan. "Ano kasi...."

"What? Do you wanna say something?"

"May...may d-date kasi ako..."

Biglang pumreno si Nathan. Halos makipag-face to face na siya sa dashboard ng kotse


nito.

"Anong date?! Didn't you read Clause number 17 of our contract. Any relationship
with the opposite sex shall be denied or forgotten until Ms. Guanzon -- that is you
-- is married to Mr. Varres ---- that is me."

Pulang-pula ang mukha nito. Gusto niyang matawa ng malakas. mukha kasing strawberry
si Nathan.

"Date with my best friend." nagkibit-balikat siya.

"Saan?"

"Sa La mesa Ecopark."

"Okay." Bigla ay iniliko nito ang sasakyan. Ilang sandali pa ay tinatahak na nila
ang baybay ng Quezon City. After a while inihinto na ni Nathan ang kotse. Nauna na
siyang bumaba.

"Ella, wait." Nilingon niya ito. Ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla ng hawakan
nito ang kanyang kamay. She was looking at her hand na nakakulong sa kamay ni
Nathan.

She knew for a fact that doctors care for their hands big time. Lalo na ang brain
surgeon na tulad ni Nathan. So feeling his hands over her hands made her feel
really.... warm.

"What's wrong?" He asked. Umuling siya. "Tara na."

Sabay ang pagpasok nila sa loob. Marami nang tao. Palingon-lingon siya at hinahanap
si Jenny. Sakto namang nag-ring ang cellphone niya.

"Nasaan ka?" Tanong niya. Ayon dito ay nasa isang waiting shed daw ito kasama si
Trey. Malapit ang waiting shed sa isang malaking puno ng balete. Kunot na kunot
naman ang noo niya. Maraming puno ng balete. Niyakag na lamang siya si Nathan. Baka
kung mag-iikot sila ay mahahanap niya ito.

"Nasaan ba iyong kaibigan mo?" tila naiinis na tanong nito. "She's wasting my time.
Imbes na nakakapag-usap tayo ng maayos ay nandito tayo at hinahanap siya."

"Eh di umuwi ka na." inis na sagot niya. Binawi niya ang kanyang kamay at
nagpatiuna na. She walked faster so Nathan won't catch up. Napangiti siya ng makita
na niya si Jenny. Nasa loob nga ito ng isang malaking waiting shed kasama si Trey.
Maliban sa dalawa ay may limang kalalakihan pa ang nasa loob ng waiting shed na
iyon. Hindi niya mamukhaan dahil mga nakatilkod.

"Bebang!" sigaw niya. Tumakbo siya papunta kay Jenny.

"Ella, wait!" tawag ni Nathan sa kanya. Hindi niya ito pinansin.

"Ayan na pala si Ellang Pangit!"

She reached the waiting shed and greeted Jenny and Trey. Mukhang nagde-date na
naman ang dalawa.

"Late ka." wika ng kaibigan niya.

"Maaga ka lang!"

"Oo nga pala, Ella..." wika ni Trey. Tumayo ito at saka lumapit sa kanya. "I would
like you to meet my friends."

Tumingin siya kay Trey. Kaibigan? Sinong kaibigan.

"Dudes, si Ella. Jenny's best friend."

Sabay-sabay na humarap sa kanya ang mga lalaking kanina ay nakatalikod lamang. Her
mouth fell open when she saw the faces of the man in front of her.

"Si, Zach, si Anton, Ali, James and Robi."

"Hi, Ella..." they all said in chorus. So ito na iyon. Binalingan niya si Jenny.

"Bebang, sila iyong Neon?"

"Ay hindi... The pastels sila.." tila nanunudyo pang sabi ni Jenny.

"Okay lang, Ms. Huwag kang ma-star struck. Pero ang gwapo namin no?" Kinindatan
siya ni Ali. Natawa siya nang bigla na lang itong batukan ni James. Magsasalita pa
sana siya nang biglang may umepal.

"What do you think you're doing running like that? Are you trying to kill
yourself?!" Tila galit na galit na sabi nito. Humarap siya kay Nathan. Namumula na
naman ang mukha nito. Binalingan nito si Trey.

"Get your hands off my girlfriend."

Hindi pa ito nasiyahan. Itinulak pa nito si Trey.

"Oy!"

"What the fuck is your problem?" wika pa nito kay Trey.

"Teka, teka, teka lang!" sigaw niya.

Pumagitna siya sa dalawa.

"Nathan, ano bang problema mo?" tanong niya.

"Oo nga, ano bang problema niyan?" sigaw naman ni Jenny. "Ipabugbog ko kaya iyan sa
Neon?"

"Is this what you came here for?" Isa-isa nitong tiningnan ang mga lalaki sa
kanyang likuran. She felt so embarassed. Ano bang nangyayari kay Nathaniel? Hindi
naman dapat ganito.

"Kung ito lang ang ipinunta mo dito, umalis na tayo ngayon." Hindi na siya nito
pinagsalita. Walang sabi-sabing hinatak na lang siya nito basta-basta. Ni hindi
siya nakalingon upang magpaalam kay Jenny. Gusto pa sana niyang humingi ng tawad sa
Neon dahil sa inakto ni Nathan. Wala pang ilang sandali ay nakasakay na naman siya
sa sasakyan nito.

"You came here for that guy?!" halos bulong na lumabas iyon sa bibig nito. "Kung
maglalandi ka lang pala -----"

"Utang na loob!" sigaw niya. Natahimik si Nathan. "Stop the car!"

"No!" he said.

"Stop the fucking car or else I'm going to jump out."

"If you do that, you're going to die." tila nang-iinis na wika nito.

"Akala mo ba takot akong mamatay Nathan?" inis na wika niya. "Stop the car!"

Mas malakas ang naging pagsigaw niya. Noon ay inihinto na ni Nathan ang sasakyan.
Umibis siya. Mabilis siyang naglakad. Nakita niyang bumaba rin ito upang sundan
siya. Naglalakad siya sa gitna ng maraming tao habang si Nathan naman ay sigaw ng
sigaw sa likuran niya.

"What are you angry about Ella. Totoo naman ang sinabi ko. Kung lalandiin mo lang
iyong ---"

"Hindi ko nga sila nilalandi!" mangiyak-ngiyak na sigaw niya dito. Huminto siya at
hinarap ito. "Iyon ba ang tingin mo sa akin? Ni hindi ko nga alam na pupunta sila
doon! Tapos sasabihin mo sa aking naglalandi ako! Kung may malandi sa ating dalawa
ikaw iyon!"

Sa inis niya dito ay kinuha niya mula sa bag niya anh kontrata nito.

"Ayoko na! Magpakasal ka sa sarili mo! You can shave your contract in your ass and
I will never give a fuck about it! Go to hell!"
Bago pa man tumulo ang mga luha niya ay tinalikuran na niya ito...Galit siya. Galit
na galit siya.

======

Nathan watched Ella as she walks away. Napailing siya. Hindi niya ito hahabulin.
Tahimik na yumuko siya upang pulutin ang brown envelope na itinapon nito sa kanya.
Saglit siyang natigilan nang mapansin niya ang isang kulay pink na notebook na nasa
ilalim ng brown envelope.

He picked up the notebook and stared at it for a while. He wondered if the notebook
belongs to Ella. Ipinilig na lamang niya ang kanyang ulo at saka pinakatitigan
iyon. He decided to take the notebook back with him to his car. Muli ay tinanaw
niya si Ella. Hindi siya papayag na basta na lamang ito umayaw. Hindi pa tapos ang
usapan nila. Kailangan ay mapapayag niyang muli ito.

He get in his car and drove away. Umuwi siya sa kanyang bahay. Dala pa rin niya ang
brown envelope at ang pink notebook nito. Pumasok siya sa kanyang unit at nagtuloy
sa kanyang silid. Nahahapong umupo siya sa kanyang kama at inilabas ang kontrata
mula sa envelope na iyon.

He checked all the clauses. Mukhang wala namang binago si Ella. Ikinapagtataka niya
iyon. Bakit? Hindi ba talaga ito interesado sa usapan nila? Napipilitan lamang ba
talaga ito?

Inilapag niya ang kontrata at saka nagbuntong-hininga. Hindi niya maintindihan kung
bakit ganoon na lamang ang galit niya kanina nang makita si Ella kasama ang mga
lalaking iyon. Wala siyang pakialam kung sila ang Neon o kung anuman. Walang
karapatan ang mga iyon para hawakan si Ella.

Kasabay ng galit niya ay naiinis naman siya rito. Pakiramdam niya kasi ay hindi
siya binibigyan ng kahalagahan nito. Apat na araw niyang hinihintay ang tawag nito
pero hindi ito nagpaparamdam.

Napakahirap para sa kanya ang initndihin ito. Ella isn't like any girls in his
world. Hindi ito katulad ng mga babaeng nakakahalubilo niya na sa pang-araw-araw
niyang buhay. The girls in his world seemed to be smart but had really nothing to
say, samantalang si Ella ay tahimik, pero sa tuwing ibubuka nito ang bibig ay
nalulunod siya sa mga sinasabi nito. He wanted to know what was going through her
mind. Hindi madaling basahin ang iniisip nito. Hindi tulad ni Alcina na isang
tingin niya palang ay alam na niya ang iniisip.

Ella was one deep woman.

He sighed. Tatawagan niya ba ito? He again looked at the contract that was now
lying on his bed. Nahagip ng kanyang tingin ang pink notebook nito. He wondered
what was written inside of it. At kahit alam niyang bawal o hindi tama ay kinuha
niya iyon at saka binuksan.

He found out that the little notebook was like Ella's diary. He flipped through the
pages and found the contents of her notebook interesting.

-----------------------

Ella's TO DO list.

Note: Done almost 78 of it. Top 20 remaining. ♥


Ella's to do's

1. To experience a fairy tale.

2. To love.

3. To change another person's life.

4. To experience life at its best

5. To laugh like there's no tomorrow.

6. To bathe under the rain with someone I care about.

7. To smile because of that someone

8. Make someone smile

9. To meet someone peculiar.

10. Plant a tree.

------------

Day 32. I saw the first kiss stealer again.

>>>>

Memories. Day 38.

>>>>>

Day 39. The first kiss stealer kissed me again. What the hell?

>>>>>

Day 42 -- The first kiss stealer gave me kitkat.

>>>>

Day 44 -- I saw the pain in his eyes. It was excruciating.

>>>

Day 45 -- I agreed with him. Can't believe, I'm actually going along with the lie.
But I have to. I want to help Nathan.

>>>>>

Day 47 --- The day I finally believe in Knight in shining armor. Nathan made me
believe.

>>>>

Day 50 --- THE END.

Is it possible for a story to begin at the end? Is it possible to end at the


beginning? If so, can someone tell us where this all ends, and where does it all
begin?
ENDINGS are hard, Beginnings are Tricky.

>>>>

Day 52 --- Looking forward to planting a tree with my best friend Jenny.
Excited. :)

----------------

May mga ilang entries pa roon na hindi niya alam kung nakakatawa o nakakainis. Some
of her to do list where to childish like;

29. Eat all the ice cream flavors I want.

47. Ride all the rides in Star City.

57. Run barefooted.

86. To build a sand castle.

Who would think of this? At bakit may to do list na ganito si Ella? He shook his
head. Muli ay inilipat niya ang pahina ng notebook nito and he stopped when he saw
a picture of them with the rainbow at their back.

He remembered that day. It was their last day in Bataan, the day they spent hours
in the park.

He sighed. He felt like a big asshole. Dapat yata hindi niya basta inaway si Ella
ng ganoon. He was wrong...

*******************************************
[12] 10. The Proposal
*******************************************
It was a lazy Saturday afternoon and Ella have decided to spend the day with her
best friend, Jenny. She wanted to make up for what Nathan did to Trey. Hiyang-hiya
siya sa kaibigan at hindi talaga niya malaman kung paano niya ipapaliwanag dito ang
mga bagay-bagay sa pagitan niya at ni Nathan. Hindi niya pwedeng sabihin dito ang
balak sana nila ni Nathan. Alam niyang magagalit ito sa kanya at sasabihin nitong
tanga siya.

Kungsabagay ay tanga naman talaga siya. Sino ba namang matinong tao ang papayag sa
gusto nito? Ni hindi nga sila ganoong katagal magkakilala ni Nathan. Ni wala pang
isang taon silang nagkakakilala pero pumayag siya sa gusto nito. It was a stupid
move for her pero ginawa lang naman niya iyon dahil akala niya ay matutulungan niya
si Nathan, hindi naman pala.

"Nandito na ako, Ellang Panget!"

Agad siyang napalingon sa may sala nang marinig niya si Jenny. Nakatayo ito sa may
pinto at may dalang dalawang malaking supot. Mukhang masaya naman ito, hindi
katulad noong isang araw na parang inis na inis ito sa kanya. Kung iisipin, kahit
siya ay nainis sa nangyari. Nainis talaga siya kay Nathan dahil sa inasta nito.
Akala mo naman kung sino. Ni hindi siya nito binigyan ng pagkakataon para
magsalita.

"Ano iyan?" tanong niya habang papalapit dito.

"Pick - A, Tortillos, nova saka siyempre..." may inilabas ito mula sa supot.
"KitKat na chunky!"

Agad niyang kinuha ang KitKat na dala nito. Lumingon-lingon ito sa paligid.

"Nasaan ang mga boys?"

"Nandyan lang iyan, naglalaro siguro ng ps3. Tara, pagnasaan na natin si Ryan
Gosling." nakangiting wika niya.

"Ay, gusto ko iyan! Actually nagdala ako ng bib para pamunas sa laway mo kung
sakaling tutulo man iyan!" malokong sabi ng kaibigan niya. She made a face. Niyakag
niya si Jenny sa kusina.

"Kumain muna tayo." sabi niya. Nagpatiuna na siya sa kusina, alam naman niyang
kasunod na niya ito. Nagluto siya ng siningang na baboy para kay Jenny. Paborito
kasi nito iyon.

"Wow! Siningang! Masarap kaya?" tudyo nito.

"Nagsalita ang nagluto ng adobong nilaga! Pasalamat ka matibay ang helmet ni Trey
kundi lait ka noon!"

"Subukan niya lang laitin ang pinapakain ko sa kanya!" nanlalaki pa ang singkit
nitong mga mata.

"Umupo ka na." sabi niya. Kanina pa siya nakahain. Hinihintay niya lamang talaga si
Jenny. "Mga panget! kakain na!"

Maya-maya ay narinig na niya ang dagundong ng mga yabag ng mga pamangkin niya. Nang
makita ng mga ito si Jenny ay parang nakakita ng clown ang mga ito. Tawa ng tawa.

"Ta Jenny, ano iyong dala mo?" tanong ni Ron.

"May dala akong krispy kreme. Gusto mo iyon diba?" wika pa ni Jenny. Umupo siya.

"Ah! Kapag sa akin KitKat lang, pag sa kanila, KK?"

"KK din naman iyong sayo." nakangusong sabi nito. Nagsimula na ang mga itong
kumain. Tahimik na pinagmamasdan niya ang mga ito. Napangiti siya. Masaya siya
sapagkat lasama na naman niya ang mga taong mahalaga sa kanya ngunit kasabay noon
ay nakadarama siya ng kalungkutan. Paano kapag dumating na ang panahon? Siguradong
malulungkot siya. Mami-miss niya ang mga ito.

"So, kamusta iyong boyfriend mo?" tanong ni Jenny. Natahimik ang tatlo niyang
pamangkin.

"Hindi ko boyfriend iyon." matipid na wika niya.

"Break na kayo ni Kuya Nathan!?!" halos magkasabay na wika ni Allen at ni Ron.

"E di masaya pala." komento naman ni Lj. She just smiled.

"Basta. It's complicated. Ang importante, chorva na siya. Kumain na kayo." wika pa
niya. Muli ay nagkwentuhan ang mga ito. Napansin niyang nginitian siya ni Lj.
Napabuntong hininga siya. Kung alam lang talaga nito. Alam niyang galit ito kay
Nathan pero wala naman talagang dahilan para magalit ito. Kaya lang, hindi talaga
niya pwedeng sabihin.

Matapos kumain ay inutusan niya ang tatlo na magligpit. Agad namang tumalima ang
mga ito. Nakaupo pa rin siya sa mesa kaharap si Jenny. She was laughing with her.
Sa tuwing kasama niya ito ay hindi siya pwedeng hindi tumawa.

Nasa kalagitnaan siya ng pagtawa nang biglang tumunog ang doorbell niya.

"May tao." wika ni Ron.

"Ay hindi. Aso iyon. Pinindot lang iyong doorbell." nakangising wika ni Jenny.

"Waley ka, Bebang..." natatawang sabi niya habang patayo. Mabilis na tinungo niya
ang sala upang buksan ang pintuan. Wala naman siyang inaasahang bisita kung kaya't
natataka siya kung sino ang tao sa likod niyon. She opened the door only to be
surprise. Standing outside was Nathan at mukhang gagagaling lamang nito sa ospital
dahil haggard ang hitsura nito.

"Anong ginagawa mo dito?" hindi niya napigilan ang pagtaas ng kanyang kilay.

Nathan just looked at her pagkatapos ay pumasok ito sa loob. Lalong tumaas ang
kilay niya.

"Tinatanong kita kung anong ginagawa mo dito?" muling tanong niya. Nathan faced
her.

"I'm here because ----"

"Ang sungit ng tita ninyo! Best Actress!"

Napalingon siya sa may kusina, nakita niyang nakasilip roon si Jenny at ang tatlong
pamangkin niya. Nathan was looking at them too.

"Out!" she yelled. Kulang na lang ay itulak ng mga ito ang isa't-isa para lang
makaalis.

"Si Tita Jenny kasi! Sabi ko wag nang sumilip." bulong ni Ron. Sabay-sabay ang apat
na umakyat sa taas. Tiningala niya ang mga ito at sinigurong pumasok sa silid.

"Anong ginawa mo dito?!" pinamaywangan niya ito.

"I know you're mad."

"I'm not mad!" mataas ang tinig na wika niya.

"Then why are you yelling at me?" kalmadong tanong nito sa kanya.
"This is how my voice sounds like when I'm not happy!"

"See you're mad."

"Pati ba naman emosyon ko gusto mong kontrolin?!" sigaw niya dito.

"Ella!" Nathan yelled back. "I'm here to apologize for the way I acted days ago. So
please stop yelling."

"Apology not accpeted. Uwi!" pagtataboy niya dito. Tumalikod siya ngunit bigla
siyang natigil nang hatakin ni Nathan ang braso niya tapos ay hinatak siya
papalapit sa pader. Itinukod nito ang mga kamay nito sa pader. Naiwan siya sa
gitna. Nathan made her look at him.

"I apologized in a nice way so the leat thing you could do is to treat me right."
malamig na wika nito.

"At ang yabang mo rin ano? Ikaw na iyong nagso-sorry ikaw pa ang mayabang. Anong
gusto mong palabasin? Ikaw ang bigger person? Gusto mong makinig ako sa'yo pero
pinakinggan mo ba ako noong isang araw? Ni hindi mo ako pinagpaliwanag! Sinigawan
mo ako sa daan at tinawag mo akong malandi!"

"Because you were flirting with that guy!" mas mataas ang tinig na sagot ni Nathan.

"I will never flirt with Trey because he is my best friend's boyfriend! At hinding-
hindi ako lalandi sa kahit na kanino dahil hindi naman ako ganoo!" maluha-luha na
naman siya. "Huwag mo akong itulad kay Alcina, Nathan. Iba siya, iba ako!"

Napahikbi si Ella. Naiinis na naman siya. Bakit ba ganoon na lang siya husgahan ni
Nathan? Ni hindi siya nito pakinggan pero kung makahusga akala mo judge, the last
time she checked, doctor ito at hindi judge, pero napaka-judgemental naman!

"Kaya nga nagso-sorry ako diba!"

"Nagso-sorry ka pero galit ka! Saksak mo sa atay mo iyang sorry mo! Bwisit ka!"

"Ahhhh!" Napipilan siya ng bigla na lang sumigaw si Nathan. Lumayp ito sa kanya at
pinadaan ang kamay sa buhok nito. He looked so frustrated and mad and confused.

"Ano bang gusto mo?! Lumuhod ako sa harap mo?!"

Hindi siya nakasagot. She was so caught up with the fact that Nathan yelled like a
teenage boy.

"Fine! Luluhod ako!" Lumuhod nga ito sa harap niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng
kanyang mga mata. "Ayan, nakaluhod na! Pwede mo na ba akong patawarin ngayon,
Ella?!"

"Nanghihinga ka ng sorry pero sarcastic ka! Bakit ba ganyan kayong mga lalaki?!
Gusto ninyo kayo lang ang dominante!"

"Eh ano bang gusto mo?!" muling tumayo si Nathan.

"Ewan ko! Hindi ko alam!" naiiyak na wika niya. "Mula nang pumasok ka sa buhay ko
hindi ko na alam kung anong gusto ko! Lahat ng dapat na gusto ko, lahat ng dapat na
gawin ko, nahinto, nagbago at napalitan noong dumating ka sa buhay ko! Nakakainis
ka! Para kang kabute na sumulpot sa buhay ko tapos bigla mo na lang babaguhin ang
lahat! Nakakainis ka! Nakakainis ka!"
"Naiinis ka sa akin? Itanong mo muna sa sarili mo kung natutuwa ako sa'yo!" gigil
na gigil na sabi ni Nathan sa kanya.

"Patas lang pala tayo! Umalis ka na sa buhay ko para bumalik na sa normal!"

"Hindi pwede!" sigaw nito.

"At bakit hindi pwede?!"

"Dahil...." natigilan ito, natahimik na parang hindi na alam kung anong susunod na
sasabihin. She waited for him to tell what he would say next pero tutubuan na yata
siya ng ugat sa binti ay hindi pa nagsasalita si Nathan.

"Ano?!" Nothing. He said nothing. Bigla ay hinawakan siya nito sa kamay.

"Come with me." wika nito.

"Ayoko." pilit niyang binabawi ang kanyang kamay.

"Just fucking come with me now!" Nakadama siya ng takot. Naalala niya iyong
sandaling nagalit si Nathan doon sa lalaking nambastos sa kanya sa tinadahan.
Napipilan siya. Tahimik na sumama siya kay Nathan. Isinakay siya nito sa kotse,
umikot ito. Maya-maya ay sumakay na rin ito at saka mabilis na pinasibad ang
sasakyan.

Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Tahimik na sinilip niya ito. Nakatiim
pa rin ang mga bagang nito at nakakuyom ang isang kamay nito. Natatakot siya. Baka
kasi mamaya ay bigwasan na lang siya basta ni Nathan. Napakagat labi siya.
Napalunok. Inilagay niya sa kanyang dibdib ang kanang kamay niya at saka
pinakiramdaman ang tibok ng puso niya. She felt her heart beating faster and she
wasn't sure if that was because of her fear of Nathan or because of something else.

Makalipas ang ilang sandali ay huminto na ang sasakyan. Mabilis na umibis si Nathan
ng sasakyan. Hindi siya bumaba. Nathan opened the car door.

"Get the fucking out!" he yelled again. Atubiling lumabas siya ng sasakyan. Hinatak
na naman ni Nathan ang kamay niya. Mabilis na naglakad ito. Hindi niya alam kung
nasaan siya. Basta puro bakanteng lote na lang ang nakikita niya. The meadow was
overlooking the metro. Napatingin siya kay Nathan.

"Nasaan tayo?"

Hindi ito sumagot. Huminto ito sa paglakad at binitwan siya. Tumalikod muli ito at
tinungo ang sasakyan. Nanlaki ang kanyang mga mata, mukhang may balak si Nathan na
iwan siya, ni hindi niya alam kung nasaan siya!

"Hoy! Seriously, iiwan mo ako dito! Gago ka ba!"

Nagtuloy-tuloy ito sa likod ng sasakyan. Binuksan nito ang trunk ng kotse at saka
may inilabas itong ano. Napansin niyang may dala itong pala. Nanlaki ang mga mata
niya. Ililibing na ba siya ni Nathan ng buhay? Ganoon ba kalaki ang inis nito sa
kanya?

Nang makalapit ito sa kanya ay umatras siya.

"Seriously? You're going to kill me that way?"

"Diba gusto mong magtanim ng puno?" wika nito. She was surprised because of how
calm his voice right now. Parang walang nangyari. Parang mabait na naman ito.
"H-ha?"

"You were there at the ecopark the other day because you wanted to plant a tree."
wika nito. May inabot ito sa kanya. She looked down and she saw some seedling
inside a small black plastic.

"The shovel was for this.. not for you." There was a hint of smile on his face.
Kahit paano ay napangiti na siya. Kinuha niya ang seedlings mula sa kamay nito. She
looked at him. Is this his way of apologizing.

"Tatanga ka lang diyan? Nagiging impatient na naman ako."

"Sabi ko nga." Tumalikod siya. Nathan started digging a hole.

"Pwede na iyan... " lumuhod siya at ipinasok sa hukay ang seedling na bigay nito sa
kanya. Inayos niya iyon. Matapos masiguro na okay na ang seedling ay kinamay niya
ang lupang hinukay ni Nathan. Unti-unti niyang ibinalik iyon sa hukay.

Masaya siya. She had done her number 10 to do. Pag-uwi niya sa bahay ay ino-note
niya iyon sa notebook niya. She sat in front of the tree she had just palnted and
stared at it adoringly.

"Can I ask.." Nathan started. "Why did you want to plant a tree?"

Ngumiti siya ngunit hindi pa rin niya iniaalis ang kanyang mga mata sa punong
kanyang itinanim.

"Dahil gusto ko."

"That simple? Trip lang"

"I wanted to plant a tree because I want my roots to be intact to a place where the
people I love could see me. Iyong tipong kahit wala na ako, pero kapag binalikan
nila ang lugar na iyon, makikita nila ako, mararamdaman," may kung anong bumikig sa
kanyang lalamunan.

"Why?" parang naguguluhang tanong nito.

"Because I don't want the people I love to miss me."

"And you want them to look up to this tree and think of you?" muling tanong nito.

"Dati may napanood ako. Tinanong siya noong kapatid niya kung ano daw ang gusto
niyang maging kung magre-reincarnate siya. Sabi niya gusto daw niyang maging puno.
Ang puno kasi kahit gaano katagal na panahon ang lumipas, hindi umaalis sa lugar
kung saan siya nagsimula. Ganoon din ang gusto ko. Ayokong umalis sa lugar kung
nasaan ang mga taong mahal ko."

"Naguguluhan ako, Ella. Saan ka ba pupunta at aalis ka? Are you going abroad?"

Nginitian niya si Nathan.

"This tree.... from now on will be my representation. Kapag umalis ako, maiiwan
dito iyong kalahati ko."

She looked at the tree again. Sana tulad ng puno ang buhay niya. Matagal, matibay
at kayang subukin ng bagyo...
Sana...

"Nathan, salamat ha?" wika niya dito.

"Sorry.." mahinang wika ni Nathan. Napangiti siya.

"Okay lang. Sorry din kung nasigawan kita. Nainis kasi ako sa'yo pero you made up
by giving me this chance of planting my tree."

"Yeah..."

"O-okay lang ba kung uuwi na tayo? Nandoon kasi si Jenny sa bahay namin... Iyong
best friend ko." paliwanag niya. Tumango si Nathan matapos iyon ay nauna na itong
tumayo. Inilahad nito ang kamay nito sa kanya at tinulungan siya.

Kasabay ng pagtayo niya ay ang siya namang pagluhod muli nito. Nagtatakang
tiningnan niya ito. What was he doing? He got on his knee and looked up at her.

"Wh-what are you doing?"

"I thought i'd make this official. My father used to tell me and my brothers that
this is the proper way of asking for a girl's hand. So I'm doing this."

Napanganga siya. What the hell is going through Nathan's head. May kinuha ito mula
sa bulsa nito. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang isang kulay
violet na velvet box. Nathan opened it and she saw a big diamond ring inside.

Ngayon lang siya nakakita ng diamon ring.

"I'm asking for your hand in marriage. Let's just talk about the paperworks later
on, but right now, Marcela, Ella, Ellang Panget or whatever other names people call
you, I am asking you, will you marry me?"

Never in her twenty seven years of existence did she thought about this moment. She
never thought about a man -- or any man at all --- would dare ask her that
question. She was just eyeing Nathan, appalled by the fact that this man, the man
she just met months ago, the man who told lies about her and him to her family, the
same man who just agitated him a while ago, was now kneeling infront of her asking
her hand for marriage.

And what shocked her more was the word that escaped her lips. Iyon yata talaga ang
tinatawag nilang spur of the moment, because right at that moment, she wasn't
really thinking, right at that moment, it was her heart -- not her sane mind who
said --

"YES..."

*******************************************
[13] 11. Live for a moment
*******************************************
Ella was standing in front of the mirror looking at herself, she was particularly
looking at her left hand, to be more specific, she was staring at her ring finger
where Nathan's ring is. Napabuntong hininga siya. Nagkaroon siya ng spur of the
moment chuchu at ngayon ay hindi na niya alam kung anong gagawin niya. How was she
supposed to tell her family about the engagement? Kung sasabihin naman kasi niya sa
ngayon ay wala sanang problema, pero ang iniisip niya ay ang kasal. Paano iyon?
Paano ang magiging set up nila? Ni hindi nga niya alam kung kailan planong gawin ni
Nathan ang mga bagay na iyon at nabuburyong siya dahil kahit gustong-gusto niyang
malaman ang mga detalye ay hindi naman siya makapagtanong.
Nahihiya siya. Baka kasi isipin ni Nathan na excited siya.

"Ta!" Bigla ay itinago niya ang kanyang kamay nang marinig niya ang boses ni Allen.
"Kanina ka pa diyam di ka pa ba lalabas?" sabi nito habang kumakatok sa pinto ng
bathroom. Mabilis nuyang binuksan ang pinto at saka nginitian si Allen.

"Aano ka ba?" tanong niya. Nagkibit balikat ito.

"Wala. Tumawag kasi iyong Condrad. Hinahanap ka niya."

Saglit na napaawang ang kanyang mga labi. Tinitigan niya si Allen na sa


pagkakataong iyon ay nakatingin din sa kanya. Kumabog ang dibdib niya.

"A-anong s-sabi niya?" kinabahan siya. "May sinabi ba siya?" Tumaas ang tinig niya.

"Wala. Sabi lang niya kailangan mo daw siyang puntahan ngayon dahil matagal na
kayong hindi nagkikita."

"Iyon lang?" naninigurong tanong niya. "W-wala nag iba?"

"Wala na. Meron ba dapat?" tudyo nito. Umiling siya. Agad niyang tinalikuran si
Allen at saka pumasok sa kanyang silid. Parang gusto niyang maiyak. Bakit tatawag
si Condrad sa kanya? Noong huli siyang makipag-usap dito ay nilinaw niyang ayaw
niya sa sinasabi nito.

Nagbihis siya. Kung tumawag si Condrad ang ibig sabihin ay kailangan niya talagang
magpunta at makipagkita dito ngunit ayaw niya pero alam niyang kailangan.

Napaupo siya sa kanyang kama at hinatak papalapit ang kanyang bag. She put her hand
inside trying to trace that familiar little notebook pero wala siyang nakapa.
Itinaktak niya ang laman ng kanyang bag pero hindi niya nakita. Nakadama siya ng
lungkot. Nasaan ang notebook niya?

"Hindi ko pa naman nalalagay na nagawa ko na si number 10..." malungkot na wika


niya.

"Ta!" si Ron iyon. Pumasok ito sa kwarto niya.

"Boyfriend mo ba iyong Condrad? Apat na beses ng tumatawag. Puntahan mo daw siya.


Hihintayin ka niya ng buong maghapon. Ang haba ng hair mo ha..."

"Oo, pupunta na ako." Atubiling tumayo siya. Palabas na siya ng silid nang marinig
niya si Ron.

"Ta, okay ka lang? Namumutla ka eh..."

Was she okay? Of course she wasn't. Her heart, she doesn't know if it was beating
fast or slow or slow to fast. She doesn't know when it will stop beating, she
doesn't know if she would still wake up tomorrow. Hindi niya alam kung kailan ang
ending and that fact alone scares the hell out of her.

So if somebody asks her if she was okay, isa lang ang sagot doon. Hindi siya okay.

Nagpatuloy lamang siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang labas ng kanilang
bahay. Pinara niya ang taxi na kanyang nakasalubong. She wasn't okay. Matagal na
siyang hindi okay at mas lalong tumindi ang kaba at takot niya nang marating niya
ang ospital.
Habang nilalakad niya ang kahabaan ng corridor ay parang wala siyang nakikita at
naririnig. Naluluha siya. Naninikip ang dibdib niya. Ni hindi niya alam na may
nabangga na siya. Basta ang alam lang niya ay kailangan niyang makalampas sa floor
na iyon papapunta kay Condrad, but then her vision became blurry, her breathing was
becoming uneasy, she was trembling, she was losing air...

"Miss, miss, okay ka lang?"

Hindi niya alam kung sino ang nagtatanong. Hindi niya makita ang mga mukha ng mga
taong pumaligid sa kanya. She was feeling scared. She wanted so much to stay awake
for she doesn't if she close her eyes now, will she be able to wake up again and
play the game of life... Ayaw niya, pero wala namang siyang nagawa...

================

Nathan just finished his rounds. Pabalik na siya sa kanyang clinic nang makita niya
si Alcina na nakatayo sa dulo ng corridor habang nakatingin sa kanya. He was sure
that she was waiting for him. Ilang oras na kaya itong naghihintay. He was actually
waiting for this day na makakasalubong niya ang babae. Gustung-gusto na niyang
sabihin dito ang plano niyang pagpapakasal kay Ella. He wanted to see how she would
react.

"Nathan, we have to talk."

"About what now? Tapos na tayo. You made it clear. Nilalapitan pa ba kita?"
sarcastic na wika niya dito. Kitang-kita niya ang pagkabigla ni Alcina. Halos
maluha na ito sa kanyang harapan.

"Nathan, please don't do this.." she said almost pleading. Napailing siya. His plan
was doing so well.

"I'm not doing anything." Nilagpasan niya ito.

"Nathan!" she shouted. Huminto siya at saka muli itong nilapitan.

"You chose him. Panindigan mo iyon..." tiim ang mga bagang na wika niya.

"Pero mahal kita..." she held on to his hand. Bigla ay parang gusto niyang yakapin
si Alcina at sabihin dito kung ano talaga ang nararamdaman niya. He wanted to tell
her how much she missed her, even the little things she does na nakakainis para sa
kanya ay nami-miss niya. He wanted to show her how much she loved her, how much he
value her. He wanted to grab her right now and make love to her --- but he
couldn't. He just couldn't.

Gusto niya na sa oras na sabihin niya kay Alcina na mahal niya pa rin ito ay siya
na lang ang lalaki sa buhay nito at wala nang iba. He was ready to give her the
world and everything it has to offer. Ang kailangan na lamang niya ay ang
maghintay.

"I'm getting married." he said outloud. Binitiwan ni Alcina ang kamay niya.

"What the fuck are you talking about, Nathaniel?!"

"Accept it, Alcina. We both have different lives now. Ikaw, kasama si Condrad, ako
kasama ang babaeng nagturo sa akin kung paano mabuhay ng wala ka. Face it."

Tinalikuran niya ito. He was feeling victorious. Masaya siya. Alam kasi niyang
kaunting panahon na lang ang hihintayin niya ay makakasama na rin niya si Alcina.
He was willing to wait for her no matter how long. He was willing to beat all the
odds, pero sa ngayon ay kailangan muna niyang maghintay.

================

Ella woke up feeling tired and groggy. Her tears fell down automatically when she
realized that she woke up. Ibig sabihin ay buhay pa siya at makakasama pa niya ang
mga taong mahalaga sa kanya. She looked around and she saw a nurse trying to fix
her oxygen. Napatingin ito sa kanya at saka ngumiti.

"Gising ka na, tatawagin ko lang si Doc. Mendez." pagkasabi niyon ay lumabas na ito
ng silid. Hindi naman nagtagal ay muli itong bumalik kasama ang bangungot niya --
si Doctor Condrad Mendez. He looked as if he wasn't happy. Kinawayan niya ito.
Matapos iyon ay dahan-dahan niyang ibinaba ang aparato na tumatakip sa kanyang
bibig.

"Hi doc..." mahinang wika niya. Napailing ito.

"Ang tigas ng ulo mo." komento nito. Sa kabila ng nakikita niyang disappointment sa
mukha nito ay natawa pa rin siya. Oo, alam naman niyang matigas ang ulo niya at
ngayon ay dalawa na silang nakakaalam noon.

"Doc, sorry..." Nagyuko siya ng ulo. Umiling na naman ito.

"Did you know what just happened to you?" mahina ngunit mariin ang mga katagang
binitiwan nito.

"H-heart a-attack?" what she said was supposed to be a joke. But when Condrad
nodded at her, she trembled.

"First of many, Ella, kung hindi ka susunod sa sinasabi ko sa'yo."

Tumulo na naman ang luha niya at hindi iyon dahil sa kasiyahan. Naiyak siya dahil
sa takot. Ito na ba ang simula ng katapusan?

"Huwag kang umiyak. Alam mo naman na mangyayari ito pero hindi ka nakinig sa akin.
I'm your doctor, Ella. And I'm here to save your life."

"Hindi naman ako damsel in distress, I don't need saving, Doc."

"You're sick. You need some saving."

"It doesn't matter. Mamamatay rin naman ako, so what's the point of therapy?"

"It could help you."

Pagak siyang natawa. Matutulungan siya ng therapy? Sa paanong paraan? Noong minsan
na nagpunta siya sa heart center at tiningnan ang mga kapwa niya may sakit at
nagte-therapy ay nadismaya lamang siya. Some of them looked so weak, so tired, some
of them wanted to give up. So para saan pa ang therapy niya kung magkakaganoon lang
pala siya.

She wanted to live life. The reason why she quit her job after finding out that she
was sick, was because she wanted to live life and experience the beauty of it. She
wanted to be spontanous. She wanted to be free at kung magpapakulong siya sa
therapy ay hindi mangyayari iyon.

"You have heart dysryhtmia, Ella. You need the therapy."


"I have heart dysrythmia, doc, and what I need is to live life not to try living
it."

"Ang tigas ng ulo mo. Hindi naman dapat life altering iyang sakit mo kung nakinig
ka lang sa akin noon pa. Therapy coould save you. There's a fifty-fifty---"

"Ikaw na rin ang nagsabi doc, fifty - fifty. Paano kung mas lamang iyong fifty
percent na mamatay ako?" Pinilit niya ngumiti.

"Pero paano kung may chance kang mabuhay? Don't you wanna live a life kung saan
hindi ka natatakot o nag-iisip kung hihinto ba ang tibok ng puso mo o hindi?"

Hindi siya kumibo. She just sat there motionless. Ano ba ang sasabihin niya? Ayaw
niyang magpagamot. Ayaw niyang umasa. Sinabi nito minsan sa kanya na traydor ang
sakit niya. Having heart dysrythmia means that her heartbeat wasn't normal. Her
heart could beat slow then fast, then fast to slow. It scares her. Natatakot siyang
mamatay, natatakot siyang basta na lang huminto ang puso niya isang araw at hindi
na siya magising. Pero mas natatakot siya sa katotohanang na isang araw, hindi na
niya makasama ang mga taong mahalaga sa kanya.

That's what scares her the most.

=====================

"Doc, uwi na po ako."

Nakangiting tinanguan ni Nathan ang secretary niya. Nasa loob pa rin siya ng
kanyangn klinika at nag-iisip. He liked the way Alcina reacted with his news.
Apektado ito sa kanyang desisyon. Isa lamang ang ibig sabihin noon. She was still
in to him. That was the good news.

"Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ng sekretarya niya.

"Pauwi na rin. I'm just going to do something." Nauna na siyang lumabas ng clinic.
He went straight the elevator. Kailangan niyang kausapin si Condrad., He thought
that if he was going to screw the man's life, the least thing he could do was help
him with his research so he went to the cardiac floor to look for Condrad.

Hindi naman siya nahirapang hanapin ito. He saw Condrad standing near the Nurse's
station talking to someone. Agad niyang nilapitan ito.

"Pakialis na iyong oxygen niya. Normal na ulit iyong breathing niya. Tomorrow I'm
going to give her the heartbeat monitor. Make sure you check her every half an
hour. May history din kasi ng sleep apnea iyong patient."

"Doc..." tawag niya dito. Agad na humarap si Condrad sa kanya.

"Nathan." Condrad smiled at him. "Ginagabi ka, may operation ba?"

"Wala.. I just wanted to tell you that I'm in." he said smiling.

"In where?" tila naguguluhang wika nito. "In my research?"

"Yup.. that's the least thing I could do. You know.." he shrugged. Agad na
napangiti si Condrad.

"Thanks, pare. Akala ko ayaw mo akong tulungan. Alam mo na.."


"Nah... I was just out of sorts that day." tinapik niya ang balikat nito. "Ano nga
palang ginagawa mo dito? The wife must be waiting for you. It's getting late.."

"Yeah, sinilip ko lang iyong isa kong pasyente."

"Matigas ang ulo?" tanong niya. Kilala niya si Condrad. Hindi ito papagabi ng
ganoon kung hindi kailangan. Intern pa lang ito ay kakaiba na ito mag-alaga ng
pasyente. He was passionate about helping his patients and he admired that about
him. Too bad he would screw his marriage. Mabait pa naman ito.

"Oo, heart dysrythmia ang sakit pero ayaw magpagamot."

"Life altering na ba? Abnormality lang naman ng heartbeat diba?" tanong niya. He
tried sounding interested. Pero sa isip niya ay naaawa siya dito dahil malapit na
niyang makuha ang isang bagay na matagal na niyang dapat binawi.

"Hindi sana, pero dahil tumanggi siya sa therapy, nagkaroon ng complications. Her
heart could just stop beating at any moment and I can't do anything about it."

"Too bad." he said. Nagkibit balikat siya. Condrad's patient surely wanted to die.
Kung pinahahalagahan nito ang buhay nito, sana noon pa man ay nagpagamot ito, pero
sa tingin niya ay wala na itong pakialam kung mamatay man ito o hindi.

"Mauna na ako." paalam niya dito. Tumalikod siya. He went to the elevator again.
Pangiti-ngiti siya. He was thinking about Alcina and the live they could live
together. He would make her happy, he would make her his queen. Ibibigay niya ang
lahat ng gusto nito, pasasayahin niya ito tulad ng pangako niya dito. Malapit na
ang araw na iyon. Right now he first have to deal with Ella. Kailangan niyang
makausap ito para maayos na ang kasal.

He got in his car and started driving. Bago tuluyang makalabas ng parking lot ay
sinubukan niyang tawagan si Ella pero hindi nito sinasagot ang tawag niya. Marahil
ay may ginagawa ito. Naisip niyang tawagan na lamang ito mamaya. He drove passed
the hospital gates. Hindi maitatanggi na ang nararamdaman niyang kasiyahan sa araw
na iyon. He and Alcina would be together.. malapit na. He was looking forward to
that.

Lumiko siya sa may crossing. Nagpalinga-linga pa siya sa kanyang paligid, making


sure na wala ng ibang sasakyan. He wanted to drive fast because he wanted to feel
his adrenaline at iyon nga ang ginawa niya ngunit bago siya makalampas sa street na
iyon ay isang pamilyar na pigura ang kanyang nakita. Hinintuan niya iyon.

He saw a girl sitting on the pavement as if trying to catch her breath. Nakayuko
ito. Binuksan niya ang bintana ng kotse. He wanted to make sure naisip niya na baka
kamukha lamang nito ang babaeng naiisip niya.

"Miss?" tawag niya dito. Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang babaeng nakaupo.
Napakunot noo naman siya.

"Nathan..." mahinang bigkas nito sa pangalan niya.

He was right. Si Ella nga ang babae.

"Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong niya. "Tumayo ka nga diyan!" Binuksan
niya ang pinto. Hindi naman ito nag-atubiling sumakay.

"Buti napadaan ka, kanina pa ako nag-aabang ng taxi, walang dumadaan." sabi nito
habang kinakabit ang seatbelt.
"Anong ginagawa mo doon sa sidewalk? Para ka namang tanga." naiinis na naman siya
dito. "Paano kung may gumahasa sa iyon doon?"

Napatingin siya kay Ella nang bigla itong tumawa ng malakas. He wondered why the
hell was she laughing. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

"Gahasa talaga ano?" nakangiting wika nito. "Wala naman. Saka kung meron mang
gagahasa sa akin, bibigay ko na lang ang puri ko sa kanya."

"What?" naguguluhang tanong niya. "Papa-rape ka?"

"Oo. Kesa naman patayin niya ako diba.. Eh kapag lumaban ako, gagahasain ako noon,
tapos papatayin pa. Eh di double dead, so papa-rape na lang ako at least kapag
naisip niya akong patayin makokonsensya siya."

"Sa tingin mo ba ang mga taong ganoon ay may konsensya?" What the hell was Ella
talking about? Hindi talaga niya ito maintindihan minsan. Kung anu-anong lumalabas
sa bibig nito, mga bagay na minsan ay walang sense, pero nakakatawa, ngayon
nakakainis ang sinasabi nito.

"Nathan, lahat ng tao may konsenya. Lahat ng tao mabuti, minsan nakakalimutan lang
nila na mabuti sila kaya nakakagawa sila ng masama. Parang ikaw. Mabuti kang tao,
pero nakalimutan mo iyon dahil nabubulag ka ng kagustuhan mong makasama ang babaeng
mahal mo."

He was speechless again. Somehow, what Ella said hit right through his heart. She
was right again, he might be a good person, he still care about Condrad's feelings,
kaya nga siya pumayag tumulong sa research nito. Gusto muna niya itong gawan ng
mabuti bago niya agawin ang asawa nito.

"Isipin mo si Robin Hood, mabait siya, pero nagnanakaw siya and he was doing that
para makatulong siya sa iba kaya kahit magnanakaw siya, mabuti pa rin ang tingin sa
kanya ng mga natutulungan niya."

"Pero fiction lang iyon."

"Oo, fiction pero ---"

Natigilan ito sa hindi malamang dahilan. Napatingin siya kay Ella. Titig na titig
ito sa bintana.

"Umuulan." bulong nito. She looked at him. "Nathan, pwedeng pakihinto ang
sasakyan?"

"Why?" he asked a bit confused. Ella just smiled at him and shrugged.

"Stop the car and let's live for the moment."

Hindi niya alam kung anong meron sa ngiti ni Ella at naisip nga niyang ihinto ang
sasakyan. The moment he parked the car at the road side, Ella got out of the car
and run around like a little kid. Mukhang tuwang-tuwa ito sa pagligo sa ulan.

"Nathan! Tara dito!" sigaw nito sa kanya. He suddenly remembered what Ella said a
while a go.

Live for the moment.

Tulad nito ay lumabas na rin siya ng sasakyan at sumunod dito. When he got out of
the car, Ella was already soaking wet.
"Yes!!" sigaw nito habang patakbo-takbo. He smiled while watching her. Tumingin rin
ito sa kanya at saka lumapit.

"C'mon, Nathan!" Hinawakan nito ang kamay niya at saka hinatak siya papalapit.

"Let's live for a moment!" muling ulit ni Ella. He was just staring at her. Bakit
ganoon? Bakit sa kabila ng masayang ngiti ni Ella ay may nakikita siyang
kalungkutan sa mga mata nito? Para saan ang lungkot na iyon?

*******************************************
[14] 12. The big I Do
*******************************************
"Saan ba talaga tayo pupunta, Nathan?"

Hindi na mabilang ni Ella kung ilang beses na niyang naitanong kay Nathan ang bagay
na iyon. Hindi niya inaasahan na susulpot na lang ito bigla sa harapan ng bahay
niya at aayain siyang umalis. Hindi ito nagbigay ng kahit na anong paliwanag kung
saan siya dadalhin nito. Basta na lamang siya nitong pinasakay sa kotse at saka
pinasibad iyon.

"Nathan!" untag niya dito. Noon lamang ito tumingin sa kanya. He gave him that
boyish smile.

"We're scheduled for fitting today."

Fitting? Nagtatakang napamaang siya dito. Anong fitting?

"Anong fitting?"

"Fitting. You know, my tux, your wedding dress. And yeah, I'm gonna buy you some
dresses para sa engagement party."

"Engagement party?!"

Halos lumuwa ang mga mata niya sa narinig. She wasn't aware with the fact that
there would be an engagement party. Ano ito? Gulatan? Hindi siya prepared!

"Yup. Now that you've accepted my proposal, it's time to tell the world about you
and me. Aren't you excited, baby?" kinindatan siya ni Nathan. Napangiwi siya. Hindi
niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan nang tawagin siya nitong baby. She
remembered the time when she went to Nathan's clinic and she heard Alcina called
him baby. Malamang iyon ang tawagan ng mga ito. Malamang iyon ang tawag nito sa
lahat ng naging babae nito.

Napakagat labi siya. Hindi niya alam kung anong dapat sabihin niya. She was caught
off guard. Kung mangyayari ang engagement party, ibig sabihin, malalaman ng buong
Pilipinas ang tungkol sa kanila ni Nathan. She felt nervous. Bigla niyang naisip
ang pamilya niya. Anong sasabihin ng mga ito? She was sure that her face will be in
the papers the moment Nathan introduced her to the wolrd.

What the fuck will happen after that?

"T-teka... hindi pa nga natin napipirmahan iyong kontrata eh..." ungot niya. Nathan
smiled at her again.
"Dala ko. Mamaya sa luch, i-review natin after that pirmahan na. I already told Leo
to put in whatever you want too. Pwede kang magsabi ng kahit anong demands, baby."

Baby... Tinawag na naman siya nitong baby. Bakit ba siya nito tinatawag na ganoon?
Kinikilabutan tuloy siya lalo.

"Ka-kailan i-iyong sinasabi mong engagement p-party? Saka kailangan ba talaga


iyon?"

"Yes, Ella. We need that. You need that so people would know who you are."

"Bakit?" Nadistort ang mukha niya. Napabuntong hininga siya. Kailangan ba talaga
iyon? Hindi naman siya kailangan makilala ng mga tao. Umusad ang trapiko. Nathan
started driving again. Nilingon niya ito.

"Huy..." marahan niyang pinidot ang braso nito. "Huu..." Inulit niya ang ginawa
niya kanina but this time, pinisil na niya ang braso ni Nathan.

"Grabe!" nanlalaki ang mga mata niya. "Ang tigas ng muscles mo! Ano iyan, bakal?"

"Ella, stop fooling around." Tila naiinis na sabi nito. Napalabi naman siya,
lumalabas na naman ang kasungitan nito.

"Para nagtatanong lang..." muli siyang huminga ng malalalim. "K-kailan iyong e-


engagement party?"

"Mamayang gabi..."

"Mamayang gabi," napamaang siya. "MAMAYANG GABI!!! HOY NATHAN! UMAMIN KA, ANONG
TINIRA MO!"

"What are you talking about? And can you please lower your voice?" Inihinto nito
ang sasakyan sa tapat ng isang mall. Nauna na itong bumaba kaysa sa kanya.
Atubiling sumunod siya dito.

"Seriously, mamayang gabi na iyon? Bakit? Hindi ka naman excited no? Walang bahid
ng excitement sa katawan mo!"

"Ella, we need to do this as soon as possible." hinawakan nito ang kamay niya at
saka hinatak siya papasok ng mall. Hindi siya makapagsalita. Mamayang gabi ang
engagement party at ni wala siyang ideya na may ganoong event na mangyayari sa
buhay niya. Ang bilis yata. Tiningnan niya si Nathan. Likod nito ang nakaharap sa
kanya. He was busy reading a text message on his blackberry. Right then, she wished
that she could actually read his mind. Gusto sana niyang malaman kung ano pa ang
iniisip nito. Ayaw na kasi niyang masurpresa. Mula kasi ng makilala niya si Nathan,
parang araw-araw may surprise sa buhay niya.

"We're here." wika ni Nathan makalipas ang ilang saglit. May kinawayan si Nathan sa
loob, ilang saglit pa ay may lumabas na isang magandang babaeng nakasuot ng gray
dress. She was smiling at the both of them.

Dresses and Tux. Iyon ang pangalan ng shop na pinuntahan nila.

"Good morning, Doctor Varres."

"Morning, Sandra. This is my wife to be, Ella Guanzon. Baby, si Sandra, wedding
coordinator natin."
Wedding coordinator. The woman smiled at her.

"Hi, Ma'am. Halika na sa loob para ma-try ninyo na iyong gown ninyo."

"May gown na ako?" Clueless na tanong niya. Pinisil ni Nathan ang kamay niya.

"Oo. Diba you were the one who designed it?"

"I did?" Pagak na tumawa si Nathan.

"Sandra, pasensya ka na sa magiging asawa ko. Makakalimutin talaga siya."

"I understand, Sir. Let's go."

Pumasok sila sa loob ng shop at sinalubong pa sila ng ibang mga nagagandahang


nilalang.

"Sir, your suit for tonight is already in the fitting room." Nakita niyang sumunod
si Nathan sa dalawang babae. Pumasok ito sa loob ng sa tingin niya ay fitting room.
Naiwan siya sa kamay ni Sandra at ng iba pa. Nahihiyang nginitian niya ang mga ito.

"A-anong gagawin natin?" kapagkuwan ay tanong niya.

"This way, maam..." ngumiti muli si Sandra sa kanya. Dinala siya nito sa loob ng
isang fitting room. Nang pumasok siya sa loob niyon ay napamangha talaga siya.

"Grabe, ang laki naman ng dressing room ninyo! Natutulog kayo dito?"

"Hindi po, Ma'am.." magalang na sagot sa kanya ni Ella. "Ma'am Ella, look here...
This will be your gown for the engagement party. It's just a classic white and
black knee length mini dress that will compliment Sir Nathan's suit for tonight. On
your left naman po, you can see your wedding gown, a simple one shouldered empire
cut dress with swarovski crystals and silk laces. It will compliment Sir Nathan's
gray and white tuxedo..."

Her heart fluttered as she slowly walked towards her supposed to be wedding dress.
She wanted to burst into tears. Seeing the gown made her realize that this thing
with Nathan is really happening. It's so true. Hindi na iyon basta plano lang,
naroon na, sa kanyang harapan ang mga bagay na makakapagpatunay sa kanya na totoo
na talaga ang gulong pinapasukan niya. Totoong magpapakasal sila ni Nathan.

"You wanna see if the gowns fits you?" narinig niyang tanong no Sandra. Napatango
na lamang siya. Maingat niyang hinaplos ang wedding gown sa kanyang harapan. She
caressed it like a delicate velvet flower, she was afraid of breaking the dress, it
looked so fragile.

"This way, ma'am." hinatak siya ni Sandra sa kung saan. The next thing she knew she
was standing in front of a big mirror, and two girls were helping her put on her
wedding dress. After a while, naisuot na ng mga ito ang damit sa kanya. At
parang... gusto niyang maiyak nang makita niya ang sarili niya.

She doesn't know why she was being emotional. But as she was looking at her
reflection in the mirror, she suddenly remembered a little girl who used to wrap
the white curtains around her body and pretend that it was her wedding gown. She
remembered the little girl who used to believe in fairytales and happily ever
after. She remembered the little girl who dreamed of spending her life with her
destiny...

She remembered the girl -- that little girl, the person she used to be. Hindi niya
napigilan ang kanyang mga luha.

"Do you need a moment?" ani Sandra.

"If its okay..." Walang tanung-tanong ay lumabas si Sandra sa dressing room. She
stared at her reflection again. Naiiyak siya lalo na sa tuwing naiisip niya ang
nangyari sa kanya noong nakaraang araw.

Habang lumilipas ang panahon ay nababawasan ang araw na maaari niyang makasama ang
mga taong mahalaga sa kanya. Naiinis rin siya dahil may posibilidad na hindi na
niya magawa ang mga bagay na nasa TO DO LIST niya. Natatakot siya na baka bukas, sa
isang araw o sa isang linggo ay bigla na lang tumigil ang tibok ng puso niya.

Hindi pa siya handa.

She wanted to believe in fairytales again. She wanted to believe in happily ever
after again. She wanted those thing to happen before her time runs out, pero paano?
Paano nga ba niya mapapaniwala ang sarili niya sa mga bagay na inayawan na niya?

===============

"Where is she?"

Iyon ang bungad ni Nathan kay Sandra nang makita niyang lumabas na ito ng dressing
room. Ella must be done fitting by now. Nagmamadali na rin kasi siya at kailangan
pa nilang mag-usap tungkol sa kontrata.

"She's inside sir." Sandra answerd politely.

"Then why isn't she coming out?" aburido na siya.

"She needs a moment, Sir."

A moment? For what? For digesting the things that were happening between them? He
knew that he caught Ella by surprise, pero balak naman talaga niyang sabihin dito
ang mga plano niya. Iyon nga lang, nauna ang mga plano niya para sa kasal nila,
bago niya masabi dito ang tungkol roon. Halos lahat at planado na. Mula sa
invitations, venue, guest lists at pati mga abay sa kasal ay maayos na. Ang kulang
na lang talaga ay si Ella.

"I'm going in..." He declared.

"Sir..."

"I'm paying you, Sandra so get the hell out of this!" singhal niya dito. Mabilis
ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng dressing area. Walang tao roon. He just
saw the red couch and Ella's shoes lying on the floor.

"Ella?" Tawag niya dito. Walang sumagot pero may narinig naman siyang hikbi.
Kumunot ang noo niya. Walang ibang tao sa dressing area kundi si Ella. Was she
crying? Why was she crying?

Tatlo ang dressing room sa loob ng dressing area na iyon. Pinasok niya ang una
ngunit wala roon si Ella, binuksan rin niya ang ikalawa pero wala ring laman iyon
so he conncluded that Ella was inside dressing room number three at tama nga ang
hinala niya. When he opened the door, he found Ella sitting at the middle of the
makeshift ramp,wearing that gown, hands on her face, crying.
Parang natunaw ang puso niya. Agad niyang dinaluhan ito.

"What's wrong?" hinawakan niya ito sa balikat at saka niyakap. "Ella what's wrong?"

"W-wala..." humihikbing sabi nito. Bahagya niya itong nilayo at saka tiningnan.
Nakakunot ang kanyang noo.

"Then why are you crying?"

"Cause I don't believe in fairy tales anymore. And even if I wanted to believe, I
just couldn't bring myself to believe in it. I've lost hope." humihikbi pa rin ito.
Napailing siya. He sometimes think that Ella have lost it, that she was out of her
wits but then may mangyayaring isang bagay na magpapatunay na hindi naman ito
nababaliw. She was just one deep woman. Napakarami nitong alam sa buhay, parang..
parang may pinagdadaanan itong kung ano.

"Magbihis ka na. We have to go. Baka ma-late tayo sa party." Tumayo na siya ngunit
bigla siyang hinatak ni Ella. Muli itong yumakap sa kanya.

"Ella.." he was surprised by the way she acted. Ang akala niya ay naiilang pa ito
sa kanya but the mere fact that she hugged him, ang ibig sabihin lang noon ay hindi
na ito ilag.

"Sabi mo, pwede kong sabihin iyong demand ko sa deal natin."

"Oo, meron ba?" Parang tumibok ang puso niya ng mabilis. Hinintay niya ang susunod
na sasabihin ni Ella.

"Isa lang naman ang demand ko, Nathan..."

"What's that?" he waited for the next thing that she would say. He waited patiently
and finally she said...

"Don't fall in love with me."

==================

Why am I doing this?

Ella asked herself as she walked down that long aisle. Yes, today was the day.
Today she walked down that aisle, wearing that white wedding dress which made her
cry just a week ago. Today she walked down the aisle trying to see the other end,
trying to catch a glimpse of Nathaniel Varres, the man she was going to marry.

She smiled pretty hard that day. She was trying not to look nervous, she was trying
to be herself. But how could she do that? She looked around the church, halos lahat
ng tao roon ay hindi niya kilala and yet they were smiling at her. She wondered
what was going through their minds. She wondered what they were thiking about her.

She continued walking. She smiled even more when she saw her family -- yes, her
family was there -- Nathan was kind enough to tell them abiut her and him minus the
deal part. Even Jenny was there at kahit alam niyang marami itong tanong ukol sa
biglaang pagpapakasal niya ay mas pinili na lamang nitong maging masaya para sa
kanya, ngunit alam niyang hindi pa ito tapos sa kanya.

Why am I doing this?

She asked herself that question again. Finally, she reached the end of the aisle.
Nathan was there, standing beside Lex -- Nathan's long haired friend who looked
like an archangel. Ito ang bestman ni Nathan. Nathan took a step towards her, took
her hand and smiled at her. Kahit paano, dahil sa ngiti nito ay nawala ang kalahati
ng kanyang kaba ngunit nanginginig pa rin siya.

"Are you ready?" bulong nito sa kanya. Tumingin siya kay Nathan at saka umiling.
"You have to be..."

The two of them faced the priest. Inalalayan siya nito. Sa buong seremonyang iyon
ay hindi binibitiwan ni Nathan ang kanyang kamay. Marahil ay nararamdamn nito ang
kanyang kaba. Hindi talaga maalis ang kaba niya. Today she was marrying the man she
met just months ago, ni wala pa silang anim na buwan magkakilala pero heto siya at
nakaharap na sa altar kasama ito.

"Do you, Nathaniel Freidrick Varres, take Marcela Grace Guanzon to be your lawfully
wedded wife, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do you
part?"

In sickness and in health.

She looked at Nathan. Her tears fell when she heard the priest's question.

In sickness and in health.

Napahikbi siya.

Paano kung malaman ni Nathan na may sakit siya? Anong magiging reaksyon nito?

"Baby, don't cry..." nakangiting sabi nito. Nagtawanan ang mga tao sa loob ng
simbahan. Siguro akala nila ay nakakatawa talaga ang sitwasyon pero kung alam
lamang ng mga ito kung bakit siya umiiyak ay sigurado siyang walang tatawa.

"I DO..." sagot ni Nathan. "I DO take her as my wife, to have and to hold, till
eternity."

"Do you, Marcela Grace Guanzon, take Nathan Friedrick Varres your lawfully wedded
husband, for richer or for poorer, in sickness and in health, till death do you
part?"

Till death do you part...

Muli siyang napahikbi.

"I-I... I Do.. take him as my hu-sband... to have and to hold, till eternity."

"By the power vested in me, I now pronounce you, man and wife. Nathan, you may now
kiss your bride."

Dug.dug.dug.

Hindi niya alam kung mabilis o mabagal ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung
dahil pa ba sa dysrhytmia ang malakas na kabog ng dibdin niya pero palakas talaga
nang palakas iyon habang itinataas ni Nathan ang belo niya.

"Close your eyes..." bulong nito. Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa mukha
niya. She then closed her eyes and let herself feel that kiss. It's just a kiss, at
walang mali roon. Sa mata ng batas, sa mata ng mga tao at sa mata ng Diyos ay asawa
na niya si Nathan kung kaya't hindi masama ang magpahalik dito.

After a milisecond, she felt Nathan's lips crashed into her. It was just a simple
kiss, a smack but that was what she thought, suddenly she felt Nathan nibbling her
lower lip. Gusto niyang magmulat ng mata. Gusto niyang itulak ito palayo. Nathan
was going to give her a real kiss -- we'll it not like they haven't kissed before
-- but today it was different. Hindi niya alam kung paano nagbago, basta alam
niyang may nagbago...

*******************************************
[15] 13. The supposed to be honeymoon
*******************************************
"Ilang araw tayo dito?"

That was Ella's first question to Nathan after the plane has landed on the land of
Boracay. It was supposed to be their honeymoon week at kinakabahan siya dahil doon.
Nathan smiled at her at dahil sa ngiting iyon ay parang nahigit niya ang kanyang
hininga. Hindi niya makita ang talagang reaksyon nito, nakasuot kasi ito ng
aviators kung kaya't natatakpan ang mga mata nito pero kahit ganoon ay nakangiti
naman ito sa kanya, ibig sabihin ay hindi ito naiinis sa kanya.

After the wedding, Nathan talked to her. Seryoso ang naging pakikipag-usap nito sa
kanya. He said that after that day, she will be Mrs. Nathaniel Varres, in public or
in private, na lahat ng meron ito ay sa kanya na rin. Totoo silang mag-asawa. Totoo
ang marriage contract na pinirmahan niya sa simbahan. Totoo ang kasal, totoo ang
lahat. The only thing that wasn't true was the fact that they love each other.
Nagpapanggap lang naman sila at nilinaw iyon ni Nathan sa kanya. She will only be
his wife until the day that Alcina have chosen Nathan at kapag nangyari iyon,
automatic na tapos na ang deal. She will be free from him, while he will finally be
happy.

Nathan knew that her concern was her family at ang sabi nito ay ito na ang bahala
roon. Sa oras na maghiwalay sila ay ito mismo ang kakausap sa kanyang tiyahin at
magpapaliwanag ng mga pangyayari.

Sa lahat ng iyon ay isa lang ang nararamdaman niya. Paghanga para dito. Nathan was
the kind of man who knew what he wanted, he was very specific and forward. Hindi
ito natatakot na sabihin o gawin ang kahit na ano. He will make the things he wants
possible. Iyon si Nathan.

"One week." nakangiti pa ring wika nito. "After that we'll go back to the metro and
you will start living the role of Mrs. Nathaniel Varres."

"Eh? Akala ko ba nagsisimula na tayo..." wala sa loob na wika niya. Nagulat pa siya
nang may itim na sasakyang huminto sa tapat niya. Lumabas ang driver at binati
sila. Nathan gave the man their suitcases and looked at her again.

"Today until Sunday morning, you will still be Ella. Wala naman tayong gagawin dito
sa Boracay kundi ang magbakasyon, live life like there's no tomorrow. Live for the
moment. But when we get back to the metro, simula na ng laban, Ella. You'll be Mrs.
Varres."

"Do-do I really have to take your name?"

"It's in the contract, Ella and we have talked about this." Binuksan nito ang pinto
ng sasakyan at pinapasok na siya, sumunod naman ito sa kanya. The moment Nathan
closed the door, the driver started the engine again. Napabuntong hininga siya.
Hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan sa mga nagaganap sa buhay niya ngayon. She
knew that the moment she took the plunge and aceept Nathan in her life, things will
start to change, she knew that fact and yet she still took the risk.

Ayaw niya ng nangyayari sa kanya. Hindi niya gusto na maging katuwang nito sa
pagsira ng isang relasyon. Hindi niya gustong makasakit. Wala pa man ay nagi-guilty
na siya, wala pa man ay naaawa na siya kay Nathan, naaawa siya kay Condrad.

Natatakot siya na baka kapag nalaman ni Condrad ang totoo at kung ano ang kinalaman
niya kay Nathan ay kamuhian siya nito. Sayang mabait pa naman sa kanya ito.
Napalabi siya. Kungsabagay ay galit na ito sa kanya. Galit na galit ito sa
katigasan ng kanyang ulo. Galit ito dahil ayaw niyang magpagamot at alam niyang
lalo itong galit sa kanya dahil sa pagtakas niya sa ospital nang gabing makita siya
ni Nathan sa tabing daan.

"Care to tell me what you're thinking?" Nagulat siya nang bigla siyang kabigin ni
Nathan palapit dito. Napasadal tuloy siya sa dibdib nito.

"Ha?" Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mukha. Kagat labing nag-iwas siya ng
tingin. "Ano.. naiisip ko lang sila Ron. B-baka kasi naninibago sila kay Rhia."
tukoy niya sa pinsan niya na ngayon ay kasama na ng kanyang mga pamangkin.

"Rhia seems nice. The kids will love her." wika nito. Umiling siya.

"Hitler si Rhia. Bengbeng sila doon." bigla ay napangiti siya.

Huminto ang kotse sa tapat ng entrance ng hotel. Agad na bumaba si Nathan upang
pagbuksan siya ng sasakyan. The moment she got off, Nathan took her hand and they
walked towards the hotel lobby. Dumiretso ito sa receptionist at sinabi nitong
nagpa-reserve na daw ito ng silid. Nakangiti namang inabot ng receptionist ang susi
ng suite kay Nathan. Hawak pa rin ang kamay niya ay nagtungo naman sila sa
elavator.

Sa lahat ng iyon ay tahimik lamang siya -- tahimik lamang siyang nakatingin sa


kamay nito na nakahawak sa kamay niya. Hindi basta hawak, hawak nito ang kamay niya
habang ang mga daliri niya ay nakadantay sa daliri nito. Their hands were clasped
with each other and all she could think about was that song...

Cause the spaces between my fingers are right where yours fit perfectly...

That was what she was thinking. Her hands fit perfectly right into Nathan's
precious hands. May ibig sabihin kaya iyon? She remembered the a story that she
read from some book. It says there the people were born with their soulmate but the
gods and goddesses in heaven were threatened that the people might over power them
so Zeus -- the Chief God --- struck a lightning in the middle of everyone's body
which resulted in parting of the bodies of the soulmates.The soulmates where
separated, the other one wandered around the world looking for the other half. And
you would only know of he or she was your soulmate if every part of your body fits
perfectly with theirs...

And looking at Nathan's hand, she couldn't help but to think kung si Nathan ba ang
other half niya...

Napanganga siya nang bigla niyang ma-realize kung ano ang tumatakbo sa kanyang
isipan. Did she just thought of the possibility that Nathan could be her soulmate?
Parang... yuck! Nandiri na naman siya sa kanyang sarili. Mabilis na binawi niya kay
Nathan ang kanyang kamay at saka dumistansya ng kaunti rito. Mukhang nagtataka ito
sa kinilos niya.

"What's wrong?" he asked.

"W-wala... A-ano kasi baka may makakita sa atin..."

"So? We're married." sabi nito saka muling hinawakan ang kamay niya. Nang muli
nitong gawin iyon ay para bang may mga maliliit na boltahe ng kuryente ang gumapang
mula sa daliri nito patungo sa daliri niya. Kinilabutan siya. Muli niyang binawa
ang kanyang kamay.

"Ella!" Nathan said, he seemed to be really appalled with her actions.

"H-huwag n-na.." Iyon lang ang kanyang nasabi. She bit her lower lip. Exasperated
naman na napabuga ng hangin si Nathan. Finally the elevator door opened. Nagpatiuna
siyang lumabas. Alam naman niyang nakasunod ito sa kanya pero hindi niya talaga ito
hinintay. She was walking very fast, head down, fast steps that resulted into her
bumping with someone.

"Sorry, miss." wika ng nabangga niya. Agad naman siyang nag-angat ng paningin. Her
eyes widened when she recognize the person she bumped into. Napalunok siya. She
bumped into Doctor Condrad Mendez.

"Ella..." sinabi nito ang pangalan niya na para bang may halos inis sa tinig nito.
Kinabahan siya. Anong ginagawa ni Doc Condrad sa lugar na iyon?

"Doc...." nahintakutan siya. She looked back at Nathan, he was looking at Condrad
too. Nakapagtataka ang reaksyon nito. Muli niyang ibinalik ang tingin niya kay
Condrad, ngunit natigilan siya. The moment she looked at Condrad, she saw a woman
walking towards them. Muli niyang tiningnan si Nathan, when she saw that victorious
smile on his face ay agad niyang naintindihan ang sitwasyon.

Nathan chose this hotel, booked a room at this floor because he knew that Condrad
and his wife will be here. He knew that Alcina will be here. He knew that and yet
he didn't tell her. Parang gusto niyang maiyak. Para kasing siya ang lumabas na
tanga.

"What a coincidence!" Nathan exclaimed as he walked closer to her side. Nang


makalapit ito sa kanya ay ipinalupot nito sa kanyang baywang ang kamay nito at saka
hinapit siya papalapit. She saw that look on Alcina's face. It was as if she wanted
to kill her.

"Nathan, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Condrad.

"I'm here for my honeymoon." wika nito. Matapos iyon ay tiningnan siya nito. "I
want you to meet Ella, alam ko naipakilala ko na siya sa inyo back then, but I want
you to meet her again, this is Ella, my wife."

Condrad looked at her.

"You got married." She knew that he was talking to her pero wala siyang nagawa
kundi ang magyuko na lamang ng ulo.

"Yup, yesterday. Baby, naaalala mo pa si Condrad and his wife?"

Tahimik na tumango na lamang siya.

"Paano, mauna na kami? Saang suite kayo?"

"7623" sagot ni Condrad.

"Great, we're on 7622. See you around."

Nilagpasan ni Nathan si Condrad. Hawak pa rin nito ang kamay niya. Nagpatuloy sila
sa paglakad at kitang-kita niya ang sakit sa mga mata ni Alcina nang basta na
lamang ito lagpasan ni Nathan.
Tumapat sila sa suite na nakalaan para sa kanila. She looked back and she saw
Alcina and Condrad walking away, holding hands. Nakadama na naman siya nh awa para
kay Condrad. Kung pwede lamang sana niyang sabihin dito ang mangyayari sa hinaharap
ay gagawin niya.

"Did you see the look on her face?"

Nathan asked her the moment they got in. Hindi niya ito pinansin. She went directly
to bed. Naupos siya roon. Sa harap ng kama ay may malaking glass door and from
there she could see the beach, the white sand and the clear blue sky. It was an
amazing view but she couldn't really appriciate that because right now, she feels
like dirt.

"Nararamdaman ko na, Ella, things will about to change."

"Masaya ka ba sa gagawin mo?" biglang wika niya. "Kaya mo talag sikmurain ang
katotohanan na maninira ka ng pamilya makuha mo lang ang gusto mo?"

"What are you talking about?" tila naiinis na wika nito.

"Hindi mo ba naisip na baka mahal niya ang asawa niya?"

"Did you see the way she looked at you when she found out that you are my wife now?
She was envious, Ella. Mahal niya ako."

"Mahal ka niya pero mali ang ginagawa mo."

"Walang mali sa pagmamahal, Ella." tiim ang bagang na wika nito. "Palibhasa hindi
mo ako naiintindihan. You have never been in love before."

Napatayo siya at saka hinarap ito.

"Mali. Nagmahal na ako, Nathan." hindi niya alam kung para saan ang mga luhang
tumulo mula sa kanyang mga mata. "At alam mo ba kung anong natutunan ko habang
nagmamahal ako?" napahikbi siya.

"Natutuhan ko na hindi laging tama ang pagmamahal. Na nagiging mali ito, na minsan
kailangan nating palayain ang mga taong mahal natin at hayaan silang maging masaya
na hindi tayo ang kasama nila at kapag nagawa mo na iyon, doon lang muling magiging
tama ang pagmamahal na nararamdaman natin."

Pinahid niya ang kanyang mga luha. Hindi talaga niya mawari kung para saan ang mga
luhang iyon at ang sakit nanararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi niya
maintindihan ang kanyang sarili. Bakit siya nasasaktan? Dahil ba sa hindi sinabi ni
Nathan na naroon si Alcina? Pero bakit? Wala siyang karapatang masaktan dahil alam
naman niya kung saan ang lugar niya.

Pinipigilan niya ang pag-iyak pero hindi niya magawa. She just walked away.
Nilagpasan niya si Nathan at tinungo ang pinto palabas ng silid na iyon. She needed
to get away, she needed to think and set her priorities. She needed to be alone....

===================

Ella wandered off the island the whole afternoon. Matapos ang nangyari sa suite
kanina ay hindi na muli siya bumalik doon. Mukhang okay naman na hindi siya bumalik
dahil ni hindi siya hinahanap ni Nathan. It was as if she doesn't exist at all.
Mukhang ang mahalaga lang naman dito sa ngayon ay si Alcina.

Disappointed talaga siya dito. Ang buong akala pa naman niya ay hindi nito iyon
gagawin sa kanya pero nagkamali siya. She thought that they were a team, that
they're in this thing together pero hindi pa rin pala. Naiinis talaga siya dito,
kung ganoon sana ang plano nito, sana man lang ay sinabi nito iyon sa kanya para
naman hindi siya nagmukhang tanga.

"Hay..." Napabuntong hininga siya. Naisip niyang maupo sa buhanginan at panoorin


ang dagat. Parang gusto na namang tumulo ng luha niya. Hindi niya makalimutan ang
naging takbo ng usapan nila kanina.

"Are you okay?"

Isang pamilyar na tinig ng isang lalaki ang narinig niya. Nag-angat siya ng tingin
at nakita niya si Condrad na nakatayo sa kanyang tabi at nakapamulsa. Umupo ito at
saka hinarap siya.

"You and Nathan had a fight?" tanong nito. Umiling siya. Ayaw niyang idamay pa si
Condrad sa gulong pinasukan niya... pero parang imposible iyon dahil alam niyang
kahit anong mangyari ay damay ito at ito ang pinakamasasaktan sa huli.

"Doc, sorry ah..." wika niya nang maisip niya na ang asawa nito ang aagawin ni
Nathan.

"Para saan? Noong tumakas ka sa ospital?"

Isang ngiti lamang ang isinagot niya dito.

"Ella, talaga bang sumuko ka na sa buhay? Are you really waiting for that day
when..." he didn't finished his sentence. He sat there beside her motionless.

"Hindi ka ba natatakot?" Muling tanong nito. She just sighed. Niyakap niya ang
kanyang mga tuhod.

"Natatakot... pero.." nilingon niya ito. "Sabi mo hindi mo alam at walang


nakakaalam kung kailan hihinto ang puso ko. Kung papa-therapy ako, masasayang ang
oras ko, Doc. Mas mabuti pa iyong ganito."

"Nathan doesn't know, does he?"

Umiling siya. Wala siyang balak sabihin kay Nathan ang tungkol sa kondisyon niya.
Sa tingin naman kasi niya ay hindi na nito dapat malaman ang bagay na iyon. Tama na
na panandalian siyang magiging parte ng buhay nito pero ang ipaalam pa dito na may
sakit siya ay tila husto na. She wanted Nathan to look at her the way he look at
other people, she doesn't need Nathan's pity. What she need was him being himself
in front of her. Hindi niya kailangan ng awa nito.

"How's the heartbeat?" muling tanong ni Condrad sa kanya.

"I think..." she smiled. "It's exceptionally fine today."

"Really?" Condrad looked at her. "Do mind if I check your pulse?"

Napangiwi si Ella. Ayaw sana niya pero mukhang wala naman na siyang magagawa. When
Condrad stood up, she knew that she had to do the same. Sumunod siya dito pabalik
ng hotel. Tahimik lamang siya ngunit talagang gusto niyang tumakbo palayo. Alam
niyang sesrmunan na naman siya nito at wala na naman siyang matinong maisasagot
dito.
Sa maikling panahon na naging doktor niya si Condrad ay talagang naging mabait ito
sa kanya. Siya lang ang matigas ang ulo dahil ayaw nga niyang magpa-therapy.

Nang marating nila ang floor kung nasaan ang suite nila ay humarap ito sa kanya.

"You stay here okay? Kukunin ko lang iyong medicine bag ko and then I'm going to
check you."

"O-okay..." wika niya. "May kukunin lang ako sa loob, Doc."

Tumango na lamang si Condrad at saka pumasok sa suite nito. Napabuntong hininga


siya habang nakatayo sa corridor. Tulad ni Condrad ay pumasok rin siya sa kanyang
silid.

Naisip niya kung naroon ba si Nathanel. She silently walked inside the room at
ganoon na lamang ang pagkabigla niya nang makita niya si Nathan.

Nathan was there. He was lying on the bed but he wasn't alone.

Napahawak siya sa kanyang dibdib.

Nathan wasn't alone, and he wasn't decent either. He was on the bed, naked, with
Alcina by his side. The two were sleeping. Alcina's arms were wrapped around
Nathan.

Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya.

Kaya pala hindi siya hinahanap nito. Nakipag-honeymoon na pala ito sa iba. Tahimik
na tumalikod siya at muling lumabas ng silid. She knew that her heart was beating
fast, and it wasn't because of her sickness. It was because she was angry. Galit
siya kay Nathan pero naaawa pa rin siya dito.

Kailan kaya makikita ng lalaking iyon na pinaglalaruan lamang ito ni Alcina?

"Ella, are you okay? Namumutla ka." Marahil ay nagtataka si Condrad sa kanya. She
looked at him. Kung naaawa siya kay Nathan ay mas naaawa siya rito. Walang anu-ano
ay niyakap niya ng mahigpit ito.

"Doc, sorry ha... sorry talaga..." wika niya habang nakayakap dito. Her heart was
breaking, she could feel that nagging sensation in the middle of her chest and it
wasn't because of her dysrhytmia. It was because of her disappoinment.

Nagkamali nga ba siya ng pagkakakilala kay Nathan?

Kungsabagay, matagal naman niyang alam na ito talaga ang balak nito. Ang agawin si
Alcina sa asawa nito, pero bakit nasasaktan siya?

================

Ella decided to stay at the beach until sundown. Naiinis pa rin siya kay Nathan.
Aminin man niya o hindi ay talagang masama ang loob niya dito. Hindi man lang ba
nito naramdaman na nagagalit siya dito dahil sa sinabi nito sa kanya? She felt like
dirt. Iyon lang pala ang papel nito sa buhay niya. Ang maging tagasalo, habang
nagmamaktol siya, nandoon na pala ito sa piling ng ibang babae.

Nakakainis! Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nainis ng ganito. Sa sobrang
inis niya ay naluluha na naman siya. Ayaw sana niyang iyakan ang bagay na iyon.
Alam naman niya na iyon talaga ang pakay ni Nathan sa babaeng iyon pero naiinis
siya dahil hindi niya inaasahan na gagawin ni Nathan iyon sa unang araw ng fake
honeymoon nila.

She couldn't believe that her husband slept with another woman on the first day of
their fucking honeymoon!

She was really pissed of that she had killed Nathan three times inside her head.

Napabuntong hininga siya. She had to do something about her rage. Galit kasi siya.
Kailangan niyang i-divert ang atensyon niya sa iba dahil baka kapag nagkita sila ni
Nathan ay saktan niya ito ng pisikal. She was never good at hiding her anger. Kapag
galit siya, parang armalight ang bibig niya, daig niya pa ang isang nanay na walang
pera kung magbunganga and right now, that was all she could think of -- ang sugurin
si Nathan at sampalin ito dahil pinagmumukha siya nitong tanga --- but she knew
that she was better than that, so she decided to walk around and count to a million
or look for something else to do.

Habang naglalakad ay nakakita siya ng mga sidewalk vendors, ang ilan ang nagbebente
ng mga bracelets, anklets, necklaces, shells, flutes at kung anu-ano pa. But what
caught her attention was the guitar vendor. Agad niyang nilapitan ito.

"Hello, kuya!" nakangiting wika niya sa lalaki. The man was wearing a fedora hat,
masyadong maayos ang hitsura nito para sa isang sidewalk vendor. He was wearing a
violet flowery polo shirt and a pair of khaki shorts. He smiled at her.

"Hello ate... bibili ka?" tanong nito.

"Pwedeng pa-try?" she asked still smiling. Kumuha ang lalaki ang isang gitara at
ibinigay iyon sa kanya.

"You can play?" the man asked again.

"I'll try." she smiled. Marunong siyang tumugtog. Tinuruan siya ng tatay ni Jenny
noong college pa lang sila at talagang pinag-aralan niya iyon. Frustration niya
kasi ang pag-aaral na makapag-play ng kahit anong instrumento at natuwa talaga siya
nang matutuhan niya ang gitara.

Nakatayo siya sa tabi ng lalaki at pilit na kinakapa ang gitarang hawak niya.
A little while later, she started playing... and she was singing too.

"When you're dreaming with a broken heart, then waking up is the hardest part...
You roll out of bed and down on your knees, and for a moment you can hardly
breathe..."

Ella sighed as she sang those words, she suddenly remembered the scene she saw
earlier this afternoon at the suite she was supposed to share with Nathan. She
couldn't deny the fact that, that scene kind of broke her heart. It broke her heart
not because she was in love with Nathan or anything like that but it broke her
heart that Nathan was treating her like crap.

"When you're dreaming with a broken heart, the giving up is the hardest part
He takes you in with your crying eyes ,then all at once you have to say goodbye,
wondering could you stay my love?
Will you wake up by my side? No he can't, 'cause he's gone, gone, gone, gone,
gone.... "

The only reason why she agreed in this lie was because she wanted to change the way
Nathan looks at the world. She thought that maybe, Nathan could be her To Do number
3...
But then, hindi pa nagsisimula ang laban niya para sa pagbabago ni Nathan ay
matatapos na ito. He clearly have another thing in his mind and she couldn't
possibly do that.

Tinapos niya ang kanta at agad na ibinalik sa lalaki ang gitarang hawak niya.

"Salamat, kuya. Kahit paano ay hindi na ako galit."

"Wait, you used my guitar and you wouldn't even tell me your name. Come on...
What's your name."

"Ella..." inabot niya ang kamay niya dito. "Ikaw?"

"Vince." He shook his hand. "You wanna go grab something to drink or eat? Mag-isa
lang kasi ako..."

Kumunot ang noo niya. Tiningnan niya ang mga tinda nitong gitara.

"Paano iyong tinda mo?" Nagtatakang tanong niya. Vince smiled at her.

"Hindi naman akin iyan. Nakatayo lang ako dito kanina tapos nilapitan mo ako."

"Hindi ka vendor?" wika niya. Vince shook his head. Nakadama siya ng pamumula ng
mukha.

"Lawyer ako. Atty, Vicente John Gallardo." muli nitong hinawakan ang kamay niya.
Nagyuko siya ng ulo. Hiyang-hiya siya. Abogado napagkamalan niyang tindero. Ang
tanga niya.

"Sorry ha..." wika niya habang nakahawak pa rin sa kamay nito. Vince smiled again.

"Patatawarin kita, pero you have to come with me."

"Ha.. " she sighed. "S-sige ..."

Nakangiting inaya na siya nito. Tatalikod na sana siya nang bigla niyang marinig
ang kanyang pangalan.

"MARCELA!"

Kunot noong tumingin siya sa likod kung saan nanggaling ang boses na iyon. She saw
Nathaniel walking towards her direction, he looked murderous. Nang makalapit ito sa
kanya ay hinaltak nito ang braso niya dahilan upang mabitiwan ng kanyang bagong
kaibigan ang kanyang kamay.

"Aray ko, Nathan nasasakta ako!" reklamo niya. Mariin ang pagkakahawal ni Nathan sa
kanyang braso.

"Stay away from my wife!" sigaw nito kay Vince at saka siya muling hinatak palayo.

"Nathan, masakit!" sigaw niya. Pabalya siyang binitiwan ni Nathan.

"Talagang masasaktan ka! I was looking for you all day long. I was wondering kung
bakit hindi ka bumabalik iyon pala nandito ka sa beach at nakikipaglandian na
naman! Why would you do that, considering it is the first day of our supposed to be
honeymoon! Ganyan ka ba talaga, Ella? Malandi?!"

Malandi? Napaluha siya. Hindi ba nito naisip na maraming nakakarinig sa mga


isinisigaw nito sa kanya. Nakadama siya ng galit. At iyong galit na iyon ang
dahilan kung kaya nasampal niya si Nathan.

Pinahid niya ang kanyang luha.

"You were looking for me? You were angry because you saw me talking to a stranger
on the first day of our honeymoon? Fuck, Nathan! Imagine how I felt when I saw you
naked on that bed with Alcina..." nang-uuyam na wika niya dito. Kitang-kita niya
ang pagkabigla sa mukha nito. She raised her left eyebrow.

"At least ako, nakipag-holding hands lang. Pero ikaw.." tiningnan niya ito mula ulo
hanggang paa. "Sino ngayon ang mas malandi?"

After saying that, muli niya itong sinampal at saka niya ito tinalikuran. She
walked away from him for the second time that day. Naiiyak siya. Bakit ganoon ito?
Bakit napakasakit nitong magsalita? Pinahid niya ang kanyang luha.

Today, on the first day of her supposed to be honeymoon, she got her heart broke
twice with the same man...

*******************************************
[16] 14. Unexpected
*******************************************
Nathan stood at the balcony looking out the beach. It was late at night and he
couldn't sleep. He remembered those sleepless nights he used to have. Back then, si
Alcina ang naiisip nita sa tuwing hindi siya makatulog but right now, he was
thinking about Ella and the amount of pain he saw in her eyes earlier this
afternoon. Hindi niya lubos maisip kung bakit nga ba siya nakapagsalit ng ganoon
dito. He never meant for it to hurt her in a way that would make her cry. Pero
ganoon na ang nangyari, she cried. He made her cry. So all in all he really was a
jerk and he really deserved being slapped by her.

He sighed.

Alam naman niyang mali ang ginawa niya. He slept with Alcina on the first day of
their supposed to be honeymoon, it was wrong but could anyone blame him? He was in
love with Alcina, for crying out loud! So when she kissed him, he gave in. Miss na
miss na niya ito at isa pa, naisip niya na lahat naman ng ito ay ginagawa niya para
kay Alcina, para makasama niya ito, para sila ang maging masaya sa huli.

But the thing was, he never wanted to hurt Ella. Ella was a good person, she was
very different from all the women in his world. Ewan niya kung anong meron kay
Ella, but everytime he talks to her, parang nagkakaroon ng kakaibang ibig sabihin
ang buhay para sa kanya. He wanted Ella to be with him because she was different --
a breath of fresh air. Pero kahit kailan ay hindi niya inisip na saktan ito, pero
nagawa na niya and he wanted to make up to her.

He sighed. He would make it up to Ella. But how? Suddenly an idea popped out of his
head. Agad siyang pumasok sa loob at saka hinatak ang isa sa mga suitcase niya. He
opened the bag and took out Ella's liitle pink notebook.

TO DO number 73. EAT ALL THE ICE CREAM!

Napailing siya. He could make that possible pero may hika si Ella at baka kapag
pinagbigyan niya ito sa ganoon at hikain lang ito. So he looked for another one. He
looked for another one. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-figure out kung
para saan ang TO DO list ni Ella but then it was Ella, and she was spontaneous.

Naibulsa bigla niya ang notebook ni Ella nang biglang bumukas ang pinto. Ella
walked in the room looking at him like he was a ciminal.

"H-hey.." Bati niya dito.

"Sino ka?"

"Ella, can we be mature about this matter?" he said in a nice tone. Ella raised her
eyebrow.

"Uhh.. ikaw iyong somebody that I used to know."

"Ella!" he couldn't help but raise his voice. Hindi siya makapaniwala that Ella was
being childish. Paano nila maso-solve ang problema kung si Ella mismo ay ganito?

"Now you're just somebody that I used to know." hirit pa nito. Lalo siyang nainis.
Sa inis niya ay naibato niya ang unan kung saan.

"Yuck!" sigaw ni Ella. "Bakit mo binabato sa akin iyang unan na saksi sa kamunduhan
mo at ni Alcina!" nanlalaki ang mga matang sigaw nito sa kanya. Ella's reaction was
comical and he couldn't help but laugh. Natawa siya ng malakas.

"Hay naku.. pampam ka kasi." narinig niyang sabi nito. Natigil lamang ang pagtawa
niya nang makita niyang kinukuha ni Ella ang mga gamit nito.

"What are you doing?" he asked, wondering. Hindi siya pinansin nito. Ella walked
towards the door. Sumunod siya. Hinagip niya ang braso nito.

"Bitawan mo nga ako!" sigaw nito sa kanya.

"I know you;re angry---"

"Anong angry? Ano ako ibon?" she yelled. "Hindi ako galit, Nathan, hindi ako
marunong magalit. Pero hindi ko naman kayang panoorin ka na magpakatanga sa babaeng
HINDI ka naman mamahalin kahit kailan." mariining wika nito sa kanya.

"Mahal niya ako."

"Kung mahal ka niya, bakit hindi ikaw ang kasama niya ngayon doon sa kwartong
iyon?"

"Mahal niya ako." giit niyang muli.

"Kung mahal ka niya, bakit ikaw ang second choice?"

"Mahal niya ako."

"Kung mahal ka niya---"

"MAHAL NIYA AKO!" sigaw niya kay Ella.

"Dahil may nangyari sa inyo mahal ka na niya? Libog lang iyon, Nathan eh!" tila
frustrated na wika ni Ella. "Face it, she was horny, you got horny, the two of you
had sex and after that, what will happen?"

Natigagal siya. Ella was staring at him and he couldn't seem to accept the fact
that Ella was actually right.

Wala siyang basehan kung mahal nga siya ni Alcina kaya nangyari ang nangyari
kanina. She never told him that she was still in love with him so anong ikakatwiran
niya dito.

"Ano ba talaga, Nathan? Diba doctor ka? Dapat matalino ka. Pero bakit ang tanga mo
pagdating kay Alcina? She doesn't and will never love you. She will always look at
you as a reserve tire. Mas malala ka pa nga sa friendzone, at least ang friendzone,
friends sila, eh ikaw? Although you are willing to give up everything for her, kaya
niya ba iyon?"

"Mahal niya ako." muling sabi niya. Napakamot ng ulo si Ella.

"O sige, mahal ka niya. Iyon ang gusto mong paniwalaan eh, pero Nathan, kahit
baligtarin ang mundo at kahit maging apat ang sulok nito, one thing will never
change. Kabit ka pa rin. Kaya mo bang maging masaya sa katotohanan na ikaw ang
kabit?"

Hindi siya makakibo? Bakit sa tuwing si Ella ang kausap niya ay parang hindi na
siya makapangatwiran?

"I love her..."

Ella sighed. She tapped his shoulder.

"I know.. but believe me Nathan, you deserve someone else. A much better person who
will love you and who will never make you her reserved tire."

"Gusto ko lang maging masaya agad, Ella." muling wika niya. Umiling si Ella.

"Wala namang shortcut to happines, Nathan. You will never know the meaning of true
happiness unless you have experienced pain. And right now, si Alcina ang pain mo,
you have to learn how to let her go."

"Mahirap iyon." wika niya. Iyon ang totoo. He was so in love with Alcina that she
had became his life. Maski hindi ito ang kasama niya sa araw-araw ay si Alcina na
ang buhay niya. He died when she decided to marry Condrad, he died again, when she
chose him. And right now, he could see a tiny light peeking through the darkness
and he feels that, that light was his hope.

"Tanga."

"My heart has been broken for a very long time, Ella. I think, now is the right
time for me to mend it."

"Kapag broken hearted kailangan naninira ng relasyon ng iba? Tanga lang ang peg?"

Napatitig siya kay Ella. Ito ang kauna-unahang tao na nagsabi sa kanya na tanga
siya. Nakadama siya ng inis. Anong karapatan nitong sabihin siya ng tanga? Anong
karapatan nito? Ni hindi nito alam ang totoo tungkol sa kanila ni Alcina, pero kung
makatanga ito ay ganoon na lang. He shook his head. No one will ever understand
him, so he just walked out of that room. Iniwan niya si Ella sa suite na iyon ay
siya na lang ang umalis.

Ngunit bago pa siya makalampas sa tapat ng suite na iyon ay kasunod na naman niya
ito.

"Nathan, saan ka pupunta?" she asked him.


"Just stay away." inis na wika niya.

"Aalis ka kasi tama ako?" Hinarap niya ito.

"OO! Tama ka! Siguro nga tanga ako! Ako ang tanga kasi nagmamahal ako ng isang
taong hindi na pwedeng maging akin! Kung pwede lang na pahintuin ang puso ko sa
pagmamahal sa kanya, gagawin ko, Ella! Pero hindi ko kaya!"

"Hindi puso ang may kasalanan, Nathan. Doktor ka, alam mo iyan! Hyphothalamus iyon.
Eng-eng ka!"

"Eng-eng na kung eng-eng!" Inis na inis na tinalikuran niya ito. Ano bang karapatan
ni Ella para pagsabihan siya ng ganoon? Wala sa kontrata nila ang pakialaman siya
nito. He was about an inch away when Ella grabbed him by his arm and pulled him
closer. Napatdad siya. Hindi niya alam kung para saan ang ginawa nito, but the next
thing he knew, Ella pulled him closer and she kissed him, right on the lips, right
were Alcina have kissed him earlier.

Ella's lips crushed againts him and just like that he was oblivious with everything
around them. He couldn't seem to think of anything but the feel of Ella's lips
againts him. Moments late, he found himself kissing her back, deepening the kiss,
not reallu caring about whatever was going on around them.

Ella wrapped her arms around his neck, he on the other hand put his hands on her
waist and pulled her closer.

The kiss was something else, it was a kiss that he hadn't experience before. He
could feel many, many things and yet he couldn't define those things. The only
thing that mattered at that moment was the fact that Ella was kissing him with so
much intensity...

========================

"What did you do that for?"

Nathan asked Ella after that mind shattering kiss at the hotel corridor. Napalunok
si Ella. Paano ba niya ipapaliwanag ang ginawa niya? Pwede ba niyang sabihin na
kaya niya ginawa iyon ay dahil nakita niya si Alcina na papalapit sa kanilang
dalawa? She didn't want Alcina to know that she and Nathan were fighting about the
fact that Nathan had slept with her. Ayaw niyang makita nito ang epekto nito sa
"fake" marriage nila. Ayaw niyang makisawsaw ito so she kissed Nathan. She wanted
Alcina to see na masaya si Nathan sa kanya, na hindi ibig sabihin na may nangyari
na sa mga ito ay hawak na naman nito si Nathan sa leeg.

Hinatak niya si Nathan papasok sa suite. Nauna itong pumasok habang ni-lock naman
niya ang pinto. Paano nga ba niya sasabihin dito ang paliwanag niya.

"I was asking you, Ella." tanong nito. Umiling siya.

"Tr-trip ko lang." nag-iwas siya ng tingin. "Matulog na tayo." wika niya. Pumasok
siya sa bathroom at saka sinarado ang pinto. She was looking at her reflection at
the mirror and she could see how sore her lips were. Nathan kissed her back with so
much intensity. Dapat ay hindi siya hinagkan nito ng ganoon. She could also feel
her knees trembling, para bang nakuryente siya at hindi siya makatayo ng maayos.
Napabuntong hininga siya.
There was no doubt about how good Nathan was in kissing. She had been kissed
before, at hinding-hindi niya pwedeng ikumpara ang halik ni Nathan sa halik na
naranasan niya noon. If she will compare the two, magiging halik wholesome ang
halik na naranasan niya noon.

"Ella..." kumatok ito sa pinto. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang pinto.
She saw Nathan standing outside, wearing only his white sando and his boxers,
magka-krus ang mga braso nito at nakatingin sa kanya.

"B-bakit?" nagyuko siya ng ulo. Hindi niya ito matingnan. Napalunok pa siya dahil
sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Sabi mo matutulog na, bakit ganyan pa ang suot mo?" Napatingin siya sa kanyang
sarili, she was still wearing that yellow sun dress she had on all day. Muli niyang
isinara ang pinto upang magpalit ng damit. She chose to wear a pair of khaki shorts
and and an ovesized shirt. Matapos iyon ay lumabas na siya ng silid. Nathan was
sitting on the bed, and he looked as if he was waiting for her.

"B-bakit?" muling tanong niya. Kinabahan siya. Anong hinihintay ni Nathan? Bigla ay
naalala niya ang tagpo kaninang umaga, si Alcina at ito --- nanlaki ang mga mata
niya at saka siya napapadyak. Niyakap pa niya ang kanyang sarili.

"Ayoko! Diba sabi mo hindi mo ako pipilitin sa isang bagay na ayoko! Ayoko!" sigaw
niya.

"Anong ayoko?" kunot noong tanong nito.

"Hoy ha! Hindi porke ki-niss kita, bati na tayo. Pissed off pa rin ako sa'yo dahil
tinatanga mo ang sarili mo! Saka ayoko ng iniisip mo!"

"Ano bang iniisip ko?" tila natatawa ito.

"Hoy, wag kang tumawa ah! Ayoko niyang iniisip mo! Virgin pa ako!" halos maiyak na
wika niya. Nagulat siya ng biglang humagalpak ng tawa si Nathan.

"Why the hell are you laughing?" inis na inis na tanong niya.

"Kasi para kang tanga!" tatawa-tawang sabi nito. "I was not thinking about that,
Ella. I may be a jerk, an asshole or whatever, pero I am a gentleman and I will
never ask that of you."

Her irritation faded away. What Nathan said melted all her insides. Napangiti siya.
Ibig sabihin siya lang ang green minded at siya lang ang nag-iisip noon.
Nakakahiya.

"And, Ella..." he called out her name. "I'm sorry. For yelling at you, for sleeping
with Alcina, for disappointing you. I'm sorry."

"Sige... pero hindi pa tayo bati, okay? Naiinis pa rin ako sa'yo." wika niya sabay
talikod. She settled on the floor.

"Aano ka diyan?" tanong pa nito sa kanya.

"Matutulog." wika niya. Nathan pointed at the bed as if telling her to sleep there.
Napailing siya. "Duh? Ayokong mabahiran ng kamunduhan ninyo ng babae mo noh." inis
na naman na sabi niya. Humiga na siya. She was about to close her eyes when she saw
Nathan putting some of the pillows on the carpeted floor just right beside her,
hindi lang iyon, kumuha pa ito ng extra bed sheets and comforter sa cabinet at saka
inilatag sa sahig. Napa-upo siya.
"What are you doing?" she asked curiously. Nathan settled on the floor tapos ay
humarap ito sa kanya.

"It's our supposed to be first night and I want to sleep beside my wife so if you
don't mind, I'm sleeping with you." Humiga ito sa tabi niya at saka nakipagtitigan.
Hindi niya alam kung anong magiging reaskyon niya but then, she laid down and faced
him. What Nathan did seemed to melt all her anger away. Natunaw na ang inis niya
dito. Nakakatuwa naman kasi ang ginawa nito. He was so sweet.

"Bakit?" tanong nito.

"Wala lang..." wika niya. "Tulog na tayo..." sabi niya dito. Nathan just smiled,
she closed her eyes and let herself fall asleep. She will surely have sweet dreams
because Nathan was beside her.

*******************************************
[17] 15. Gravity
*******************************************
Ella woke up without Nathan by her side. Medyo nakaramdam siya ng disappointment
pero agad niyang binale-wala iyon. Alam naman niya talaga kung bakit nagkaganoon si
Nathan kagabi sa kanya. He was too sweet because he was actually guilty of sleeping
with Alcina at the first day of their honeymoon. She stood up to fix herself. Wala
na naman si Nathan, ibig sabihin ay siya na naman mag-isa buong umaga. Napabuntong
hininga siya, anong klaseng honeymoon ba itong pinasok niya? Nang makapagbihis ay
agad siyang lumabas ng suite at tinungo ang daan papunta sa elevator. Dala niya ang
kanyang bag at ang brochure na ibinigay ng hotel kahapon. Naisip niyang mamasyal.
Wala siyang pakialam kay Nathan, hindi muna niya ito hahanapin. Huwag lang talaga
niya itong makita kasama si Alcina, at baka masabunutan niya ang babaeng iyon.

Pero bakit siya mananabunot? Wala naman siyang karapatan. Asawa siya, pero sa papel
lang iyon.

Ella took a deep breath as the elevator door opened up. Lumabas siya at saka
tinahak ang daan palabas ng hotel. She was about to turn away when a woman wearing
the hotel uniform grabbed her arm.

"Miss, wait lang." wika nito.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. The woman smiled at her and took her arm.
Nagtataka man ay sumunod siya dito. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhim
pero sumama naman siya dito. The woman took her at the middle of the lobby. Matapos
iyon ay may inabot ito sa kanyang kulay pink na rose. Tumaas ang kilay niya.

"Para saan ito?" she asked the woman. Hindi naman ito kumibo. Matapos ang ilang
sandali ay may nakita siyang isang pigura ng isang lalaking pamilyar sa kanya. May
hawak itong gitara at ngiting-ngiti sa kanya.

"Nathan...."

Nathan faced her and started singing. He was looking intently at her making her
knees tremble with so much excitement. Oo, na-e-excite siya, hindi niya pwedeng
itanggi ang bagay na iyon. She was feeling happy because Nathan's sweetness was
overloading.

Gravity is working against me


And gravity wants to bring me down

Oh I'll never know what makes this man


With all the love that his heart can stand
Dream of ways to throw it all away....

While Nathan was singing, different colored roses were being given to her. Hindi
talaga niya pwedeng itanggi ang nararamdaman niya. Masaya siya, kahit kailan ay
hindi niya naisio na mangyayari ang ganito sa kanya. Never in her wildest dream did
she thought about a man, like Nathaniel Varres would serenade her in front of many
people.

Oh Gravity is working against me


And gravity wants to bring me down

Oh twice as much ain't twice as good


And can't sustain like a one half could
It's wanting more
That's gonna send me to my knees...

Nathan smiled at her and just like that, she felt her heart somersaulted. Nag-
somersault hindi dahil sa sakit niya, nag-somersault dahil masaya siya, dahil kay
Nathan.

"Sorry." wika nito matapos ang kanta. Itinaas pa nito ng bahagya ang kamay nito.

"Bakit ka nagso-sorry?" hindi mapigil ang ngiti na wika niya.

"For making you cry yesterday, saka ----" saglit na huminto ito sa pagsasalita nang
pumagitna sa panitan niya at ni Nathan ang isang lalaki. He was holding a cake.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang cake na hawak ng lalaking iyon.

"KitKat cake!" namamanghang wika niya.

"I've asked the restaurant to make that for you. That is my apology gift."

Agad na kinuha niya ang cake mula sa lalaki at tinitigan iyon.

"Suhol ganoon?" biro niya dito. Namutla si Nathan at saka napahawak sa ulo nito.

"Ella naman..." wika nito na parang nakikiusap.

"Joke lang. Ang arte mo. Tara doon tayo." niyakag niya ito papunta sa mismong
restaurant ng hotel. Pumwesto siya sa table na malapit sa mga glass windows upang
makita niya ang beach. Tuwang - tuwa siya sa cake na ibinigay ni Nathan sa kanya.

"Kakainin ko na ba ito?" she asked after Nathan sat at the chair just in front of
her.
"Yeah... sure." tiningnan niya si Nathan. Napangiti siya.

This man could be really sweet. Hindi niya inaasahan na mag-e-effot ito sa kanya ng
ganoon eh ni hindi nga niya ito boyfriend.

"Bakit?" bigla niyang naitanong. Kumunot ang noo nito.

"Bakit ano?" sagot nito. Nagkibit-balikat siya.

"Why did you do all of these? I mean, we're not even a real couple and yet.." she
sighed. "look at all the effort you did."

"You're my wife, Ella. You deserve all of these."

Her cheeks turned red. Not wanting Nathan to see her blush, she looked away.

"Sus, kayo talagang mga lalaki, kapag guilty kayo kung anu-anong napaglalaaan
ninyo."

"Oo na. I promise, I will not let Alcina get to me ever again. Now can we eat the
cake?"

Ella stared at Nathan and for a while there, she wanted to believe him. She could
she the sincerity in his eyes and that was enough for her to want to believe him.

"Ella?" He waved his hand in front of her face, bigla tuloy siyang napangiti.
Suddenly she remembered her TO DO number seven: To smile because of that someone.
She remembered the day when Nathan told her that she had made him smile and because
of that she vowed to herself na hindi niya titigilan si Nathan hangga't hindi siya
napapangiti nito and right now at this moment, she mentally checked her TO DO
number seven, because finally Nathan had made her smile and it was not because of
the fact that he gave her multi colored roses or because he serenaded her in front
of many people or because of the KitKat cake he gave her -- alright, maybe those
things counts -- but what made her truly smile was the fact that he thought about
her, that he made an effort to make her feel special and that was enough to finally
put a smile not just on her face but also in her heart.

"Wait!" biglang sigaw niya. Ipinasok niya ang kanyang kamay sa bag at saka inilabas
ang polaroid camera niya.

"You still have that?" he said mocking her.

"This is my extra eye. It makes me see the world in a deeper and more colorful
perception." nakangiting wika niya. Sinenyasan niya ito na tumabi sa kanya. Lumipat
naman si Nathan sa silya sa kanyang tabi. She called for the waiter.

"Kuya picture ha..." sabi niya matapos ibigay ang camera dito. She took the cake
and placed it in her hands just right in the middle of her and Nathan.

"Smile..." the waiter said. She gave out her sweetes and happiest smile -- but that
smile froze when she felt Nathan's warm lips on the side of her face. He kissed her
on her cheeks while she was smiling at the camera, and that moment was what the
camera had captured.
"Okay na po." wika ng waiter sabay abot sa kanya ng camera. She took that.Lumabas
na ang picture, bago niya matitigan mabuti iyon ay kinuha nna kaagad sa kanya iyon
ni Nathaniel.

"Ay!" reklamo niya.

'Wow, ang gwapo ko naman dito!" he exclaimed. "Akin na lang ito ha." sabi pa nito
pagkatapos ay muli siyang hinagkan sa kanyang ilong. Nadama niya ang pamumula ng
kanyang mukha.

"Uy, nagblush." tudyo pa nito sa kanya.

"Hindi no!" tanggi niya. Kinurot ni Nathan ang kanyang pisngi at saka muli siyang
hinagkan sa ilong, sa pisngi, sa noo. Matapos iyon ay tumawa ito ng malakas.

"See you're blushing. You like it when I kiss you." konklusyon nito. Lalong nag-
init ang kanyang mukha.

"Hindi kasi! Hindi ka---" her sentence hanged in the middle when Nathan bent down
and kissed her on the lips. It was just a simple smack and yet thousands of little
electric molecules went straight right through her body.

"Na-nathan.. kasi.. uhmm..." ano bang sasabihin niya?

"I really think that you are my gravity, Ella."

Napanganga siya. Gravity? Anong sinasabi nito? She wanted to know what he meant but
he just smiled at her as if telling her na kahit tanungin niya ay hindi niya
maiintindihan ito.

"Kainin na lang natin iyong cake." sabi niya. Nathan took the first bite of it.
They literally ate the cake on the plate. Hindi nila ito nilagay sa platito, doon
na mismo sa kinalagyan nito.

She was happy, the two of them couldn't stop laughing. She thought that this day
could not get any worse because Natha was being sweet, it was too good to be true.
And just when she thought that her day couldn't get any more perfect, a distaction
came.

"Ang sweet ninyo naman."

Natigilan siya nang marinig ang tinig ng isang babae. Agad na nag-angat siya ng
tingin para lang mainis. Standing in front of their table was Alcina and she was
smiling at her. Gusto sana niyang sabunutan ang babaeng ito pero nagpigil siya.

"Do you mind if I join you?" hindi pa man siya nakakasagot ay naupo na ito sa table
nila. "Condrad went back to the metro so I'm here all alone. Nalulungkot ako." wika
pa nito sabay baling kay Nathan. "How was your night, Nathan?"

"It was great." wika ng hitad na lalaking ito. Bigla ay tumunog ang cellphone nito.
"Excuse, I need to trake this." umalis ito. Naiwan siya sa table kasama ng
malanding si Alcina. Balak sana niyang dedmahin ito kaya lang bigla itong
nagsalita.

"So, how does it feel?" kunway tanong ng babae. Kunot noong tiningnan niya ito.

"What are you talking about?" she asked. Alcina shrugged, pumangalumbaba pa ito sa
mesa.
"Being married to Nathan."

"Ow.." she smiled. "It's great. He's sweet."

"I know... but" she trailed off. "Aren't you insecure?"

Tumaas ang kilay niya. At bakit naman siya mai-insecure?

"What for?"

"Kasi, maraming babae ang nagkakagusto kay Nathan. And in my opinion, may mga
babaeng mas worth na makasama ni Nathan kaysa sa'yo." ngiting-ngiting wika nito.
She knew that Alcina was being sarcastic, she was actualloy mocking her at kung sa
tingin nito na magpapatalo siya, pwes nagkakamali ito.

"Ah ganoon ba?" she said. She smiled sweetly and bent closer to Alcina. Hindi
masama ang ugali niya pero kung kailangan talaga ng pagkakataon ay lumalabas ang
other side niya. "Sa pagkakaalam ko kasi, Alcina, ako ang pinili, ako ang
pinakasalan and no matter how many women chase after Nathan, no matter how many
women wanted to sleep with him or have slept with him already, it doesn't matter,
because in the end of the day, he will come home to me, his wife NOT to the
mistress."

Alcina's mouth literally fell as she look at her. Lalo niya itong nginitian at saka
siya tumayo.

"I have to go. Enjoy your day, Alcina." wika niya sabay dampot sa cake na bigay ni
Nathan. That should teach her. Hindi nito alam kung sino ang kinakalaban nito. Baka
mamaya, kapag nawalan siya ng pasenya ay bigla na lang niya itong lunurin maging
temptation of wife part three pa ang buhay nito.

"O, saan mo dadalhin iyang cake ko?" nasalubong niya si Nathan sa may entrance ng
restaurant.

"Siyempre kakaini ko. Alangan naman kung iiwan ko sa kabit mo iyong cake na bigay
mo sa akin?" sarcastic na wika niya.

"Sorry, Ella." napabuntong hininga ito. "Hindi ko naman alam na..."

"O-okay lang..." wika niya. Hinawakan niya ang kamay ni Nathan. "Wag na lang natin
pag-usapan. Doon na lang tayo sa may shore. May cafe doon. Doon na lang tayo."

"Al-alright." sumunod naman ito sa kanya. Nagpupuyos talaga sa galit ang damdamin
niya. Galit hindi para kay Nathan kundi para sa babaeng iyon. Gusto niya itong
sabunutan at ingudngod kung saan. Hangga't maari sana ay gust niyang ilayo si
Nathan sa babaeng iyon.

"Ella..."

"What?!" bahagyang tumaas ang boses niya. "I'm sorry, Nathan.."

"I meant what I said earlier. You are my gravity."

======================

"Ice cream!"
Nanlalaki ang mga mata ni Ella habang nakatingin sa malaking karatula sa taas ng
isang restaurant na malapit sa may dalampasigan. Agad siyang natakam. Naisip niya
na baka kahit wala ang to do list niya ay pwede niyang gawin ang isa sa mga ito,
ang kainin ang lahat ng ice cream flavor na gusto niya nang sabay-sabay.

"Nathan, doon tayo!" yakag niya kay Nathan na sa pagkakataong iyon ay tumitingin ng
tattoo.

"Saan?" tanong nito sa kanya.

"Doon sa ice cream!" Hinatak niya ito papunta doon ngunit hinatak naman siya nito
pabalik. Napatingin siya dito. "Ano?"

"Bawal sa'yo yon, may hika ka diba."

Nalukot ang mukha niya. Napasimangot talaga siya. Halos buong araw na silang
magkasama ni Nathan. Palikot-ikot sila sa isla, kaninang tanghali ay sumakay naman
sila sa bangka upang magpunta sa kabilang isla para doon mananghali, matapos iyon
ay naligo sila sa dagat. She was having a great day and Nathan looked as if he was
having a good day too. He was really sweet with her today, at halos buong maghapon
na nitong hindi binibitiwan ang kamay niya.

"EH bakit ikaw? Tingin ka ng tingin ng tattoo pero bawal naman sa'yo. Doktor ka
kaya.."

"Hindi ko naman sinasabi na magpapa-tattoo ako. I just wanna look at it. Ikaw may
asthma ka, bawal sa'yo ang malamig."

"May inhaler ako. Pwede na iyon!" kumalas siya sa pagkakahawak nito at saka
nagtatakbo sa ice cream house. Natakasan niya si Nathan.

"Ella!" he ran after her. Naabutan na siya nito pero huli na, naka-order na siya.

"Lahat ng best seller ninyo pati iyong wasabe ice cream!" Napapalakpak siya nang
wala ng magawa si Nathan. He just stood beside her, staring at her like she was a
culprit. "Wahh! Mabagal tumakbo!"

Nilagpasan niya ito saka siya umupo sa isa sa mga silya roon. Nakasimangot na
sumunod sa kanya si Nathan.

"Kapag hinika ka, wag kang iiyak."

"27 years na akong may asthma, hindi naman ako umiiyak dahil sa asthma ko."

Napakamot ng ulo si Nathan.

"Ang tigas ng ulo mo. Kung ako ang doktor mo, matagal ka ng lagot sa akin." wika pa
nio. Ngumiti lang siya. Kung alam lang nito kung sino ang doktor niya. Hindi na
siya nagsalita, maya-maya ay dumating na ang order niya. She ordered twenty ice
cream flavors and she intend to eat that.

"Anong una?" tanong niya sa kanyang sarili habang hawak ang kutsara. She picked the
peach mango ice cream. Masarap iyon. Nakangiting inalok niya si Nathan pero tahimik
lamang itong umiling habang nakatingin sa kanya. She was eating her ice cream
happily. Masaya talaga siya dahil sa loob ng isang araw ay dalawa sa TO DO list
niya ang nagawa niya, sayang talaga at nawala ang little pink notebook niya.

Napadighay siya. Halos napangalahati na niya ang ice cream na in-order niya. She
was saving the wasabe ice cream for last. Maya-maya ay napasinghot na siya.
Napapalatak naman si Nathan.

"See, may sipon ka na." inis na wika nito.

"Hindi nakakamatay ang sipon." sabi niya. Huminga siya ng malalim matapos niyang
maubos ang watermelon ice cream. Tinitigan niya muna nang maigi ang wasabe ice
cream at saka kinuha iyon. Walang anu-ano ay nilantakan niya iyon. And as the name
stands, it was hot!

"Gas!" wika niya. Inabot niya kay Nathan iyon. "Tikman mo, ang anghang."

"Titikman ko lang iyan kapag naubos mo na."

Kunot noong napatingin siya dito. Wala naman talaga siyang balak magtira, binili
niya iyon kaya kahit gaano kaanghang ang icen cream niya ay uubusin niya iyon. She
ate it all, and after a while wala ng natira sa kinakain niya.

"Maaanghang!" muling wika niya. Nathan smiled at her. "Bakit ka tumatawa?"

"Naalala ko noong pumasok ka sa bahay ko." sabi nito. "I kissed you that night and
after that kiss, ganyan ang hitsura mo. You were as red as a tomato and your lips
were sore like that. And bu just looking at you, I feel like I want to taste the
ice cream you've just eaten."

"Eh paano iyon? Ubos na? Order ka na lang ulit." wika pa niya.

"That wouldn't be necessary. Matitikam ko iyon." Naipilig niya ang kanyang ulo. Ano
bang sinasabi ni Nathan? Tumayo na siya. Sumunod naman ito, but before she could
even take a step forward, hinatak na siya ni Nathan papalapit dito. He grabbed her
by the waist, angled her head, bent down to kiss her.

Nathan was taunting her lips, he moved as if he wanted a real kiss from her and
when she finally gave in, Nathan didn't waste anytime, he taunted with her tongue,
he played with it until a moan, a sweet moan escaped from her lips. Napasinghap pa
siya ng bahagyang kagatin ni Nathan ang lower lip niya. After a while, Nathaniel
ended the kiss and looked at her eye to eye.

"Yeah, that was some hot ice cream." he said. She was speechless. Literal na
tinikman ni Nathan ang ice cream sa bibig niya. Hindi siya makapaniwala na nagawa
nito iyon. Kinindatan siya ni Nathan tapos ay tinalikuran siya nito. Naiwan siya
roon na tulala.

What just happened?

*******************************************
[18] 16. Don't get your hopes up
*******************************************

Ella sighed dreamily as she stood in the middle of Nathan's kitchen. Nakabalik na
sila galing sa "fake" honeymoon nila just two days ago and today she woke up early
because Nathan will comeback to the hospital. She fixed him some breakfast and made
sure that everything is set before he leaves. That was the least thing she could do
for Nathan -- maliliit na bagay na sa tingin niya ay makakapagpangiti dito. She
sighed again. Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin siya ng kilig sa tuwing
maaalala niya ang mga romantic gesture na ginawa ni Nathan noong nasa Boracay sila
-- kahit pa sabihin na ginawa lamang iyon ni Nathan dahil nagi-guilty ito because
he slet with another woman in the first day of their fake honeymoon -- hindi pa rin
niya matiis na hindi kiligin.
Nathan was sweet -- too sweet, for a fact -- he was too good to be true. Kahit
minsan ay parang may pagka-mercurial ito -- mabilis magbago ng mood--- ay kinikilig
pa rin siya dito.

"What was that for?"

Agad siyang umayos ng tayo nang marinig niya ang tinig ni Nathan. Nilingon niya
ito. She smiled widely when she saw that he was already wearing the clothes she had
prepared for him.

"Good morning!" bati niya dito. Mukhang natigilan si Nathan kaya napatitig ito sa
kanya.

"You're too happy today." wika pa nito. She just smiled. Ipinaghain niya ito. She
fixed him a cup of coffee and a glass of fresh orange juice. Hindi kasi niya alam
kung ano ba ang gustong inumin nito kung kaya ginawa na lamang niya pareho. She
toasted some bread and fired some eggs and bacon. Lahat ng iyon ay inilagay niya sa
plato at saka ibinigay dito.

Nathan looked up at her with that ridiculous expression on his face. It was as if
he couldn't believe that she was doing the things that she was doing today.

"You... you made me breakfast?" tila hindi makapaniwalang tanong nito. Tumango
lamang siya.

"Bakit? Kumain ka na noh." sabi pa niya. Kinuha niya ang isang toasted bread at
nilagyan iyon ng bacon, tapos ay inabot niya iyon kay Nathan. Lalo lang napatitig
sa kanya si Nathaniel. "Eat up..."

Atubiling kinuha ni Nathan sa kanya ang tinapay at saka kinagatan iyon. Panaka-naka
ay tinitigan siya nito na para bang hindi talaga ito makapaniwala sa nangyayari.

"Excited ka na bang pumasok?" tanong niya pa dito.

"Not really." matipid na sagot nito. Muli ay pinagpalaman niya ito ng tinapay at
saka inabot dito. Nathan glared at her. "Hindi na ako bata, Ella. Kaya kong kumain
mag-isa."

Napasimangot siya.

"So-sorry, nasanay lang kasi ako.. sila Ronron kasi..." mahinang wika niya.

"Sinusubuan mo sila habang kumakain?" tila hindi makapaniwalang wika nito.

"Minsan.." napangiti siya. "Lalo na si Ron. Minsan kasi lagi siyang nagmamadali
kaya habang nag-aayos siya, minsan sinusubuan ko na rin."

"Ang laki na ng pamangkin mo, baby pa rin ang turing mo." komento nito.

"Hindi ganoon iyon, Nathan." sabi niya. "Diba, kapag mahal mo ang isang tao, you're
willing to do everything for them? In Ron's case, inaasikaso ko sila. And in your
case, you're my husband. Kahit sa papel lang iyon, kahit hindi mo ako mahal,
pagsisibilhan kita dahil tungkulin ko iyon."

Nakangiting binalingan niya ito. Hindi niya alam kung na-imagine niya lang ba o
talagang nakita niya na nag-blush si Nathan.

"Ella, wag mo akong tingnan na parang nai-in love ka sa akin."


It was her turn to blush. Napalabi siya at saka biglang nagbaling sa ibang
direksyon ng tingin. She bit her lower lip and sighed. She needed to say something
pero ano? Bigla ay man naisip siya.

"If I fell in love with you maging null and void ang kontrata. Bleh!" binelatan
niya ito. Nathan shook his head and smiled.

"Ewan ko sa'yo." he took his cup of coffee and after sipping, he stood up and
turned away. "I'm leaving, baka gabihin ako so don't wait up." wika pa nito.

"Bye!" habol na sigaw niya dito. She just smiled and sighed. Masaya ssiya dahil
kahit paano ay napapangiti na niya si Nathan hindi tulad noon na palagi na lang
siyang sinisimangutan nito. At least ngayon, patas na sila, he made her smile, she
made him smile. Habang nagliligpit siya ay napansin niya ang kulay asul na luch bag
na nilagyan niya ng lunch ni Nathaniel. Napakagat labi siya nang maisip niyang
hindi niya iyon naibigay dito. Agad niyang kinuha iyon at saka nagtatakbo palabas
ng unit nito.

"Nathan!" sigaw niya sa hallway ngunit wala na ito roon. Tumakbo siyang muli
patungo sa elevator. Bumaba siya ng lobby papunta sa parking lot. Doon na niya
naabutan si Nathan.

"Nathan!" she yelled. Medyo nakakaramdam na siya ng pagkakapos ng hininga.


Napahawak siya sa kanyang dibdib. "Wait!"

"What?" he asked. Agad na kumunot ang noo nito. "Ella are you okay?"

"Huh?" huminga siya ng malalim. "O-okay lang..." Tumuwid siya ng tayo. Napansin
niya na hindi pa ayos ang necktie ni Nathan. "Ano ba naman iyang necktie mo."
Ibinaba niya ang hawak at saka inayos ang necktie nito.

"Ella, male-late na ako." sabi pa nito.

"Saglit lang ito." she bit her lower lip while she was fixing Nathan's tie. Focus
na focus siya sa necktie nito na hindi na niya napansin na unti-unti na pala siyang
hinahapit ni Nathan papalapit. Whne she was done fixing his tie, she looked up and
that was when she saw that thier lips were just and inch away from each other.

"Na---" sasabihin pa sana niya ang pangalan nito ngunit, nasakop na ng labi nito
ang mga labi niya. She felt Nathan gently bit her lower lip. Napaungol siya. She
wrapped her arms around his nape and if it was even possible, she tried pulling him
closer. Hindi na siya nakakadama ng pagkailang sa tuwing hahagkan siya nito. She
thought that there was nothing wrong with kissing her husband, as far as she knew,
Nathan was her husbad at kahit sa papel lang iyon hindi naman siguro masama na i-
savor niya ang moment na kasama niya ito.

Dahil kahit malabo pa ang ibang bagay sa pagitan nilang dalawa, one thing remains
clear and that was the happiness she feels whenever she was with him. No, hindi
siya in love kay Nathan, hindi pa, pero hindi naman siguro malayong mangyari ngunit
hangga't maari ay iiwasan niya dahik ayaw niyang makasakit.

Nathan ended the kiss. They were both out of breathe. Nginisihan siya ni Nathan,
lalo tuloy nag-tremble ang knees niya.

"Bye, Ella." ngumiti pa ito. Nathan turned away habang siya ay naiwang nakatayo
doon at nakahawak sa kanyang mga labi. That was some goodbye kiss.

"Ano ba iyan.. umaga palang quota na ako sa kilig." mahinang bulong niya. She was
smiling really big but then that smile froze when she remembered why she went after
Nathan. Tiningnan niya ang kulay asul na bag na nasa tabi niya.

"Nakalimutan ko..." bulong muli niya. Paano naman kasi niya maaalala? Kung ganoon
lagi ang goodbye kiss nito baka pati pangalan niya ay makalimutan niya.

================

"Doc..."

Nathan glared at her secretary. He clearly told her earlier to not let anybody
disturb him. He was too busy to even talk to someone. Masyado siyang maraming
naiwang paper work na due the day after tomorrow. Kung hindi niya iyon magagawa ay
mananagot na naman siya sa President ng ospital who happens to be his dad.

"What?!" he snapped at her. Mukhang nagulat naman ito.

"Doc.. kasi may naghahanap sa inyo..."

"Tell them to leave me alone!" bahagyang tumaas ang tinig niya.

"Doc,"

"Ano ba?!"

"Si Miss Alcina po kasi iyong naghahanap sa inyo."

By just hearing that name his anger faded away. Matagal niyang tinitigan ang
secretary niya at saka inayos ang kanyang sarili. He put down all his paper works
and fixed his table tapos noon ay sinenyasan niya ito na papasukin si Alcina. A
moment later, his secretary was back and Alcina was walking beside her. He caught
his breath. Alcina was still the most beautiful woman he had ever seen. Longing
filled his heart. Miss na miss na talaga niya ito and if he could only move heaven
and earth, he would, just so he could be with him.

"Shall I lock the door, Sir?" tanong nga secretary niya. He nodded. Alam niya,
kahit na hindi sabihin ng secretary niya ay may alam ito sa nangyayari sa kanila ni
Alcina. Seconds later, he heard the door locked. Alcina walked towards him, she sat
on his lap and wrapped her arms around his nape. He suddenly thought how good it
felt to have her this close.

"I missed you, baby..." she said while she was staring at him. He sighed. Kung alam
lang nito kung gaano siya nangungulila dito. He had missed her so much that he
wanted to runaway with her. Kung pwede lang sana, kung ganoon lang sana kadali ang
buhay, matagal na niyang inilayo si Alcina sa lahat ng ito.

He knew that he shouldn't be doing this, he promised Ella that he will never let
Alcina get to him again, but he missed her so much that he couldn't control
himself.

"I missed you too." Alcina smiled at him. She bent down and kissed his lips. He
closed his eyes savoring the moment. Wala, hulog na naman siya.

===========

"Good afternoon, Secretary ni Nathan na hindi ko alam ang pangalan!" Ngiting-


ngiting bati ni Ella sa babaeng nakaupo sa labas ng clinic ni Nathan. Tatlong beses
niya palang ito pero lagi niyang nakakalimutan itanong ang pangalan nito. Napatayo
ang babae nang makita siya. Para itong nakainom ng suka dahil nawalan ng kulay ang
labi nito.

"Mrs. Varres!" sigaw pa nito. Tumaas ang kilay niya.

"Bakit para kang nakakita ng multo?" tanong niya dito. Napakagat labi ang babae at
saka nag-iwas ng tingin. Napalabi siya.

"W-wala po si Sir, este si Doc sa loob, nag-rounds po siya." wika pa nito.


Napatango siya.

"Hihintayin ko na lang siya sa loob." sabi niya dito sabay hablot sa baunan ni
Nathan.

"Po?" bigla ay hinawakan siya ng babae sa braso. "Wag po! Naka-lock po kasi iyong
office ni doc!"

"Ah.. e di dito na lang ako." umupo siya sa isang mahabang bangko doon. She made
herself comfortable pero hindi niya matagalan ang tingin sa kanya ng secretary ni
Nathan. Para bang... Ayaw naman sana niyang pag-isipan ito ng masama pero parang
may itinatago ito sa kanya. Dudera pa naman siyang tunay at ayaw na ayaw niya kapag
tinitingnan siya ng ganoon na para bang tinitmbang ang buong pagkatao niya.

"Girl!" Napatingin siya sa may table nito nang marinig niyang may tumawag dito.
"Tawag ka sa accounting!"

"Ha?" bigla ay lalong namutla ang babae. "Pero kasi w-walang tao dito."

"Ako na lang. Babalik ka naman agad diba?" pagmamagandang loob niya.

"O, siya na lang daw." wika ng isa. "Saglit lang iyon. Go!"

Tiningnan muna siya ng secretary ni Nathan at saka umiling tapos ay tumalikod.


Nagtataka talaga siya kung bakit ito ganoon. May ginawa ba siyang masama? Na-offend
niya ba ito?

She watched as Nathan's secretary walk away. Naiwan siya doon na naghihintay. She
would wait for Nathan kahit gaano man katagal. Gusto niya kasi na sabay silang
kumain. She looked around her and saw that almost all the people on that floor were
eating already. Nakadama na rin siya ng gutom pero hihintayin pa rin niya si
Nathan. She stood up. Hindi na siya makatiis. Naisip niyang pumasok sa loob ng
office ni Nathan, para naman kasing hindi siya naniniwala na naka-lock ang pinto
noon. At tama nga ang hinala niya dahil nang hawakan niya ang door knob ay umikot
iyon. Ipinasok niya ang kanyang ulo upang sumilip. Titingnan niya lang kung walang
tao doon. Mukhang wala ngang tao dahil ang tahimik ng paligid. She just sighed baka
nag-rounds nga si Nathan. Isasara na sana muli niya ang pinto nang bigla siyang may
marinig. She heard two people laughing.
Pumasok siya out of curiosity. Dahan-dahan at tahimik na humakbang siya papasok sa
loob. She heard another laugh again, tawa ng isang babae. Nakadama siya ng kaba.
Dapat walang ibig sabihin iyon sa kanya but then she had heard that voice before.
Nagtago siya sa gilid ng malaking muscular system model ni Nathan na nakatayo sa
glid ng isang mahabang couch. Dahan-dahan siyang sumulip at doon niya nakita ang
isang eksena na mas masakit pa kaysa sa nakita niya noong unang araw niya sa
Boracay.

Nandoon si Nathan, naroon din si Alcina. Alcina was sitting on Nathan's lap,
smiling, staring at Nathan like he means the world to her. Habang si Nathan naman
ay nagbabasa pero nakangiti ito. Alcina caressed Nathan's face tapos ay ibinaba ni
Nathan ang binabasa nitong papel. Nathan put his hands on Alcina's waist to pull
her closer, to kiss her fully on the lips.

Nakadama siya ng kung anong masakit sa kanyang dibdib. It was one thing that Nathan
slept with Alcina but it was much much painful to see him kissing, smiling and
having fun with Alcina.

She saw the way Nathan looked at Alcina and she realized that Nathan was really in
love with her, na hindi lang ego nito ang gumagana kaya nito gustong makuha ang
babaeng iyon. Her tears started falling when she realized that Nathaniel Varres was
indeed in love with Alcina.

"I love you..." narinig niya pang winika nito. Lalo siyang napaiyak. Hindi na niya
kinaya. Mas matatanggap niya pa kung mahuhuli niya Nathan kasiping muli ang babaeng
iyon pero hindi. She saw the version of Nathan that she could never hold on, a
version of Nathan that only Alcina could access. A version of Nathan that she
wants, but could never have.

Tumakbo siya palabas ng clinic nito. Her tears were falling, her knees were
shaking, her body was trembling. Hindi niya alam kung bakit masakit ang dibdib
niya. hindi siya sigurado kung dahil ba iyon sa cardiac dysrythmia o dahil masakit
para sa kanya ang makita si Nathan kasama si Alcina. Dapat walang naman siyang
nararamdaman because as far as she was concerned, she was only Nathan's wife for
show. What they have was only a make believe. A show, a scene para makuha nito si
Alcina at ngayon na parang nangyayari iyon, bakit ganito ang nararamdaman niya?

=================

Ella didn't know how she ended up knocking on Jenny's door. Mula nang umalis siya
sa ospital ay hindi na siya tumigil sa kakaiyak. Everything around her was blurred.
Alam niyang mukha siyang tanga noong pumara siya ng taxi, alam niyang naaawa lang
sa kanya ang taxi driver kaya hindi siya nito siningil sa pamahase, alam niyang
iniisip nito na baka sira ulo siya pero wala naman siyang magawa dahil hindi talaga
niya mapigil ang pag-iyak niya.

The door opened and when she looked up she saw Trey standing in front of her.
Napalitan agad ng pag-aalala ang ngiti sa mukha nito.

"Ella? What's wrong?"

"Trey, si J-jenny?" humihikbing wika niya. Pinapasok siya ni Trey at pinaupo sa


sala. Tinawag nito si Jenny. Maya-maya ay humahangos na ito papunta sa kanya.

"Bakit ka umiiyak?" tinabihan siya nito. Sa totoo lang ay ayaw sana niyang puntahan
si Jenny. Alam niya na sa oras na tanungin siya nito tungkol kay Nathan ay masasabi
niya dito ang totoo. Ayaw sana niyang ipaalam dito ang tungkol sa kasunduan nila ni
Nathan pero hindi na niya kaya. Kahit magalit pa si Jenny sa kanya, sasabihin na
niya ang totoo dahil ang bigat-bigat na ng kalooban niya.

"Si Nat-nathan..." humikbi siya.

"What did he do?" Jenny asked, while tryong to comfort her. Hinagod-hagod nito ang
likod niya. "Wag kang umiyak, baka hikain ka, Ella." sabi pa nito. Hinawakan niya
ang brasi nito at saka tumingin sa kaibigan.

"May iba siyang m-mahal eh..."

Sumeryoso bigla ang mukha ni Jenny.

"Trey! Trey, tubig please!" sigaw pa nito. A little while later, Trey entered the
room with a glass of water. Kinuha iyon ni Jenny at ibinigay sa kanya.

"You okay?" wika ni Trey sa kanya. She tried smiling. "Do I need to call the boys
for a resbak, honey?" baling nito kay Jenny.

"Hindi pa naman, honey... pero baka malapit na." she heard Trey chuckled. Tumingin
siya dito. He patted Jenny's hair tapos ay hinagkan ito. After a while ay iniwan
muli sila nito.

"May babae ang asawa mo samantalang wala pang isang buwan ang kasal ninyo! Anong
klaseng tao iyon! Sorry, Ella ha? For the lack of the right words to say, tang ina
lang niya!"

"Bebang, pwede bang makinig ka muna sa akin?" naiiyak na tanong niya.

"Ano? May hindi pa ba ako alam? Susulpot na lang siya bigla tapos papakasalan ka
tapos mambabae? Dapat diyan pinapatay!"

"Jenny, hindi mo naiintindihan.. Nathan is my project."

Kumunot ang noo ng kaibigan niya at takang-takang tumingin sa kanya.

"Project? Anong project? Ella naman! Ganyan ka ba katanga?!"

"He's my To Do list number three. I want to change his life."

"Change his life? Bullshit! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka si
wonder woman so don't try saving everyone's life! Hindi ka super hero, Ella. At
utang na loob wag mong ipagtanggol ang asawa mong gago!"

"Pinakasalan ko siya para tulungan siya na makuha ang babaeng gusto niya."

Natigilan si Jenny. Tumayo ito at saka nagpalakad-lakad. Parang sinusubukan nitong


intindihin ang sinabi niya.

"So user siya? At ikaw naman iyong tanga, nagpagamit ka? Bakit gamit ka ba?"

Napahagulgol siya. Masakit talagang marinig ang katotohanan. She knew that Jenny
was only trying to make sense to her pero gusto rin naman niyang makita nito ang
point niya.

"Jenny, hindi na ako pwedeng umatras. He's one of my to do list kailang---"

"Shit iyang to do list na iyan! Ano bang meron sa to do list na yan at pinipili
mong magpakatanga sa Nathan na iyon!"
Muli na namang nagpalakad-lakad si Jenny sa kanyang harapan. Alam niyang galit ito
sa kanya. She stood up and tried getting a hold of her pero tinatabig nito ang
kamay niya

"Jenny, Jenny., Jenny makinig ka muna.. Jenny..."

"Ano ba kasing klaseng katangahan iyan, Ella? Kung pwede lang na---"

"Jenny, Jenny, I'm sick. I'm sick, Jenny. I'm dying."

Kitang-kita niya na natigilan ang kanyang kaibigan. Napatulala ito, nakatingin


lamang ito sa kanya na para bang hirap itong i-process ang sinasabi niya. Bigla ay
napayakap siya dito, mahigpit at lahat ng iyak niya, lahat ng luha niya ay inilabas
niya dito.

"Mamamatay na ako, Jenny. And I want to change his life before that day comes. So
please... just try to understand..."

*******************************************
[19] 17. Ellang Tanga
*******************************************
"Where have you been?"

Napatatda si Ella nang marinig ang tinig ni Nathan mula sa kanyang likuran. Ang
buong akala niya kasi ay wala pa ito dahil naka-lock pa ang pintuan nnag dumating
siya. She slowly faced him. Binuksan nito ang ilaw at saka tumitig sa kanya.

"I was with J-jenny..." she said soflty. Nathan moved towards her. She tried to
keep her gaze on him. Suot pa rin nito ang damit na ipinamasok nito kaninang umaga,
sa tingin niya ay kararating lang din nito. Nagulat pa siya nang bigla nitong
haplusin ang kanyang pisngi. Her mouth fell open as she looked at Nathan's eyes and
saw something in there.

"Did you cry?" he asked in a low voice. She swallowed hard. Anong sasabihin niya
kay Nathan? Hindi niya pwedeng aminin dito na umiyak nga siya.

The talk she had with Jenny was excruciating. Mula nang sabihin niya dito ang totoo
tungkol sa sakit niya ay hindi na sila tumigil sa kakaiyak. She saw how painful it
was for her best friend to try and accept the fact that her days were counted. And
by just thinking about the pain she had caused her friend, it was enough for her
tears to fall down again. She bit her lower lip when she felt those tears cross her
face. Nathan's face was unreadable, although she saw his forehead knot, hindi
talaga niya alam kung anong nararamdaman o iniisip nito.

Nathan sighed and wiped her tears away.

"What happened?" he asked again. This time, she was sure that he was worried for
her.

"Uhm, w-we w-watched a mo-movie a-and i-it was a tear jerker s-so..." hindi na niya
maituloy ang kanyang sinasabi. She hated lying, pero hindi naman niya pwedeng
sabihin kay Nathan ang totoo. Hindi niya pwedeng sabihin dito na nasasaktan siya
dahil alam niyang wala naman siyang karapatan.

"I thought you hated movies. They give people false hope."

She shrugged and moved away from him.

"Y-Yeah... b-but Jenny wanted to watch it, so I gave in. She's my best friend and I
love her..."

"I see..." wika ni Nathan. Ngumiti siya dito at saka nilagpasan ito.

"E-ella..." tawag nito sa kanya. Huminto siya sa paglakad at saka hinintay ang
sasabihin nito. Nakatalikod siya dito kung kaya hindi niya alam kung ano ang
ekspresyon ng mukha nito.

"Were you at the hospital today?" he asked her. She gasped when she understood his
question. Napalunok siya.

"Oo. Nagpunta ako para dalhin iyong luch mo." panimula niya. "P-pero umalis din a-
ako a-agad ka-kasi ng-nga m-may l-lakad k-kami ni J-jenny."

"I see... Hindi ka nagtagal? Did you enter my office?" he asked again.

"H-hindi. Umalis ako agad." giit niya. Hinarap niya si Nathan. "Kumain ka na ba?"

"Oo. I was out with some collegues."

She stared at Nathan. Collegues? Ibig bang sabihin noon, he was out with Alcina?
Napabuntong hininga siya. With all these pretensions and lies, parang hindi na siya
makahinga.

"Ah ganoon? Sige magpapahinga na ako." Tuluyan na niya itong tinalikuran. She went
inside the bedroom which she shares with him and sat in the middle of the bed. She
asked herself again, bakit ba ganoon na lang kalaki ang impact ng nakita niya
kanina? Matagal naman na niyang alam na iyon ang plano ni Nathan and yet it was as
if she couldn't accept the fact that he was indeed in love with Alcina.

All along she thought that Nathan only wanted Alcina because of his ego, because he
couldn't stand the fact that she was always the one leaving him, but what she saw
earlier, she knew that whatever Nathan was feeling for Alcina was real, he was in
love with Alcina.

Napatingin siya sa bag niya nang marinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. She
immediately took her phone and answered it.

"Bang?" It was Jenny. Matagal bago ito nagsalita. All she could hear was the soft
sobs coming from the other line. "Are you still crying?"

"No...." Jenny answered. Natawa siya. Marahang pinahid niya ang kanyang mga luha.

"Huwag kang umiyak na parang bukas na ako mamatay."

"Huwag ka ngang magsalita ng ganyan!" sigaw ni Jenny mula sa kabilang linya. She
just sighed. This was the reason why she didn't wanna tell Jenny the truth. She
couldn't bear the fact that she was acting like this. Si Jenny palang ito, paano
kapag sinabi na niya sa pamilya niya?

Alam naman niya na hindi niya maitatago habambuhay ang tungkol sa sakit niya. She
knew that sooner or later, she will have to tell her family about her sickness,
pero hindi pa siya handa. Iniisip na niya kung anong magiging reaksyon ng mga ito,
lalo na ang mga tiyahin niya.

"Sinong mamatay bukas?"

Wala sa loob na tinapos niya ang tawag ni Jenny. Agad niyang ipinasok ang kanyang
cellphone sa bag at hinarap si Nathan. He was standing near the door looking at her
like he was studying her every move. Narinig ba siya nito? Narinig ba nito ang
usapan nilang dalawa ni Jenny?

"Mamamatay na ako." wika niya. Nakipagtitigan siya kay Nathan. Tulad ng nangyari
kanina ay wala pa rin itong malinaw na ekspresyon. He was just staring at her.

"What?"

Napalunok siya.

"Mamamatay na ako. Iyon iyong title ng movie na pinanood namin ni Jenny." pilit na
ngumiti siya. Nathan nodded.

"What kind of film is it?"

"An indie film."

Pumasok si Nathan sa bathroom. Napabuntong hininga siya.For a while there, parang


gusto na niyang sabihin kay Nathan ang totoo. She wanted to tell him that she was
dying, that she doesn't know until when her heart will beat.

"Tungkol saan iyong movie?" tanong nito nang makalabas ito ng bathroom. He was now
wearing a pair of boxer shorts and a black shirt. He sat on the bed with her. He
looked so fresh and from where she was sitting, she could smell his fresh breath.

"S-sa isang babaeng malapit nang mamatay."

"Tapos?" Tiningnan niya si Nathan. Hindi niya alam kung bakit gusto nitong marinig
ang kasinungalingan niya.

"Knowing that she will die soon, the girl wanted to be free, to be happy, she
wanted to live life spontaneously, so she did the things na akala niya ay hindi
niya gagawin. She bungee jumped in Subic, she climbed the highest building in the
metro only to scream her heart out, she did everything para hindi siya magsisi sa
huli. Then..." she looked at Nathan. "She met a man."

"Typical love story." komento nito. Napatango na lamang siya.

"The girl wanted to change that man's life in a way na alam niyang makakabuti para
dito, but the man doesn't want to be changed. But the girl, she was willing to do
everything to change the man's outlook in life because she believes in miracles.
Naniniwala siya na kahit gaano ka-hopeless ang lalaking iyon ay mababago niya ang
buhay nito."

"We'll, that girl was obviously stupid." muling sabi ni Nathan. Napangiwi siya.

"B-bakit siya tanga, Nathan?" tanong niya dito.

"Bakit niya babaguhin ang isang tao kung ganoon na talaga siya? Ella, kung ano ang
tao, iyon na siya. He will never change. If he's a bad person, he will forever be a
bad person. No one can change someone for the better."

"Pero kahit ganoon, naniniwala pa rin iyong babae na magbabago iyong lalaking iyon.
Na makikita niya na hindi dahil gusto niya, o dahil sa mahal niya, makukuha niya."

"What's the point of changing? Kung ganoon siya, ganoon siya. Hopeless case."
Napapalatak pa ito. "Iyon ba iyong pinanood mo kasama ang kaibigan mo? Para ka lang
nagsayang ng pera."
Hindi na siya kumibo. She stood up and went to the bathroom. Isinara niya ang pinto
pagkatapos ay tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin. Mugtong-mugto pa rin
ang kanyang mga mata at parang kahit ganoon na ang estado ng mga matang iyon ay
muli na naman siyang naiiyak. Hinayaan niyang maglandas ang mga luhang tila kanina
pa gustong maghabulan sa kanyang mga pisngi.

Nasasaktan siya. Tama ba ang sinabi ni Nathan? Tanga nga ba siya? Kung naniniwala
siya na mababago niya ito sa paraang alam niya, tanga nga ba siya?

She suddenly remembered what Jenny had asked her earlier.

"Kung, kung ma-mamatay ka na.. why are you wasting time on him? Do you love him,
Ella?"

Huminga siya ng malalim. Ayaw niya ng tanong ni Jenny. Hindi katanggap-tanggap ang
tanong na iyon at kung sakali mang sasagutin niya ang tanong na iyon, malamang ay
hindi rin katanggap-tanggap ang sagot.

=============

Nathan watched as Ella climbed on the bed. Nagtataka talaga siya kung bakit
mugtong-mugto ang mga mata nito. He wanted to ask him the truth behind those
swollen eyes. He knew for a fact that Ella was lying to him when she said that she
watched a movie with her friend. Ella wouldn't stutter kung nagsasabi ito ng totoo.
It was obvious that she cried but why? Iyong rason ang gusto niyang malaman.

Was it because of him?

He wanted to ask her that. Pero kapag nalaman niya na umiyak si Ella dahil sa
kanya, may magagawa pa ba siya?

Maybe she was lying too when he asked her if she went in his clinic earlier at the
hospital. Gusto niyang malaman kung nakita ba nito si Alcina sa clinic niya. Gusto
niyang malaman kung anong iniisip nito sa kanya. He wanted to know her thoughts
about everything kahit gaano man iyon kababaw o kalalim. He wanted to be a part of
Ella. He wanted to take care of her. Iyon na lang ang tanging bagay na maaari
niyang ibigay dito.

Humiga ito sa tabi niya, pero bago iyon ay kinuha nito ang malaking bolster pillow
at iginitna iyon sa kanila. He sighed. He was still watching her every move.
Maliban sa mata nitong namumula pa rin ay namumula rin ang ilong nito, her lips
were a bit swollen too, maybe from biting it. Habit yata takaga iyon ni Ella.

"Why are you looking at me like that?" She asked. Umiling siya. Nagkibit balikat
naman ito. "Goodnight, Nathan."

Humiga na ito. He was sitting on his side of the bed, thinking. Hindi siya
makatulog, sa hindi niya malaman na kadahilanan ay nakakadama siya ng guilt. He
felt as if he was actaully resposible for Ella's tears and he doesn't know why.

"Nathan..." tawag nito sa kanya.

"Akala ko ba matutulog ka na?"

"Kwentuhan mo ako." she said.

"Akala ko ba hindi ka naniwala sa fairytale?"


"Hindi nga. Iba naman iyong papa-kwento ko eh." she said.

"Ano? Tungkol saan?" he asked again.

"Tungkol sa The Pastels." muli ay bumangon si Ella. "Paano kayo nagkasama-sama?"

He smiled everytime he remembers the first time he met his friends.

"Lex met Kerky when we were thirteen. He discovered that Kerky could play the
guitar, while he could play the drums." panimula niya. "Then, Lex introduced Kerky
to me, I could play the piano and the base and I could also sing... Pero hindi pa
kami banda noon. Tapos after a year, nakilala namin iyong kambal. The band wasn't
really established that time, para sa amin kasi noon, we're just a bunch of
teenagers having fun, tapos iyong music iyon ang naging outlet ng rage namin."

"Ahhh... so kailan kayo nagkabanda?"

"Third year high school, after ng disastruos na prom. Calen wanted to make everyone
see na hindi siya basta misunderstood -- you see -- Calen was the blacksheep in the
group. Tapos, we played two songs and after that, instant celebrity na kami sa
school. We started dreaming big, but after high school I had to leave the band so I
could focus on being a doctor."

"Ahhh..." napapatango si Ella. Muli ay binalingan siya nito. "Eh kailan mo naging
girlfriend si Alcina?"

"W-what?" he asked in a surprised tone. Nagkibit balikat si Ella at saka muling


tumingin sa kanya.

"Narinig mo diba... I just want to know."

He took a deep breath. Sasabihin niya ba kay Ella?

"I met Alcina at the university. It was love at first sight." He remembered that
moment. It was a sunny Monday afternoon at UP Los Banos. Nagalalakad siya sa may
oval. He was actually running late for his next class, when he suddenly bumped into
someone. Theirs was a typical boy meets girl love story only the complications came
in sooner. Kung gaano kabilis na naging kanya si Alcina ay ganoon din kabilis na
nawala ito sa kanya. After two years of being together, he found himself broken
hearted because Alcina chose Condrad over him. Then a year later, he found out that
they were getting married. Naging napakasakit noon sa kanya.

"Mahal mo siya? Hanggang ngayon?"

"The only reason why my heart keeps on beating was her, Ella. Mamamatay ako kapag
nawala siya sa akin."

"Mahal mo nga... Sige, goodnight."

Tinalukuran na siya ni Ella at saka nagtalukbong ng kumot. Hindi niya talaga ito
maintindihan minsan. Napakabilis magbago ng laman ng utak nito. He somehow wished
that he could read Ella's mind because of he could, it would be easier for him to
know what's going inside that head of hers.

-------------------------

Mahal niya talaga si Alcina.


Iyon ang laman ng isipan ni Ella habang nakatingin kay Nathan. It was 4:30 in the
morning and for some reasons, she woke up. Hindi niya alam kung bakit na bigla na
lang siyang nagising in the middle of the night -- actually hindi na night dahil
umaga na iyon. Nathan was beside her, still asleep. He looked so peaceful habang
nakapikit pa ito. She wondered kung nanananiginip ba ito at kung hanggang sa
panaginip ay si Alcina ang iniisip nito. Bigla ay napabuntong hininga siya.

"Wala namang masama kung si Alcina nga ang nasa isip mo, Nathan. Mahal mo siya eh.
Kaya lang bakit kaya ako nasasaktan?"

Bigla ay naaalala na naman niya ang tanong sa kanya ni Jenny. Was she falling for
Nathan? Pero bakit? Paano? Hindi pwedeng mangyari iyon dahil magiging mali ang
lahat. She was the one who told him to not fall in love with her, so if ever he
falls for him, siya ang hindi tutupad sa pangako.

Napailing siya. Kung anu-anong iniisip niya. Dahan-dahan siyang bumagon at tahimik
na naglakad patungo sa pinto ng silid. It was a Sunday morning and she doesn't know
if Natha will go to the hospital or whatever, nakalimutan niyang itanong dito.
Bumaba siya ng hagdan. Hindi niya alam kung magluluto na ba siya o kung anuman.
Masyado pa kasing maaga. Narating niya ang living room, there she sat on one of the
couches. She rested her head on the armrest and took a deep breath.

Kailangan niya ng kausap. Iyong taong makikinig lang, hindi siya iiyakan dahil
mamatay na siya. Kailangan niya ng isang taong bubungangaan siya. Pero sino?
Napapalatak siya. Hindi niya pwedeng tawagan si Jenny dahil alam niyang nag-iiyak
iyon ngayon. Naisip niyang kunin ang telepono at paglaruan iyon when suddenly the
phone rang.

Dalawang ring.

Iniisip niya kung sasagutin niya ba iyon. Pero sino naman ang tatawag ng disoras ng
gabi?

Apat na ring.

Sasagutin na sana niya nang bigla mawala.

"Bakit ganoon?" She asked herself. Siguro ay naisip ng tumatawag na disoras ng gabi
kaya ibinaba na nito ang phone, pero iba. Kinakabahan siya. Gusto niyang malaman
kung wala na ba talaga o sadyang may sumagot lang na iba.. Maybe Nathan woke up and
answered the phone.

Inagat niya ang telepono. And she was right. Nathan answered the phone for it was
his voice that she heard. He was laughing.

"Did you had fun kanina?" anas ng malamyos na tinig na kahit hindi niya alam o
nakikita ay alam niyang pagmamay-ari ni Alcina.

"I did... I missed you baby." si Nathan. Muli ay naglandas ang kanyang mga luha.
Ayon na naman ang sakit. Ayon na naman iyong mahapdi.

"Wala ba siya?" si Nathan ulit.

"He's always busy. I wish you could be here, baby. I wanna make love to you."

Nailagay niya sa kanyang bibig ang kanyang kamay. Why does it hurt so much?

"Where are you?" tanong ni Nathan. She was trembling with so much pain.
"Pupuntahan mo ako?" malanding wika ni Alcina.

"Kailan ba kita natiis. I'll be there in ten. Wait for me."

Ibinaba nito ang telepono. Atubiling ibinalik niya iyon sa reciever at saka nagtago
siya sa likod ng couch. She was silently crying. She was wondering why it hurt so
much. Why was she feeling this way?

Maya-maya ay narinig na niya ang yabag ni Nathan. Sinilip niya ito. He was now
wearing a p
air of jeans and a blue shirt. She bit her lower lip. Ni hindi man lang ba nito
nahalata na wala na siya sa kama?

He said that he would never make her feel this way, pero anong ginagawa nito?
Lumabas ito ng unit, atubiling tumayo siya at saka sinundan ito. Wala siyang
pakialam kung naka-short lang siya at naka-tshirt o kung mukhang kagigising lang
niya, wala siyang pakialam, basta kailangan niyang sundan si Nathan.

She saw Nathan get in the car and drove away. Walang taxi, wala siyang masasakyan.
May nakita siyang motorbike, alam niyang sa guard iyon. Nilapitan niya ang guard at
pilit na hiniram ang susi. She was lucky enough that the guard was kind. Agad
siyang sumakay doon. Wala masyadong sasakyan sa daan kung kaya't madali para sa
kanya ang makita ang sasakyan ni Nathan. Hindi niya alam kung saan iti pupunta pero
pamilyar sa kanya ang daan na binabagtas nito. Finally he turned left and she
realized that Nathan was entering Sain Therese Village.

Pinaalapas ito ng guard. Sumunod siya. Hiningan siya ng ID. Buti at may dala siya.
Pinapasok na rin siya nito. She trailed Nathan's car. Lumiko ito sa may periwinkle
street at doon, huminto ito sa may pang-apat na bahay. She saw Alcina went out of
the gate upang salubungin si Nathaniel. Ngiting-ngiti si Nathan nang makita si
Alcina. Hinagkan pa niya ito sa labi at saka nakaakbay na pumasok sa loob ng bahay.
Napaiyak siya.

Tama si Jenny. Mukha siyang tanga. Nagpagamit siya. Tapos ngayon na parang nakukuha
na ni Nathan ang gusto nito, itinapon na lang siya basta na parang basura.

Lumuluhang pinaadar muli niya ang motorbike na nahiram niya. Her tears kept on
falling. Blurry na nga ang paligid niya and maybe that was the same reason why she
didn't notice the big narra tree on the side street. Hindi niya nakita iyon, hindi
niya naiwasan kung kaya't bumangga siya roon.

Tumaob ang motor. Nadaganan ang isang binti niya. Lalo siyang napaiyak. The next
thing she knew, dinaluhan na siya ng dalawang guard at tinatanong kung okay lang
siya. Tinulungan siya ng mga itong tumayo. They even pushed away the bike. She saw
blood gushing out from her legs. Ang malas-malas naman niya, may sakit na nga siya,
naaksidente pa siya dahil sa katangahan niya.

"Miss, naku, kailangan kang dalhin sa ospital!" wika ng isang guard. Hindi siya
nakasagot. She even closed her eyes when she saw a blinding light coming from a car
just on her right.

"Miss, tabi muna tayo. May dadaan." sabi muli ng guard na tumulong sa kanya.
Umiiyak pa rin siya, hindi lang dahil sa masakit ang binti kundi dahil na rin sa
masakit na bahagi sa puso niya.

She noticed the red suv passed right them. Maya-maya ay huminto ito. Ibinaba ng
kung sinuman ang bintana noon.
"Good morning, boss. Anong nangyari?" wika ng isang lalaki.

"Nabangga lang ho, Sir." sagot ng guard sa nagtanong.

"Wait..." tinig ng isang babae. "Isn't that Ella, Robi?"

Noon lamang siya nag-angat ng tingin. Maliwanag na ang paligid kung kaya't kitang-
kita niya si Robi at si Ian na nakasilip sa bintana ng sasakyan. Napangiwi siya.
Agad na bumaba si Robi ng sasakyan at nilapitan siya. Inalalayan siya nito habang
si Ian naman ay binuksan ang sasakyan. Inupo siya ni Robi sa likod ng kotse.

"Kilala ninyo po?" wika ng guard. She saw Ian smiled.

"Opo, ex po ni Robi, Kuya. Kami nang bahala."

The two got in the car. Robi drove away, habang si Ian ay tinitingnan siya.

"Are you okay? God, you're bleeding!"

"Call, Jenny, Ian." utos ni Robi.

"Huwag!" protesta niya. Sabay na napatingin sa kanya ang dalawa. "O-okay lang ako..
Dalhin ninyo na lang ako sa bahay..."

"Are you kidding?" biglang napa-preno si Robi. Napangiwi siya dahil nadama niya ang
pwersa ng sasakyan sa kanyang binti.

"Robi!" sigaw ni Ian.

"We're going to take you to the hospital Ella. Nakita ko ba ang binti mo?" muli ay
binalingan nito si Ian. "Call Jenny."

"Please..." magrereklamo pa sana siya nang makita niya ang death glare ni Robi at
ni Ian sa kanya. Naumid ang kanyang dila. she just looked away. Ang malas talaga
niya.

===============

"Fractured bones, bruised arms, pero wala namang serious damage. Kailangan lang
natin i-cast ang binti mo for three weeks."

Napamaang si Ella habang pinapakinggan ang doctor na nagsasalita sa harapan niya.


Wala na talaga siyang nagawa nang dalhin siya ni Robi at ni Ian sa ospital. Wala na
rin siyang nagawa nang tawagan ng mga ito si Jenny at wala na rin siyang nasabi
nang dumating ang kaibigan niya bitbit si Trey ang iba pang mga kaibigan nito.

Kung tutuusin, siya ang may pinakamaraming bisita sa emergency room. Hindi lang
iyon, pinagtitinginan ang direksyon niya dahil bisita niya ang Neon -- as in lahat
sila.

"Pwede na po ba akong umuwi?" tanong niya sa doctor.

"Anong uuwi?" angil ni Jenny. "Huwag mong pangunahan ang doctor!"

"Oo nga naman, Ella." wika ng pinakamatangkad na member ng banda -- si Ali. "We
have to be sure about your condition, lalo na at parang malala iyang binti mo."

"Yeah..." wika naman ng laging katabi ni Ali na si James. "Isa pa, your friend
wanted to make sure that you'll be fine."

"Hindi pa, Ella." wika ng doctor. We have to run in some more test kasi baka
magkaroon ng infection iyang binti mo, so you have to stay here for ate least two
days." The doctor said to her. Napasimangot siya. Maya-maya ay nagpaalam na ang
doctor sa kanila.

Matapos iyon ay isa-isa na ring nagpaalam ang Neon boys sa kanya. She was touched
by the way they express their concern for her. Ni hindi pa nga niya kilala masyado
ang mga ito ay ganoon na lang ang pag-aalalanng ipinapakita ng mga ito. Ang naiwan
lang roon ay si Jenny, si Trey.

"Babatanyan kita." hinawakan ni Jenny ang kamay niya. "Magli-leave muna ako sa
school."

"Thanks, Bang. I love you." wika niya.

"Should we call your husband?" tanong ni Trey.

"At bakit? Kapag nandito ba siya gagaling si Ellang Pangit?" mataray na wika ni
Jenny. Napakamot si Trey. "Wala siyang karapatan kay Ella!"

Pinisil niya ang kamay ng kanyang kaibigan. She knew that Jenny was only protecting
her.

"Malalaman din niya siguro." mahinang wika niya

"Ano? Itetext mo, ganoon?"

"Ospital nila ito, Ella." pagbibigay-alam niya dito.

"Ah? Ililipat kita ng ospital!"

"Ikaw talaga."

Kahit paano ay napangiti siya. Bigla niyang naisip na buti pa ang ibang tao,
nagmamalasakit sa kanya, pero ang sarili niyang asawa, nagpapakasasa sa kandungan
ng iba.

=====================

Nathan felt energized that morning while he walks down the hospital corridor.
Paanong hindi siya sasaya, he just spent almost half of his day making love with
the woman of his dreams. Napangiti siya nang maalala niya si Alcina. She was
insatiable, they were both insatiable, the two of them couldn't get enough of each
other, they were so happy. He could smell his victory. Nararamandaman na niya na
malapit na niyang makuha ang tagumpay.

"Nathan!" napahinto siya nang marinig ang boses ni Condrad. Bigla ay napangisi
siya. Poor Condrad, habang busy ito sa kakatrabaho ay wala itong kaalam-alam sa
pinaggagawa niya kasama ang asawa nito. Kungsabagay, advantage niya iyon. Condrad
could do everything he pleases to do habang siya naman ay magpi-please sa asawa
nito.

"Condrad, how are you?" kinamayan niya pa ang lalaki.

"I'm good." wika nito. Sinabayan siya nitong maglakad. "I must ask. how's Ella?"
Bigla ay napahinto siya. Ngayon niya lamang naisip si Ella. He almost forgot about
her. Ni hindi na siya nakauwi sa bahay niya upang tingnan ito.

"Sh-she's good. Bakit mo naitanong?"

"Wala bang kakaiba sa kanya? I mean, panic attacks, asthma or anything?"

"How'd you know about her asthma?"

Natigilan si Condrad. He looked at him with a suspicious expression on hisn face.


Maya-maya ay umiling ito.

"She told me about it back in Boracay and I was just worried."

"I see. If you must know, hindi inaatake ng asthma si Ella." matipid na wika niya.
Hinawakan siya ni Condrad sa braso.

"Just tell her, Nathan that I need to talk to her. Please."

Matagal na tinitigan niya ito. Ano naman ang pag-uusapan ni Ella at ni Condrad?
Gusto niyang magtanong pero pinili niyang manahimik na lamang. He just nodded at
him. Tinapik ni Condrad ang kanyang balikat at saka umalis. He stood there looking
at Condrad. Why does he want to talk to Ella? What could be the reason?

He wanted to know. But right now, he focused on his rounds.

"Doc!" tawag sa kanya ng isang nurse. Hinarap niya ito. "Ipinabibigay mo ni Doctor
Suarez." May inabot itong enevelope. "Iyon po iyong sa research ni Dr. Mendez."

"I see, thank you." tumalikdo na siya nang muling magsalita ang nurse.

"Doc, kamusta na po iyong asawa ninyo?" binalingan niya ito.

"She's okay. Why do you ask?" tanong niyang mula dito.

"Buti naman doc. Duguan kasi siya kanina, mukhang malala iyong tama sa binti niya."

Napamulagat siya. Duguan? Si Ella, duguan?

"What the fuck are you talking about?!" he demanded. Mukhang nagulat ang nurse.
"Where is she?!"

"Sa room 3948 po, d-doc..."

Agad niyang tinakbo ang distansya ng elevator at ng kinatatayuan niya. He pressed


the button going up to the third floor. Nakadama siya ng kaba. What the hell
happened? Kagabi iyak ito ng iyak, ngayon naman ay duguan ito? What is wrong with
the world? Bumukas ang elevator. Agad niyang hinanap ang room 3948. Nakita naman
niya iyon at agad na pinuntahan. Nakasarado ang pintuan niyon, walang kaabog-abog
na binuksan niya ang pinto at doon siya natigilan.

The nurse was right, Ella was here. She looked at his direction and he saw pain in
her eyes. Her legs were casted. Nakataas iyon, ang kanang kamay rin nito ay
nakabalot ng benda. And on her left arm, doon nakasaksak ang swero.

"H-hi, N-nathan.." she smiled at him.

"What the fuck?!" he screamed. Nilapitan niya si Ella. Hindi niya malaman kung
anong gagawin niya. Ano ba ang dapat niyang gawin? He was a brain surgeon for
crying out loud and yet looking at Ella right now made him feel so... helpless.

"O-okay na ako..." wika pa nito. Hindi siya makakibo. He stared at her. May
maliliit na sugat pa ito sa pisngi.

"Why didn't you call me?" he asked. Ella jjust shrugged.

"Naisip ko kasi na baka busy ka."

"What?!"

Gusto niya sumigaw, gusto niyang magwala. Pero bago pa man niya nagawa iyon ay
muling bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon ang isang babeng chinita na nakatitig sa
kanya and if he remembers correctly, Jenny ang pangalan ng babae.

"Nathan, natatandaan mo pa ba si Jenny? She's my best friend."

Hindi siya kumibo. Inirapan siya ng kaibigan ni Ella pagkatapos noon ay nagsalita
ito.

"Ako si Jenny. Marunong akong mag-taek wondo. Marami akong kilalang goons na walang
habas sa pagsa-salvage. May mga kilala rin akong assassin."

"Jenny!"

"Wag kang makialam!" sigaw ng babae. Dinuro siya nito. "Ikaw Nathan ka, kahit pa
gwapo ka, hindi ako magngangaling saktan ka sa oras na umiyak si Ellang Pangit! I
hate you!"

What the hell is wrong with this girl.

"Are you threatening me?" Hamon niya dito. Hindi niya ito gusto. Paano ito naging
kaibigan ni Ella?

"Hindi! Sinasabi ko lang ang kaya kong gawin!" muling sigaw nito.

"I'm not scared!"

"Jenny!" narinig niyang sigaw ni Ella. Hindi niya ito pinansin. He was so focused
on Ella's friend.

"J-j-jenny... je-nny..."

Ella sounded like she was out of breathe. Napatingin siya dito. Halos nakapikit na
ito at tila hirap na hirap na. Mabilis na dinaluhan ito ni Jenny. She held Ella's
hand.

"Ella... Ella..." parang naiiyak na wika ni Jenny. He stood there, feeling numb.
Jennt eyed him.

"Do something! Hindi siya makahinga!" Noon lamang siya nakagalaw. Pinindot niya ang
intercom upang tumawag ng nurse. He felt so helpless, he couldn't even move. He was
a brain surgeon, a renonwed neurologist and yet, he felt so helpless right now. Ni
hindi siya makatingin kay Ella.

*******************************************
[20] 18. Poof... wait.. and he's gone
*******************************************
Nathan stood near Ella's bed. He was silently watching her as she sleeps. He wanted
to hold her hand and sit beside her pero hindi niya magawa dahil na rin sa kaibigan
nitong si Jenny na daig pa ang guard dog kung magbantay. Huminga siya ng malalim.
Siya ang asawa but it seems like he couldn't even get near her. It was as if he
wasn't allowed to be near her. Jenny was sitting at the other side of the bed,
holding Ella's hand, staring at his wife like she was the most important thing
inside that room. Nakadama siya ng inis sa babaeng iyon. Kailan ba aalis ang
babaeng ito?

"Why don't you go home?" tanong niya dito. Tiningnan siya nito ng masama.

"Why don't you go home? We don't need you here." malamig na sagot nito sa kanya.

"I'm the husband. You're just a friend." sagot niya dito. Jenny smirked at her.

"Kailan ka pa naging asawa?" Her words were sharp like a knife. Nakadama siya ng
kaba. Does she know about his deal with Ella? Does she know about what was
happening between him, Ella and Alcina? He wanted to ask her kung may alam siya
ngunit hindi niya magawa. Kung magtatanong siya mas lalo lang niyang patutunayan
dito na hindi nga siya mabuting asawa sa kaibigan nito. And he knew that. Alam
niyang hindi siya mabuting asawa kay Ella. Ni hindi niya nagagawa ang mga
ipinangako niya dito noon. Ni hindi niya ito naaalagaan. As a husband, it was his
duty to take care of her and look after her. But he was always too busy to even
think abiout her.

Naalala niya bigla ang dahilan nito kung bakit hindi siya nito tinawagan nang
maaksidente ito. She thought that he was too busy. Gusto niyang sabunutan ang
kanyang sarili. Ganoon na ba ang tingin sa kanya nito? What happened to her was a
life and death situation and yet naisip pa rin nito na busy siya.

"Just go home." wika niya muli sa babae. Jenny stood up and moved towards him. They
were standing face to face now.

"Hindi ako uuwi. Dito lang ako hanggang sa magising si Ella. Kung gusto mo, ikaw
ang umuwi." she gritted her teeth. Napailing siya.

"Fine. You made me do this." Tumalikod siya at saka lumabas ng hospital room ni
Ella. He took out his phone and dialled a number. He gave instructions to the one
who answered the phone and he ended the call. A little while later, may dalawang
security guard ang umakyat sa floor na iyon. Sinenyasan niya ang mga ito na pumasok
sa loob. Makalipas ang ilang sandali ay dampot-dampot na ng mga ito si Jenny.

"Gago ka talaga noh!" sigaw nito sa kanya. He just gave her an evil grin.

"I asked you to leave but you didn't want to so I made a move." mahinahong sabi
niya. Matapos iyon ay binalingan niya ang mga lalaki. "Remember her face, hindi
siya pwedeng pumasok sa ospital na ito. Understand?"

"Yes, Doc."

"Ang kapal ng mukha mo! May araw ka din sa akin!" sigaw pa nito habang pilit na
hinahatak ng security. Tumalikod siya. He entered Ella's room again and sat on the
chair just beside her bed. He held her hand and he stared at her peaceful face. She
looked like an angel sleeping. Napabuntong hininga siya. He would do everything
just to take the pain away from her. Pero paano niya magagawa iyon kung nangyari na
ang mga bagay na nakasasakit dito?

"Wake up, Ella..." he whispered. He kissed her hand and stared at her again. Hindi
niya alam kung para saan ang kahugkangang nararamdaman niya sa kanyang puso, pero
nandoon iyon at damang-dama niya. Maybe he was feeling guilty, maybe he was blaming
himself for if he didn't leave that morning just to go to Alcina's house, Ella
wouldn't meet this accident and she wouldn't be here today.

He sighed. Maybe it was partly his fault. Tumayo siya at saka hinagkan si Ella sa
pisngi. He carressed her face and gave her a light peck on her left cheek.
Napangiti siya nang maramdaman niyang pinisil ni Ella ang kanyang kamay. He looked
at her, her eyes were still closed and yet there was a smile on her face. She
stirred and moved closer to him.

"Wake up...." he whispered on her ear. Ella moved again. This time, she angled her
face towards him. Tulog pa rin ito. Muli siyang umupo. He will wait for Ella to
wake up. He wanted to be the first one she will see the moment she opened her eyes.
He stayed there, still staring at her...

He was admiring this moment, savoring it for he knew the moment she wakes up the
moment will be forever gone...

Then suddenly, Ella's mouth moved. Lalo siyang napangiti. He didn't realized that
Ella talks on her sleep. She moaned. Then she said something. Something that made
his smile froze, something that took this special moment away from him.

"Al..bert... hmm... Don't leave me..."

==================

Who is Albert?

Gustong-gustong itanong ni Nathan iyon kay Ella. Kahapon nang magising ito ay tila
nagulat pa ito na naroon siya. She looked apalled upon seeing him sitting next to
her bed. Nagtanong pa ito kung anong ginagawa niya doon na para bang wala siyang
karapatang bantayan ito. Kung hindi nga lang niya inaalala na masakit pa ang
katawan nito ay baka napikon na siya dito at nasigawan niya ito.

"Hindi ba pumunta si Jenny?" tanong nito sa kanya. Nakaupo ito sa kama at


nakatingin sa may pintuan habang siya naman ay inaayos na ang mga gamit nito. Iuuwi
na niya si Ella. The doctor said that she was fine, her injuries will get better.
Aside from her asthma attack, okay naman na daw ito at ready na for release. He
looked at her. Mula nang magising ito ay iilang salita lamang ang binibitiwan nito
sa kanya. Kung siguro ay pwedeng hindi siya nito kausapin ay hindi siya nito
kakausapin.

"Hindi ko alam." matipid na sagot niya. Ayaw niyang pag-usapan si Jenny. Naiinis
talaga siya sa babaeng iyon. Ella looked at him.

"Pwede bang pahiram ng cellphone mo? Naiwan ko kasi iyong phone ko sa bahay."

Huminga muna siya ng malalim bago niya inabot kay Ella ang kanyang cellphone. She
gladly took it from his hands and started dialling. Tumalikod siya. Kinuha niya ang
bag na pinaglagyan ng mga damit nito at pagkatapos ay ipinatong sa kama nito. He
stayed there, he wanted to hear their conversation.

"H-hello? Bebang, nasaan ka?" tanong pa ni Ella. Ella fell silent for a while.
Matagal itong nakinig sa kausap sa kabilang linya, panaka-naka ay tumitingin ito sa
kanyang direksyon.

"Ah.... o-okay. I understand." wika pa ni Ella. "Okay, bye. I love you..."

Tinapos nito ang tawag at saka ibinalik sa kanya ang cellphone niya. Huminga ito ng
malalim at saka tiningnan siya. Ella stared at him for a while. He was waiting for
her to say something. Alam niyang sinabi na ng kaibigan nito kung anong ginawa niya
kahapon. He was sure Ella will say something to him.

"Uuwi na tayo?" tanong nito. Napaawang ang labi niya. Iyon lang ang sinabi nito.
Hindi ba siya nito sisigawan for banning her friend from this hospital or for
forcing her to leave yesterday?

"Y-yeah... Hintayin na lang natin ang wheelchair mo." sabi niya.

"O-okay." she said. She patienly stared at the door. Her silence makes him uneasy.
Umupo siya sa tabi nito. Tiningnan niya ang braso ni Ella na naka-cast pati ang
binti nito na nakabalot rin sa benda. She looked so fragile. Bigla ay hinawakan
niya ang kamay ni Ella. Napatingin ito sa kanya.

"What?" tila nagtatakang tanong nito.

Who is Albert? Why didn't you want him to leave you?

Iyon sana ang gusto niyang itanong. But instead he just said:

"Why didn't you call me."

"Kasi nga naisip ko na baka busy ka." mabilis na sagot nito.

"Why would you think that?"

"Ewan..." sagot nito.

"Pwede ba iyon?" muling tanong niya. Ella looked away. He cursed silently. Ano ba
talaga ang tumatakbo sa utak ng babaeng ito? He was about to ask her a question
when a familiar voice popped out of nowhere.

"Hi..." Halos magkasabay sila ni Ella na napatingin sa pintuan. There stood Alcina.
Napanganga siya. What the hell was she doing here? "Can I come in?"

Tiningnan niya si Ella. Poker faced ito. She was just looking at Alcina like -- he
doesn't know why she was looking at Alcina like that!

Lumapit si Alcina sa kanila. She was smiling at Ella. Inilapag pa nito ang mga
prutas na dala nito sa tabi ni Ella at saka muling ngumiti. Tumayo siya at saka
lumapit dito.

"What are you doing here?" he asked. Hindi niya matiis na itanong iyon. Marahang
hinampas siya ni Alcina sa kanyang balikat.

"Ikaw talaga Nathan..." nakangiting sabi nito. Binalingan nito si Ella na noon ay
poker faced pa rin. Hindi niya mawari kung masaya ba ito o naiinis o nalulungkot.
She was just staring at the both of them.
"How are you feeling, Ella?" nakangiti pa rin na wika ni Alcina.

"Okay." matipid na sagot nito. Kinakabahan siya. Binalingan niya si Alcina at


matamang tinitigan. He wanted to yell at her for coming here. Hindi ba nito
naiintindihan na hindi ito pwede sa isang lugar kasama si Ella?

"You have to go." wika niya dito.

"You're so rude." biglang usal ni Ella. "She came here for me so shut up, Nathan."
natameme siya. Ella was serious. She was smiling now at Alcina. Anong nangyayari.

"I'm glad you're okay. Galos lang ang natamo mo." Alcina said.

"I'm still lucky." wika naman ni Ella. Para siyang animated na bagay doon na hindi
pinapansin ng dalawa.

"I wonder how lucky could you get." Alcina said again. By that time dumating na ang
dalawang nurse dala ang wheelchair na para kay Ella. Nakahinga siya ng maluwag.

"Great, we can leave now. Bye, Alcina." pagpapaalam niya dito. Nilapitan niya si
Ella at saka inalalayan. Nabigla siya ng tabigin nito ang kanyang kamay.

"Don't touch me." halos anas na kumawala iyon sa bibig nito. He took a step back,
the nurses helped Ella as she got down from the bed. Inalalayan ito ng mga nurses
hanggang sa makalapit sa wheelschair ay naupo agad ito. Ni hindi man lang ito
tumingin sa kanya. Itinulak ng nurse palabas ang wheelchair ni Ella. Sumunod siya
dito but then Alcina grabbed his arm.

"Baby..." binalingan niya ito. "I need you, please stay..." Binawi niya ang braso
niya mula dito.

"What were you thinking even coming here?" he hissed at her. Matapos iyon ay
tinalikuran siya ito. He chased after Ella and the nurses. Naabutan niya ang mga
ito sa elevator.

"Let me..." wika niya sa nurse. Agad na ibinigay nito sa kanya ang wheelchair.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Ella.

"Bakit saan ba ako nandoon dapat?"

"Saan pa eh di sa kandungan ni Alcina." walang kaabog-abog na sagot nito.


Napatingin siya sa mga nurses na nasa tabi nila. They acted as if they didn't hear
anything. Napalunok siya. She looked down at Ella. Bakit nito nasabi ang bagay na
iyon. To think na nasa harapan sila ng ibang tao.

The elevator door opened. He pushed Ella's chair hanggang sa makarating sila sa
parking lot. Binuksan niya ang panssenger's door at nang aktong bubuhatin niya si
Ella ay bigla itong tumayo.

"What are you doing?" di makapaniwalang tanong niya.

"Pilay lang ako, hindi ako imbalido." iritableng wika nito. Kahit hirap gumalaw ay
pinilit nitong maglakad papasok sa kanyang sasakyan. He stood there watching her.

"Ahhh!" sambit nito nang sumagi ang kamay nito sa pinto ng sasakyan. "Shit! Fuck!"

"E-ella." Bumaling ito sa kanya. Tears were falling from her eyes. "Ella."
"Huwag mo akong hawakan!" sigaw nito. Humagulgol ito bigla. He wasn't sure if she
was crying because she got herself hurt or was it because she was hurting.

"Ella..." lumapit siya dito at saka hinawakan ito. Pilit itong nagpupumiglas ngunit
dahil sa hirap ito sa paggalaw ay hindi ito nakaalis. Kinabig niya ito papunta sa
kanyang dibdib. Hinayaan niya itong umiyak ng umiyak. Hindi man niya kayang itanong
dito kung bakit ito umiiyak ay nais naman niyang maramdaman nito na naroon siya at
hindi niya ito iiwan.

"Please..." she said. "Please stop treating me like crap..." humihikbing wika nito.
"S-stop hurting me..."

=====================

Ella woke up the next day feeling that excrucitaing pain on her legs. Napangiwi
siya. Hindi niya alam kung bakit ganoon kasakit iyon samantalang sabi ng doctor ay
mawawala naman iyon kaagad. She gasped when she tried to move and she felt that
agonizing pain throbbed.

"Ahhh!" napangiwi siya lalo. Pinilit niyang gumalaw, pinilit niyang bumaba sa kamay
but that simple effort pained her every muscle. She lost her balance and she landed
right on the floor.

"Aw!" napakagat labi siya. Hindi niya alam kung paano siya tatayo. Gagapang ba siya
palabas? Pero kung gagapang siya, mukhang masasaktan din siya. Napaiyak siya. Why
is it that everytime she tried to be strong she ended up being the weak one?
Napaiyak na siya ng tuluyan. Nitong mga nakaraang panahon ay wala nang nangyayari
sa kanya kundi ang masaktan at umiyak at lahat ng iyon ay dahil kay Nathan.

"Ella!" Speaking of the devil, bumukas ang pinto at marahil ay nakita siya nitong
nakalugmok doon. He ran towards her. Binuhat siya nito -- bride style at saka
ibinaba sa kama.

"Jeez! Are you trying to kill yourself?"

"Bago ko pa mapatay ang sarili ko, malamang napatay mo na ako." She said feeling
numb. Nathan sighed.

"Why are you saying that, Ella? Hindi naman kita sasaktan."

"Oo na. Hindi na." Muli ay sinubukan niyang tumayo. Nathan carried her again. Hindi
na siya kumibo. Hinayaan na lamang niya ito. Dinala siya nito sa kusina. Napansin
niya ang isang matandang babaeng nagluluto roon. She looked at their direction and
gave her a sweet smile.

"Good morning." wika nito.

"Yaya, si Ella. Ella, si Yaya Lanie. She will be taking care of you habang hindi pa
magaling iyang binti mo."

"Yaya mo?" tanong niya.

"Oo. Noong seven years old ako, hanggang ngayon." nakangiting wika ni Nathan. Inupo
siya nito sa silya. Umupo naman ito sa tabi niya.

"Hindi ka ba papasok sa ospital?" tanong niya dito. Umiling lang ito. "Bakit?"
"Dad gave me a month vacation so I could take care of you. He was worried about you
so is my mom. One of these days daw, dadalawin ka ni Mommy." wika pa nito sa kanya.
She remembered Nathan's mom. Mabait ito at palaging nakangiti sa kanya.

"Hindi ka aalis?" muling tanong niya.

"Hindi nga." sagot nito.

"Bakit?"

"Aalagaan kita." wika muli nito.

"Bakit?"

Nathan finally looked at her.

"Kailangan ba lahat ng gagawin ko para sa'yo may dahilan?" tila naiinis na tanong
nito. "Hindi ba pwede asawa mo ako at aalagaan kita tapos wala nang tanong pa?

"Hindi naman-----"

Hindi na naituloy ni Ella ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang siyang kinabig
ni Nathan at saka hinagkan sa kanyang mga labi. And just like how his other kisses
affected her, her knees instantly became jello when Nathan's lips crushed against
her. His kisses were soft and sweet and caring, it was like he was trying to prove
to her na hindi nga ito aalis sa tabi niya. And as if he wasn't satisfied enough,
she felt him lift her up, the next thing she knew she was sitting on his lap and he
was still kissing her like there was no tomorrow.

But like any other things in this world, the kiss ended and Nathan made her face
him.

"One more rant and I swear, I will do something with that smart mouth of yours."
Napalunok siya. She had a feeling that Nathan was serious because his eyes were
darker and meaner. Napakagat labi siya at saka nag-iwan ng tingin. She heard him
sighed.

"Let's eat." wika pa nito. Itinukod niya ang kamay niya sa mesa upang maging
suporta sa kanyang pagtayo but then Nathan held on her waist and pinned her on his
lap. "Dito ka lang."

"Huh, pero..."

"Shut your mouth and eat." sinubuan siya nito. Atubiling ibinuka niya ang kanyang
bibig. Nahihiya siya sa Yaya ni Nathan. Nakatingin ito sa kanila at nakangiti.
Akala yata nito si Kim Chiu siya at si Nathan naman si Xian Lim. KimXi lang ang
peg?

"Nathan, kaya ko namang kumain mag-isa." nakayukong sabi niya. Akala niya ay
bibitiwan siya nito but he continued feeding him. At kahit ayaw niya ay kinakain
niya ang ibinibigay nito sa kanyang pagkain.

"O-okay na ako." wika niya maya-maya.

"You sure? Baka gutom ka pa?" umiling siya. Napatango naman si Nathan at saka muli
siyang binuhat. Dinala naman siya nito ngayon sa sala. Inupo siya nito sa couch at
saka tinabihan.

"Anong gagawin natin?" tanong niya.


"I have here movies. I know you don't like them but since you cannot walk, hindi
tayo pwede lumabas so I thought that we just have to watch movies."

Tahimik na tiningnan niya ang movies nito. She saw Titanic, Inception, Easy A,
LesMis, Silver Linings, Harry Potter 5, 6 and 7, Twilight...

"You like the sparkling vampire?!" hindi makapaniwalang tanong niya. Nathan took
the Twilight DVD.

"Nah, but I watched it because Alci---" hindi na nito itinuloy ang sasabihin.
Tahimik na tumingin siya sa flat screen na nasa harapan nila. Kinuha niya ang
remote at saka binuksan ang tv. She put it to the channel where her favorite show
was shown.

"Iyan na lang ang panoorin natin." pinilit niyang ngumiti.

"The amazing world of gumball?" tila hindi makapaniwalang tanong nito.

"Favorite ko iyan." sabi niya. Matapos iyon ay hindi na siya nagsalita. Panaka-naka
ay tinitingnan niya si Nathan. He was watching the show too but as he watch the
show ay panaka-naka nitong minamasahe ang kanyang balikat and it was effective
because the pain was subsiding.

She smiled. Maybe Nathan really wanted to take care of her. Maybe he really wanted
to make sure that he was okay, masaya siya dahil inaaalala pala siya nito. Kahit
paano ay nawala ang sama ng loob niya dito. Naisip niya na hindi ito hopeless case
tulad ng iniisip niya noon, that he could still change for the better, and he could
forget Alcina and find someone that could make him happy, someone who will love him
with all her heart, maybe she could help him find the right person for him...

Suddenly the phone ring. Nathan looked at her tapos ay sinagot nito ang tawag.

"Hello?" Inipit nito sa pagitan ng balikat at tainga nito ang telepono. Habang
nakikipag-usap ito ay minamasahe pa rin nito ang balikat niya. But then, he just
stopped. Then he said the words that ruined her almost perfect day. "I'll be
there... Wait for me."

Napatingin siya dito. He had an anxious expression. Binalingan siya nito.

"I'm sorry, Ella but I have to go." maingat na ibinaba nito ang kanyang kamay at
saka pumasok sa kanilang silid. Nang muli itong lumabas ay bihis na ito. He was
wearing his casual pants and shirt. Kinuha nito ang susi ng kotse at mabilis na
lumabas ng unit nito.

Tahimik lamang siyang pinanood ito. Naramdaman na naman niya ang sakit at hapdi sa
isang parte ng kanyang puso. Kahit masakit aminin ay parang alam niya kung saan ito
pupunta. She knew who was on the other line and why was Nathan like that. Ganoon-
ganoon ang hitsura nito noong araw na umalis ito upang puntahan si Alcina.

He said he will never leave, pero isang tawag lang ng babae nito ay tila
nakalimutan na nito na may bali ang katawan niya at kailangan niya ito. Tahimik na
pinahid niya ang kanyang luha. She was the wife, yes, but she feels like she was
the fucking mistress. Oh, how she hates Nathan!

==================

Tatlong araw. Ganoon na katagal hindi umuuwi si Nathan. Ni walang text o tawag mula
dito at kahit ayaw niya ay nag-aalala siya para dito. Ang dami-daming tanong sa
isipan niya, bakit hindi ito umuwi. Ano kayang ginagawa nito? Sino nga kaya ang
kasama nito? Napangiwi siya, kailangan pa bang itanong kung anong ginagawa nito at
kung sino ang kasama nito? Malamang ay nagpapakasasa ito sa piling ng babaeng hitad
na iyon. Sa tuwing naiisip niya kung anong maaring ginagawa ng mga ito ay
nakakaramdam siya ng galit.

"Oh, ayaw mo ba ng pancakes?" tila nag-aalalang tanong ni Yaya Lanie sa kanya. Ella
looked up and she tried to smile.

"Hindi po. Masarap nga po." wika pa niya.

"Kaya pala halos lurayin mo na iyan." napapalatak na sabi nito. Hindi siya kumibo
at tiningnan ang kanyang pagkain. Halos durog na durog na ang pancake niya sa
kakatusok ng tinidor.

"Tumawag na ho ba si Nathan?" tanong niya sa matanda.

"Naku, hindi pa. Hayaan mo na iyon. Ganoon talaga iyon kapag busy. Noong minsan nga
ay halos mabaliw ang Mommy niya sa kakahanap sa kanya ayon pala ay nandoon lamang
sa ospital at may ginagawa research." paliwanag nito. Napalabi siya. Mabuti nga
sana kung totoong research ang ginagawa ni Nathan parang ibang research naman kasi
ang ginagawa nito.

"Yaya..." wika niya dito.

"Bakit? May gusto ka ba?"

"Yaya, pwede ba tayong lumabas? Naiinip na po kasi ako dito.." Ngumiti ito sa
kanya. Maya-maya ay inalalayan na siya nitonng tumayo. Ibinigay nito sa kanyang ang
saklay niya at sabay na tinahak nila ang daan palabas ng unit ni Nathan.

Gusto niyang libangin ang kanyang sarili. Ayaw niyang isipin si Nathan at ang
kataksilan nito kasama ng babaeng iyon dahil alam niyang masasaktan at masasaktan
lamang siya. She evaluated herself, she knew why she was feeling that way. Maybe in
a parallel situation, she was falling for Nathan already. Tanga nga siya eh, kung
sino pa iyong nananakit sa kanya, iyon pa ang gusto niya. Hindi dapat siya
nagkakaganito. Naisip niya na habang maaga pa ay kailangan na niyang patayin ang
kung anumang nararamdaman niya para kay Nathaniel.

Tahimik lamang siya habang naglalakad. Akay-akay siya ni Yaya Lanie. Nagpunta sila
sa park na katapat lang ng condo building ni Nathan. Iniupo siya ni Yaya Lanie sa
isa sa mga benches doon.

"Ayan, comfortable ka ba?" tanong nito.

"Opo. Thanks, Yaya."nakangiting sabi niya. Tahimik na pinagmasdan niya ang mga
batang naroon. Buti pa sila walang problema, buti pa sila masaya, samantalang siya,
ang laki-laki ng problema niya.

"Anak, pagpasensyahan mo na si Nathan..."

"Wala naman po kayong dapat ihingi ng sorry kasi hindi naman po kayo si Nathan."
magalang na wika niya. Napangiti lamang si Yaya Lanie.

"Gusto mo ba ng ice cream?" tanong nito. Tumango na lamang siya. Agad na tumalima
ang Yaya Lanie niya at pinuntahan ang nagtitinda ng ice cream. She sat there asking
herself kung anong gulo ba ang pinasak niya. Day one pa lang alam na niyang ito ang
plano ni Nathan pero bakit ganito ang nararamdaman niya. She couldn't possibly fall
for him. Hindi pwede iyon. If she falls in love with Nathan, that would only
complicate things.

"Miss..." nagulat siya nang may isang batang babaeng may pigtails ang tumayo sa
harap niya. Ngumiti siya.

"Ano iyon?" Iniabot nito sa kanya ang isang kulay green na teddy bear. Maliit lang
iyon. Kinuha niya iyon at nagtatanong ang mga matang napatingin siya sa bata. Hindi
naman ito kumibo, tumakbo lang ito paalis. Makalipas siguro ang ilang minuto ay may
isang batang lalaki naman ang lumapit sa kanya at may dala ring teddy bear na kulay
purple, walang anu-ano'y umalis rin ito. May sumunod pa ang sa mga ito. Palaki nang
palaki ang teddy bear na ibinibigay ng mga batang ito sa kanya.

"O, ano yan?" tanong ni Yaya Lanie ng makabalik. Ibinigay nito sa kanya ang ice
cream na binili nito.

"Ewan ko po. Ibinigay sa akin ng mga bata."

"Naku, baka galing iyan kay Nathan!" kinikilig na wika ni Yaya Lanie. "Ang alaga ko
talaga, ang sweet!"

Tiningnan niya ang mga teddy bear na hawak niya. Pito iyon lahat at talagang ang
gaganda. She smiled. Kung kay Nathan man galing iyon, paano naman nalaman nito na
mahilig siya sa teddy bear. Nathan didn't ask her anything about herself. Sigurado
siya na ni birthday niya ay hindi nito alam.

"Malabo sigurong kay Nathan galing ito, Yaya." Hindi naman ganito ka-sweet ang
Nathan na kilala niya. She sighed.

"Uwi na po tayo." mahinang wika niya. Tinulungan siya nito na tumayo. Ito na rin
ang nagbitbit ng mga teddy bear niya. Mabagal pa rin ang lakad niya ngunit
nakarating naman sila kaagad sa building ni Nathan. They were passing through the
lobby when something caught her attention. She looked at her right.

Sitting on the waiting lounge was a big brown teddy bear who was wearing a pair of
fake glasses and was holding a pink notebook and a pen. Tumibok ng mabilis ang puso
niya at hindi iyon dahil sa cardiac dsyrhytmia niya. Kahit hirap ay lumakad siya
nang mabilis. Napapangiwi na siya dahil nararadaman niya ang kirot ng binti niya
but that didn't stop her from walking fast.

"Ella, baka madapa ka!" sigaw ng Yaya ni Nathan. Hindi niya ito pinansin pero bago
siya makarating sa kinauupuan ng teddy bear ay natalisod siya. Nabitiwan niya ang
kanyang saklay at nawalan ng balanse. She was so sure that she will hit the floor
any moment from now but she didn't. Instead she felt a pair of strong arms around
her waist. Napakagat labi siya at saka nag-angat ng tingin.

Her lips parted a bit when she recognized the man holding her. No, it wasn't
Nathan. It was someone else. A man whom she didn't think she'll ever see again. A
man who was once a part of her life. The man who made her believed in once upon a
time and happily ever afters.

He smiled at her.

"A-albert..."

He made her stand up but his gaze didn't leave hers. He was still smiling at her.
Her brain, her heart and her veins all cried out for him. She ached for his touch.
She missed him so much.
"You haven't change.." wika nito. "Except for that thing on your legs, and that on
your arms and that pesky little wood between your armpits, you stll haven't
change."

"Ikaw din..." Dugdug, dugdug... Ganoon ang tibok ng puso niya, sunod-sunod. Albert
stood there looking at her. Nagyuko siya ng ulo. Hindi niya alam kung anong
sasabihin dito. Ni hindi niya nga alam kung anong gagawin, but when Albert put his
arm on her waist and slowly pulled her closer just to hug her, she gave in. Sino ba
siya para iwasan ito?

"Ella, miss na miss na miss na miss na kita." he whispered on her ear. She hugged
him tightly.

"I.. I missed you too..."

*******************************************
[21] 19. Wala kang karapatan
*******************************************
"Meron na naman."

Nakangiting hinarap ni Ella si Yaya Lanie. She was holding a yellow fluffy care
bear stuff toy and a pack of cream o. Ibinigay nito iyon sa kanya at saka muling
sumimangot.

"Yaya, bakit sad ka?" nakangiti pa ring wika niya. Niyakap niya ang teddy bear na
padala ni Albert. Dalawang araw palang itong bumabalik sa buhay niya ay naka-24 na
teddy bear na itong bigay sa kanya. And in that span of two days ay hindi nawawala
sa mukha niya ang ngiting iyon.

"Naku!" tila frustrated na wika nito. "Nasaan na ba kasi ang alaga ko! Naaagawan na
siya ng asawa wala pa rin siya dito!"

"Yaya, wala naman pong asawang inaagawa. Magkaibigan lang po kami ni Albert." muli
na naman siyang napangiti nang banggitin niya ang pangalan nito.

"Sa'yo kaibigan siya, eh ikaw sa kanya?" Inis na inis na wika nito sa kanya. Hindi
na siya kumibo. Yaya Lanie went to the kitchen habang siya ay naiwan sa sala na
nanonood ng tv. She was hugging the care bear Albert gave her. Hanggang ngayon ay
ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. He could still make her smile like this
kahit na malayo ito at hindi niya nakikita.

Sa loob ng dalawang araw na iyon ay lagi siyang masaya. Ni hindi nga niya naiisip
ang asawa niyang MIA. Hindi na niya iniisip kung nasaan ito at kung sino ang kasama
nito. Isang linggo nang hindi umuuwi ang hitad na Nathan na iyon pero hindi na niya
ito iniisip. Kung uuwi ito, eh di maganda, kung hindi naman na ito uuwi, ayos lang
din. At least wala na siyang iniintiding sakit sa ulo.

Nag-ring ang cellphone niya. Mabilis na inabot niya iyon. Ganoon na lamang ang
kanyang ngiti nang makita kung sino ang tumatawag. It was Jenny.

"Bang!" sigaw niya. "Ang dami kong teddies saka cream o!"

"I know right!" sagot nito sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo niya. She knew?
How? Hindi pa niya nasasabi dito na nakabalik na si Albert galing US. Pero alam na
agad nito.

"You knew? How?" she asked. Jenny explained everything.

"He got back two weeks ago, nagpunta daw siya sa school mo dati but you weren't
there so he called me. I told him about the accident, he was so worried so lumuwas
agad siya to look for you. Ang sweet diba!"

Sa lahat ng sinabi ni Jenny, isa lang ang naintindihan niya. Albert was worried
about her.

"Hoy, Ellang Pangit kahit hindi kita nakikita, alam ko kung gaano kalaki iyang
ngiti mo! Kikinilig ka!"

"Bang, kung wala lang akong cast sa binti, kanina pa sana ako nagtatalon sa kilig."
mahinang wika niya. Sinulyapan pa niya si Yaya Lanie na kasalukuyang nasa kusina.

"IHHHHHHH! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig!" sigaw ni Jenny sa kabilang linya.

"Gaga! Hindi na pwede. May --"

"May asawa ka na? Absentee naman iyang bwisit mong asawa!" galit na sigaw ni Jenny.

"May sakit ako, Jenny." mahinang wika niya. Natahimik naman ang kanyang kausap. She
heard her sighed. "Ibababa ko na ito, Bang ha? I love you."

She fell silent. Niyakap niya ng mahigpit ang teddy bear na bigay ni Albert.
Mataman siyang nag-isip. Suddenly, she started asking questions about Albert's
sudden appearance. Bakit pa ito bumalik? She already set him free. Sinabi na niya
noon dito na dapat itong maging masaya. Pero bakit bumalik pa ito?

Hindi ba nito naisip na baka masaktan lamang ito kasi kahit anong mangyari, may
asawa man siya o wala, hindi na sila pwede ni Albert. Umiling siya. Bakit niya ba
iniisip ang mga bagay na iyon? Mamamatay na siya so dapat lang na mabuhay siya sa
spur of the moment. Ang tagal-tagal na niyang malungkot, at nitong mga huling araw
ay lagi naman siyang nasasaktan.

Albert was like a ray of sunshine in the middle of her darkest day. Pilit siya
nitong pinapasaya, bakit siya tatanggi.

Tumayo siya at binitbit ang teddy bear na padala nito. Balak niyang itabi iyon sa
iba pang bigay nito sa kanya. Kahit medyo hirap pa siyang maglakad ay pinipilit
niya, unti-unti naman nang nawawala ang sakit.

"Ay bata ka! Bakit hindi ka nagpatulong?!" sigaw ni Yaya Lanie. Nilingon niya ito
at saka nginitian.

"Kaya ko naman, Yaya. Malapit na po oh..."

Pumasok siya sa silid nila ni Nathan. Napangiti na naman siya nang makita ang ilang
teddy bear na naroon sa sahig. Dahan-dahan siyang yumuko at inilagay ang bagong
dating kasama ng iba. Matapos iyon ay umupo siya sa kama at hinatak si Francine --
iyong big brown teddy bear na may hawak ng pink notebook at pen.

"Buti pa ikaw, pwede kang kasama ng tatay mo." kinurot niya ang ilong ni Francine.
Niyakap niya ito at saka napabuntong hininga. Kahit may alinlangan siya sa kanyang
puso ay masaya pa rin siya dahil muli silang nagkita ni Albert.

"Nathan!!!"

Napatingin siya sa may pinto nang marinig ang tinig ni Yaya Lanie. Did she just say
Nathan? Ibig bang sabihin noon ay bumalik na ang hitad na lalaking iyon? After one
week na walang text, ni tawag ay nagawa pa nitong bumalik?
Narinig niya ang yabag nito. Maya-maya ay bumukas ang pintuan ang silid at iniluwa
nga ang lalaking hitad na iyon. She looked at him, their gazes met. Tiningnan niya
mula ulo hanggang paa si Nathan. He was different now. Medyo na-tan ang balat nito,
medyo humaba ang buhok, at parang hindi rin ito nag-shave dahil may four o'clock
shadow pa ito sa mukha. Hindi niya napigil ang pagtaas ng kilay niya. Ang hitad na
lalaki, mukhang galing sa bakasyon.

"What the fuck are those teddy bears doing inside my room!" he roared. Napalabi
siya. Isang linggo itong wala, isang linggo silang hindi nagkita, tapos iyon ang
ibubungad nito sa kanya.

"Shhh! Don't curse!" tinakpan niya ang tainga ni Francine. "My baby could hear
you!"

"Your baby?" he asked. "That baby?" tila nandidiring tinuro nito ang akap-akap
niyang teddy bear. "Ella, have you gone insane?" wika nito. Umiling siya at saka
muling tumayo.

"Ewan ko sa'yo!" Pinanlakihan niya ng mata si Nathan at saka paika-ikang lumabas ng


silid. He caught her arm. "Ano?"

"Hindi mo ba ako tatanungin kung saan ako galing?" mahinahong tanong nito sa kanya.
Tinabig niya ang kamay nito.

"Hindi ako interesado." malamig ang tinig na wika niya.

"Ikaw na naman!" narinig niyang sigaw ni Yaya Lanie.

"Why is she yelling?" Nathan asked. Hindi niya sinagot ito, sa halip ay lumabas na
siya ng tuluyan at nagpunta sa sala. She saw Yaya Lanie standing near the front
door yelling at someone.

"Ya, sino iyan?" tinig ni Nathan.

"I was just looking for Ella. Please..."

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi nang marinig niya ang tinig ni
Albert.

"Wala si Ella!" sigaw ni Yaya Lanie.

"Yaya naman eh!" Halos kaladkarin niya ang kanyang binti makarating lang siya sa
pintuan. Pasimpleng tinabig niya si Yaya Lanie at saka hinarap ang kanyang bisita.

"Hello." wika ni Albert. May dala iyong yellow roses. Kinuha niya iyon. "Those are
edible chocolates"

"Salamat, halika pasok ka."

Niyakag niya si Albert papasok sa loob ng unit. Inalalayan siya nito. Hinawakan
nito ang kanang kamay niya habang nakapalupot sa baywang niya ang isa pang kamay
nito.

"Dahan-dahan." wika pa nito. Nang mag-angat siya ng tingin ay naroon si Nathan,


nakatayo malapit sa may t.v. at kini-killer eye siya.

"Sino ka?" walang kaabog-abog na tanong nito sa kanyang bisita. Albert looked at
Nathan. Tiningnan niya ang hekspresyon ng mukha nito. Albert doesn't seem to be
scared of Nathan. He stood there staring at his so called husband with equal
arrogance and will.

"Uhm, Albert si, uhm.."

"Albert?" ulit ni Nathan. Lalo nitong inirapan si Albert. "Ikaw iyong Albert?"

"Albert si Nathan, uhmm.. siya iyong... uhm... " she bit her lower lip. "Basta siya
iyon. Do you wanna have coffee downstairs?"

"You are not going anywhere, Marcela!" Nathan said as if he was ordering her.
Inirapan niya ito.

"Heh! Gagawin ko ang gusto kong gawin, wag kang makialam!" sigaw niya dito. Niyakag
niya si Albert palabas ng unit nito. Wala siyang pakialam kahit isumpa siya ni
Nathan basta kailangan niyang makaalis sa lugar na iyon. She knew that if she and
Albert stayed there, may posibilidad na baka masuntok ni Nathan si Albert. Being a
dominating and arrogant man, hindi malayong gawin ni Nathan iyon.

"Ella, okay ka lang ba?" tanong ni Albert sa kanya habang nasa elevator sila. She
nodded. Hawak pa rin nito ang kamay niya at nakapalupot pa rin sa baywang niya ang
isa pang kamay nito. The elevator flung opened and they both went out. Diretso sila
sa coffee shop na nasa lobby lang ng building na iyon. They settled in the table
near the glass window.

"Pasensya ka na, Albert ha? Mayabang talaga si Nathan eh.." mahinang wika niya.
Albert sighed. Bigla ay hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Is he your husband?"

"Ha? Ano..." paano ba niya sasabihin dito ang totoo?

"Naaalala mo noong tayo? Kapag pinapakilala mo ako sa iba, you always call me your
"ano". Hindi mo masabi noon na boyfriend mo ako."

"Eh...." she blushed. Nagyuko siya ng ulo.

"Alam mo, Ella? I still think your my "ano" and I'm still hoping to be your "ano."

Bigla ay hinatak niya ang kamay niya mula rito.

"Albie..." she bit her lower lip. "Hindi na kasi p-pwede."

Nagbuntong-hininga ito.

"You see, I know that. You've told me that already. Two years have passed and I
still knew that things hasn't changed at all. Pero I'm still hoping. I know you're
married already, but I still can't help but hope. Iyon na lang iyong meron ako.
Pag-asa."

Parang gusto niyang maiyak. Alam niyang anumang oras mula ngayon ay tutulo ang mga
luha niya at parang naramdaman iyon ni Albert dahil bigla itong lumipat sa tabing
upuan niya at kinabig siya palapit dito. Nakahilig na siya sa dibdib nito ngayon.

"I'm sorry..." umiiyak na sabi niya. "Pero, hindi na kasi talaga pwede..."

"Let's not be sorry for whatever happened to us, Ella." wika nito na hinahagod-
hagod ang kanyang likod. "Nagbago lang naman iyong kung ano tayo, pero hindi naman
magbabago iyong katotohanan na ikaw at ako, soulmates."
Napaiyak na siya. How could this man still thinks about her as his soulmate? Talaga
bang malas siya sa buhay? She caught a very uncommon disease, she had an accident,
she married the king of jerks and she had let go of the right man. She remembered
what her mother used to tell her;

It is the choice we made in life that defines our being.

Right now, in this stage of her life, she had made the wrong choices and that
affected her so much.

"Wag ka ng umiyak." Albert said again. "You'll always be my teddy bear, Ella."

Umayos siya ng upo at saka tumingin dito. She smiled at him. Albert wiped her
tears.

"And you'll always be my green lantern."

================

"Fuck!"

Nathan cursed loudly while walking back and forth his living room. He couldn't
believe Ella yelled at him. She had always been calm and tender with him but then,
dumating lang ang lalaking iyon ay sinigawan na siya nito.

"I was gone for a week pagbalik ko may ganito na!" sigaw niya kay Yaya Lanie nang
makita niya itong nakatingin sa kanya. "I told you to look after her yaya! Sino
iyong Albert na iyan?!"

"Aba malay ko! Ikaw ang asawa, ikaw dapat ang nag-aalaga kay Ella, pero nasaan ka?
Wala, ni hindi ka tumawag! Ayan, naagawan ka na, wala ka pang kamalay-malay!"

Nasabunutan niya ang kanyang sarili. He wanted to regret that day when he decided
to go and comfort Alcina. Kinabahan kasi siya nang bigla na lang itong tumawag sa
kanya. According to her, she and Condrad had a big fight and she decided to leave
him permanently. Iyon na ang hinihintay niya kung kaya't mabilis pa sa alas kwatro
na umalis siya upang puntahan ito. Alcina checked in a hotel.

Ang ilang oras lang sanang pag-uusap nila ay nauwi sa isang linggong bakasyon. He
really didn't want to leave Ella behind, but then his Alcina needed him. Naisip
niyang maiintindihan rin naman ni Ella ang lahat. They went to Batangas at doon ay
nabuo ang usapan nila ni Alcina. She will finally leave Condrad. Siya na ang pinili
nito. Magsasama na sila sa oras na ma-annul ang kasal ng mga ito. He was happy, he
will finally be with the woman he loved. Pero napalitan ng inis ang kasiyahan niya
nang umuwi siya at makita nga niya ang Albert na iyon.

"Yaya naman!" inis na wika niya. Hindi naman sana siya magre-react ng ganoon kung
hindi niya alam na iyon ang Albert na minsan ay tinawag ni Ella sa panaginip nito.
Who the hell was that Albert? Was she Ella's ex-boyfriend?

"At saan galing iyong mga teddy bear na iyan?!" muling tanong niya.

"Kay Albert." mabilis na sagot ng yaya niya.

"And you let that happen because?"

Natigil ang diskusyon nila nang pumasok si Ella. Ngiting-ngiti ito. Sa loob ng mga
panahon na kasama niya ito ay ngayon niya lamang nakitang ngumiti ito ng ganoon.
She was even biting her lips while she was walking slowly towards their room. Ni
hindi siya nito napansin.

Sinundan niya ito.

"Sino iyon? Why didn't you tell him I am your husband?!" he demanded. Ella didn't
even looked at him. She just sat on the bed and hugged that big brown teddy bear.

"Ella!"

"Narinig kita. But I'm choosing to ignore you." diretsahang wika nito.

"Ah ganoon! So wala akong karapatang magtanong?" Sarkastikong wika niya. Binalingan
siya nito.

"Bakit? Tinanong ba kita kung saan ka nagpupunta tuwing gabi ka umuuwi? Tinanong ba
kita kung sinong kasama mo the other night when you went home at exactly three in
the morning? Tinanong ba kita kung bakit ka umalis noong umagang iyon bago ako
naaksidente? Tinanong ba kita ngayon kung saan ka galing, bakit hindi ka umuwi ng
isang linggo at kung sino ang kasama mo? Tinanong ba kita Nathan?"

Hindi siya nakakibo. Kitang-kita niya sa mukha ni Ella ang galit at inis sa kanya.

"Hindi diba? Ni hindi nga ako nagrereklamo kahit na nagmumukha akong tanga. May
naririnig ka ba sa akin sa tuwing iiwan mo ako sa ere at itatapon na parang basura?
Did I ever said anything to you? Kahit nasasaktan ako, hindi ako kumikibo kasi alam
kong WALA AKONG KARAPATAN. Kaya kung itatanong mo sa akin kung wala kang karapatang
magtanong, sasabihin ko ang sagot, Nathan. WALA kang KARAPATAN."

Nakita niya ang nakakuyom na palad ni Ella. She looked at him with that cold stare.

"Pero kung gusto mong malaman kung sino si Albert, sige sasagutin kita. Si Albert,
mahal ko siya." halos anas na iyon nang lumabas sa bibig nito. Suddenly her
expression soften, a weak smile curved on her face, a tear fell down her eyes but
she immediately wiped that away. "But, I had to let him go..."

Nang muli itong tumingin sa kanya ay nakasimangot na naman ito.

"Were you satisfied with my answer, doc?" Ella walked away.

Hindi siya nakakibo. This was the first time he ever saw Ella's anger. Kitang-kita
niya iyon sa mga mata nito. He had know her for four months at ngayon lang niya
nakita ang galit sa mga mata nito. He knew that he wasn't a good husband to her. He
knew that he had broken the promises he made to her, he knew that he was actually
to blame for whatever it was Ella was feeling right now. He was a jerk, he was an
asshole and she was right, wala siyang karapatan magtanong.

Madali lang naman iyon. He could just ignore the fact that Ella's former boyfriend
was in town. Wala naman talaga siyang pinanghahawakan kay Ella, after all, what
they had was only for show -- a fake marriage, a make believe. It wouldn't last and
yet...

He couldn't seem to accept the fact that some other man could make Ella smile the
way she smiled when she entered the house earlier. Suddenly he felt the urge of
punching that guy on the face and telling him to back off. Suddenly, he was feeling
so overprotective of Ella. Suddenly, he wanted her for himself. He knew he sounded
so selfish but fuck it! She was his wife!

*******************************************
[22] 20. Realization
*******************************************
Nathan woke up in the middle of the night with no apparent reason at all. Hindi
niya alam kung bakit bigla siyang naalimpungatan. Nakapa niya ang malaking bolster
pillow sa kanyang tabi. Tumayo siya upang abutin ang switch ng lampshade. Papungas-
pungas pa siyang tumingin sa paligid only to find out that Ella wasn't on the bed.
Kinabahan siya. Nasaan kaya ang babaeng iyon? Hindi kaya nag-sleep walking ito?
Agad na bumaba siya sa kama upang hanapin ito. Kahit hindi naman siya pinapansin
nito ay nag-aalala siya para dito.

Isang linggo na siyang dinededma nito. Isang linggo na itong umaakto na parang
hangin lang siya na dinadaan-daanan nito at isang linggo na rin siyang pikon na
pikon dito. Kung hindi niya lang inaalala na may pilay pa ito ay baka nasigawan na
niya ito ng wala sa oras.

He went out of his room and looked for Ella. Wala ito sa sala pero nakita naman
niya na bukas ang ilaw sa kusina. He went there and he found Ella eating ice cream.
Binuksan niya ang ilaw at iyon ang naging dahilan kung bakit ito napatingin sa
kanya.

"Hi." wika niya. Hindi ito kumibo. Ibinalik nito ang sa pagkain ang atensyon.
Napabuntong hininga siya.

"Alam kong galit ka."

"Hindi ako galit." wika nito.

"Bakit hindi mo ako pinapansin?" hindi matiis na tanong niya.

"Bakit mo ako ginaganito?" puno ng pait na balik tanong nito.

"Ella?" hindi niya maintindihan ang gusto nitong sabihin. He just stood there
trying to analyze what she wanted to say. He was a brain surgeon for crying out
loud but he couldn't even point out what was going on her brain.

"Totoo lang, Nathan." muling sabi nito. "Magkasama kayo ni Alcina buong linggo?"

Naumid niya ang kanyang dila. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin dito ang
totoo. He swallowed hard.

"Yes." sagot niya. Ibinaba nito ang kutsara na gamit nito.

"Pinili ka na niya?" muling tanong nito.

"Yes." sagot niya. Bigla ay ngumiti si Ella.

"Ibig sabihin malaya na ako?" muling tanong nito. Hindi siya nakakibo. Malaya? Sa
paanong paraan? Ikinukulong niya ba si Ella? He looked at her and suddenly he
remembered that Alber guy. Napailing siya.

"Hindi pa kami magkasama so you'll be staying right here with me." hindi niya alam
kung bakit niya nasabi iyon. Ella's expression suddenly changed. Hindi niya
maintindihan kung bakit ito biglang nalungkot ito bigla.

"Do I really have to stick around just to see that?" she asked me. Pinakatitigan ko
siya.

"Is this about Albert? Are you still in love with him?" tanong niya dit. It was
Ella's turn to fell silent. Nag-iwas ito ng tingin.
"Alam mo iyong feeling na pwede mong makuha ang isang bagay pero hindi na pwede?"

"Bakit hindi na pwede?" Hindi niya ito maintindihan. "Why would you let something
you want slip away just like that? If you have a chance then grab it and never let
it go."

"But if I fight for him. I'd end up hurting him." usal nito na tila wala sa loob.

"Ella..."

"Huh?" bigla ay bumuntong hininga ito. "Bukas nga pala tatanggalin na iyong cast
ko."

"Oh good, sasamahan kita." sabi niya. Umiling si Ella.

"Huwag na. Si Jenny na lang."

"Ha? But I want to. I insist." pagpupumilit niya dito. Ella smiled at him.

"Huwag na, Nathan. Baka kasi masanay ako na lagi kang nandyan, tapos kapag wala ka
na, hanapin kita. Masama iyon."

His lips parted a bit. Why was there a sudden finality in Ella's voice? Why does it
sound like she was actually saying goodbye. Ayaw nitong masanay na palagi siyang
nasa tabi nito?

"Why are you saying that?" he asked. He grabbed her arm and made he look at him.

"Kasi the moment Alcina gets here, I'll be out." she flashed her sweetest smile.
"Hindi na ako makapaghintay, gusto ko na ulit maging malaya. Gusto ko na ulit gawin
iyong to do list ko."

To do list? He remembered her little pink notebook. Ibig bang sabihin noon talagang
gagawin nito lahat ng bagay na nakasulat sa notebook na iyon? He sighed. He thought
about giving it back to Ella but something inside him wanted to keep that notebook.

"I'm sorry for hurting you. Alam kong wala akong karapatan abusuhin iyong kabaitan
mo."

"Mabait? Hindi ako mabaiti, Nathan. Ayoko ng maging mabait, ang mabait kasi,
tinatapakan, sinasaktan. binabalahura, ginagawang tanga, tinatapon na parang tae.
Mula ngayon, masama na ang ugali ko."

He smiled while looking at her. Ang buong akala niya ay ngigiti ito pero Ella
remained serious. He wondered what was going on her mind.

"Matutulog na ako." wika nito at saka tinabig ang kamay niya. He wondered if they
were okay now, kung babalik na ba sa dati ang trato nito sa kanya, kung babait na
ulit si Ella, kung lalambingin na muli siya nito dahil sa totoo lang, miss na miss
na niya ang mga ngiti ni Ella.

========================

"Morning, Doc."

Tinanguan lamang ni Nathan ang mga nurses na nakakasalubong niya. Wala siya sa mood
para makipag-usap sa kahit na kanino ngayong araw na ito. He was in a bad mood and
he wanted to yell to someone. Ang buong akala niya ay okay na sila ni Ella. They
talked the other night and he thought that everything will be back to normal but he
was wrong, just this morning, Ella ignored him again. Ni hindi siya nito pinaghanda
ng damit, pagkain o kape man lang. Yaya Lanie was the one who prepared everything
for him pero hindi naman niya nagustuhan ang mga iyon, even the foo that his Yaya
Lanie cooked taste different. Gusto niya lang ay ang luto ni Ella.

Ella left the house without telling him. Sinabi lang ni Yaya Lanie na dumating daw
ang kaibigan nito at saka umalis na sila. He wanted to see her, he wanted to be
there while her cast is being removed pero hindi naman niya alam kung anong oras
iyon. He could just ask Doctor Suarez pero ayaw naman niya dahil baka isipin nito
na hindi sila maayos ni Ella.

"Doc, pinapatawag po kayo ni President."

Matapos niyang ilapag ang clipboard na hawak niya ay tiningnan niya ang nurse na
nasa loob ng station nito. She was talking about his dad - the President of the
hospital - Doctor Juan Miguel Varres. He was a nuerosurgeon just like him.

"Ngayon na?" tanong niya.

"Asap daw po. Kanina pa po kayo pinapa-page." Tumango lamang siya at saka
tumalikod. He walked towards the elevator and pushed the number 12 button. Maya-
maya ay bumukas na iyon at saka siya lumabas. Binati siya ng sekretarya ng kanyang
ama.

"Good morning, Doc Nathan."

Ngiti lamang ang isinagot niya dito. Agad na pumasok siya sa office nito only to
find his brother sitting on the couch.

"Hey dear bro!" Tumayo ito at niyakap siya. Wala siyang ideya kung anong ginagawa
ng kapatid niya sa ospital. His brother hated being iniside this building so it was
quite a shock seeing him here.

"What are you doing here? You're supposed to be in----" saglit siyanng nag-isip.
Saan nga ba dapat ito naroon? "in god knows where!"

Tinapik-tapik pa nito ang kanyang balikat.

"I'm here because-----"

"Good you're both here." Natigil ang kanilang pag-uusap ng dumating ang kanilang
ama. Pumormal ang kanyang kapatid.

"Dad." wika pa nito.

"Shut up, Juan Miguel." agad na wika ng kanyang ama. Bigla ay may hinugot itong
dalawang brown envelope. He and his brother Juan Miguel took and opened it at the
same time. Inilabas niya ang mga litratong laman nito and he almost lost his sanity
when he found out what was inside.

Inside the envelope were pictures of him and Alcina in Batangas. This happened last
week. Tiningnan niya ang kanyang ama.

"Dad..."

"You are cheating with your wife with another man's wife!" sigaw nito.

"Woah!" usal naman ng kanyang kapatid. "You were! You're married already?! Bakit
hindi ko alam!"

"Shut up!" sigaw niya dito.

"Paano mo malalaman?" wika ng kanyang ama. "You're always missing. Wala kang ginawa
sa buhay mo, Juan Miguel kundi ang mambabae! At least Nathan only sleeps with one
woman, ikaw? How many women are you sleeping with!"

"I see." napapailing na wika nito. "Kahit na mali pa ang ginagawa ni Nathan, siya
pa rin ang magaling." nakangiting wika nito. Tinapik nito ang kanyang balikat at
saka muling nagsalita. "Good job, bro!"

"Tigilan mo nga ako!" inis na sigaw niya. "Dad, I love Alcina."

"Then why did you marry your wife?"

Hindi siya nakasagot. Why did he marry Ella anyway? Dahil gusto niyang pagselosin
si Alcina? Gusto niyang ipakita dito na mali ang ginawa nitong pag-iwan sa kanya?
Pero ngayon, nakukuha na niya si Alcina, ano nang mangyayari sa kanila ni Ella?

"I..." paano niya ipapaliwanag sa kanyang ama? "Dad, Alcina is willing to leave
Condrad."

"You're such an asshole." wika ng kapatid niya.

"Shut up! Hindi pa tayo tapos, Juan Miguel." sabi ng kanyang ama. Umiling ang
kapatid niya.

"You know what?" kinuha nito ang bagpack na dala nito. "I'm out of here. Doctor
kayong dalawa, ako daredevil, hindi ko kayo ma-reach." walang anu-ano ay tumalikod
ito sa kanila. He shook his head, kahit kailan ang kapatid niya ay hindi humaharap
sa responsibilidad nito. He was the eldest son od their father, junior ito ng
kanyang ama, pero ito pa ang hindi sumunod sa yapak nito.

"Hayaan mo siya. He's always like that." wika ng kanyang ama.

"Dad, I love Alcina." muling wika niya.

"I don't care. Lubayan mo ang babaeng iyon or I'm going to make her life a living
hell. Naiintindihan mo? Stick with your wife." huminga ito ng malalim.

"Dad.."

"She's good for you..." sabi pa nito. Saka nag-iwas ng tingin. "Your mom likes her.
She thinks that Ella was the best descision you've ever made. Don't fail her and do
not defy me."

Hindi na siya kumibo. Ano bang magagawa niya?

"You're dismissed."

Walang anu-ano'y tumalikod siya. Ang gulo-gulo ng isipan niya. With everything that
has been going on between him, Ella and Alcina, tapos ngayon dumagdag pa ang
kanyang ama. Ano na lang ang mangyayari? Bakit ba sa tuwing malapit na siyang
maging masaya ay saka naman pilit nitong pinakikialaman ang buhay niya?

"Doc, okay ka lang?" tanong ng secretary ng kanyang ama. He just shook her head and
walked out. He needed space. He needed to be alone. Papunta siya sa kanyang opisina
nang masalubong niya si Alcina. Kalalabas lang nito sa clinic ni Condrad. Hindi
maipinta ang mukha nito ngunit nang makita siya nito ay agad naman itong ngumiti.
Sinalubong niya ito at saka hinagilap ang kamay nito.

"Let's get out if here." sabi niya. Hindi naman nagsalita si Alcina. They went down
the parking lot at agad na tinungo ang kanyang kotse. She was about to open the
door for Alcina when she stopped him.

"What?" he asked a bit annoyed. May kung anong ngiti sa mga labi nito.

"Isn't that your wife?" May itinuro itong direksyon. She was pointing to the other
side of the parking lot where he saw Ella and that fucking Albert guy. Wala na ang
cast ni Ella, wala na rin ang benda nito sa kamay. That didn't bothered him, what
bothered him was the fact that Ella was wearing a knee lenght blue lacey dress, and
she has this blue ribbon headband on her hair. Natahimik siya. Why would she act
like that? Why would she dress like that? Naningkit ang mga mata niya. Ang sakit ng
dalawang iyon sa mata.

Lalong naningkit ang mga mata niya ang makita niyang humakbang si Ella tapos ay na-
out of balance ito. Then that Albert guy carried her --bride style. Ella even put
her arms around Albert's neck and they laughed. They both laughed. Ella laughed. He
saw that expression on her face na kahit kailan ay hindi niya nakita dito.

Naikuyom niya ang kanyang mga palad. Dahan-dahang ibinaba ni Albert si Ella tapos
ay nakita niyang hinawakan nito ang kamay ng kanyang asawa. Napatiim ang kanyang
bagang. Bigla ay tinabig niya si Alcina at inis na inis na pinuntahan niya ang mga
ito.

Albert touched Ella's face. Inalis nito ang buhok na tumabing sa mukha ni Ella and
Ella seemed to like it. Lalo siyang nagalit. Nang makalapit siya sa mga ito ay
walang sabi-sabing hinatak niya si Ellam palayo mula dito.

"Kaya pala ayaw mong samahan kita ngayon dahil sa lalaking ito!" gigil na gigil na
sabi niya. Napadiin ang hawak niya sa braso nito.

"Aray! Nathan nasasaktan ako!" hindi niya ito pinakinggan. Inis na inis siya dito.

"Pare, it's not what you think." wika pa ni Albert. Tinapunan niya ito ng tingin.

"Huwag mo akong tawaging pare! You mother fucking asshole, you stay away from my
wife! The next time I see you near her I swear to god I'm going to ran you over!"

Hinatak niya si Ella palayo dito. Ni hindi na niya nilingon ang lalaking iyon. All
he could think was the fact that he needed to get Ella away from that man as far as
he could.

Binuksan niya ang sasakyan at pilit na pinapasok roon si Ella. He was oblivious
with the things around him. He went inside the car, put the keys in the ignition
and drove away.

"Nathan! Why are you acting like this?! Binastos mo si Albert!" Bigla ay pumreno
siya. Nauntog si Ella sa dash board ng kotse. "Aray!"

"You are my wife. You belong to me. Everything about you is mine, your hands, your
feet, your face, your lips, your mind, your eyes, your smile or even your body
belongs to me. You are mine. And no one touches what is mine."

Napanganga ito. He smirked at her and he drove away again.

=================
"We're here."

Naalimpungatan si Ella nang huminto ang sasakyan ni Nathan sa kung saan. Ginala
niya ang kanyang paningin ngunit wala siyang makita dahil madilim ang paligid.
Bumaba siya ng sasakyan at saka muli niyang pinaikot ang kanyang mga mata ngunit
hindi pamilyar sa kanya ang paligid.

"Nasaan tayo?" tanong niya.

"A place where that son of a bitch cannot find you." sabi nito at muling hinatak
ang kanyang kamay.

"Nathan masakit!" napakagat siya ng labi. Nathan grabbed her injured arm and it
really hurts.

Naglakad sila pababa. Palagay niya ay nasa isang burol sila kung kaya't pababa ang
daan. Maya-maya ay may kinakapa si Nathan, door knob yata, tapos ay binuksan nito
iyon at saka sila pumasok. Agad nitong kinapa ang switch ng ilaw, noon pa lang
lumiwanag.

"Nasaan tayo?" she asked again.

"My house in Tagaytay." sabi nito. Kinuha nito ang bag niya at saka binuksan iyon.

"Hoy, cellphone ko iyan!" she ranted. Umiling siya.

"This stays with me para hindi ka matawagan ng lalaking iyon." Inilagay nito ang
cellphone niya sa bulsa nito.

"Nathan naman paano ako tatawag!"

"Use my phone but I'm going to monitor your calls. Si mommy, sila ron, si Yaya
Lanie at ang mommy ko lang ang pwede mong tawagan."

"At anong sasabihin ko sa mommy mo?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

"Beats me. Basta hindi ka pwedeng gumamit ng cellphone. No laptops, no anything.


Dito lang tayo hanggang sa masiguro kong hindi ka na lalapitan ng bastard na Albert
na iyon."

"He is not a bastard!" sigaw niya.

"I don't care. We'll be staying here for as long as I want."

Napanganga siya. Literal siya nitong tinatanggalan ng karapatan.

"Ano ako? Grounded?!"

"You can say that." wika pa nito. "Now cook for me. Be my wife."

"Bakit?" pinamaywangan niya ito. "Kailan ka ng husband sa akin?"

"I'll start being your husband tonight, so start acting like my wife. Cook for me."
utos nito. "Pagbalik ko kailangan luto na ang pagkain. Maliligo lang ako."

Iniwan siya nito sa gitna ng sala na nakakanganga pa rin. What the hell was wrong
with Nathan. Anong ginagawa nito sa buhay nito at bakit ito ganoon sa kanya?
Napapailing na nagtungo siya sa kusina. She was amazed with the beauty of the
kitched. State of the art ang lahat ng gamit doon.

"Baka kainin ako ng mga ito ha..." mahinang usal niya. She went to the fridge to
look for something to cook. Kailangan mabilis. Halos gulay ang laman ng fridge ni
Nathan. Naisip niyang igawa na lang ito ng salad. She took all the ingerdients
needed and started chopping it. Napapaisip pa rin siya.

Nasaan na kaya si Albert? Bakit kaya nag-text sa kanya kanina si Doc Condrad?
Natigilan siya. Hindi nga pala niya nabura ang text ni Doc Condrad, baka mabasa
iyon ni Nathan. Pero kung mabasa man iyon ni Nathan, ano naman? Wala naman masama
sa text ni Doc Condrad. Pinapapunta lang siya nito sa clinic niya.

She tosses the vegetables in the mixing bowl and put some salt and pepper in it.
She looked for some apple cider at saka nilagyan din iyon ng kaunti. Makalipas ang
ilang saglit ay gawa ng ang salad niya.

"What's for dinner wifey?" narinig niyang tanong ni Nathan. Nang humarap siya dito
ay napanganga siya, dumulas ang hawak niyang sandok sa kanyang kamay habang
nakatitig dito.

Nathan just got out of the shower, his hair was still dripping and he was only
wearing his boxer shorts. Boxer shorts lang wala ng iba. He seemed confident of his
body. Hindi siya makakibo dahil ngayon lang niya nakita ang katawan nito ng up
close and personal.

"May abs siya. Eight packs." wika ng isang maliit na tinig sa kanyang isipan.
"Chiseled chest, tanned skin, broad shoulders... a body like that belongs to a
demigod..."

"Dammit!" biglang sigaw niya. Agad niyang ipinilig ang kanyang ulo ng maintindihan
niya ang itinatakbo ng kanyang isipan. Tumalikod siya at saka pinulot ang sandok na
nahulog niya. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng kamay.

"Hmm, salad..." wika nito. Hindi pa rin siya humaharap. "Kain na tayo, wifey." wika
muli nito. Napailing siya.

"Stop calling me---" naumid ang kanyang dila dahil nang humarap siya ay natagpuan
niya ang kanyang sarili na nakikipag-face to face sa chiseled chest nito.

Dammit! Talo pa nito ang sexy body ni Thor at ni Captain America, isama mo pa si
Green Lantern!

"What?" he asked. She knew that Nathan was only teasing her. Inis na tinulak nita
ito.

"Magdamit ka nga!" nilagpasan niya ito.

"Bakit affected ka sa sexy body ko?"

"Tse!" kagat labing baling niya dito. "Gutom ka lang. Kumain ka tapos sabayan mo ng
kape para nerbyusin ka naman!"

Nathan laughed. She looked at him. Kahit naiinis siya ay bigla siyang napangiti.

"Kumain ka na nga. Tawa ka pa diyan." Umupi siya, tumabi naman ito sa kanya. Nathan
sat there like he was waiting for something. Kinuha naman niya ang plato nito at
nilagyan ng salad. She pushed it to his side. Kinuha naman nito ang tinidor at saka
nagsimula ng kumain.
"Kain na..." wika pa nito. Umiling siya.

"Hindi ka gutom?"

"Hindi ako kumakain ng gulay." mabilis niyang sagot.

"Eh bakit salad itong ginawa mo?" tila takang-taka ito.

"Eh puro gulay ang nasa ref eh."

"Sana sinabi mo para um-order na lang ako."

"Okay na. Kumain ka na diyan. Tubig na lang ako. You know, diet." She smiled at
him.

"Payat ka tapos diet?" tumaas ang gilid ng labi nito. Bigla ay natawa siya.

"Mataba ako dati. As in super. I was like, uhmm.." tiningnan niya si Nathan." May
kilala ka bang mataba?"

"Dati. Iyong girlfriend ni Kerky. Si freaky Hanna. Mataba iyon, she was like 200
pounds back then. She was really freaky and all that."

"Ang sama mo naman!"

"What totoo naman."

"200 pounds? Anlaki noon. Pero okay lang mataba din naman ako. Siguro kasing taba
ako nun. Tapos nagkasakit ako, kaya ayon, namayat."

"Nagkasakit ka?" Ibinaba nito ang tinidor na hawak.

"Hmmn.. I lost 22 pounds dahil nagkasakit ako. Noong lumabas ako ng hospital, I
stayed there for like a month or two, hindi ko na matandaan namayat ako ng sobra
kaya ito, hindi na ako tumaba."

"Anong sakit?" tanong nito.

"Nagkaroon ng acid development sa stomach ko, ayun kinailangan nilang chorvahin.


May nilagay sila para daw madali akong mabusog."

"I see." wika nito. "Anu-ano pa ang hindi mo kinakain?"

"Why are you acting this way?" biglang tanong niya dito. Matagal siyang tinitigan
ni Nathan, hindi naman ito sumagot, sa halip ay ipinagpatuloy lang nito ang pagkain
nito. She sighed. Gusto sana niyang itanong dito kung anong balak nito pero bigla
ay natakot siya. Parang seryoso kasi ito na hindi talaga siya lalabas sa bahay na
ito, no phones, no internet, no nothing. She just sighed.

"Doon lang ako..." tahimik na tumayo siya at tinungo ang veranda sa sala ni ng
bahay na iyon ni Nathan. Overlooking the city ang bahay nito. Kahit gabi ay maganda
ang view, kitang-kita niya ang mga ilaw na nanggagaling sa lungsod. Hinayaan niyang
tangayin ng hangin ang kanyang buhok.

The view, the peace and the moment was very beautiful and she was reminded again
how she will miss being alive when she died. It was funny because she was so scared
of dying but somehow, deep in her heart, she knew that she had already accepted the
fact that her heart might just stop beating one day and her eyes will be forever
closed. A tear fell from her eye. She was really scared. She was scared of dying
pero wala naman siyang magagawa. Iyon ang destiny niya. Iyon ang magaganap.

Bigla ay nahigit niya ang kanyang hininga nang biglang pumulupot sa kanyang baywang
ang mga braso ni Nathan. He hugged her from behind and nuzzled her neck. Nakadama
siya ng milyong-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang buong katawan dahil sa
ginawa ni Nathan! Nakasandal siya sa bared chest nito.

"N-natha-n..." halos mawalan siya ng hininga.

"I told you, tonight, starting tonight I will be your husband, Ella." he whispered.
"I know I was a jerk, I kept on forgetting about you. Ella. My priorities we'rent
clear but I deserve a second chance, don't you think?"

Second chance? Bahagya siyang lumayo kay Nathan. Second chance... She smiled.

"Parang one hundred days to heaven."

"Ha?" nagtatakang tanong nito. Umiling siya. He touched Nathan's cheek. Matagal
niya itong pinakatitigan. Nathan held her wrist and kissed her palm. Then as she
was looking at Nathan, something happened to her heart. Her heart beat faster and
she was sure that it wasn't because of the dysrythmia. Her heart beat faster
because of Nathan, because at that moment, she was sure.

All of the things, all of the pain and uncertainties she felt for the past months,
the sudden happiness everytime he was near, the pian she feels everytime she knew
that he was with his mistress - Alcina, the tears she cried for him just because he
didn't come home early or because of the fact that everytime Alcina calls him, he
forgets about her. It wasn't because of her pridem anymore. It wasn't because she
thinks that Nathan was abusing her kindness. It was because of the fact -- a fact
that she could not believe -- the truth that she wanted to deny, the truth that she
wanted to ignore but she couldn't anymore.

Because as her eyes were locked on Nathan's eyes -- she knew that she was in love
with him already.

She knew that she had picked up the things she threw away that moment when she
found out she was dying.

She believes in fairytales again. She now wanted to have a happy ending with him,
she now wanted to believe in forever.

But how, if her days were counted? How?

"Ella?"

Her tears fall. Bigla ay niyakap niya si Nathan.

"Im scared..." usal niya..

*******************************************
[23] 21. Brand Name
*******************************************
Ella slowly opened her eyes. She was blinded by the light coming from the window
adjacent her bed. Dahan-dahan siyang bumangon at agad na nilingon ang kanyang tabi.
Napabuntong hininga siya nang makita niyang wala si Nathan roon. Napanguso pa siya,
she remebered what happened list night. Napayakap siya sa kanyang tuhod.

Last night, she realized that she was in love with Nathaniel Varres. Hindi siya
makapaniwala sa reyalisasyong iyon. Paano siya iibig kay Nathan samantalang hindi
siya pinahahalagahan nito? Paano niya mamahalin ang isang taong alam niyang may iba
namang mahal? Paano nangyari ang bagay na pinaka-iiwasan niyang mangyari? She
didn't want this feeling. She didn't like the fact that she was in love with
Nathan.

The fact that she fell in love with him scared the hell out of her. Bigla ay tumulo
na naman ang kanyang luha. Kagat-labing pinahid niya iyon. Here she iis crying over
Nathan because she was in love with him, she was in love with him and yet she was
crying like she got her heart broken.

"Broken na nga diba?" bulong niya. "Si Alcina ang mahal niya."

Napapailing na tumayo siya. Kailangan na talaga niyang kitilin ang pagmamahal na


nararamdaman niya para dito. Hindi niya pwedeng mahalin ang asawa niya. Hindi niya
pwede mahalin si Nathan dahil ayaw niyang makasakit, ayaw niyang masaktan. Hindi
pwede dahil may taning na ang buhay niya.

"Oh, gising ka na pala." Tinig ni Nathan ang narinig niya. He was standing near the
door. Tumalikod siya kaagad at pinahid ang kanyang mga luha. "Umiiyak ka na naman?"
biglang tanong nito. Napalunok siya. Bakit ba masyadong obsevant si Nathan?

"H-hindi ah.." suminghot siya. "May sipon ata ako." mahinang bulong niya.
Nakatalikod pa rin siya. Narinig niya itong nagbuntong-hininga. Naramdaman niya ang
kamay ni Nathan na dahan-dahan siyang hinahatak. The next thing she knew, nakaupo
na siya sa kandungan nito habang ito naman ay nakaupo sa kama. He put her hair
behind her ears and hugged her waist, ipinatong pa nito ang baba nito sa kanyang
balikat.

"N-nathan..." hindi siya makahinga. Parang naninikip ang dibdib niya. Nathan was so
close that she was afraid that he might hear the abnormality of her heart beat. She
swallowed hard. Sinubukan niyang kumawala dito ngunit mahigpit ang pagkakahawak
nito sa kanya.

"N-nathan.. ano..."

"Tell me, what are you scared of?" bulong nito. Napalunok muli siya, kagabi pa siya
tinatanong nito kung bakit siya natatakot o kung anong dahilan ng kanyang pag-iyak
ngunit hindi niya ito sinasagot. Hindi naman kasi niya alam kung paano niya
ipapaliwanag dito na natatakot siyang ma-in love dito. Kung mamahalin niya kasi ito
ay magiging mali ang lahat ng bagay.

"Y-you..." hindi siya makapaniwala na nasabi niya dito ang iniisip niya. Nathan
eyed her like she was an apparition.

"I will never hurt you, Ella. You don't have to be scared at me."

Hindi siya sumagot dito. Inaakala ba nitong natatakot siya dahil maaari siyang
saktan nito? Hindi naman iyon ang problema niya, she was scared of the fact that
she had fallen in love with him at the wrong time. She was scared because that
night when she realized she had fallen deeply in love with him, she started
believing in fairy tales again, bigla ay gusto niyang magkaranas ng happily ever
after, but she knew if she hoped, wala ring mangyayari, things will fall apart,
masasaktan lang siya, mabibigo at higit sa lahat, maaaring masaktan niya si Nathan.
"We'll make this work, Ella." muling wika nito.

"Si Alcina ang mahal mo."

"Lahat ng bagay, pwedeng kalimutan."

Napanganga siya. Did she just hear him say that?

"What?"

"Why are you doing this?" nagtatatakang tanong niya.

"Ella, kailangan ba talaga lahat ng gagawin ko para sa'yo may dahilan?"

"Eh kasi ano..." napakagat labi siya. "Basta Nathan." Binalingan niya ito.
"Naaalala mo iyong demand ko sa kontrata natin?"

"Anong demand?" kunot noong tanong nito sa kanya.

"Do not fall in love with me, okay?"

Hindi agad nakahuma si Nathan. Inalis niya ang kamay nitong nakapalupot sa kanyang
baywang at saka tumayo.

"Liligo ako." tinalikuran niya ito. She went inside the bathroom. Huminga siya ng
malalim at saka pinakatitigan ang kanyang sarili sa salamin.

"I'm screwed. I'm the one who fell in first..."

-------------------

"Saan ba tayo pupunta?"

Ilang beses nang tinanong ni Ella iyon kay Nathan pero hindi pa rin niya ito
sinasagot. He just kept smiling at her while he was driving.

"Basta, matutuwa ka sa pupuntahan natin." wika niya kay Ella. Natatawa siya sa
hitsura nito. Looking at her right now made him realize that Ella isn't fond of
surprises. Mukha hindi ito komportable na hindi nito alam kung saan ito pupunta.

Napapangiti talaga siya. Halos tatlong araw na silang magkasama sa bahay na iyon,
tatlong araw na ito lang ang kausap niya and he must admit that he's learning a lot
of thing about her. Unang-una niyang nalaman tungkol dito ay hindi ito kumakain ng
gulay at isda, she also likes reading books, pero iyong mga binabasa nito ay iyong
mga tragic ang ending tulad ng a walk to remember, message in a bottle at kung anu-
ano pang sad ang ending sa huli and he was really amazed by that fact.

Naisip niyang kakaiba si Ella. Halos lahat ng babaeng kilala niya ay nangangarap ng
happy ending, they don't like tragic or sad ending and yet Ella, it was as if she's
being fueled by the fact that book like that were written.

"Favorite song?" bigla ay naitanong niya dito. Ella looked at him. "Just answer me,
Ella."

"Fine. Love song by The cure." Tumaas ang kilay niya.

"You know The cure?"


"Oo. Gusto ko sila saka iyong Muse, sama mo na iyong The Beatles, Dishwalla, Maroon
5, The script saka Coldplay."

"Okay..." nagugulat siya kay Ella. Paano nangyari na ang isang timid na babaeng
tulad nito ay ganoon ang hilig na kanta?

"Ikaw, anong favorite song mo?"

"November rain." He said smiling. Suddenly Ella turned to him and started singing.

"When I look into your eyes, I see a love restrained..." She made a face. Natawa
naman siya, bigla ay hinampas siya nito sa balikat. He laughed even harder.

"Come on, Nathan, sing!"

"But darling when I hold you, don't you know I feel the same..." nagpatuloy ito sa
pagkanta. Hindi niya alam kung tatawa ba siya o kung sasabayan niya ba ito. Ella
was just being silly, he knew that but he liked this version of Ella.

"Nothing last forever and we both know hearts can change!" hindi na rin niya ito
natiis. Kumanta na rin siya at sinabayan ito.

"And it's hard to hold a candle in the cold November rain!" they both shouted. Ella
smiled at him and suddenly he felt different. He just stared at her beaming face
and he felt like his day was already complete. He kept singing with her and the
song sounds different, it was more meaningful, more heartfelt and he was feeling
this way just because Ella was singing with him.

"So if you want to love me the darling don't refrain, or I'll just end up walking
in the cold November rain..."

"Ella..." he said out of the blue.

"What? Sing Nathan!" muling wika nito. He shook his head.

"You made me smile."

Kitang-kita niya kung paano nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Ella. Parang napuno
ng pag-aalinlangan ang mukha nito, tapos ay napalitan naman iyon ng kasiyahan at
matapos iyon ay ngumiti ito.

"You made me smile too."

She held his free hand then she continued singing.

"Then when your fear subside, and shadows still remains, I know you can love me
when there's no one left to blame. So never mind the darkness, we can find away..."

He smiled back at her the he sighed. Bakit ganoon? Isang ngiti lang ni Ella
kumpleto na ang araw niya?

================

Enchanted Kingdom.

Nanlalaki ang mga mata ni Ella habang nakatayo sa harapan ng Enchanted Kingdom.
Makailang beses niyang tinanong ang sarili niya kung totoo bang nakatayo siya sa
harap niyon o kasama iyon sa panaginip niya. Binalingan niya si Nathan.
"Enchanted Kingdom!!!" she exclaimed.

"Yup, we are going to ride all the rides today, Ella."

Napanganga siya. Bigla ay naalala niya ang kanyang to do number 54, ride all the
rides in Star City. Nasa Enchanted Kingdom siya, this place is a much better place
to make her to do list number 54 come true.

"Talaga! Oh gosh!" sa sobrang tuwa niya ay nayakap niya si Nathan. Nag-alambitin pa


siya sa leeg nito. "I love you na talaga!"

Natigilan siya sa kanyang sinabi. Dahan-dahan niyang inalis ang mga kamay niya mula
sa pagkakayakap dito. Tumawa siya at saka hinampas ang balikat nito.

"Uy, naniwalang love ko siya." kinakabahang tudyo niya dito. Nag-iwas ng tingin si
Nathan na ikakunot ng noo niya.

"Hindi kaya. Tara na nga." niyakag siya nito papasok. Tahimik naman na sumunod siya
dito. Excited siya. Gusto niyang sakyan ang lahat ng rides doon. Alam niyang para
siyang bata pero okay lang. Mamamatay na siya at kung babalik siya sa pagkabata ay
hindi naman masama iyon. At least she will enjoy being a kid again. She wanted to
savor this moment. She wanted to treasure every singel second that she will ever
spend with Nathan.

"What do you wanna do first?" he asked her.

"Doon, doon sa Anchors away!" tumakbo siya patungo roon. Nathan followed. Ngiting-
ngiti siya. Hindi naman iyon ang unang beses na nakapunta siya sa lugar na iyon but
somehow it was different now because Nathan is with her.

They rode the Anchors away, after that she run to thye next ride, Up Up and away,
sumakay rin sila ni Nathan sa Roller Skater, she was screaming like a little kid
habang si Nathan naman ay tawa ng tawa sa kanya. Nang makababa sila ay hingal na
hingal siya.

"Iyan kasi, sigaw ng sigaw." natatawang sabi nito.

"Eh nakakatakot eh!"

"I told you kasi to hold my hand while we're up there. Bakit ba kasi lagi kang
bumibitaw?"

Hindi siya nakakibo. Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang kamay nito pero
nakakaramdam kasi siya ng kilig sa tuwing hahagilapin nito ang kamay niya.

"Where do you wanna go next?" he asked her again. Muli nitong hinagilap ang kanyang
kamay. Hindi basta holding hands ang ginawa nito. His hands were clasped against
his hand and she couldn't help but smile.

"Bakit ngingiti-ngiti ka?" tanong ni Nathan sa kanya.

"Wala lang... hmnn.." iginalaw-galaw pa niya ang kanyang ulo at saka itinaas baba
niya ang mga kamay nila ni Nathan na magkahawak.

"Pila tayo sa Rialto." sabi niya dito. Naglakad sila papunta sa Brooklyn Place,
swerte naman dahil kakaunti lang ang tao sa paligid. Pumila sila ni Nathan sa
likod. Bigla ay napapalatak siya.
"Oh bakit?" he asked her.

"Nakalimutan ko iyong camera ko. Sayang." Napalabi siya. Sayang talaga, wala tuloy
silang remebrance ni Nathan.

"Okay lang iyon. You can always picture this day inside your mind. Memories are
still the best camera, Ella. Remember that." pinindot pa nito ang ilong niya. Ngiti
lang ang isinagot niya dito. Matapos iyon ay umusad na ang pila. Hindi nagtagal ay
nakapasok na sila. They settled in their seats. Ice Age 3 ang ipinapakitang movie.

"Oh, hold my hand." wika ni Nathan na inilagay ang kamay sa tabi niya. Nag-aalangan
man ay hinawakan niya iyon. Maya-maya ay dumilim na ang paligid at nagsimula nang
mag-stimulate ang mga upuan.

"AhhH! AHH!" sigaw niya. Lumundo ang inuupuan niya. Pakiramdam niya ay malalaglag
siya.

"Don't let go, Ella. Don't ever let go!" Nathan yelled at her. Lalong humigpit ang
hawak ni Nathan sa kamay niya. Nawala ang atensyon niya sa pinapanood. She was just
staring at him, at his face, she can't and will not ever forget that boyish smile
on his face, she will never forget the feel of his hand against her skin. She will
never forget this moment. She wanted to remember this moment forever, kahit wala na
siya sa mundong ibabaw, kahit na nasaan man siya ay hindi niya kakalimutan ang oras
na ito kung saan sa mga mata ni Nathan ay siya lang ang mahalaga, siya lang ang
iniisip nito, siya lang at wala nang iba.

Natigil na ang paggalaw ng mga upuan. Muli ay binuksan ang ilaw sa loob ng sinehan
na iyon. She was still staring at him when he looked at her.

"Bakit?" he asked. Umiling siya.

"I was just trying to remember this moment."

"Ha?"

"Diba sabi mo, memories are still the best camera. I was just trying to capture
your face, every detail of it, your smile..." hinawakan niya ang mukha ni Nathan.
Pinaglandas niya ang kanyang hinalalaki sa labi nito. "your lips... I just want
to..."

Nathan smiled at her. Walang ano-ano'y biglang bumaba ang labi nito sa labi niya.
He kissed her. Napabuntong hininga siya. Aminin man niya o hindi ay matagal na
niyang hinihintay ang halik nito. She's been wanting him to kiss her again for a
very long time, akala niya nga ay nakalimutan na nito iyon. He kissed him hungrily,
she kissed him back with the same passion and intesity, she was hoping that by
kissing him that way, he would know what her feelings for him, he would know how
much he means to her.

Bigla ay tumigil siya sa paghalik dito nang marinig niya ang palakpakan ng mga tao.
Bahagya niyang itinulak si Nathan at halos sabay nilang pinagala ang kanilang mga
mata sa kapaligiran. Napanganga siya ng makita niya na halos lahat ng kasabay nila
sa loob ng Rialto ay sa kanila nakitingin. Namula ang kanyang mukha.

"Tara na...." wika niya kay Nathan. Tumayo siya at saka hinatak ito. Akala niya ay
basta ito aalis but then he said something.

"We're newly weds.. Still on the honeymoon stage. Bear with us!" sigaw nito. Lalong
namula ang kanyang mukha.
"Nakakahiya!" she exclaimed habang binabagtas niya ang daan palabas ng Rialto.
Nathan was laughing. "Bakit ka natatatawa?"

"Eh kasi ang pula ng mukha mo!"

"Nakakahiya kasi! Nangki-kiss ka ng ganoon eh nasa public place tayo!"

"Anong nakakahiya doon? You are my wife. Kissing you in public is okay. It's like
branding you..."

"Branding? Anong brand?" inis na insi na tanong niya. He looked at her eyes and
touched her face. He bent down again but when his lips were only an inch away from
hers, he spoke.

"Mine. That's your brand, Ella. MINE."

*******************************************
[24] 22. A big reveal
*******************************************
"Anong instrument mo?"

Ella waited for Nathan to answer her. Kasalukuyan silang kumakain nang hapong iyon.
They just got home from another "pasyal moment." Napapangiti siya, halos isang
linggo na sila ni Nathan sa bahay nito sa Tagaytay at mukhang wala pa rin itong
balak bumalik. She was really happy because she gets to know this version of Nathan
that she thought never existed. Kumokota talaga siya sa kilig tuwing gumagawa ito
ng sweetr moment para sa kanilang dalawa. He will kiss here from now and then, and
the fact na hindi siya naiilang makes her think that she's really in love with him.
Napabuntong hininga siya, kung nandito lang talaga ang little pink notebook niya,
sana nalagyan na niya ng marks ang mga bagay na nasa To Do list niya.

Hindi niya alam kung bakit, pero sa loob ng isang linggong nag-stay sila ni Nathan
sa lugar na iyon ay nagawa na niya ang halos kalahati sa To Do list na nawala naman
sa kanya. It was as if Nathan was making her dreams come true. Last night, they did
something dangerous, nag-zip line silang dalawa and she was really scared dahil
bukod sa madilim na ay hindi niya ba nakikita ang ibaba. Pero nang itulak na sila
ng helpers ay ganoon na lang ang adrenaline niya. Nalibang siya sa mga ilaw na
nakita niya sa paligid, and maybe it was also because of the fact that Nathan never
let go of her hand.

"Piano. I used to play the piano, minsan base, minsan guitars pero sa band, I was
the keyboardist." nakangiting wika nito matapos uminom ng tubig. She stared at him.
She wondered kung anong tumatakbo sa isipan nito habang nakatingin rin ito sa
kanya. She also wondered kung ayaw na ba nitong tuparin ang pangarap nito kasama
ang mga kaibigan nito.

"Ayaw mo na bang subukan?" wika niya. "You know, nagawa mo naman na ang gusto ng
daddy mo, you've followed his steps and you're a very succesful doctor, maybe it's
time for you to go after what you really want."

He just smiled.

"Isa lang naman talaga ang gusto ko sa buhay, Ella."

Kumunot ang noo niya. Nathan's eyes became dreamy. Inisip niyang maigi kung ano ang
sinasabi nitong gusto talaga nito. Then by just looking at him, she realized what
he really wanted, and hindi iyon what kundi who.

It was Alcina.

He still wanted Alcina.

Napangiwi siya.

That kinda hurts.

"Bakit ganoon? Ginugusto at minamahal natin ang mga bagay na hindi natin pwedeng
makuha. Lagi na lang natin sinusubukan ang imposible. Madalas nating pahirapan ang
ating mga sarili samantalang may mga bagay na pwedeng iyon na lang ang gustuhin at
mahalin natin. We always wish for the impossible to happen... Kaya siguro madalas
tayong umuuwing luhaan."

"You and your smart mouth again." nakangiting sabi ni Nathan. Napapailing pa ito.
Napabuntong hininga na lang siya. Nasasaktan siya kahit alam niya na sa huli ng
lahat ng ito, ay si Alcina pa rin ang gustong makasama ni Nathan. Kahit anong
mangyari ay naka-program pa rin ang isip nito na si Alcina ang makakasama nito sa
huli.

Hay...

"Okay ka lang ba?" Nathan asked her. She just smiled. Kinuha na niya ang
pinagkainan nito at saka inilagay sa lababo. Parang gusto niyang maiyak sa sakit.
She never understood how someone can love somebody this much it hurts. Paano kaya
sila naka-survive at paano kaya nila nalagpasan ang katotohanan na kahit gaano ka
magmahal ng isang tao ay masasaktan at masasaktan ka pa rin sa huli.

Tulad ngayon, nasasaktan siya.

"Ella...."

"Okay lang ako." sabi niya kahit nag-iinit na ang kanyang mga mata at kahit na
anong oras mula ngayon ay tutulo na ang mga luha niya. She never wanted Nathan to
see her cry. She only wanted him to remember her smiling and happy and strong
and... healthy.

"Sure?" tanong pa nito. Humarap siya.

"Oo..." pilit siyang ngumiti rito. She just sighed. Nathan smiled back at her and
turned away. Naiwan siya sa kusina, ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Pilit
niyang iwinawaglit sa kanyang isipan ang pinag-usapan nila kanina. Pilit niyang
isinisiksik sa kanyang isipan ang masasayang alaala na pinagsaluhan nila ni Nathan
nitong mga nakaraang araw. Mas gusto niya iyong maalala kaysa sa nangyari kanina.

"Ella?" She sighed when she heard Nathan called her. Atubiling nagpunta siya sa
sala kung saan nakaupo ito sa sofa na tila ba hinihintay siya. Sinenyasan siya nito
na umupo sa tabi nito.

"B-bakit?" Bigla ay inakbayan siya nito. "Nathan!"

"Wag kang magulo." he said. "Bukas uuwi na tayo."

Namilog ang kanyang mga mata.

"Talaga?"
"Na-excite ka naman!" sumimangot ito bigla. "Kung iniisip mong makikita mo ulit
iyong Albert na iyon, mag-isip ka nga."

"Di ko naman iniisip iyon eh!" she made a face. Nathan shook his head.

"Basta kapag nakita ulit kita na kasama iyon, sasagasaan ko iyon." Lalong nanlaki
ang mga mata niya. "Tapos kapag walang malay, dadalhin ko sa ospital, I'm going to
open up his brain and alter with his long term memory para makalimutan ka na niya."

"Wow ha..." sarkastikong wika niya. Inungusan niya si Nathan. Tatayo na sana siya
nang bigla nitong hapitin ang kanyang baywang.

"Umupo ka diyan. May bibigay ako sa'yo eh." napapalatak pa ito. Nakita niyang may
hinatak itong malaking box na nakabalot ng gift wrapper. Napakunot ang noo niya.

"Birthday ko ba?" bigla niyang naitanong kay Nathan. Nathan looked at her amazed.
Inisip niya kung anong araw at buwan ngayon. "Hindi ko naman birthday eh, two
months pa."

"Happy monthsary." Inilagay ni Nathan ang box na iyon sa kanyang mga hita. Hindi
makapaniwalang napatingin siya dito. Monthsary? Nagse-celabrate si Nathan ng
monthsary?

"One month na tayong kasal. Four months na tayong magkasama. Monthsary natin
ngayon. "

Nakadama siya ng hiya. Naturingang in love siya sa lalaking ito pero hindi man lang
niya naisip ang araw na iyon.

"Nakalimutan mo noh?" he asked her. Nagyuko siya ng ulo. "It's okay. Making you
smile is enough for me. Buksan mo na iyan."

Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang regalo nito. Her eyes widened when she
saw what was inside of it.

Canon EOS 700D

Napatingin siya kay Nathan.

"Pinalitan ko na iyong polariod mo. Luma na iyon eh. Now you can capture any memory
you want." he said smiling. She was speechless. Pinabalik-balik niya ang tingin
niya kay Nathan at sa Canoon EOS 700D na hawak niya.

"Pero ang mahal nito."

"What?"

"Mahal ito..."

"So?" nakataas ang kilay nito.

"Mahal ito, mahal..."

"Ella. I make two hundred thousand a month, di pa kasama iyong ibang services. So
anong problema mo?"

Napalabi siya.
"Yabang!" ngumiti siya at saka muling tumingin dito. "Akin na talaga ito? Wala ng
bawian ha? Kahit na maghiwalay na tayo at si Alcinang bruha na ang kasama mo, akin
na lang ito ha?"

"Bakit mo iniisip na maghihiwalay tayo?" kunot na kunot ang noo nito.

"Di ba doon naman---"

Kinuha nito ang camera mula sa kanya. Napanganga siya.

"Akina, a-assemble ko. Basta bukas uuwi na tayo. Wag kang lalapit sa Albert na
iyon."

Nagtatataka siya dito. Parang ayaw nitong pag-usapan si Alcina. Ano kayang problema
nito? Samantalang noon kung pwedeng si Alcina ang topic nila maghapon ay hindi ito
titigil. Why did he changed all of a sudden?

Ikatutuwa ba niya iyon o ikatatakot.

But then...

She chose just to be happy about it.

After all, Nathan was hers and she was his.

Iyon ang sabi nito sa kanya noon at panghahawakan niya iyon.

"Nathan, thank you ha?"

"Thank you lang? Walang kiss?"

Kinindatan siya nito.

"Sige, pero isa lang tapos sa cheeks lang ha..."

===============

Nathan was smiling so wide that afternoon. Pagpasok niya sa kanyang clinic ay agad
niyang nakita ang brown na lunch box na ayon sa kanyang sekretarya ay dala ni Ella.
Masaya siya dahil naalala siya nito. He sighed, mukhang nakabuti para sa kanilang
dalawa ang isang linggong bakasyon nila sa Tagaytay. He got to know Ella more and
he began acting like a real husband to her.

He was really happy with the results of that vacation. He saw Ella differently at
kung noon ay girl lang ang tingin niya dito, it changed, because right now, he
could see Ella as a very loving woman.

He was right about Ella. Kakaiba ito sa lahat. Hindi siya tulad ng ibang babae na
walang ibang alam sa buhay kundi ang mag-make up. Ella was depth, she had brains,
she had opinions and she knew how to express them. iyon rin siguro ang dahilan kung
bakit gusto ng Mama niya si Ella.

She called her after opening his lunch. Pinagbaon siya nito ng sinigang.
Natatandaan pa rin pala nito ang paborito niya.

"Hello?" wika nito sa kabilang linya.

"Where are you?" he asked.


"Ahh, k-kasama ko si J-jenny. N-nasa mall kami. Kumakain ka na ba?" tanong nito.
May kung anong kakaiba sa wika ni Ella. It was as if she wasn't telling him
something.

"Oo. I missed you..." he said. "That's why I called."

Katahimikan. Narinig niyang huminga ito ng malalim.

"I missed you too. Uhmmm... Nathan, ibaba ko na ha? May gagawin kasi kami ni
Jenny."

"Okay. See you sa bahay. Bye!" he ended the call. Pinakatitigan niya ang inihandang
pagkain sa kanya ni Ella. Hindi pa man ay busog na siya. Sinimulan na niyang kainin
iyon nang biglang bumukas ang kanyang pintuan. Iniluwan noon si Alcina. She was
wearing her typical red dress, black stilletos and that seductive red lipstick.

"Alcina?" nagtatakang tiningnan niya ito. "Anong ginagawa mo dito." tumayo siya at
saka nilapitan ito. Hinagip niya ang kamay nito at saka hinatak palabas ng kanyang
clinic.

"Nathan ano ba!" tinulak siya nito. "Ganito na lang ba? Talagang pinili mo na ang
babaeng iyon?!"

"She's my wife! I wann make our relationship work." Iyon ang totoo. Sa isang
linggong inilagi niya sa Tagaytay kasama si Ella, he realized that he wanted her.
Dumating pa nga sa punto na naisip niya na kalimutan na lang ang kontrata, si
Alcina at kung paano nagsimula ang lahat ng bagay sa kanila dahil hindi iyon
mahalaga. The important fact is Ella is with him and he wanted to make things work
between them. Ayaw niya itong masaktan. Ayaw niya itong umiyak.

"You already cheated on her many time with me! You slept with me Nathan! Paulit-
ulit. Pero noon hindi mo iniisip iyong babaeng iyon."

"We'll it's different now." he said.

Alcina stood there. She fell silent. Matagal na ganoon ang ayos nila. Maya-maya ay
nagsalita ito. She said the words that shook his world.

"I'm pregnant, Nathan."

=====================

Ella was holding Jenny's hadn so tight that she knew Jenny was hurting already.
Nakaupos siya sa isang silya sa harapan ng mesa ni Doc Condrad habang si Jenny
naman ay nakapwesto sa kanyang harapan. They were waiting for Doc Condrad to say
something after seeing the results of the tests.

"Doc... magsalita ka naman, mauuna pa akong mamatay kay Ella." kahit kinakabahan ay
napangiti siya sa sinabi ni Jenny. Binalingan siya ni Condrad.

"I'm glad that you have finally told someone about your condition." magalang na
sabi nito.

"Nadulas lang iyan, Doc." si Jenny. "Ano bang sabi diyan? Magaling na ba siya?"
Umiling si Condrad.

"Napapadalas ang lapses or ang pagitan ng heartbeat mo at hindi na lang dahil iyon
sa apnea mo, Ella. I have seen your ecg and..." he trailed off. "You are now
suffering from atrioventricular block. It means that there is an impairment of the
conduction between the atria and ventricles of the heart."

"Block?" inulit niya ang sinabi nito. "Barado ang p-puso ko?"

"Yes... and because of this, you are now more prone to heart attack."

"Ella..." Jenny held her hand tighter, Napalunok siya. Gusto niyang mapaiyak. Ang
malas-malas talaga niya.

"Remember when I told you na hindi natin hawak ang oras dahil sa sakit mo?" muling
wika ni Condrad. "We'll because of this development, I could say that you only have
three months, Ella."

Napasinghap si Jenny. Tumulo naman ang luha niya. Tatlong buwan. Ganoon kabilis?
Titigil na lang basta ang tibok ng puso niya at wala siyang magagawa. Three months
in order for her to do everything she needed to do. Three months to be able to be
with her family, three months to make a long lasting memory, three months to be
able to show Nathan how much she loves him.

She only has three months.

===========

Hindi mapakali si Nathan. Paulit-ulit niyang tinatawagan si Ella pero hindi ito
sumasagot. Nine o' clock na pero wala pa rin ito sa bahay. Kinakabahan siya,
something was off kanina habang kausap niya ito. Napaupo siya sa couch at saka
sinapo ang ulo.

Hindi niya pa rin makalimutan ang naging takbo ng usapan nila ni Alcina kaninang
hapon. She's pregnant and he's the father. Sabi nito kapag hindi niya iniwan si
Ella ay ipapaako nito ang anak niya kay Condrad. Ayaw naman niyang mangyari iyon
pero hindi niya rin gustong iwan si Ella. Hindi ngayon na masaya pa sila. He really
wanted to make this work pero paano si Alcina?

The doorbell rang. Agad siyang tumayo. Binuksan niya ang pinto at nakita si Kerky
na nakatayo roon. He was wearing his usal bigshot architect suit and he has this
wide smile on his face. Agad niyang hinatak ito papasok sa loob.

"I was in the middle of my date with Hanna and you ruined it with just a phone a
call?! Ano ba kasing problema?"

He called Kerky para makausap ito tungkol sa sitwasyon nila ni Alcina. Alam niya na
kapag sinabi niya kay Kerky ang problema niya ay matutulungan siya nito.

"Nakabuntis ako, bok." wika niya.

"Oh good! Naka-one hit wonder ka na! Parehas kayo ni Lex! Congrats sa inyo ni Ella,
bok!"

"Iyon ang problema. Hindi si Ella." natahimik ito.

"Hindi si Ella?!"

"I haven't even touched her..." he stated. "Alcina. I got Alcina pregnant, bok."
Napasabunot siya. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I got her pregnant. She's
pregnant dude. I know I should be happy but I am fucking confused. Ayokong iwan si
Ella, pero kapag hindi ko siya iniwan, ipapaako ni Alcina ang anak ko sa asawa
niya."

Bigla ay sinuntok siya ni Kerky. Napaupo siya sa sofa.

"Tarantado ka pala eh! May asawa pala iyong nabuntis mo! Tapos ngayon ipapa-
problema mo sa akin ang problema mo?"

Napangiwi siya. Masakit ang suntok sa kanya ni Kerky. Pumutok ang labi niya.

"Kerky, hindi ako alam ang gagawin ko.... Paano si Ella?"

==============

"Ayokong iwan si Ella, pero kapag hindi ko ginawa iyon, ipapaako ni Alcina ang anak
ko sa iba..."

Napaawang ang mga labi ni Ella sa kanyang narinig. Automatically her tears fell
down and her chest throbbed in so much pain. Hindi naman niya sinasadya na marinig
ang pinag-uusapan ni Nathan at ng kaibigan nito. Hindi naman niya sinasadya na
dumating sa oras na hinatak ni Nathan ang lalaking iyon papasok sa bahay nito,
Bakit ba kasi hindi marunong magsara ng pintuan si Nathan.

"Paano si Ella?"

Pinahid niya ang kanyang mga luha. Iniisip pala siya ni Nathan. Iniisip pala nito
na pwede siyang masaktan. Iniisip pala nito ang kapakanan niya. Dahan-dahan siyang
tumalikod. Bakit ba sa tuwing natatagpuan niya ang kanyang sarili na nagmamahal ay
nasasaktan din siya?

Why does she always fall in love with the wrong person.

"Hindi naman wrong si Albert. Wrong timing lang siya..." sigaw ng maliit na tinig
sa utak niya.

"Si Nathan ang wrong person." bulong niya. Tinahak niya ang daan patungo sa
elevator, umiiyak pa rin siya. Nang umibis siya ay tahimik na binagtas naman niya
ang daan palabas ng building na iyon. Kailangan niyang mag-isa, mag-isip, umiyak at
maglabas ng sama ng loob. Kahit gabi na ay nagpunta siya sa park na katapat lamang
ng building ni Nathan. She settled in a bench there and let her tears fall.

She felt so hurt.

Ang hirap ng nangyayari sa kanya. Alam naman niya na sa ganoon mapupunta ang
sitwasyon pero bakit sakit na sakit siya ngayon? Bakit siya umasa na pwede siyang
mahalin ng isang taong tulad ni Nathan na may mahal ng iba? Bakit ganoon? Wala
naman siyang ninais kundi ang maging masaya lamang pero bakitb sunod-sunod ang
problemang dumarating sa kanya?

Una, iyong sakit niya.

Pangalawa, letting Albert go even though she was so much in love with him.

Pangatlo, falling in love with Nathan although she knew that in the end, they will
never end up together.
Bakit ba ginagawa niya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin? Nasasaktan tuloy
siya.

Suddenly her phone rang? Sinagot niya iyon na hindi tinitingnan kung sino ang
tumatawag sa kanya.

"Nasaan ka?" It was Nathan's voice.

"Nandito."

"Saan?" tanong muli nito.

Napaiyak siya. Boses pa lang ni Nathan ang naririnig niya, nanghihina na siya.
Gusto niya itong yakapin, hagkan at sabihin dito na mahal na mahal na mahal niya
ito. Gusto niyang sabihin na sinira niya ang kontrata nila. She was the one who
fell in love first. She was the one who voided their contract. Wala nang bisa iyon
ngayon.

"Nathan..." she called his name.

"Ella? Nasaan ka ba?"

"Nathan..." she called him again. Napahawak siya sa kanyang dibdib. She wanted to
tell him. She needed to tell him. Napahikbi siya. Gusto niya itong makasama sa
huling tatlong buwan ng buhay niya. Kahit hindi siya nito mahal, kahit kahati na
niya si Alcina, huwag lang itong mawala sa kanya.

"Nathan..." she said his name again. "M-mahal kita..."

Kasabay ng paglabas ng mga salitang iyon sa kanyang bibig ay ang siyang pagbuhos ng
ulan. Hindi niya alam kung narinig ba ni Nathan iyon o kung anuman dahil sinabayan
niyon ang pagsasabi niya dito.

"Ella? Hindi kita maintindihan." wika nito. "Fuck it's raining! I could see you
from my window! What the fuck are you thinking!"

Tinapos nito ang tawag. Hindi niya maintindihan ang mga sinabi nito.. Isa lang ang
naging malinaw sa kanya nang mga oras na iyon...

Nathan didn't heard her when she told him she loves him.

Napaiyak lang siya at saka tumingala. Napaisip siya, ano ba ang ginawa niya sa
tadhana at palagi siyang binibiro nito?

Napapikit siya...

Hinayaan niyang dumaloy sa kanyang mukha ang tubig ulan. That way no one will ever
know that she cried.

"Ella!"

Boses ni Nathan ang narinig niya. She looked at her left side. Nakita niya si
Nathan na may hawak na dilaw na payong at jacket. Nang makalapit ito sa kanya ay
itinayo siya nito ng pilit at binalutan ng jacket.

"What the fuck are you doing here? Umuulan tapos wala kang kagalaw-galaw?!" Niyakap
siya nito. "Uuwi na kita. God! You're freezing cold!"

Tahimik na tiningnan lamang niya ito bigla ay napahagulgol siya. Napahinto naman
ito.

"Ella?"

Pinilit niyang ngumiti.

"Click..." she said.

"W-what?"

"Just making sure that my memory captures this moment."

"Puro ka kalokohan. Tara na nga!"

Hinatak nito ang isang kamay niya at nagsimula na silang maglakad. She was still
crying pero hindi niya iyon pinahahalata dito. Nang makarating sila sa unit nito ay
agad siyang binigyan ng twalya at binilinan na magbihis na. Sinunod niya ito. If
this is going to be her last night with Nathan, might as well make the most out of
it.

Matapos niyang magbihis ay nahiga na siya sa kama. Nakita niya si Nathan na pumasok
na at tinabihan siya. May dala itong tubig at isang bioflu.

"Lalagnatin ko, inumin mo na ito." ginawa niya ang sinabi nito. Pinahiga siya nito
pagkatapos ay kinumutan. Huminga siya ng malalim at saka hinawakan ang kamay nito.

"Yakapin mo ako, Nathan." she begged. Hindi naman ito nagtanong. He cuddled her.
Naramdaman pa niyang hinagkan nito ang kanyang buhok.

"I love you..." out of the blue, she said those three words. She felt him stiffed.
Napaluha siya. "Sabi ko don't fall in love with me, pero ako naman iyong na-inlove
sa'yo. Ibig sabihin, void na iyong kontrata natin. P-pwede..p-pwede mo na akong i-
wan..."

Puno ng pait ang kanyang tinig.

"E-ella.. I ..."

"You don't have to say anything... I just want you to know. Isa pa, hindi mo ako
kailangan isipin. I am much stronger than you think I am. P-pwede mo na akong i-
iwan."

"Ella, what are you talking about. Hindi kita iiwan."

"Iiwan mo ako... alam ko naman iyon. Hindi mo na kailangan itanggi... pero kahit
ganoon, mahal pa rin kita." napahikbi siya. "You will be the last man I will ever
love, Nathan..."

*******************************************
[25] 23. A bigger reveal
*******************************************
"Dito na lang ako, kuya."

Inihinto ng taxi driver ang sasakyan. Ella took a deep breathe before getting out
of the cab. Malabo ang mga bagay sa buhay niya ngayon. She could feel her need of
staying with Nathan, she wanted to make her last three months with him wortwhile,
pero hindi na ganoon kadali ang mga bagay ngayon. May ibang tao na siyang dapat
isipin, may ibang mga bagay na siyang dapat isaalang-alang.

She went inside the coffee shop. Namataan niya ang taong alam niyang ayaw rin
siyang makita. Kung hindi dahil kay Nathan ay tiyak na hindi ito papayag na
makipagkita sa kanya. Agad niyang nilapitan ito.

"Alcina..."

Alcina glared at her. Napalunok siya, hindi dahil sa natatakot siya dito,
napalunok siya dahil nakakaramdam na naman siya ng sakit sa kanyang dibdib. Naroon
na naman ang hapdi, ang kirot na dapat sana ay wala.

"What do you want? What is it that you need to tell me?" mataray na wika nito..
Nakataas pa ang kilay nito habang nakatitig sa kanya. She sat on the chair in front
of her and tried to gave her a smile.

"Don't smile at me, bitch." gigil na wika nito. Alcina took out a stick of
cigarratte. Sinindihan nito iyon at saka hinithit. Nanlaki ang mga mata niya,
kinuha iyon dito at saka idinudot sa tissue paper.

"What the fuck?!" she yelled at her.

"Masama sa baby iyong yosi. Baka magkaroon siya ng sakit pag labas niya." mahinang
wika niya. Mukhang natigilan si Alcina. Nagkaroon ng ngiti sa mga labi nito.

"Right, I'm pregnant. Nathan told you?" there was sarcasm in her voice. "are you
leaving him because of me?"

Huminga muna siya ng malalim at saka tiningnan ito.

"Hindi ko naman kailangan iwan si Nathan." mahinahong sagot niya dito. Agad na
nawala ang ngiti nito sa labi.

"Ang kapal ng mukha mo, kakausapin mo ako para diyan?"

"Makinig ka muna." she said. "Wala naman akong dapat iwan dahil kahit kailan hindi
naman naging akin si Nathan." may kung anong bumikig sa kanyang lalamunan.
Tiningnan niya si Alcina at saka muling ngumiti. Alam niyang hindi dapat niya
pinapakitaan ng mabuti ang babaeng ito, alam niyang dapat siyang magalit dito pero
hindi pwede, mahal ni Nathan ang babaeng ito, martir man pakinggan, pero hindi niya
kayang magalit sa taong mahal ni Nathaniel.

"Lahat ng ito, ginawa ni Nathan para sa'yo. Mahal ka niya. Nasaktan siya noong
iwan mo siya dahil pinili mo ang asawa mo. Ilang beses ko na siyang sinabihan ng
tanga, hambog, bobo o kung anu-ano pa, pero walang epekto. Mahal ka niya, Alcina."

Sa lahat ng sinabi niya ay nakatingin lang sa kanya si Alcina. Bahagyang naka-


awang ang labi nito na tila hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya.

"So, ginamit ka lang ni Nathan at nagpagamit ka naman?"

Masakit marinig ang katotohanan. Gusto niyang takpan ang kanyang tainga pero kahit
anong gawin niya ay iyon naman talaga ang totoo.

Nathan used her but she still fell in love with him.

How pathetic could she be?

"G-ginamit niya lang ako." pag-amin niya dito. Alcina smiled widely.
"Iiwan mo na si Nathan?"

"Pipiliin mo na ba siya?"

"Buntis ako, Ella. Siya ang ama. Natural kailangan naming magsama."

"Mahal mo ba siya?" muling tanong niya dito. Alcina smirked at her.

"Akin siya, Ella. Wala ka nang magagawa doon."

Huminga siya ng malalim at saka nagbaling ng tingin sa iba. Three months to live..
three months left to make a lasting memory. Three more months to capture something
for her to remember forever.

Gusto pa niya sana ng mas mahabang panahon kasama ni Nathan, pero alam niyang sa
sitwasyon ngayon ay malabo nang mangyari iyon.

"Pwedeng manghingi ng pabor?" She asked Alcina. "C-can I at least say goodbye to
him?"

Alcina smiled at her. Kinuha nito ang bag na dala nito at saka tumayo.

"Hindi naman ako ganoon kasama, Ella. You have until tomorrow morning to say
goodbye. Bukas nang umaga, I'll be at his doorstep whether you like it or not. At
dapat sa oras na iyon, wala ka na."

==========================
"Where have you been?!"

Nathan groaned like a lion. Nagyuko naman ng ulo si Ella matapos niyang maisara
ang pinto ng unit nito. Nanginginig ang tuhod niya. Knowing that this would be the
last time she'll ever be with him makes her body tremble with so much pain and
uncertainties. She tried to keep her head up high and she tried giving him a happy
smile. All she could think about are the memories she will make with him tonight.

"K-kasama k-ko si Jenny." kumunot ang noo nito. Inilang hakbang siya ni Nathan at
hinagip ang kanyang braso.

"You're lying!" he yelled. "Nag-stutter ka, ibig sabihin nagsisinungaling ka!"


Napalunok siya, kitang-kita niya sa mga mata ni Nathan ang galit. Pero bakit ito
magagalit sa kanya?

"N-nathan nasasaktan ako." pilit niyang binabawi ang kanyang braso.

"Ella naman! You told me once that you will never lie to the people you love then
why are you lying at me?" he asked her again. He seemed desperate. Umiling siya.

"K-kasama ko nga si Jenny." muling wika niya. Pinakatitigan siya ni Nathan at saka
binitiwan. "Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"I was worried sick!" he yelled. "I woke up thinking that you were there but when
I saw that you're not, kinabahan ako! I tried calling you many times pero patay ang
phone mo! Anong iisipin ko? I thought that you left."

Nakadama siya ng sakit. Nathan thought that she had left him already tapos ganoon
agad ang reaksyon nito. Parang gusto niyang maiyak. Naisip niya kung paano bukas sa
oras na dumating si Alcina?
Lumapit siya rito at saka hinaplos ang pisngi nito. Napangiti siya.

"Nag-aalala ka sa akin." sabi niya. "Don't be like that, Nathan. You might end up
falling in love with me..." she meant it as a joke. Natameme naman si Nathaniel. He
was just staring at her. Bigla ay hinawakan siya nito sa baywang at saka hinapit.
He bent down and kissed her lips.

Ella moaned when she felt his lips against him. She closed her eyes, savoring the
last kiss she will ever shared with the one she loves. Inilagay niya ang kanyang
mga braso sa leeg nito. She even opened her mouth to give Nathan a better access.

Nothing else mattered that moment anymore, not the fact that Nathan got Alcina
pregnant or the fact that she was leaving him tomorrow morning or even the fact
that she was Ella or he was Nathan. The only thing that mattered that moment was
the love she felt for him, the fact that she wanted to make lasting memories and
the fact that she wanted Nathan.

"Ella... Ella..." bahagya siyang itinulak nito. Lumayo ito sa kanya at saka
tinitigan siya. Umiling ito. "This is wrong..." he whispered.

Napalunok siya. Nilapitan niya si Nathan at saka hinatak sa kwelyo. She kissed her
again. Ayaw niyang bigyan ng pag-aalinlangan si Nathan. She wanted this to happen.
There is no way that she will ever make him stop because tonight, this thing
mattered to her.

She wanted Nathan to make love to her.

"Ella, stop..." Nathan pushed her again. Lumayo ito sa kanya. Naiiyak na siya.
Ayaw ba talaga sa kanya ni Nathan? Napaluha siya.

"Ella.... please don't cry.."

"You said you wanted to be my husband." she said in a low voice. "Nathan,
please.... make love to me..."

Nathan looked dumbfounded. Ilang beses itong napalunok habang nakatingin sa kanya.
Kinuha niya ang kamay nito at inilagay sa tapat ng puso niya.

"You said that a week ago, nagbago na ba iyon? D-don't you want me?"

"Ella, not this way..."

Napaiyak siya. She felt so small. She felt so unwanted. Ganoon ba siya hindi
kayang mahalin ni Nathan na talagang dumating sa punto na halos magmakaawa siya
dito ay hindi pa rin siya nito kayang pagbigyan? Kung sasabihin niya kaya dito na
mamamatay na siya, ano kayang magiging reaksyon nito?

Pero hindi niya kayang sabihin dito iyon dahil ayaw naman niyang kaawaan siya ni
Nathan.

"Ella please, don't cry..." nilapitan siya nito at saka niyakap. Dinala siya nito
sa couch at doon ay niyakap siya nito ng mahigpit. He let her cry... Hindi ito
nagsasalita, sa halip ay hinahagod-hagod lamang nito ang kanyang likuran at panaka-
naka ay hinahagkan nito ang kanyang buhok.

He held her tightly as if never wanting to ever let her go. She held on to him
like she will never live him alone, but she knew the moment the sun rises, she will
have to evacuate and be gone from his life forever.
That is the sad reality of her life right now.

----------------------

"Umiyak ka pa rin ba?"

Hindi mapigilan na tanong ni Nathan kay Ella. It was midnight already, they were
lying in the bed at pinapakiramdaman niya ito. Nakatagilid sa kanya si Ella at
kahit anong gawin niya ay ayaw nitong humarap sa kanya.

"Ella...."

"Ask me something else." wika nito. He sighed. So she was still crying. Hinawakan
niya ang balikat ni Ella at saka niyakap ito ng mahigpit. Hindi naman niya gustong
paiyakin ito, but he couldn't do what she was asking him to do.

It's not that she didn't want Ella. God knows how much effort he gave para lang sa
self control niya. Pero hindi niya lang talaga kayang gawin iyon kay Ella. Hindi
ngayon na marami silang problema.

Hindi niya alam kung anong meron sa kanya ngayon. He knew that things were far
more different now kaysa noong nagsimula silang dalawa. Hindi naman siya tanga, he
knew that he was feeling something for Ella, hindi lang siya sigurado. With all the
things that are happening right nw, hindi niya pa kayang i-analyze ang mga bagay-
bagay.

Pero isa lang ang alam niya.

He didn't want Ella to leave him.

He wanted Ella to stay with him kahit na tapos na ang pinag-usapan nila.
There is something in Ella that makes him want to be a good man.

"What are you thinking right now?" he asked her.

"You."

"Me?" he kissed her cheek. "Why me?"

"Because you'll be the last man I'll ever love."

"Why are you saying that with such finality in your voice?"

Ella faced him. She traced his face and smiled at him.

"Because you are. It's never gonna change, Nathan. Even if you don't want me. I
will love you still."

"The fact that I don't want to make love to you doesn't mean that I don't want
you. I want you, Ella. I want you in my life... Pero magulo pa ang mga bagay
ngayon."

Nakita na naman niya ang mga luhang iyon sa mga mata nito. He kissed her tears
away.

"Don't cry.. please don't cry."


"Ang sakit kasi, Nathan eh..."

Hinayaan niya itong umiyak. He cuddled her and did everything to make her feel
better. He just hoped that tomorrow morning, Ella will be better so they could talk
about the things that needed some sorting...

He really hoped.

==================

Napabalikwas ng bangon si Nathan. Tiningnan niya ang relo sa kanyang bed side
table. It was 6:30 in the morning and Ella wasn't in bed. Agad siyang bumaba ng
kama, he didn't care about the fact that he was half naked, kailangan niyang makita
si Ella.

Nagpunta siya sa kusina. Nakita niya doon si Yaya Lanie. She was cooking
breakfast, nagpalinga-linga pa siya pero wala roon si Ella.

"Ya, nasaan si Ella?" He asked her. Tumingin ito sa kanya.

"Hindi ko alam. Bumangon na ba ang asawa mo?"

Napasabunot siya. Disoriented pa siya pero nakakaramdam siya ng kaba. Umikot siya
ng umikot sa bahay, wala si Ella sa sala, wala rin siya sa balcony. Muli siyang
bumalik sa kwarto at kinatok ang bathroom pero wala rin ito doon.

"Fuck!" he cursed. Bakit pakiramdam niya ay iniwan na siya nito?

"Ella!" he yelled. "Ella!"

Nilapitan siya ni Yaya Lanie.

"Anak, bakit ba sigaw ka ng sigaw?"

"Yaya, wala si Ella!" hysterical na wika niya.

"Baka naman naglakad-lakad lang iyon." pagkasabi ni Yaya Lanie noon ay narinig
niya ang pagbukas ng pinto. He sighed with relief.

"Kita mo na..."

Tumakbo siya patungo sa front door. He was so happy. Ang buong akala niya ay
iniwan na siya ni Ella. Ang buong akala niya ay wala na ito.

"Morning , babe..."

Natigilan siya nang makita si Alcina na nakatayo sa harapan niya. She was holding
her red prada bag at sa tabi nito ay may mga dala itong maleta. Napaawang ang
kanyang mga labi.

"W-what are you doing here?"

Alcina smiled at him. Lumakad ito papunta sa kanya at hinagkan siya sa labi. Hindi
siya nakakibo. Anong nangyayari?

"Alcina!" inilayo niya ito.

"Nathan, I chose you. The baby and I, we're here to stay." bigla ay niyakap siya
nito. The baby and I... The baby and I...
She chose him...

Dapat masaya siya, but then why was he feeling this way.

"Hindi ka ba masaya?" tanong ni Alcina sa kanya. "I'm here, I left Condrad. We're
getting an anullment. I chose you Nathan. We're going to be a family."

A family.

Bigla ay tinulak niya ito.

"Nathan?"

"Get inside..." he said in a low voice. Ngumiti si Alcina at saka pumasok na sa


loob. He sighed and took her laguages and took it in. Pinaupo niya si Alcina sa
living roo, at saka tinawag si Yaya Lanie.

He went inside the bedroom and closed the door. There, realization hit him.

Ella left.

She had left him.

She didn't even said goodbye.

======================

Two weeks later...

"Ella..."

Tiningnan ni Ella si Albert. Kararating lang nito at tulad ng dati ay may dala na
naman itong maliit na teddy bear. Ngumiti siya at saka sinenyasan itong lumapit sa
kanya.

She was inside a four walled hospital suite. Iyon kasi ang gustong mangyari ng mga
tiyahin at mga pinsan niya matapos niyang sabihin sa mga ito ang katotohanan
tungkol sa kondisyon niya. Noong una ay ayaw sana niyang magpa-confine, pero hindi
rin siya nakahuma sa mga ito.

"Ang dami ko na namang bagong anak." she smiled habang inaabot ang kulay red na
teddy bear na dala nio. Albert just smiled at her. Hinawakan nito ang kamay niya at
saka hinagkan siya sa noo.

"How are you today?"

"Inalis nila iyong oxygen ko pero nilagyan nila ako ng monitor." Ipinakita niya
dito ang aparatong nakakakonekta sa kanyang dibdib. Nakita niyang napabuntong
hininga ito. "Hey, it's too late to be sad."

"Ayaw mo talagang mag-therapy?" he asked her. Umiling siya. Hindi kumibo si


Albert, sa halip ay umupo ito sa kanyang tabi at saka hinawakan ng mahigpit ang
kanyang kamay.

"Albert?"

"Ella natatakot akong mawala ka ulit sa akin." he whispered to her ear. Napaluha
siya ngunit agad niyang pinahid iyon. Ayaw niyang ipakita kahit kanino na natatakot
siya.

"Hindi naman ako mawawala."

"Pero ayaw mong magpagamot." he said in a low voice. Umiling siya. "Ella, mahal
kita. Gusto kitang makasama hanggang sa huli."

Tiningnan niya si Albert. How she wished that she would hear those words from
Nathan's lips, how she wished na nandito si Nathan at siya ang humahawak ng kanyang
kamay ngayon...

Pero alam niyang malabong mangyari iyon dahil tapos na sila. Things ended when she
left him alone with Alcina. Siguro iisipin ng ilan na tanga siya dahil hinayaan
niya ang lalaking mahal niya sa babaeng mahal nito, pero iyon naman ang tamang
pagmamahal.

Letting go of the person you love is never easy pero kailangan gawin iyon lalo na
kung nais ng nagmamahal na maging masaya ang mahal nila. She knew for a fact that
Nathan is happy now.

Nagpapasalamat na lang talaga siya dahil hindi na nagtanong ang pamilya niya
tungkol sa kung ano ba talagang nangyari sa kanila ni Nathan. Basta nang tanungin
siya ng kanyang Mommy tungkol roon ay sinabi na lang niya na hiwalay na sila at
ayaw na niyang pag-usapan iyon. Matapos ang araw na iyon ay hindi na niya narinig
muli ang pangalan ni Nathaniel.

"Albert, alam mo naman na..."

"I know.... Pero hindi mo ba talaga naisip na sabihin sa akin noon? Hiniwalayan mo
ako -----------"

"Dahil ayaw kitang masaktan. Mamamatay na ako, Albert. Gusto kong maging masaya
ka. Hindi ko kasi--------"

Biglang tumayo si Albert. He looked so frustrated.

"Ganoon na lang iyon? Mamamatay ka na lang basta? Hindi ka man lang ba lalaban?
May paraan naman, Ella eh! You could go to therapy, pwede kang gumaling! Pwedeng
mawala yang bara sa puso mo! Pwede kang mabuhay! Lumaban ka naman, Ella. Kung hindi
para sa sarili mo, lumaban ka para sa mga taong nagmamahal sa'yo..."

Hindi siya nakagot. Albert turned away and left her alone inside that room. Noon
lang niya hinayaang tumulo ang mga luhang kanina pa niya pinipigil. Kung ganoon
lang sana kadali ang lahat...

=================

Nathan heard a knock on his door. Kasalukuyan silang nasa dining room ni Alcina at
kumakain ng hapunan. Alcina looked at him with that smile on her face.

"Hindi mo gusto ang niluto ko? Diba favorite mo ang putchero?" she asked. He
didn't want to say anything that will hur her feelings. Buntis si Alcina at
sensitive ito. Ayaw niyang ma-offend ito at baka makasama sa bata.

He just looked at her. She was busy eating her food. Masarap ang pagkaing inihanda
ni Alcina pero hindi niya alam kung bakit hindi niya iyon makain. There was
something different in the food she prepared, kakaiba ang lasa noon.
Suddenly he wished that he was eating the food Ella used to cook for him. Bigla
niyang na-miss ang sinigang nito. Bigla niyang naalala ang mga ngiti ni Ella sa
tuwing kinakain niya ang mga pagkain na inihanda nito para sa kanya.

How he missed her.

Nangungulila siya dito, ultimo ang maliliit na mga bagay na ginagawa nito para sa
kanya ay nami-miss niya.

He sighed. Muli ay narinig na naman niya ang pagkatok sa kanyang pinto. Tumayo
siya upang buksan iyon.

"Excuse lang..." he said. Alcina looked at him and smiled again. Hindi niya alam
but he feels different around her now. Kung noon ay halos ipagpatayan niya ito,
ngayon ay parang nag-iba na.

Binuksan niya ang pinto at ganoon na lang ang gulat niya nang makita niya si
Condrad sa labas.

"Condrad... what are you doing here?" He smirked at him.

"Hindi ako nagpunta dito para saktan ka o kung anuman na alam kong dapat gawin ko
sa'yo dahil sinulot mo ang asawa ko. You could go to hell if you want to and I
won't even give a damn about it."

Humalukipkip siya.

"Then what are you doing here?" inis na wika niya.

"I'm looking for Ella."

Bigla ay napatuwid siya ng tayo. Kunot na kunot ang noo niya. Bakit hinahanap ni
Condrad si Ella? Anong kailangan nito?

"She's not here."

Condrad just nodded then after that he turned away. Bigla ay nakadama siya ng
pagka-irita. Sinundan niya ito.

"Anong kailangan mo kay Ella?" he asked.

"None of your business, Varres." wika nito na hindi man lang siya nililingon. He
pushed through. Kailangan niyang malaman kung anong kailangan ni Condrad kay Ella.

"Anong kailangan mo sa asawa ko?"

Bigla ay huminto ito?

"Asawa mo?" he said sarcastically. "Ayos ka rin. Sinulot mo ang asawa ko tapos
tinatawag mong asawa si Ella? Gago ka rin pala."

"Hindi pa kami legally anulled ni Ella. So that makes her my wife. And because I'm
the husband. It is my right to know kung anong kailangan mo sa kanya."

Matagal siyang tinitigan ni Condrad. Maya-maya ay umuling ito pagkatapos noon ay


iniabot nito sa kanya ang manila envelope na dala nito. He took that and without
living his gaze, binuksan niya iyon.
Dahan-dahan niya inilipat roon ang kanyang tingin at saka binasa iyon. Condrad
stayed in front of him, eyeing him as if waiting for his reaction. Agad na kumunot
ang noo niya nang mabasa ang mga nakasulat roon.

Test results iyon.

Test results ni Ella.

"What the fuck is this?" nalilitong tanong niya. Tiningnan niya si Condrad.

"Doctor ka diba. Alam kong alam mo kung ano iyan."

"Gago ka ba? Ella is healthy! How the fuck could this happen to her heart!?!"

"She's not heathy, Nathan. Infact, she is dying."

"W-what?"

*******************************************
[26] 24. Lies more lies and the only truth that matters
*******************************************
"Grapes?"

Ella shook her head while still looking at Jenny. Nakaupo ito sa silya sa gilid ng
hospital bed niya habang pinagbabalat siya ng prutas. She smiled at her. She was
thankful na lagi itong naroon at sinasamahan siya. Hindi siya gaanong nalulungkot.

"Gusto ko ng umuwi eh..." mahinang wika niya. Jenny sighed. Itinabi nito ang
mangkok na may lamang grapes at sumampa sa kamay niya. Ipinalupot nito ang braso
nito sa balikat niya at saka nagsalita.

"Hindi pwede. Sabi ni Doc Condrad, dapat dito ka lang. Lalo na ngayon na...."

"Malala na ako?" she gave her a little smile. Jenny glared at her.

"Bakit ba ayaw mong magpagamot? Ella, pwede kang magtherapy, pero bakit ayaw mo?"

Hindi siya nakasagot. She held Jenny's hand and just took a deep breath. Kung
ipapaliwanag niya kaya kay Jenny ang dahilan niya, maiintindihan kaya siya nito?
Ayaw niyang magpagamot dahil ayaw niyang umasa ang pamilya niya na pwede siyang
gumaling. Ayaw niyang mas lalo pang masaktan ang mga taong nakapaligid sa kanya.
Kung magpapagamot siya, aasa ang mga ito na gagaling siya, pero paano kapag hindi
siya gumaling? What if all the medications and the therapy failed? Parang
magsasayang lang sila ng oras at panahon noon.

"Dati tinanong mo sa akin kung para kanino ako bumabangon and I told you that it's
for the people I love and cared about. Ikaw, Ella.. para kanino ka ba bumabangon?"

She fell silent.

Dati alam niya ang sagot doon. Bumabangon siya para sa sarili niya, para sa
pangarap niya, para magawa ang mga bagay na gusto niya but now, the answer to that
question changed.

"Para kay Nathan..." nakangiting sagot niya. Jenny rolled her eyes.

"I still can't believe you fell in love with that son of a bitch!" Napabuntong
hininga pa ito. "Okay, so para kay Nathan... Hindi mo ba gustong gawin ang mga
bagay na iyon para sa kanya? You love him, why don't you seek for medical help so
you could be with him after?"

"Masaya na si Nathan ngayon..." she said. Kahit alam niyang masaya ito sa piling ni
Alcina ay ganoon na lang ang sakit na nararamdaman niya. It was like the Albert
episode again -- when she had to let go of him -- but this time it was more
painful, more hurtful, sadder and meaner on her part because she truly loved
Nathan.

Kumbaga sa kanya, she had the right love at the wrong time...

"Ella naman eh..." ungot ni Jenny. She just smiled.

"Napapagod na ako, Bebang... Matutulog muna ako ha?" she said to her. Hindi naman
kumibo si Jenny. Bumaba ito ng kanyang kama at saka tinulugan siyang ayusin ang
kanyang unan. Humiga siya at saka tumagilid.

Sa totoo lang, natatakot siya sa pwedeng mangyari. Natatakot siya na sa tuwing


matutulog siya ay hindi na siya magigising pa. She was scared of the fact that she
might not see the people she loved and cared about, she was scared that she might
not be able to see Nathan again...

Ganoon pala iyon...

Noon, akala niya ay tanggap na niya ang kanyang kapalaran, pero noong makilala niya
si Nathan, nag-iba ang lahat.

She married Nathan thinking she could change the way he thinks, pero in the end, he
was the one who changed her. Nathan made hee believe in fairy tales again. Itinapon
na niya iyon noong nalaman niya na mamamatay na siya, but then, he managed to make
her believe. He managed to make her want to love life and start living it again. He
made her want to have a happy ending.

But it's too bad...

Hanggang doon na lang yata talaga sila.

====================

Ella woke up with that strange feeling like someone was watching her. She opened
her eyes only to find an empty chair beside her. Wala si Jenny. Siguro ay umuwi na
ito. Dahan-dahan siyang tumayo at sumandal sa head board ng kama. Napahawak siya sa
kanyang dibdib. Nandoon na naman iyong pakiramdam na parang nahahapo siya, parang
pagod na pagod siya pero wala naman siyang ginawa kundi ang mahiga at matulog. She
knew that she was getting weaker as the day goes by...

"Hi!"

Bati ng kung sino. Napasigaw siya nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki na
nakatayo sa kanyang gilid.

"Sino ka!" nanlalaki ang mga mata niya kasabay ng pagsigaw niya ay ang paninikip ng
kanyang dibdib. Bigla ay nahirapan siyang huminga. Pilit niyang kinakapa ang oxygen
sa kanyang tabi. The stranger helped her.

"Here, breathe in..." wika nito habang inilalagay sa kanyang ilong ang aparato.
Binalingan niya ito.
"Sino ka? Anong ginagawa mo dito?" Nakakaramdam talaga siya ng takot. The stranger
didn't answer her, instead he just smiled at her. Pinakatitigan niya ang lalaki.
Hindi niya ito talaga kilala. He was tall, he was lean, he looked so good on that
clean hair cut he had at sa tuwing nginingitian siya nito ay lumalabas ang dimples
nito sa gilid ng kanyang bibig. He also had a deep set of almond brown eyes...

Kung mayroong pamilyar sa lalaking nasana harap niya, iyon ay ang mga mata nito.
His eyes looked just like Nathan's eyes, only deeper but friendlier. Magsasalita
sana siya, nais sana niyang tanungin kung sino ba talaga ito ngunit nalunod ang mga
salitang nais lumabas sa kanyang bibig nang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon
ang isang taong dapat ay wala dito.

Her mouth fell open.

"N-nathan..."

"Good, she's awake." wika nito. May dala-dala itong manila envelope, agad nitong
inabot iyon sa lalaking nagisnan niya kanina.

"I have looked at her previous ECG's and it's not good. She should've been under
the knife weeks ago, Nate. I'm really surprised that asshole who calls himself a
doctor let her go on with this." wika ng lalaking iyon habang binabasa ang mga
papel na mula sa envelope na dala ni Nathan.

"Teka, anong ginagawa mo dito? Dapat wala ka dito..." Nathan just looked at her but
he didn't talked to her. Binalingan muli nito ang lalaking nakatayo sa tabi nito.

"Condrad is an idiot!" komento pa ni Nathan. The man looked at Nathan and agreed
with him.

"I know right! I don't even know why your wife put up with hi. He's not even half
as good as me!"

"Teka!" sigaw niya. Mukhang natigilan ang dalawa. Nathan looked at her. Mukhang
galit ito. Nakatiim ang mga bagang nito at hindi niya mabasa ang reaksyon ng mukha
nito. She bit her lower lip. Nakadama siya ng takot dito. Ano ba kasing ginagawa ni
Nathan dito at paano niya nalaman kung nasaan siya?

"Sino ka ba? Saka.. A-anong ginagawa mo dito?" naglakas loob na lang siyang itanong
iyon kay Nathan. Inilahad ng lalaking kasama ni Nathan ang palad nito sa kanya.

"Dr. Edward Varres, cardiologist. I'm Nate's brother. And from today on, ako na ang
magiging doktor mo." nakangiting wika nito.

"Si Doc Condrad ang doktor ko." sabi niya dito. Edward Varres shook his head.

"Not anymore, Ella. He's not even that good."

"Of course not! He's one of the best!"

"Let's just say na noong nag-take ng boards, he was number 2. But I am the one who
topped the boards so I am so much, way better than that asshole son of a bitch."

"Ang humble mo..." nakadama siya ng pagka-irita. Edward Varres just smiled at her.
Pati ang ngiti nito ay may halong kayabangan. Binalingan niya si Nathan.

"Ba-bakit mo dinala iyan dito?" she asked him. Kung cardiologist ang kapatid ni
Nathan ibig sabihin ay alam na nito... Pero paano?
"Can you leave us for a while?"

Maya-maya ay tumalikod na ito. Naiwan siya at si Nathan sa loob. Nathan looked


murderous. Napalunok siya.

"D-dapat wala ka dito." wika niya.

"I'm here because your my wife." malamig na wika nito.

"Hindi naman tayo kasal, Nathan eh.."

"Ella!"

"Fine, kasal tayo pero hindi mo naman ako pinakasalan dahil mahal mo ako. You
married me because you wanted to have Alcina and now that you have her, what are
you still doing here?" mahinanong sabi niya. Nathan sighed.

"Because, I just couldn't let you die just like that..."

She stared at Nathan and she could really feel the sincerity of the words he just
said. Napaiyak siya. Bigla siyang kinabig nito at niyakap.

"Why are you making this hard for me? Mamamatay na ako, tanggap ko na iyon... Bakit
mo ba kasi ito ginagawa?" humihikbing tanong niya.

"Masaya naman ang buhay ko eh, bakit ba dumating ka pa? Why did you ever made me a
believer again, Nathan? Why? Why?"

"I don't know what you're talking about, but I just couldn't let you die. Not like
this, Ella." lalong humigpit ang yakap nitp sa kanya. Hindi na ito nagsalita pang
muli. He just let her cry, he just let her tears fall down to that magnificent
shoulder of his...

And for the first time in three weeks, she felt better.

==================

"Hey, Nathan..."

He smiled when he saw Lex and Keith entered Ella's room. Gabi na iyon at tulog na
si Ella. Marahil ay napagod ito sa kakaiyak nito kanina. Hindi nga niya alam kung
paano niya napatahan ito, basta nakita na lang niya na nakatitig ito sa kanya na
para bang hindi naniniwala na naroon siya.

That night when Condrad told him about Ella's condition, daig niya pa ang nasabuyan
ng malamig na tubig. He knew that he had to do something. Hindi niya pwedeng hayaan
na mawala na lang si Ella ng ganoon. Naisip niya ang lahat-lahat ng mga bagay na
sinabi at ginawa nito noong panahong magkasama sila.

Her lists, her dreams, ang mga sinasabi nito.

All along, Ella was saying and doing those things because she knew that she was
going to day. She just accepted the fact that one day she was going to die at hindi
niya maintindihan iyon.

Bakit hindi nito magawang lumaban? Ganoon lang ba kadali para dito ang sumuko?
Hindi ba nito iniisip ang mga taong nagmamahal dito at ang magiging reaksyon ng mga
ito sa sandaling mawala siya?

"Are you okay?" Lex tapped his shoulder. Si Keith naman ay umupo sa couch na
nakaharap sa kama ni Ella. She smiled at her.

"No... It sucks." he was holding Ella's hand like he was scared that she might just
fade away.

"N, things will be okay. Edward the best --- you knew that, he's your brother. He's
like a miracle maker. Gagaling si Ella." wika ni Keith sa kanya. Lex agreed with
her.

"Kahit napakayabang ng kapatid mo, naniniwala ako na kayang-kanya niya ang


kondisyon ni Ella."

"Yeah, he tends to be really mayabang at times." sabi niya. He heard Keith laughed.

"Anong plano mo after this?" muling tanong ni Lex. Umiling siya. Hindi niya pa alam
kung anong gagawin niya sa ngayon. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin
kay Alcina at kay Ella. He wanted to be with Ella but he just couldn't leave Alcina
hanging like that. Paano ang magiging anak nila?

"Hindi ko alam. I mean with Alcina and the baby and now Ella ---"

"Wait..." Lex stopped him. "Alcina and the baby?"

"You got that bitch pregnant!" Keith exclaimed. "No wonder Kerky was acting
different the other day. Iyon iyong alam niyang ayaw niyang sabihin."

"We'll it's not his story to tell..." mahinahong wika niya. "Alcina finally left
Condrad because of our baby. I got her ------"

"How the fuck would you get her pregnant?" tila takang-takang tanong ni Lex.

"The same way you got me pregnant, dear..." nakangising sagot ni Keith.

"Baby, that's different. You have working and healthy ovaries, while Alcina
has----"

He doesn't know where Lex was going with this. He stood there trying to understand
what he was trying to say.

"Nathan, nagpa-check up na ba kayo ni Alcina ng magkasama?"

"What are you saying, Lex?"

"Nathan, hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa'yo pero, bok, I'm your friend and
Alcina couldn't bear a child because she is sterile."

"Baog siya?" nanlalaki ang mga matang wika ni Keith. Napatayo naman siya. Baog si
Alcina? How did Lex know about that?

"How did you know about that, Lex?" anas niya.

"Condrad told me the other day, nagki---------"

Hindi na niya narinig ang mga sumunod na sinabi nito. Mabilis na nilisan niya ang
ospital na iyon. Lulan ng kanyang sasakyan ay umuwi siya sa kanyang unit.
His body was trembling with anger. He didn't want to do this but he knew he had
too.

"Nathan, you're home!" nakangiting salubong sa kanya ni Alcina. She ran into him to
give him a hug but he caught her arms mid way. "Araw, Nathan nasasaktan ako!"

Gigil na gigil siya. Humakbang siya nang humakbang hanggang sa malapat na ang likod
ni Alcina sa pader.

"Nathan ano ba?!" she yelled.

"Are you really pregnant?!" sigaw niya dito.

"Oo! Ano bang nangyayari! Of course I'm pregnant!" bakas sa mukha nito ang kaba at
takot.

"Fuck!" he said. "I am going to ask you again, Alcina, are you really pregnant!?!"

"Y-yes!" mangiyak-ngiyak na sagot nito. Binitiwan niya si Alcina.

"Okay, then you won't mind if I take you to Lex's mom." he said. Hinawakan niya ang
kamay nito at kinaladkad palabas ng kanyang unit. Lex's mom is a gynecologist.
Dadalhin niya roon si Alcina nang magkaalaman na.

"Nathan, Nathan! Nathan why are you doing this?!"

Bigla niyang binitiwan ang kamay nito. Napaluhod si Alcina. By that time nasa gitna
na sila ng hallway ng floor na iyon.

"Why are you doing this?" umiiyak na tanong nito.

"No... why are you doing this to me?" he asked. "All my life I have loved no one
but you." he whispered. "Wala akong ibang hinangan kundi ang piliin mo ako."

"Pinili kita." nakaluhod pa rin ito sa harap niya. "Ikaw ang kasama ko ngayon.
Mahal kita."

"Mahal mo ako?" he shook his head. "If you really love me then you should've not
lied to me..."

Alcina looked at him straight in his eyes.

"I never lied to you, Nathan." she said. He smirked.

"Are you pregnant?" muli niyang tanong. Hindi ito nakasagot. Sa halip ay lumapit
ito sa kanya nang nakaluhod pa rin at yumakap sa kanyang hita.

"Nathan, I only did that because I felt like you don't love me anymore... I was
scared that you might leave me. Nathan please, forgive me and let's move on..."

Move on? He shook his head. He tried getting rid of Alcina.

"Kung mahal mo ako hindi ka magsisinungaling sa akin." he said again. He couldn't


believe what he was saying to her. He could actually hear Ella's voice inside his
head saying the same thing.

"A relatioship that started out with a lie will soon become messy. Iyon ang
nangyayari sa relasyon ninyo ni Alcina, kasi nagsisinungaling kayo."
"A little lie won't ruin us, Nathan. Marami na tayong pinagdaanan."

"A little lie?!" he growled! Itinayo niya si Alcina at saka inalog--alog ito. "You
lied to me about you being pregnant! Is that what you call a little lie!?! You
ruined what I had with Ella! Your little lie ruined my chance of being happy with
the woman I love!"

Alcina gasped. Bigla ay nabitiwan niya ito. Natiglan siya. Did he just said those
words?

The woman he loved. Ella. Ella was the woman he loved.

"You love, Ella?" tila naguguluhang wika ni Alcina. Bigla ay pinagsasampal siya
nito. "Ang kapal ng mukha mo! You cheated on me!"

He was dumbfounded. Hinayaan niya lamang si Alcina sa sampalin at kalmutin siya. He


was too overwhelmed by his realization.

"Pinaasa mo ako, Nathan! You made me believe in something na hindi na pala


mangyayari!"

"Stop!" hinuli niya ang palapulsuhan nito. "I love, Ella." he said again. "I don't
know why, how, when or what the reason was but one thing is clear, Alcina. I love
her. She's the one for me. Hindi ikaw. You could go to hell if you want to or go
back to Condrad if you want too... Per sigurado ako na hindi ka na niya
tatanggapin."

Binitiwan niya ito.

He's in love with Ella.

He's in love with his wife.

That was the reason why he was so scared of the possibility that he might left her.

The same reason why he want her to be a part of his life forever.

Agad siyang bumaba sa parking lot. He got in his car and drove. Fifteen minutes
later, nasa ospital na muli siya kung saan naroon si Ella. Mabilis na pinuntahan
niya ang silid nito. Nadatnan niya roon si Keith at si Lex.

"Anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Lex. Hindi niya ito pinansin. Agad niyang
nilapitan si Ella at saka hinaplos-haplos ang mukha nito. His tears fell down...

He was in love with her and yet he did nothing but to hurt her the past months. He
felt bad, he wanted to punch himself.

"hmn..." Ella stirred. Dahan-dahang idinilat nito ang kanyang mga mata.

"Hey..." he greeted her. Kumunot naman ang noo nito. She caressed his face, she
looked so worried.

"Bakit? What happened to your face? Your mouth is bleeding, your cheeks are red.
What happened?"

He smiled. He felt the urge of just telling her what he feels so he did. He bent
down and gave her a light kiss on the lips.
"I'm in love with you.

*******************************************
[27] 25. Heartfelt
*******************************************
"Are you awake?"

Ella didn't answer Nathan. Hindi siya nagsasalita. It's been hours since she heard
him say the words na akala niya ay sa panaginip lang niya maririnig mula dito pero
hindi, narinig niya talaga. He said those words in front of his friends. Bigla ay
napahikbi siya.

"Ella, masama sa'yo ang umiyak." Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat.
Lalo siyang napahikbi. Bakit ngayon pa nito sinabi ang mga salitang iyon? Bakit
ngayon pa kung kailan huli na ang lahat. If nathan had told her those words a week
ago, malamang ay magtatalon siya sa tuwa, pero bakit ngayon pa kung kailan bilang
na bilang na ang mga araw niya.

"Ella please stop crying." wika nito na tila nagmamakaawa na. Bigla siyang tumayo
mula sa pagkakahiga. Inalalayan siya ni Nathan.

"Ella please."

"S-sana.. s-sana hindi mo na lang sinabi..." mahinang wika niya. Napailing si


Nathan.

"Ayaw mo bang marinig? Mahal kita. Akala ko ba mahal mo ako? Diba dapat masaya ka?"

Napasinghap siya.

"H-huli na kasi eh..." umiiyak pa rin na sabi niya. Tiningnan niya si Nathan. "P-
paano si Alcina? Iyong magiging anak ninyo?"

"She lied to me." he said. "Sabi mo noon, kung mahal natin ang isang tao hindi tayo
magsisinungaling sa kanya. She lied to me, hindi niya ako mahal."

"Matagal ko naman nang sinasabi iyon sa'yo."

"Sorry, I was blinded by what I felt or what I think I felt for her. But what
important is, I love you.."

"Hindi pwede, Nathan..." giit niya. Mahal nga siya ni Nathan pero mamamatay naman
siya ano na lang ang mangyayari sa kanya? Dapat ay hindi na nito sinabi pa ang
bagay na iyon. Sana ay sinarili na lang ni Nathan ang nararamdaman nito. Kung
talagang mahal siya nito, dapat ay hindi na lang nito pinaalam. Mas masakit ngayon
ang mga pangyayari dahil alam niyang may maiiwan siya. Napasinghap siya.

"I won't let you die, Ella." naulinigan niyang sabi nito. Hindi na siya kumibo. She
had known all along kung anong mangyayari sa kanya, tanggap na niya iyon but Nathan
entered her life and he changed her game. Ngayon ay hindi na niya alam kung anong
mangyayari.

Naramdaman na lang niya na parang lumundo ang kanyang kama. The next thing she knew
Nathan was beside her, cuddling her, showering her with butterfly kisses. Lalo
siyang napaiyak. May panghihinayangan na siya ngayon.

"I will not let you die. Hindi mo ako iiwan." bulong nito. "This is not A walk to
remember, Ella. You won't die and I won't end up alone. We will have a happy
ending."
A happy ending.

She faced him. He was smiling at her. Pnahid nito ang mga luhang nag-uunahang
bumagsak sa kanyang pisngi.

"Mula yata nang makilala mo ako, wala ka ng ginawa kundi umiyak." malungkot na wika
niya. He sighed. "I'm such an asshole."

"Yes you are..." she said. Nathan sighed again. "But you are my asshole so..."

"Sira ka talaga..." hinaplos nito ang kanyang mukha.

"Naiinis ako sa'yo..."

"Kunwari ka pa, kinikilig ka rin naman..." tudyo sa kanya ni Nathan. Finally she
smiled.

"Hindi kaya..." pinindot niya ang ilong nito. She was having a hard time believing
that fact that he fell in love with her too. Ganoon nga yata talaga, love and death
are the same -- they both come like a thief in the middle of the night and will
steal the most important thing in one person's life -- that is the heart.

"Mahal mo nga ako?" hindi niya matiis na hindi tanungin. Tumango lang si Nathan.
"Nakakainis ka."

"Mahal kita kaya hindi mo ako pwedeng iwan, okay?"

"Pero napapagod na ako, Nathan..." she whispered. Nathan shook his head.

"Hindi ka pwedeng mapagod, Ella." halos nanginginig na ang boses nito. "Hindi ko pa
natutupad iyong To do number one mo."

Tahimik na nag-isip siya. She was looking at Nathan's eyes and she could see the
sincerity in those. She wondered how he knew about her to do list then she realized
that maybe he was the one who picked up her notebook noong mawala ito.

Then she remembered those days that they had spend together sa Tagaytay, noong
pakiramdam niya ay isa-isang tinutupad ni Nathan ang to-do's niya. Hindi pala gut
feel iyon, totoong tinutupad ni Nathan ang to do list niya. That was the reason why
he brought her to Enchanted Kingdom that day or when he made her ride the zip line.

"What's my to do number one?" she whispered. Parang namimigat na ang kanyang mga
mata.

"To experience a fairy tale..." he answered. Tumango siya.

"Natupad mo na iyon... When you told me you're in love with me, nagsimula na ang
once upon a time ko..."

"Kaya nga, once upon a time pa lang iyon, Ella. Wala pa ang happily ever after. So
please, please, Ella fight for me."

Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Nathan. She wished na sana ganoon lang
kadali iyon... Sana, puro na lang siya sana.

But this time, she wished that her sana's will come true. Because she would really
love a happily ever after with her prince charming. Sana talaga...

=======

Nathan was awakened by that bugging sound coming from Ella's machine. Hindi niya
napansin na nakatulog na rin pala siya sa tabi nito. Sinilip niya si Ella.
Nakayupyop ito sa kanyang balikat, she was sleeping peacefully. Hinaplos niya ang
mukha nito. Hindi niya kahit kailan naisip na kaya pala niyang magmahal ng ganito.
The love he feels for Ella was different. Hindi niya kayang ipaliwanag pero alam
niyang hindi iyon ordinaryo.

For once, he wanted to be a better person for her. Nang makilala niya ito ay
ginusto muli niya ang mangarap. His dream of making music was revived. Ella made
her want to follow his heart again.

Matagal na siyang nagbibingibingihan sa sinasabi ng puso niya but when Ella came to
his life, mas naging malakas ang sigaw ng puso niya kaysa sa sinasabi ng utak niya.

Dahan-dahan siyang bumangon. He kissed her cheeks bago siya tuluyang bumaba sa kama
nito. Naisip niyang lumabas muna ng at magpahangin. Babalik naman agad siya kaagad.
Lumabas siya ng silid nito, he was walking in the corridor nang bigla siyang
napahinto. He saw that Albert guy coming and he stopped too when he noticed him.

"So, you're here too." wika nito na tila hindi masayang makita siya. He smirked.

"What are you doing here? Ella doesn't need you anymore. I'm here now." maaskad na
sabi niya.

"Is that enough?" tila nang-iinis na wika pa nito. Hindi siya nakakibo. Hindi naman
niya alam kung gaano katagal o kalalim ang pinagsamahan nito at ni Ella kung kaya't
hindi niya masabi kung sapat na ba siya para kay Ella.

"Look---"

"Ten years." biglang sabi ni Albert. "Ella and I were together for ten years. Anong
karapatan mo para sabihin sa akin na hindi niya ako kailangan?"

"Mahal ko siya."

"Mas mahal ko siya." sagot ni Albert sa kanya.

"Pero ako na ang mahal niya." halatang natahimik ito. Bigla na lang itong umiling
at saka nagbaling ng tingin sa iba. "You belong to the past, Albert, I am Ella's
present and right now, I also want to be her future. So just back off. Whatever it
is your fighting for, Albert, it's over because she's mine and I'm not letting her
go."

Albert stared at him for a while. He hoped and prayed that this man would accept
defeat because he himself knew that if Albert uses his ten year relationship with
Ella card, he doesn't have a shot. Mahal niya si Ella at hindi niya hahayaang
mawala ito sa kanya. She is the only thing that mattered to him now at hinding-
hindi niya ito isusuko ng ganoon-ganoon na lang.

"If.. she's not happy---"


"I'll make her happy." giit niya. "I'll take away all the tears and the pain and
the sadness. I'll make her the happiest woman."

Albert glared at him. Tumalikod ito. Kahit paano ay nakadama siya ng kasiyahan nang
makita niyang naglalakad na ito palayo. Hindi niya tutuparin ang pangakong iyon
dahil sinabi niya kay Albert, tutuparin niya iyon dahil kay Ella, dahil mahal niya
ito at gusto niya itong maging masaya.

He turned around and went back to her suite. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto.
Nakapamulsa siya habang nakatingin kay Ella, she looked like an angel sleeping like
that.

"Nate..." napalingon siya nang bumukas muli ang pinto at iniluwa niyon ang kapatid
niya.

"You're still here?" nagtatakang tanong niya kay Edward. "Wala kang pasyente dito
maliban kay Ella."

"I just wanna make sure that things are in order for her operation sa Wednesday. I
assume na nasabi mo na sa kanya?"

Napabuntong hininga siya.

"Hindi pa? What the fuck?"

"I'm still the big brother. Bakit mo ako minumura?"

"Dude, if you don't know, your wife's life is in danger. Every single fucking
second na nandyan ang atrioventicular block ni Ella, nababawasan ang oxygen na
pumupunta sa puso niya making her prone to heart attack, Nate." tila pikon na pikon
na wika ng kapatid niya. "Hindi mo ba napapansin na hirap na siya? Look at her,
she's even paler that the first day I saw her. Tumawa nga lang siya hindi na siya
makahing tapos hindi mo pa masabi sa kanya ang totoo?"

"Lower your voice!" he hissed. "Don't you think I know that? You wanna know the
truth Ed? I'm scared. I'm scared that I might lose her. Wala akong pinanghahawakang
oras o panahon. Natatakot ako."

"Then do something!"

Edward turned away. He looked back at Ella again. Narinig niya ang pagbukas ng
pinto kasabay ng tunog na iyon ay ang isang nakakabinging sound na nagmumula sa
heart beat monitor na nakakonekta kay Ella. He was alarmed. Agad na bumalik si
Edward.

"Fuck!" napamura ito. His knees trembled when he saw the flat line on Ella's
monitor.

"What the fuck!" Edward said again.

"Tumawag ka ng nurse, we need to get her to the ER right now!"

Tumakbo siya palabas ng silid nito. Blurred ang lahat sa paningin niya, all he knew
was that he needed to do something to save the woman he loved and yet he couldn't
think of anything besides the fact that there's a big possibily that he might lose
her tonight...

------------------------------
"Nate, sit down please."

Kanina pa sinasabi sa kanya iyon ni Lex pero paikot-ikot pa rin siya. They were all
outside the OR. Edward insisted on the operation, ayon dito kung hindi daw ma-
ooperahan si Ella, maaring magkaroon ng komplikasyon. Wala na siyang nagawa. Gusto
niyang sumama sa loob but his brother told him not to dahil wala naman siyang
magagawa roon. He wanted to stay at the viewing room and watch pero hindi rin siya
pinayagah nito. Now he's stuck outside the OR with his friends, Keith and Kerky's
girl Hanna.

"Nasaan si Calen?" narinig niyang tanong ni Kerky. "Akala ko ba pupunta siya?"

"Nagtext ba sa'yo?" tanong naman ni Caleb.

"Can we not talk about you black sheep brother and focus on the fact that Ella is
in danger right now?!" halos mangiyak-ngiyak na sabi niya. Napaupos siya sa tabi ni
Keith.

"Things will be fine."

"Natatakot ako, Keith."

"We all have our fears, Nathan. We just gotta learn how to face them." hinawakan
nito ang kamay niya. Lex tapped his shoulder.

"Keith's right. Everything will be fine."

Nanahimik na naman ang paligid. He stood up again, muli na naman siyang nagpalakad-
lakad. Kinakabahan siya. What's taking Edward so long? Halos tatlong oras nang nasa
loob ang mga ito pero ni isa wala pa ring lumalabas.

The silence was altered by footsteps. Alam niyang sa direksyon niya papunta ang mga
hakbang na iyon. He looked around and saw Jenny -- Ella's best friend -- running
like there's no tomorrow.

"What happened?" humahangos na wika nito.

"She flat lined." mabilis niyang sagot. Bigla ay kinuwleyuhan siya ni Jenny.
Napatayo ang mga kalalakihan sa paligid nila.

"Anong ginawa mo sa kaibigan ko, aswang ka! You did nothing but make her cry! You
asshole!"

"Jenny, easy ka lang!" narinig niyang wika ni Kerky.

"Huwag kang makialam, Kokey!" binalingan siya ni Jenny. "Kapag may nangyaring
masama kay Ella---"

"Akala mo ba gusto kong may mangyari sa kanya! I love her! I'm scared I might lose
her! Hindi lang ikaw ang mawawalan kung sakali. Ako din! Huwag kang selfish!"
hinawakan niya ang palapulsuhan nito at bahagyang nilayo sa kanya.

"I know I was never a good husband to her, but could you at least give me a chance
to be one. Nagkamali ako noon, at gusto kong itama iyon so please stop judging me,
Jenny. I love her."

Natahimik ang lahat. Jenny ended up staring at him. Humalukipkip ito at saka
tumingin sa kanya.
"Ang arte nito." nakangusong sabi nito. "Galit ka pa rin ako sa'yo kahit gwapo ka."

"Should I be thankful?"

You should be." sabi ni Kerky. "Mabait na siya niyan."

Huminga na lang siya ng malalim. Naupos si Jenny sa isa sa mga upuan doon at tulad
niya ay naghihintay ito. Pabalik-balik siya. Caleb stood in front of him.

"Relax, Nathan. Edward is a miracle maker, diba? So relax." paulit-ulit na tinapik


nito ang kanyang balikat. "Tiwala lang."

"Iyan din ba ang sinasabi mo sa sarili mo?

Another set of footsteps were heard, this time it was so much louder.

"Jenny? Nasaan si Ella? Is she okay?" anang isang babae. Hindi niya nilingon ito at
wala siyang balak na lingunin ang bagong dating but when he saw Caleb's face, his
reaction as he stared at the new comer. Hindi niya maiwasan ang hindi lumingon.

Everyone in the hall fell silent including Keith. Hanna was eyeing them with
curiosity in her eyes. She was the only one who dared talk.

"What is happening?"

"Ano!" niyugyog ng babaeng iyon si Jenny. Mukhang hindi pa niya napapansin kung
sino ang mga tao sa kanyang paligid. "Nasaan si Ella?!"

"Nasa bulsa ko nagkakape!" sigaw naman ni Jenny. "Wait why are you looking at Aiko
like she was somekind of a ghost from the past?"

"Miss Japan..." magkapanabay na wika ni Kerky at ni Lex.

"Wow! Sumali ka ng Miss Universe?" tanong ni Jenny.

"Can we like focus to the thing that matters the most which is Ella and not some
ghost from the past!" he growled. Baka pa makasagot ang mga ito ay nakita niyang
bumukas ang pinto ng OR.

"Ed..." agad siyang lumapit sa kapatid niya. Jenny stood beside him.

"I did everything Nathan."

"And?"

He knew that look. He was a doctor too. That look only applies to those patients
who didn't have a successful operation.

"And?!" he yelled.

"I swear kapag hindi ka nagsalita, sisikumuran kita!" sigaw naman ni Jenny.

"Nathan..." he sighed. "Let's just wait for her to wake up." Edward tapped his
shoulder. "I-i'm sorry, brother."

And his world fell apart.

*******************************************
[28] 26. Closure
*******************************************
Nathan couldn't speak, eat or walk. He just sat there beside Ella holding her
hand, waiting for her to wake up. Edward was clear about the details of the
operation, natagal nito ang bara sa puso ni Ella pero it doesn't mean na maayos na
ang lahat. He gave Ella 48 hours to wake up, kapag nalamapasan ni Ella ang 48
hours, ibig sabihin okay na, she'll go straight to therapy para iyong dysrythmia
naman niya ang pagtutuunan ng pansin.

"Nathan..." naramdaman niya ang presensya ng kung sino sa kanyang likuran. Pinahid
niya ang kanyang luha bago nagbaling dito ng atensyon.

"Mommy..." tumayo siya upang magmano sa tita ni Ella. Tulad niya ay nakasuot rin
ito ng hospital gown at may mask sa mukha.

"Kamusta siya?" hindi siya nakakibo. How would he explain to Ella's aunt the real
situation? How would she tell her na pwedeng hindi na magising si Ella?

"Stable po siya, Mommy, pero we have to wait 48 hours para masiguro iyon."
mahinahong wika niya. Hinawakan nito ang kamay niya at saka pinisil iyon.

"Thank you, Nathan." maluha-luhang sabi nito. "Ella told me that you made her happy
for the past weeks. Thankful ako. I've never seen her smile like that since my
sister -- her mom -- died."

Ngiti lang ang nasagot niya dito. Matagal pa siyang kinausap nito bago ito tuluyang
nagpaalam. Nang mag-isa na lang siya ay muli siyang naupo sa silya at tinitigan si
Ella. He let his tears fall.

"Ella please... please... wake up." he kissed her hand. "I need you, I love you and
I will never make you cry, please wake up."

He had never been so scared in his entire life. Sa buong buhay niya ay ngayon lang
siya nagkaganito. He wanted so much for Ella to wake up, kung pwede lang na siya na
lang ang nakahiga doon sa kinalalagyan ni Ella ngayon ay gagawin niya,
makikipagpalit siya dito, huwag niya lang makitang nahihirapan ito.

"You said, you said you want to hear me sing. Ella please wake up, I'll sing for
you, the boys will sing for you just wake up..." napahikbi siya. Yumupyop siya sa
gilid ng kama ni Ella at saka umiyak ng umiyak.

Nababalutan ng takot ang kanyang buong pagkatao. He never wanted to lose her.

He read from somewhere that great love comes from those unexpected people -- and
Ella was his unexpected love. Their love -- he believes and he knows for a fact
that it was made to be great. Theirs was a love made in heaven and he would move
earth and all the other planets just so she could be with her forever.

"N-nathan..."

He stopped crying. Agad siyang nag-angat ng tingin. Ganoon na lang ang tuwa niya
nang makita niyang nakadilat ang mga mata ni Ella.

"N-nathan.."

"You're awake! You're awake!" he said. Hinagkan niya ang noo nito. All his fears
and sadness were washed away because the woman he loved with all his heart was now
awake. Suddenly the happily ever after he wanted to give her was in front of him,
waiting to be realized.
"N-nathan..." pahina nang pahina ang boses nito. Hinawakan ni Ella ang kamay niya
at saka unti-unti siyang hinahatak papalapit.

"Ella..."

"I'm a believer..." she whispered. Hanggang sa oras na iyon ay hindi niya


maintindihan ang gustong sabihin ni Ella. Believer of what?

"You.. you made me believe in love, happiness and true love..." She held on tightly
on my hand. "Thank you..."

"Don't say that, don't talk like that. Ella please. You're scaring me..."
lumuluhang wika niya.

"I love you, Nathan. You are my happily ever after."

"Ella naman..." inilagay niya ang kamay nito sa kanyang noo at saka umiyak. Why the
fuck does it sound like Ella was bading him farewell? Ayaw niya ng mga naririnig
niya. Hindi niya gusto na parang nagpapaalam ito sa kanya.

"Ella, please..."

"Let go, Nathan..." nakangiting sabi nito.

"Ayoko." bumigay na ang tinig niya. "Ayoko, I'm not letting you go..."

"Y-you have to." Umiling siya. Mas lalo niyang hinawakan nang mahigpit ang kamay
nito. Hindi niya isusuko si Ella. Not now, not ever. She is the reason why he is
looking forward to that last page of their happy ending so he will never let her
go.

"Nathan..." hinaplos nito ang mukha niya. Hilam na ng luha ang kanyang mga mata at
basang-basa na rin ang kanyang pisngi.

"You are the last man I'll ever love..." Ella smiled.

He stared at her afraid that if he said something, he just might lose it. Iyak lang
siya ng iyak habang pahid ng pahid si Ella sa kanyang mga luha.

"Mahal kita... mahal kita.. mahal kita.." Paulit-ulit niyang sinasabi iyon na para
bang natatakot siya na baka makalimutan ni Ella. Nakangiti lang ito sa kanya.

"And you're my last memory..." Ella said again. Dahan-dahang bumitiw ang kamay nito
mula sa kanyang palad. The smile on her face was still there but then, she closed
her eyes.

"E-ella... please wake up! Ella!"

Sinabayan ng kanyang mga sigaw ang nakakainis na sound na iyon na nangggaling sa


heart monitor ni Ella. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak. The next thing he knew,
Edward came in with the nurses, habang si Lex ay pilit siyang inilalabas. He saw
Jenny and Aiko embracing each other crying like there was no tomorrow.

"It's over." he said. "It's over."

=======================
One year later...

Inilagay ni Nathan ang mga dilaw na rosas sa ibabaw ng puntod na iyon. It's been a
long while mula nang huli siyang dumalaw. Hindi naman niya sadya iyon pero
masyadong busy sa ospital at halos hindi na rin siya nakakalabas.

"I missed you." He whispered as he touch the edges. "I wish you're here." Hanggang
ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala nito pero alam niyang kailangan na
niyang lumimot. Paminsan-minsan ay napapaniginipan pa rin niya ito, sino ba namang
hindi. He was sure that his brother Juan Miguel had dreams about there dad too.

Yes, his father died a year ago. It was one of the darkest moment in their lives
but they're trying all their best to move on. Edward moved back to the country and
decided to continue his practice here, ang kapatid naman niyang panganay -- Juan
Miguel -- have decided to stop whatever he was doing in order to look after their
mother.

His phone rang. Sinagot niya iyon. It was Calen.

"Bok?" he said to the other line.

"I'm stuck here in a place with a bunch of couples. I hate it. Kung hindi lang
dahil lang nakakahiya, hindi na rin sana ako sumama." pagak siyang natawa. Two
years na ang nakalipas pero hindi pa rin nawawala ang pagiging bitter ni Calen sa
mundo.

"I have to go. Babalik pa ako sa ospital." he said smiling.

"I hate this world I am trapped in right now." Tinapos niya ang tawag nito at saka
muling humarap sa puntod ng kanyang ama.

"Bye dad. See you later..." nakangiting wika niya. Sumakay siya sa kotse at saka
pinasibad iyon. He turned on the radio dahil masyadong tahimik sa loob ng kanyang
kotse and he stiffened when he recognized the song...

"And if we take the time to lay it on the line

I could rest my head just knowin' that you were mine, all mine
So if you want to love me then darlin' don't refrain

Or I'll just end up walkin' in the cold November rain..."

It was that song November rain, the only song he sang with the love of his life, si
Ella. He sighed. He wondered how she was doing today. Masaya kaya ito sa lugar kung
nasaan man ito ngayon? Maybe she was dancing with the angels up or making a fool of
herself. Oh, how she misses her. It's been a year and yet the loss she had broughth
him still echoes in his heart like it just happened yesterday.

Nasaan na ng kaya siya ngayon?

He could still remember what happened to her that night and the morning after that.
That moment still breaks his heart every time he remembers it but then, that's just
how life goes...

"She's stable now..." Iningat niya ang kanyang ulo nang marinig niya ang boses ni
Edward. Tumayo siya upang yakapin ang kanyang kapatid. He is indeed a miracle
maker.

"Thank you." he said, tears falling from his eyes. "Thank you, Ed."

"You can see her now."

Agad niyang nilagpasan si Edward upang muling pumasok sa silid ni Ella. She was
awake. She was smiling at him. Tinakbo niya ito at saka hinagkan sa mga labi.

"You scared me..." maluha-luhang wika niya. Ella didn't said anything. It was as if
she was thinking of the right words to say. Natatakot pa rin siya hindi dahil sa
kondisyon nito kundi dahil sa hindi niya alam kung anong tumatakbo sa isipan nito.
He wanted to know what was going through that mind of hers, he wanted her to say
something to him. He wanted to know. He would kill to know.

"Umiyak ka?" nakangiting tanong nito. Tumango siya. She cupped his face. "Papangit
ka kapag umiyak ka pa ulit dahil sa akin."

"Hindi naman pwedeng hindi, mahal kita. Ayokong iwan mo ako." niyakap niya ito.
"Pero kailangan kitang iwan, Nathan..."

Nanigas ang buong katawan niya. Hindi niya maintindihan. Bahagya niyang itinulak
ito at saka pinakatitigan. Iiwan siya nito? Bakit? Edward said that she's okay now,
stable na ang kondisyon nito and yet why is she still leaving him? His heart beat
faster, pakiramdam niya ay may black hole na unti-unting namumuo sa kanyang
kalooban at dahn-dahan siyang kinakain ng buhay.

Will she really leave him?

"What are you talking about? Hindi ka mamamatay, Ella. Magaling ka na. You just
need to go through therapy for the dsyrythmia but you're okay."

"Hindi mo ako naiintindihan."

"Talagang hindi kita naiintindihan! You just got out of a very delicate operation.
Groggy ka pa. Bukas na tayo mag-usap. Hindi pala." wika niya. "Ayokong pag-usapan
ito. Magpahinga ka na." tumalikod siya. Hindi niya gusto ang pinatutunguhan ng pag-
uusap nila ni Ella. Bakit ba sinasabi nito iyon sa kanya? Hindi na dapat ganoon ang
usap. Dapat masaya na sila, makakasama na niya ito ng matagal, wala ng hadlang,
walang ng istorbo and yet she was thinking of leaving him again.

He sighed. Epekto lang siguro ng gamot iyon. Groggy pa si Ella at wala pa siya sa
huwisyo. Palilipasin niya muna ang magdamag bago niya ito muling kausapin.

That night, he let Jenny take over her. He stayed outside the hall praying that
tomorrow morning, babalik na sa dati ang utak nito...

So the morning after that excruciating night, he again went to see Ella. But then,
he was wrong. She gave him that same topic as the last time they talked and she
still wanted to leave him.

"Bakit ba? Hindi kita maintindihan! Akala ko ba mahal mo ako!" halos maiyak na
sigaw niya. Wala siyang pakialam kung naririnig sila ng mga nurses o kung sinuman o
kung kagagaling lang ni Ella sa operasyon, gusto niya lang maintindihan kung bakit
siya nito gusto iwan.

"Nathan, kailangan ko ng space. Ang dami kasing nangyari sa atin-----"


"Kaya nga, maraming nangyari tapos susuko ka na lang bigla?"

"Hindi mo naiintindihan. Mahal kita, mahal mo ako --sabi mo, pero Nathan, minsan
hindi sapat na mahal natin ang isa't-isa. Minsan kailangan nating humiwalay para
mas maintindihan natin ang ating mga sarili." Pinahid nito ang mga luha nito.
"Kailangan kitang iwan dahil kailangan kong hanapin ang sarili kong nawala nitong
nakalipas na taon. God gave me a second chance, and I don't wanna waste it, Nathan.
I need this. I'm sorry."

Nanatili siyang nakatayo. He jus stared at her, hindi niya matanggap ang sinasabi
nito.

"Are you asking me to wait for you?" he asked feeling dreadful. Ella shook er head.

"Hindi. I'm not going to ask you that. Hindi ako naniniwala sa paghihintay, Nathan.
Aalis ako pero hindi ko hihilingin sa'yo ang hintayin mo ako. Gusto kong maging
masaya ka, kahit na hindi ako ang kasama mo. Hindi ako selfish. I want you to be
perfectly happy."

"Pero mahal kita..."

"Mahal din kita. Pero hindi naman lahat ng nagmamahalan kailangan magkasama..."

Iniliko ni Nathan ang kanyang kotse sa parking lot ng ospital. He needed to go back
to reality. Habang naglalakad siya sa corridor ay nasa nakaraan pa rin ang isip
niya. Noong iwan siya ni Ella, madalas niyang tanungin sa sarili niya kung paano pa
siya magiging masaya but then just like what everybody says in the industry of
showbiz, the show must go on. His life must go on, he had to move forward with or
without Ella.

At ngayon halos isang taon na rin ang nakalipas. Ni anino ni Ella ay hindi niya
alam kung nasaan. Wala na siyang balita dito o sa pamilya nito. Nakikita niya si
Jenny every once in a while but then he was too mayabang to even ask her.

"Doc, ano pong ginagawa ninyo dito?" tanong ng sekretarya niya sa kanya nang
makarating siya sa kanyang klinika.

"Anong problema mo?" he snapped at her. Napalunok ito.


"Uhm Doc, diba po kasal ni Mr. Kerkmez ngayon?"

Napanganga siya.

"Oh shit!" napabalik siya. He almost forgot the day today. Kasal ni Hanna at ni
Kerky, he's one of the best man and yet he forgot. Mabilis pa sa alas kwatro na
muli siyang bumaba upang puntahan ang kanyang sasakyan. He drove fast para
makarating agad sa kanyang unit. Naligo at nagbihis siya. Kaya pala tawag nang
tawag si Lex sa kanya kanina. Kaya pala galit na naman sa mundo si Calen. Marahil
na naroon na sa simbahan ito at napapalibutan na naman ng mga taong kinaayawan
nito.

His phone rang again.

"Nasaan ka na!?" si Kerky iyon.

"I'm on my way!" sabi niya habang itinataas ang kanyang pantalon. He ended the call
and threw his cellphone somewhere on the bed. Inayos niya ang sarili niya at
nagtatakbo palabas ng kanyang unit.

After for what it seems like eternity ay narating din niya ang simbahan.

"Nate!" Calen called him. He waved back and run towards him.

"Akala ko hindi ka darating."

"Nakalimutan ko."

"Seriously?" Calen faced him. He nodded. "Alright Nate. High five!" He gave in.
Tapos ay pumasok na siya sa loob kasabay si Calen. He saw Keith standing in front
of Lex fixing his tie habang nakangiti dito. Matapos iyon ay yumuko si Lex upang
karagahin ang little boy nito -- si Rafael.

"Oh, baby, look it's Ninong Nathan and Uncle Calen."


He smiled while looking at Lex's son. Tulad nila ay nakasuot rin ito ng three peice
suit.

"Hey, he looks just like you." he commented. "Even the hair..."

"How old is he again?" tanong ni Calen.

"One year old and seven months. Ang gwapo ng anak ko diba?" sabi pa ni Keith.

"Kamukha ko eh..." hinagkan pa ni Lex ang pisngi ng anak nito. Keith rokled her
eyes.

"Where is Kerky?" he asked.

"He's with Caleb." malamig na wika ni Calen. Hindi na niya iyon pinansin. Clearly
Calen and Caleb have some personal issues to settle and he doesn't want to meddle
with it.

"Saan ka pupunta, Nathan?" biglang tanong ni Calen nang tumalikod siya.

"Just outside. Text mo na lang ako kapag magsisimula na." he left. He was feeling
really different habang nakatingin siya kay Lex at Keith kanina. Nakakaramdam siya
ng inggit dahil magkasama ang mga ito at masaya sila. He wondered kung ganoon rin
ang nararamdaman ni Calen. He also wondered kung anong kayang nangyari kung hindi
siya iniwan ni Ella noon.

He stepped out of the church and walked around. He walked towards the park na nasa
tabi lang ng simbahan. May mga benches doon, may mga swing din. He settled on one
of the benches there at saka siya tumingala. He couldn't believe it but after a
year, his mind is still thinking about her and his heart was still beating for her.

Mahal niya pa rin si Ella.

"Where is she?" he whispered. A love like theirs -- he was still hoping that Ella
was still in love with him --- was a love made in heaven. It was a perfect love
affair. It was the kind of love that cannot be forgotten --kahit gusto niyang
kalimutan ay hindi niya magawa. Ella changed everything in his life and even if she
didn't had the decency of staying with him, he was still hoping that one day she
will comeback and from there, they will be picking up the pieces.

Pero hindi niya alam kung kailan iyon. Wala naman itong sinabi kung babalik ito o
kung anuman. She didn't even ask him to wait for her.

At hindi rin naman siya naghihintay dito.

He just sighed. Minsan nakakainis maglaro ang tadhana.

His phone vibrated. He read the message, it came from Calen saying na magsisimula
na daw ang wedding march. Tumayo siya at binagtas ang daan pabalik sa simbahan.
Whiel he was making his way back to the church, he noticed a chubby little boy
wearing a Lakers jersey eyeing him. Ang sama ng tingin nito sa kanya.

Sandali siyang huminto at nakipagtitigan dito. The boy looked very young -- maybe
four or five years old. He was holding a ball tapos ay naka-irap ito sa kanya. He
shook his head, bakit ba niya pinagtutuunan ng pansin ang bata? Ikakasal ang
kaibigan niya at nagsisimula na ito. Nilagpasan niya ang bata at nagpasyang bumalik
na sa simbahan. Hindi pa siya gaanong nakakalayo nang marinig niyang biglang umiyak
ang bata. He looked back. Nakaupo na ito ngayon at nakahawak sa ulo nito. Mukhang
may tumamang kung ano dito. Lalapitan na sana niya nang biglang may sumigaw.

"Melo?!"

Napatatda siya. Tinitigan niya ang lalaking lumapit sa bata. Kilala niya ang batang
iyon. It was Ron -- Ella's nephew. Parang napako ang kanyang mga paa sa
kinatatayuan niya. He couldn't take his eyes off Ron. Nagpalinga-linga pa siya sa
paligid, he was waiting for someone to appear, he waited for a while, but then his
phone rang.

"Nasaan ka ba?! Nagwawala na si Hanna!" si Kerky iyon. "Nathan, ikakasal ako! Hindi
kami makapagsimula ng wala ka!"

"I'm on my way." he said. Mukhang hindi naman lalabas ang hinihintay niya. Maybe it
was just Ron and that boy. Napailing siya at saka tuluyan nang tumalikod. Why did
he even bothered? Hindi na siguro ito darating.
"Ay! Anong nangyari sa bunso ko? Bakit ka umiiyak?"

He stopped dead after hearing that voice. Hindi siya pwedeng magkamali. Kasabay ng
paghinto niya ay ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang
lumingon, he caught his breathe.

It was her.

It was Ella. She's here.

It was Ella --- iba lang ang ayos nito, mas maikli lang ang buhok nito, may kulay
na ang mga pisngi nito -- pero alam niyang si Ella iyon.

Ngumiti pa ito habang kinakarga ang batang lalaking kanina ay nakikipagtitigan sa


kanya.

"Sinong umaway sa'yo, baby ko?" she pouted her lips and kissed the boy on the
cheeks. "Ay wag ka nang umiyak. Hahatakin natin iyong lalamunan ng nagpa-iyak
sa'yo!"

"Adik mo ay Ta! Natalbugan lang naman ng bola si Melo eh." sabat pa ni Ron.

"Tse!" again she pouted her lips and kissed the boy's cheeks. "Lika na uwi na
tayo." nakangiting wika nito. "Baka hinahanap na tayo ni Lola."

Karga pa rin nito ang batang lalaki, nagsimula nang maglakad ang mga ito. He wanted
to call her name, but he realized that they were walking on his way. Dahan-dahang
nag-angat ng tingin si Ella, may ngiti sa labi nito. Hindi sinasadyang napatingin
ito sa kanyang direskyon.

Their gazes met and just like him, she stopped walking.

"Tita?"
Bigla ay ibinaba nito ang batang karga nito. Tulad niya ay hindi nito inalis sa
kanya ang mga tingin nito.

"Ay si Kuya Nathan." wika ni Ron sabay hatak sa batang lalaki palayo sa kanila.

"Hi." wika niya. Ella just smiled.

"Hello."

Saglit siyang nag-iwas tingin, pagkatapos ay muli niyang tiningnan ito. Halos sabay
silang nagsalita at iisa lang ang lumabas sa kanilang mga bibig.

"Kamusta ka na?"

Ella laughed. It was so good hearing her laugh again after so many months. His
heart beat fast because of that undeniable happiness he was feeling inside him.

"You're here." he said.

"You look good." she commented.

Natahimik na naman siya. Ella was biting her lip again. He missed that mannerism of
hers. Tahimik siyang nag-isip. He wanted to say somethin else para hindi ito umalis
but then his phone rang again and it was Kerky. He made a face.

"I have to go..." gusto niyang magwala. Bakit kung kailan nakatayo na sa harapan
niya si Ella ay saka naghuhurumentado si Antonio Kerkmez. "It's Kerky's wedding."

"Uhm, okay. It's good to see you." wika ni Ella. He just nodded. Tumalikod siya at
saka naglakad palayo. He looked back and saw Ella walking away. Huminto siya. he
was torn between the fact that his friend needs him and the fact that he couldn't
lee Ella go.

He shook his head and ran after her. Hindi siya nagsasalita, inabutan niya ito at
saka hinatak sa braso.
"Nathan!" sigaw nito. He pulled her closer and kissed her lips. He kissed her with
so much hunger on his part, he kissed her like his life depended on it, he kissed
her to make up for the times that he wasn't with him, he kissed her just so he
could make sure that she was really here now and this is really happening. He
kissed her to let her know how much he needs her.

"N-nathan..." she said after he ended the kiss. Tiningnan siya nito.

"I will go inside that church, Ella. After that, our fairy tale will begin." Ella's
expression softened. Tumingkayad ito upang hagkan siya sa labi.

"Akala ko nakalimutan mo na."

"Ours is a love made in heaven. A love like that is hard to forget..."

He looked at her and from that moment, he knew that today will be counted as one of
the greates day of his life -- because today is the start of his happily ever after
with that random woman who broke in his house one night and dared change everything
about his life...

*******************************************
[29] Epilogue: The much awaited
*******************************************
"Bakit hindi ka mapakali?"

Marahas na nagbuga ng hangin si Nathan at saka hinarap ang kaptid. Juan Miguel was
stading right beside him by that time, he was holding a bottle of beer and smiling
at him like he was some kind of a lunatic.

"Why do you care so much?" inis na inis na tanong niya diytyo. Nagpatuloy siya sa
paglalakad ng pabalik-balik sa living room ng bahay nila. He sighed. After his
father died last year, his brothers decided to move back to their old house to look
after their mother. Siyempre hindi pwedeng hindi siya kasama doon. So now, after
almost ten years of living apart, they were now living together and he sometimes
disgusts that fact. He felt like he was trap in a very bad sitcom.

"I worry about you." Juan Miguel said after a while. Napaamang siya dito.
Seriously, he's worried about him? Why?

"If you're going to act like a kuya now, hey, you're fifteen years too late." biro
niya dito. Juan Miguel just sighed. Nadala rin siya nito. They both stared ar
nothing. Maya-maya ay narinig niyang bumukas ang pinto. They both turned to see who
just came in. Nakita nila si Edward. Lumapit ito sa kanila.

"What are you too looking at?" he asked.

Juan Miguel sighed.

"I miss climbing mountains." he said.

"I miss L.A." Edward commented.

"I miss Ella." bigla niyang naiusal. Sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga
kapatid. Nagulat siya ng biglang dutdutin ni Juan Miguel ang tagiliran niya.

"Ayyeee!" he teased him.

"What the? That's so gay!" he exclaimed.

"There is no vaccination for that love virus!" nakangising sabi ni Edward. inulit
muli ni Juan Miguel ang ginawa nito sa kanya kanina.

"Ayeee!"

"Gay!" he shouted. Lumayo siya sa mga ito at tinungo ang daan palabas ng kanilang
bahay. He immediately went to the garage. Binuksan niya ang sasakyan niya at saka
sumakay doon. Bahala na si Batman pero kailangan niyang kausapin si Ella. Isang
taon na siyang nakanganga, kailangan na niyang gumawa ng paraan ngayon, hindi na
niya mahihintay pa ang tinatawag nilang destiny to take it's own course, he has to
make something happen between him and Ella dahil kung wala ay mababaliw na talaga
siya.

It's been a year and nothing had change that much -- seriously, nothing had really
change. Isang taon na ang lumipas but Calen was still the same old bitter-some,
black sheep band member who doesn't give a damn about anything. He still hates
being around happy couples and from time to time ay nasasangkot pa rin ito sa mga
away.

He remembered the conversation he once had with him.

>>>

"I hate my brothers." he said. It was late at night at naroon sila sa lugar kung
saan itinanim ni Ella ang puno nito. Calen tapped his shoulder.

"That makes two of us." Saglit siyang natigilan. He turned to Calen and he saw the
pain flashed on his face.

"Hanggang ngayon?" he asked. Calen just sighed. Inihagis nito kung saan ang lata ng
beer na hawak nito.

"Sinubukan ko naman, Nate eh. I tried forgiving him but I just couldn't forget the
fact that Caleb took everything away from me. At kahit anong gawin ko, hindi ko na
mababawi ang bagay na minsan niyang kinuha sa akin."

They both fell silent for a while. He again turned to him after a while.

"But don't you miss him?"

Calen remained quiet. He knew that he was thinking.

"I do." he took another can of beer. "But everytime I see him, nakikita ko kung
anong nawala sa akin."

>>>

So basically, Calen was still his normal self. Nothing had changed in him.

On the other hand, Lex and Keith had a less complicated situation. They were now
living together at kahit na nanganak na si Keith ay parang wala pa ring balak
lumagay ng tuluyan ang mga ito sa tahimik. But he knew how much Lex loves Keith at
alam niyang oras na lang ang hihintayon bago mag-crack si Lex at ayain nang
magpakasal si Keith. Wala pa ring nagbabago sa mga ito, palagi pa ring nag-aaway
ang dalawa na para bang hindi mabubuo ang araw nila kapag hindi nagtalo. But then
that's how they are.

Kerky and Hanna was on the first steps of building their live together. Masaya siya
para dito although Hanna spelled out to him na ayaw nito sa kanya dahil sa nangyari
sa kanila ni Ella at ni Alcina. Unfortunately, Keith told Hanna the whole story and
Hanna disliked him agad. One time, out of nowhere ay bigla na lang siyang sinampal
nito. Natigagal talaga siya.

Abot langit naman ang paghingi ng tawad ni Kerky sa kanya noon. Hindi na lang siya
nag-react masyado dahil minsan ay naisip niya na kahit isang libong babae pa ang
sumampal sa kanya ay ayos lang. he deserves that for being such a jerk last year.

So all in all, nothing had really changed. Si Caleb lang talaga yata ang bhindi
nagbago dahil after all these years, he was still on the waiting part. Talo pa nito
si The girl who can't be moved. Although bumalik si Miss Japan last year ay hindi
naman ito nagtagal, she was just here for two days at bago pa man makagawa ng
hakbang si Caleb ay nakaalis na ito and no one -- not even Jenny -- Ella's friend
wanted to tell Caleb where Aiko is.

He sighed as he drove. Talagang mahiwaga ang mga pangyayari sa buhay nilang


magkakaibigan nang nakaraang taon. Lumiko siya sa intersection, maya-maya ay
natanaw na niya ang daan papasok sa village nila Ella.

He drove faster. Makalipas ang ilang saglit ay nasa tapat na siya ng bahay nila
Ella. Bumaba siya. Madilim na ang kabahayan, he looked at his watch and he realized
that it was 11 :45 in the evening. Masyado nang late. Wrong timing na naman siya.

He couldn't leave now. Hindi na niya makakaya ang isang araw pa na hindi niya
kasama si Ella. Sa lahat naman kasi ng bagay na nangyari sa kanila, isa lang ang
malinaw, mahal niya si Ella pero hindi siya sigurado kung mahal ba siya nito.

"But she kissed me back when I kissed her." he whispered. "That must mean
something." pilit niyang kinukumbinsi ang sarili. Napasabunot siya sa kanyang
buhok.

"Twenty eight years, Nathan!" he hissed. "Ngayon ka pa naging torpe?!"


He took out his black berry. He needed to talk to Lex. he would know what to do in
times like this.

"Lex!" he said to the other line. "I'm in front of Ella's house. I need---"

"You're in front of Ella's house?" he said. "What happened to taking it slow?" he


mocked him.

"I couldn't wait that long! I need her now. She's still my wife, i'm her husband.
Siguro naman kailangan ko nang mag-demand sa kanya ngayon." paliwanang niya.

"It means that Nathan badly needs to get laid!" narinig niyang sigaw nI Keith mula
sa kung saan.

"Am I on speaker?!" he hissed.

"Sorry, bok. I'm on diaper duty. Saka karga ko si Raf-raf. I need to use my hands
on other things."

"It's not about getting laid, Katarzyna!" sigaw niya.

"Gago! Sabi ko wag mo akong tatawaging, Katarzyna! Malasin ka sana!" sigaw ni


Keith. Tinapos niya ang tawag. Wala talaga siyang mahihitang matino kay Lex kapag
kasama nito si Keith. Nahawa na talaga ang matalik niyang kaibigan sa kabaliwan ng
girlfriend nito.

Itinago niya ang kanyang telepono at tumingala. Ella's room was the one that had a
glass door and a balcony. He was sure of that. He remembered her saying that to him
last year.

"Bahala na si Batman." sabi niya. Kailangan niyang makausap si Ella at isa lang ang
naiisip niyang paraan para maging posible iyon...

Iyon lang talaga.

-----------------

Sinilip muna ni Ella ang kwarto ng mga pamangkin niya. Ang buong akala niya kasi ay
tulog na ang mga ito pero nakarinig siya ng kalabog na nanggagaling sa kwarto ng
mga ito.

"Hoy mga panget, bakit gising pa kayo?!" sigaw niya.

"Ta, si Melo kasi, basketball daw kami!" natatawang sabi ni LJ. She made a face.
Tapos ay tiningnan niya ang pinakabata niyang pamangkin na si Melo. Melo was Ron's
younger brother.

"Kapag si bunso nasaktan, yari kayo sa akin!" wika niya. "Matulog na nga kayo!"

"Pag kay Melo, kahit sapakin tayo, okay lang pero kapag umiyak si Melo agad-agad
kasalanan natin." narinig niyang bulo ni Allen.

"Dati ako ang paborito. Ngayon si Melo na." sabi ni Ron.

"May reklamo?" tinaasan niya ito ng kilay. "Hala, magsitulog na." She looked at
Melo and smiled. "Goodnight, baby boy!"
"Night, night!" sigaw nito sabay talukbong ng kumot. Kinilig naman siya. Ang pagka-
cute-cute talaga ng pamangkin niya. Pinatay niya ang ilaw at saka isinara ang
pinto. Tahimik na naglakad siya patungo sa kanyang silid at saka isinara ang pinto.
Umupo siya sa kanyang kama at saka huminga ng malalim.

Binuksan niya ang drawer sa bed side table niya at saka kinuha doon ang larawan
nila ni Nathan noong nasa park sila noong last day nila sa Bataan.

"Ampanget mo talaga." she smiled. She kissed his face tapos ay dinala niya ang
larawan nito malapit sa kanyang dibdib. "Goodnight, panget." she said. Kapag siya
lang mag-isa ay panget ang tawag niya kay Nathan. Ewan niya ba pero mula nang
makita niya ito two days ago ay nakakaranas na naman siya ng bradycardia o fast
heartbeat. Lalong bumibilis ang tibok nang puso niya kapag naaalala niya na
hinalikan siya nito.

"Ihhh!" wika niya. Dama niya ang pamumula ng kanyang pisngi. Itinago niyang muli
ang larawan nila ni Nathan at kinuha naman niya ang unan niya na may mukha nito.

"Kainis ka. Sabi mo start na ng once upon na time natin eh ang bagal-bagal mo."
nakangusong sabi niya. "Ampanget-panget mo pa."

She looked stupid. Napailing na lang siya nang ma-realize niya na kinakausap na
naman niya ang unan na iyon.

After a year of being away from him, she realized that she had never loved anyone
that much maliban kay Nathan. She stayed true to her words that night when she
thought she was going to die.

Nathan was the last man she would ever love.

At kahit na hindi na siya sigurado na mahal nga siya nito, ay mahal na mahal niya
pa rin ito.

Yakap ang unan na may mukha ni Nathan ay nahiga na siya. She wanted to rest hoping
that tomorrow might be a different day. Habang nakapikit siya ay may narinig siyang
kung ano. Parang may kumakaluskos sa labas ng kanyang silid. She opened her eyes at
dahil madilim na sa loon at maliwanag sa labas dahil sa ilaw na nanggagaling sa mga
poste ay kitang-kita niya ang anino ng isang lalaki na umakyat sa kanyang balcony.

Napanganga siya.

May magnanakaw pa yata.

She stood up tapos ay pumwesto siya sa gilid ng glass door. Kitang-kita niyang
bumukas iyon at pumasok ang isang lalaking naka-tshirt, gray na pants at naka
chucks.

Sino ang lapastangang lalaking iyon?

Sumigaw siya.

"Magnana------" Her sentence was caught in the middle when the stranger suddenly
pulled her closer and kissed her lips. Hindi niya alam ngunit awtomatikong naipikit
niya ang kanyang mga mata nang maramdaman niyang dumampi ang labi ng lalaking
mapangahas na pumasok sa kanyang silid.
She wasn't scared at all -- although she knew that the normal reaction would've
been that -- but she wasn't scared at all. Why? Because even if it's been a years,
she could still recognize every touch and every stroke of those lips. The man who
broke in her room was no other than Nathaniel Varres.

"You were saying something?" wika nito matapos nitong tapusin ang halik. She bit
her lower lip.

"Magnanakaw ka ng kiss."

Bigla ay humalakhak si Nathan. Hinampas niya ang braso nito.

"Nakakainis ka!" she said. "You broke in my house!"

"We'll I had learned that from someone." makahulugang wika nito. Muli ay hinampas
niya ito.

"Ang panget mo." sabi niya. "Umaano ka dito?"

Tinalikuran niya si Nathan at saka naupo sa kanyang kama. Binuksan niya ang lamp
shade at tinitigan ito. She caught her breath, bakit ba sa tuwing nakikita niya si
Nathan ay lalo itong gumagwapo. He waked towards her and kneeled in front of her
nang sa gayon ay magkapantay sila.

"I'm claiming you." simpleng wika nito. Napangiti siya. "Masyado nang matagal iyong
one year, baka pwede naman na akong magdemand na umuwi ka na."

"Isang tanong, isang sagot." wika niya. Nathan just looked at her.

"Alcina."

"That is a noun, not a question." sabi nito.

"Okay, sige tsupi!"

"Ella naman!" napanguso ito. Humawak ito sa dalawang tuhod niya. She felt a
thousand of electrons travelled on her veins. Buti na lang at naka-pajama siya at
hindi talaga nakalapat ang kamay ni Nathan sa balat niya, baka kasi bigla na lang
siyang mapasigaw.

"Gone. I don't even know where she is. The last time I heard she went to abroad.
Condrad -- if you must know -- still hates me until now. Hindi ko naman siya
masisisi."

Tumango na lamang siya.

"No other women?"

"Movie iyon."

"Ah ganoon..." pasimpleng tinabig niya ang kamay nito.

"Wala!" sigaw nito. "Jeez! If you must know, I've been celibate for a year. I was
waiting for you."

Namula ang kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa
sinabi ni Nathan. Ibig sabihin walang ibang babae itong inano mula noong umalis
siya.

"Kahit kiss?" maliit ang tinig na tanong niya.

"Ni tumingin hindi ko nagawa."

Her heart melted. Parang gusto niyang bugbugin ng kiss si Nathan.

"Albert." biglang sabi nito.

"Noun din yan eh." sagot niya.

"Gaya-gaya." nakangusong sabi nito.

"He's engage now." sagot niya.

"Really? To whom?" he asked.

"Doon sa classmate namin noong high school na matagal nang patay na patay sa
kanya."

"So he had accepted his defeat." wala sa loob na wika nito. "No other men?"

"Ano ako Alcina?" nakalabing sabi niya. Tumawa na naman si Nathan.

"Oh how I missed you." He kissed her shoulders. Bigla siyang natahimik. She was
just looking at Nathan's eyes searching for something in there. Bigla ay naiusal
niya ang tanong na kanina pa gumugulo sa kanyang isipan.

"Love mo pa ako?" she suddenly asked. Nathan cupped her face.

"You, only you, no one else."

"Hmp! Wala naman malisya iyon eh." wika niya. Kitang-kita niyang nanlaki ang mga
mata ni Nathan.

"A-ano?"

"I love you dapat ang sagot mo. Kasi hangga't walang I love you, hindi pwedeng
lagyan ng malisya!" giit niya. Nathan grinned.

"Malisya pala ah..." he whispered.

"Ano na? Tsk. Naiinip na kaya ako!"

"Fine." He looked. That looked meant the world to her. After all the things that
they had been through, here they are, making a fool of themselves and yet he could
feel the love resonating from him to her.

"I love you." he said meaningfully. Muntik na siyang maiyak pero pinigilan niya ang
kanyang sarili. Napapalakpak siya.

"Ayan! Ayan! May malisya na yan!"


Nathan laughed again. It was so good hearing him laugh. She had missed him so much.
Tumayo ito upang maupo sa kanyang tabi. He kissed her cheeks tapos ay kinuha nito
ang kaliwang kamay niya.

"Where's my ring?" He asked.

"Here..." mula sa kanyang leeg ay hinatak niya ang kwintas kung saan naroon ang
engagement ring at wedding ring na ibinigay sa kanya ni Nathan. He took that from
her and slid both rings on her fingers.

"I love you." he said again. She smiled.

"I love you too." she asnwered. Nathan gave her a peck on her lips tapos ay
hinagkan muli nito ang kanyang balikat.

"Uhm, Ella..." he said.

"Hmnn.."

"I already said I love you, you said you love me too." he sighed. "Baka naman pwede
na nating lagyan ng malisya ang mga bagay-bagay ngayon..." Tiningnan niya ito.

"Ikaw ha, ang bastos mo."

"Late na late na iyong honeymoon natin..." he said. Nathan held her closer and
started trailing kisses from her earlobe to her neck. She sighed. Whatever he was
doing felt so good. Mas good pa kaysa sa Kentucky Fried Chicken.

Nathan started unbottoning the top of her jammies. She turned to him to give him
full acces. Nagsimula na ring maglakbay ang kanyang mga kamay sa katawan nito.
Hinanap niya ang dulo ng shirt ni Nathan upang itaas iyon.

"Kiss mo ako..." bulong niya matapos mahubad ang tshirt ni Nathan. He did kiss her.
It felt so good. Nathan deepened the kiss, she was kissing him back with the same
intensity but then...

They both heard a knock on her door.

"Ignore it.." Nathan said.

"I can do that but..."

Muli na namang kumatok ang kung sinong iyon. She bit her lower lip and stood up.
Nilingon niya si Nathan.

"Five minutes." she smiled. Inayos muna niya ang sarili bago binuksan ang pinto.
Sinenyasan niya rin si Nathan na magdamit. Pagbukas niya ng pinto ay agad na
pumasok si Melo sa kanyang kwarto at dumiresto sa kama.

"Baby, what are you doing here?" nagtatakang tanong niya. Naglipat-lipat ang tingin
niya kay Melo at kay Nathan. Tawang-tawa siya sa hitsura ni Nathan, he looked
ridiculous. Nakikipagtitigan pa ito sa kanyang pamangkin. Lumapit siya sa mga ito.

"Diba baby, you said night, night na to Tita?" hinaplos niya ang buhok ni Melo.
"What is that midget doing here?" angil ni Nathan.

"Shh!"

"Dito ako tulog. Yakap ako Ella." Melo said. Napahawak siya sa kanyang dibdib.

"Awww, you're so sweet, baby." sabi niya.

"Ako iyong yayakapin ni Ella!" pinanlakihan siya ng mata ni Nathan. Napansin niya
na pumasok na si Melo sa ilalim ng kanyang kumot.

"Sleep na tayo..." yakag pa ni Melo sa kanya.

"No!" kontra ni Nathan.

"Okay..." she said. "Sorry, Nathan.." she mouthed. "You can sleep beside us."
suhestiyon niya dito. Humiga siya sa tabi ni Melo. Nathan sat there eyeing them.

"Tulog na Ella." muling ulit ni Melo.

"Night, night." she said before kissing Melo on the forehead. Sumiksik si Melo sa
kanya habang si Nathan ay parang tanga roon na nakatingin sa kanilang dalawa. Alog
nang alog ang kanyang balikat. Nakakatawa kasi ang hitsura nito.

"I so hate that kid." wika nito baka humiga sa tabi nila. Natawa siya nang tuluyan.
"Tawa ka nang tawa. May utang ka sa aking 365 nights!"

"Babayaran ko naman iyon. Installment nga lang."

He just sighed. Nathan rest his head sa unan na may mukha nito. Muli itong tumayo.

"What the hell is this?" takang-takang sabi nito. Marahas na kinuha niya ito.

"Akin iyan!"

"Oy, pinagnanasaan pala ako ng misis ko." tila tuwang-tuwang sabi nito.

"Tse! Matulog ka na!"

Nathan laid beside her. Magkaharap sila.

"Night..." she said. He smiled.

"Goodnight." kinuha nito ang kamay niya at muling hinagkan. Pinatay na nito ang
ilaw sa bedside table at naramdaman niyang humiga na muli ito. Tahimik na
pinakikiramdaman niya ito. Masaya siya dahil nandito na si Nathan, masaya siya
dahil hindi na siya maghihintay, she was happy because tomorrow, it will be the
official start of their fairytale and this time, she was sure that every page of
their book will have a happy ending.

"Ella, I love you."

"I love you too..."


************************************************
STORY END
*******************************************
*******************************************

Potrebbero piacerti anche