Sei sulla pagina 1di 18

Adolf Hitler

Si Adolf Hitler (20 Abril 1889 – 30 Abril 1945) ang nagsilbing dating Kansilyer (Chancellor)
ng Alemanya mula 1933, at ang "Führer" (Pinuno) ng Alemanya mula 1934 hanggang sa
kanyang kamatayan. Siya ang pinuno ng Partido ng Pambansang Sosyalistang Manggagawang
Aleman (Nationalsozialistische Deutsche Arbeiterpartei o NSDAP), na mas kilala bilang
ang Partidong Nazi.
Nakamit ni Hitler ang kapangyarihan sa isang Alemanyang nahaharap sa krisis matapos
ang Unang Digmaang Pandaigdig. Sa pamamagitan ng paggamit ng propaganda at maaalindog
na mga pananalumpati, nagawa niyang umapela sa pangangailangan ng mga mahihirap at
paigtingin ang mga ideya ng nasyonalismo, antisemitismo, at anti-Komunismo. Sa pagtatatag ng
maayos naekonomiya, pagpapaigting ng militar, at isang rehimeng totalitarian , gumamit si
Hitler ng isang agresibong patakarang pandayuhan (foreign policy) sa paghahangad na
mapalawak ang Lebensraum ("puwang na tirahan") ng mga Aleman, na nagpasimula
ngIkalawang Digmaang Pandaigdig nang salakayin ng Alemanya ang Poland. Sa
pinakamalaking abot-saklaw nito, sumailalim ang kalakihan ng Europa sa kontrol ng Alemanya,
subalit kasama ang ibang Axis Powers, sa huli'y natalo pa rin ito ng mga Mga Alyansa ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig (Allied Powers). Mula noon, natapos ang mga patakarang
panlahi ni Hitler sa pagpapapatay ng humigit-kumulang 11 milyong tao, kasama na rin ang
pagpaslang ng 6 milyong Hudyo, na ngayo'y kilala bilang ang Holocaust.
Sa mga huling araw ng digmaan, si Hitler, kasama ang kanyang bagong asawang si Eva Braun,
ay nagpakamatay sa kanyang taguan sa ilalim ng lupa sa Berlin matapos mapalibutan
ng hukbong Sobyet ang lungsod.
Joseph Stalin

Si Joseph Stalin (18 Disyembre 1878 – 5 Marso 1953), na nakikilala rin bílang Iosif
Vissarionovič Stalin, Iosif Vissarionovich Stalin, at ang orihinal na pangalan ay Ioseb
Besarionis Dze Jugashvili (pinapaiksingIoseb Jughashvili, na binabaybay din bílang Iosif
Dzhugashvili) ay isangrebolusyonaryong Bolshevik at pinúnò ng Unyong Sobyet mula 1922
hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1953. Naging punong kalihim ng Partidong Unyong
Sobyet si Stalin noong 1922. Siya ang komunistang diktadorng Unyong Sobyet.[1] Si Stalin ang
pumalit kay Vladimir Lenin bílang pinúnò ng Unyong Sobyet. Isa siyang pinúnong totalitaryano,
at nanatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtanggal sa sinumang inaakala niyang
panganib sa kaniya. Ang kaniyang mga patakaran ay nakagawa sa Unyong Sobyet na maging
isang nasyong makapangyarihan at moderno, ang pinakamalaki sa mundo. Naghantong din ito sa
pagkamatay ng milyon-milyong mga tao.[2] Sa pagdaka, ang anyo ng kaniyang pamahalaan ay
tinaguriang Stalinismo. Nilusob ni Stalin ang Polonya noong 18 Setyembre 1939. Pinamunuan
niya ang Unyong Sobyet habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdigat lubos na
nakaapekto sa mga pagpapasyang ginawa pagkalipas ng digmaan hinggil sa Europa na nangyari
sa mga pagpupulong sa Yalta at sa Potsdam.[1]Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
nananatiling walang pinapanigan si Stalin subalit lumagda ng kasunduang pangkapayapaan sa
piling ng pinuno ng Alemanya na si Adolf Hitler. Pagkaraan ay nakipaglaban siya sa isang
madugong digmaan pagkaraang lusubin ng Alemanya ang Unyong Sobyet. Nang magwakas ang
digmaan, nakontrol ni Stalin ang lahat ngSilangang Europa kasama na ang Silangang Alemanya.
Doon ay naitatag ang isang serye ng matatapat na mga estadong may iisang partido na Marxista
at Leninista, na nagpalawak sa kaniyang kapangyarihan at nakatiyak sa posisyon ng Unyong
Sobyet bílang isang superpower.
Franklin Delano Roosevelt

Si Franklin Delano Roosevelt (Enero 30, 1882 - Abril 12, 1945), na nakikilala rin
bilang FDR, ay ang ika-32 pangulo ng Estados Unidos[1] mula 1933 hanggang sa
kaniyang kamatayan noong 1945. Pinamunuan niya ang bansa habang nagaganap
ang Dakilang Depresyon at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Naglingkod
siya bilang Pangulo ng Estados Unidos na higit na matagal kaysa sa iba pang mga
pangulo.[1] Pagkaraan ng kaniyang kamatayan, ipinatupad ang ika-22 Susog sa
Saligang Batas ng Estados Unidos na nagbigay ng limitasyon sa kung gaano
katagal maaaring maging pangulo ang isang tao. Bago naging pangulo, siya ay
naging Gobernador ng New York mula 1929 hanggang 1932, Katulong
naSekretaryo ng Hukbong Dagat (Assistant Secretary of the Navy) mula 1913
hanggang 1920, at isang senador ng estado ng New York.
Winston Leonard-Spencer Churchill

Si Sir Winston Leonard-Spencer Churchill, KG, OM, CH, TD, FRS,PC (Can).
(Nobyembre 30, 1874 – Enero 24, 1965) ay isang politikongBriton na nagsilbing
bilang Punong Ministro ng United Kingdom mula 1940 hanggang 1945 at mula
1951 hanggang 1955 sa ikalawang pagkakataon. Kilala bilang dalubhasa sa
pagpapalakad ngpamahalaan, isang mananalumpati at estratehista, isa rin siyang
opisyal ng Sandatahan ng Gran Britanya. Bilang isang produktibong may-akda,
nanalo siya ng Nobel Prize in Literature noong 1953 para sa kanyang sariling mga
sulat pang-kasaysayan.
Douglas MacArthur

Si Douglas MacArthur (Enero 26, 1880 - Abril 5, 1964) ay isang bantog


naAmerikanong heneral na naglingkod noong Unang Digmaang
Pandaigdig, Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at Digmaang Koreano. Ipinanganak
siya sa Little Rock, Arkansas.[1] Umako siya ng isang malaking gampanin sa
Pasipiko noong panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig.[2] Siya ang inatasang
mamuno sa pagsalakay sa Hapon noong Nobyembre 1945 ngunit tinanggap niya
ang pagsuko ng mga Hapon noong Setyembre 2, 1945. Siya ang naging superbisor
ng Hapon mula noong 1945hanggang 1951 at ang gumawa ng mga demokratikong
reporma sa bansang iyon. Siya ang namuno sa mga hukbo ng Nagkakaisang
Bansa na nagtanggol sa Timog Koreanoong 1950-1951 mula sa pagsalakay
ng Hilagang Korea, noong panahon ng Digmaang Koreano.[2] Nagretiro mula sa
tungkulin si MacArthur sa utos ni PangulongHarry S. Truman ng Estados Unidos
noong Abril 1951. Namatay siya sa Washington, D.C. noong 1964.
Tomoyuki Yamashita

Si Heneral Tomoyuki Yamashita (山下 奉文 Tomoyuki Yamashita?,Nobyembre


8, 1885 - Pebrero 23, 1946) ay isang heneral ng Hukbong Katihan ng Imperyong
Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Siya ang pinakakilala sa
pananakop ng mga kolonya ng Britanya saMalaya at Singapore, kaya't binansagan
siya bilang Ang Tigre ng Malaya. Siya ang komandanteng heneral ng mga
pwersang Hapones sa Pilipinas noong mga huling yugto ng digmaan. Pinaurong
niya ang mga tropa ng sundalong Hapones para masagip ang lungsod dahil sa
pagdating ng mga sundalong Amerikano noong Oktubre
20, 1944hanggang Setyembre 2, 1945, at ang kasama ay nasa loob ng mga
sundalong Pilipino at mga kumilalang gerilya ay inihanda ng kampanya
ng Pagpapalaya sa Pilipinas. Ginawaran siya ng parusang kamatayan dahil sa mga
krimeng pandigmaan.
Emperador Hirohito

Si Emperador Hirohito 裕仁 o mas kilala sa bansag na Emperador Showa ang ika-124


na emperador ng bansang Japan, at ang kahuli-hulihang kinilalang Diyos-Emperador ng mga
Hapones. Sa loob ng 63 taon sa trono, siya ang itinuturing na pinakamatagal na pinuno na
nakaluklok sa makabagong kasaysayan ng mundo. Namuno siya sa panahong maligalig kung
saan may kaguluhang panloob sa kanyang mga nasasakupan; nananalakay ng mga lupain ang
gubyerno ng kanyang bansa; nakapasok sila sa isang digmaang pandaigdig at tumanggap siya ng
pagkatalo.
Ipinanganak si Hirohito noong 29 Abril 1901 sa Tokyo. Siya ang panganay na anak ni
Tagapagmanang Prinsipe na si Yoshihito, na naging si Emperador Taisho. Apo siya
ni Mutsuhito, o kilala bilang Emperador Meiji. Ayon sa nakaugalian, pagkapanganak pa lamang
ni Hirohito, ihiniwalay na kaagad siya sa kanyang mga magulang at ipinalaki siya ng bise-
admiral ng hukbong pandagat ng Emperyo sa loob ng tatlong taon. Noong Nobyembre ng taong
1904, bumalik siya sa Palasyo ng Akasaka, ang opisyal na tahanan ng kanyang mga magulang.
Subalit kahit na nandodoon na siya sa Palasyo, pinahihintulutan lamang si Hirohito na makita
ang kanyang ina isang beses isang linggo, hindi niya gaanong nakasama ang kanyang ama.
Lumaki si Hirohito na mahiyain at seryosong bata. Noong Abril ng 1908 ipinasok siya
sa Gakushuin na kung saang isang dosena lamang sila. Ang principal ng paaralan ay si
Heneral Maresuke Nogi, isang kilalang sundalo sa giyera sa pagitan ng Rusya at Japan noong
1904-05. Naging interesado si Nogi sa pagpapaaral sa batang prinsipe at sa panahong ito
ipinakilala niya ang kahalagahan ng pagbabanat ng buto, pagtatangi sa bayan, at ang
pagsasapuso ng istoysismo o ang kakayahan na ipasubali ang mga emosyon gaya ng sarap at
kirot
Noong 1912 namatay si Emperador Meiji na nagbigay daan para maging Emperador ang
kanyang amang si Yoshihito na kinalala bilang Emperador Showa. Sa panahong ito, naging
masigasig ang pag-aaral ni Hirohito sa mga kasaysayang-likas. Sa ilalim ng kanyang maestro,
nabuhay and kanyang pagkahumaling sa biyolohiyang pangkaragatan, isang sangay ng agham na
kung saan kilala siyang isang dalubhasa.
Noong 4 Pebrero 1918 naitakdang maikasal si Prinsipe Hirohito kay Prinsesa Nagako, mas kilala
bilang Emperatris Kojunanak ni Prinsipe Kuniyoshi Kuninomiya. Ikinasal sila noong 26 Enero
1924. Nagkaroon sila ng limang anak na babae, at ang dalawa ang anak na lalake. Ang panganay
sa anak na lalake ay si Akihito na ipinanganak noong 23 Disyembre 1933.
Noong Marso 1921 habang Prinsipe pa lamang si Hirohiro, naglakbay siya Europa. Siya ang
kauna-unahang prinsipeng tagapagmana sa Japan na nangibang-bayan. Nagpunta siya
sa Pransiya, sa Netherlands, Italya at Britanya. Ang malaking tumimo sa kanyang isipan ay
noong siya ay nagpunta sa Britanya na kung saan nakita niya ang kalayaan at di maseremonyang
pamumuhay ng mga pamilyang maharlika ng britanya.
Pag-uwi niya ng Japan, ibinigay kaagad sa kanya ang titulong regent (pansamantalang pinuno)
noong 25 Nobyembre 1921 dahil sa lumalang problema sa pag-iisip ng kanyang amang
si Emperador Taisho. Dalawang taon makalipas na tanggapin niya ang titulong regent ay
muntikan na siyang mapatay ng isang batang radikal.
Naluklok sa trono si Hirohito noong 25 Disyembre 1926. Inangkin niya ang pangalang Showa
("Mapagpangaral na Kapayapaan") sa ilalim ng kanyang pamumuno dahil dito pormal siyang
kinilala bilang Showa Tenno. Subalit kabaliktaran itong pangalan sa panahon ng panunungkulan
ni Hirohito. Hindi pa nga nag-iinit ang kanyang kinauupan sa Tronong Krisantemo, nasira na
kaagad ang ugnayang panlabas ng Japan. Noong 1927, kahit walang basbas ni Emperador
Hirohito, nagpasiklab ng kaguluha ang mga opisyal ng Hukbong Katihan ng Japan
sa Manchuria at di kalaunan pa ay sinakop ang ilang mga bahagi nito. Di nagtagal pa nalaman na
lang ni Hirohito na napasabak pa lalo ang mga hukbong Hapon sa Tsina.
Ang insidente sa Manchuria ay nagdala ng panahon ng ligalig sa Japan. Naglunsad ng mga
palpak na plano ang mga batang opisyal ng military para kubkubin ang gubyerno, pero naging
matagumpay ang ilan sa kanila sa pagpatay ng mga taong may matataas na katungkulan sa bansa.
Gusto nilang agawin ang gubyerno, pero naroon pa rin si Hirohito, siya ang ulo ng gubyerno
pero ang kapangyarihan ay nasa poder ng mga military. Pero iba ang sa pananaw ni Hirohito
dahil ang tingin niya sa sarili niya ay kabahagi ng estado at hindi isang pinuno ng isang
gubyerno. Ang pinuno dapat ay nasa gubyerno at dapat ang mga taong ito ay hindi
mapagmalabis at di mga utak-pulbura.
Sa pag-aalsa ng mga military noong 26 Pebrero 1936, sinakop ng mga elemnto ng Unang
Dibisyon ang malaking bahagi ng downtown Tokyo, at maraming mga opisyal ng gubyerno ang
pinatay. Ipinag-utos kaagad ni Emperador Hirohito ang mabilis na pagtapos ng pag-aalsa at
pagpaparasa sa mga kasabwat dito. Naapula ang pag-aalsa at ilang mga mataas na heneral na
sangkot sa pag-uudyok sa mga rebelde ay agarang pinuwersang pinagretiro.
Ganunpaman, mabilis na nahatak ang bansa sa digmaan. Noong Hulyo ng taong 1937, nagsimula
ang kaguluhan sa pagitan ng Japan at Tsina. Sa huling bahagi ng dekada 30 inabisuhan si
Hirohito ng kanyang mga tagapayo na umiwas ng tuluyan sa politika dahil kung hindi
isasakripisyo niya ang pusisyon ng buong maharlikang pamilya. Sinunod niya ang payong ito at
tumango na lamang siya sa anumang pinagkasunduan ng gubyerno.
Maraming mga ebidensiyang nakalap na hindi kumbinsido si Emperador Hirohito sa mga
napagkakasunduan ng mga nasa gubyerno lalo na noong unang bahagi ng dekada 40. Malaki ang
pagtutol niya sa ginawang alyansa ng kanyang gubyerno sa Alemanya at Italya noong panahon
ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, pero hindi naman siya gumawa ng paraan para pigilan ito.
Nagdududa din siya sa mga ipinakitang mga kaisipan ng kanyang mga pipunong militar na
paulit-ulit na nangangakong bibilisan ang pagtapos ng gera sa Tsina. Subalit noong
napagkasunduan na ng husto ang Digmaan na sangkot ang Estados Unidos noong 6 Setyembre
1941 hindi niya tinutulan ito.
Hanggang sa kahulihulihang bahagi ng digmaan, at kahit binobomba na ng mga Amerikano ang
Tokyo, hindi umalis si Hirohito sa Palasyong pang-imperyo. Ipinalikas lamang niya ang kanyang
mga anak sa Nikko. Gusto niyang ipakita sa kanyang nasasakupan na karamay siya sa kanilang
mga pasakit at paghihirap.
Noong tag-init ng 1945, klarado na talo na sa digmaan ang Japan. Subalit ang desisyon ng
pagsuko ay hindi kaagad naganap. Nangyari lamang ito ng hulugan ng bomba atomika ang mga
bayan ng Hiroshima at Nagasaki. Sa isang makasaysayang pagpupulong noong 9 Agosto 1945,
ipinahayag ni Hirohito ang kanyang pagsuko sa nagkakaisang kapangyarihan sa pangunguna
ng Estados Unidos.
Pagkatapos ng pagsuko ng Japan noong Setyember 1945, maraming haka-haka kung si
Emperador Hirohito ba ay hahatulan bilang isang kriminal ng digmaaan. Ganunpaman, parating
ipinapahayag ni Emperador Hirohito ang kanyang kagustuhang bumaba sa trono bilang
pagtanggap sa responsibilidad sa katatapos na digmaan. Pero maraming mga pinuno ng US
kabilang na si Heneral Douglas MacArthur ay nagdesisyong mas mainam na panatilihin bilang
pinuno ng Japan dahil masisilbi itong layunin sa pagpapanatili ng kapayaan sa ilalim ng
pamumuno ng mga taga-Estados Unidos. Subalit noong Bagong Taon ng 1946, naglabas ng
isang batas si Emperador Hirohito na itinatanggi na niya ang kanyang pagkatao bilang isang
sagradong pinuno, at itinatakwil na niya ang mala-diyos niyang katayuan bilang supling ni
Amaterasu, ang diyosa ng araw na nangangalaga sa bansang Japan.
Pagkatapos ng pagpapahayag na iyon, maraming gawain na isinalang na mga aktibidad para
maging ‘normal’ na tao si Emperador Hirohito at lalo pa siyang mapalapit sa masa. Dahil isang
dalubhasa si Emperador Hirohito sa mga biyolohiyang pandagat, kapag wala siyang gaanong
pinagkakabalahang opisyal, nagsasaliksik at nagsusulat siya ng mga aklat tungkol dito. Namatay
si Hirohito noong 7 Enero 1989, sa edad na 87. Bilang tanda ng kanyang pagkahumaling sa
agham at pagmomodernisa ng kanyang bayan, iniulat na ihinimlay si Hirohito na may kasamang
microscope at relo na may disenyongMickey Mouse watch.

Benito Amilcare Andrea Mussolini

Si Benito Amilcare Andrea Mussolini, GCB KSMOM GCTE (29 Hulyo


1883,Predappio, Forlì, Italya – 28 Abril 1945, Giulino di Mezzegra, Italya) ay Italyanong
politiko na pinamunuan ang Pambansang Pasismong Partido at binibigyan kredito sa pagiging isa
sa mga susing mga tauhan sa pagkalikha ng Pasismo. Siya ang pinunong Pasista (Fascist) ng
Italya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[1] Naging Punong Ministro siya ng Italya noong
1922 at may titulong Il Duce noong 1925. Noong 1936, ang opisyal na titulo niya ay "Ang
Kanyang Kabunyian Benito Mussolini, Pinuno ng Pamahalaa, Duce ng Pasismo, at Nagtatag ng
Imperyo" ("His Excellency Benito Mussolini, Head of Government, Duce of Fascism, and
Founder of the Empire").[2]Nilikha din Mussolini ang ranggo sa militar na Unang Mariskal ng
Imperyo sa tabi ng Haring Victor Emmanuel III ng Italya, na nagbigay sa kanya at ng Hari ng
kataas-taasang pamamahala ng militar ng Italya. Nanatili si Mussolini sa kapangyarihan
hanggang pinalitan siya noong 1943; sa maikling panahon pagkatapos nito hanggang kamatayan
niya, naging pinuno siya ng Italyanong Republikang Panlipunan.

Chiang Kai Shek

Si Heneral Chiang Kai Shek (Tsino: 蔣中正 / 蔣介石) (Oktubre 31,1887 - Abril
5, 1975) ay isang edukadong tsino na nakapag-aral sa isang paaralang militar. Siya
ang humalili kay Sun Yat Sen noong namatay ito noong Marso 12, 1925. Nangyari
ito noong sumailalim ang China sa dalawang rebelyon bunga ng imperyalismong
kanluranin. Ito ang Rebelyong Taiping Taiping Rebellion at Rebelyong
Boxer Boxer Rebellion
Sergio Osmeña

Si Sergio Osmeña (Setyembre 9, 1878 – Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon bilang Sergio
Osmeña, Sr. ang ikalawang pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas (1 Agosto 1944 – 28 Mayo
1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmeña Jr. at lolo nina Senador Sergio Osmeña
III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at Mayor Tomas Osmena.
Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si Osmeña ay nanguna sa mga
nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng sekundarya sa Seminario ng San Carlos
sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynilaat nag-aral sa San Juan de Letran, kung saan nakilala niya
si Manuel L. Quezon.
Nang sumiklab ang rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmeña. Ipinadala
siya ng lokal na liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu.
Noong 1900, naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia.
Nagbalik siya sa Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan
ay muli silang nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay
pinahintulutan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit
tatlong taon pa lamang ang kanilang natapos. Si Osmeña ay pumangalawa sa naturang eksamen
sa bar.
Dalawampu’t limang taong gulang siya nang maatasang pansamantalang gobernador at
pagkapiskal ng lalawigan ng Cebu. Pagkaraan ng dalawang taon, naging gobernador siya ng
lalawigan.
Nagbitiw siya sa kanyang katungkulan bilang gobernador nang maitatag ang Asemblea Filipina
noong 1907. Tumakbo siya at nanalong kinatawan ng ikalawang distrito ng Cebu. Nahalal siyang
ispiker ng asemblea, isang posisyong hinawakan niya ng sumunod na 15 taon. Naging senador
siya mula 1923 hanggang 1935. Tinanghal siyang "Senate President Protempore" noong 1923-
1933. Naging kasapi rin siya ng Misyong OsRox (Osmeña-Roxas), isa sa mga misyong ipinadala
sa Estados Unidos para ikampanya ang kasarinlan ng Pilipinas. Nahalal siyang pangalawang
pangulo ng Komonwelt ng Pilipinas noong 1935.
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kasama niya si Pangulong Manuel L. Quezon na
tumungo sa Estados Unidos at doon itinatag ang Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas kung siya
nagsilbing pangalawang pangulo ni Quezon. Namatay si Quezon sa sakit na tuberkulosis noong
Agosto 1, 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanyang Pangulo. Kasama niya si Heneral Douglas
MacArthur at mga puwersang Amerikano gayundin ng Pilipinong Heneral na si Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo na dumating sa Leyte noong Oktubre 20, 1944.
Pagkatapos mapalaya ng mga Amerikano ang Pilipinas mula sa mga Hapones, nagsilbi siya
bilang pangulo ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong Abril 23, 1946. Kumandidato
siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Nang matalo kay Roxas, namahinga si Osmena sa kanyang tahanan sa Cebu. Si Sergio Osmena
ay namatay noong 19 Oktubre 1961.
Melchora Aquino

Melchora Aquino de Ramos (6 January 1812 – 2 March 1919) was


a Filipinarevolutionary who became known as "Tandang Sora" ("Elder Sora") because
of her age during the Philippine Revolution.

She was known as the "Grand Woman of the Revolution" and the "Mother of
Balintawak" for her contributions.

Involvement in the revolution

In her native town, Tandang Sora operated a store,[3] which became a refuge for the sick
and wounded revolutionaries. She fed,[1] gave medical attention to and encouraged the
revolutionaries with motherly advice and prayers.

Secret meetings of the Katipuneros (revolutionaries) were also held at her house. Thus
she earned the names "Woman of Revolution", "Mother of Balintawak", "Mother of
the Philippine Revolution", and Tandang Sora (Tandang is derived from
theTagalog word matandâ, which means old). She and her son, Juan Ramon, were
present in the Cry of Balintawak and were witnesses to the tearing up of the cedulas.[1]

When the Spaniards learned about her activities and her knowledge to the whereabouts of
the Katipuneros, she was interrogated but she refused to divulge any information. She
was then arrested by the guardia civil and was deported toGuam, Marianas
Islands,[1] where she and a woman named Segunda Puentes were placed under house
arrest in the residence of a Don Justo Dungca.[4][5]

After the United States took control of the Philippines in 1898, Tandang Sora, like other
exiles, returned to Philippines until her death on 2 March 1919, aged 107.[1] Her remains
were then transferred to her own backyard (now known as Himlayang Pilipino Memorial
Park, Quezon City).

Corazon Aquino
Corazon Aquino (1933-2009) was the first female president of the Phillipines, and is
known for leading the People Power Revolution in 1986 which restored democracy to the
country. She was named TIME’s Woman of the Year in 1986.

Cory Aquino did not aspire to be a politician. In 1955, after graduating from
Mount St. Vincent College in New York City, she married Benigno Aquino (nicknamed
“Ninoy”), a young politician. She supported her husband’s career as he was elected
senator, raising 5 children at home.

Ninoy Aquino became a popular, outspoken opponent of Ferdinand Marcos, the


dictator who held the presidency from 1965. In 1972, Ninoy was imprisoned for eight
long years, and then exiled to the United States. Ninoy was finally allowed to return to
his homeland in 1983, only to be assassinated the moment he arrived.

Ninoy’s imprisonment, exile, and assassination outraged the people and spurred
Ferdinand’s opposition. The economic problems of the country deteriorated even further,
and the government went further into debt.

After her husband’s assassination, Cory took his place as the leader of the
opposition. In 1985, Ferdinand suddenly announced an election to legitimize his hold on
the country. Cory was reluctant to run at first, but changed her mind after being presented
with one million signatures urging her to run for president.

During Cory’s run for president, Ferdinand Marcos derided her with sexist
statements, saying she was “just a woman” whose place was in the bedroom. Cory just
answered: “May the better woman win in this election.” He also attacked her
inexperience in politics. Cory responded by admitting she had “no experience in cheating,
lying to the public, stealing government money, and killing political opponents.”

After the elections were held in February 1986, Marcos was declared the winner.
There were numerous reports of election fraud, and the outcome was condemned by
Catholic Bishops’ Conference of the Philippines and the United States Senate. Ronald
Reagan called the the fraud reports “disturbing” in an official statement.

Cory immediately called for peaceful civil disobedience protests, and for
organized strikes and mass boycotts of the media and businesses owned by Marcos.
Filipinos were enthusiastic in their support. These popular, peaceful demonstrations came
to be known as the People Power Revolution. Though Marcos ordered troops against the
thousands of protesters (including whole families and nuns and priests), not a shot was
fired and the troops withdrew and many defected.

By the end of February, Ferdinand Marcos withdrew from power, fleeing to Hawaii, and
Cory Aquino became the President of the Philippines.

Cory’s ascention to the office of president signalled a new era for Filipinos.
During the first few months of her presidency, the Philippines experienced radical
changes and reforms. Cory immediately created a Constitutional Commission in charge
of drafting a new constitution, and created the Presidential Commission on Good
Government which went after Marcos’s ill-gotten wealth.

The new Corazon Aquino Administration gave strong emphasis and concern for
civil liberties and human rights, and peace talks with communist insurgents and Muslim
secessionists. Cory also focused on bringing back economic health and confidence. The
Aquino administration succeeded in paying off $4 billion of the country’s outstanding
debts.

Cory was also a lifelong member of the Council of Women World Leaders, an
international organization of former and current female heads of state and government
that helps to mobilize women world leaders to take action on issues critical to the
leadership, empowerment and development of women.

In 1992, President Aquino strongly declined the requests for her to seek reelection. She
wanted to set an example to both citizens and politicians, in contrast to Ferdinand
Marcos, that the presidency is not a lifetime position. She still remained active in the
public eye, however, often voicing her views and opinions on the pressing political
issues.

Cory Aquino passed away in 2009 of cancer. Her death elicited a worldwide
reaction, and thousands attended her wake and funeral. Filipino Catholics called on the
Church to have Aquino canonized and declared as a saint.

Hillary Clinton said that Aquino was “admired by the world for her extraordinary
courage” in leading the fight against dictatorship. Pope Benedict XVI applauded her
“courageous commitment to the freedom of the Filipino people, her firm rejection of
violence and intolerance”

Cory was an amazing woman who had a huge impact on the freedom and welfare
of millions of people. She accomplished so much in her life and was beloved by many
people.

Potrebbero piacerti anche