Sei sulla pagina 1di 5

EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO SA MGA SULATING PAMPAARALAN NG MGA


MAG-AARAL NG

SAN JOSE NATIONAL AGRICULTURAL AND INDUSTRIAL HIGH SCHOOL

2016-2017

EVA JANE V. OQUENDO

CHRISTINA Z.LAURETA

MARJOLYN B. MARIANO

1
EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO

SA MGA SULATING PAMPAARALAN

I. PANIMULA

Ang WIKA ay sumasalamin sa mga mithiin at pangarap, damdamin, kaisipan o


saloobin, pilosopiya, kaalaman, karunungan, moralidad, paniniwala, at kaugalian ng mga
mamamayan.
Ayon kay Henry A. Gleason (1961) ang wika ay isang masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at isinaayos upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.
Sa kabilang banda, ang TEKNOLOHIYA o aghimuan ay ang pagsulong at paglapat ng
mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga
suliranin ng tao.Kadalasang iniuugnay ang teknolohiya sa mga imbento o gadget .

Ayon kay Virgilio Almario, ang wika ay daynamiko, kaya naman hindi na nakapagtataka
kung sa bawat pagdaan ng panahon at pagpalit ng henerasyon ay nagbabago at nadaragdagan
pa ang ating bokabularyo. Maaaring maluma ang ilan sa mga salita dahil may bagong
umusbong, ngunit patunay lamang ito na buhay na buhay at masigla ang ating wika.

Sinasabing ang wika ay buhay at patuloy sa pagbabago sapagkat patuloy na nagbabago


ang pamumuhay ng tao at iniaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at
teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pintuan nito sa pagbabago upang makaangkop
sa mga pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayanang gumagamit nito. Ang mga
salita ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad sa bawat panahon. Lumalawak ang
mga bokabularyo, nagbabago ang sistema ng pagsulat at palabaybayan. Samakatuwid, upang
magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangang ito’y gamitin bilang kasangkapan sa
komunikasyon at mapanatiling buhay at di mabaon sa limot sa paglipas ng panahon

SITWASYON

Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang pag-unlad din ng ating wika. Kaakibat nito
ang pagbabagong nagaganap sa paggamit ng wikang Filipino.

Hindi maikakaila na ang mga kabataan sa makabagong panahon ay sanay na sanay sa


paggamit ng makabagong teknolohiya sa larangan ng pakikipagkomunikasyon. Kabilang na ang
paggamit ng cellphone, tablet, laptop at iba pa.

Kaya naman, isa sa mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa loob ng silid-aralan sa
kasalukuyan ay ang kakulangan sa kaalaman at kawalan ng kasanayan ng mga mag-aaral sa
tamang paggamit ng wikang Filipino. Dahil nasanay ang mga mag-aaral sa pamamaraan na
kanilang ginagamit

dito hindi maitatangging maging sa pagbuo ng mga sulating pampaaralan ay nailalapat na rin
ang mga mali at hindi angkop na salita.

2
Ang paggawa ng mga sulatin katulad ng Tula, Maikling Kuwento, Sanaysay at iba pa ay
ginagamit upang mataya ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit ng
wikang Filipino kung kaya’t mahalaga na wasto ang naging kayarian ng mga sulating kanilang
binuo.

II. SULIRANIN

Ang suliranin ay ang epekto ng Makabagong Teknolohiya sa mga mag-aaral sa pagbuo


ng mga sulating pampaaralan dahil sa paggamit ng mga mali at hindi angkop na salita at
pagbaybay.

1. angkop ba ang paggamit ng mga salita at tama ba ang pagbabaybay sa mga ito?

2. nakaaapekto ba ang kawalan ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga sulating


pampaaralan dahil sa maling paggamit ng makabagong teknolohiya?

3. Nakatutulong ba ang wikang ginagamit ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan gamit ang


iba’t ibang midyum ng teknolohiya sa pagbuo ng mga sulating pampaaralan?

Nabuong Alternatibong Solusyon

Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ng mga alternatibong sulosyon batay sa


mga sumusunod:

1. angkop na paggamit ng mga salita at maling pagbabaybay.

a. paghahawan ng sagabal sa mga salitang mahirap unawain na nakapaloob sa aralin


at paggamit nito sa isang makabuluhang pangungusap.

b. pagbibigay ng mga pagsasanay sa pagbabaybay.

c. paghikayat sa paggamit ng mga tama at angkop na salita sa lahat ng pagkakataon.

2. ang kawalan ng kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga sulating pampaaralan


dahil sa maling paggamit ng makabagong teknolohiya .

a. gamitin lamang ang makabagong teknolohiya sa mga makabuluhang pananaliksik.

b. pagpili at pagtalaga ng mag-aaral na may kasanayan sa pagsulat upang magturo sa


kapwa mag-aaral na hindi gaanong nakauunawa sa pagbuo ng mga sulatin.

PLANO SA PAGSASAGAWA

a. Layunin:

1. Paunlarin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa tamang pagbabaybay.

2. Pagpapaunlad sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbuo ng mga sulating pampaaralan na


nagtataglay ng tama at angkop na mga salita.

3
b. Pagbibigay kaalaman sa wastong paggamit ng makabagong teknolohiya sa wikang Filipino.

b. Balangkas sa Paggawa

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa ikalawang bahagi,mula buwan ng Nobyembre


hangang Pebrero, taong panuruan 2016-2017

c. Saklaw ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na nasa antas 11 taong


panuruan 2016-2017 ng San Jose National Agriculturaland Industrial High School.

Mga Isasagawang Gawain

Taong sangkot Gawain Inaasahang bunga

A. Pagbibigay kaalaman sa Pagsang-ayon sa


School Head punong guro hinggil sa isasagawang
isasagawang pananaliksik pananaliksik

100% ng mga mag-


Mag-aaral sa ika-
B. oryentasyon sa mga mag- aaral at mga guro ay
11 baitang at mga
aaral at mga guro kaugnay ng may kaalaman sa
guro
isasagawang pananaliksik. isasagawang
pananaliksik.

C. paunlarin ang kasanayan sa


bokabularyo ng mga mag-aaral
sa pagbuo ng sulatin
1. paghahawan ng sagabal sa mga 100% ng mga mag-
Mag-aaral sa ika- salitang mahirap unawain na aaral ay may kaalaman
11 baitang nakapaloob sa aralin at paggamit nito sa bokabularyo na
sa isang makabuluhang pangungusap. ginamit sa pagbuo ng
sulatin.
2. b. pagbibigay ng mga pagsasanay sa 100% ng mga mag -
Mag-aaral sa ika- pagbabaybay. aaral ay may
11 baitang at guro
kasanayan sa
pagbabaybay.
3. c. paghikayat sa paggamit ng mga 100% ng mga mag –
Mag-aaral sa ika- tama at angkop na salita sa lahat ng aaral ay may
11 baitang pagkakataon. nakagagamit ng tama
at angkop na salita.

4
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang wika ay mahalaga sapagkat ito ang bumubuo sa isang bansa sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan. Ito ay talang
napakahalaga dahil kung wala ito ang ekonomiya ay hindi uunlad kung ang mga tao ay hindi
nagkakaintindihan.

Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

1.Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa kanila upang kanilang malaman
kung paano nakaaapekto sa kanilang pagsulat ang paggamit ng makabagong teknolohiya kung
paanong nababago ng teknolohiya ang paraan ng kanilang pagsulat.

2.Sa mga guro. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagbibigay ng kaalaman at gabay sa
pagwawasto sa mga mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga salita sa pagbuo ng mga
sulatin.

3.Sa mga susunod na henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaaring magbigay sa kanila ng
ideya tungkol sa hindi magandang dulot ng teknolohiya sa pagbuo ng mga sulatin.

Potrebbero piacerti anche