Documenti di Didattica
Documenti di Professioni
Documenti di Cultura
If by the end of the 20th century the role of private publications and the publication of poetry and
fabrications in newspapers, magazines, and other affairs, the role of the internet today is great in
stimulating poems from the range of young and old-looking lovers. The internet frees the
Filipinos in the former circular circle such as Liwayway , Mabuhay Extra, and Sinag-Lala which
is a difficult to redistribute new writers. A poet now does not have to send poems to the editor of
any magazine or newspaper, and he will quickly publish his work on his blog or web site
anytime.
There were two stunning events that resulted. If a poet was then guided by the editor, by giving
advice or suggestion, poets now rely solely on direct comments arising from their readers who
may have been misled in his blog for whatever reason. Previously, the editor did not mislead the
wrong match and size or deviate the parable. Today, the poets have been encouraged by the speed
of internet publishing, though sometimes their works are sometimes viewed. For example,
http://tagalog-poems.webnode.com/tagalog-poems/ which features the so-called Tagalog
Tagalogs written by high school students and all of love.
The poem's commentary is therefore important from the audience because the comment will be
the subject of artistry. The amount of feedback will increase the number of hits on a blog or
website, and it will equal the opportunity to earn money from internet publishers. However, the
poem is examined in accordance with the effective reading lens, and it is assumed that the
audience has a clear understanding of the text.
lipad anak ko
baunin mo ang basbas ng Maylikha
ang tulad nating mga aquilone
ay nilikha upang lumipad
para ipakita sa madla
na kahit anong pangarap kayang kamtin
kung ang bawat lipad
baon ang tunay na mithiin.
ay maituturing na palsipikado dahil sapilitan ang representasyon ng saranggola sa tao na may
sariling isip, bait, at lakas upang gampanan ang anumang mithi nito sa buhay. Ang ganitong uri
ng kritika ay maaaring sipatin sa anggulo ng awtor, na ang batayan ng pagsusuri ay pangunahing
hulagway ng mag-ama. Sa kabilang dako, masisipat din ang tula sa anggulo ng mambabasa, na
may kakayahang magkarga ng pahiwatig sa tula batay sa reperensiyang magmumula sa labas ng
tula, i.e., lipunan. Kaya kahit kapuri-puri ang tula sa anggulo ng mga mambabasa, na
ipinapalagay na may sapat na kakayahan sa pag-unawa ng teksto, ang tula ay maaari pa ring
maging marupok sa pananaw ng awtor kung ang magiging batayan ay pagkasangkapan
halimbawa sa persona, tinig, himig, balangkas, talinghaga, at iba pang aspekto ng tula.
Ang lawak na
. . . . ng
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . mundo
at hindi na
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .isa.
Nababaliw
Alaala
Hanging dumaan
Ika’y pinaalala
Ang baho naman
Masiste ang dalawang tula, at sumusunod sa padron ng haiku na ang unang dalawang taludtod na
bumubuo ng isang diwain at imahen ay ikinakabit sa bukod na diwaing matatagpuan sa ikatlong
taludtod. Napalilitaw ng mga tula ang paglalaro kahit sa sintaks ng tula, at pagtitimpla ng
tugmaan. Mapapansin lamang ang medyo linsad na pagkakabuo ng ikalawang taludtod ng
“Alaala,” na nawaglit ang kudlit “pinaalala” upang isaad ang nawawalang titik na “i.”
Maimumungkahi ang taludtod na “Ipinaalala ka” at ang pagsasaad ng kolon upang maging
hudyat ng bagong imahen sa ikatlong taludtod.
May ibang makata na higit na mapagmuni, maitim at malikot mag-isip, at kahit magaspang kung
minsan ang pananaludtod ay kakikitahan ng talim ng pagmumuni. Pansinin ang tulang ito ni Shin
sa Quarantine[v]
Umaahon
Ngayong gabi,
ang buwan ay nasa tubig
at ang tubig ay nasa langit.
Nangangatal ang mga dahong
niyayapos ng umaalumigmig na hangin.
O kay kinang ng mga bituing kinikislot
ng marahang alon—
isdang humahalik sa ibabaw ng tubig
nilulunok ang kaba sa dumaraang lantsa.
Malikot ding mag-isip ang makatang Marchiesal Bustamante, at maihahalimbawa ang piyesang
ito na nalathala sa kaniyang blog na pinamagatang Ataraxia.[vi]
Pain
Ipinapamalas ng tulang ito ang pambihirang pagtanaw, at kung iuugnay sa pamagat na puwedeng
basahin sa Filipino [pá·in] at Ingles [pain], ay magluluwal ng kakatwang pahiwatig ng persona
ng nakakikita ng mga bagay na hindi karaniwang nakikita ng marami. At ang maganda, ang
representasyon ng realidad ay hindi isa-sa-isang tumbasan, bagkus umaabot hanggang
pilosopikong pagtanaw. Ang kuneho ay waring kimera na unang ginamit na hulagway ni Charles
Baudelaire, ngunit ang pagkakaiba lamang ay hindi ito bagahe ng tulog na pusa bagkus bagahe
ng personang may kung anong pinagbubulayan sa batok ng pusa.
Sa ibang pangkat ng mga makata, gaya ng KM 64, ang tula ay lumalampas sa teritoryo ng sining
at magagamit na kasangkapan sa politikang adhikain. Saad nga ng pangkat,
Sa aming mga makata ng Kilometer 64, malinaw na ang sagot. Ang tulang Pilipino’y nararapat
na ilaan, una sa lahat, sa sambayanang Pilipino. Hindi biro ang magiging kapakinabangan nito sa
ating pagtitindig ng kasarinlan, kalayaan, katarungan, mabuting pamamahala, at tunay na
demokrasya sa ating bansa.[vii]
Nakapaglathala ng mga aklat ng tula ang pangkat, at lumilikha ng kilapsaw sa internet, lalo sa
mga tulang may kaugnayan halimbawa sa kahirapan, repormang agraryo, karahasang politikal, at
iba pang kaugnay na bagay. Mabalasik ang banat ng mga kasaping makata sa katiwalian sa
pamahalaan, at maihahalimbawa ang dalít na ito na sinulat ni Alexander Martin Remollino:
Pinakamasipag sa lahat ang pangkat ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo) dahil sa
paglalathala nito ng serye ng mga chapbook, bukod sa makapal-kapal na antolohiya ng mga
tulang gumugunita sa ikadalawampu’t limang anibersaryo ng pagkakatatag nito. Namumukod na
bagong hanay ng LIRA sina Mikael Gallego, Noel Fortun, at Jenny Orillos, na ang mga tula’y
kabilang sa koleksiyong Rurok (2010) na pinamatnugan ni Enrico Torralba. Naiiba ang LIRA
dahil masigasig ang eksperimentasyon nito sa pagtula, na hinihigit ang sining sa malawak na
posibilidad at umiiwas magpakahon sa politika o ideolohiya. Nakapanghihinayang at hindi ko
matatalakay ang ilang piling tula ng matitinik nitong makata, kaya inaanyayahan ko na lamang
kayo na bumili ng kanilang pinakabagong aklat na ilulunsad sa Disyembre ng taong ito.
Problematiko ang pagbasa ng tula dahil ang pakahulugan ng tula ay patuloy na nagbabago. Ang
tula ay hindi na lamang “bersong may sukat at tugma” bagkus kumakatawan na rin sa malayang
taludturan at tulang tuluyan. Kabilang din sa tula ang mala-epikong salaysay, at humahamon
kahit sa lunang dating sakop lamang ng nobela at sanaysay. At maibibilang din sa tula ang
paglalaro ng mga taludtod, na matatawag ding inanyuang berso, na ang mismong hubog at anyo
ay nagtataglay ng pahiwatig ng tula.
Kung malawak ang pakahulugan ng tula, ang pagbasa rito ay nangangailangan din ng masusing
pag-urirat na ginagamitan ng mga kasangkapan sa pag-unawa ng teksto. Maipapalagay na
walang isang tumpak na lente ng pagbasa. Ang tula ay hindi na lamang paghahanap ng “esensiya
ng tula” gaya ng winika ni Alejandro G. Abadilla. Hindi rin ito katumbas ng pag-alam sa
lirisismo ng saknong o taludtod, gaya ng winika ni Ruben Vega. At lalong hindi ito nakasalalay
sa apat na sangkap na gaya ng tugma, sukat, kariktan, at talinghaga (o kaisipan), gaya ng
panukala nina Lope K. Santos, Julian Cruz Balmaseda, at Iñigo Ed. Regalado. Ang pagbasa ng
tula ay pagkilala sa isang realidad, at ang realidad na ito ay maaaring makapagsarili kung hindi
man bukod sa realidad na dinaranas ng mga tao.
Hindi rito nagtatapos ang lahat, bagkus simula pa lamang ng mga dapat tuklasin sa larangan ng
panulaang Filipinas.
Dulong Tala
[i] Basahin ang http://blurosebluguy.wordpress.com/2009/07/11/aquilone-blu/ na hinango noong
18 Nobyembre 2010 at sinulat ng blogistang nagkukubli sa pangalang Bluguy. Nakalathala roon
ang buong tula na may iba’t ibang kulay ang mga saknong, at doble-espasyo ang pagkakatipa ng
teksto.
[Binasa ni Roberto T. Añonuevo sa LOL: Lit Out Loud, Manila International Literary Festival, na ginanap
noong 19 Nobyembre 2010 sa Hotel Intercontinental Manila, Lungsod Makati. Kasama sa panel ang
dalawang Pambansang Alagad ng Sining na sina Bienvenido Lumbera at Virgilio S. Almario]
Advertisements
Filed under: Kritika, sanaysay, tula, Tulang Filipino | Tagged: berso, internet, kabataan, kalayaan,
magasin, panulaang Filipino, tula | 4 Comments »
May mga bagay na kailangang patusin, at isa na rito ang sanaysay na “Haibun: Panimulang
Pagpapakilala at Pagpapalaya sa Panulaang Filipino” ni Reuel Molina Aguila na nalathala sa
Likhaan 2007 na pinamatnugutan ni Jose Dalisay Jr., at inilathala ng UP Institute of Creative
Writing. Kahanga-hanga ang akda ni Aguila, dahil taglay nito ang balintunang pagpapalaya sa
panulaang Filipino at ang hilaw na panggagagad sa tulang Hapones sa pamamagitan ng lihis na
lohika.
May apat na katangian umano ang “haibun”. Una, ito ay isang anyo ng pagtulang nagsasanib ang
“tula” at ang “prosa.” Ginamit niya ang halimbawa ni Matsuo Munfusa (Matsuo Basho) na ang
mga tala sa paglalakbay ay nilangkapan ng haiku. Ikalawa, ang “haibun” ay nagtataglay umano
ng katangian ng pagiging maikli, mapaglarawan, at maligoy sa pagsasaad ng diwain. Ikatlo,
nagkakatulungan umano ang prosa at ang tula, na ang haiku ay lumalagom, kung hindi man
nagpapaalingawngaw, sa isinasaad ng prosa. At ikapat, ang “haibun” ay “nagsisimula sa personal
na karanasan.”
Isang panukalang inobasyon ni Aguila ang pagtatala ng karaniwang karanasan, gaya sa diary; at
ang pagkasangkapan sa dagli at tanaga upang makapagluwal ng bago’t isina-Filipinong
“haibun.”
Marupok na tumbasan
Nakaligtaan ni Aguila na iba ang wikang Hapones at ang wikang Filipino. Magkasalungat ang
polong pinagmumulan ng dalawang wika, at hindi maikakahon ang Filipino sa napakasikip na
padron ng wikang Hapones. Isa sa mga katangian ng Filipino ang kabulaklakan ng wika, at iyon
ang maghahatid ng pambihirang pahiwatig at musika, at mahirap tumbasan kahit ng wikang
Hapones. Ang elegansiya ng Tagalog, kung hindi man Filipino, ay nasa kabulaklakan, at hindi sa
pagkakahon ng Hapones na malayo sa kultura at kinagisnan ng Filipino.
Lalong lalabo ang paliwanag ni Aguila nang sipiin niya uli ni Vieira hinggil sa pakahulugan ng
makabagong haibun: “Haibun as a form is in transition and still being developed.” Kung ang
makabagong haibun ay nasa yugto ng paglilinang, may pahiwatig si Aguila na hindi dapat
magpahuli ang makatang Filipino at kailangang makipagsabayan o magsimulang manghiram,
gaya ng Amerikano. Ngunit malabo kung anong uri ng haibun ang inaangkat ni Aguila, at ang
pagpapahiwatig na ang ginagawa ni Aguila at kapanalig ay isang uri ng modernong haibun ay
dapat na timbangin dahil maaaring nasa wikang Filipino lamang ang bersiyon ng haibun ni
Aguila at iba pa subalit walang iniungos sa mga klasikong haibun noong nakalipas na panahon.
Kung malinaw ang pagkasagap ni Aguila, maaaring tingnan niya ang haibun sa punto de bista ng
tao na nagmumula sa Kanluran na tumitingin papaloob sa Japan. Kung sisipatin naman mula sa
loob ng Japan, ang haibun ay isa nang ganap na anyo at tula na umuunlad lalo sa paglipas ng
panahon. Kung naabot na ng haibun ang sukdulan ng kaunlaran sa loob ng Japan, ang
pagpapalaganap nito sa ibang bansa ay maituturing na pagpapatuloy na lamang sa kumbensiyong
nasimulan na sa Japan; o kaya’y pagsasanga ng ibang uri ng haibun na maaaring aampunin ng
Filipino at siya namang pagtatakhan ng Hapones. Sa ganitong pananaw, ano pa ang silbi sa
pagsunod sa haibun?
Ang pagtingin ng Filipino ay maaaring hindi nalalayo sa pananaw ng gaya ni Vieira. Una,
banyagang anyo ang haibun, at kung kakasangkapanin man ito sa Filipino ay dapat mabatid ang
pinagmumulan nito. Sa himig ni Aguila, ang haibun na nasa Asya ay ipinapalagay na dapat
mabatid muna ng mga makatang Filipino dahil Asyano rin ito. Kaugnay niyon ang palagay na
marapat maalam ang Filipino sa gayong anyo dahil malapit ang Filipinas sa Japan. Muli,
adelantado ang ganitong haka-haka dahil iba ang pinagmumulan ng Filipino kaysa Hapones, lalo
sa paglago ng wika at panulaan, kahit sabihin pang malapit ang pook ng Filipinas sa Japan. Ang
nasabing haka-haka ay tila pagsasabing dapat maalam din ang Hapones sa gaya ng tanaga, diona,
at dagli ng Filipino na pawang magagamit—o dapat gamitin—sa pagpapalago o modernisasyon
ng panulaang Hapones. Ang natalisod ni Aguila ay ang “anyo” ng haibun, ngunit nabigo naman
siyang ipaliwanag kung paano ang ganitong anyo—na dapat sinisipat nang higit pa sa anyo—ay
kayang “makapagpalaya sa panulaang Filipino.”
Mababanggit dito ang madilim na relasyon ng Filipinas at Japan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, kaya ang mismong pagkasangkapan sa isang anyo ng tulang Hapones ay
mababahiran ng pagdududa at maituturing na halos pagmamano na rin sa banyagang panginoon.
Kung isasaalang-alang ang kasaysayan ng Filipinas at ang kasaysayan ng panitikang Filipinas,
maaari talagang mahuli ang Filipinas kaysa Estados Unidos dahil halos wala nang mabalikang
ugat ang Amerikano kaya naghahanap na lamang ito ng sariwang impluwensiya mula sa ibayong
dagat na makapagpapalago sa estado sa panulaang Ingles. Subalit naiiba ang karanasan ng
Filipinas. Naiiba rin ang karanasan ng mga makatang Filipino sa mga makatang Hapones, lalo sa
yugtong may mga makatang Hapones na bahagi ng imperyo at nakalaan sa pagbibigay ng aliw sa
mga maharlika. Taliwas ito sa mga Filipino, na ang tula o sabihin nang epikong bayan ay
nagsisilbing tala ng lipi upang maipagpatuloy ang mahabang ugat ng naturang lipi o pamayanan.
Problematiko rin ang pakahulugang kombinasyon ng prosa at tula ang “haibun,” kung susundan
ang paliwanag ni Aguila. Sa naturang pakahulugan, hindi pa natutukoy ni Aguila kung ano talaga
ang haibun at umiiral lamang ito sa panrabaw na pagsipat na pinagsasalikop ang prosa at ang
tula. Paimbabaw pa rin ang pagkilala ni Aguila sa haibun. Kung pinagsasalikop nga ang prosa at
ang tula, maaaring walang hanggahan ang prosa at ang tula; kaya maaaring mabura ang
pagkaprosa ng prosa o kaya’y mabura ang pagkatula ng tula. Ang maiiwang hulagway ay
alanganing prosa o tula na lihis sa pakahulugan ng sinaunang tulang Tagalog, at humahangga sa
posmodernong pagkilala ng kanluran. Samantala, ang mahihinuha lamang sa paliwanag ni
Aguila ay ang panlabas na “anyo” na haibun. Nababalaho si Aguila sa mga termino, at ang
nakaligtaan niya ay ang esensiya ng haibun para sa mga Filipino.
Mapanghimasok din ang paggigiit ng haibun sa panig ng Filipino dahil ipinapalagay dito na ang
mayorya—kung hindi man ang lahat—ng Filipino ay maalam sa anyong prosa gaya ng dagli o
pasingaw o tulang tuluyan, o kaya sa mga tulang may tugma at sukat, gaya ng tanaga o dalit. Na
isang kabalintunaan. Kung ipagpapalagay na hindi nga ganap na batid ng mayorya ng Filipino
ang kanilang katutubong uri ng tula o prosa, ito ay hindi dapat isisi sa mga makatang tarikan
dahil ang tula ay talagang dapat pinag-aaralan nang malalim. Dapat sisihin ang sistema ng
edukasyon at ang mababang uri ng promosyon ng tulang Filipino na hangga ngayon ay hindi
makatakas sa baryotikong Marc Loganismo ng ABS-CBN. Hindi uunlad ang panulaang Filipino
kung laging nakatingin sa masa dahil ang masa ay hindi maaasahan sa gayong
pagpapakadalubhasa sa haibun yamang iba ang priyoridad at pangangailangan nito sa buhay.
Ang pagturing sa haibun bilang kasangkapan ng masa sa mabisang paglilinang ng tulang pasulat
ay dapat pang ibitin sa ngayon. At marahil ay kailangang sagutin o ipaliwanag ito ni Aguila nang
walang bahid ng romantisadong pagtingin sa madla o masa.
Ang gayong kuro-kuro ni Aguila ay mapapawalang-saysay, dahil ang tulang Tagalog—o ang
ibang tulang nasusulat sa wikang lalawiganin—ay dumaraan sa yugto ng pagbabago mulang
pabigkas tungong pasulat at palimbag. Maaaring malawak at mabilis ang pagsapit ng mga tulang
pambigkasan sa madla ngunit ang gayong paraan ay panandalian lamang. Sa kabilang dako, ang
tulang nakalimbag ay tumatagal at nag-iiwan ng bakas upang patuloy na litisin, basahin, at
sagapin sa kung ano-anong paraan. Sa gayong pagkakataon, ang tula ay nagiging kasangkapan o
relikya upang lalong magpatalas sa isip ng mambabasa, makapagpalago ng wika, at makatulong
sa pagluluwal ng iba pang tula. Walang iisang anyo ng tula, at ang panukalang ang haibun ang
magpapalaya sa panulaang Filipino ay isang kabaliwan dahil nasa estado ng pangangapa ang
pagpapaliwanag ni Aguila hinggil dito kung itatambis sa mga nalathala nang tula sa Filipino,
Tagalog, at iba pang lalawiganing wika.
Saliwa rin ang paratang ni Aguila na ang mga makatang modernista, gaya nina Rio Alma,
Rogelio G. Mangahas, at Lamberto E. Antonio, ay laging nakatingin sa kanluran. Ang totoo’y
ang nasabing mga makata’y matagal nang tumititig sa Filipinas upang maitanghal iyon sa madla
at mabuo sa malikhaing paraan ang minimithing kabansaan ng mga Filipino. Ang kakatwa’y
mapagduduhan ang mismong pakana ni Aguila, dahil kahit nagpapanukala siya ng haibun na ang
anyo ay mula sa katutubong anyo ng gaya ng sa Tagalog at prosang gaya ng dagli, nanghihiram
lamang ng pangalan si Aguila sa Hapones imbes na lumikha o humanap ng salitang maitutumbas
sa uri ng tulang nasasaisip niya. Kaya nang sabihin ni Aguila na:
Maitatanong, ang paggamit ba ng haibun ay isa ring pag-aangkat? Marahil. Ngunit maaari ring
sabihing ang panulaang Tsino at Hapones ay may malaking pagkakahawig sa mga naunang
pamamaraan ng pagtula ng ating mga ninuno.
Walang pasubaling nag-aangkat ng banyagang padron si Aguila. Kung may pagkakahawig man
sa tulang Filipino o Tagalog ang tulang Tsino at Hapones ay hanggang bilang lamang ng pantig
sa bawat taludtod dahil gaya ng nasabi kanina, magkasalungat ang polong pinagmumulan ng
wikang Tagalog o Filipino kompara sa wikang Tsino o Hapones. Maipapanukalang ang paggamit
ng haibun ay dapat ituring na gaya ng paggamit o panghihiram ng iba pang banyagang anyo ng
tula. Ngunit nanghiram man ng gayong banyagang anyo, hindi ibig sabihin nito na ang
pagsulong ng panulaang Filipino ay sanhi lamang ng panghihiram o panggagagad bagkus
kaugnay ng iba pang bagay, gaya ng inobasyon at pagtuklas muli ng mga katutubong tula at
pananalinghaga ng Filipino.
Kaya umanong baklasin ng haibun ang “elitismo” sa pagtula. Ngunit kung babalikan ang
kasaysayan ng mga makatang Tsino at Hapones, maraming makata noong nakalipas na panahon
ang nagsilbi sa mga dinastiya upang kaluguran ng mga maharlika. Ang elitismo na isinasakdal ni
Aguila ay wala sa mga nagmomonopolyo ng pagsulat ng tula bagkus nasa sumasagap ng tula.
Dapat ding isipin na may iba’t ibang uri at antas ng tula, at bagaman malayang makapamili ang
sinumang makata kung ano ang gagamiting anyo, uri, at antas, ang kahusayan ay hindi sumasapit
na parang pag-ulan ng tinapay dulot ng himala. Mataas na sining ang tula at pagtula, at kahit ang
mga halimbawang haibun na sinulat ni Aguila at inilakip sa kaniyang sanaysay ay kakikitaan ng
elitismo dahil sa pagiging personal—na itinatangi sa iba pang personal na karanasan ng
mambabasa.