Sei sulla pagina 1di 8

GRADES 1 to 12 School Quisao National High School Grade Level G11

DETAILED LESSON Teacher GENALIN V. CEBALLO Learning Area Drug Prevention Education
PLAN Time Frame 60 minutes (1 hr) Quarter
Dsd

Objectives must be met over the week and connected to the curriculum standards. To meet the objectives, necessary procedures must be followed and if needed, additional lessons,
I. OBJECTIVES exercises and remedial activities may be done for developing content knowledge and competencies. These are assessed using Formative Assessment strategies. Valuing objectives support
the learning of content and competencies and enable children to find significance a n d j o y inlearning the lessons. Weekly objectives shall be derived from the curriculum guides.

A. Content Standards

B. Performance Standards Life skills: Self-Awareness


C. Learning Competencies / Objectives Layunin
Write the LC code for each 1. Nakikilala ang mga katangian at kalagayan ng sarili sa kapaligirang kaniyang kinabibilangan
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng kamalayan sa sarili bilang paraan upang makaiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na
gamot
3. Nakagagawa ng repleksyon o personal meditation upang mapalalim ang pagkakilala sa sarili

Content is what the lesson is all about. It pertains to the subject matter that the teacher aims to teach. In the CG, the content can be tackled in a week or two.
II. CONTENT
Kamalayan sa Sarili (Self-Awareness)
List the materials to be used in different days. Varied sources of materials sustain children’s interest in the lesson and in learning. Ensure that there is a mix of concrete and manipulative
III. LEARNING RESOURCES materials as well as paper-based materials. Hands-on learning promotes concept development.
A. References
1. Teacher’s Guide pages
2. Learner’s Materials pages Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral, mga pahina 10-11
3. Textbook pages
4. Additional Materials from Learning
Resource (LR) portal
B. Other Learning Resources
These steps should be done across the week. Spread out the activities appropriately so that students will learn well. Always be guided by demonstration of learning by the students which
IV. PROCEDURES you can infer from formative assessment activities. Sustain learning systematically by providing students with multiple ways to learn new things, practice their learning, question their learning
processes, and draw conclusions about what they learned in relation to their life experiences and previous knowledge. Indicate the time allotment for each step.
A. Panimulang Gawain: “Magselfie Tayo”
Panuto:
1. Tanungin ang klase: Sino sa inyo ang mahilig magselfie?
2. Sabihan ang mag-aaral na magselfie sa paraan na nais nila at sa alinmang lugar sa loob ng silid-aralan sa loob ng dalawang minuto
A. Activity
3. Hatiin ang klase sa anim na pangkat
4. Bumuo ng diad sa bawat pangkat. Ipakita ang “selfie” sa kapareha at magbigay ng tatlong katangian o ugaling taglay sa loob dalawang
minuto
5. Ang kapareha naman ay magbibigay din ng tatlong mabubuting katangian o ugali na nakikita sa kanya. sa loob isang minuto
6. Ipagawa din ang ganitong proseso sa kaniyang kapareha

Page 1 of 8
7. Ibahagi ang kanilang sagot sa kanilang pangkat sa loob limang minuto

Mga Gabay na Tanong: (Limang Minuto)


1. Paano mo ilalarawan ang iyong sarili sa “selfie”?
( Posibleng sagot: Nakikita ko ang aking saril sa “selfie” bilang isang taong masayahin/ bilang espesyal o bilang isang kabataan na
malakas at may pangarap sa buhay)
2. Bakit ito ang posisyon/lugar na napili mo?
( Posibleng sagot: Ito ang posisyon na napili ko dahil mukha akong maganda dito at naipapakita ko kung sino talaga ako. Ito ang napili
kong lugar sa loob ng silid-aralan dahil dito ako madals umupo at dito kami laging nagkukwentuhan ng aking mga kamag-aral.)
3. Ano ang naging damdamin mo habang ipinakikita ang iyong “selfie”? ng ibinabahagi mo ang iyong mga katangian o ugali? ng malaman
mo ang iyong mabubuting katangian? Bakit?
( Posibleng sagot: Masaya ako habang ipinapakita ko ang aking “selfie”. Nang ibahagi ko ang aking katangian para akong nahiya dahil
ayokong sabihin sa iba ang mga katangian ko. Mas gusto ko na sila ang magsabi kung ano ang mga katangian o ugali ko kaysa ako
ang magsabi tungkol sa sarili ko. Natuwa ako ng malaman ko ang aking mabubuting katangian dahil hindi ko alam na taglay ko pala
ang ganitong katangian o ugali.)
4. Ano kaya ang mga katangian, ugali o damdamin na mayroon ka ngunit hindi mo ipinapakita sa “selfie”?
( Posibleng sagot: Mukha akong masaya sa selfie ngunit hindi ako laging ganoon. Moody rin ako at minsan ay may iniisip na problema
tulad ng aking pag-aaral )

Gawain: “Ang Buhay sa Karagatan” (15 minuto)

Ang kakayahang makilala ang sarili ay mahalaga sa isang kabataan upang maunawaan niya ang halaga niya at ang maari maging
impluwensiya niya sa ibang tao. Bilang kabataan, suriin ang sarili at ang kasalukuyang kalagayan sa mga sitwasyong inilarawan sa
karagatan.
Panuto:
1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa lima.
2. Bawat kasapi ay bibigyan ng larawan ng mga taong may iba’t ibang ginagawa o sitwasyon habang nasa karagatan.

Page 2 of 8
3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang bawat sitwasyon sa larawan ay maaring sumalamin sa kasalukuyan nilang buhay bilang kabataan.
 Ang taong namamangka sa ibabaw gamit ang maliit na bangka - maaaring maihalintulad sa isang kabataan na kasalukuyang
nag-aaral at sinisikap na marating ang kaniyang mga pangarap sa buhay kaya umiiwas siya sa masamang impluwensiya
 Ang taong nakasakay sa malaking barko – ang taong may sariling paninindigan at ipinamumuhay kung ano ang tama
 Ang nalulunod at humihingi ng tulong - taong gung-gulo o nalilito sa sarili dahil sa dami ng suliraning kinakaharap sa buhay.
 Ang dalawang tao na namamangka na kapwa masaya – ang taong nananatiling kasama ang mabuting kaibigan
 Ang nakarating na sa laot – ang taong minsan ay nalampasan ang tukso at pagsubok sa buhay at nanatiling matatag
 Ang taong nasa ilalim ng karagatan – ang taong hindi kilala kung sino ang sarili at madaling matangay ng masamang
implwensiya
 Ang taong naliligo, nagsasaya at nasa baybayin ng karagatan – ang taong masaya sa kanyang sarili dahil kilala niya kung sino
siya.
4. Papipiliin ang mga mag-aaral ng isa o higit pang sitwasyon sa larawan na kanilang naranasan o nararanasan sa kasalukuyan.

Page 3 of 8
5. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang sagot sa kanilang pangkat.
6. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang lider na magbabahagi ng buod ng kanilang ginawa

Mga gabay na tanong para sa pangkatang pag-uulat:

1. Ano ang masasabi ninyo tungkol gawain?


(Posibleng sagot: Ang gawain ay tungkol sa buhay ng kabataan na nasa iba’t ibang sitwasyon. Ito ay may kinalaman sa kanyang sarili
at sa pagharap niya sa iba’t ibang hamon ng buhay)
2. Alin sa mga larawan ang pinili ng karamihan sa mga kasapi ng pangkat? Alin ang hindi gaanong napili? Bakit?
(Posibleng sagot: Ang karamihan sa mga kasapi ng pangkat ay pinili ang “ang taong namamangka sa ibabaw gamit ang maliit na
bangka” dahil halos lahat ay ganito ang gustong mangyari sa kanilang buhay. Ang hindi gaanong napili ay, “ang nalulunod at humihingi
ng tulong” dahil may ilan lamang sa kanila na nakakaranas ng ganitong sitwasyon.)
3. Anong konsepto ang inyong nabuo mula sa gawain?
(Posibleng sagot: Ang bawat kabataan ay nakakaranas ng iba’t ibang sitwasyon sa buhay. Dapat ay kilala ang sarili, masaya sa sarili at
nananatiling matatag sa kabila ng mga tukso, masamang impluwensya at suliranin sa buhay.)

Mga tanong: (10 Minuto)

1. Paano ninyo sinuri ang inyong sarili bilang isa sa mga taong nasa karagatan?
(Posibleng sagot: Nag-isip muna akong mabuti at saka ko sinuri kung ano ang aking nararanasan at nararamdaman sa kasalukuyan.)
2. Naging madali ba para sa inyo ang pag-aangkop ng inyong sarili sa mga larawan? Bakit?
(Posibleng sagot: Oo, dahil kilala ko kung sino ako at alam ko ang aking pinagdadaanan sa kasalukuyan.)
3. Nakita mo ba ang sarili mo sa iba’t ibang sitwasyon o sa iisang sitwasyon lang? Ipaliwanag?
(Posibleng sagot: Nakita ko ang sarili ko sa iba’t ibang sitwasyon. Sa ngayon ako ay ang taong namamangka sa ibabaw gamit ang
maliit na bangka. Nag-aral akong mabuti at sinisikap na marating ang aking mga pangarap sa buhay kaya umiiwas ako sa masamang
B. Analysis impluwensiya. Minsan ko na ring naranasan na ako ay gulung-gulo at nalilito sa sarili dahil sa dami ng suliraning kinaharap ko sa buhay.
Naimpluwensiyah na rin ako ng mga kaibigan ko na gumawa ng hindi kanais-nais ngunit dahil sa pangaral ng aking magulang ay
nalampasan ko ang mga iyon.)
4. Naging masaya ka ba sa pagbabahagi ng iyong napiling larawan? Bakit?
(Posibleng sagot: Oo, dahil naipahayag ko ang aking sarili at naibahagi ko ang aking mga karanasan.)
5. Ano ang nahinuha o nalaman mo tungkol sa iyong sarili?
(Posibleng sagot: Nalaman ko na mahalaga ang kilala mo ang sarili mo at alam mo kung ako ang dapat gawin at kung kanino ka lalapit
kung may suliranin.)
6. Mahalaga ba ang pagkaroon ng kamalayan sa sarili? Pangatwiranan?
(Posibleng sagot: Oo, kung kilala mo ang iyong sarili at alam mo ang pinagdadaanan o nararamdaman mo mas madali mo itong
malalabanan o mas maipapaliwanag mo ito sa taong nais mong hingian ng tulong. Kung kilala mo ang sarili mo at alam mo ang iyong

Page 4 of 8
mga kahinaan at kalakasan mas mapapaunalad mo pa ang iyong sarili at makakaiwas ka sa mga bagay na alam mong madali kang
matukso)
7. Sa inyong palagay, nakatutulong din ba ang pagkaroon ng kamalayan sa sarili bilang paraan upang makaiwas sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot ? Pangatwiranan?
(Posibleng sagot: Oo, dahil kung may kamalayan ang isang tao sa kanyang sarili, mauunawan niya ang kanyang pinagdadaanan sa
buhay at mababantayan niya ang kanyang sarili na gumawa ng hindi kanais-nais tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot.)

Talakayin ang Konsepto:

Kamalayan sa Sarili

May kakayahan ang tao na magnilay-nilay o gawing obhetibo ng kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya o hindi niya alam.
Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang kakayahan na pag-isipan ang kaniyang sarili. Halimbawa, itinuturing ng isang guro
bilang kaniyang mundo ang anumang tao o bagay na may kaugnayan sa kaniyang pagtuturo, tulad ng mag-aaral, banghay-aralin, pisara at silid-
C. Abstraction
aralan. Samatala, walang mundo ang hayop dahil lagi niyang dala ang kaniyang kapaligiran sa kaniyang organismo.

Ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kaniyang mga talento na magagamit niya sa kaniyang pakikibahagi sa mundo
– halimbawa, sa paaralan o sa lugar kung saan siya nakikisalamuha sa mga tao. Dito nanggagaling ang positibong pagtingin niya sa sarili. Ito
ang nagpapatibay ng kaniyang kalooban sa kaniyang pagtugon sa kaniyang bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga, 2005).

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pag-iisip, napauunlad niya ang kaniyang kamalayan sa sarili. Malaki ang kakayahan niyang ilarawan at
bigyang-kahulugan ang mga imahe at palatandaan ng kalikasan, kilos, at mga panaginip. Nakatutulong ang mga ito upang bantayan at
mapaghandaan niya ang mga sitwasyon sa buhay lalo na ang mga hindi kanais-nais.

Gawain: “Personal Meditation: Who am I” (5 Minuto)


Panuto:
1. Sabihin sa mga mag-aaral na pumikit sandali, magsasagawa ng personal meditation at suriing mabuti ang kanilang sarili. Alamin kung
paano sila mag-isip, ano ang kanilang madalas na nararamdaman, ano ang tingin nila sa kanilang sarili at himukin sila na maging
D. Application
sensitibo sa mga panloob na kalagayan ng sarili
2. Matapos magsagawa ng personal meditation, bumuo ng mga paraan upang mapalalim pa ang pagkakakilala sa sarili
3. Isulat sa journal ang sagot

Pagtataya:
V. ADDITIONAL ACTIVITY
Itanong ang mga sumusunod:

Page 5 of 8
1. Ano ang self-image?
2. Pano mo pauunlarin ang iyong self-image?

VI. EVALUATION

C. REMARKS

Reflect on your teaching and assess yourself as a teacher. Think about your students’ progress this week. What works? What else needs to be done to help the
D. REFLECTION
students learn? Identify what help your instructional supervisors can provide for you so when you meet them, you can ask them relevant questions.
A. No.of learners who earned 80% in the evaluation.

B. No.of learners who require additional activities


for remediation who scored below 80%.

C. Did the remedial lessons work? No.of learners


who have caught up with the lesson.

D. No.of learners who continue to require


remediation
E. Which of my teaching strategiesworked
well?Why did these work?
F. What difficulties did I encounter which my
principal or supervisor can help me solve?
G. What innovation or localized materials did I
use/discover which I wish to share with other
teachers?

Prepared by:

GENALIN V. CEBALLO
MT-II, Quisao NHS

Checked by: Edited by:

Page 6 of 8
SCHUBERT ANTHONY C. SIALONGO MICAH LUISE G. LIJAUCO
EPS, SDO Antique NCR

Noted by:

ERNANI OFRENEO JAIME


Supervising Education Program Specialist
BLD-TLD DepEd Central Office

Page 7 of 8
Page 8 of 8

Potrebbero piacerti anche