Sei sulla pagina 1di 3

PRE-KOLONYAL NA PANITIKAN- panitikan noong bago pa dumating ang mga kastila ay binubuo

ng kasaysayan ng ating lahi, mga kwentong bayan, alamat, epiko, kantahing bayan, salawikain,
bugtong, palaisipan, kasabihan at iba pa. Ang mga ito ay maituturing na makatotohan noong
mga panahong iyon dahil sa pagsamba nila sa mga anito o diyus-diyosan tulad ng araw, ilog at
marami pang iba na nasa ating kapaligiran; at dahil na rin nakapaloob sa panitikang ito ang
araw-araw nilang pamumuhay.

Marami na sa ating nagsasabing hindi na natin maituturing na makatotohanan pa ang


diwa at kaisipang nakapaloob sa ating panitikan sa panahong pre-kolonyal sa kadahilanang iba
na ang ating pag-iisip at umusbong na ang siyensiya sa ating panahon.

PALIPAT-DILANG TRADISYON- ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nagiingat at


nagpapahayag ay ang mga apo, na karaniwang pinaka puno ng barangay o pinaka-pari ng
kanilang relihiyon

BUGTONG- Ito ay nagsimula pa bago dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay ang
kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay ginamit upang libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang
ginagawa. Dahil dito nakassanayan na itong gawin ng mga taong pagkakatipon sa patay o sa
gabi. Hanggang sa kasalukuyan mayroon pa ring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang
hindi na kasindami ng mga tao noon.

Halimbawa:

 Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay. (kandila)


 Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan. (anino)
 Maliit pa si kumare, marunong ng humuni. (kuliglig)
 Dalawang batong itim, malayo ang nararating. (mata)
 Isa ang labasan, tatlo ang pasukan. (kamiseta)

SALAWIKAIN- Butil ng karunungang kinapalalamnan ng mabuting payo at hango sa tunay na


buhay. Ito’y inihanay ng patula at katulad ng bugtong ito’y matandang panitikan na
nagpapasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Ito’y nagiging gabay ng matanda at bata sa
pakikisalamuha sa matuwid na landas ng buhay. Noong 1890 ay nalathala ang isang manipis na
babasahin na kinapapalooban ng mga salawikain at kasabihang Tagalog. Ang lathala ay
pinamagatang Colleccion de Refranes, Frases Y Modismo Tagalog na isinalin at ipinaliwanag sa
Kastila nina P. Gregorio Martin at Mariano Cuadrado at isinaayos ni P. Miguel
Lucio Bustamante. Ito’y naglalaman ng 876 na kasabihan at salawikain at iniayos ng paabakada
batay sa mahalagang salita ng salawikain.
Halimbawa:

 Madali ang maging tao, mahirap magpakatao


 Kung ano ang puno, siya ang bunga
 Ang gawa ng pagkabata, dala hanggang pagtanda.
 Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.

KASABIHAN- Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan


kung saan ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan. Nakagawian na ng
mga Pilipino na maghayag ng kanilang mga pilosopiya sa buhay, mga karanasan, at mga bunga
ng kanilang pagmamasid-masid, sa pamamagitan ng mga salawikaing may tugma at mga
kasabihan.

Halimbawa:

 walang mahirap na gawa ‘pag dinaan sa tiyaga


 Ang batang iyakin, nagiging mutain
 Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat
 Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay masikap

OYAYI- Ang Oyayi o Hele ay katutubong awitin ng mga Pilipino. Ito ay inaawit upang patulugin
ang mga bata o sanggol. Malalim ang kaugnayan nito sa kulturang Pilipino. Sa pamamagitan ng
pagsusuri sa Uyayi, Oyayi o Hele ay ating mapagaalaman ang kulturang marahil ay hindi bunyag
sa mga modernong Pinoy.

Halimbawa: Matulog ka na bunso


Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo
May putik may balaho

KUNDIMAN- Nagmula sa lalawigan ng Batangas, ang kundiman ay isang uri ng awitin ng pag-
ibig na ipinakikilala ng malamyos, maaliw-iw, at mabanayad na himig. Sabi nga ng
mananalaysay na si Teodoro Agoncillo (1912 – 1985), katutubo sa Pilipinas ang kundiman at
walang bahid ni isang hibla ng kulturang Espanyol dahil bago pa man lumunsad ang mananakop
ng Krus at Espada sa baybaying Pilipino, ay naririyan na ang mga awiting iyan
Halimbawa:
Ang tangi kong pagibig
ay minsan lamang
Ngunit ang
yung akala
ay hindi tunay

Hindi ka lilimutin
Magpakailan pa man
Habanag ako
ay narito
at may buhay

Malasin mo’y nagtiis


ng kalungkutan
Ang buhay ko’y
unti-unti
na pumapanaw

Wari ko ba’y sinta


Ako’y mamatay
Kung di kita ang
kapiling
habambuhay

Sources:

https://nexxusaeris080795.wordpress.com/2012/08/11/diwa-ng-panitikang-pre-kolonyal/

https://books.google.com.ph/books?id=PPGiIU34k0EC&pg=PA5&lpg=PA5&dq=ano+ang+ibig+s
abihin+ng+palipat+dila&source=bl&ots=wkjavQ1NmN&sig=YbZqEs6KHw8LvJf5TEXGyx7iZoE&hl
=en&sa=X&ved=0ahUKEwiVreTM8tDbAhXFipQKHXiLD3UQ6AEIPzAC#v=snippet&q=dila&f=false

http://www.academia.edu/10120228/Kasaysayan_ng_Kundiman

http://kulturang-noypi.blogspot.com/2016/06/oyayi-o-hele.html

https://www.tagaloglang.com/kasabihan/

http://www.justhomeworks.com/2017/06/ang-kasaysayan-at-paano-nagsimula-ang-
bugtong.html

Potrebbero piacerti anche