Documenti di Didattica
Documenti di Professioni
Documenti di Cultura
INTRODUCTION
I
Music A.
Partners face each other.
(a) Three sway balance steps with a close (R, L, R), arms
in fourth position, R and L arm high alternately.6 M
II
CROSS HANDS
Music B.
Partners face each other.
(a) Starting with the R foot, take three steps forward to
meet at center (cts. 1, 2, 3) step L close to R (cts. 1,
2, 3), hands down at sides.....................2 M
III
PALMS TOUCHING
Music A.
Partners face each other.
(a) Repeat figure II (a)...........................2 M
IV
COMBING
Music B.
Partners face each other.
(a) Repeat figure II (a)...........................2 M
(d) Repeat all (a-c) Girl gets the comb form partner,
does the combing of Boy's hair.................8 M
POWDERING
Music A.
Partners face each other.
(a) Repeat figure II (a)...........................2 M
(b) Boy takes powder puff from his pocket. Waltz sideward
R, powdering gently Girl's L cheek (cts. 1, 2, 3),
while Girl takes one waltz step right in place, hands
holding skirt..................................1 M
(e) Repeat all (a-d) this time the Girl does the motion
of powdering...................................8 M
VI
VII
KNEELING
Music A.
Partners face each other.
(a) Starting with the R foot, take three steps forward
to center (cts. 1, 2, 3). Boy kneels on L while Girl
passes around on right side of Boy to stand behind
him and faces the same direction as the Boy. Partners
place hands on waist (cts. 1, 2, 3)............2 M
(d) Repeat all (a-c) but this time the Girl kneels down in
(a). Finish in proper places...................8 M
VIII
BALLROOM WALTZ
Music B.
Partners face each other.
(a) Repeat figure II (a). Finish with partners holding in
closed ballroom dance position................2 M
(c) Join inside hands, Girl turn inward (1 M), and both
bow to audience free hands in second position (1 M).2 M
(a) All take five sway balance step with a waltz, right and
left alternately, R arm in reverse "T" position, L arm
in second position. Reverse position, of arms every two
measures.....................................10 M
Paunang lunas
Ang paunang lunas o first aid ay ang pagbibigay ng pangunahing magagawang tulong, kalinga, at
pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman. Isinasagawa ito ng
isang taong pangkaraniwan hanggang sa panahong maaari nang ibigay ang mas dalubhasang
tulong pansagip buhay ng mga manggagamot. Kinasasangkapan ang kasanayang ito ng mga
payak, ngunit nakapagliligtas, na kasanayang may kaugnayan sa panggagamot. Maaaring
makatamo ng pagsasanay ang isang pangkaraniwang tao upang maisagawa ang pagbibigay ng
tulong na ito, kahit man hindi ginagamitan ng mga natatanging aparatong panggagamot. Maaari ring
ibigay ang tulong na ito sa mga hayop, ngunit ang artikulong ito ay tumutukoy lamang para sa
magagawang paunang-tulong na pantao.
Mga layunin
Ang 3 pangunahing mga layunin ng paunang tulong-panlunas, na mas kilala bilang 3 P (tatlong P) ang
mga sumusunod:[4]
Kasaysayan
Ang Knights Hospitaller (Mga Kabalyerong Manggagamot) ang sinasabing pinakaunang
nagpakadalubhasa sa pangangalaga ng mga nasugatan sa pook ng digmaan. Mga kabalyero rin ang
nagtatag ng Orden ni San Juan (Order of St. John) noong ika-11 dantaon upang sanayin ang iba pang
mga kabalyero kung paano gumamot ng mga pangkaraniwang sugat at pinsala sa lugar ng digmaan.[5]
Nabuo ang St. John Ambulance (Ambulansyang San Juan) noong 1877 para magturo ng paunang lunas sa
mga malalaking himpilan ng tren at mga distritong minahan. Ang Ambulansyang San Juan ang
nagpanimula sa katawagang first aid. Kumalat ang orden at ang mga itinuturo nito sa kabuuan ng
Imperyong Britanya at Europa.[6] Gayundin, noong 1859, tinulungan ni Henry Dunant ang mga
mamamayan ng isang bayan sa Switzerland upang matulungan ang mga biktima ng Digmaan ng
Solferino. Pagkatapos ng apat na taon, apat na mga nasyon ang nagtungo sa Geneva at nagtatag ng
isang organisasyon na naging Krus Roha (o Red Cross). Dahil sa pagkakaroon ng mga digmaan, sumibol at
lumago ang mga kalinangan sa larangan ng pagbibigay ng paunang tulong-paunlas at iba pang mga
pamamaraan sa panggagamot: isa pang halimbawa ang pagtatatag ni Clara Barton ng American Red
Cross (Pulang Krus sa Amerika) nang dahil sa Digmaang Sibil ng Amerika.[7] Sa ngayon, maraming mga
grupo na nagtataguyod ng first aid, katulad ng mga kilusan sa militar at mga samahang tagapagmatiyag
(mga scout). Nakatulong ang mga makabagong pamamaraan at mga kasangkapan sa pagiging payak at
mabisa ng mga pangkasalukuyang paunang lunas.
Pagsasanay
Tungkol sa pagsasanay, mas mainam na maganap ito bago ang tunay na sakuna o suliranin, bagaman sa
ibang mga bansa ay nakapagtuturo ang mga tagapagdala ng ambulansiya habang ginagamit ang
telepono, bago pa man din makarating ang ambulansiya sa pook na pinangyarihan ng sakuna.
Upang maging ganap ang kasanayan, nararapat na pumasailalim sa isang aralin ang isang tao upang
magkaroon ng kataingan at kaalamang kailangan na kikilalanin sa bansa o saan man. Subalit, dahil sa
kadalasang pagbabagu-bago ng mga patakaran at pamamalakad, nararapat na dumaan muli sa isang
dagdag na kurso tungkol sa mga makabagong pamamaraan at kaalaman ang taong sanay na sa
pagbibigay ng paunang lunas, upang laging mabibigyan ng pinakamahusay na pagkalinga ang isang
pasyente. At para maiwasan din ang pagkakaroon ng karagdagang pinsala sa taong napinsala ng sakuna
o karamdaman.
Karaniwang makakakuha ng sapat na pagsasanay ang isang tao mula sa mga samahang panlipunan
katulad ng Pulang Krus at Ambulansiyang San Juan, sa pamamagitan ng mga tagapagsanay na
binabayaran. Karaniwang ginagamit ang mga tagapagturong may bayad para sa pagbibigay kaalaman sa
mga tauhan ng isang kompanya, kung sakaling magkaroon ng sakuna o karamdaman sa pook na
pinaghahanapbuhayan. Maraming mga samahang panlipunan, katulad ng mga nabanggit na sa itaas, ang
nagbibigay din mga paglilingkod na may bayad o humihingi ng ambag na pananalapi, na nakatutulong
naman ang kinikitang salapi para sa pagpapaunlad o pagtulong sa kanilang mga gawaing panlipunan.
Sa larawang ito, ipinakikita kung paano matutulungang muling-huminga ang isang taong walang-malay.
Para mapigil ang pagdurugo ng sugat, itinataas ang kamay at dinidiinan din ang hiwa ng sugat.May mga
kasanayan na itinuturing na pinakapusod ng pagbibigay ng paunang tulong-lunas, kahit saan pa man o
paano man naituro ang mga ito. Tinuturuan ang mga tagapagbigay ng pangunahing tulong panlunas na
laging tatandaan ang ABC ng mga hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay
bago magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang mga kalunasan:
Ang ibig sabihin nito ay dapat lamang na unahin munang suriin at subuking lutasin ang mga suliraning
may kaugnayan sa daanan ng hangin (bibig at ilong) ng pasyente. Kung walang balakid sa daanan ng
hininga at paghinga, dapat na isunod na suriin at subuking sugpuin ng tagapaglunas ang anumang
suliranin at pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon (pagdaloy at pagikot ng dugo sa katawan). May
ibang mga tagapagsanay o tagapagturo na nagdaragdag ng pang-apat na hakbang: ang D para sa Duguan
ba ang pasyente? o Dinudugo ba ang biktima?, o kaya ay ang pagbibigay ng Depibrilasyon. Nakasalalay
sa antas ng kasanayan ng tagapagbigay-lunas ang mga pagkakaiba sa mga pamamaraan ng pasisipat at
pagsusuri at pagpapanatili ng mga mahahalagang ABC ng taong manlulunas. Kapag naiayos at napainam
na ang mga ito, maaari nang magbigay ng mas masulong na mga gawaing-panlutas ang mga taong
tagapanagip, kung kinakailangan.
May ilang mga bansa na nagtuturo ng talong B (ang 3 B), na katulad ng ABC ang pagkakasunud-sunod ng
kahalagahan:
Nangangahulugan ito na dapat na suriin muna at lutasin ng manlulunas ang anumang suliranin kaugnay
sa Buga ng Paghinga, bago subuking sugpuin ang mga suliraning kaugnay sa Balong ng dugo mula sa
katawan ng pasyente o mga Baling Buto (na hindi naman ibig sabihin nito na dapat nang kaligtaan ang
mga huling mga suliranin sa mga panahong iyon – katulad ng mga pinsala sa gulugod, kung saan
magagamit ang pagbabago at kaibahan sa pamamaraang panlunas upang makatulong sa pagbubukas ng
daanan ng hininga).
Pagpapanatili ng buhay Ang maneobrang Heimlich ay isa ring uri ng pamamaraang panagip-buhay.
Sapagkat ang pagsagip at pagpapanatili ng buhay ang pinakasusi ng pagbibigay ng paunang lunas, ang
kaisaisang pinakamahalagang pagsasanay na matatanggap ng manlulunas ay ang paunang pagsusuri,
pagkalinga at pangangalaga ng sa isang walang malay at hindi tumutugong pasyente. Ang
pinakapangkaraniwang ginagamit na maikling pangalang madaling tandaan na makatutulong sa pagalala
ng paraan sa pagsagip ng buhay ay ang ABC, na nangangahulugang Airway, Breathing at Circulation, o
Ang daanan ng hininga, Buga ng hininga at C para sa Sirkulasyon (ginamit ang “si” bilang kasing-tunog ng
titik na “C”).
Upang mapanatili ang buhay, ang lahat ng mga tao ay dapat na may bukas o walang balakid sa daanan
ng hininga: kung saan makapapasok ang hangin sa pamamagitan ng bibig o ilong sa pamamagitan ng
daanan ng hininga na nasa likod ng bibig (nasa ibabaw ng lalamunan) at leeg patungong pababa sa mga
baga na walang pumipigil. Ang mga may malay na mga tao ay makapagpapanatili ng pagkakabukas ng
sarili nilang daanan ng hininga, subalit yung mga taong walang malay (na may GCS na mababa pa sa 8)
ay walang kakayahang panatilihing bukas ang daanan ng hangin, dahil maaaring hindi gumagana ang
bahagi ng utak na likas at kusang nangangasiwa sa gawaing ito.
Kung nakahiga sa kaniyang likod ang taong walang malay, maaaring bumagsak paatras ang dila, na
maaaring humarang sa oropharynx (isang galaw ng dila na tinatawag din na “paglulon” o “paglunok” sa
dila, bagaman hindi tumpak na katawagan). Madali itong maitatama ng manlulunas sa pamamagitan ng
dahan-dahang pagaangat-tulak sa ulo papasalikod (sa pamamagitan ng paglalagay ng isang kamay sa
noo ng pasyente, at habang umaalay din ang isa pang kamay na nakahawak sa ilalim ng baba ng taong
walang malay).[8]
Kung humihinga ang taong kinakalinga, karaniwang inihihilig ng tagapagkalinga ang katawan ng
pasyente, na makakasanhi ng pagtulong sa pagkakaalis ng tumatakip na dila mula sa butas-hingahan ng
lalamunan. Naiiwasan din nito ang karaniwang sanhi ng pagkamatay ng mga walang-malay na pasyente:
ang mabulunan o mahirinan dahil sa mga nalunok na mga bumabalik na laman-tiyan.
Maaari ding maharangan ang daanan ng hininga sa pamamagitan ng mga bagay na hindi bahagi ng
katawan, na maiipit at magtatagal sa butas-hingahan o bahay-boses, na karaniwang tinatawag na
nabulunan o pagkakaramdam ng “pagsakal” mula sa loob ng lalamunan. Tuturuan ang isang taong nag-
aaral para maging tagapagbigay-lunas na matatanggal ang ganitong suliranin sa pamamagitan ng
pinagsamang pagbatok sa likod at pataas na pagtulak sa tiyan ng pasyente. Kapag nabuksan na ang
daanan ng hininga, susuriin ng manlulunas kung humihinga na ang pasyente. Kung hindi pa humihinga
ang taong tinutulungan, o kung hindi ito humihinga ng tama – katulad ng kahirapan sa paghinga,
gagawin ng tagapagkalingang-manlulunas ang maaaring isa sa pinakanakikilalang hakbang: ang
resusitasyong kardyopulmonaryo o CPR (batay sa pagpapaikli sa katagurian nito sa Ingles – ang
CardioPulmonary Resuscitation ), na kinasasangkapan ng paghinga para sa pasyente, at paghilot sa puso
- na tuwirang ginagamitan ng mga kamay - upang maitaguyod ang mainam na pagdaloy ng dugo sa
buong katawan.