Sei sulla pagina 1di 1

Adobong Manok (Chicken Adobo)

Mga Kailangan:

 1k Manok (chicken ) hiniwa ng


ayon sa gusto mo na laki
 2 piraso patatas ( hiwain ng
cubes style)
 4 piraso dahon laurel
 7 kutsara toyo (datu puti)
 7 kutsara suka (datu puti)
 6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
 1 buo na sibuyas ( hiwain at hatiin ) itabi ang kalahati
 2 kutsara na mantika ( mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit
ng marami)
 Asin
 Paminta buo at durog
 Asukal na pula
 Magic Sarap ( hindi ako gumagamit ng vetsin)
 1 baso tubig
 1 kutsara na cornstarch

Paraan sa pagluluto:

 Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel,


paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng
magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang
apoy para ang lasa nya tlagang lumabas

 Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ang patatas at hanguin ito
at itabi
 Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas
at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na
medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
 Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang
basong tubig.
 Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at
makintab tignan
 Timplahan ng asin at asukal
 Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas

Potrebbero piacerti anche