Sei sulla pagina 1di 4

The Philippines a Century Hence: Summary

and Analysis
“The Philippines a Century Hence” is an essay written by Philippine national hero Jose
Rizal to forecast the future of the country within a hundred years. Rizal felt that it was
time to remind Spain that the circumstances that ushered in the French Revolution
could have a telling effect for her in the Philippines.

This essay, published in La Solidaridad starts by analyzing the various causes of the
miseries suffered by the Filipino people:
1. Spain’s implementation of her military policies – because of such laws, the
Philippine population decreased dramatically. Poverty became more rampant
than ever, and farmlands were left to wither. The family as a unit of society was
neglected, and overall, every aspect of the life of the Filipino was retarded.
2. Deterioration and disappearance of Filipino indigenous culture – when
Spain came with the sword and the cross, it began the gradual destruction of the
native Philippine culture. Because of this, the Filipinos started losing confidence
in their past and their heritage, became doubtful of their present lifestyle, and
eventually lost hope in the future and the preservation of their race.
3. Passivity and submissiveness to the Spanish colonizers – one of the most
powerful forces that influenced a culture of silence among the natives were the
Spanish friars. Because of the use of force, the Filipinos learned to submit
themselves to the will of the foreigners.

The question then arises as to what had awakened the hearts and opened the minds of
the Filipino people with regards to their plight. Eventually, the natives realized that such
oppression in their society by foreign colonizers must no longer be tolerated.

One question Rizal raises in this essay is whether or not Spain can indeed prevent the
progress of the Philippines:
1. Keeping the people uneducated and ignorant had failed. National
consciousness had still awakened, and great Filipino minds still emerged from
the rubble.
2. Keeping he people impoverished also came to no avail. On the contrary,
living a life of eternal destitution had allowed the Filipinos to act on the desire for
a change in their way of life. They began to explore other horizons through
which they could move towards progress.
3. Exterminating the people as an alternative to hindering progress did not
work either. The Filipino race was able to survive amidst wars and famine, and
became even more numerous after such catastrophes. To wipe out the nation
altogether would require the sacrifice of thousands of Spanish soldiers, and this
is something Spain would not allow.
Spain, therefore, had no means to stop the progress of the country. What she needs to
do is to change her colonial policies so that they are in keeping with the needs of the
Philippine society and to the rising nationalism of the people.

What Rizal had envisioned in his essay came true. In 1898, the Americans wrestled
with Spain to win the Philippines, and eventually took over the country. Theirs was a
reign of democracy and liberty. Five decades after Rizal’s death, the Philippines gained
her long-awaited independence. This was in fulfillment of what he had written in his
essay: “History does not record in its annals any lasting domination by one people over
another, of different races, of diverse usages and customs, of opposite and divergent
ideas. One of the two had to yield and succumb.”

THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE


THE PHILIPPINES A CENTURY HENCE
A. Kasaysayan ng Pilipinas

Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas upang ipalaganap ang relihiyong Katoliko, ang
naninirahan sa bansa ay pawang mga katutubo at Muslim. Mayroon sila noong sariling
pamahalaan, na binubuo ng mga barangay at pinamumunuan ng mga datu, raha o ng mga
pinakamatatandang kasapi nito. Nakikipagkalakalan na rin noon ang mga Pilipino sa mga
karatig-bansa, gaya ng Tsina. Mayroon silang sariling kultura, awit, tula, paraan ng pagsulat,
wika, mga tradisyon, batas at paniniwala.

Sa pagdating ng mga Kastila, tinalikuran at nakalimutan ng Pilipinas ang kanyang sariling mga
tradisyon, kultura, at pagkakilanlan. Niyakap niya ang dayuhang doktrina at tradisyon na hindi
niya naman gaanong nauunawaan. Pinilit niyang intindihin ang wikang tinutulang ituro ng mga
naghaharing-uri bagama’t ito ay nararapat lamang ayon sa itinakda ng Inang Espanya. Nagbihis
siya gaya ng gayak ng mga taong nagmula sa kanlurang bahagi ng mundo, kahit na hindi naman
gaanong angkop sa klima ng bansa o bagay sa kanya ang nasabing pananamit. Tuluyan niyang
kinalimutan ang kanyang sarili

Sa kabila ng pagyakap sa tradisyong ito, niyurakan at ininsulto ng mga Kastila ang mga Pilipino.
Dahil sa mga insulto’t pasakit ay nagising ang pagmamahal sa sarili ng mga Pilipino. Ninais
niyang magkaroon ng mga reporma’t pagababgo, kung hindi magkakaroon ng isang rebolusyon.
Ang mga kabataan noon na may pera at kakayahan ay nangagsipag-aral sa Inang Espanya, at
siyang mamumuno sa nasabing rebolusyon.

B. Dalawang kapalaran para sa Pilipinas


Una, mananatiling tapat sa Espanya ang Pilipinas. May posibilidad na mangyari ito sapagkat
nagiging liberal na ang mga pinuno noon ng pamahalaan sa Pilipinas. Ang mga tinig na
humihingi ng reporma ay lumalakas na rin. Wala ring kaaway ang Espanya. Para mangyari ito,
dapat na payagan na magkaroon ng representaasyon sa Cortes ang Pilipinas para maiparating
ng Pilipinas ang mga hiling at hinaing niya sa Inang Espanya. Dapat ding magkaroon ng kalayaan
sa pamamahayag. Magiging mabilis ang komunikayson at mas mabilis na maipararating ang
mga hinaing sa Espanya. Dapat lamang daw ito sa Pilinas dahil malayo siya sa bansang
sumasakop sa kanya.
Ikalawa, wawakasan ng Pilipinas ang ugnayan nito sa Espanya kung ang respetong hinihingi ay
di maibibigay. Magkakaroon ng himagsikan kung patuloy na babalewalain ang mga hinaing ng
mga Pilipino. Ang mga Pilipino noong nag-aaral sa Inang Espanya na patuloy na
nakikipagkomunikasyon sa kanyang bayang Pilipinas ay siyang magiging utak ng lahat nitong
pagkilos. Ang pagbabago’y magiging payapa at matagumpay kung magsisimula sa mga
nakakatataas sa lipunan; magiging bayolente at madugo naman kung magsisimula sa mga
taumbayan. Sang-ayon sa kapayapaan at kaayusan ang mga mayayaman sapagkat mas
maraming mawawala sa kanila kung magkaroon ng kaguluhan, samantalang ang kahirapan ang
siyang nagbibigay ng pagnanais na magkaroon ng pagbabago.

C. Mga posibleng manakop sa Pilipinas at kung bakit hindi ito mangyayari

• Inglatera (UK) - abala na raw ito sa maraming kolonya, gaya ng Africa.


• Alemanya (Germany) - hindi naman niya nais na makipagsapalaran at hatiin ang kanyang
puwersa; abala na rin ito noon sa mabilisang pananakop sa mga teritoryong walang nagmamay-
ari; ayaw niya sa dayuhang komplikasyon.
• Pransiya (France) - hindi rin nito sasakupin ang Pilipinas sapagkat marami na itong ginagawa
at mas nakakikita ng hinaharap sa Tongking at Tsina; ibig man niya ng karangalan ay gusto
niyang magmula ito sa mga pakikidigma sa Europa at hindi siya masisiyahan sa alingawngaw
lamang ng labanan sa Malayong Silangan; marami nang obligasyon ang Pransiya, sa sariling
bayan at maging sa Europa.
• Olandes (Holland) - matalino ang bansang ito at kuntento na sa Moluccas at Java at maingat
na mawala sa kanya ang Sumatra at Borneo; mas magandang hinaharap daw ang maibibigay ng
Sumatra sa Holland kaysa ng Pilipinas.
• Tsina – mapalad na siya kung mapananatiling buo ang sarili sa kabila ng mga pangongolonya
ng mga bansang Europeo sa rehiyong Asya
• Hapon (Japan) – minamanman siya’t kinaiinggitan ng Rusya; sobra sa populasyon, ngunit mas
nakaaakit sa kanya ng Korea dahil mas madaling sakupin kaysa Pilipinas
• Amerika (US) – sakaling maibigang manakop na rin ay hindi papayagan ng Europa sapagkat
alam ng huli na ang mas iigting ang naising manakop ng Amerika matapos ang unang
pagtatangka, kaya’t itinuturing na magiging magirap na kaagaw; ang pananakop ay salungat sa
kaniyang mga tradisyon at paniniwala; sa paglaban sa kolonyalismo, ang Amerika ang kampeon
sa “Bagong Daigdig,”

D. Pagsusuri

Sa kabuuuan, ang layunin ng sanaysay ay ang paghingi ng reporma sa Espanya. Dahil sa


pakikidigma laban sa mg Kastila, Ayon sa sanaysay, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng
representasyon sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag ang ilan sa
mga repormang hinihingi ng Pilipinas. Kung matatandaan, kasama rin ito sa mga repormang
nilalayon ng kilusang La Liga Filipina nina Rizal.

Ang sanaysay ay tinapos ni Rizal sa pamamagitan ng isang tanong. “Spain, must we some day
tell Filipinas that thou hast no ear for her woes and that of she wishes to be saved, she must
redeem herself?” Ang kalayaang nakamtan dahil sa pagdanak ng dugo at pagsasakripisyo ay
tunay na pag-iingatan at ipagtatanggol ng Pilipinas. Susubukin ng kanyang mga anak na
pagtibayin at palakasin ang bayan, sa alaala ng nakaraan nila. Kung hindi pakikinggan ng
Espanya ang mga hiling at hinaing ng Pilipinas ay gagawa ito ng paraan upang magkaroon ng
pagbabago, na siya ngang nangyari.
Naging prophetic ang pagsasabi ni Rizal na isa ang Estados Unidos sa maaaring sumakop sa
Pilipinas sapagkat sinakop nga tayo ng bansang ito. Ang kaibahan ng Amerika sa mga Kastila ay
ang paniniwalang ang edukasyon ay para sa lahat. Tinuruan din nila tayo ng wika nila at
pinayagang magsalita rin nito.

Sa kasalukuyan, nasaan na nga ba tayo? Ipinagdiwang natin noong 1998 ang sentenaryo ng
ating paglaya mula sa pananakop ng mga Kastila. Sa taong 2046, malamang ding ipagdiwang
ang pagalaya natin mula naman sa kamay ng mga Amerikano. Pero sa katotohanan, malaya na
nga ba tayo? Kung hindi man sa mga dayuhang mananakop, mayroon pa rin bang patuloy na
pumipigil sa mga Pilipino na madama ang ganap na kalayaan? Mayroon nang kalayaan sa
pamamahayag. Kung tutuusin ay napakalakas ng impluwensiya ng media sa pag-iisip ng mga
Pilipino nagyon. Sa kabila nito, nariyan ang katotohanang maraming Pilipino ang naghihirap sa
ngayon. Maraming kabataan ang sa halip na maglaro o mag-aral ay nasa lansangan naninirahan
o nagahahanapbuhay. Maraming mga nagsisipagtapos sa kolehiyo ngunit walang trabaho dahil
walang oportunidad. Marami tuloy sa kanila’y napipilitang pumunta sa ibang bansa upang doon
makipagsapalaran. Ito ang ilan sa mga mukha ng Pilipino ngayon.

Isandaantaon mula ngayon, ano kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas? Darating kaya ang araw
kung saan madarama ng mga Pilipino na tunay silang malaya?

Potrebbero piacerti anche