Sei sulla pagina 1di 10

FILIPINO 01

Central Colleges Of The Philippines

Name: Villa, Allyssa Mae R. Score: 48/101 (47.5%)


Time and Section: 10:30-12:00am, Ge 1-1a-1 Me Date:

1. B 26. A 51. B 76. C


2. D 27. B 52. C 77. A
3. C 28. C 53. A 78. A
4. B 29. B 54. B 79. B
5. C 30. B 55. D 80. D
6. C 31. D 56. B 81. A
7. B 32. C 57. D 82. D
8. D 33. A 58. B 83. D
9. A 34. D 59. B 84. D
10. A 35. D 60. A 85. C
11.C 36. C 61. C 86. D
12.C 37. A 62. D 87. B
13.B 38. A 63. A 88. B
14.B 39. C 64. B 89. A
15.C 40. C 65. B 90. A
16.B 41. D 66. C 91. B
17.A 42. B 67. A 92. B
18.B 43. B 68. A 93. A
19.C 44. A 69. B 94.A
20.D 45. D 70. B 95. D
21.B 46. D 71. A 96. B
22.D 47. C 72. B 97. C
23.A 48. A 73. A 98.B
24.A 49.D 74. A 99.B
25. B 50. B 75. C 100. D
101.A
Pagsusuring-Basa ng Nobelang
Anino ng Kahapon
ni Francisco Laksamana

Isang Pamanahong Papel


na Ibinigay kay:
Gng. Juliet S. Valdeavilla

Inihanda ni: Villa, Allyssa Mae R.


10:30-12:00 GE 1-1a-1 ME
September 10,2015

Anino ng Kahapon
PAUNANG SALITA

Nilikha ang pamanahong papel na ito upang maipamahagi ang aking


kabuuang pagsusuri sa nobelang ito, upang mailahad sa mas maikli at kainti intinding paraan.
Ang tunay na layunin kung bakit ginawa ang pamanahong papel na ito ay dahil ito ay aplikasyon
ng nobela ng aking binasa at ilahad ito sa mas maganda at kauna unawang paraan. Kung
paano mo ito iintindihin ang kwentong ito na maaring makaganda at makaapekto sa sariling
pananaw sa buhay. Maraming oras na ginugugol upang makamit ang pagtapos o pagpasa ng
pamanahong papel na ito.

PAGHAHANDOG

ihahandog ko ang Pamanahong papel na ito sa aking Guro, kaibigan,


kapamilya at sa aking kapwa kamag-aral upang magkaroon sila ng ideya tungkol sa Nobelang
Anino ng Kahapon ni Francisco Laksamana na base sa mga nakaraan ng ibang tauhan at
karanasan. Sa bayang Ilaya na batbat ng gamba,panganib, at lagim. Sa mga taong
makakabasa nito, ang kwentong ito ay nagpalawak sa aking isipan. Naway lumawak ang inyong
isip sa pagdagdag ng ideyang nabasa nyo sa nobelang Anino ng Kahapon ni Francisco
Laksamana.

PASASALAMAT

Nais kong pong pasalamatan ang mga taong nasa paligid ko na patuloy pong
aking gabay sa lahat ng aking pang araw-araw na gawain ang aking mga magulang, na
nagbibigay sakin ng kape para di ako antukin sa pag basa ng nobelang ito at sa kompyuter na
ginagamit ko po ngayon. Sa mga kaibigan kong nag bigay ideya sa mga parteng di ko
maintindihan,sa Diyos na dahilan kung bakit patuloy akong binibigyang lakas at kakayahan sa
paggawa ng pamanahong papel na ito, Maraming salamat po.

TALAAN NG NILALAMAN
I. Pamagat

1. Bakit pinamagatang Anino ng kahapon ang nobela?

2. Ano ang sadyang kaukulan ng pamagat?

3. May mahalaga bang ginampanan ang pamagat sa nobela?

II. Banghay: (Pinaka diwa ng nobela)

A. Kalinangan Pilipino (Culture)

1. Pananampalataya

2. Paniniwala

3. Pagdiriwang ( Tradisyon )

4. Kaugalian

5. Pamahiin

B. Kabihasnan ( Civilization )

1. Pananamit

2. Pamumuhay

3. Paggalaw

4. Inumin at Pagkain

5. Gawi at kilos

III. Buod

IV. Paglalarawang-Tauhan

V. Uri ng nobela

VI. Tagpuan

VII. Mensahe
VIII. Aral

1. Anu-ano ang mga magagandang aral ng nobela?

2. Lagyan ng intro ng angkop na salawikain

3. Sa pagkakabasa mo ng nobela, nagbago ba ang iyong isip,damdamin,ugali? Bakit?

ANG KATAWAN
Pagsusuring-basa ng Nobelang ANINO NG KAHAPON

I. Pamagat: Anino ng kahapon ni Francisco Laksamana


1. Ito’y pinamagatang Anino ng kahapon ni Francisco Laksamana ay naglalahad ng
mikrokosmo ng lipunang Filipino na ipinaloob sa bayang Ilaya. Nababatay sa mga karanasan at
mapapait na pangyayare sa mga tauhan ng Nobelang ito. Ang paghihiganti ng taong api at ang
pag balik sa mga nakaraang hindi na muling mababalik.

2. Ang nobela ay naglalarawan sa buhay at pananaw ng mga nasabing tauhan.


Nababatay o nahalintulad ito sa anino dahil nabalik sila sa sa mga nakaraan na hanggang
ngayo’y makabuluhan. Ginawang “Anino ng kahapon” ang pamagat dahil sa nakaraan na
kanilang patuloy na inuulit-ulit.

3. May mahalagang ginampanan ang pamagat na Anino ng kahapon sapagkat


nakasentro sa buhay o batay sa buhay nina Modesto at Elisea ang kwento. Bukod sa
nabanggit, mahuhugot sa makukulay na tagpo ang pambihirang dalumat sa pagpapahalaga sa
kalayaan,katwiran,at karangalan na pawang isinusulong noon ng mga anakpawis ng kapitan.

II. Banghay: ( Pinaka diwa ng nobela)

Ang pinaka diwa ng nobelang ito ay tungkol sa paglalaban ng kagustuhan ni


Modesto na makapag higanti kay Cruz dahil inaapi ni Cruz si Modesto. Ang kasama samaang
pag patay ng alipin kay Cruz dahil sa kasakim-sakimang pinagsasabi nito kay Modesto na sya
ngayo’y pinaghahanap ng mga guwardiya sibil. Ngunit sa huli pinasasalamatan nya si Seang
dahil lubos itong kinikilalanan ng malaking utang na loob,pagkat dahil sakanya’y natuto syang
magtanggol ng Matwid.

A. Kalinangan Pilipino (Culture)

1. Pananampalataya

Base sa nobelang aking nabasa ay masasabi kong maituturing ang ating mga
tauhan na hindi katoliko sapagkat hindi sila nagdarasal sa Diyos kahit sila’y nagawa ng mali.
Bayang walang dinidiyos kundi ang banal na Katwiran.

2. Paniniwala

Ang paniniwala sa nobelang nabasa ko ay nagsasabing: Mahirap ang mabuhay


sa sansinukob,at sa tanang sandali’y walang lubay ang hakbang na tungo sa pagtanda at
pagkalagas.
3. Pagdiriwang (Tradisyon)
Tradisyong pagtapos ng misa ay mga babaeng nag sibukasan ang aliw; dito na
ang paggagahamang loob ng mga nananabik at walang di ibig pamalagiang titigan.
4. Kaugalian

Ang kaugaliang sabi at parangal ng matatanda sa bayan, na: “Ihanda muna


ang puhunan,bago naisin ang pakinabang” na totoong nananaimtim sa puso ng mga binata at
siyang tuntuning sinusunod sa ngalang pangingibig; kaya madalas namang sa harap ng
simbahan o sann mang pook, ay un-unang nasasambit ang ukol sa puhunang dunong.

5. Pamahiin

Sa kabuhanginan at saan mang dako’y kinasisilawan sanda-sandali sa


malalapit na tingin, ang nagsipot-sipot na kislap ng mga wari’ybituing maliit. sa pamahiing ng
matatandang nagsasabing: Mahirap ang mabuhay sa sansinukob, at sa tanang sandali’y
walang lubay ang hakbang na tungo sa pagtanda at pagkalagas.

6. Sining

Walang pinakitang talento ang mga tauhan sa nobelang ito.

B. Kabihasnan (civilization)

1. Pananamit

Sina Elisea, Modesto, Intong, Cruz at iba pang nasabing tauhan ay may simple
lang na pananamit dahil sa hindi ganun sila mapili sa kanilang susuotin. Mga hamak na alila’y
tamang tama lamanng ang pera.

2. Pamumuhay

Si modesto ay isa lamang ding alipin na naghahangad ng kung ano sa buhay


kaya nakapatay at kinasusuklaman at gustong mahuli ng mga guwardiya sibil dahil sa mga
nassabing pagpatay nya kay Cruz na walang kalaban laban sa kadahilanang gusto nya lamang
makapag higanti. Si intong naman ay simpleng namumuhay na ibig iparating sa bayang ng mga
taong munti’t malaki,makapangyarihan at hindi,mayaman at dukha, ay pantay pantay sa harap
ng mga karapatang nila’t matuwid. Si Seang ay namamagitang langit at lupa ay si Intong dahil
sa kanilang pag iibigan.

3. Paggalaw

Sina Intong, Elisea at Elisea ay walang arte sa pag suot ng damit. Dahil simple
lang silang mamuhay na walang bahid ang katawan ng kahit anumang mga alahas. kasi wala
naman silang dahilan upang maging maarte sa mga bagay bagay dahil wala naman silang
mapapala sa isang taong kung maiinarte sya.
4. Inumin at Pagkain

Ayon sa aking nabasa si intong ay isang alilang nagtatarabaho ng sapat makakain


ng masarap at tama o wastong pagkain kada araw. Na kung anong pagkain ay hindi na
naghahanap ng iba pa. At nagpapasalamat sa Diyos at nabigyan siya ng biyayang ito.

5. Gawi o kilos

Si Intong ay maayos sa kanyang ginagawa at si Modesto ay satingin nyay kulang


parin na kala nya’y bawat gawa nya’y taong nahusga sakanya. Ang paglibak at kinukutya-kutya
sa kanyay tuwina ni Sarchento Mario Cruz ay pinalubha pa sa dati. Hindi mandin nasisiyahang
loob siya kundi pa makitang sya’y aping api na sa lahat.

III. Buod

Inilugar ang nobela noong papaupos na ang kolonyalismong Espanyol sa bansa.


Inilahad dito kung paano nagpasiya si Modesto Magsikap na kamtin ang sariling hustisya at ang
mabigat nitong resulta. Sinaksak at napatay ni Modesto si Sarhento Cruz, ang maangas na manliligaw
ni Elisea Liwayway. Tumakas si Modesto ngunit nahuli at ikinulong. Di nagtagal, isang pangkat ng
bandido ang pumasok sa bayan at pinalaya ang lahat ng bilanggo. Nagbalik si Modesto sa kaniyang
bayan at nabatid na namatay na ang kaniyang ama. Noong burol, napatay ni Modesto si Tenyente
Rosca, ang isa pang manliligaw ni Elisea. Ikinulong ang dalawa niyang kapatid habang tumindi ang
paghahanap kay Modesto. Sa paniniwalang hindi niya makakamit ang hustisya sa Filipinas na
pinamumunuan ng mga Kastilang administrador at frayle, tumulak pa-Amerika si Modesto. Sa
kaniyang mga liham kay Elisea, ikinuwento niya ang magagandang pagkakataong makikita sa
bansang iyon. Makalipas ang limang taon, nagbalik si Modesto at nakumbinsi na mapagkandili ang
pananakop ng Amerika.

IV. Paglalarawang-Tauhan

● Modesto- Ang alilang pumatay kay Cruz.


● Elisea- Umiibig kay Intong.
● Intong- Umiibig kay Seang.
● Seang- Umiibig kay Intong.
● Kapitang Lucas- Ama ni Seang.
● Roca- Ale ni Seang, Isa sa pinatay ni Modesto.

V. Uri ng nobela

Ito ay uri ng nobelang tradisyonal na sumasaklaw sa mga pangyayaring


naganap sa kasaysayan. Ang paksa ay aktuwal na pangyayari o mga sitwasyong kahawig ng
aktuwal na kalagayang umiiral sa isang bansa. Ang diin ay nasa paglalarawan ng tradisyonal na
lipunan at mga palasak na paniniwala.
Bagaman ibinabatay sa kasaysayan o tunay na naganap sa isang partikular na panahon ang
nobelang historikal, may pagkakaiba ang nobela at kasaysayan. Mas obhetibo ang historyador
samantalang may pagkasubhetibo ang isang nobelista, dahil maari siyang magdagdag o
magbawas ng pangyayari.

VI. Tagpuan

Saan: Sa bayang Ilaya,Ilog

Kailan: Abril 28,1890

VII. Mensahe

Mensaheng maibabahagi ko po sainyo ay wag tayo padalos dalos sa ating mga


gusto o balak gawin,isipin muna natin kung ito ba’y makakasira o makakabuti sa ating buhay.
mensaheng binibigay ng Nobelang anino ng kahapon ni Francisco Laksamana ay “kahit n
anong bagay na gustong mong gawin, at sa palagay mo’y nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa
mo… hindi ka mahihirapan. Sa kabila n’yon, maliligayahan ka”. Kapag sa una palang pinili
mong maghiganti dahil sa pangungutya o pangaaping ginawa sayo ay lalagay mo n sa kamay
mo ang batas. Habang sila Intong at Seang nagaantay na dumating ang panahong maging
masaya sila ay ito naman kanilang nakamit. Basta’t makakapag antay ka lamang .

VIII. Aral

1. Sa buhay ni Modesto marami siyang pinagdaanan mapa masama man to at


kaligayahan ang pagsubok na pinagdaanan ay hindi siya nawalan ng pag-asa bagkos sya’y
nagbago at nag antay namaging katanggap tanggap muli sa kanyang pag babalik sa kanilang
Bayan. Lumakas ang kanyang loob na ang lahat ay maayos din.
2. kung hindi uukol, hindi bubukol
Kahulugan: Ang swerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi nakalaan para sa
iyo.

3. Nagkaroon ng malaking epekto saakin nang matapos kong basahin ang nobela.
Nang umabot na sa pinakahuling talata naipakita na walang masamang tao ang di nagbabago
sa huli. Ibig ko hong sabihin lahat po ng tao ay may pinagsisisihan sa huli. Wag mo lalagay sa
kamay mo ang batas dahil sa kadahilanang naapi ka bagkos maging matang o malakas at
magdasal ka upang di ka makgawa ng hindi makakabubuti sa sarili mo. Dahil walang taong
gustong maghirap at magtago sa kasalanang nagawa kung hindi mo ito haharapin at lalabanan.