Sei sulla pagina 1di 9

Unit Plan Template

Note: Type in the gray areas. Click on any descriptive text, then type your own.

Author Information

First and Last Name: Sandra May Ong Maclang


Email Address: sandramaclang@gmail.com
Name of School: Lapaz National High School
Division: Division of Iloilo City
Municipality/City, Province, Region: Region VI - Western Visayas
Country: Philippines

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 1
If your Portfolio is chosen to be uploaded to the Intel® Teach to the Future database, do you
want your name displayed as the author? Yes No

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 2
Unit Overview
Unit Plan Title: Tinimbang Ka Ngunit Kulang: Ang Suliranin ng Kakapusan
Curriculum-Framing Questions
Bakit pili lamang sa ating mga kagustuhan at
Essential Question
pangangailangan ang maaari nating makamtan?
Ano ang kakapusan at bakit ito mahalagang pag-aralan?
Unit Questions Maaari bang labanan ang suliranin ng kakapusan?
Bakit mahalagang ingatan ang ating kalikasan?
Ano ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na
pamumuhay?
Ano ang Production Possibility Frontier at paano ito
nagagamit?
Anu-ano ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-
Content Questions
araw-araw na pamumuhay?
Bakit nasasabing isang pangunahing suliraning panlipunan
ang kakapusan?
Anu-ano ang maaari nating gawin upang malabanan ang
suliranin ng kakapusan?
Unit Summary:
Ang Yunit na ito ay dinisenyo upang mapahalagahan ng mga mag-aaral ang katotohanan ng
KAKAPUSAN sa pang-araw-araw na pamumuhay. Matutukoy nila ang mga palatandaan ng
kakapusan sa paligid at makabubuo sila ng konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing
suliraning panlipunan.
Sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang Unit Website, masusukat ng lubos ang pag-unawa
ng mga mag-aaral sa mga mahahalagang paksang kabilang sa yunit na ito. Mabibigyan sila
ng pagkakataong maibahagi sa mundo ang kanilang kaalaman tungkol sa Suliranin ng
Kakapusan at magkakaroon sila ng mabisang forum upang malayang makipagdiskurso sa
kahit sinuman sa mundo. Hindi lamang sila magiging tagapagtanggap ng kaalaman mula sa
Internet, kundi magiging tagapagbahagi na rin sila dito.
Sabi ng tanyag na manunulat na si Anton Chekov, “Knowledge is of no value unless you
put it into practice.” Ito ang prinsipyong sinusunod ng Tinimbang ka Ngunit Kulang. Hindi
lamang sapat na maunawaan ng mga mag-aaral ang konsepto ng kakapusan—kailangan rin
nilang tugunan ang hamon nito sa lipunan. Magmumungkahi sila ng mga paraan upang
malabanan ang kakapusan sa isang napiling pinagkukunang-yaman sa kanilang komunidad.
Bubuo sila ng isang proyekto na maaaring makatugon sa suliranin ng kakapusan sa napiling
pinagkukunang-yaman. Pagkatapos ng Yunit na ito, hindi lamang teoretikal na kaalaman ang
maiuuwi ng mga mag-aaral, kundi kasiyahan rin sa pagkakaroon ng konkreto at positibong
kontribusyon sa lipunan.
Subject Area(s): Click box(es) of the subject(s) that your Unit targets
Business Education Drama Other: English
Engineering Foreign Language Other: Filipino
Home Economics Industrial Technology Other: Makabayan
Language Arts Mathematics
Music Physical Education

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 3
School to Career Science
Social Studies Technology
Grade Level: Click box(es) of the grade level(s) that your Unit targets
Kindergarten 2nd Year High School Gifted and Talented
Grade 1 -3 3rd Year High School Resource
Grade 4 - 6 4th Year High School Other
1st Year High School English as a Second
Language
Targeted Philippine K to 12 Curriculum Competencies
1) Naipakikita ang ugnayan ng kakapusan sa pang- araw-araw na pamumuhay.
2) Natutukoy ang mga palatandaan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
3) Nakabubuo ng konklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning
panlipunan.
4) Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang malabanan ang kakapusan
Student Objectives/Learning Outcomes:
Natutukoy ang pangunahing katangiang karaniwan sa lahat ng ating
Knowledge mga pinagkukunang-yaman.
Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng KAKAPUSAN.
Napapaliwanag ng mabuti ang ugnayan ng KAKAPUSAN sa pang-
araw-araw na buhay.
Nailalarawan sa pamamagitan ng Production Possibilities Frontier o
Comprehension PPF ang konsepto ng choices, trade-off, opportunity cost, at
kakapusan.
Natutukoy ang iba’t-ibang mga PALATANDAAN ng KAKAPUSAN sa
pang-araw-araw na buhay.
Nasisiyasat ng masuri ang halaga ng isang napiling pinagkukunang-
yaman at ang maaaring maging epekto ng kakapusan nito sa lipunan.
Analysis
Nasusuri ang iba’t-ibang mga salik na nakapagdudulot ng kakapusan
sa napiling pinagkukunang-yaman.
Nagagamit ang nabuong proyekto upang malabanan ang kakapusan
Application
sa sariling komunidad.
Nakahihinuha buhat sa mga katibayang patunay na ang kakapusan
Evaluation
ay isang pangunahing suliraning panlipunan.
Nakapipili ng pinakamabisang paraan upang malabanan ang
Evaluation
kakapusan ng napiling pinagkukunang-yaman sa sariling komunidad.
Nakapagmumungkahi ng iba’t-ibang mga paraan upang malabanan
Synthesis
ang suliranin ng kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman.
Nakapaglilikha ng isang proyektong nakatutugon sa suliranin ng
Synthesis
kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman.
Procedures:
Unang Araw: Pagganyak at Oriyentasiyon
MGA LAYUNIN:
Natutukoy ang pangunahing katangiang karaniwan sa lahat ng ating mga pinagkukunang-
yaman.
Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng KAKAPUSAN.
1) Ilalahad sa mga mag-aaral ang mga inaasahang magaganap sa loob ng siyam (9) na
pagkikita sa pamamagitan ng isang slideshow presentation.

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 4
2) Hahatiin ang klase sa apat (4) na grupo at ibabahagi na ang apat na paksa na kailangan
nilang gawan ng webpage (maaaring maglalaman ng isang artikulo, video, o slideshow)
para sa Unit Website:
a) Ang Konsepto ng Kakapusan
b) Ang Kakapusan sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Production Possibilities Frontier
c) Mga Palatandaan ng Kakapusan
d) Kakapusan Bilang Suliraning Panlipunan
3) Ibibigay sa kanila ang address ng Facebook Page <https://www.facebook.com/Tinimbang-
Ka-Ngunit-Kulang-Ang-Suliranin-ng-Kakapusan-147087545816262/> para sa yunit na ito. I-
uupload dito ang lahat ng mga kakailanganin nila sa yunit (Mga Unit Slideshow, Gabay na
Katanungan, Mga Rubrik, atbp.) Dito sila maaaring pumunta kapag may karagdagang
katanungan ukol sa yunit.
4) Ipakikilala sa mga mag-aaral ang konsepto ng kakapusan sa pamamagitan ng isang
LARO.

Ikalawang Araw:
MGA LAYUNIN:
Napapaliwanag ng mabuti ang ugnayan ng KAKAPUSAN sa pang-araw-araw na buhay.
Nailalarawan sa pamamagitan ng Production Possibilities Frontier o PPF ang konsepto ng
choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan.
Natutukoy ang iba’t-ibang mga PALATANDAAN ng KAKAPUSAN sa pang-araw-araw na
buhay.
Nakahihinuha buhat sa mga katibayang patunay na ang kakapusan ay isang pangunahing
suliraning panlipunan.
1) Sa tulong ng isang slideshow presentation, ididiskurso ng guro at ng mga mag-aaral
ang ugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay at matuturuan silang gumamit
ng PRODUCTION POSSIBILITIES FRONTIER.
2) Iiwanan sila ng mga sumusunod na katanungan:
a) Anu-ano ang mga palatandaan ng kakapusan sa lipunan?
b) Bakit maituturing na suliraning panlipunan ang kakapusan?
3) Isusumite ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagot sa mga katanungang iyon sa
grupong nakatakdang lumikha ng webpage ukol dito. Kailangan nilang mabigay ang
kanilang mga sagot sa mga nakatakdang grupo sa susunod na pagkikita.

Ikatlo at Ika-aapat na Araw: Paglikha ng Unit Website


MGA LAYUNIN:
Natutukoy ang pangunahing katangiang karaniwan sa lahat ng ating mga pinagkukunang-
yaman.
Nabibigyang kahulugan ang konsepto ng KAKAPUSAN.
Napapaliwanag ng mabuti ang ugnayan ng KAKAPUSAN sa pang-araw-araw na buhay.
Nailalarawan sa pamamagitan ng Production Possibilities Frontier o PPF ang konsepto ng
choices, trade-off, opportunity cost, at kakapusan.
Natutukoy ang iba’t-ibang mga PALATANDAAN ng KAKAPUSAN sa pang-araw-araw na
buhay.

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 5
Nakahihinuha buhat sa mga katibayang patunay na ang kakapusan ay isang pangunahing
suliraning panlipunan.
1) Sa Computer Laboratory gaganapin ang pagtatagpong ito upang magamit ng mga mag-
aaral ang mga computer sa pagsaliksik at pagbuo ng webpage sa nakatakdang paksa.
Magtatayo lamang bilang gabay sa paggawa ang guro sa pagtatagpong ito. Ipaaalala sa
kanila na dalawang pagtatagpo lamang ang nakalaan para sa pagbuo ng mga nilalaman
ng webpage at sa paglikha ng website. Maaari na nilang simulan ang paglikha ng website
kasabay ng pagbubuo ng mga artikulo/video/slideshow para sa kanilang webpage.
2) Kailangang aprubahan muna ng guro ang nabuong artikulo/video/slideshow bago ito
maaaring i-upload.
3) Inaasahang buo na ang Unit Website sa ika-apat na pagtatagpo.

Ikalima hanggang Ika-anim na Araw:


MGA LAYUNIN:
Nasisiyasat ng masuri ang halaga ng isang napiling pinagkukunang-yaman at ang maaaring
maging epekto ng kakapusan nito sa lipunan.
Nasusuri ang iba’t-ibang mga salik na nakapagdudulot ng kakapusan sa napiling
pinagkukunang-yaman.
Nakahihinuha buhat sa mga katibayang patunay na ang kakapusan ay isang pangunahing
suliraning panlipunan.
1) Pipili ang bawat grupo ng isang pinagkukunang-yaman na sa tingin nila ay mahalaga
sa lipunan. Kailangang maaprubahan ng guro ang napiling pinagkukunang-yaman
upang masigurado na walang magkakapareha.
2) Kailangan nilang masagot ang mga sumusunod na katanungan tungkol dito:
a. Bakit mahalaga ang napiling pinagkukunang-yaman?
b. Ano ang maaaring maging epekto ng kakapusan nito sa lipunan?
c. Anu-ano ang mga salik na nakapagdudulot ng kakapusan sa yamang ito?
3) Palalabasin sila ng maaga upang malayang makapagsaliksik at makakapagtalakayan
tungkol sa kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman. Hindi muna magkakaroon
ng pagtatagpo sa ika-anim na araw upang magkaroon sila ng panahong maglikha ng
slideshow presentation at brochure tungkol dito. Nakareserba na para sa kanila ang
Computer Laboratory sa mga araw na ito.

Ikapitong Araw:
MGA LAYUNIN:
Nakahihinuha buhat sa mga katibayang patunay na ang kakapusan ay isang pangunahing
suliraning panlipunan.
Nakapagmumungkahi ng iba’t-ibang mga paraan upang malabanan ang suliranin ng
kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman.
1) Iuulat ng bawat grupo ang kanilang nasuri tungkol sa napiling pinagkukunang-yaman.
Bibigyan nila ng brochure ang lahat ng kanilang mga kaklase na nagbibigay-diin sa
pagiging suliraning panlipunan ng kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman.
2) Pagkatapos ng bawat pag-uulat, magkakaroon ng munting brainstorming session ang
klase: magmumungkahi ang mga mag-aaral ng mga posibleng solusyon sa
kakapusan ng napiling pinagkukunang-yaman ng bawat grupo.

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 6
3) Ililista ito ng taga-ulat na grupo. Maaari rin nila itong dagdagan ayon sa kanilang
pagninilay at pagsasaliksik.

Ikawalo hanggang Ika-siyam na Araw:


MGA LAYUNIN:
Nakapagmumungkahi ng iba’t-ibang mga paraan upang malabanan ang suliranin ng
kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman.
Nakapipili ng pinakamabisang paraan upang malabanan ang kakapusan ng napiling
pinagkukunang-yaman sa sariling komunidad.
Nakapaglilikha ng isang proyektong nakatutugon sa suliranin ng kakapusan sa napiling
pinagkukunang-yaman.
1) Gamit ang nabuong listahan ng mga posibleng paraan upang masolusyunan ang
kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman, pipiliin ng bawat grupo ang tingin nila
pinakamabisang solusyon. Gagamiting batayan sa pagpili ang inaasahang dami ng
pinagkukunang-yaman na maisasalba o maidadagdag sa suplay sa pamamagitan ng
naibigay na solusyon. Aalamin nila ang mga kakailanganin upang maisasagawa ito.
2) Titingnan ng bawat grupo ang kanilang mga sarili at huhusgahan nila ang kakayahan
nila sa pagsasagawa ng pinakamabisang solusyon. Kung feasible ito, ito na ang
gagawin nilang proyekto. Kung hindi, lilikha sila ng proyekto na maaaring maging
alternatibo sa pinakamabisang solusyon.
3) Gagawa ang bawat grupo ng isang PANUKALANG PROYEKTO upang matugunan
ang suliranin ng kakapusan sa napiling pinagkukunang-yaman. Kailangang punan ang
PROJECT PROPOSAL TEMPLATE. Dapat maaprubahan na ito ng guro pagkatapos
ng ika-siyam na pagkikita.

ISANG BUWAN MULA NG PAG-AAPRUBA:


MGA LAYUNIN:
Nagagamit ang nabuong proyekto upang malabanan ang kakapusan sa sariling komunidad.
1) Habang patuloy na ginagamit ang bawat pagtatagpo sa pagpapatupad ng mga layunin
sa sunod na unit, isasagawa na ng bawat grupo ang aprubadong proyekto sa napiling
komunidad. Sisiguraduhin ng guro na sa panahong ito, wala na silang ibang
kailangang asikasuhin sa labas ng silid-aralan kundi ang proyektong ito. Kakausapin
niya ang ibang mga guro sa ibang mga subheto na pagaanin lamang ang kanilang
mga trabaho sa panahong ito. Wala muna silang mabibigat na mga takdang-aralin o
proyekto sa kahit anong subheto sa loob ng apat na linggo.
2) Sa panahong ito, inaasahang makakabuo sila ng detalyadong ulat tungkol sa kanilang
proyekto at ang epekto nito sa napiling komunidad.
3) Pagkatapos ng isang buwan, maglalaan ng isang pagtatagpo upang maiulat ang
resulta ng proyekto sa klase at makapagbigay ng mga rekomendasyon upang
mapabuti ito. Bibigyan lamang ng 10 minuto ang bawat grupo upang maiulat ang
resulta ng kanilang proyekto.
4) PAGLALAHAT AT PAGNINILAY: Maglalaan ng 20 minutos upang maproseso ang
lahat ng natutunan sa yunit. Mga Gabay na Katanungan:
a. (Babalikan ang Esensiyal na Katanungan) Bakit pili lamang sa ating mga
kagustuhan at pangangailangan ang maaari nating makamtan?
b. Ano ang kakapusan at bakit ito mahalagang pag-aralan?

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 7
c. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo upang malabanan ang suliranin ng
kakapusan?
d. Bakit mahalagang ingatan ang ating kalikasan?
5) PAGSUSULIT: Gagamitin ang unang 40 minutos ng sunod na pagkikita upang
masagutan ang pagsusulit. Ang pagsusulit na ito ay batay sa nilikhang TABLE OF
SPECIFICATIONS (TOS).

Approximate Time Needed:


Inaasahang matatapos sa SIYAM (9) magkakasunod na pagkikita (tig-iisang oras bawat isa)
ang lahat ng mga layunin ng yunit na ito maliban sa pinakahuli (Application: Nagagamit ang
nabuong proyekto upang malabanan ang kakapusan sa sariling komunidad).

Bibigyan sila ng ISANG BUWAN upang makumpleto ang implementasiyon ng nabuong


proyekto sa sariling komunidad. Kakailanganin nila ang panahong ito upang makapagkolekta
ng mga datos na nagpapatunay na nakatulong sa pagsugpo sa suliranin ng kakapusan ang
kanilang proyekto. Sapagkat maaari nila itong gawin sa labas ng paaralan, hindi
kinakailangang gamitin ng layuning ito ang mga nakalaan na pagtatagpo sa paaralan. Maaari
nang simulan ang sunod na unit sa ika-sampung pagkikita.

Pagkatapos ng isang buwan, maglalaan ng ISANG ORAS (isang buong pagtatagpo) upang
maiuulat ng mga mag-aaral ang resulta ng kanilang mga proyekto at mapagnilayan ang mga
natutunan sa yunit.

Gagamitin ang unang 40 MINUTOS ng sunod na pagkikita para sa pagsagot ng pagsusulit.


Prerequisite Skills:
Alam na ng mga mag-aaral ang kahulugan ng ekonomiks at ang kahalagahan nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Naitalakay na rin sa kanila ang iba’t-ibang uri at halimbawa ng
mga pinagkukunang-yaman. Inaasahang marunong silang lahat gumamit ng Microsoft Word,
Powerpoint, at Publisher na siyang karaniwang ginagamit sa paaralan. Marunong rin silang
magsaliksik gamit ang Internet, at bumuo ng website gamit ang Blogger.com.

Materials and Resources Required For Unit

Technology – Hardware: (Click boxes of all equipment needed)


Camera Laser Disk VCR
Computer(s) Printer Video Camera
Digital Camera Projection System Video Conferencing
DVD Player Scanner Equipment.
Internet Connection Television Other: (Maaaring
madagdagan depende sa
Proyekto ng mag-aaral)

Technology – Software: (Click boxes of all software needed.)

INTEL® TEACH TO THE FUTURE


with support from Microsoft ©2000 Intel Corporation. All Rights Reserved 8
Database/Spreadsheet Multimedia Web Browser
Web Page Development E-mail Software Desktop Publishing
Image Processing Word Processing Other:
Encyclopedia on CD-ROM
Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Batayang Aklat) IV.
2012. pp. 60- 66.
Printed Materials: Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (Manwal ng Guro) IV.
2012. pp. 20-23.
Ekonomiks (Batayang Aklat) IV. 2000. pp. 66-72.
4 na malalaking sobre 3 lapis
2 gunting 1 ruler
1 bote ng pandikit 1 marker
Supplies: 12 paper clips
8 piraso ng papel (8.5x11): 1 asul, 1 berde, 1 puti, 2 pula, 3
dilaw
https://www.blogger.com/ (Gagamitin sa paglikha ng Unit
Website)
Internet Resources:
https://www.google.com/ (Gagamitin ng mga mag-aaral sa
pagsasaliksik)
Computer Laboratory access (irereserba para sa mga mag-
Others:
aaral sa apat na pagtatagpo)
Accommodations for Differentiated Instruction

Resource Student: Hindi kinakailangan

Gifted Student: Hindi kinakailangan

Magkakaroon sila ng Pagsusulit Tungkol sa Unit pagkatapos


ng Pagninilay.
Susukatin ang galling ng mga mag-aaral batay sa mga
sumusunod na rubrik:
Student Assessment: 1) Rubrik Para sa Unit Website
2) Rubrik Para sa Brochure
3) Rubrik Para sa Pag-uulat
4) Rubrik Para sa Pangkatang Proyekto

Key Word Search: Kakapusan, Production Possibilities Frontier

Page 9 of 9

Potrebbero piacerti anche