Sei sulla pagina 1di 9

BUOD

Unang araw ng pasukan pagkatapos ng klase ni Candice ay pumunta agad siya sa library
nang may bumati sa kanya at humihingi ng pabor na ibigay ang isang sulat kay Troy Mendoza.
Ibinigay naman niya ito at ipinakilala siya ng kapatid niyang si Charles sa apat na pangasar kaya
pagkatapos siyang ipakilala umalis agad siya . Ilanga raw ang lumipas pagkatapos ng klase ni
Candice pumunta muna siya ng banyo nang biglang may pumatay ng ilaw at hinalikan siya, hindi
niya nakita ang mukha kaya nang lumabas siya nakita niya si Jeydon kaya siya ang sinisi niya na
humalik sa kanya nang dumating si Charles at sinumbong niya ito at naisigaw niya na hinalikan
daw siya ni Jeydon kaya nagtawanan silang lahat pati na rin ang mga kaklase ni Jeydon.
Pagkauwi ni Candice ay nagulat siya nang may makitang video sa facebook niya kaya nang
pumasok siya kinabukasan ay parang sinumpa siya ng mga kaklase niya at nilalait siya lalo na
ang grupong powerpuff na sila Blossom,Bubble at Annie. Nang matapos ang klase niya
dumating si Stacey para sabunutan siya dahil kasintahan niya daw si Jeydon pero dumating si
Marky para tulungan si Candice.

Kinabukasan nang papasok na si Candice may narinig siyang kumakanta sa music room
kaya pumasok siya at napasabay siya sa kanta at nang napalakas ang pagkata ni Candice kaya
nabisto siya ni Marky pero dahil madilim akala ni Marky ay pusa lang iyon kaya dali dali siyang
lumabas at pagkalabas niya ay late nap ala siya kaya sinumbong siya ni Jeydon. At nakita siya ni
Jeydon kinabukasan, dahil maaga siya nakita siya ni Sir Jason at humingi ng pabor kay Candice
na turuan niya si Troy sa science, pagkasabi ni Candice kay Troy umuwi na siya at pagkaraan ng
ilang araw ay dumating si Troy kasama si Jeydon pero si Troy lang ang pinapasok niya at
pagkatapos nilang magaral ay nasa labas pa rin si Jeydon at gusting pumasok at maasar pa rin si
Candice pero hindi pumayag si Candice nang dumating si Charles kaya nakapasok na siya kaya
umakyat si Candice pero sinunadan siya ni Jeydon at nang tumayo si Candice para i- lock ang
pinto dumating ang aso niya at lumundag kay Jeydon kaya’t nadaganan siya si Jeydon kaya nang
makapasok si Charles agad naman niyang kinuha si Cholo at tinulak ni Candice palayo si Jeydon
kaya nagpaalam na si Jeydon kay Charles. Kinabukasan nasa library si Candice nang palabasin
siya ng librarian dahil pasigaw niyang sinagot ang mga tanong ni Tiffany kay Candice kaya
hinila siya nito at dinala siya sa tambayan niya at nagpakilala siya kay Candice. Nagbasa siya at
pagkatapos niyang magbasa nakita siya ni Jeydon at nagaasaran na naman sila kaya umalis na
lang si Candice at nasalubong niya si Sir Jason at sinabi ni Sir Jason na sa section eleven siya
kapag science class.

Pagkapasok niya katabi niya si Troy at Jeydon kaya inasar na naman ulit ni Jeydon si
Candice kaya humanap ng ipis si Candice at tinapon niya ito kay Jeydon kaya pagkatapos ng
ilang oras bumawi si Jeydon kaya tinago ni Jeydon ang bag ni Candice kaya hinanap ni Candice
ang bag niya dahil inaasthma na siya kaya daki-daling kinuha ni Jeydon ang inhaler at nagalit si
Candice dahil tinago niya ang bag nito. Pagkauwi ni Candice nagpaalam si Charles dahil
nakipagsuntukan ulit siya kaya nagpalusot na lang si Candice kay Candy. Kinabukasan may
lumapit sa kanya at tinanong kung saan si Charles pero hindi niya ito sinagot kaya inangat niya si
Candice pero tinulungan siya ni Jeydon. Pagkatapos ng klase ni Candice ay pumunta siya sa
canteen para hanapin si Charles nang tinapik ni Troy ang likod ni Candice at may papel na may
nakalagay “libre lait” pero kinuha ito ni Marky tsaka umalis pero lumingon ulit para sabihin kay
Candice na pumunta siya sa bahay nila Marky.

Pagpasok nila sa bahay nagpractice sila tsaka umuwi. Kinabukasan nagpaalam si Charles
dahil pupunata siya sa kaarawan ni Stacey pagkaalis ni Charles sumigaw si Candy dahil nasa
ospital daw ang papa ni Candice kaya si yaya na lang ang sinama ni Candy at pagkaalis nila
natulog na lang si Candice at pagkatapos ng ilang oras ay nagising siya dahil sa malakas na
dabog kaya umakyat ulit siya at humihingi ng tulong at sakto naman dahil may tumawag sa
kanya at humingi siya ng tulong. Nabuksan na ng magnanakaw ang pinto nang dumating ang
isang lalaki at iniligtas siya doon. Nagtaka naman si Charles dahil sa nangyari dahil sabi ng mga
pulis si Candice daw ang may gawa nun. Pero may naiwan daw na panyo at dogtag na may
pangalan na Candice pero sa Japanese nakasulat.

Makalipas ang ilang linggo may magandang balita daw si Sir Jason na si Candice daw ang
magiging representative ng section kaya humingi ng tulong si Troy sa mama niya na ipaayos si
Candice at nagging maganda naman ang kinalabasan dahil nakapasok si Candice sa magic 8
kasama si Margot pero pati na rin si Abby. Kinabukasan habang nag-jojoging si Candice ay
nabangga niya ang ate ni Jeydon na nagmamadali, at pinakiusapan ni Jaycee si Candice na
alagaan muna si Jeydon at hindi naman tumanggi si Candice na alagaan muna si Jeydon.
Pagkapasok naman ni Candice ay inalagaan niya muna si Jeydon at nang lumipas ang ilang oras
ay nagasaran na sila at binuksan na ni Candice ang ilaw kaya nakita niya ang mga doraemon ni
Jeydon kaya tawa ng tawa si Candice at pinaalis na lang siya ni Jeydon. Kinabukasan dumalaw si
Tiffany dahil kaarawan niya at humingi ng pabor na magdate sila ni Troy at nang tawagan ni
Candice si Troy ay pumayag agad si Troy kaya sinundan niya sila. Ikot siya nang ikot nang may
bumangga sa kanya at nagkataong si Jeydon at isusumbong daw siya ni Jeydon kay Troy kaya
pumayag na lang si Candice na ilibre siya ng ice cream at pati damit. nung pumipili si Candice
ng mura ay nakita niya ang damit na may LO kaya binili na ito ni Jeydon si Candice na may VE.
Pumunta sila Tiffany at Troy sa sinehan kaya sinundan niya ito at kumain na lang pagkatapos
manood. Nakita nila sila Abby at Marky na magkasama kaya nalungkot si Candice. Nang umupo
sila biglang naiyak si Candice kaya iniwan siya ni Jeydon ng panyo tsaka umalis.

Kinabukasan pagkapasok ni Candice ay nagulat na lang siya nang sabihin ni Abby na


tinanggal na daw si Marky sa basketball team kaya hinanap ni Candice si Jeydon pero hindi niya
mahanap nang naglunchtime na pumunta si Candice sa music hall at nagkita ulit sila ni Marky.
Pero hindi naman natiis ni Jeydon si Marky kaya bumalik na siya sa grupo. Finals na ng miss
campus kinabukasan kaya naghanda na si Candice, nagalit si Serina sa grupong powerpuff dahil
ang sama ng tingin nila kay Candice pero hindi naman pinansin ni Candice. Nag-umpisa na
silang rumampa, pagkatapos ay nagtalent portion at question and answer, maganda ang
kinalabasan dahil nanalo si Candice at 1st runner up si Abby at 2nd si Margot. Kinabukasan ay
lumapit si Stacey kay Candice para yayain siya sa bar nila Troy dahil may magandang balita daw
si Stacey. Pagdating nila sa bar ay napansin ni Candice na malungkot si Jeydon at nagulat na
lang siya nang sinabi na sinabi ni Stacey na ikakasal na daw sila ni Jeydon lumabas si Candice at
nang makalabas ay nagtapat na nga si Jeydon kay Candice pero walang reaksyon si Candice at
sabi ni Jeydon pagkatapos niyang malaman na ayaw din siya ni Candice ay kalimutan dawn a
lang niya si Jeydon tsaka unalis.Iyak naman ng iyak si Candice hanggang nakatulog na siya.
Kinabukasan nagulat na lang si Candice dahil sa mga picture niya sa school kasama sila Marky
at Jeydon na may nakasulat na Miss Campus, reyna rin sa kalandian tsaka dumating si Stacey at
Abby kasama ang powerpuff at pinagtulungan si Candice at Tiffany pero nang dumating si
Jeydon ay wala siyang ginawa at hhinayaan nalang sila Stacey na gawin iyon sa kanila. Kaya
umalis si Candice at umupo na lang sa gitna ng kalsada nang hilain siya patayo ni Jeydon at
dinala sa bahay nila Jeydon. pagkaalis ni Jeydon ay natulog si Candice at nang magising ay
naglibot-libot muna siya sa bahay nila Jeydon at may nakitang isang sulat at nang matapos
niyang mabasa ang sulat ay nakaramdam siya ng selos at dahil sa naramdaman niya ay
nakumpirma niya na gusto rin niya si Jeydon kaya hinanap niya ito at nagtapat kay Jeydon sa
labas ng bar nila Troy.
 Mga Tauhan:

Candice Gonzales- kapatid ni Charles, nerd weird pero simple.

Jeydon Lopez- lider ng grupong apat,hari daw ng school,gwapo,mayaman,sikat at habulin


ng mga babae.

Troy Mendoza- palaging kasama ni Jeydon,cute,mayaman,sobrang kulit at ang


pinakababaero sa apat.

Charles Gonzales- kapatid ni Candice. Pinakamatanda sa apa,


pinakabasagulero,gwapo,mayaman at kinakatakutan sa school.

Marky Lim- crush ni Candice , tahimik,laging may sariling


mundo,gwapo,isnabero,masungit,mayaman at magaling kumanta.

Candy Gonzales- nanay ni Candice at Charles,mabait,supportive,may pagkaabnormal at


laging nag-iisip ng malisya kay Candice at Jeydon.

Yaya- katulong nila Candice,mabait at may pagkaabnormal.

Tiffany- kaibigan ni Candice at ang dahilan kung bakit napalit si Candice sa


apat,mabait,maganda,supportive.

Sir Jason- teacher ni Candice at ang dahilan kung bakit napalapit si Candice kay
Troy,mabait.

Jaycee Lopez- kapatid ni Jeydon,mabait,mayaman,maganda at pang tapat kay Jeydon.

Tracey Mendoza- nanay ni Troy,mabait,maganda at mayaman.

Margot- kaibigan ni Candice, maganda,tahimik,mabait,mayaman at may pagkamaasar.

Serina- dating kasintahan ni Charles,mabait,maganda,mayaman at sobrang protective kay


Candice .

Ginno- miyembro ng basketball team at kaibigan nila Troy,mabait,gwapo at mapangasar.

Six- miyembro ng basketball team at kaibigan nila Troy,gwapo,mapangasar at mabait.

Pepper- nagayos kay Candice,mabait may pagkaabnormal at maingay.

Salt- nagayos kay Candice,mabait may pagkaabnormal at maingay.

Bubbles- lider ng grupong powerpuff,mapanglait,inggetera,masama ang ugali.

Blossom- lider ng grupong powerpuff,mapanglait,inggetera,masama ang ugali.


Annie- lider ng grupong powerpuff,mapanglait,inggetera,masama ang ugali.

Abby- dating kasintahan ni Marky,maganda pero masama ang ugali.

Stacey- fiance’e ni Jeydon,maganda,mayaman pero masama ang ugali.

Chelo- ang aso ni Candice ,maliit,makulit at laging gutom.

Tagpuan:

- School, Bahay nila Candice, Bhay nila Marky, Bahay nila Jeydon, Mall, Presinto,
at ospital.
URDANETA CITY NATIONAL HIGHSCHOOL

URDANETA CITY

PAGSUSURING BASA

SA

FILIPINO 8

IPINASA NI:

ADRIAN B. YSIT

IPINASA KAY:

GINANG MARIVIC P. DELOS SANTOS


URDANETA CITY NATIONAL HIGHSCHOOL

URDANETA CITY

PAGSUSURING BASA

SA

FILIPINO 8

IPINASA NI:

ARON JAMES O. DIZON

IPINASA KAY:

GINANG MARIVIC P. DELOS SANTOS


PAMAGAT:

THE FOUR BAD

BOYS AND ME

MAY-AKDA:

MA. CRISTINA G. LATA


Pagsusuri:

Suliranin o Kasukdulan

Ang naging kasukdulan ng kwento ay yung nagtapat si Jeydon kay Candice pero walang
naging reaksiyon si Candice kaya sinabi na lang ni Jeydon na kalimutan na lang nila ang isa’t isa
at naging magkagalit sila sa isa’t isa.

Reaksyon

Ang naging reaksiyon ko sa kwento ay naging masaya dahil nabasa ko at dahil sa mga aral
na napulot ko sa kwento.

Pagpapahalaga

Ang aral na napulot ko ay dapat wag gumanti sa mga taong ginagawan ka ng


masama,dedmahin ang mga taong nanlalait sa iyo.

Gustong Wakas ng Kwento

ang gusto kung wakas ng kwento ay yung magkakaayos sila Candice at Jeydon at hindi na
matutuloy yung kasal nila Jeydon at Stacey at sila Candice at Jeydon ang magkakatuluyan.
Talasalitaan:

1. Sinumpa-laging inaasar ni Ana si Jona na sinumpa daw siya.


2. Kinabukasan- aalis na ang barko kinabukasan
3. Kasintahan- laging nag-aaway ang kapitbahay naming magkasintahan
4. Nabisto- nabisto namin ang magnanakaw
5. Pagkaraan- pagkaraan ng ilang araw ay naubos din ang pera niya
6. Lumundag- napalundag sa takot ang aming guro
7. Kaarawan- tuwing kaarawan ni Ana ay naghahanda sila
8. Nilalait- nilalait nila ang isang batang walang kalaban laban
9. Dabog- laging nagdadabog si Earl sa tuwing uutusan siya
10. dali dali- dali dali niyang binuhat ang aso na nabangga ng kotse

Potrebbero piacerti anche