Sei sulla pagina 1di 3
Republic of the Philippines ) City of Muntinlupa SS. SINUMPAANG SALAYSAY ‘Ako po si JOEL CAPONES y DURO, N201P-1163, Pilipino, 42 taong gulang, isang inmate dito sa New Bilibid Prison, Muntinlupa City, matapos na makapanumpa ng naaayon sa batas, ay kusang loob na nanunumpa at nagsasaad ng mga sumusunod 1. Ako po ang kumander ng grupong Sigue Sigue Sputnik, ang pinakamalaking pangkat ng mga bilanggo sa loob ng Maximum Security Compound, New Bilibid Prison na may miyembrong umaabot sa bilang na 2,500 2. Noong Disyembre ng 2013, ipinatawag ako ni Jaybee Sebastian, ang Commander ng grupong Sigue-Sigue Commando at Chairman ng League of Commanders. Si Jaybee ay kilala sa loob ng Bilibid na may mga mabibigat na protektor. Alam din ng lahat na napakalakas niya kay DOJ Secretary Leila De Lima. Sinabi niya sa akin na baka kailanganin namin na magbenta ng droga sa loob at labas ng Bilibid dahil nangangailangan ng tulong ni Sec. De Lima para sa pondo sa SOA eleksyon sa 2016. Sinabi ko sa kanya na timbrehan na lang niya ako kung matutuloy. 3. Noong Enero 2014, pinatawag ulit ako ni Jaybee kasama ng mga mayor ng Sigue Sigue Sputnik. Sinabi sa akin ni Jaybee na kailangan na magbenta ng droga para matustusan ang kampanya ni Sec. De Lima sa 2016 dahil tatakbo itong senador. Iniutos din niya na alalayan ko ang mga mayor at tiyakin na mabayaran siya ng kumpleto. Ipinaliwanag niya sa akin na kung matalo man si Sec. De Lima sa pagkasenador, siguradong magiging DILG Secretary naman ito dahil si Mar Roxas ang magiging pangulo. 4, Ipinaliwanag niya rin sa amin na ang mga tutulong sa paglikom ng pondo para kay Sec. De Lima ay sagot niya at mapupruteksyunan at walang anumang magiging problema o panganib, samantalang ang sinumang babangga o sasalungat ay may paglalagyan. Ganunpaman, wala naman talaga kaming ibang mapagpipilian dahil kaya ni Jaybee na magpapatay at magpalipat sa malalayong piitan. 5. Mula noon, dinadalhan o pinapadalhan na ako ni Jaybee ng shabu para ibenta at ito naman ay pinaghahati-hati sa aming grupo para ibenta sa loob ng Bilibid. Ang mga transaksyon sa labas ay ginagawa sa pamamagitan lamang ng cellphone. WA; 2 . Halos kasabay nito, kami ay pinayagan na ng mga bagong pribilehiyo sa Maximum Security. Ako ay nagkaroon ng aifcon at refrigerator sa aking kubol. Pinayagan din ako na gumamit ng motorsiklo sa loob ng Maximum Security Compound. Naging mas maluwag din ang pamunuan ng NBP sa kanilang pagpapatupad ng mga patakaran sa amin 7. Noong buwan ng Pebrero 2014, ipinakilala sa akin ni Jaybee sa kanyang kubol na tinatawag na “Bahay na Bato” ang isang Jad De Vera na pamangkin raw ni Sec. De Lima, at siya raw ang magiging kolektor ng bentahan sa loob para kay Sec. De Lima. Sinabi ni Jad sa akin na Miyerkules at Sabado siya mangongolekta. 8. Para sa mga transaksyon sa loob ng Bilibid, araw-araw ay naniningil ako sa mga mayor at iniipon ko ang mga bayad at ito ay ibinibigay ko kay Jaybee. Sa mga transaksyon sa labas naman, ang pera ay kinukulekta ko sa mga katransaksyon namin sa labas na dumadalaw sa Bilibid at ibinibigay ko din kay Jaybee. Sa bawat pagdala ko sa kanya ay binibilang ni Jaybee and pera sa kaniyang counting machine sa lamesa sa kaniyang kubol. 9. May mga pagkakataon, kapag nagdadala ako ng pera kay Jaybee, tinatawagan niya si Jad para sabihin na nandoon na ang pera. Sa dalawang pagkakataon ang pera na dinala ko kay Jaybee ay ibinigay niya kay Jad De Vera, mismo sa harapan ko. May isang pagkakataon kung saan tinawagan ako ni Jaybee at sinabi sa akin na pumunta ako sa kubol niya dahil patutunayan niya na ang koleksyon ay para kay Sec. De Lima. Pumunta ako at maya- maya'y dumating nga si Sec. Delima at nag-usap na sila ni Jaybee ng pribado. 1 Noong Marso at Abril 2014, bilang dagdag pagpapatunay sa akin ni Jaybee na nagbibigay nga siya kay Sec. De Lima ay ipinakita niya sa akin ang apat na deposit slip sa BDO account number 000920421288. 12. Noong buwan ng Oktubre 2014, nalaman ko na ako ay nakalista sa mga qualified sa parole. Dahil dito, ako ay nagpaalam kay Jaybee na titigil na sa anumang illegal na gawain at gusto kong makalaya at makapiling na sa wakas ang pamilya ko. Ang buong akala ko ay maluwag na tinanggap iyon ni Jaybee. 13. Ngunit mga ilang araw ang lumipas ay napansin ko na di na maayos ang pakikitungo sa akin ni Jaybee. Laking gulat ko pa nang magkaroon ng raid sa NBP noong ika-15 nga Disyembre 2014 at kasama ako sa inilipat sa NBI at inihanay sa mga tinatawag na High Profile Inmates. Kapansin-pansin na hindi isinama si Jaybee sa grupong ito. 14. Pansamantala ay ito na muna ang aking isasalaysay ngunit ako ay handang tumestigo at patunayan ang mga bagay na nakasaad dito. Z J pts Affian be day of SUBSCRIBED AND SWORN TO before me this © 647 _, 2016 in the City of Muntinlupa, Philippines, and | further certify that the affiant voluntarily executed contents of this affidavit.

Potrebbero piacerti anche