Documenti di Didattica
Documenti di Professioni
Documenti di Cultura
Catalina de Castro gave birth to a boy on November 30, 1863. Together with
husband Santiago Bonifacio, they decided to name the child "Andres" after St. Andrew
who was celebrating his feast day on the same date.
In one of his columns for the Inquirer, Murphy narrates his encounter with a school principal
in Maragondon who shared that Bonifacio literally marked his spot by often taking a piss at
the foot of one acacia tree on his way in and out of the nearby cell convento.
WIKIPEDIA
Si Andrs Bonifacio (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897) ay siyang namuno sa
rebolusyon ng Pilipinas laban sa Espanya, ang unang rebolusyon sa Asya na lumaban sa
pananakop ng mga bansang imperyalista sa Europa.
Siya ay isinilang noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Ang kanyang
magulang ay sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay nagsimulang mag-aral
sa paaralan ni Don Guillermo Osmea sa Meisic sa Binondo, Maynila subalit siya'y maagang
nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, may angkin siyang talino at
marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita sa wikang Kastila.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at
pamaypay na gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya bilangclerk, sales agent at
bodegista (warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang
itinatag ang La Liga Filipina, sumapi siya kasama ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na
kung ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may
diwa ng paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na
magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag
ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang
adhikaing kalayaan ng bayan. Noong 1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose
Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio ang Katipunan o kilala rin bilang
"Kataastasan,Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan" (KKK), isang lihim na
kapisanang mapanghimagsik, na di naglaon ay naging sentro ng hukbong Pilipinong
mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz, Deodato Arellano (bayaw
ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at ilang
manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M.
Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bilang "Ama ng Rebolusyon" sa
Pilipinas. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin
na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging
matagumpay.
Sa Katipunan, "Supremo" ang kanyang titulo at di naglaon nang itinatag niya ang
Pamahalang Mapaghimagsik ay tinawag siyang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan".
Dito rin niya nakilala si Gregoria de Jesus na tinawag niyang Lakambini. Noong Agosto
23, 1896, sa maliit na baryo ng Pugad Lawin (ngayo'y Bahay Toro, Project 8, Lungsod
Quezon) sa Balintawak ay tinipon nya ang mga Katipunero at isa isa'y pinunit ang kanilang
mga sedula.
Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga
Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lamang. Nanalo sa pagka-pangulo
si Emilio Aguinaldo, Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mababang
posisyong Tagapangasiwa ng Panloob (Interior Director).
Dahil sa ang mga kasapi ng Magdalo ay mga may kayang tao sa hilagang-kanlurang bahagi
ng Kabite at kanilang mga taga-sunod, ayaw nila kay Andres Bonifacio sapagkat ito ay isang
laki sa hirap at ayaw nilang tanggapin na sila ay pinamumunuan ng isang mahirap na
kagaya ng Supremo kaya't minamaliit nila ang kakayahan nito. Nang sinubukan ng mga
kasapi ng lupon ng mga Magdalo na usisain ang kakayahan ni Andrs Bonifacio na gawin
ang tungkulin ng isang Tagapangasiwa ng Panloob, na ayon sa kanila ay gawain lamang ng
isang abogado, nainsulto si Bonifacio. Idineklara ng Supremo, bilang pangulo ng Katipunan,
na walang bisa ang naganap na eleksyon dahilan sa pandaraya sa botohan ng mga
Magdalo. Dahil dito, kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo.
Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite, siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa
kanyang mga tauhan. Iniutos kayMariano Noriel na ibigay ang hatol sa isang selyadong
sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasama ang kanyang
kapatid na lalaking si Procopio Bonifacio noong ika-10 ng Mayo, 1897 malapit sa Bundok
Nagpatong (o Bundok Buntis).
Noong 1918, sinikap ng pamahalaan ng Pilipinas na hanapin ang labi ni Andrs Bonifacio sa
Maragondon. Ayon sa isang grupo ng mga opisyal ng pamahalaan, mga dating rebelde at
isang lalaking nagpakilala bilang dating kasambahay ni Bonifacio, nahanap daw ang
kaniyang mga buto sa isang taniman ng kawayan noong 17 Marso 1918. Inilagay ang mga
labi sa huling pamamahala ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas, at itinipon ito sa Lumang
Gusaling Batasan (ang kasalukuyang Pambansang Museo ng Pilipinas) hanggang sa nawala
ang urna noong panahon ng Labanan sa Maynila ng 1945
Founding of Katipunan
On July 7, 1892, upon learning that Dr. Jose P. Rizal was to be deported and that his works
were to be banned in the country, a secret council was convened in No. 72 Azcarraga
Street. In attendance were Andres Bonifacio, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Teodoro Plata,
Ladislao Diwa, Jose Dizon, and a few others, all members of La Liga Filipina, a progressive
organization founded by Rizal. The men assembled came to the agreement that a
revolutionary secret society must be founded, and thus the Kataastaasang KagalangKagalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan was born.
The objectives of the Katipunan, as the brotherhood was popularly known, were threefold:
political, moral, and civic. They advocated for freedom from the yoke of Spain, to be
achieved through armed struggle. They also saw it as their personal responsibility to help
the poor and the oppressed, and to teach them good manners, hygiene, and morality.
New recruits to the secret society underwent a rigorous initiation process, similar to
Masonic practices. A neophyte, dressed in black and accompanied by his sponsor, was
brought to a small room decorated with patriotic posters (1), in front of a cabinet draped in
black. He was then seated at a dimly-lit table, on which rested a bolo (2), a revolver (3), and
a set of questions which he must answer to the satisfaction of the members
assembled: What was the condition of the Philippines in the early times? What is the
condition today? What will be the condition in the future?
Contrary to popular belief, Andres Bonifaciothough undoubtedly one of the more
prominent founders of the Katipunanwas not its first Supremo or the President of the
Supreme Council. On July 15, 1892, the members of the Supreme Council were Deodato