Sei sulla pagina 1di 12

KABANATA 39

SI DONYA CONSOLACION
          

 
Bakit nakasara ang mga bintana ng bahay ng alperes?  Saan
naroroon, nang dumaraan ang
prusisyon, ang mukhang lalake at
nakasuot ng pranela - ang Medusa o
Musa ng Guwardiya Sibil?  Nahalata
kaya ni Donya Consolacion ang
masamang ayos ng kanyang noong
nalalatagan ng malalaking ugat, na
parang hindi ng dinadaan ng dugo
kundi ng suka at apdo, ang malaking
tabako na nagsisilbing hiyas ng
kanyang labing kulay-talong at ang
kanyang mainggiting paningin, at, sa
pag-sunod kaya niya sa isang
mabuting ng kalooban, ay pinili ang
hindi iskandaluhin, sa pamamagitan
ng kanyang kakila-kilabot na pagsipot,
ang katuwaan ng maraming mga tao.
 Ang kabutihan ng kalooban ay lumipas na sa kanya, noon
pang kapanahunang tinatawag na Siglo de Oro!1
Ang bahay ay malungkot sapagkat ang bayan ay nagsasaya,
gaya  nang sabi ni Sinang; walang mga parol ni banderitas.  Kung
hindi lamang mayroong sundalong bantay sa harap ng pinto ay
masasabing walang tao ang bahay.
            Isang malabong ilaw ang tumatanglaw sa walang
kaayusang loob ng bahay at nakapagpapaaninag sa maruruming
kapis na kinakapitan ng sapot ng gagamba at dinidikitan ng
alikabok.  Ang señora, alinsunod sa kanyang ugali na laging
walang ginagawa, ay nag-aantok sa isang mahabang upuan.  Ang
1
MGA PALIWANAG
Siglo de Oro – katawagan sa bahagi ng kasaysayan ng Espanya noong
ika-16 na siglo, nang ang kaharian ay nasa rurok ng kaniyang
kapangyarihan sa daigdig at ang lawak ng mga nasasakupang kolonya
ay hindi nilulubugan ng araw. Nagtapos ang siglo de oro sa pagsisimula
ng pagpanhik ng Inglatera bilang bagong pandaigdig na kapangyarihan.
Sa paggamit ni Rizal ng pananalitang ito ay masasabing hindi pa
ipinanganak si Donya Consolacion ay likas na walang katutubong
kabutihan ang nasabing babae. Ang hanay ng pangungusap na ito ay
itinulad ni Rizal sa Kabanatang Lady Jesuit ng nobelang Wandering Jew
ni Eurgene Sue.

456
kasuotan niya ay gaya sa araw-araw, na
napakasama at napakapangit; ang
tanging pinakapalamuti ay isang panyong
nakatali sa ulo na nilulusutan ng manipis
at maiikling buhok na gusot; ang baro ay
pranelang bughaw, na ang pang-ibabaw
ay isa ring barong tila noong bago ay
puti, at isang sayang kumupas na
naglalarawan sa mga payat at tuyong hita
na nagkakapatong at ikinukuyakoy nang
madalas. Sa kanyang bibig ay sunud-
sunod na lumalabas ang usok na
payamot na ibinubuga sa dakong
natitingnan kung ibinubukas ang mata. 
Kung siya ay nakita nang mga sandaling
iyon ni Don Francisco de Cañamaque2 ay pinagkamalan marahil
na ang babae ay isang mapaghari-harian sa bayan o
mangkukulam, at hihiyasan pa marahil ang kanyang natuklas na
ito ng mga opinyon sa wikang Kastilang-tindahan, na kanyang
sariling likha, upang gamitin niyang mag-isa.
           Nang umagang iyon ay hindi nagsimba ang señora, hindi
sa dahilang ayaw niya, kundi, bagkus ibig pa nga niyang
matanghal s a madla at makinig ng sermon; datapwat hindi
pinayagan ng asawa, at gaya ng sa karaniwan, ang pagbabawal ay
may kasamang dalawa o tatlong murahan, sumpa at babalang
bibigyan ng ilang tadyak.  Batid ng alperes na ang kanyang asawa
ay kakutya-kutya kung gumayak, mabilis na mahahalatang
kalunya ng sundalo, at hindi nararapat na siya ay ilantad sa mata
ng mga pinuno sa kapiltolyo ng lalawigan ni sa mga namimistang
taga-ibang bayan.
Subalit ang iniisip ng babae ay hindi gayon.   Ang alam nito,
siya ay maganda, nakaaakit, may kilos reyna at magara pang
gumayak kaysa kay Maria Clara:  ang dalaga ay nagtatapis at siya
ay hindi.  Kinailangan ng alperes na sabihin sa kanyang:  “Magtigil
ka o pababalikin kita sa pamamagitan ng tadyak sa p… mong

2
Si Don Francisco de Cañamaque ay isang opisyal na Espanyol at
sumulat ng ilang katha ukol sa Pilipinas. Isa sa na dito ay ang
Recuerdos de Filipinas na nailathala sa Madrid noong 1877 at 1880. Ang
kaniyang mga katha ay ukol sa paglalarawan na kaniyang nasaksihan sa
mga naninirahang Espanyol sa Pilipinas. Ang paraan ng kaniyang
paglalarawan sa mga ito ay mababaw at nailarawan na katawa-tawa ang
mga nangangasiwa ng pamahalaan at mga taong simbahan, sa ganito
ang kaniyang mga katha ay opisyal na ipinagbawal sa Pilipinas, sa
panahon ng mga Espanyol.

457
bayan!”  Si Donya Consolacion ay ayaw mabalik sa kanyang bayan
sa tulong ng tadyak, nguni’t nag-isip ng paghihiganti.
        Kailanman ay hindi nakapgbibigay ng pagpapalagay ng loob
sa kaninuman ang madilim na pagmumukha ng señora, kahit na
kung nagkokolorete, ngunit nang umagang iyon ay nakakatakot
na lubha, lalo na nang makita siyang palakad-lakad sa loob ng
bahay na walang imik at parang nag-iisip nang kakila-kilabot at
kalagim-lagim sa buong bahay:  ang kanyang paningin ay katulad
ng sa mata ng serpiyente kung ito ay nahuhuli at papatayin: 
malamig, maningning, matalas at may kadulingan, nakaririmarim,
kasindak-sindak.
Ang pinakamaliit na pagkakasala, ang pinamaliit na ingay
ay makapagpapalabas sa kanyang mga bibig ng isang malaswa at
mahalay na tungayaw na nakaririmarim; nguni’t walang
sumasagot:  ang paghinging-tawad ng tawad sa kanya ay isa pa
ring pagkakasala.
            Sa gayong ayos nakaraan ang maghapon. Sa dahilang
walang nakahahadlang (ang asawa ay nasa kapitahan) ay nag-
iipon sa kalooban ng pakamuhi; parang ang katawan niya ay
napupuno ng koryente at nagbabantang bumuga ng isang bagyo
ng pagkagalit.  Lahat ng nasa paligid niya ay yumuyuko na gaya
ng mga uhay sa kauna-unahang hihip ng bagyo; walang
makapipigil sa kanya, wala siyang matagpuang ungos o mataas-
taas na sukat pagbuntunan ng kanyang pagkamuhi:  ang mga
sundalo at mga alila ay nangag-sisipangayupapa sa kanyang tabi.
Upang di-marinig ang kasayahan sa daan ay iniutos na isara
ang mga bintana; ipinag-utos sa bantay na huwag magparaan ng
kahit sino.  Nagtali ng isang panyo sa ulo na parang upang hindi
ito sumabog at kahit may araw pa ay nagpalagay ng ilaw.
            Gaya ng nakita natin, si Sisa ay dinakip dahil sa
kasalanang panggugulo at dinala sa kuwartel.  Noon ay wala ang
alperes at ang kahabag-habag na babae ay magdamag na nakaupo
sa isang bangko at ang tingin ay pawalang-bahala.  Nang
kinabukasan ay nakita siya ng alperes, at sa pangingilag na baka
kung mapaano sa mga araw na iyon na lubhang magulo, at sa
kaayawang mapanood ng madla ang isang bagay na di-
ikasisiyang-loob, ay ipinag-utos sa mga sundalo na bantayan,
tingnang mabuti at pakanin.  Sa gayong kalagayan dinaan ng
dalawang araw ang baliw.3
            Nang gabing ito, dahil sa ang pagkakalapit ng bahay ni
Kapitan Tiyago ay nakapag-parating hanggang sa pook niyang

3
Nagkaroon ng pagsasa-alang-alang ang alperes sa kalagayan ni Sisa,
dahilan sa ito ay ipinagkatiwala ni Ibarra at ipinaalam sa Kapitan
Heneral.

458
kinalalagyan ang malungkot na awit ni Maria Clara, o kaya ay may
ibang tugtog na nakapagpagunita sa kanya ng kanyang mg dating
awit, o maging sa papaano mang sanhi ay umawit siya ng ilang
kundimang inaawit noong kanyang kabataan, sa tulong ng isang
malungkot at matamis na tinig.  Napapakinggan siya ng mga
sundalo ngunit hindi nagsisiimik:  ay! ang mga awit na iyon ay
nakagigising ng mga alaalang lumipas, ang mga alaala noong hindi
pa narurungisan ang kanilang mga budhi.4
            Narinig din ni Donya Consolacion si Sisa at nabatid kung
sino ang umaawit. “Paakyatin ngayon din!” ang utos, makaraan
ang ilang sandaling pag-iisip.  Isang tulad sa ngiti ang nababakas
sa kanyang mga yayat na labi.  Iniakyat si Sisa, na humarap nang
walang pangingilag, pagtataka at takot:  parang wala siyang
nakikitang sinumang señora.  Ang bagay na ito ay nakasugat sa
kapalaluan ng Musa na nag-aakalang karapat-dapat na igalang at
katakutan. Ang alperesa ay umubo, hinudyatang umalis ang mga
sundalo, at matapos makuha sa pagkakasabit ang latigo ng
kanyang asawa ay nagsabing, ang tinig ay kakila-kilabot, sa baliw,
na:  “Vamos, magkantar ikaw!” Gaya ng nararapat mangyari’y
hindi naunawa ni Sisa ang kanyang sinabi, at ang di-pagkabatid
na iyon ay nakapagpatindi sa kanyang galit.
            Isa sa magagandang ugali ng babaeng ito ay ang
pagkukunwaring hindi nakakaalam ng wikang Tagalog o kung di
man gayon ay  nagpapakunwaring hindi siya marunong ng
nasabing wikang sa pamamagitan ng di-wastong pagsasalita:  sa
gayon ay nagmamalaki siyang wari’y tunay na Europea, gaya ng
lagi niyang sinasabi.  At mabuti nga ang kanyang ginawa sapagkat
kung pinarurusahan man niya ang wikang Tagalog, ang wikang
Kastila ay hindi rin nakaligtas sa kaniyang paglapastangan sa
gramatika at sa pagbigkas.5  Gayong tinuruan na siya ng
kaniyang ang asawa, sa tulong ng mga silya at sapatos ay
upang kaniyang matutunan!
Isa sa mga salitang pinagkahirapan niya nang higit kaysa
pagkakahirap sa mga geroglifico ni Champillion6 ay ang salitang
Filipinas. Nabalitang kinabukasan ng kanyang kasal, nang

4
Ang mga guwardiya sibil ay dating mga mabubuti, ngunit ang kanilang
malaking kapangyarihan na hindi malabanan ng mga karaniwang
mamamayan ay nagbigay daan sa kanila para magmalabis.
5
Makikita ang lupit ni Dna. Consolacion – pati ang wikang Espanyol ay
pinarusahan sa pamamagitan ng pagsasalita nito sa pamamagitan ng
mali-maling gramatika at pagbigkas.
6
Champillon- (Champollion) – isang Pranses na kasama ng hukbo ni
Napoleon sa Ehipto na nakatuklas ng Rosetta Stone na naging susi
upang maunawaan ng mga iskolar ang sulating geroglipiko ng Ehipto.

459
nakikipag-usap sa kanyang asawa, na noon ay kabo lamang, ay
binigkas niya ang Pilipinas; inakala ng kabo7 na nararapat siyang
turuan, kayat sabay sa isang kutos ay sinabi sa kanyang: 
“Sabihin mong Felipenas, huwag kang hayop!  Hindi mo ba batid
na gayon ang pangalan ng p… mong bayan dahil sa galing sa
salitang Felipe?” 
Ang babae naman, na nanaginip pa sa kanilang naging pulot
at gata ay sumunod at sinabing Felepinas.  Inakala ng kabo na
nalalapit-lapit na, dinagdagan pa ang mga kutos at binulyawan
siya ng:  “Ano ka bang babae ka!  Hindi mo ba masabing Felipe? 
Huwag mong limutin, alamin mong ang Haring Don Felipe…
quinto… sabihin mo ang Felipe at dagdagan mo ng nas na sa
wikang Latin ay kapuluan ng mga Indio ang kahulugan, at iyan
ang pangalan ng iyong kap…- p… hang bayan!”
            Si Consolacion na manlalaba lamang nang kapanahunang
iyon, matapos na mahip ang pasa (bruises) at bukol sa kaniyang
ulo, ay nagsalitang nauubusan na ng pagtitimpi: “Fe…lipe,
Felipe…nas, Felipenas; ganoon ba?”
            Ang kabo ay napatunganga.  Bakit lumabas na Felipenas
at hindi Felipinas?  Alin sa dalawa:  dapat sabihing Felipenas o
nararapat sabihing Felipi?
            Nang araw na iyon ay inakala niyang mabuti ang huwag
kumibo, nilisan ang kanyang asawa at masusing sumangguni sa
mga aklat na nakalimbag.  Dito siya napahanga nang lubha;
pinahid ang kanyang mga mata:  “Tingnan… dahan-dahan…
Filipinas ang nasasabi sa mga limbag kung iisa-isahin ang
pagbasa ng mga titik:  siya at ang kanyang asawa ay kapwa wala
sa katwiran.8 “Bakit?” ang bulong niya, “makapagbubulaan
baga ang Kasaysayan?  Hindi ba sinasabi ng aklat na ito, na ito
ang pangalang inilagay ni Alonso Saavedra sa lupaing ito, alang-
alang sa prinsipeng si Don Felipe?   Papaano at nabago ang
pangalang ito?  Baka kaya isang Indio ang Alonso Saavedrang
iyon…?”9

Ito ay noong bagong kasal pa lamang ang alperes at ang ranggo ay kabo
(corporal). – Ang mga non-commissioned officer na Espanyol ng hukbong
sandatahan ng Espanya sa Pilipinas ay nanungkulan bilang mga opisyal
ng guardia sibil.
8
Dito ay pinalabas ni Rizal na maging ang alperes na nagtuturo sa
kaniyang asawa ay mangmang din maging sa kasaysayan ng kaniyang
sariling bansa. Sinabi ng alperes na Felipe V ang pinagkunan ng pangalan
ng bayan samantalang ang katotohanan ay Felipe II.
9
Mapapansin na maging ang aklat na sinangguni ng alperes ay mali din
– dahil ang ekspedisyon ni Villalobos ang nagbigay ng pangalang

460
            Isinangguni ang kanyang pag-aalinlangan kay Sargento
Gomez, na noong bata ay nagnasang maging kura.  Ito naman,
hindi man lamang siya nilingon at samantalang ibinubuga ang
usok na nasa bibig, ay sinagot siya nang buong pagmamalaki.
“Noong unang panahon ay Filipi kung turan at hindi Felipe,
tayong mga bago, dahil sa tayo ay nagiging maka-Pranses, ay hindi
natin maamin ang pagbigkas ng dalawang i na magkasunod.  Kaya
ang mga taong bihasa, lalo na sa Madrid, nakarating ka ba sa
Madrid, ang mga taong bihasa, ang sabi ko, ay bumibigkas na
nang menistro, emitacion, embitacion, endino at iba pa, na siyang
tinatawag na makabago.”
            Ang kaawa-awang kabo ay hindi nakarating ng Madrid
kaya hindi alam ang pangyayari.  Gaanong karaming mga bagay
ang natututuhan sa Madrid!10
“Kung gayon ay dapat sabihin ngayong…”
            “Alinsunod sa unang panahon, tao ka!   Ang bayang ito ay
hindi bihasa, alinsunod sa unang panahon:   Filipinas!” ang sagot
na paalipusta ni Gomez.
            Ang kabo, kahit hindi man mabuting pilologo,11 ay mabuti
namang asawa:  ang kanyang natutuhan ay dapat ding
matutuhan ng kanyang kabiyak, kaya ipinagpatuloy ang
pagtuturo.
            “Consola, papaano ang tawag mo sa p… mong bayan?”
            “Eh, papaano pa; gaya ng turo mo:  Felipenas!”
            “Hahagisan kita ng silya, p…!  Kahapon ay nasasabi mo
nang mabuti-buti, ayos-makabago; ngunit ngayon ay kailangang
ibigkas nang ayos-makaluma!  Feli, ang sinasabi ko ay Filipinas!”
            “Hindi ako luma!  Ano ba ang akala mo?”
            “Walang kailangan!  Sabihin mong Filipinas!”
            “Ayoko!  Hindi ako isang lumang kasangkapan … bahagya
pa lamang na akong may tatlumpung taon!” ang sagot,
samantalang naglililis at humanda sa paglaban.
            “Sabihin mo p…, o hagisan kita ng silya!”
           Namalas ni Consolacion ang amba, nag-isip at dahan-
dahang ibinigkas, na ang hininga ay pabuga, ang: “Feli… Fele…
File…”

Filipinas sa ating kapuluaan at hindi ang kay ni Saavedra.


10
Ipinapakita ni Rizal ang kawalan ng pagkakataon ng alperes na
makarating sa Madrid na kapitolyo ng Espanya. Kung nakarating
lamang ito sa Madrid ay marami itong matutunan na maraming mga
makabagong paraan ng pamamahala sa hukbo.
11
Pilologo - dalubhasa sa pagsusuri ng mga salitang nakasulat at ang
kaugnayan ng mga salita sa bawat isa.

461
           Pum!  Krak!  Tinapos ng silya ang salita. 
At ang pagtuturuan ay nagtapos sa suntukan, kalmutan at
buntalan. Sinabunutan ng kabo sa buhok ang babae, sinabunutan
naman nito ang lalake sa balbas sa labi at sa isa pang dako ng
katawan (hindi makakagat sapagka’t umuugang lahat ang ngipin),
ang kabo ay napasigaw, binitiwan ang babae, humingi ng tawad,
nagdanak ng dugo, may isang matang higit na naging mapula
nang higit kaysa isa, isang barong nagkapunit-punit, ang ilang
bahagi ng katawan ay nalabas sa kinatataguan, nguni’t ang
Filipinas ay hindi lumabas.
            Ang mga kaatulad na pangyayari ay nauulit kailanma’t
napag-uusapan ang tungkol sa pagsasalita.  Sa pagkakita ng kabo
sa pagsulong ng babae sa pagbigkas ng mga salita ay malungkot
na tinaya niyang sa loob ng sampung taon ay wala nang
mabibigkas na anuman ang kanyang kabiyak.  Gayon nga ang
nangyari.  Nang sila ay ikasal ay marunong pa ng Tagalog ang
babae at nalilinawan pa kung mangastila; ngayon, sa
kapanahunan na nangyayari ang aming isinasalaysay ay wala
nang wikang nasasalita:  nahilig sa pagsasalitang dinadaan sa
hudyat, at pinipili pa ang mga pinakamaingay at lubhang matindi,
na magpapasakit ng ulo sa lumikha ng Volapuk.12
            Nagkapalad nga si Sisa, na hindi siya maunawaan. 
Nagbawas ng kunot ang noo, isang ngiting nagpapahayag ng
kasiyahang-loob ang nabakas sa kanyang mukha:  hindi na
maipag-aalinlangan na siya’y hindi na marunong ng Tagalog, siya
ay Europea na.
“Asistente, sabihin mo rito, sa wikang Tagalog, na umawit! 
Hindi ako malinawan, hindi marunong ng wikang Kastila!”
           Naunawaan ng baliw ang sinabi ng asistente at inawit ang
‘Awit ng Gabi.’
           Nang una, ay nakatawang pakutya na nakikinig si Donya
Consolacion, subalit unti-unting nawawala ang tawa sa kanyang
mga labi, pinakinggang mabuti ang awit, at pagkatapos ay hindi
na umimik at nag-iisip.  Ang tinig, ang tinuturan ng mga tula, at
pati nang pag-awit ay nakababagbag sa kanya:  ang pusong iyon
na walang dagta at tuyo ay nauuhaw mandin sa ulan.  Nababatid
niyang buung-buo:13  “Ang kalungkutan, ginaw at lamig na
bumababang mula sa langit na nababalutan ng dilim ng gabi,”
alinsunod sa sinasabi ng kundiman, parang bang sa palagay niya
12
Volapuk - isang panukalang sistema ng pandaigdig na wika na nilikha
noong 1880 ng paring Aleman na si Johann Martin Schleyer, sinundan
ito ng sistemang Esperanto, na inimbento noong 1887 ni Dr. Ludwik L.
Zamenhof.
13
Pansinin mabuti ang inaawit ni Sisa sa harapan ni Donya Consolacion.

462
ay bumababa rin sa kanyang puso “ang bulaklak na lanta at lipas,
na nagpamalas ng kanyang mga hiyas, buong maghapon sa
pagnanais na mapuri at lipos-pagmamalaki, pagsapit ng hapon, ay
nagsisisi at wala nang pag-asa, ay ginagamit ang munting lakas
upang itaas sa langit ang kanyang mga lugas na talulot, at
humihingi ng kaunting lilim upang itago at mamatay nang walang
pagkutya ng liwanag na nakamalas sa kanya nang siya ay
maringal, upang huwag makita ang kawalang-kahalagahan ng
kanyang pagmamalaki, kaunting hamog din naman na lumuha sa
ibabaw niya.  Iniiwan ng ibong panggabi ang kanyang ulilang
tahanan, ang guwang ng matatandang puno, at binubulahaw ang
kapanglawan ng kagubatan…!”
           “Huwag, huwag ka nang umawit!” ang biglang sabi ng
alfereza sa tunay na wikang Tagalog, “huwag kang umawit! 
Nasasaktan ako mga awit na iyan!”14
Ang baliw ay huminto; ang asistente ay bumitiw ng isang
‘Aba, marunong pala ng Tagalog,’ at nagtataklang napatingin sa
señora. Nahalata nitong siya ay nalantad; napahiya, at sa dahilang
ang kanyang kalooban ay hindi kalooban ng isang babae ay naging
ngitngit at galit ang pagkapahiya.  Itinuro ang pinto sa pangahas
at pagkalabas ay isinara ito ni Donya Consolacion sa tulong ng
isang malakas na tadyak.  Umikot ng ilang ikot sa kabahayan, na
pinipilipit sa kanyang malitid na kamay ang latigo, at matapos na
makahintong bigla, sa harap ng baliw ay sinabi rito sa wikang
Kastila, na:  “Sumayaw ka!”
Si Sisa ay hindi kumilos.
“Sumayaw ka, sumayaw ka!” ang ulit na ang boses ay
nakakatakot.
Siya ay tiningnan ng baliw nang tinging walang kahulugan: 
itinaas ng asawa ng alperes ang dalawang kamay ng baliw at
kinalog:  walang napala, hindi maunawaan ni Sisa.
           Naglulundag, nagpapalag, na pinipilit si Sisa upang siya ay
gayahin. Sa malayo ay naririnig ang musiko ng prusisyon na
tumutugtog ng isang banayad na marcha, ngunit ang señora ay
naglulundag na katakut-takot na ibang kumpas ang sinusunod,
ibang tugtugin, ang umuugong sa kanyang sariling kalooban.15 
Siya ay tahimik na pinagmamasdang walang imik ni Sisa:  isang
parang pagnanais na manood ang nalarawan sa mga mata nito at

14
Ang awitin ay isang pagpapaala-ala ni Rizal sa mga babaeng naligaw ng
landas, dahilan sa kanilang mga hibang na pangarap.
15
Napakapangit na isipin sa imahinasyon na nagsasayaw si Dna.
Consolacion (para gayahin ni Sisa) na iba naman ang naririnig na tugtog
ng banda sa kapaligiran.

463
isang ngiti ang nagpagalaw sa mga namumutlang labi, naibigan
nito ang sayaw ng señora.16
Ito ay tumigil na parang napahiya, itinaas ang latigo, iyong
kakila-kilabot na latigo na kilala ng mga magnanakaw at ng mga
sundalo, na gawa sa Ulango at lalo pang pinagbuti ng alfereza sa
tulong ng mga kawad na pinilipit,17 at ang sabi: “Ngayon ay ikaw
naman ang dapat na sumayaw… sumayaw ka!” At pinalo nang
mahina ang mga paang walang sapin ng baliw, na ang mukha ay
napangiwi sa sakit, kaya napilitang isanggalang ang mga kamay.
“Aha!  Nagsisimula ka na!” ang bulalas, na taglay ang isang
malupit na katuwaan, at ang palong banayad ay ginawang masaya
(para sa nagpapahirap) at masigla (mabilis at sunod sunod). Ang
nakakahabag na baliw ay napaingit, at dahil sa sakit ay biglang
itinaas ang paa. “Sasayaw ka ba, p….. India?” ang sabi ng señora,
sabay sa haging at haginit ng latigo.
           Si Sisa ay napabukas ang mga kamay at inihahaplos sa
mga hita at minalas ang nagpapahirap sa kanya nang matang
gulilat.  Dalawang matinding palo sa likod ang nagpatindig sa
kanya:  hindi na isang ingit, dalawang malakas na ungal ang
lumabas sa bibig ng kaawa-awang babae.  Nagnisnis ang manipis
na baro, ang balat ay nabuksan at lumabas ang dugo.
Ang pagkakita ng dugo ay nagpasigla sa tigre:   ang dugo ng
biktima ay nagpasigla kay Donya Consolacion. “Sayaw, sayaw,
walang-hiya!  Anak ng p…!” ang sigaw.  “Sasayaw ka o papatayin
kita sa palo!” At siya na rin, matapos mapigilan ang isang kamay
ng baliw, samantalang ang isa pang kamay ay ipinapalo ang
naglulundag at nagsasayaw.
           Sa kahuli-hulihan ay nalinawan din ng baliw ang kanyang
nais at iginalaw nang walang tuos na paggalaw ang mga bisig. 
Isang ngiting kasiyahang-loob ang nagpakibot sa mga labi ng
nagtuturo, ngiti ng isang babaeng Mefistofeles18 na nagkaroon ng
isang mabuting tinuturuan; doon ay kahalo ang ngitngit, pag-
alipusta, pag-uyam at pagngangalit:  ang isang halakhak ay hindi
na makapaglarawan nang higit pa sa roon.
           At sa pagkatigagal sa panonood sa kanyang ginagawa ay
hindi nadinig ang pagdating ng kanyang asawa hanggang hindi
binuksan nito ang pintong nag-umugong dahil sa malalakas na
16
Napakasahol nang ginawang iyon ni Dna. Consolacion – siya ang
pinanood ng baliw na si Sisa.
17
Nilagyan pa ng alambre ang latigo upang higit itong maging
napakasakit sa biktima ng kalupitan.
18
Mephistopheles – ang pangalan ng tauhang diyablo sa panulat ni
Goethe na Faust.

464
tadyak. Maputla at mapanglaw na dumating ang alperes; namalas
ang doo’y nangyayari, at pinandilatan ang kanyang asawa.  Ito
naman ay hindi kumilos sa kinalalagyan at nanatiling nakangiting
walang kangimi-ngimi. Marahang ibinaba ng alperes ang kamay sa
balikat ng baliw na mananayaw at pinatigil.  Ang baliw ay
huminga at dahan-dahang umupo sa sahig na may patak na dugo
niya. Ang pananahimik ay nagpatuloy; ang alperes ay
humihingang malakas; kinuha ng babae ang latigo at tinanong
siyang mapanatag at madalang nang: “Ano ang nangyayari sa iyo? 
Hindi ka man lamang nagbigay ng magandang gabi!”
           Hindi sumagot ang alperes, at tinawag ang asistente.
“Dalhin mo ang babaeng iyan,” ang sabi, “pabigyan mo ng ibang
baro kay Marta at gamutin!  Bibigyan mo siya ng pagkain,
mabuting hihigan… mag-ingat kayong gawan siya nang
masama!19  Bukas ay dalhin siya sa bahay ni Ginoong Ibarra.”20
           Matapos iyon ay dahan-dahang isinara ang pintuan,
inilagay ang pansara at nilapitan ang kanyang asawa. “Ikaw,
hinahanp mong basagin ko ang mukha mo!” ang sabing ang
kamay ay pasuntok.
           “Ano ang nangyari sa iyo?” ang tanong ng babae na
tumindig at umurong.
           “Ano ang nangyari sa akin?” ang maugong na sigaw na
sabay sa isang tungayaw at ipinakita ang isang papel na puno ng
sulat na kahig-manok, at nagpatuloy nang: “Hindi ba ikaw ang
nagpadala ng sulat na ito sa alkalde at sinasabing sinusuhulan
ako upang pahintulutan ang sugal p… ka?21  Hindi ko malaman
kung bakit hindi kita dinudurog!”
           “Tingnan natin!  Tingnan natin kung magagawa mo!” sabi
ng babae na pakutyang tumatawa, “ang dudurog sa akin ay
nararapat na humigit sa iyo sa pagkalalake!”
           Nadinig ng alperes ang pag-alimura, ngunit natanaw ang
latigo.  Kinuha ang isang pinggan na nasa hapag-kainan at
inihagis sa ulo ng babae; ngunit ang babae, na sanay na sa mga
ganitong labanan ay biglang yumuko kaya ang pinggan ay nadurog

19
Pinaiingatan ng alperes si Sisa sa mga guardia sibil mula sa
molestiyang seksual – tandaan na wala na silang magagawa pang
masama laban kay Sisa ng labis pa doon, dahilan sa ang babae ay baliw.
20
Takot ang alperes sa ginawang pagmaltrato ni Dna. Consolacion kay
Sisa – dahilan sa naging pagmamalasakit ni Ibarra na ipagamot si Sisa
ayon sa kaalaman ng KH. Alam ng alperes ang pagiging delikado ng
kaniyang posisyon.
21
Buti pa sila noon, takot na maisumbong na kumuha ng suhol mula sa
sugalan. Hindi pala sila garapalan noon.

465
sa pagtama sa dingding; gayon din ang nangyari sa isang tasa at
sa isang kutsilyong gamit sa pagkain.
           “Duwag!” ang sigaw ng babae, “hindi ka makalapit!”
           At dinuraan upang higit galitin.  Nagdilim ang mata ng
lalake at bumubusang siya ay sinugod, ngunit ang ginawa ng
babae, sa tulong ng isang kahanga-hanga bilis, ay pinagkrus-krus
ang latay ng latigo sa mukha ng lalake at nagtatakbong pumasok
sa silid at biglang isinara ang pinto. 
Hinabol siyang nagngangalit sa galit at sakit ng alperes
ngunit walang napala kundi ang maumpog sa pinto, bagay na
ikinabuga niya ng mga pagmumura. “Tamaan sana ng lintik ang
buo mong angkan! Magbukas ka, p… p… magbukas ka at pag
hindi ko binasag ang mukha mo!” ang sigaw na sabay ang suntok
at sipa sa pinto.
Si Donya Consolacion ay hindi sumasagot.  May naririnig
ang lalaki na lagitik ng mga silya at mga tabla sa loob na parang
nagtatayo ng moog na pawang gawa sa kasangkapan.  Ang bahay
ay umuuga sa tadyak at tungayaw ng lalake.
“Huwag kang pumasok, huwag kang pumasok!” ang sabi ng
matalas na tinig ng babae, “pag sumilip ka ay babarilin kita.”
           Ang lalake ay parang nanahimik at nagpalakad-lakad
lamang sa buong kabahayan na parang ganid na hayop na nasa
kulungan. “Paroon ka sa lansangan at magpalamig ng ulo!” ang
pakutyang sabi ng babae na parang nakatapos na sa kanyang
paghahanda sa pagsasanggalang. “Isinusumpa ko sa iyong pag
nahuli kita, ni ang Diyos ay hindi makakakita sa iyo, p…!”
           “Oo!  Sabihin mo na ang ibig mong sabihin… ayaw kang
ako ay magsimba!  Ayaw kang makapagbigay ako sa Diyos!” ang
sabing patuya.
Kinuha ng alperes ang kanyang uniporme, nag-ayos nang
kaunti at umalis na malalaki ang hakbang, ngunit makaraan ang
ilang sandali ay dahan-dahang bumalik na walang kakila-kilatis;
nag-alis ng sapatos.  Ang mga alilang sanay na sa gayong awayan
ay madalas na mabagot, ngunit dahil sa pagkakaalis ng botas ay
kanilang napuna, at sila-sila’y nagkindatan.
Ang alperes ay umupo sa isang silya, sa kalapit ng malaking
pinto, at nagtiis na nag-antay nang mahigit sa kalahating oras.
“Talaga bang umalis ka o naririyan ka pa, cabron (lalaking
kambing) ang pamaminsan-minsang tanong ng tinig na nag-iiba
ng palayaw ngunit lalong lumalakas.
           Sa kahuli-hulihan ay unti-unting iniurong ng babae ang
mga kasangkapan:  naririnig ng lalake ang kaluskos at nangingiti.
“Asistente!  Umalis ba ang panginoon mo?” ang sigaw ni Donya
Consolacion.

466
           Dahil sa isang hudyat ng alperes ay sumagot ang asistente
nang: “Opo, umalis po.”
           Nadinig ang tawa ng babae at inalis ang sagka. Dahan-
dahang tumindig ang asawa; nabukas nang kaunti ang pinto…
Isang sigaw, ang kalabog ng isang katawang lumagpak, tungayaw,
sumpa, ungal, mura, paluan, mga paos na tinig… Sino ang
makapagsasalaysay sa nangyari sa loob ng silid? Nang lumabas
ang asistente sa kusina ay humudyat nang hudyat na
makahulugan sa nagluluto. “At ikaw ang magbabayad!” ang sabi
nito sa kanya.
           “Ako?  Hindi ang buong bayan!  tanong niya ay kung
umalis; hindi niya itinanong kung bumalik.”

467

Potrebbero piacerti anche