Sei sulla pagina 1di 26

PAGSALIN NG MAIKLING KWENTONG

CEBUANO SA FILIPINO

Iniharap kay Gng. Leticia D. Espina

sa departmento ng Humanidad at

Agham Panlipunan

Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng

Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ika-2 Semester, TA: 2010-2011

Ipinasa nina:

Abarabar, Rowell M.

Amar, Bermont Jhon B.

Andal, Joel S.

Aquino, Jose

Bacay, Criselle Marie A.

Bunac, Kevin Troy

Cabanero, Neza V.

Calasicas, Renato Rodolfo R.

Cardoza, Inrie John E.

Cerdena, Sharmaine P.

Coyco, Arianne Angelie D.


Fajardo, Mark Jayson

Fiel, Arnel O.

Ereje, Ervin Z.

Esponilla, Jonry P.

Labao, Ronald

Madeja, Marlon R.

Mercado, Ellen P.

Miranda, Nimicky L.

Navarro, Jobelle O.

Mahigugmaon, Jayzell B.

Salido, Louie S.

Salao, Maria Ana

Tantiado, Arlo Jay


 PASASALAMAT

Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na mga indibidwal na siyang


tumulong at umudyok sa amin upang matapos itong pamanahong papel na ito:

 Kay Gng. Leticia D. Espina, ang aming kagalang-galang na propesor sa asignaturang


Filipino 2 at ang aming butihing “pangalawang ina” bilang tagapayo ng aming pangkat.
Nagpapasalamat mo kami sa inyong walang sawang paggabay at pagbigay ng mga
magagandang puna at payo na siyang nakatulong upang mabuo namin ang papel na ito.
  Sa mga mag-aaral sa unang taon ng Technnological Institute of the Philippines-Manila,
Kolehiyo ng Inhinyero na siyang pinagmulan ng aming datos, maraming salamat sa
inyong kooperasyon. Kung hindi niyo kami pinaunlakan at tinulungan ay maaaring wala
na kaming maipepresentang papel ngayon. ;
 Sa aming mga magigiliw na mga kaklase, ang pangkat 1, na siyang nagbigay kulay sa
isang animo’y napakamasalimuot na taon, maraming salamat. Hinding-hindi namin
makakalimutan ang lahat ng mga bagay na ating pinagsamahan bilang isang klase.
 Nagpapasalamat rin kami sa aming mga magulang, mga kaibigan at mahal sa buhay sa
kanilang walang sawang pag-suporta at pagintindi sa amin.
 At sa Poong Maykapal na siya naming pinag-aalayan nitong aming munting proyekto,
maraming salamat po sa inyong patuloy na paggabay sa amin at sa pagbabasbas ng
biyaya.
TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I- Ang Suliranin at Kaligiran

 Introduksyon 1
 Layunin ng Pag-aaral 2
 Kahalagahan ng Pag-aaral 2
 Paglalahad ng Suliranin 3
 Saklaw at Delimitasyon 3
 Depinisyon ng mga Terminolohiya 4

Kabanata II- Magkakaugnay na Literatura

 Magkakaugnay na Literatura 5
 Metodo 8

Kabanata III- Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

 Pamamaraan ng Pananaliksik 9
 Theoretical Framework 10

Kabanata IV- Tritment ng mga Datos

 Intrepetasyon ng mga Datos 11


 Estasktikong paglalapat ng mga datos 12

Kabanata V- Buod, Konklusyon at Rekomendasyon

 Buod 15
 Konklusyon 16
 Rekomendasyon 16

Apendiks 17
BIBLIOGRAPIYA

Abesamis, Norma R. et al. 2007. Pagbabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mutya


Publishing House, Inc. 2007

Bernales, Rolando A. et al. 2007. Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina. Mutya
Publishing House, Inc. 2007

Espina, Leticia D. et al. 2009. Pagbabasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Mindshapers Co.,
Inc. 2009

http://wika.pbworks.com/w/page/8021653/Call-for-Project-Proposals

http://www.bohol.ph/diksyunaryo.php

http://allanortiz05.multiply.com/journal/item/19/Pagsasaling_wika_Hand_Out

http://allanortiz05.multiply.com/journal/item/19/Pagsasaling_wika_Hand_Out

http://plumatek.multiply.com/journal/item/44
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 163, Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

 
Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang “Pagsasalin ng maikling
kwento ng Cebuano sa Filipino” ay buong puso na inihanda ng mga mananaliksik mula sa isang
grupo na binubuo nina:

Abarabar, Rowell M.

Amar, Bermont Jhon B.

Andal, Joel S.

Aquino, Jose

Bacay, Criselle Marie A.

Bunac, Kevin Troy

Cabanero, Neza V.

Calasicas, Renato RodolfoR.

Cardoza, Inrie John E.

Cerdena, Sharmaine P.

Coyco, Arianne Angelie D.

Fajardo, Mark Jayson

Fiel, Arnel O.

Ereje, Ervin Z.

Esponilla, Jonry P.

Labao, Ronald
Madeja, Marlon R.

Mercado, Ellen P.

Miranda, Nimicky L.

Navarro, Jobelle O.

Mahigugmaon, Jayzell B.

Salido, Louie S.

Salao, Maria Ana

Tantiado, Arlo Jay

Gng. Leticia D. Espina Petsa:


Propesora
Pahina 1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

INTRODUKSYON

Noong panahon ng mga magulang natin, ang pagbabasa ng teksto o libro ay isa sa mga
libangan o pampalipas oras pero ngayon ay tila nasama na sa paglipas ng panahon at nabaon sa
limot ito.karaniwan sa mga kabataan ngayon ay nahihilig sa social networking (facebook at
twitter) at online and console gaming(dota at laro ilipi) dahil sa inpluwensya ng ilipi at
maunlad na teknolohiya. Dahil ilip ay nawalan na ng interes magbasa ng makabuluhan na teksto
o libro kung minsan ay hindi nila maintindihan ang mensahe o mismong wikang ginamit.
Mayroon naman ang mga hindi nakapag-aral ng pormal sa paaralan ay ganito din ang nangyayari
sa kanila.may isang paraan upang maiwasan ito at ang paraang ito ay pagsasalin ng wika. Ang
pagsasalin ng wika ay isang paraan ng pagtangkang isalin o pakahulugan ang wikang ginamit sa
teksto patungo sa sariling wika. Mayroon tayong mga pamantayan sa pagsasagawa nito upang
tuluyang ito mapagaan at maunawaan ang tekstong nais basahin. Maraming kahalagahan ang
maaaring makatulong sa pagsasalin kagaya sa pang-komersiyo, pagbubuklod ng mga lahi , at
pagkakaroon ng kapayapaan at kalayaan sa lipunan. Ito’y ginagamit din sa pag-aaral ng artifact
ng mga archaeologist sa pagtala ng kasaysayan ilipino mundo upang malaman ang mensahe ng
mga sinaunang tao at patunay na kung may mga nangyari sa panahong iyon. Ito rin ginagamit
natin sa komunikasyon para sa araw-araw na pakikisalamuha sa mga tao. Kapag ito’y ginawa
natin ay mas maraming makababasa at tatangkilik ng teksto. Bukod ilip ay maaaring pang
mapanatili ang kultura ng sumulat nito. Sana mabigyan natin ng halaga ang mga angkin ilipin
ng mga manunulat dahil tayo ang tutulong sa paghahatid ng kanyang mensahe sa mga tao.
Kailangan natin buhayin ang nalimutan na babasahin at teksto upang yumaman ang kultura at
tradisyon. Dahil sa mga ito ay hindi tayo mamumulat sa katotohanan ng buhay at mawawala ang
pundasyon ilipino pagiging ilipino. May kasabihan tayo na “hindi lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makakarating sa paroroonan” kaya magsama-sama tayo sa kaunlaran at kalayaan ng
bansa.
Pahina 2

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito layunin ng mga mananaliksik na:

1. Tukuyin kung ano ang kahalagahan ng mabisang pagsasalin. 

2. Alamin kung ano mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng isang teksto.

3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagsasalin.

4. Alamin kung ano ang epekto ng pagsasalin para sa mga mambabasa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Binibigyang diin ng research na ito ang Kahalagahan ng Paggamit ng Wikang Filipino sa

Panitikan upang lubos na mapahalagahan ng mga mambabasa ang mga akdang gumagamit ng

iba’t ibang diyalekto. Yamang kalakhang bahagi ng ating bansa ay may higit na kasanayan sa

wikang Filipino, sila ay mahihikayat na tangkilikin din ang akda na nakasulat sa ibang diyalekto.

Sa ganitong paraan, lumalawak ang saklaw ng panitikan dito sa ating bansa. Ang pagsasalin ay

nakatutulong upang makilala ng mga estudyante ang pagkakaiba ng dalawang wika, sa

bokabularyo at estruktura gayon din sa kulturang nakabuhol sa bawat wika. Sa pamamagitan ng

paghahambing ng dalawang wika, magkakaroon ang estudyante ng malawak na kaalaman at

malalim na kamalayan sa kanyang unang wika, habang natatamo naman ang ganito ring

kaalaman at kamalayan sa pangalawang wika. Nakapagpapalawak din ito ng bokabularyo. Sa

pagtutumbas, kailangang piliin ang pinakaangkop na salita. Dahil dito, nagiging malikhain ang

tagasalin sa pag-iisip ng pinakaangkop na salita o kombinasyon ng mga salita upang buong-

buong maipahayag ang tumpak na mensahe ng akdang isinasalin. Sa bahagi naman ng may akda
Pahina 3

na sumulat ng Orihinal na akda, mas nahihikayat silang sumulat pa ng maraming akda dahil alam

nilang may proseso na upang maparating sa mas maraming mambabasa ang kanilang akda.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Proseso ng Pag-aaral, ang mga suliranin napaharap ay ang mga sumusunod:

1. Ang akda ay isinulat gamit ang diyalektong Cebuano.

2. Limitado ang reperensya ng mga taga-pagsalin.

3. Limitado ang mga akda na naisulat na kapareha ng orihinal na akda.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Saklaw ng Pag-aaral na ito ang maikling kwento na isinulat sa diyalektong Cebuano,

kung kaya naman para sa mga mambabasa ng pag-aaral na ito, Proseso ng pagsasalin lamang at

ibang bokabularyo ng Dialektong Cebuano ang maaring maibahagi sa inyo. Nalilimitahan din

ang bokabularyo ng Dialektong Cebuano ang Naibahagi yamang nakabase lamang ang

pagsasalin sa orihinal na akda.


Pahina 4

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. Maikling kwento- ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa
itong masining na anyo ng panitikan.
2. Wikang Cebuano (Bisaya)- ay pangunahing wika ng lalawigan ng Cebu, Silangang
Negros, Bohol at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng
kabuuang populasyon ng bansa.
3. Pagsasaling wika- ay isang pagtatangkang palitan ang isang mensahe ng isang wika nang
gayon ding mensahe sa ibang wika.
4. Wikang Filipino- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas—
ang Inggles ang isa pa—ayon sa Saligang Batas ng 1987.
5. Panitikan- ay nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng
pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.
Pahina 5
KABANATA II
MAGKAKAUGNAY NA LITERATURA

Pagsasalin
Sapagkat isa sa mga pangunahing Gawain ng Komisyon sa Wikang Filipino ay ang
pagsasalin, may kapangyarihan itong magpasya kung anong mga proyekto ang dapat isagawa sa
larangang ito.
Isasaalang-alang ng komite ang mga proyekto kung ang isasaling akda, aklat, teksto at
iba pa ay hindi pa naisasalin at may maiaambag sa pangunahing tungkulin ng tanggapan.

Saklaw ng Pagsasalin
• Mahahalagang akdang historikal at tradisyong kultural
• Mga batas, resolusyon at iba pang mga aktang lehislatibo
• Mga pahayag na pampatakaran ng pamahalaan at mga dokumentong opisyal
• Mga teksbuk at mga materyales na reperensya sa iba-ibang disiplina
• Iba pang mga dayuhang materyales na maaaring ipasyang kinakailangan sa edukasyon at para
sa iba pang mga layunin.

Mga Tiyak na Kailangan  Bago ang Pagsasalin


1. Panukalang Proyekto/Project Proposal batay sa format na pinagtibay ng KWF.
2. Kopya ng akda, aklat na isasalin
3. Rekomendasyon/patunay ng eksperto (hinirang/pinili ng KWF) sa larangan na wala pang salin
nito 
4. Bio-data ng proponent/transleytor, nagsasaad ng karanasan sa larangan ng pagsasalin nang
hindi bababa sa tatlong (3) taon
5. Liham na nagpapahintulot sa KWF na ilathala ang pagsasalin.
6. Liham ng Kasunduan na kung hindi ang KWF ang maglalataha, kikilalanin pa rin ito na
nagpondo sa pagsasalin sa pamamagitan ng paglalagay ng logo at pangalan nito sa isang
prominenteng bahagi ng aklat o isa o dalawang pahinang laan para sa KWF.
7. Iba pang kailangan alinsunod sa mga tuntunin sa pag-aawdit at pagtutuos.
Call for Project Proposal for 2008(http://wika.pbworks.com/w/page/8021653/Call-for-Project-
Proposals)
 

Mula sa Bulawan 19: Journal of Philippine Arts and Culture

ANG PAGSASALIN BILANG GAMPANING PAMBANSA


ni Virgilio S. Almario

Isang malaking gampaning pambansa ang pagsasalin. Kailangan ang pagsasalin upang maipon
ang lahat ng kaalaman at karunungan ng mundo tungo sa wika ng bansa. Sa kaso ng Filipinas,
isang pangunahing pansukat din ang pagsasalin hinggil sa nagiging antas ng pagsulong at
Pahina 6

kaganapan ng wikang pambansa. Hanggang hindi nakabubuo ng isang aklatan ng mga salin mula
sa iba’t ibang katutubong wika ng Filipinas at mula sa mga pangunahing wika ng daigdig, mga
saling magtatanghal sa salimuot ng karanasan at kasaysayang pambansa at sisinop sa
pinakadakilang mga tagumpay ng sangkatauhan, ay hindi pa maipagmamalaki ang lusog at tatag
ng Filipino bilang wikang pambansa. 

Isang mahalagang bahagi ng naturang pambansang plano sa wika ang pambansang programa sa
pagsasalin. Masalimuot at maraming aspekto ang pagbuo ng naturang programa. Kaya
kailangang lahukan ito ng mga eksperto sa pagsasalin at ng mga institusyon at samahang
nagsasagawa na ng pagsasalin. Kailangan din nitong isaisip ang pangkalahatang
pangangailangan sa iba’t ibang larang ng buhay at iba’t ibang disiplinang akademiko upang
magampanan kapuwa ang pagsasaling pampanitikan at teknikal gayundin ang mga kagyat na
kahingian sa paaralan, hukuman, batasan, negosyo, at ibang sektor ng lipunang Filipino.

Ang pagsasalin lamang ng mga akdang pampanitikan ay isang higanteng tungkulin kaya’t
mangangailangan kahit ang NCCA ng ibang katuwang na samahan upang matupad ito. Bukod
naman sa propesyonalisasyon at pagtataas ng bayad sa tagasalin ay kailangan ang iba pang
insentibo upang lumaki ang hukbo ng tagasalin at tumaas ang antas ng pagsasalin. Kailangan ang
isang tanging gawad para sa katangi-tangi’t huwarang tagasalin at isang regular na gantimpala
upang itanghal ang mahuhusay na saling pampaanitikan at teknikal taon-taon.

Author: Emilio Jacinto

Petsa: ika-25 ng Disyembre, 2007

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagpagsaling-Wika  (Nida at Savory)


            Tungkulin ng isang tagapagsaling-wika ang mailipat niya sa wikang kanyang
pagsasalinan ang diwang ipinahahayag sa wikang isinasalin.  At upang maging maayos ang
kanyang pagsasalin, dapat din niyang unawain hindi lamang ang nakikitang nilalaman ng paksa
kundi gayundin ang natatagong kahulugan nito, ang mga emosyong napapaloob sa mga salita at
ang estilo na siyang nagbigay-kulay at ganda sa diwang nais ipahayag ng awtor.  

1.  Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

            Ayon kay Nida, ang katangiang ito ang “first and foremost requirement of any
translator.”  Tungkol sa wikang isasalin, hindi raw sapat na nakukuha niya ang general drift ng
Pahina 7

kahulugan ng kanyang isinasalin o kaya’y mahusay siyang kumonsulta sa


diskyonaryo.  Kailangang maunawaan din niya ang maliliit na himaymay ng kahulugan, ang
bahagyang pandamdaming taglay ng mga salita, at ang ginamit na estilo na siyang bumuo ng
“flavor and feel of the message.”

2.  Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin

            Ito ay tumutukoy sa kaalaman sa kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa


pagsasalin.  Kailangang maunawaan ng tagapagsalin, halimbawa, ang pagkakaiba sa balangkas
ng Ingles at Filipino.  Iba ang balangkas ng pangungusap, sistema ng paglalapi at pagbuo ng mga
parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino.  Ang kaalamang ito ay kailangang-kailangan ng
tagapagsalin sa pagsusuri o pagbatid sa tunay na diwang nais ipahatid ng awtor, gayondin sa
wastong paggamit ng mga salita, wastong pagbubuo, pagsusunud-sunod atbp.

3.  Sapat na kakakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag

            Ang ginamit na parirala ni Nida rito ay “capacity for literary expression.”   Magkaiba ang
kakayahan sa wikang pampanitikan kaysa karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika.  Kung
ang isasalin ay tula, higit n mabuting ang maging tagapagsalin nito ay isa ring makata sapagkat
iba ang hagod ng makata.  Iba ang kanyang paraan ng paghahanay at pagpili ng mga salita.

4.  Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

            Ang isang guro, halimbawa, na hindi nagtuturo ng biology ay hindi magiging


kasinghusay na tagapagsalin ng gurong nagtuturo nito. Nakalalamang ang tagapagsalin na higit
na may kaalaman sa paksa sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa
mga konseptong nakapaloob dito.

5.  Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin

            Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito.  Ang
Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa pagpapahayag ng kanilang kultura;  ang
wikang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.  At gaya  ng alam natin,
ang Amerika at Pilipinas ay dalawang bansang lubhang malaki ang pagkakaiba sa kultura.

      
Pahina 8

 Sa gayon, masasabi nating walang wikang higit na mabisa kaysa ibang wika.  Ang lahat
ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling
kulturang kinabubuhulan nito.

Definisyon:

            Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na


katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.

Metodo

Basahin ng paulit-ulit ang akda Iwasang isalin ang pagsasaling salita-sa-


salita

Basahing mabuti ang ginawang pagsasalin Huwag gawing literal ang pagsasalin
pati ang orihinal na akda

Tiyaking maayos at malinaw ang


pagsasaling-wika sa sariling pamamaraan
Pahina 9

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang mga paraan na ginamit ng aming grupo ay binasa ang kuwentong Cebuano upang

isalin sa Filipino. Inintindi naming mabuti ang bawat salitang ginamit dito sa kuwento. Binasa

namin ang kwento at inisa-isa ito salita sa salita, paksa sa paksa, pangungusap sa pangungusap at

mahahalagang detalye upang lalo namin malaman kung ano talaga ang nilalaman ng kwento at

gustong ipa-abot ng may akda sa mambabasa. Kami rin ay naghanap sa internet ng iba’t-ibang

paraan na makakatulong upang mapadali ang pagsasalin ng kwentong Cebuano sa Filipino

lenggwahe. Kami rin ay kumausap ng isang cebuana, pinabasa namin sa kanya ang kwento at

dahil dito napadali ang grupo namin sa pagsasalin ng kwentong Cebuano sa Filipino. Pinabasa

rin namin sa aming guro ang kwentong Cebuano sa Filipino upang maitama ang mga maling

pangungusap. Ang aming lider ay nagtalaga sa bawat miyembro ng grupo ng kani-kanilang

gawain upang mapadali ang aming gawain at matapos sa takdang panahon ang aming proyekto.
Pahina 10

Theoretical Framework

Ayon kay Newmark Proseso ng Pagsasalin ng Wika

Salita-sa-Salita Basahin at unawain nang husto ang


orihinal na akda. Ihiwalay o markahan
ang mga salitang mahirap isalin.
Literal

Gumamit ng tatlo o higit pang uri ng


sanggunian. Pangunahin sa mga
Adaptasyon
sanggunian ng nagsasaling-wika ay ang
diksyunaryo ng wikang isinasalin; ikalawa
Matapat ay ang diksyunaryo ng wikang sinasalin;
at ang ikatlo ay ang sariling bokabularyo
ng tagapagsalin.
Semantiko Isulat na ng unang borador kahit na hindi
pa ganap na naisasalin ang mahihirap na
salita.
Komunikatibo
Basahin at iwasto ang unang borador para
sa paggawa ng ikalawang borador.Dito
maaaring balikan ang mahihirap na salita.
Malaya

Ipabasa sa iba ang ginawang pagsasalin


upang makakuha ng opinion at mungkahi.
Mainam sa isang editor oproofreader ang
magbabasa ng ikalawang borador.

Isulat ang huling borador. Isama ang mga


naging mungkahi at pagwawasto ng ibang
nagbasa.
Pahina 11

KABANATA IV

TRITMENT NG MGA DATOS

Interpretasyon ng mga Datos

a. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento o
bahagdan ang sumasang-ayon na nagustuhan nila ang aming pagsasalin dahil sa maganda
daw ang aming pagsasalin at naiintindihan nila ang kwento ng maayos.
b. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento ang
sumasang-ayon din o nagsasabi na maayos ang pagkakagawa sa aming ginawang
pagsasalin ng teksto at lahat sila ay binigyan ito ng rate na apat
c. Ayon sa nakalap naming mga sarbay ang kanilang reaksyon sa kwento ay maganda at
nagawa naming maisalin ng malinaw ang kwento.
d. Ayon sa sarbay namin marami ang nasiyahan sa kanilang nabasa na kwento kahit na
patungkol ito sa isang tao na nabaliw sa pag-ibig at naging usap-usapan siya sa lugar nila
na isa daw siyang baliw.
e. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 75 porsyento ang
nagsasabing naiintindihan nila ang kwento dahil sa napapanahon daw ito ngayon sa ating
bansa dahil sa dumarami ang dumadanas nito ngayon ang maloko sa pag-ibig ngunit
iiwan din pala. At sa 25 porsyento na nagsasabi na hindi nila naiitindihan ang kwento
sinasabi nila na ano daw ang konek nito sa ating nangyayari sa buhay-buhay.
f. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 100 porsyento ang
nagsasabi na saya ang kanilang nararamdaman pagkatapos nila mabasa ang kwento na
“Talia Migrante”, sinasabi na ito daw ay nakakatuwa at nakaka-aliw basahin.
g. Sa sarbay naming ginawa 75 porsyento ang nagsasabi na wala kaming maling salita na
nagamit sa pagsasalin ng kwento
h. Ang babasahing Cebuano na aming isinalin sa wikang Filipino ay may 75 porsyento ang
nagsasabi na maganda ang kwento dahil para sa kanila ang kwento ay isang kakatawanan
na may halong kung ano ano pa.
Pahina 12

Estastikong paglalapat ng mga datos

Nagustuhan niyo ba ang


aming ginawang pagsasalin

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon

Matinding di pangsang-ayon

0 20 40 60 80 100
May 100 na porsyento o bahagdan ang sumasang-
ayon na nagustuhan nila ang aming pagsasalin dahil sa maganda daw ang aming pagsalin at
naiintindihan ng maayos ang kwento.

Pahina 13
Naintindihan mo ba ang
iyong nabasa

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi pangsang-ayon

Matinding di pangsang-ayon

0 20 40 60 80
May 75 porsyento ang nagsasabing naiintindihan
nila ang kwento dahil sa napapanahon daw ito ngayon sa ating bansa dahil sa dumarami ang
dumadanas nito ngayon ang maloko sa pag-ibig ngunit iiwan din pala at sa 25 porsyento na
nagsasabi na hindi nila naiitindihan ang kwento sinasabi nila na ano daw ang konek nito sa ating
nangyayari sa buhay-buhay.

May mga maling salita ba


kaming nagamit

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon

Matinding di pangsang-ayon

0 10 20 30 40 50 60 70 80
May 75 porsyento ang nagsasabi na wala
kaming maling salita na nagamit sa pagsasalin ng kwento

Pahina 14
Maganda ba ang kwento

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon

Matinding di pangsang-ayon

0 20 40 60 80 100
May 100 porsyento ang nagsasabi na saya
ang kanilang nararamdaman pagkatapos nila mabasa ang kwento na “Talia Migrante”, sinasabi
na ito daw ay nakakatuwa at nakaka-aliw basahin.

Maganda ba ang kwento

Matinding pangsang-ayon

Sumasang-ayon

Hindi sumasang-ayon

Matinding di pangsang-ayon

0 10 20 30 40 50 60 70 80
May 75 porsyento ang nagsasabi na maganda
ang kwento dahil para sa kanila ang kwento ay isang kakatawanan na may halong kung ano ano
pa.\
Pahina 15

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang aming pag-aaral ay tungkol sa pagsasaling wika ng kwentong Cebuano sa wikang

Filipino. Ang isinalin naming kwento ay “Talia Migrante” isang kuwentong sa wikang Cebuano

tungkol sa isang babaeng nangibang bansa ngunit hindi nagtagumpay.

Ang pagsasalin na aming ginawa ay deskriptiv-analitikal. Ginamit din naming ang

dalawang paraan ng pagsasalin, ang literal na pagsasalin at pampantikan upang lubos na

maunawaan ang kuwentong sa patunguhang wika at hindi mabago ang mga ideya ng wikang

pinagmulan.

Ginawa namin ang pagsasalin sa pamamagitan ng pagtanong sa mga kapwa naming mag-

aaral na may kaalaman sa wikang Cebuano. Kumuha rin kami ng mga datos sa library at internet

para sa aming ginawang pagsasalin. Sa kabuuan naging matagumpay angaming ginawang pag-

aaral.

Pahina 16
Konklusyon

Base sa aming ginawang pag-aaral masasabi naming na masalimuot ang pagsasaling-

wika. Ito ay meron mga batayan na dapat sundin halimbawa, ang hindi paglihis sa tunay na ideya

ng orihinal na kuwento. Dapat rin isaalang-alang ang estilo ng awtor ng isasaling-kwento.

Masasabi naming na dumidepende sa orihinal na akda upang hindi naming mabago ang

ideya o tema ng kuwento. Dito masasabi naming na ang isang tagasalin ay dapat may kaalaman

sa dalawang wika gagamitin ang orihinal at patunguhan. Kailangan rin na meron kaalaman sa

kultura ng dalawang lugar na kaugnay sa pagsasalin at ang sapat na kaalaman sa gramatika ng

dalawang wika ito.

Rekomendasyon

Ang mga sumusunod ay aming rekomendasyon sa ginawang pag-aaral:

1. Magkaroon pa ng maraming pagsasalin na gagawin lalo na ang pagsasalin sa mga wikang

katutubo patungo sa wikang pambansa upang marami ang makaunawa ng mga

kuwentong katutubo at makilala rin ang kanilang kultura.

2. Ang aming ginawang pag-aaral ay magagamit na batayan sa anumang pag-aaral na

kaugnay sa pagsasalin.

3. Bukas rin ang aming grupo sa anumang rebisyon na maaring gawin upang mas maging

maganda ang ginawa naming pagsasalin at ang pag-aaral sa pangkalahatan.

Pahina 17
APENDIKS

SARBEY

Pangalan: Taon at Kurso:

LAYUNIN: Makakuha ng mga dahilan at saloobin ng mga mag-aaral sa pagbasa sa isinalin na


maikling kwentong Cebuano sa wikang Filipino at epekto nito sa kanila bilang isang indibidwal.

1. Nagustuhan niyo ba ang aming ginawang pagsasalin?


1 2 3 4

2. Maayos ba ang aming pagsasalin?


1 2 3 4

3. Ano ang reaksyon mo sa isinalin namin na kwento?

4. Malinaw ba ang ginawa naming pagsalin?


1 2 3 4

5. Nasiyahan ka ba sa iyong nabasa?

6. Naintindihan mo ba ang iyong nabasa?


1 2 3 4

7. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mo mabasa ang kwento?

Pahina 18
8. May mga maling salita ba kaming nagamit?

9. Maganda ba ang kwento?


1 2 3 4

10. Ano ang iyong natutunan sa kwento?

Potrebbero piacerti anche