Sei sulla pagina 1di 1

Ang Kamay ng Diyos

Elvira Ramos

Sa aking paggising ay nasilayan ko


Ganda ng umaga’t malalagong damo,
Hamog ng magdamag perlas ngang totoo
Pumapalamuti sa halamang kaybango.

Ang kapaligira’y payak at tahimik


Tanging naririnig ay awit ng pipit;
Sa saliw ng tugtog ng sariwang hangin
Tila nagsasabing “sumabay ka sa amin.”

Buntong hininga ko’y hindi mapigilan


Sa mga nakikita at napagtuunan
Naiisip kong “sino kaya ang may lalang?
Sinong tumitingin, sinong nagmamahal?”

Kaninong kamay ba’ng lagging humahaplos,


Tuwina’y alaga ang prutas na bubot;
Upang bandang huli’y yumabong, mahinog
At pakinabangan itong Kanyang handog?

Aking napagliming walang ibang kamay


‘Sing kapangyariha’t ‘sing galing magyaman,
Ang Kanyang nilalang inirog niyang tunay
Walang ‘di gagawin kung kinakailangan.

Ngayon ko natanto na ang mundo pala


Hinubog na lubos ng mga kamay Niya
Ang langit at lupa at lahat-lahat na
Nagpapamalas lang “Tayo’y pinagpala.”

Potrebbero piacerti anche