P. 1
Ilang Panitikan ng Pilipinas

Ilang Panitikan ng Pilipinas

|Views: 1,277|Likes:
Published by josedenniolim
Content in Filipino. Contains selected Philippine literary works: Ibalon (Epikong Bikolano), Biag ni Lam-ang, Alim, Bakit May Pulang Palong ang mga Tandang
Content in Filipino. Contains selected Philippine literary works: Ibalon (Epikong Bikolano), Biag ni Lam-ang, Alim, Bakit May Pulang Palong ang mga Tandang

More info:

Published by: josedenniolim on Aug 06, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOC, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/07/2012

pdf

text

original

Document Uploaded by J.D.

Lim

Ibalon (Epikong Bicolano) Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño sa narinig niyang kuwento ng isang manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol. Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong. Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa Ibalon. Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay. Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto. Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa bahay. Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay Rabut. Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog. Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha. Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni Bantong. Biag ni Lam-ang (Epikong Ilocano) Sa lambak ng Nalbuan sa baybayin ng Ilog Naguilian sa La Union ay may mag-asawang kilala sa pangalang Don Juan at Namongan. Nang malapit nang magsilang ng sanggol si Namongan, nilusob ng tribo ng Igorot ang nayon at pinatay ang maraming tauhan ni Don Juan. Sa laki ng galit, nilusob naman ni Don Juan ang mga Igorot upang ipaghiganti ang mga tauhan niya. Hindi na nakabalik si Don Juan sa kanyang nayon. Ang naging balita, siya ay pinugutan ng ulo ng mga Igorot. Isinilang ni Namongan ang kanyang anak. Ang sanggol ay nagsalita agad at siya na ang pumili ng pangalang Lam-ang at siya na rin ang pumili ng kanyang magiging ninong.

Some Rights Reserved

http://projectdennio.blogspot.com/

Document Uploaded by J.D. Lim

Nang malaman ni Lam-ang ang masakit na nangyari sa kanyang ama, sumumpa siyang ipaghihiganti niya ito. Sa gulang na siyam na buwan pa lamang, ay malakas, matipuno at malaking lalaki na siya. Ayaw man siyang payagan ng kanyang ina upang hanapin ang bangkay ng kanyang ama, ay nagpilit din si Lam-ang na makaalis. Kasama niya sa pagtungo sa lupain ng mga Igorot ay isang mahiwagang tandang, ang tangabaran, at mahiwagang aso. Baon rin niya ang kanyang talisman mula sa punong saging. Sa tulong ng kanyang talisman ay madali niyang nalakbay ang mga kabundukan at kaparangan. Sa laki ng pagod ni Lam-ang, siya ay nakatulog. Napangarap niya ang mga Igorot na pumatay sa kanyang ama na nagsisipagsayaw at nililigiran ang pugot na ulo ng kanyang ama. Nagpatuloy si Lam-ang sa paglalakbay at narating ang pook ng mga Igorot. Nakita niya ang ulo ni Don Juan na nasa sarukang, isang haliging kawayan. Hinamon ni Lam-ang ang mga Igorot. Pinauwi ng mga Igorot si Lam-ang upang sabi nila'y huwag matulad sa ginawa nila kay Don Juan. Sumigaw ng ubos lakas si Lam-ang at nayanig ang mga kabundukan. Ang tinig niyang naghahamon ay narinig ng marami kaya't dumating ang maraming Igorot at pinaulanan si Lam-ang ng kanilang mga sibat. Hindi man lamang nasugatan si Lam-ang. Nang maubusan ng sibat ang mga Igorot ay si Lam-ang naman ang kumilos. Hinugot niya ang mahaba niyang itak at para lamang siyang tumatabas ng puno ng saging, na pinagpapatay niya ang mga nakalaban. Umuwi si Lam-ang sa Nalbuan. Naligo siya sa Ilog Amburayan sa tulong ng mga dalaga ng tribu. Dahil sa dungis na nanggaling kay Lam-ang, namatay ang mga isda sa Ilog Amburayan at nagsiahon ang mga igat at alimasag sa pampang. Matapos mamahinga ay gumayak na si Lam-ang sa pagtungo sa Kalanutian upang manligaw sa isang dilag na nagngangalang Ines Kannoyan. Kasama ni Lam-ang ang kanyang mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Sa daan patungo sa Kalanutian ay nakalaban niya ang higanteng si Sumarang. Pinahipan ni Lam-ang sa hangin si Sumarang at ito ay sinalipadpad sa ikapitong bundok. Sa tahanan nina Ines ay maraming tao. Hindi napansin si Lam-ang. Tumahol ang mahiwagang aso ni Lam-ang. Nabuwal ang bahay. Tumilaok ang mahiwagang tandang. Muling tumayo ang bahay. Napansin si Lam-ang. Ipinagtapat ng tandang at aso ang kanilang layunin. Nais pakasalan ni Lam-ang si Ines. Hindi naman tumutol ang mga magulang ni Ines kung magbibigay si Lam-ang ng panhik o bigay-kaya na kapantay ng kayamanan nina Ines. Nagpadala si Lam-ang ng dalawang barkong puno ng ginto at nasiyahan ang mga magulang ni Ines. Si Ines at si Lam-ang ay ikinasal nang marangya at maringal sa simbahan. Pagkatapos ng kasalan, bilang pagtupad sa kaugalian ng mga tao sa Kalanutian, kailangang manghuli si Lam-ang ng mga isdang rarang. Nakikinikinita ni Lam-ang na may mangyayari sa kanya. Na siya ay makakain ng pating berkahan. Ipinagbilin ni Lam-ang ang dapat gawin sakaling mangyayari ito. Si Lam-ang ay sumisid na sa dagat. Nakain siya ng berkahan. Sinunod ni Ines ang bilin ni Lam-ang. Ipinasisid niya ang mga buto ni Lam-ang. Tinipon ito at tinakpan ng saya ni Ines. Inikut-ikutan ng mahiwagang tandang at mahiwagang aso. Tumilaok ang tandang at tumahol ang aso. Walang anu-ano'y kumilos ang mga butong may takip na saya. Nagbangon si Lam-ang na parang bagong gising sa mahimbing na pagkakatulog. Nagyakap si Lam-ang at si Ines. Kanilang niyakap din ang aso at tandang. At namuhay silang maligaya sa mahabang panahon. Alim (Epiko ng mga Ifugao) Ang epikong Alim ng mga Ifugao ay nagsasalaysay ng isang panahong ang lupain ay saganang-sagana. Maging ang mga ilog at dagat ay sagana sa isda. Ang mga kagubatan ay maraming mga hayop na madaling hulihin. Walang suliranin ang mga tao tungkol sa pagkain. Pag ibig nilang kumain, wala silang gagawin kundi pumutol ng biyas na kawayan at naroroon na ang bigas na isasaing. Ang biyas ng kawayan ay siya ring pagsasaingan. Noon, ang daigdig ay patag na patag maliban sa dalawang bundok : ang Bundok ng Amuyaw at ang Bundok ng Kalawitan. Dumating ang panahong hindi pumatak ang ulan. Natuyo ang mga ilog. Namatay ang mga tao. Humukay ang ilang natitirang tao ng ilog. Ang tubig ay bumalong. Natuwa ang mga tao at sila ay nagdiwang. Subalit bumuhos
Some Rights Reserved http://projectdennio.blogspot.com/

Document Uploaded by J.D. Lim

ang malakas na ulan, umapaw ang mga ilog. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nagsipagtakbo ang mga tao sa dalawang bundok subalit inabot din sila ng baha. Nalunod na lahat ang mga tao maliban sa magkapatid na sina Bugan at Wigan. Nang bumaba na ang baha, nagpaningas ng apoy si Bugan sa bundok ng Kalawitan. Nakita ito ni Wigan sa kanyang kinaroroonan sa bundok ng Amuyaw. Pumunta si Wigan kay Bugan. Nalaman nilang silang dalawa lamang magkapatid ang natirang tao sa daigdig. Nagtayo ng bahay si Wigan na tinirahan nila ni Bugan. Pagkaraan ng ilang panahon, si Bugan ay nagdalantao. Dahil sa malaking kahihiyan tinangka ni Bugan na magpakamatay. Pinigil siya ng isang matanda. Ito'y bathala ng mga Ifugao, si Makanungan. Ikinasal ni Makanungan si Wigan at si Bugan. Nagkaroon sila ng siyam na anak, limang lalaki at apat na babae. Nang dumating sila sa hustong gulang, ang apat na lalaki ay ikinasal sa apat na babae. Ang bunsong lalaki na si Igon ang natirang walang asawa. Namuhay silang masagana. Paglipas ng ilang panahon, nakaranas sila ng tagtuyot. Wala silang ani. Naalala ni Wigan at ni Bugan si Makanungan. Sila'y nanawagan dito at hinandugan nila ng alay na daga. Patuloy pa rin ang tagtuyot. Naisipan nilang si Igon ang patayin at siyang ihandog sa Bathala. Natapos ang pagsasalat at tuyot. Subalit nagalit si Makanungan sa ginawa nilang pagpatay at paghahandog ng buhay ni Igon. Isinumpa niya ang mga anak nina Wigan at Bugan. Sinabi niyang maghihiwa-hiwalay ang magkakapatid - sa timog, sa hilaga, sa kanluran, sa silangan. Kapag sila'y nagkita-kita, sila'y mag-aaway at magpapatayan. Kaya't ang mga tribong ito ng mga tao sa kabundukan, magpahangga ngayon ay naglalaban at nagpapatayan. Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang Nakapagtataka kung bakit may pulang palong ang mga tandang. Kapansin-pansin din na kapag pulang-pula ang palong ng tandang ay magilas na magilas ito. Para bang binata na nagpapaibig sa mga dalaga. Ayon sa kuwento, may mag-ama raw napadpad ng bagyo sa isang baryo sa pulo ng Masbate. Ang ama ay nakilala ng mga tao sa nayon dahil sa kawili-wiling mga palabas nito na mga salamangka o mahika. Tinawag nilang Iskong Salamangkero ang kanilang bagong kanayon. Bukod sa pagiging magalang, masipag, mapagkumbaba ay mabuting makisama sa mga taga nayon si Iskong Salamangkero. Madali siyang nakapaghanap ng masasakang lupa na siyang pinagmulan ng kanilang ikinabubuhay na mag-ama. Kung anong buti ng ama ay siya namang kabaliktaran ng anak nitong si Pedrito. Siya ay tamad at palabihis. Ibig ni Pedrito na matawag pansin ang atensyon ng mga dalagita. Lagi na lamang siyang nasa harap ng salamin at nag-aayos ng katawan. Ang paglilinis ng bahay at pagluluto ng pagkain na siya lamang takdang gawain ni Pedrito ay hindi pa rin niya pinagkakaabalahan ang pag-aayos ng sarili. Kapag siya ay pinagsasabihan at pinangangaralan ng ama ay nagagalit siya at sinagot-sagot niya ito. Isang tanghali, dumating sa bahay si Iskong Salamangkero mula sa sinasakang bukid na pagod na pagod at gutom na gutom. Dinatnan niya na wala pang sinaing at lutong ulam si Pedrito. Tinawag niya ang anak ngunit walang sumasagot kaya pinuntahan niya ito sa silid. Nakita niya sa harap ng salamin ang anak na hawak ang pulang-pulang suklay at nagsusuklay ng buhok. Pedrito, magsaing ka na nga at magluto ng ulam. Gutom na gutom na ako, anak, wika ni Iskong Salamangkero. Padabog na hinarap ni Pedrito ang ama at kanyang sinagot ito. Kung kayo ay nagugutom, kayo na lamang ang magluto. ako ay hindi pa nagugutom. At nagpatuloy ng pagsusuklay si Pedrito ng kanyang buhok. Nagsiklab ang galit na si Iskong Salamangkero sa anak. Sinugod niya si Pedrito at kinuha ang pulang suklay. Inihampas niya ito sa ulo ng anak at malakas niyang sinabi Mabuti pang wala na akong anak kung tulad mong tamad at lapastangan. Sapagkat lagi la na lamang nagsusuklay ang pulang suklay na ito ay mananatili sana iyan sa tuktok ng iyong ulo. At idiniin ni Isakong Salamangkero ang pulang suklay sa ulo ni Pedrito. Dahil sa kapangyarihang taglay ni Isko bilang magaling na salamangkero, biglang naging tandang ang anak na tamad at
Some Rights Reserved http://projectdennio.blogspot.com/

Document Uploaded by J.D. Lim

lapastangan. At ang suklay sa ulo ni Pedrito ay naging pulang palong. Hanggang sa ngayon ay makikita pa natin ang mapupulang palong sa ulo ng mga tandang.

Some Rights Reserved

http://projectdennio.blogspot.com/

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->