P. 1
Noli Me Tangere Deciphered-kab038

Noli Me Tangere Deciphered-kab038

|Views: 1,661|Likes:

More info:

Published by: Daniel Mendoza-Anciano on Apr 08, 2010
Copyright:Attribution Non-commercial

Availability:

Read on Scribd mobile: iPhone, iPad and Android.
download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
See more
See less

11/21/2012

pdf

text

original

KABANATA 38 ANG PRUSISYON

Kinagabihan, ang lahat ng parol sa mga bintana ay may ilaw na, isinasagawa na ang ikaapat na paglabas ng prusisyon na sabay sa tugtog ng mga kampana at ng mga paputok. Ang Kapitan Heneral, na naglalakad na kasama ng kanyang mga ayudante, si Kapitan Tiyago, ng alkalde, ng alperes at ni Ibara, na pinangungunahan ng guwardiya sibil at mga maykapangyarihan sa bayan na nagpapalayo sa mga tao upang magbukas ng madaraanan, ay naanyayahang panoorin ang pagdaraan ng prusisyon sa bahay ng kapitan sa bayan na nagpatayo sa harapan ng kanyang bahay ng entablado upang doon bigkasin ang isang loa na papuri sa sa karangalan ng Santong patron.1 Buong galak sanang iniwan ni Ibarra ang pakikinig sa loante 2 at higit sana niyang ninais pa ang panoorin na lamang ang prusisyon sa bahay ni Kapitan Tiyago, sapagkat naiwan doon si Maria Clara, na kasama ang mga kaibigang dalaga, ngunit inibig ng Heneral na mapakinggan ang papuri, kaya wala siyang nagawa kundi ang masiyahan sa pagasang makikita ang binibini sa dulaan. Nangunguna sa prusisyon ang kandelabrang pilak na dala ng tatlong sakristang may guwantes ang mga kamay; sumusunod ang mga batang mag-aaral, na kasama ang guro; pagkatapos ay ang mga batang may dalang parol na yari sa papel, na iba-iba ang ayos at kulay, na nakalagay sa dulo ng mga kawayang dimagkatulad ang sukat at napapalamutian nang alinsunod sa kagustuhan ng bata, ang mga ilaw na ito ay gugol ng kabataan ng

MGA PALIWANAG 1 Ang loa ay isang patulang papuri na binibigkas para sa karangalan ng mga santong patron. Marami pang mga bayan ang nagsasagawa ng loa para sa kanilang patron. Sa kabanatang ito ay isasagawa niya ang sarili niyang paraan ng pagbibigay ng Loa sa mga santo sa pamamagitan ng mga maanghang ngunit makakatotohanang pang-iinsulto ni Pilosopo Tasyo. 2 Isang napagandang paraan ng pagsasabing hindi niya gusto ang pakikinig ng loa at wala siyang pagpapahalaga ukol sa bagay na iyon. Ang karagdagang paliwanag ukol sa loa ay matutunghayan sa mga susunod na talababa.

447

mga nayon.3 Malugod silang sumusunod sa gawaing, na iniuutos ng matanda sa nayon;4 bawat isa ay siyang nagpa lano at gumagawa ng sarili nilang parol, nilalagyan ng mga sabit na palamuti at banderitas, alinsunod sa kanyang nais na disenyo at sa laman ng bulsa, at ang loob ay iniilawan ng isang mauubos nang kandila, kung may isang kaibigan o kamag-anak na sakristan, o kaya ay bumibili ng mga kandilang pula na kagamitan ng mga Insik sa kanilang mga altar.5 Sa kalagitnaan ay pabalik-balik ang mga alguwasil at ang mga tinyente ng hustisya ng bayan, upang ang prusisyon ay hindi maputol, ni maipon ang mga tao sa iisang lugar lamang, at upang masunod ito ay ginagamit ang kanilang mga varas, na, ang palo na ibinibigay nang may sapat na lakas at sa kailangang sandali ay nakapagdadgdag sa kaluwalhatian at karingalan ng prusisyon upang ikahusay ng mga kaluluwa at ikaningning ng mga pagdiriwang ukol sa pananampalataya.6 Samantalang ipinagkakaloob ng bay sa mga alguwasil ang kanilang libreng pamamalo na nakapagbibigay-kabanalan, ang iba namang mga tao ay namimigay ng mga kandilang iba·t iba ang laki, na wala rin namang bayad, upang maaliw o maalis ang sama ng loob ng mga napapalo.

3 Mamamalas ang pang-sibikong damdamin ng mga bata sa Pilipinas ² dahilan sa sarili nilang gastos at abala ng kanilang pakikibahagi sa prusisyon ng bayan. 4 Isang taong iginagalang sa sa nayon. Maaring hindi siya ang cabesa de barangay ngunit ang kaniyang inpluwensiya ay napakalakas sa buhay at desisyon ng mga taga nayon. Maging sa pag-aaral ng tulisanismo bago sumapit ang kalagitnaan ng ika-19 siglo, mayroong mga matatanda sa nayon na napasama sa kilusang armado, laban sa pamahalaang kolonyal. Batis: Glorias Nacionale: Los Sucesos de 1872 sinulat ni Manuel Artigas y Cuerva at isinalin sa Ingles ni Onofre D. Corpuz. 5 Pinupuna rito ni Rizal na ang kandilang ginagamit at pinagbibili ng mga Tsino sa kanilang altar ay iyon ding mga ginagamit ng mga Pilipino para sa altar ng kanilang mga santo. 6 Gumagamit ng pamalo sa mga tao para maging maayos ang prusisyon at patingkarin ang pagdiriwang na pangkabanalan. Ang pamamalo sa mga nagkakagulong tao sa pamamagitan ng pamalong yantok ay bahagi noon ng pamamaraan ng pagpapatahimik ng tao sa maramihang pagkakatipon. Sa kasalukuyan ang ganitong eksena ng pamamalo sa maraming tao na nagkakatipon ay nakikita sa tinatawag na crowd control and dispersal sa mga demonstrasyon.

448

´Ginoong Alkalde,µ ang sabing marahan ni Ibarra, ´ang mga pagpalo bang iyan ay bilang kaparusahan sa kasalanan, o dahil sa ibig na lamang ang mamalo?µ7 ´May katwiran kayo, Ginoong Ibarra,µ ang sagot ng Kapitan Heneral na nakarinig sa katanungan, ´ang ipinamamalas na iyang« ugaling-hayop ay .makapagpapanibago sa mga nanggagaling sa ibang lupain. Kailangang ipagbawal.µ8 Sa hindi malamang dahilan, ang unang santong lumitaw, ay si San Juan Bautista. Pagkamalas sa kanya ay masasabing ang kabantugan ng pinsan ng ating Panginoong Jesucristo ay hindi mabuti ang kalagayan sa tao; tunay nga at siya ay may mga paa at hitang dalaga at mukhang anacoreta,9 ngunit nakalagay sa isang lumang andas na kahoy at nadidiliman siya ng ilang bata na may mga dalang parol na papel na walang ilaw, na dinagpapahalatang nag-aaway-away.10
7 Parang isang katanungan ni Rizal sa sistema ng pamamalo bilang paraan ng crowd control and dispersal ² dapat bang saktan ang mga demonstrador na nagpaparating ng kanilang mga karaingan sa pamahalaan. Maari ding maging tanong sa sistemang torture ² sa isang lipunan na walang paggalang sa karapatang pantao, ang pananakit ay isinasagawa sa isang nahuling pinaghihinalaan, sa kabila na mayroon namang hukuman na lilitis ng pagkakaroon o kawalan ng kasalanan. Ang ginawang pananakit ay nagiging isang anyo ng paunang kaparusahan sa napaghihinalaan na hindi pa tiyak ang pagkakaroon ng kasalanan. 8 Hindi kaayon ang KH ng pananakit. Maninibago ang mga taong mula sa ibang bansa na makakikita nito² isang paraan ng pagpapakita ni Rizal sa mga KH sa kaniyang kapanahunan ng pangangailangan na gumalang sa karapatan ng tao. Sa ating kasalukuyang kasaysayan ay makikita ang isang kabalintunaan ² ang mga pamahalaan na naluklok sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos ng sambayanan (tinatawag na People·s Power) ay iyon ding mga pamahalaan na hindi nag-aatubili na ipagbawal at gumamit ng mga mararahas at madugong pamamaraan sa mga taong kolektibong kumikilos para maiparating ang kanilang lehitimong karaingan sa pamahalaan na minsan nilang sinuportahan. 9 Katawagan sa mga sinaunang ermitanyong Kristiyano na naninirahan sa liblib na pook at nabubuhay sa pananalangin at pagpepenitensiya, sa kanila nagsimula ang unang kilusang ng monastisismo ng simbahan. 10 Paliwanag ² mayroong mabigat na simbolismo si Rizal upang ilagay niya sa unahan si San Juan Bautista sa prusisyon. Sinasabi sa Biblia na si Juan Bautista ang naghanda ng daan ng panginoon, upang ihanda

449

´Sawing palad!µ ang bulong ng pilosopong si Tasyo na nasa daan at nanonood ng prusisyon, ´walang naging kabuluhan sa iyo ang iyong pagiging unang nagsalaysay ng Magandang Balita, kahit na yumuko pa sa iyong harapan si Jesus! Walang halaga ang malaki mong pananampalataya, maging ang iyong mga kahirapan, maging ang iyong pagkamatay nang dahil sa katotohanan at iyong mga pananampalataya: ang lahat ng iyan ay nililimot ng mga tao na walang taglay kundi ang pagiging makasarili! Lalong mabuti pa na ikaw bumigkas na lamang ng masasamang sermon sa mga simbahan kaysa maging matatag na tinig na nangangaral sa ilang, ito ang itinuturo sa iyo ng Pilipinas. Kung pabo sana ang iyong kinain at hindi balang, nagsuot ka ng sutla at hindi balat ng hayop, kung sumapi ka sa isang corporacion«µ11 Subalit pinigil ng matanda ang paninisi sapagkat dumarating ang rebulto ni San Francisco. ´Ano ang sabi ko?µ ang patuloy na tumatawang pakutya, ´ito ay nasa karo at « anong karo, Diyos ko! Anong daming ilaw at anong daming parol na kristal! Kailanman ay napalibutan ng ganyan karaming ilaw, Giovani Bernardone!12 At anong musika! Ibang mga tugtugin ang ipinadinig ng iyong mga anak pagkatapos mong mamatay! Ngunit kagalang-galang at mapakumbabang nagtatag, kung muli kang mabubuhay ngayon ay wala kang makikita kundi mga Elias de Crotona na naging mahalay sa pamumuhay, 13 at kung makilala ka ng iyong mga anak ay
ang mga tao sa pagdating ng Mesias. Bakit Madilim? ² Ang tumatanglaw ay mga batang ang parol ay walang ilaw, isang pangungutya ni Rizal sa mga mangangaral ng Kristiyanismo. Bakit may mga batang nagpapaluan ng parol ² simbolismo ng pagtatalotalo ukol sa usapin ng relihiyon ng mga taong walang taglay na liwanag. 11 Nagpapakita ng panghihinayang si Pilosopo. Tasyo sa pangangaral, paghihirap at kamatayan ni San Juan Bautista. Isang mapanudyong panukala ni Pilosopo Tasyo na sana si Juan Bautista ay sumapi na lamang sa religious order ng mga prayle upang hindi kumain ng balang (kinakain ni Juan Bautista) kundi matataba at masarap na pabo, nakapagsuot ng abitong sutla at hindi kasuotang gawa sa balat ng hayop, at sana ay hindi ito pinatay. Isang matalim na anyo ng panlilibak ni Rizal sa pagpapayaman ng mga prayle, samantalang naghirap ng labis ang mga sinaunang tagapagtatag ng Kristiyanismo. 12 Giovani Bernardone ² ito ang tunay na pangalan ni San Francisco ng Assisi. 13 Si Elias de Crotona ay isa sa mga sinaunang prayle ng Orden Pransiskano at yumapos sa panata ng kahirapan ² ang karamihan sa mga prayleng Pransiskano sa panahon ng mga Espanyol ay naging

450

ikukulong ka, at marahil ay magaya ka sa nangyari kay Cesario de Speyer!µ Sumusunod sa musiko ang banner na may larawan ng nasabi ring santo, ngunit may pitong pakpak, ito ay dala ng mga Hermano Tercero na nakasuot ng abitong ginggo at nagdarasal nang malakas at paiyak ang boses. Hindi masabi kung bakit ang sumusunod doon ay si Sta. Maria Magdalena,14 magandang larawan na may makapal na buhok, may panyong pinyang binurdahan sa mga daliring puno ng mga singsing, at ang pananamit ay sutlang may hiyas na ginto. Mga ilaw at insenso ang nakapaligid sa kanya; nakikitang naaninag sa kanyang mga luhang kristal ang mga kulay ng luces de bengala, na nagbibigayanyong mahiwaga sa prusisyon, kaya ang banal na makasalanang babae ay lumuluha nang kung minsan ay luntian, kung minsan ay pula, kung minsan ay bughaw, atbp. Sinisindihan lamang ng mga bahay-bahay ang mga ilaw sa eksaktong pagtapat sa kanila ni San Francisco; si San Juan Bautista na hindi nagkakamit ng gayong karangalan at matulin ang kanyang lakad sapagkat nahihiya sa pangyayaring nag-iisa siyang nakadamit ng katad sa gitna ng karamihan ng taong puno ng ginto at mga maiinam na hiyas.15 ´Nariyan ang aming santa!µ ang sabi ng anak na babae ng kapitan sa bayan na kanilang mga panauhin, ´ipinahiram ko sa

mahalay ² nagpayaman. At maaring pati sa imoralidad. Tinawag ni Rizal ang mga Pransiskano sa kaniyang kapanahunan na naging mahalay na Elias de Crotona. 14 Mapapansin ang labis na panunudyo ni Rizal maging kay Maria Magdalena na nakasunod sa kalipunan ng mga lalaking mapanata sa simbahan. Tila inihanay ito ni Rizal upang ipakita ang isa mga kahinaan ng mga lalaki na laging mayroon sa likod na isang babae na kinakatawan ng pinaniniwalaan na dating propesyon ni Maria Magdalena. 15 Ipinakitang aba ang kalagayan ni San Juan Bautista samantalang siya ay pinsang buo at mismong nagbautismo kay Cristo. Ituwid natin ang ilang kamalian ² sinasabi ng ilan na si San Juan Bautista ang nagbinyag kay Jeusus ang naganap doon sa katotohanan ay bautismo at hindi binyag. UNA MALAKI NA SI CRISTO NANG MAGANAP ANG SEREMONYA; PANGALAWA, INILUBOG SI CRISTO SA TUBIG, HINDI WINISIKAN SA ULO at ALAM NI CRISTO ANG ARAL NA ITINUTURO NI JUAN BAUTISTA. Ngayon naiintindihan mo na ang pagkakaiba ng bautismo at binyag ² na parang iisa lamang sa wikang ingles na baptism.

451

kanya ang aking mga singsing upang matamo ko ang kalangitan.µ16 Ang mga umiilaw ay nagsitigil sa paligid ng kubol upang mapakinggan ang loante, ang mga santo man ay gayon din: sila (ang mga santo) o ang may dala sa kanila ay siyang may nais na makarinig ng mga tula.17 Ang mga may pasan kay San Juan, dahil sa pagkapagod sa pag-aantay, ay nagkaisang ilapag ang santo. ´Baka magalit ang alguwasil!µ sabi ng isa. ´Hoy! Sa sakristiya ay iniiwan lamang iyan sa isang sulok na may mga sapot ng gagamba«µ18 At nang nasa lapag na si San Juan ay nagmukhang para na lamang isang taong-bayan. Sumusunod kay Santa Magdalena ay dumating ang mga babae, na ang nangunguna ay ang matatanda at hindi ang mga bata, na gaya ng mga lalake, ang panghuli ay ang mga dalaga hanggang sa karo ng Birhen, na sinusundan ng kura na nasa silong ng palyo.19 Ang ugaling ito ay pina-uso ni Padre Damaso
16 Ipinakikita ang kapanatikuhan ng mga tao sa kanilang mga santa ipinahiram ng anak na babae ng Kapitan ang kaniyang singsing sa santa ² ano akala nila sa santa nagyayabang na katulad ng tao. Maaring ipinaiisip sa atin ni Rizal na ang ating mga imahen ay maaring ipakita ng payak at walang karangyaan ² tayo lamang ang gumagawa sa kanilang napakarangya ² ginagamit sila sa hindi natin direktang kayabangan ng nagpapahiram ng mga alahas. 17 Inihihinto ang imahen ng santo/santa para tulaan ng loa ² ipinakikita ni Rizal na hindi naman ang santo ang may gusto ng tula kundi ang nagdadala ng mga santo ² para bang ibig sabihin sa atin ni Rizal na alisin na lang ang santo (nagpapakahirap pa tayo) at makinig na lang tayo ng tulaan o Balagtasan. Paano kaya ma-aapreciate ng isang santo/santa ang loa at ang karingalan ng prusisyon ² may mga mata sila na hindi nakakakita, may tainga na hindi nakakarinig, kamay na hindi nakakahawak, at paa na hindi nakakalakad! HINTAYIN NATIN NA MAGING HIGH-TECH, MAGKAROON SANA TAYO NG MGA ROBOTIKONG SANTO. Bakit nga ba hindi? Ang bersiyon ng Loa ni Rizal para sa mga santo sa kabanatang ito ay hindi nakaukol sa mga santo, kundi para imulat ang kritikal na kaisipan ng kaniyang mga mambabasa. 18 Makikita na sa loob ng isang taon ay pinababayaan at sa araw ng prusisyon lamang pinapahalagahan at nililinis. 19 Talagang napakapilyo ni Rizal maging sa pagsasa-ayos ng kaniyang mga tauhan sa prusisyon ² Ang abang kaanyuan ni San Juan Bautista ay sinusundan naman ng marangyan rebulto ni San Francisco; na sinusundan naman ni Maria Magdalena; at ang santang na dating

452

na nagsabi: ´Ang ibig ng Birhen ay ang mga dalaga, at hindi ang mga matatanda,µ bagay na ikinasasama ng mukha ng maraming matatandang babaeng na mapanata, ngunit hindi nila mabago ang kagustuhan ng Birhen.20 Si San Diego ang sumusunod sa Magdalena, kahit waring hindi niya ikinagagalak ang gayon sapagka·t malungkot din ang pagmumukha gaya kaninang umaga, nang sumusunod kay San Francisco. Ang bumabatak sa kanyang karo ay anim na Hermana Tercera dahil sa isang panata o pagpapakasakit na di-maalaman: ngunit ang tunay ay bumabatak sila nang buong-puso. Si San Diego ay huminto sa harap ng kubol at inantay na siya ay batiin. Subalit kailangang hintayin ang Birhen na pinangungunahan ng mga taong nakadamit-multo na nakasisindak sa mga bata, kaya narinig ang iyakan, at tilian ng mga di-marunong magtimping sanggol.21 Gayunman, sa gitna noong madilim na pulutong ng mga abito, taklob sa ulo, mga lubid at toca, sa gitna noong dasal na nakababagot at sa ilong pinalalabas ang tunog,22 ay may waring mapuputing hasmin, mga waring sariwang sampaga sa gitna ng matatandang basahan, anim na batang babae na taganas na puti ang suot, may mga putong na bulaklak, kulot ang mga buhok, ang mga paningin ay makikinang na kagaya ng kanilang mga hiyas sa leeg; parang mga munting diwata ng liwanag na nakukulong ng mga multo. Nangakahawak sa dalawang malapad na sintas na bughaw na nakatali sa karo ng Birhen, na nagpapagunita sa mga kalapating humihila sa karo ng Tag-araw. Ang lahat ng larawan ay nakahinto nang magkakalapit upang pakinggan ang mga tula; ang lahat ay nakatingin sa may
makasalanan ay sinusundan naman ni Padre Salvi. 20 Si Padre Damaso pala ang nag-pauso na ang mga kasunod ng rebulto ni Maria Magdalena ay ang mga dalaga. Hindi makatutol ang mga matatanda dahil hindi nila mabago ang kagustuhan ng birhen. (kelan pa kaya naging birhen si Padre Damaso?) 21 Nakadamit multo ² hindi aakalain na ang nakakatakot na damit ang isusuot ng mga tao na nangunguna sa rebulto ng birhen. Ang kasuotan na ito ay siyang ipinapaliwanag sa Kabanata 11. Makikita ang katotohanan na damit-multo ay mga galing sa ukay-ukay ng mga patay ay ang sumunod na pangungusap na ´Gayunman, sa gitna noong madilim na pulutong ng mga abito, taklob sa ulo, mga lubid at tocaµ 22 Minamadaling dasal dahilan sa ilong na pinararaan ang tunog ² walang kabanalan ang anumang dasal kapag napipilitan at ginagawa ng mabilisan.

453

munting bukas na tabing; di-kawasa ay isang aaah! na pahanga ang pumulas sa lahat ng labi. At nararapat naman: ang sumipot ay isang batang lalakeng may pakpak, naka-botas de montar, banda, pamigkis at sumbrerong may dekorasyon mga pakpak. ´Ang Alkalde Mayor!µ ang sigaw ng isang tao, ngunit ang kahanga-hangang nilikhang iyon ay nagsimula sa pagbigkas ng isang tula na kagaya ng sa alcalde mayor na ang pinuno naman ay hindi namuhi sa ginawang panggagaya sa kanya.23 Ano pa at itatala rito ang mga sinabi sa wikang Latin, Tagalog at Kastila, na pawang tula, ng kaawa-awang pinahirapan ng kapitan sa bayan? Nalasap na ng aming mga mambabasa ang sermon ni Padre Damaso sa umaga, at ayaw naming palugdan sila ng gayon karaming bagay na kahanga-hanga, saka ang isa pa ay maaaring sumama ang loob sa amin ng Pransiskano kung ihahanap siya nang isang kalaban, at ang bagay na ito ang hindi namin ibig, sapagkat kami·y payapang tao. Pagkatapos ay nagpatuloy ang prusisyon: nagpatuloy si San Juan sa kanyang paglalakad sa lansangan ng mga luha. Pagdaraan ng Birhen sa bahay ni Kapitan Tiyago ay isang awit-langit ang bumati na ang sinabi ay ang pangungusap ng arkanghel. Isang masarap na tinig, mahimig, na may pagmamakaawa, paiyak na inawit ang Ave Maria ni Gounod, na sinasaliwan ng piyano na nananalanging kasabay ng awit. Ang musiko ng prusisyon ay napipi, ang dasalan ay tumigil at si Padre Salvi ay huminto. Ang tinig ay nakapangingilabot at nakapagpapaiyak: hindi isang bati lamang ang ibinibigkas, kundi isang pagsusumamo, isang hibik. Narinig ni Ibarra ang tinig na iyon, mula sa kinaroroonang bintanang, ang sindak at kalungkutan ay pumasok sa kanyang puso. Naramdaman niya ang kapighatian ng kaluluwang iyon, na ipinahahayag sa pamamagitan ng awit, at nangangamba siyang itanong sa sarili ang dahilan ng sakit na iyon. Malungkot, nagbubulay-bulay na natagpuan siya ng Kapitan Heneral. ´Samahan ninyo ako sa pagkain; doon natin pag-usapan ang mga batang nawala,µ ang sabi.24
23 Ginaya ng katangi-tanging bata ang paraan ng patatalumpati ng alcalde mayor ² dito ay mapapansin na isa na rin sa libangan ng mga Pilipino ay gayahin ang paraan ng pagsasalita ng mga pinunong bayan at sa ating kasalukuyang panahon ay ang mga in personator ng matatas na pinuno ng ating pamahalaan. 24 Sa bahaging ito ay ipinapaalam na ni Ibarra sa Kapitan. Heneral ang tungkol kina Basilio at Crispin. Ito ang bagay na ikinatatakot ni Padre

454

´Ako kaya ang dahilan?µ bulong ng binata na parang hindi nakikita ang Heneral na kanyang sinundan.

Salvi.

455

You're Reading a Free Preview

Download
scribd
/*********** DO NOT ALTER ANYTHING BELOW THIS LINE ! ************/ var s_code=s.t();if(s_code)document.write(s_code)//-->