Sei sulla pagina 1di 10

KABANATA 16

SI SISA

            Madilim ang gabi, ang bayan ay natutulog na sa katahimikan.


Ang mga mag-anak na umalala sa kanilang mga yumao ay sumuko na
sa tahimik at kalmado nilang pagkakaidlip, dahilan sa kanilang mga
inusal na dasal, isinagawang nobena para sa mga kaluluwa, at nagtirik
ng maraming kandila sa harap ng mga sagradong larawan.  Ang mga
masalapi ay nakatupad sa kanilang mga obligasyon sa kanilang mga
yumaong mahal sa buhay na nag-iwan sa kanila ng malalaking mga
pamana; Sa susunod na araw ay makikinig sila ng tatlong misang
ginagawa ng bawat isang pari, magbibigay ng dalawang piso upang
igawa pa ng isang misa na paukol nila,1 at pagkatapos ay bibili ng bula
ng mga patay, na puno ng indulhensiya.2  Talaga nga yatang ang Diyos
ay hindi ganap na mahigpit na kagaya ng mga maykapangyarihan sa
lupa.3
Subalit ang dukha, ang maralita, na bahagya nang
kumita ng sapat para mabuhay, na kailangan pang
magsuhol sa mga directorcillo, empleyado at mga sundalo
upang sila ay hayaang mamuhay nang payapa,4 ang
dukhang iyan ay malulungkot at hindi natutulog nang
payapa, na gaya ng sabi ng mga makatang nasa kaharian,
na marahil ay hindi nangakatikim ng pakikipamuhay sa


MGA PALIWANAG
 Sa mga unang bahagi ng kabanatang ito ay hindi muna iniukol kay Sisa.
Ginamit ni Rizal ang mga unang talata sa pagbibigay ng kaligirang pang-
kaisipan na umiiral sa gabi ng Todos Los Santos sa bayan ng San Diego.
1
Mapapansin na ang mga pinamanahan ay makikinig ng tatlong misa para
sa kanilang yumaong mahal sa buhay na nagpamana sa kanila ng malaking
kayamanan.
2

Bula ng mga patay – isang kasulatan ng papa na may bisang magpatawad


sa kasalanan at ito ay mabibili sa isang tiyak na halaga para ganap na
patawarin ang kasalanan ng isang taong namatay. Bakit kaya hindi ito
binili noong buhay pa para makatipid sa taunang pamisa?
3
Ang mga pamisa ukol sa patay ay hindi naman hiniling ng Diyos – ang
mga prayle lamang ang humihiling nito dahilan sa salaping kanilang
kikitahin. Hindi mahigpit ang Diyos sa mga may salapi dahilan sa kaya
nilang bumili ng kabanalan.
4

Ang dukha sa kabila ng kahirapan sa buhay ang siyang nagpapasan ng


lahat ng mga pahirap o pabigat ng anumang mga bayarin. Sumusuhol at
nagbabayad ng buwis na pinagmumulan ng kayamanan ng mga tiwaling
pinuno ng kolonyal na pamahalaan. Bakit ba sa lahat ng panahon ng
kasaysayan, ang mahirap ang nagsisilbing tagapag-pasan ng lahat ng
pahirap ng pamahalaan at mga ganid na mayayaman?

180
karalitaan.  Ang mahirap ay malungkot at nag-iisip.  Nang gabing iyon,
sakaling hindi maraming dinasal ay marami naman ang
ipinanalangin,5 na taglay ang kapighatian sa mga mata at luhaan ang
puso.  Wala iyong nobena, hindi niya batid ang mga jaculatoria 6 ni ang
mga tula, ni ang mga oremus na ginagawa ng mga prayle ukol sa mga
taong walang sariling isipan at damdamin; ni hindi naman niya alam ang
kahulugan niyon.  Siya ay nagdarasal sa tulong ng salita ng kanyang
karalitaan;7 ang kanyang kaluluwa ay tumatangis nang dahil sa sarili at
sa mga namatay na kanyang pinakamamahal.  Ang kanyang mga labi ay
maaring bumigkas ng mga bati, nguni’t ang kanyang pag-iisip ay puno
ng pagdaing at dalamhati.8 
Nasisiyahan na ba kaya kayo, ikaw na nagbibigay kapurihan sa
karukhaan,9 at kayong kaluluwang pinahihirapan,10 sa maikling
panalangin ng dukha, panalanging sinambit sa harap ng isang larawang
masama ang pagkakayari, sa liwanag ng isang timsim, o ang gusto pa
ninyo ay ang mga kandila sa harap ng mga duguang Cristo, ng mga
Birheng maliliit ang bibig at kristal ang mga mata, ang mga misang
wikang Latin, na nagdudumaling sinasabi ng pari?  At ikaw,
pananampalatayang itinuro para sangkatauhang nahihirapan, nalimot
mo na kaya ang iyong misyon na aliwin ang mga nagigipit sa kanyang
karalitaan at hiyain ang makapangyarihan sa kanyang pagmamataas, at
5
“Sakaling hindi marami ang dinadasal ay marami naman ang
ipinanalangin” - ipinapakita ni Rizal ang kaniyang pagtutol sa paulit-ulit na
dasal at itinuturo ang isang panalangin na nagtataglay ng kabuuan ng
pagpapasalamat, paghingi ng kapatawaran, at mga kahilingan sa Diyos.

Isang pagkakataon sa kamusmusan ni Rizal habang sila ng


kaniyang ina ay nagdadasal ay tinatawag ni Rizal ang kaniya
ng ilang beses ng “nanay” na nakagambala sa pagdarasal ng
kaniyang ina. Sa ganito ay nagalit ang ina at sinabi na “Pepe,
huwag mo nga akong tawagin paulit-ulit kundi pagagalitan
kita.” Sa ganito ay sumagot si Rizal nang “bakit kayo paulit-
ulit ang tawag ninyo ng Ama Namin?”
6
Katawagan sa maikli at maalab na panalangin – iyon yon! At hindi yon!
7
Ang maralita ay nagdarasal sa pamamagitan ng salita ng kaniyang
karalitaan – hindi paulit-ulit na dasal, kundi ng kaniyang paghihinagpis at
mga kahilingan na ipinararating niya sa Diyos.
8
Pansinin kung papaano binigyan ng kontrast ni Rizal ang mayayaman at
mahihirap sa pagdadasal.
9
Nagbibigay papuri sa karalitaan – pagdagil sa mga prayle na nagsasabi na
mapalad ang mga mahihirap, ngunit sila naman ang labis na
nagsasamantala sa mga dukha.
10
Binabanggit dito na ang mga kaluluwang nasa purgatoryo. Kung
nasisiyahan sila sa mga padasal at pamisa na kapalit ng salaping kinuha
mula sa kanilang mga naghihikahos na mga mahal sa buhay.

181
ngayon ang pinapangakuan mo na lamang ay ang mga mayayaman na
makapagbabayad sa iyo?11
Isang kahabag-habag na babaing balo12 ay nakabelo sa gitna ng
kanyang mga anak na natutulog sa kanyang tabi; iniisip ang mga bula
na dapat bilhin para sa kapayapaan ng mga magulang at asawang nasa
kabilang buhay.  Sinasabi sa sarili na “Ang piso, ang piso ay isang
linggong kaligayahan ng aking mga anak, isang linggong katuwaaan at
kaligayahan, ang pisong aking naipon sa loob ng isang buwang, isang
maayos na damit para sa aking anak na nagdadalaga na…” “Subalit
dapat mong sugpuin ang hangaring iyan,” ang sabi ng konsensiyang
nadinig niyang nangangaral sa kanya, “kailangan mo ang magtiis.  Oo! 
Kailangan!  Hindi ililigtas ng simbahan ng mga kaluluwa ng iyong mahal
sa buhay nang walang bayad:  hindi siya namimigay ng bulang walang
bayad.13  Dapat kang bumili ng bula at huwag pagtulog ang harapin mo
kung gabi, kundi ang paggawa.  Samantala ay bayaan munang ilantad
ng anak mo ang kanyang katawang hubad; magtipid ka, sapagkat mahal
ang kalangitan!  Sadya nga yatang ang mga maralita ay hindi
nakaaakyat sa langit!14 Ang mga pag-iisip na ito ang pumapasok sa
siwang ng sahig na kinalalatagan ng banig at ng haliging kinasasabitan
ng duyan na kinalalagyan ng bata.  Ang kanyang paghinga ay maluwag
at payapa; minsan-minsang nginunguya ang laway at umuungol,
napapangarap na kumakain ang sikmurang gutom na hindi nabusog sa
ibinigay sa kanya ng kanyang mga kapatid na malalaki. 15
Ang mga kamaksi16 ay nakakabagot na humuhuni, nakikisa ang
walang katapusan nilang dalit sa tunog ng mga kuliglig na nakatago sa

11
Nanunumbat at ipinapaala-ala ni Rizal na ang Kristiyanismo ay
pananampalatayang ang pangunahing layunin ay umaliw sa mga
mahihirap ngunit ng pasukin siya ng maitim na espiritu ng komersiyalismo
– ang pananampalatayang ito ay naging mapanlupig at mapagsamantala sa
mga mahihirap.
12
Hindi pa ito si Sisa – subalit ginamit ito ni Rizal upang ipakita ang
pagiging karaniwan ng mga babaeng ang isipan ay nasa lambong ng
panatisismo.
13

Isang pangungutya ni Rizal kung bakit lahat halos ng mahalagang


sakramentong pansimbahan ay may bayad.
14

Patas kaya si Rizal sa pagsulat ng mga ganitong kataga laban sa kolonyal


na simbahan? At patas kaya ang kolonyal na simbahan sa pagtrato sa mga
mahihirap na mananampalataya?
15
Inilalarawan ni Rizal ang pinakapangit na anyo ng kahirapan - Ang mga
batang nagugutom dahil sa kawalan ng sapat na pagkain. Samantalang ang
salapi ay kinuha sa kanila mula sa pagsasamantala sa kanilang mga
kamangmangan.

16
Cicada-Isang uri ng insekto na mayroong tiyan na may pagkakatulad sa
tambol na ginagamit nito sa paglikha ng tunog na naririnig sa mga lugar na
rural sa Pilipinas.

182
damuhan, o sa bubuli17 na lumalabas sa kanilang lungga upang
humanap ng makakain, samantalang ang tuko, na hindi natatakot sa
tubig, ay sinisira ang konsiyertong iyon sa pamamagitan ng kanyang
nakakikilabot na boses at nakalabas ang ulo sa puwang ng isang bulok
na kahoy.  Ang mga aso ay tumatahol sa mga lansangan, samantalang
ang mapamahiing nakarinig ay nananalig na nakikita nang mga hayop
ang mga espiritu at mga anino.  Ngunit maging ang mga aso, o ang mga
insekto ay hindi nakakakita ng mga sakit ng tao gayong napakarami!
          Doon sa lugar na sa malayo sa bayan, sa distansiyang isang oras
na lakarin, nakatira ang ina ni Basilio at ni Crispin, asawa ng isang
lalaking walang puso, ang babae ay nagsisikap mabuhay upang maaruga
ang kanyang mga anak habang ang asawa ay palabuy-laboy at
nagsasabong.  Ang pagkikita nilang mag-asawa ay madalang ngunit
palaging may pananakit. Nilustay unti-unti ng lalaki ang kaunting
alahas ng asawa upang may maisunod sa masamang bisyo at nang ang
mapagtiis na si Sisa ay wala nang anumang maipasunod sa layaw ng
asawa ay sinimulan ang pagmamalupit sa kanya. 18   Mahina ang loob at
malaki ang puso kaysa sa kanyang ulo, ay wala siyang nalalaman kundi
umibig at umiyak na lamang.  Diyos niya ang kanyang asawa; ang
kanyang mga anak ay siya niyang mga anghel.  Ang lalaki na
nakakaalam kung gaano ang pagmamahal at pag-ibig sa kanya, ay
umaasal nakagaya ng mga diyus-diyusan:  sa araw-araw ay nag-iibayo
sa kabangisan, kalupitan at paggawa ng bawat maibigan.19
            Nang sabihin sa kanya ni Sisa, minsang dumalaw na ang
mukha ay higit pang galit kaysa sa karaniwan, ang balak na ipasok na
sakristan si Basilio, ay hindi itinigil ang paghimas sa manok, hindi
sumagot ng oo ni hindi, at walang itinanong kundi kung kikita ng
maraming kuwalta.20  Ang babae ay hindi nangahas na ulitin, nguni’t sa
kanyang kasalatan at pagnanais na ang mga bata ay makapag-aral ng

17

Tinatwag din na himbubuli o timbubuli - Isang uri ng reptilya na


gumagapang sa lupa – ito ay mayroong payat at madulas na katawan, paa
na mayroong kuko at mabilis sa kaniyang paglakad sa kalupaan o
damuhan.
18
Sa bahaging ito ay nakatago ang isang patagong parunggit – sapagkat sa
pailalim na layer ay inilalarawan ni Rizal ang pagtatagpo ng bayan at
Espanya. Sa panahon ng ekomienda noong ika-17 siglo ay dumadating na
lamang ang mga Espanyol na ekomendero upang maningil ng buwis na sa
proseso ng paniningil ay mayroong nagaganap na malabis na pananakit
upang mapilit silang magbayad ng buwis.
19
Ang relasyon ni Sisa sa kaniyang asawa ay hindi pinalampas ni Rizal para
batikusin ang mga prayle. Ang lalaki naman na nakababatid kung gaano
ang pagmamahal at pag-ibig sa kanya, ay umaasal na kagaya ng mga diyus-
diyusan:  sa araw-araw ay nag-iibayo sa kabangisan, kalupitan at paggawa
ng bawat naisin. Si Sisa dahilan sa mahal niya ang kaniyang asawa at ang
bayan sa kabuuan dahilan sa pagmamahal niya sa kolonyal na
pananampalataya ay nagtiis sa halos magkatulad na anyo ng pang-aabuso.
20

183
pagbasa at pagsulat sa paaralang-bayan,21 ay napilitang sundin ang
balak.  Ang asawa ay hindi rin kumibo.22
             Sa gabing iyon, sa pagitan ng ikasampu at ikalabing-isa ng
gabi, nang ang mga bituin ay kumikislapna sa langit na nawawalan na
nang ulap, ay nakaupo si Sisa sa isang bangkong-kahoy, at tinatanaw
ang ilang sangang nag-aapoy sa kalan na binubuo ng ilang tungko ng
bato. Sa ibabaw ng mga tungko ay may isang munting palayok na
kinalalagyan ng sinaing, at sa ibabaw ng baga ay may tatlong tuyo na
ang tatlo ay nagkakahalaga ng dalawang kuwalta.
Nakapangumbabang pinapanood ang mahina at madilaw na apoy
na gatong na kawayan na ang baga ay madaling nagiging abo; isang
malungkot na ngiti ang nababakas sa kanyang mukha.  Naaalaala ang
isang mainam na bugtong tungkol sa palayok at apoy na minsan ay
ibinugtong sa kanya ni Crispin.23 

Ang sabi ng bata ay:

Ipinapakita ang ugali ng isang iresponsableng ama sa kalagayan ng


kaniyang pamilya. Handa siyang ipaalipin ang kaniyang mga anak, habang
nasusunod ang kaniyang bisyo at nakikinabang sa pinagpaguran ng
kaniyang mga anak na alipin. OK po ba ang paglalarawan ni Rizal para sa
mga tiwaling pinuno ng bansa at mga pilipinong negosyanteng kasosyo
o kaya ay dummy ng mga mapagsamantalang dayuhan.
21

Maaring mangmang si Sisa, ngunit ipinapakita rito ni Rizal ang isang


katangian ng mga ina sa Pilipinas –ANG PAGNANAIS NILA NA MAKAPAG-
ARAL ANG KANILANG MGA ANAK SA KABILA NG KAHIRAPAN.
22
Ang iresponsableng ama ay hindi kumikibo sa planong makapag-aral ang
kaniyang mga anak – nakatago dito ang lihim na paraan ng pagbatikos
niRizal sa pamahalaang kolonyal na nagpapabaya sa edukasyon ng mga
kabataang Pilipino. Tingnan ang Kabanata 19, ukol sa kalagayan ng
edukasyong Pilipino.
23

Pansinin na ang bunsong anak ni Sisa na si Crispin ay mahilig sa bugtong.


Pansinin ang bugtong ni cRISpin,

Ang bugtong ay isang anyo ng pagtatanong na ginagamitan ng mga


simbolikal na pananalita. Sa ganito, ang sinumang nagtatanong ng isang
bugtong ay kailangan na maging mahusay sa paggamit ng simbolismo sa
hanay ng kaniyang gagamiting pananalita at ang sinuman na magtatangka
na sagutin ang isang bugtong ay kinakailangan ng matalas na isipan sa
paggayat ng simbolismo upang makita ang tunay na kasagutan sa bugtong.
Halimbawa nito ay “isda ko sa Mariveles, nasa loob ang kaliskis” –
pansinin na ang mga ibinibigay na clue sa bugtong ay ang ukol sa isda na
nabibilang sa animalia – ngunit ang kasagutan ay sili - na nabibilang sa
plantae. Ito ang magpapatunay na ang mga nilalamang mensahe ni Rizal
sa mga hanay ng salita sa Noli Me Tangere ay isang bugtong na
kailangang pag-isipan ng kaniyang mga mambabasa.

184
 Naupo si Maitim, sinulot ni Mapula,
  Nang malao’y kumara-kara.24

Bata pa si Sisa at bakas sa mukha na siya ay naging maganda


at masaya.25  Ang kanyang mga mata, na kahawig ng kanyang kaluluwa,
ay nakaukol ng buo sa kanyang mga anak, magaganda, mahahaba ang
pilikmata at mapungay kung tumingin; ang kanyang ilong ay mainam
ang hugis; ang kanyang mga maputlang labi ay may mainam na anyo.
Ang kanyang kulay ay ang tinatawag ng mga Tagalog na kayumangging
kaligatan, kayumangging may malinis at dalisay na kulay.26  Gayunman
at kahit siya ay bata, ang sama ng loob, o kaya ay ang gutom ay
nagpahumpak sa kanyang maputlang pisngi;27 ang malago niyang buhok
na naging hiyas at dilag ng kanyang katawan, sakali mang husay pa ay
hindi dahil sa nais niyang magpaganda kundi dahil sa ugali na niya ang
mag-ayos ng buhok; ang pusod niya ay karaniwan, walang mga tusok ni
suklay.

24
Ngayon ay konkreto na ninyong mapapatunayan na talagang may
nakatagong sikreto si Rizal sa paraan ng kaniyang pagsulat:
Balikan natin ang bugtong:
Naupo si Maitim, sinulot ni Mapula,
Nang malao’y kumara-kara.

Maaring sa unang pagbasa, ang bugtong ni Crispin para sa kaniyang ina ay


isang mababaw na hanay ng mga salita. Subalit makikita na talagang
mayroong pattern ng mga lihim na panunulsol si Rizal, sa kaniyang mga
mambabasa. Tandaan na ang tinatalakay ng bugtong ay ukol sa palayok at
apoy
Naupo si Maitim – ang kulay ng mga mamamayan ng Pilipinas
Sinulot ni Mapula – iniinis o pinag-iinit ng mga Espanyol
Nang malao’y kumara-kara – pagsubo o pagkulo ng init ng bayan

Sa bahaging ay palihim na nagbabala si Rizal sa posibilidad ng pagbangon


ng bayan. Ano ang pruweba na ito ang kaniyang tinutumbok?

Sa El Filibusterismo ay higit itong nilinaw ni Rizal.


 Sa pakikipag-usap ni Isagani kay Simoun ay nagbabala ang una ukol
sa maaring pagkulo ng tubig?
 Inihalintulad ni Rizal ang pakikipaglaban ni Kabesang Tales at ng
mga prayle sa labanan ng palayok at kaldero.
25
Ang paglalarawan kay Sisa ay katulad ng paglalarawan sa Pilipinas bago
pagsamantalahan ng kolonyalismo.
26
Paglalarawan ni Rizal ng paghanga sa kagandahan na taglay ng isang
babaing kayumanggi.

Sa bahaging ito ay parang ipinapakita naman ni Rizal kung ano ang tunay
27

na dahilan sa pagiging pangit mga taong mayroong kulay kayumanggi. Ang


kahirapan na bunga ng pagsasamantala.

185
Ilang araw na hindi umalis ng bahay para sa pananahi ng isang
pagawang ibinilin na tapusin kaagad.  Upang kumita lamang ay hindi
siya nagsimba nang umagang yaon sapagkat dalawang oras ang
mawawala sa kanya sa pagpunta sa bayan:  ang
karalitaan ay dahilan ng pagkakasala!  Matapos
ang gawain ay inihatid sa may-ari; ngunit ito
ay nangako lamang na magbabayad.28 Sa
buong maghapon ay wala siyang iniisip kundi
ang ligayang tatamuhin sa kinagabihan:  alam
niyang ang mga anak ay uuwi, at binalak
maghain ng mabuting pagkain.  Bumili ng
tuyo, kinuha sa kanyang munting halamanan
ang mga pinakamainam na kamatis sapagkat
alam niyang iyon ang paboritong pagkaing ni
Crispin;29 humingi sa kapitbahay na si
Pilosopong Tasyo, na ang bahay ay kalahating
kilometro ang layo sa kanila, ng tapa ng usa at isang hita ng patong
bundok, mga pagkaing ibig na ibig ni Basilio. Isinaing nang puno ng pag-
asa sa katuwaang tatamuhin ang pinakamaputing bigas na pinulot niya
sa bukirin.  Ito nga naman ay isang hapunang katulad ng sa kura para
sa mga kaawa-awang bata.
        Ngunit dahilan sa isang masamang pagkakataon, dumating ang
asawa at kinain ang kanin, ang tapa ng usa, ang hita ng pato, limang
tuyo at ang mga kamatis.  Si Sisa ay hindi kumibo, kahit na sa
pakiramdam niya ay siya ang kinakain.  Nang mabusog na ang lalaki ay
naalaalang itanong ang mga bata;30 saka pa lamang napangiti si Sisa, at
masaya ang kaloobang nagpasiya na huwag nang kumain sa gabing iyon
sapagkat ang natitirang pagkain ay hindi makasisiya sa tatlo.  Itinanong
ng ama ang kanyang mga anak, at ang bagay na ito ay mahigit pa sa
kanya kaysa kumain.
          Pagkatapos ay sinunggaban ng lalaki ang manok at aalis na.

28

Makikita ang kawalan ng puso nang nagpagawa – ipinadali ang


pagpapatapos, ngunit hindi nagbabayad ng ayon sa panahon. Ang sakit na
ito ay katulad ng nararanasan ng mga trabahador na hindi pinasusuweldo
sa tamang panahon.
29

Sa kabataan ni Rizal bilang mag-aaral sa Biñan ay tuyo ang kaniyang ulam


sa almusal at maaring ito ay naging isa na sa kaniyang paboritong pagkain.
May naamoy ka na ba, kung sino si Crispin? Marami pang ebidensiya na
magpapatunay nito. Maari ninyong basahin ang artikulo Jose Rizal Ate Tuyo
For Breakfast sa aklat na Rizal Without Undercoat ni Ambeth Ocampo.
30
Ang asawa ni Sisa ay isang mahusay na paglalarawan ni Rizal sa
kaugalian ng kolonyal na pamahalaan – kapag bundat na, saka lamang
naala-ala ang kaniyang mga nasasakupan.

186
           “Ayaw mo bang makita sila?” 31 tanong na nanginginig; “gagabihin
daw sila nang kaunti, ang sabi sa akin ni Matandang Tasyo; si Crispin
ay nakababasa na at…32 marahil ay dala ni Basilio ang kanyang
suweldo.33
             Sa huling sinabing ito ay napatigil ang asawa, nag-urong-
sulong nguni’t nagtagumpay din ang kanyang anghel na katutubo.
“Kung gayon ay ipagtago mo ako ng piso!” ang sabi at umalis na.34
          Si Sisa ay mapighating nag-iiyak, ngunit naalaala ang kanyang
mga anak at pinahid ang luha, nagluto ng bagong sinaing at iniihaw ang
tatlong tuyong natira:  sa bawat isang anak ay isa at kalahating tuyo
ang paghahatian. “Mga gutom na darating,” sabi niya, “malayo ang
lalakarin at ang mga sikmurang gutom ay walang puso.” Natagpuan
natin siyang pinapakinggan ang anumang yabag; “pag matindi at
malinaw ang tunog ay si Basilio; pag madalas at walang tuto ay si
Crispin,” sabi sa sarili.35

31
Isang pagtatanong na ginawa ni Sisa sa kanyang asawa, subalit ang
pinatatamaan ni Rizal ay ang kolonyal na pamahalaan. - Ayaw tingnan ng
kolonyal na pamahalaan ang kalagayan ng kaniyang mga anak. Wala siyang
paki-alam, kung magkaroon man ay pakitang tao lamang, sapagkat ang
mahalaga sa kanya ay manatili siyang nasa kapangyarihan at nasusunod
ang lahat ng kaniyang maibigan.
32
Mapansin na ipinagmamalaki ni Sisa ang kaunlarang sa pagkatuto ng
kaniyang anak – subalit sa ibang layer ay ipinararamdam ni Rizal ang
intelekwal na kakayahan ng mga anak ng Pilipinas.

Dito ay ipinakikilala ni Rizal sa pamamagitan ni Sisa ang kakayahan ng


33

mga anak ng bayan na makalikha ng sariling pamumuhay.


34
MAPAPANSIN SA MGA BAHAGING ITO AY HINDI PA BINABANGGIT NI
RIZAL ANG PANGALAN NG ASAWA NI SISA – SA GANITO AY MASASABI NA
GUSTONG IPASALAMIN NI RIZAL SA ASAWA NI SISA, HINDI ANG ISANG
INDIBIDWAL, KUNDI ANG INSTITUSYONG PAMPAMAHALAAN.
Pansinin na ang mahalaga sa asawa ni Sisa ay ang salaping kinikita
ng kaniyang mga anak na maari niyang tapyasan. Ipagtabi ng piso mula sa
sahod ng bata (income tax) para lamang ipansugal. Ang asawa ni Sisa ay
katulad laman ng kolonyal na gobyerno na saka lamang naalala ang
kaniyang mga nasasakupan ay kung kailangan lamang ng karagdagang
buwis na kaniyang mapapakinabangan. Ang tingin ng isang masamang
gobyerno sa mga mamamayan ay basahan na kailangang pigain ng husto
upang magamit niyang mabuti.
Isa rin na maaring pasaringan ni Rizal ay ang mga opisyal ng
kolonyal na gobyerno na nasa casino – nagsusugal na ang gamit ay ang
salaping kinuha nila sa kabang yaman na nagmula sa hirap, pawis at dugo
ng taumbayan. Maari din siyang katulad ng mga mapang-aping negosyo sa
bansa, na hanggang sa huling sentimo ay inaasahan niyang mayroon siyang
mapapakinabangan mula sa mga naghihirap na mamamayan.

Labis na pamilyar ng isang inang Pilipina sa mga ugali, kahiligan, at kilos


35

ng kaniyang mga anak.

187
          Makalawa o makaitlo nang nakahuni ang kalaw sa gubat,
magmula nang huminto ang ulan ay hindi pa rin dumarating ang
kanyang mga anak.
          Inilagay ang mga tuyo sa loob ng palayok upang di-lumamig at
lumapit sa pintuan ng kubo upang tanawin ang daan.  Umaawit-awit
nang mahina upang malibang.  Maganda ang kaniyang boses, kaya
kapag siya ay naririnig ng mga anak kung umaawit ng kundiman ay
napapaiyak nang hindi malaman kung bakit.36  Subalit nanginginig
ang boses niya nang gabing iyon at ang mga tunog ay matamlay na
lumalabas sa kanyang bibig. Itinigil ang awit at sinuri nang tingin ang
kadiliman. Walang naglalakad na galing sa bayan kundi ang hanging
nagpapalaglag sa mga patak ng ulan na naiipon sa malalapad na dahon
ng saging. Walang anu-ano ay sa lumitaw sa harapan niya ang isang
asong itim; ang aso na parang may hinihila sa daan.   Si Sisa ay natakot,
dumampot ng isang bato at pinukol ang aso, at nagtatakbong
humahagulgol.
          Si Sisa ay hindi mapamahiin, ngunit sa dahilang marami siyang
naririnig tungkol sa mga guni-guni at mga asong itim ay pinasok ang
kaniyang kalooban ng malaking
pagkatakot.  Ang gabi ay nakaaakay
na manalig sa mga gayong pamahiin
at ang isipan ay nagkakalat sa
hangin ng mga sari-saring larawan.37
Tinangkang magdasal, tawagan ang
Birhen, ang Diyos, upang ingatan ang
kanyang mga anak, lalung-lalo na si
Crispin.  Ngunit dahilan sa pag-iisip
sa mga anak ay hindi napunang
nalimutan niya ang pagdarasal, iniisip
ang mga anyo ng bawat isa, ang mga
anyong iyon na laging nangakangiti sa
kanya, maging sa pagtulog o sa
pagpupuyat.  Subalit biglang nanindig
ang kanyang mga buhok at napadilat
ng labis at pamangha, ang kanyang
mga mata; malikmata o katotohanan, nakita niya si Crispin na
nakatayo sa tabi ng kalanan, sa palaging inuupuan kung sila ay nag-

36
Ang kundiman bilang isang anyo ng pag-awit ay nagagamit sa
pagpapahayag ng niloob ng damdamin, kung napapaiyak ang magkapatid
kung nakikinig ng kundiman ni Sisa ay dahilan sa ang kanilang naririnig ay
ang nakatagong sama ng loob ng ina na hindi niya kayang sabihin sa simple
at karaniwang usapan.Ang Noli Me Tangere ang Kundiman ni Rizal upang
ipahayag ang kaniyang pag-ibig sa Inang Bayan at sa hinanakit sa kolonyal
na lipunan.

37
Pinatitindi ng panahon ng kamangmangan ang takot at pagiging
mapamahiin.

188
uusap.  Ngayon ay walang imik; tinititigan siya nang malalaking
matang mapagnilay at nakangiti.38
          “Ina, buksan mo ako!  Buksan mo ako, ina!” ang sigaw ni Basilio
sa labas.
          Si Sisa ay nangatog at ang malikmata ay napawi.

38
PAKIBASANG MABUTI: Dahil mayroon kang matutuklasan lalong
kahindik-hindik.

Matalino talaga si Rizal pati sa lugar na pinaglagyan niya kay cRISpin…

Nakatayo sa tabi ng kalanan – nakabantay sa tabi ng apoy na simbolo ng


liwanag na kailangan ng kaniyang bayan. O maaring naghihintay sa pagkulo
ng tubig sa nagsasalat na palayok ng bayan.

Tinititigan siya nang malalaking matang mapagnilay at nakangiti –


maniniwala ka ba na hanggang ngayon ay nakatitig sa iyo si Crispin .

Mapagnilay - iniisip niya kung may katuturan ang kaniyang kamatayan.

Nakangiti – umaasa na sa pagdating ng panahon ay mauunawaan mo ang


kaniyang mga mensahe – na punong puno ng pagbibiro at panunudyo o
pang-aasar sa isang masamang gobyerno at pananalig na hipokrito.

Nakatayo sa tabi ng kalanan - Isang malaking kabalintunaan na si Rizal


sa gabi bago siya bitayin ay nasa kaniyang tabi ang isang kalang
alkohol, na dito niya itinago ang kaniyang tulang pamamaalam na kilala
natin sa katawagang Mi Ultimo Adios.

189

Potrebbero piacerti anche