"GRABE fren, mahal ko na talaga siya.....sobra. I can feel it. Si Nate na talaga ung 'THE ONE'. Hindi na talaga kami maghihiwalay pa. Alam---"
"Hindi na maghihiwalay your face. Akiko, sa isang linggo, nakaka WALONG BOYFRIEND ka. Sa tingin mo magpapaniwala ako riyan sa MAHAL MAHAL na 'yan? Okay ka lang?"
sinermunan ko pa si Akiko bukod diyan sa sinabi ko. Minsan kasi, nababahala na rin ako dahil sa mga ganyang akto niya. Bestfriend ko yan, si Akiko na UBOD ng ganda. At dahil diyan sa ganda niyang 'yan, panay LALAKI ang laman ng isip niya..
Okay lang sana kung nagtatagal yung mga RELATIONSHIPS niya eh, kaso HINDI! Walang tumatagal. Minsan nga nagugulat na lang ako na moments ago, kababalita niya lang sa akin na may bago siyang boyfriend. Tapos, maya-maya lang malalaman ko na lang na hiwalay na sila. Sino ba namang kaibigan ang matutuwa sa ganung klaseng set-up di'ba? Malamang wala. Pero kung meron man, siguradong hindi ako yun.
I'm a born again Christian at hirap akong i-win ang SOUL ng bestfriend ko dahil BOYS, BOYS, BOYS ang laging nasa isip niya. Kahit pa ilang ulit ko siyang pagsabihan, wala pa 'ring nangyayari. Nagpatulong na rin ako pero matigas talaga siya. Pero alam ko na darating din yung araw na kahit hindi ko siya pagsabihan at pilit-pilitin, kusa na siyang makikinig sa akin. Kahit pa sa ngayon,
NO GOD. NO BIBLE. NO GOSPEL. Just plain boys. NO MORE.
In-o-obserbahan ko ngayon yung LATEST niya.
Nathaniel Fuentes.
Hindi talaga maganda yung kutob ko sa kanya eh. Kahit na gwapo, feeling ko may tinatago.
Pero subukan niya lang talagang LOKOHIN at PAGTRIPAN ang bestfriend ko, AKO mismo este si Lord ang bahala sa kanya.
["Kara...Sa next wednesday service na lang ako a-attend ha? May date kasi kami ni Nate ngayon."} animoy kilig na kilig 'pang sabi niya. Napabuntong hininga tuloy ako at napa-iling. ["Ipapakilala niya na ako sa parents niya. See? Seryoso talaga siya sa akin di'ba?"].
"Yun ba ang basehan ng pagiging seryoso ng isang lalaki? Sa tingin ko hindi." narinig ko naman yung mahiwagang 'nye.nye.nye' niya sa kabilang linya. Paniguradong ayaw na naman niyang marinig kung ano man yung sasabihin ko. "Kung talagang seryoso siya sa'yo, madalas ka na niyang naku-kwento noon sa magulang niya bago pa man naging kayo." "May mga lalaki talagang hindi mahilig mag-kwento." kontra niya pa. "Basta ang alam ko, mahal--" "Oo na. Mahal na mahal mo siya. Umay na ako riyan." Medyo nalulingkot na saad ko na lang. Sayang na namn kasi yung opportunity. Yung promise niya, ayun. Tinangay na ng hangin. "Pero Akiko, you've PROMISED. Always ka na lang NEXT TIME ng NEXT TIME. Kelan kaya 'yung next time na yun no?"
["Promised!Next wednesday na talaga. Pupunta ako no matter what. SORRY~"]
"Remember, it's not MY invitation that you're ignoring. It's GOD'S. I'm warning you, I don't wanna hear your cries anymore because of a sudden BREAK UP! Ayoko na. You're always taking me for granted. Not just me, but you know? God is always knocking at your heart. Please don't be deceive by your emotions Akiko..."
matapos 'nun tinapos ko na yung tawag. Sana naman nakinig siya. Ayokong ma-bad trip dahil sa pagtanggi ULIT ni Akiko..
---
5:10pm na at start na ng Wednesday service namin.
"LORD, please guide my bestfriend Akiko. I don't want her to be hurt just because of her so-called boyfriend Nate. Touch her heart O, God. Make her LOVE you, too. Lord, I entrust you ALL. Amen."
During the whole midweek service eh hindi ako mapakali. Para akong bulate na pinagulong-gulong sa asin. Something or should I say someone is making me feel UNEASY.
I'M WORRIED. Worrying all throughout dahil kay Akiko. 'Pag ganito ang nararamdaman ko, I know there's something wrong...
7:45pm na natapos yung service.
GRABE. Iba talaga yung feeling 'pag kay LORD ka na-inlab ng WAGAS. Walang katulad eh..
I couldn't ask for more..
With him, I'm satisfied..
He's more than enough..
Kaya kung may isang taong ayaw 'kong mawala sa buhay ko, si Lord yun.
Almost 9pm na nung nakarating ako sa bahay. Medyo malayo kasi yung Youth Center sa bahay.
Pero okay lang.
Para kay Lord naman eh. :)
Sa boarding house nga pala ako tumutuloy, para malapit lang sa school na pinapasukan ko. Isang sakayan lang kasi e. Sa Maynila nga pala ako nag-aaral. Salamat sa grasya ng Panginoon kasi nakakuha ako ng scholarship sa isang unibersidad. Alam 'kong kapos kami sa pera pero konting tiyaga, pagsisikap at madalas na dasal lang, okay na. Si Lord na ang bahala.
Nagbabasa ako ng bibliya ng may marinig akong.....IYAK?
Iyak mula sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali 'kong ipinatong saglit yung bibliya ko sa mesang katabi ng kama ko at dumiretso sa may pinto.
Pagkabukas ko pa lang, dinamba agad ako ng yakap ni Akiko na parang nakipagsabunutan pa sa kanto dahil sa hindi ka-aya-ayang postura niya. Mahigpit yung yakap niya sa akin at ramdam ko ba yakap yun ng isang babaeng takot na takot. Yakap ng isang taong naghahanap ng PROTEKSYON.
She's crying, OUT LOUD! "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Pero tanging hikbi lang ang narinig ko sa kanya. "Akiko, may nangyari ba? Si Nate, may masama ba siyang ginawa sa'yo? Teka. Magsalita ka naman. Nag- aalala na ako."
"k-kara.....Napakarumi kong babae. He used me. He used me just to satisfy his manly desires. Kara, anong gagawin ko? Kara.." hindi ko maiwasang hindi maluha dahil sa narinig 'kong sinapit niya. idinetalye niya sa akin ang lahat ng nangyari at maging ako, nasasaktan para sa kanya. "God knows how much I'm scared when he did 'it? To me.....I.....I just can't do nothing but cry.....I HATE HIM!!! I HATE MYSELF!! KARA...I'm no longer pure...I'm no---"
"SSSSHH......." hinimas himas ko yung likod niya. Yun bang parang pinapakalma...
"Don't cry...please...Don't cry....."
Hinayaan ko lang siyang mahiga't at matulog sa kama ko.
Kahit kating-kati yung kamay kong sampalin siya dahil sa....Sorry for the word Lord, dahil sa KATANGAHAN niya.. Hindi ko magawa kasi alam kong kelangan niya ngayon ng karamay...
"Akiko, sabi ko naman sa'yo mag-iingat ka di'ba? LALAKI lang yan eh. Hindi yan ma-a-out-of-stock.."
"Masyado ka kasing nagpapadala diyan sa damdamin na 'yan.. Haysss.." niyakap ko si Akiko na mahimbing na ata ang tulog...
"Alam mo ba? Kaya hanggang ngayon NBSB ako? Inaantay ko pa kasi yung GO signal ni Lord at inaantay kong matapos niya na yung pinakamagandang LOVE STORY para saken...."
"Nag promise kasi siya saken na MAS pogi kay MARIO MAURER yung magiging PERS boyfriend ko. MAS hot kay TOP ng Bigbang at mas ASTIG pa kay DANIEL PADILLA..."
"Ambisosya ba masyado? 'Di rin. That's what you call FAITH and TRUST. Naniniwala kasi akong THE BEST yung para saken..."
Patience is a virtue. There's no harm in waiting naman di'ba? Darating din yung pinakahihintay mong THE ONE.
"Akiko, kahit talikuran ka man ng tao sa mundo, lokohin ka man ng lahat ng lalaki dito, kalimutan ka man ng lahat ng tao sa paligid mo, mawala man ako sa tabi mo, si Lord laging nandiyan. Si Lord hindi ka pababayaan.. Lagi kang aalagaan.. Si Lord mahal na mahal ka niyan.."
"Akiko, huwag ka ng maghahanap ng LOVE sa iba't-ibang lalaki ha? Si God nandiyan lang naman sa tabi mo eh... Kahit mukhang kinalimutan mo, patuloy pa rin yan na magmamahal sa'yo..."
May banat nga si LORD para sa'yo eh...
" PERA ka ba?"
"Kasi kahit gaano ka pa kadumi, o ilang beses ka man tapak-tapakan ng iba, pupulutin pa rin kita dahil sa paningin ko, lagi kang may HALAGA..."
-THE END-
Is TRUE LOVE really WAITS? - - - - - - - - - - - -
Love STARTS with 'FRIENDS LANG KAMI', then ENDS with 'FRIENDS NA LANG KAMI' para sa akin, totoong totoo yan. Kaya naman,
"LAYUAN ANG MGA LALAKI!"
yan ang naging prinsipyo ko simula ng magkamuwang ako sa mundong ito. Sa mundong mapaglaro. Sa mundong mapaglinlang. Hindi ako nakikipag usap sa mga kaklase kong lalaki. 'Di rin ako lumalapit sa kung sino man sa kanila. Lumalayo ako sa mga lalaki pwera na lang kung kelangan talaga at kamag-anak ko. Madalas nga nilang sabihin na OA ako masyado dahil sa prinsipyo ko pero hindi ko na lang din sila pinapansin. May sarili kasi akong dahilan kung bakit ko ginagawa yun. Hindi ako MAN-HATER. Sadyang inilalayo ko lang ang sarili ko sa possibility na ma-TEMPT ako..
"Ada, si Lover Boy hinahanap ka. Yeeheee...." "Ooops.. Ngi-ngiti na yan.." "Naku! Asa naman kayo kung kiligin yan."
Napangiti ako nang wala sa sarili. Pero hindi dahil sa kinilig ako gaya ng panunukso nila kundi dahil sa huling sinabi ng kaklase ko. Hindi ko nabanggit na kalat pala sa campus yung ugali 'kong 'to pagdating sa lalaki.
Pasimple lang akong ngumiti sa kanila. "Mga baliw! Tungkol lang siguro sa Project namin yun." Same course kasi kami nung tinutukoy nila. Parehas na Architecture. Yun yung dinepensa ko sa mga kaklase ko na usisera. Mahirap na at baka pag-isipan pa nila ng masama yung magiging pag-uusap naming dalawa.
"PROJECT DAW? SUS! Project LANDI kamo... HAHAHA!"
Nilayasan ko na lang sila dahil wala na naman silang ibang aatupagin kundi ang tuksuhin at asarin ako. Bumungisngis naman sila na animoy kinikiliting aso.
Tinungo ko si Lawrenz sa may pinto. "Oy Renz, baket?" pambungad ko sa kanya.
"Ada... Ano kasi....." Nahihiyang usal niya habang panay ang kutkot sa mga kuko niya. Ayan na nambn, kunwari sobrang mahiyain siya e.
"Ano?" Tanong ko ulit.
"Ano... A-ano eh....."
"UHG! Ano nga? Bilis! 1 minute starts now... 60...59...58...5---"
"Teka lang naman." sabay buntong hininga niya. Tumango na lang ako na naging senyales ng pagsasalita niya ulit. "Nagkaroon ulit kasi ako ng Vision tungkol sa atin at..."
Walanjong Renz talaga.
VISION na naman. UHG~!!
"Vision? err. Yan ka na naman eh. Baliw ka na talaga Renz. Stop inventing things. You're crazy." tinalikuran ko na siya at babalik na sana sa loob pero pinigilan niya agad ako..
"Ada naman. Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin naniniwala na tayo talaga ang itinak---"
"WAAAAAH~! STOP IT! Hindi naman kasi talaga kapani-paniwala. Na-visualize mo na we are meant to be? WHOA! Ano ka, fortune teller? God?"
"Ada, hindi mo naiintindihan. I'm not God pero it is our God who say so. High school pa tayo simula ng pinaalam ko ito sa'yo. We're college now... 4th year College to be exact."
"Ayt. Bahala ka nga diyan. Ang kulit mo."
Umalis na ako agad ng walang pasintabi. Eh sa na-aasar na talaga ako sa kanya.. Ang CREEPY niya kaya.. Sino na namang maniniwala sa mga sinasabi niya? Pwede naman siyang umamin na may gusto siya sa akin. Pero yung ipagpilitan na kami talaga yung para sa isa't-isa, wow! Ibang usapan na yun.
Binansagan na nga siyang LOVER BOY dahil sa walang humpay na pagsabi niya na KAMI raw talaga ang para sa isa't-isa. NAKU NAMAN!
Lalayuan ko na rin siya gaya ng iba..
NBSB ako. Ayoko lang talaga. 'Di ko kasi FEEL eh. Gusto ko kasi yung magiging boyfriend ko, MAN OF MY DREAMS! Yung lalaking pinapangarap ko.
Gwapo. Mayaman. May sense of humor. Magaling mag-gitara. Killer smile at may dimples..
Gwapo rin naman si Renz pero sadyang 'di ko siya type. Bukod sa napakaseryoso niyang tao kasi CHRISTIAN siya, BORING siyang kasama. Hindi siya magaling mag-gitara kasi drums ang instrument na alam niya. Hindi rin siya killer smile at mas lalong wala siyang DIMPLES. In short, 'di ko siya gusto. Ayoko sa kanya.. Ayoko talaga kahit ano 'pang pagpursige niya.
Pero nitong mga nakaraang araw napa-isip ako, bakit parang na-miss ko yata ang pangungulit niya? Hinahanap- hanap ko ang presence niya? In short, mukhang na-miss ko yata siya? PERO, HINDI! Sigurado akong hindi... Nanibago lang siguro ako... OO! Tama. Yun nga. Malamang nasanay lang ako na laging merong Renz na nangungulit sa akin at ipinagpipilitan ang sarili kahit sobra na yung pagtanggi ko. Kaya nung mga araw na nagdaan at wala siya para guluhin ako, nanibago lang talaga ako.
"Oy, Shahani, saan ang lakad niyo?"
"Sa church..."
"WEH? CHURCH? HAHAHAHA!! Nagpapatawa ka ba?"
"Sa church nga."
"Oh, nandiyan na pala si Kuya Lawrenz eh..."sabi nung girl na hindi ko kilala. Kumunot naman agad yung noo ko dahil sa sinabi niya.
"Huy Lawrenz! DITO!" kinaway-kaway pa ni Shahani yung dalawang kamay niya para ma-recognize agad siya.
Napatingin ako sa direksyon na tinitingnan nila.
Si Renz nga.
"Uy! Hi! Buti pinayagan ka... TEKA~! pinsan mo? Siya ba yun?"
"Yep. Si Nadine.. Nads, si Lawrenz... Lawrenz, si Nadine.. Siya yung kinukwento ko sa'yo."
"Ah, helo po." magalang na sagot naman nung Nads daw. Tsk!! Masyado namang pa-tweetums yung isang yun. Nakakapang-init ng ulo.
"So ano, tara. Alis na ba tayo?" kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Renz.
"Tek--" umurong agad yung dila ko at 'di na naituloy yung dapat sabihin kasi umalis agad sila.
Ano yun? Bastusan? Hindi man lang ako pinansin, kinibo, tinanguan, o nginitian man lang?!
AYOS AH!
Hindi na pala nag-eexist ang ADA sa mundo ni Lawrence Esteves...
PESTE LANG!!
DUDA talaga akong sa church ang lakad ng mga yun.. Talagang sinama pa nila yung Nads para may CHAPERONE sila..
AKALA NILA HAH~!!
Palihim ko silang sinusundan. Naglalakad lang naman sila habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada.. Tumigil sila sa,
"CHINA BANK?!" sabi ko sa sarili ko. "Ah... Siguro magwi-withdraw pa sila ng pang-date nila. psh." Pero nagulat ako nung 'di sila doon dumiretso at tumungo pa sa may masikip na daan at umakyat hanggang makarating ng 3rd Floor nung building..
ANYARE?? Pero napailing ako at naisip na baka doon ang venue ng date nila..
Pero napakunot noo ako ng, "WELCOME PO! WELCOME PO SA AMING YOUTH CENTER!"
Panay 'welcome po' ang bati sa akin at kinakamayan nila akong lahat pagpasok ko. Pakiramdam ko nga mahihilo ako dahil sa panay ngiti nila sa akin.
Nung una eh, "Ano ba 'tong napasukan ko? ANG WEIRD!" yan agad ang sabi ko pero nung magtagal dh natuwa rin ako..
SERVICE pala ang tawag nila rito. May PRAISE and WORSHIP. May PREACHING din na ikinatuwa ko, kasi tamang-tama ako!
TAGOS! SUPER RELATE. Patungkol kasi sa mga kabataang pariwara yung preaching. Nakakainis lang kasi masakit na nga yung loob ko bago ako napadpad dito, lalo 'pang nadagadagan yung sakit dahil sa mga katotohanang narinig ko.
Totoo naman kasi. Isa ako sa mga kabataan na wala na lang ibang inatupag kung paano mapapasaya yung sarili pero walang oras para sa iba.
Pero mas ikinagulat ko nung malaman ko na si Renz pala yung nagda-drums.
"WOW~!" Yan ang tanging nasabi ko dahil sa amazement. Ang GALING niya at halatang enjoy na enjoy pa siya.. Nung closing song na at pa-akyat na ulit si Renz sa stage eh nagpasya na akong umalis.
Mali pala yung iniisip ko. Nagselos agad ako. SELOS?!
Selos nga ba yun? Sorry naman.. Akala ko kasi ano eh.. BASTA~!
Bago pa ako makalabas eh may girl na lumapit sa akin and she's telling me:
"Miss. The Lord our God is urging me to tell you this, Jeremiah 29:11, For I know the plans I have for you.. Plans to prosper you and not to hurt you. Plans to give you a hope and a future.."
I just give her my most SINCERE smile. Hanggang paglabas ko eh paulit-ulit na nagpi-play yung Jeremiah 29:11 na yun..
"ADA!"
"ADA~! WAIT!!" Boses ba ni Renz yun? NAKU! Paano mangyayari yun eh nasa loob siya di'ba?
"Ada..." nagulat ako ng si Renz talaga yung tumambad sa harap ko..
"Sinong kasama mong nagpunta rito?"
"Bakit ka napunta rito?"
"Sinundan mo ba kami?" tsaka siya ngumisi. ABA! Marunong DIN palang ngumisi ang isang 'to.
"Eh ano ngayon kung sinundan ko kayo?" taas-kilay naman na sagot ko.
"Eh bakit mo kami sinundan?"
"WALA KA NA 'RUN! Teka, eh bakit mo ako iniiwasan?"
"Sino kaya yung unang umiwas ha?"
TAE. Walang kwenta talagang kausap 'to..
"Bahala ka nga diyan..."
"Sus.....eto naman....." sabay akbay niya saken..
"Hoy Renz! Tanggalin mo yang kamay mo... Hindi ako sampayan..." Nakuha siya sa matalim kong tingin kaya agad-agad niyang tinanggal.
"Ikaw talaga Ada. Huwag kang mag-alala kasi hindi naman kita ipagpapalit. Alam kong hindi nagkamali si Lord ng babaeng pinili para sa akin.."
"Asa ka namang gusto rin kita Renz. ASA~!"
"Ada... Alam mong masama ang magsinungaling.."
"So? Did I Lie?" pagmamaang maangan ko pa..
"Yes Ada... Yes... Alam kong gusto mo rin ako..."
"WHATEVER RENZ! WHATEVER!"
Simula nung araw na yun eh mas naging CLOSE kami at always ng magkasama.. Kasa-kasama na rin niya ako every service nila sa Youth Center...
Doon ko rin nalaman ang hiwaga ng Jeremiah 29:11, na sa simula pa lang eh God knows what is best for me.. Alam Niya kung anong mas makakaButi para sa akin.. Na si Renz ang tamang tao para sa akin..
1 year and 2 months na rin matapos kaming maka-graduate sa kolehiyo at parehas na rin kaming may stable na trabaho pero HINDI pa rin kami..
Naiinis na nga ako kasi ako na mismo ang nagpi-prisintang KAMI na pero AYAW NIYA..
"Hindi pa ito yung God's timing.. Let's just wait for His GO signal.."
Yan ang palagi niyang sagot.. Kung pwede nga lang na i-break ko siya agad kahit di pa kami ginawa ko na hays...
"Ada, 3 hours na akong nandito. Naghihintay. Baket ngayon ka lang? 'Di ka nagrereply sa mga text ko. Pati tawag ko, ini-ignore mo? Baket?"
"Sus! WALA! Teka, bakit mo ba ako pinapunta rito ha? Istorbo ka eh!"
"Ada naman... Hanggang ngayon ba galit ka pa rin dahil ayaw kong---"
"Ack. WHATEVER!" pero bigla ko na lang naalala yung Jeremiah 29:11. Bad trip. Parang konsensya yung tinig nung babaeng yun e. Tiwala lang Ada. Mahal ka niyan kayo man o hindi. Tsk. "hays... 'de, okay lang. Kung ayaw mo pa, I mean ni Lord pala, I understand. I can wait pa naman.. Basta ba ako lang talaga ha? TSK! Ganito ba talaga 'pa CHRISTIAN ang manliligaw? AYT."
Parang binalewala niya lang yung sinabi ko at "Anong date ngayon?" Yan lang ang sabi niya..
"Date? AH~!! May DATE tayo ngayon?"
"Ada... Hindi yang date na iniisip mo ang tinutukoy ko..tss. PETSA?!"
"June 29, 2011." padabog pa yung pagsagot ko niyan..
"Today is the day.."
"HA?!"
"Slowpoke. Jeremiah 29:11, June 29, 2011... Aimee Danica Flores, simula ngayong araw na ito na itinakda ng Diyos, girlfriend na kita okay?"
"TANG-INA KA TALAGA RENZ!! LETSE KA!!!! BWISET~~~!"
"Ada, masama ang mag-mura.."
"PUTEK RENZ... WAAAAH......"
"Wag mo naman akong MURAhin.. Bakit 'di mo i-try na ako'y MAHALin??"
"Ada, I LOVE YOU... I love you because you love my God."
"Renz, I LOVE YOU, TOO... I love you because you love my God too..."
-END- korni po. Pagpasensyahan. Pero Lord, para sa'yo ang lahat ng ito. Mahal kita. Salamat sa walang katumbas na pagmamahal mo. :)